LOGINJoren's P.O.V
Takbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.
Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa.
"Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.
Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.
Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!
Napaka-OA naman!
"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa.
"Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos ang sasabihin ko nang biglang may naaninagan ako sa 'di kalayuan na ilaw na nanggagaling sa flashlight.
May tao ibang tao dito sa kagubatan!
"Gelard, tago!" Bulong ko kay Gelard at nagtago na kami sa puno. Maya-maya'y narinig kong papalapit na sa amin ang mga yabag.
Sumilip ako nang kakaunti sa aking pinagtataguang puno. Nakita kong may dalawang lalaking inililibot ang paningin sa paligid.
"Nasaan na tayo? Pre, nawawala na tayo! Balik na tayo! Kung saan-saan na tayo nagpapasikot-sikot dito sa kagubatan!" Rinig kong sabi ng isang lalaki sa kanyang kasama.
Napangisi na lamang ako nang may maisip akong paraan para magsitakbuhan silang dalawa. Kumuha ako ng mga bato sa lupa at dahan-dahang umakyat sa puno.
Sinundan lamang ako ng tingin ni Gelard at hindi man lang ako tinulungan! Napakawalang kwenta talaga itong lalaking ito.
Nasa taas na ako nang puno at sumilip roon sa baba, nakita kong naroon pa rin ang dalawang lalaki. Gamit ang mga batong kinuha ko kanina ay inisa-isa kong pinagbabato ang dalawang lalaki sa baba.
"Fuck! Sino yun?!" Rinig kong sabi ng lalaki at sabay tutok ng flashlight na hawak niya sa taas. Nagtago ako nang mahagip ako ng ilaw na nanggagaling sa flashlight ng lalaki.
"May tao ba diyan?!" Galit na sabi ng lalaki. Napapangisi na lamang ako habang nakikita ko silang natatakot.
May natira pang mga bato sa kamay ko, itinapon ko na lahat iyon sa baba. Lalo silang natakot at nagsitakbuhan. Nang maramdaman kong nakalayo na sila, ay bumaba na ako sa punong pinag-akyatan ko.
Napatawa na lang ako nang makababa sa puno. "Kahiy kailan talaga, Gelard. Hindi mo talaga ako tinulungan, napakawalang kwenta mo talaga!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko naman alam na tatakutin mo pala yung dalawang iyon!" Aniya at muli kaming umalis.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nagpapalakad-lakad dito sa kagubatang ito!
Napansin kong nag-iiba na ang kulay ng kalangitan, medyo lumiliwanag na rin. Narito pa din kami sa kagubatan.
"Gelard, dala mo ba yung phone mo?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa hotel, iniwan ko." Sagot niya.
"Fuck! Ba't mo naman iniwan?!" Napakawalang kwenta talaga itong tao na ito!
"Hindi ko naman alam na ganito pala mangyayari sa atin!" Nakakabwiset itong lalaking ito!
"Puro ka naman hindi mo alam!" Sabi ko at inunahan siya maglakad.
"Joren, saglit!" Rinig kong sabi niya habang sumusunod sa akin.
Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap ako. "K-kung bumalik kaya tayo doon. May extra pala akong dalang cellphone doon!" Napataas ang kilay ko nang marinig ang sinabi niyang iyon.
"Gago ka ba?! Mag-isip ka nga nang mabuti! Gamitin mo naman iyang utak mo! Kung saan-saan na nga tayo nagpapasikot-sikot dito sa gubat na ito, may balak ka pang bumalik doon?! Tanga!" Inis na saad ko sa kanya at muling inunahan siyang naglakad.
Maya-maya'y napansin kong may palabas na ng kagubatan. Fuck! Nakaalis din sa masukal na kagubatan na iyon! Tumakbo ako papalapit doon at nakita ko ang mahabang kalsada."WOAH!!! FUCK!!! Nakaalis din!" Masiglang sabi ko at napahinga nang malalim at nilanghap ang amoy ng kalayaan.
Napapahiyaw-hiyaw pa ako at napapapalakpak sa sobrang tuwa. Napabaling ako kay Gelard, hindi siya napakaniwala na nakalabas din kami sa kagubatang iyon.
"So, saan na tayo ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Lalakarin ba natin ito?" Dagdag pa niya.
Napakibit balikat na lamang ako sa tanong niya. Pinilibot-libot ko ang tingin sa mahabang kalsada.
May napansin ako sa 'di kalayuan na parang may sasakyan doon. "Gelard, look." Tawag ko sa kanga at sabay turo sa may isang sasakyan doon sa 'di kalayuan.
"Tara!" Aniya at tumakbo papunta roon. Sumabay na rin ako sa kanya sa pagtakbo. Maya-maya'y nakalapit na kami sa tinuro ko kanina.
Teka! Ito yung jeep na sinakyan namin papunta dito!
"Gelard, tignan mo nga kung may susi diyan sa loob." Utos ko sa kanya at agad naman niya ito sinunod.
"May susi dito, Joren. Saktong-sakto talaga, makakauwi na tayo!" Aniya at ipinakita pa sa akin ang susi.
"Sinadya sigurong dito ilagay ni Querogullo ang jeep para makita natin agad."
"Ewan ko doon sa matandang iyon." Sabi ko sa kanya. Sumakay na kami sa jeep at pinaandar ito.
"Patay na siguro silang lahat doon! Excited na ko sa makukuha nating mga ginto! Bibili talaga ako ng ferrari kapag nakuha ko na iyong gintong iyon!" Masiglang sabi ni Gelard sa akin.
"Hinay-hinay ka lang sa pag-iisip ng kung ano-ano, Gelard. Tatandaan mo ito, mas marami akong nagawa kaysa sa iyo!" Sabi ko sa kanya na nakapag-pagalit sa kanya.
"Siguro nga! Patay na silang lahat doon!" Pag-iiba ko ng usapan. Hindi na niya ko kinausap pa dahil puro pangbabandal ang mga sinasabi ko sa kanya.
Masyado naman kasi siyang mapag-isip ng mga bagay-bagay. Nakakainis lang kasi simula no'ng papunta pa lang kami dito sa Pulang Kagubatan, ay ni-isa man lang wala siyanh naiambag man lang. Puro ako na lang lagi ang kumikilos!
Nakarating na rin kami sa wakas sa hotel. Medyo malapit nang mag-umaga kaya dali-dali kaming pumasok doon sa hotel kahit wala pa ang mga guard.
Mabilis na pumasok kami sa elevator at pinindot ang 4th floor kung saan naroon ang kwarto naming dalawa ni Gelard.
Nang makarating na kami ay agad-agad na naming binuksan ang kwarto namin. Hindi na namin ito sinara dahil wala namang mananakaw dito sa amin. Pwera lang sa mga cellphone namin dito, ang nga pera naman namin, nandoon sa bahay na pinagtutuluyan namin sa Pulang Kagubatan.
"Gelard, mauna ka ng maligo, tatawagan ko lang si Querogullo." Sabi ko sa kay Gelard. Nakita kong kumuha na siya ng damit niya at dire-diretsong pumasok sa cr.
Kinuha ko ang phone ko na nasa bag, in-open ko ito at nakita kong maraming mga missed calls kay mommy and daddy. Naalala ko pala hindi pa pala ako nakapag paalam sa kanila na aalis pala kami.
Baka ko tawagan si Querogullo ay tiningnan ko muna ang oras na nasa cellphone ko. It's already 5:28 am in the morning, napakaaga naman namin dito.
Pagkatapos ko tignan ang oras sa cellphone ko, ay saka ko na tinawagan si Querogullo at inantay kong sagutin niya ang tawag ko. Maya-maya'y sinagot na niya rin ito.
"Ano na?!"
"Tapos ka na diyan?"
"Hindi pa ko tapos! May isa pang nakawala!"
"Pumunta ka na dito! Kukunin na namin yung ginto! Uuwi na kami!"
"Oo na, oo na! Ngayon na talaga?"
"Malamang! Ano ba ang sabi ko?!"
"Sige."
Bakit may nakatakas pa?! Bullshit! Sino kaya iyon?! Napakatapang naman!
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan mula sa cr, lumabas mula roon si Gelard na bihis na bihis na. Dala-dala niya ang labahan niya at dire-diretso niyang inilagay sa bag niya iyon.
"Ikaw naman!" Aniya at kumuha na ako ng bagong damit sa bag ko. "Nga pala, pupunta ba si Querogullo dito?" Bigla niyang tanong mula sa akin.
"Malamang! Kaya nga tinawagan ko siya eh!" Pabalang kong sagot at saka dumiretso sa cr.
Gelard's P.O.V
Kanina pa ko naiinis kay Joren! Sa tuwing kakausapin ko siya lagi na lang masama ang pananalita niya sa akin! May ginawa ba kong masama sa kanya at para gano'n siya kung umasta?
Umupo na lamang ako sa higaan at kinuha ang phone ko sa bag. In-open ko iyon at nakita kong maraming mga text at tawag mula sa mga kaibigan ko sa school. Isa-isa kong binasa iyon.
Maya-maya'y lumabas si Joren na nakabihis na. Nagpabango siya at nagsuklay ng buhok.
"Tara na! Baka inaantay na tayo ng matandang iyon sa baba!" Aniya at lumabas na kami ng kwarto.
Saktong pagkababa namin sa hotel ay nakita naming tumigil na sa harapan ng hotel ang lalaking naka-motor. Mukhang si Querogullo na nga ito!
Dali-dali kaming lumabas ng hotel at tumungo sa lalaking naka-motor. Nakita kong may dala-dala siyang supot na maitim at malakong palakol.
"Para saan iyang palakol na iyan, tanda?" Maangas na tanong ni Joren kay Querogullo. Kahit kailan talaga ni-hindi ko nakitang rumespeto itong si Joren sa kanya. Kahit noong mga bata pa kami, hindi na niya nirerespeto si Querogullo.
Hindi sinagot ni Querogullo ang tanong ni Joren. "Nga pala... Bakit may nakatakas pa sa mga iyon?" Ang tinutukoy ni Joren ay sina Hazielle at Jadhrie at ang iba pa naming mga kasama na naiwan doon sa gubat.
"Isa na lang din naman ang nakatakas! Hindi ko ito ibibigay sa inyo hangga't hindi ko napapatay ang isang lalaki na nakatakas doon!" Inis na sabi ni Querogullo.
"Sino kaya iyon?" Tanong ni Joren sa sarili. Pakiramdam ko, si Jon iyon o kaya naman si Macky.
"At saka... Bakit hindi mo ibibigay sa amin ang ginto? Kaya nga kita pinapunta rito para ibigay ang ginto! Sinabe ko na iyon sa iyo kanina sa tawag 'di ba?! Ibigay mo na iyan sa amin dahil uuwi na din kami kaagad!" Inis na sabi ni Joren kay Querogullo.
"Iisa na lang din naman! Ibigay mo na sa amin iyan! Mapapatay mo din iyon! Maniwala ka sa akin! Bilis na!" Dagdag pa ni Joren.
Napailing-iling na lamang si Querogullo sa kanya. "Heto! Basta sisiguraduhin ninyong susundin ninyo ang ating tradisyon!" Sabi ni Querogullo at inabot na kay Joren ang hawak nitong itim na supot.
"What! No! Sino ang makikinabang niyan kung mamatay kami?!" Inis na tanong ni Joren sa kanya.
"Ang pamilya mo!" Sagot ni Querogullo.
Napabuntong-hininga na lamang si Joren at napatalikod. Maya-maya'y napaharap si Joren at mabilis na kinuha kay Querogullo ang itim na supot. "Okay!"
Hindi ko alam kung ilang oras na ang tinagal dito ni Querogullo, kung ano-ano pa kasi ang mga pinagsasabi ni Joren sa kanya. Maya-maya'y nagpasya na ring umalis si Querogullo, baka daw kasi kung saan-saan pa nagpapasikot-sikot doon sa kagubatan yung isang nakawala.
Inantay lang naming makalayo ang motor ni Querogullo nang muling kausapin ako ni Joren. "Tara na! Uwi na tayo! Nakuha ko na din naman yung gusto ko! Napaka uto-uto talaga ng matandang iyon kahit kailan!" Aniya at muli kaming bumalik sa hotel at kinuha na roon ang mga gamit namin.
Nang matapos na kami magligpit ng mga gamit ay agad-agad kaming bumaba sa hotel. Pagkabukas ng pintuan ng elevator ay nakita na namin ang mga staffs doon na busy sa pagtatrabaho. Dire-diretso na kaming lumabas ng hotel at tumungo sa pinagparadahan ng van namin.
Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at agad na pumasok doon. Inilagay ko ang bag ko sa tabi ng driver's sit, kinuha ko doon ang susi ng sasakyan at pinagana na ang makina ng van.
Bago ko pinaandar ang aking van, ay inantay ko munang umandar ang sasakyan ni Joren. Maya-maya'y nakita ko na ring umandar ang sasakyan niya at saka ko na rin pinaandar ang sasakyan ko.
Sa gitna ng aking pagmamaneho ng van, ay bigla na lamang akong kinabahan. Napakunot ang noo ko at hinawakan ko gamit ang kaliwang kamay ko ang dibdib ko.
Bakit na lang bigla ako kinabahan?
Hindi naman ako ganito noon ah?
May mangyayari ba?
Joren's P.O.V
Habang nagbabyahe ako ay bigla na lamang akong napangisi. Naalala ko na naman ang ginawa kong pagpapauto sa matandag iyon. Napabaling ang tingin ko sa itim na supot na binigay sa akin ng matanda.
Iniisip ko kaagad kung ano ang pwede kong magastos dito lalo na't--
T-teka!!!
Ano na nga ba tayo ngayon?
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng shorts ko. Binuksan ko iyon at tinignan ang petsa ngayon. Napangiti na lamang ako nang makita kong April 10, 2018 na.
Malapit na nga pala!!!
Soon will be your day!!!
Gelard Ibarra...
*****
[ May 16, 2018]
Gelard's P.O.V
"Happy Birthday, Gelard!!!" Bati sa akin ni mommy sabay halik sa pisngi ko.
"Birthday na ng baby boy ko!" Dagdag pa niya.
"Mommy tama na, hindi na ko baby boy. May abs na nga ako eh." Sabi ko sabay pakita ng abs kay mommy.
Natawa naman si mommy sa ginawa kong pagpapakita ng abs ko sa kanya. "Aanhin mo naman yung ganyang abs kung wala ka namang girlfriend!" Pagbibiro niya.
Magsasalita pa sana siya nang biglang tawagin siya ni yaya na may dala-dalang ulam. "Ma'am pakilasahan naman po kung ayos na." Sabi ni yaya at binigyan si mommy ng kutsara.
Tinikman na niya ang pagkain at ninamnam ito. "Maayos na, yaya. Iligay mo na doon sa table para makakain na ang mga bisita." Utos ni mommy kay yaya at agad din itong sinunod ni yaya.
"What? May bisita?" Nagtataka kong tanong kay mommy. Napaharap si mommy sa akin at napatango. "Oo naman, birthday mo eh. So kailangan magcelebrate. 20 years old ka na, anak. Oh siya, maligo ka na ang baho-baho mo na hindi ka naligo kahapon no'ng nag-training ka sa football niyo, diretso tulog ka lang agad, tignan mo iyang suot mo naka jersey ka pa. Bilisan mo maligo, diretso ka na agad sa labas nandoon lahat ng mga handa at mga bisita, kanina ka pa nila inaantay." Sabi ni mommy sa akin at umalis na siya sa harapan ko.
Actually, kakababa ko lang galing kwarto dahil naririnig ko ang ingay sa baba kaya dali-dali akong bumangon. I didn't know na ngayon na pala ang birthday ko.
Muli akong umakyat sa taas at dumiretso sa kwarto ko. In-open ko ang phone ko na nasa maliit na mesa katabi ang higaan ko. Nakita kong punong-puno ng mga pambabati ng mga kaibigan ko sa Facebook.
Nakakapanibago ang group chat namin, super tahimik. Oo nga pala, wala na sila. Sila Shelby, Jon, Macky, Jadhrie, Hazielle at ang iba pa. Maya-maya'y biglang may nagchat sa akin. Si Joren.
Joren
Active NowJoren:
I have a BIG SURPRISE for you, bro! By the way... HAPPY BIRTHDAY!!! Paniguradong magugustuhan mo ang BIG SURPRISE ko sa iyo! Be ready...Kung ano man iyang BIG SURPRISE na iyan sana matutuwa ako diyan.
Pinatay ko n ng phone ko at pumunta ako sa cr para maligo.
Maya-maya'y natapos na ako sa pagligo, nagsuot lang ako ng simpleng shorts at t-shirt lang na kulay pula. It's my birthday, kaya sinadya kong magpula.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na agad ako. Pagkababa ko ay nakita kong abala ang mga yaya namin sa pagluluto. Dumiretso na ako sa labas at nakita kong nagsisikain na ang mga bisita.
"Here is the birthday boy!" Rinig kong sabi ni mommy na nakapag-paagaw ng atensyon ng mga bisita sa kanya. Lumapit sa akin si mommy at hinatid na ako sa mismong handaan.
"Pare!" Tawag sa akin ng mga kaibigan ko at lumapit na sa akin. "Inuman mamaya ah?!" Masayang sabi ni Vince sa akin.
"Nasaan muna ang mga regalo ko?" Pagbibiro ko sa kanila. "Fuck, bro! 20 years old ka na, hindi ka na pwedeng regaluhan pa! Hindi ka na bata!" Sabi sa akin ni Kim sabay gulo sa buhol ko.
"Oo na, oo na. Mamaya mag-iinuman tayo! Bibili ako ng Black Label." Sabi ko sa kanila. "Ayun oh! Black Label pa! Lima ah? Sulitin na natin! Malapit na din naman ang pasukan next school year!" Sabi ni Terry sa akin.
"Oo na! Kahit sampung Black Label pa bibilhin ko! Kumain na kayo diyan! Mga patay-gutom HAHAHAHAHA!" Sabi ko sa kanila at saka bumalik na sila sa table.
Tumungo ako sa mahabang table at tinignan ang mga handa. Grabe! 20 years old na ako pero ang dami pa ring mga handa! Nakakita ako ng lumpia doon at kumuha ng isa.
Maya-maya'y lumapit sa akin si mommy at binulungan ako. "Anak, tawag ka ni Joren nasa labas siya." Bulong sa akin ni mommy at napatango ako. Inubos ko na ang isang lumpia at kumuha pa ng isa saka ako lumabas ng bahay.
Nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya at halatang inaabangan talaga ako. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Nasaan na yung sinasabi mong big surprise mo sa 'kin?!" Tanong ko sa kanya.
"Sumakay ka muna sa kotse, may pupuntahan tayo." Aniya at pumasok na ako kaagad sa kotse. Pumasok na rin siya roon at agad na pinagana ang makina ng kotse, papandarin na sana niya ang kotse nanh biglang may kumatok sa bintana ng kotse.
Napalingon ako roon at nakita ko si Terry, agad kong binuksan ang bintana ng kotse at saka nagsalita si Terry. "Bro, bibili ka na ba ng Black Label?" Tanong niya. Nag-aalangan pa 'kong napatango sa kanya, hindi niya alam na naiwan ko ang wallet ko sa bahay. Umalis na rin siya at saka muling pinaandar ni Joren ang kotse.
Joren's P.O.V
Habang nagmamaneho ako ng kotse ay palihim akong napapangiti. Tamang-tama ang plano ko!!!
Itinigil ko ang kotse ko sa tabi ng overpass. Lumabas na kami sa kotse at napabaling ang tingin ko kay Gelard, panay tingin niya sa paligid. Hindi niya ba alam kung saan itong lugar na ito?
Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. Pumunta kami sa overpass at umakyat roon. Napatigil kami sa paglalakad at pinagmasdan ang mga kotseng mabilis na rumaragasa sa kalsada. "Anong gagawin natin dito?" Tanong niya sa akin.
Palihim akong napatingin sa paligid. Nasaan na kasi siya?
Maya-maya'y nakita ko na siyang paakyat sa overpass, napaayos ako ng tayo at muling inakbayan si Gelard. Palihim akong sumilip at nakita kong papalapit na siya sa amin.
Napatigil rin siya sa pwesto namin. Ipinaharap ko si Gelard sa akin at napangiti sa kanya.
"Happy 20th birthday, Gelard!" Sabi ko sa kanya at saka kumilos si Querogullo na nasa likod niya. Ginilitan niya si Gelard at saka itinulak sa tulay para mahulog siya sa kalsada.
Buti na lamang ay walang mga tao dito sa overpass kaya ayos lang ang ginawa ni Querogullo sa kanya. Natalsikan pa ako ng mga dugo ni Gelard nang gilitan siya ni Quetogullo.
Napatingin ako sa kalsada at nakita ko siyang napahandusay roon. Nakatingin lang siya sa amin at nagulat ako nang biglang may dumaang malaking truck sa pwesto niya. Muli akong napabaling sa kalsada at nakita kong durog-durog ang katawan niya.
May iilan pang mga kotse ang napatigil at napalabas lamang sa mga kotse nila at tinignan ang durog na katawan ni Gelard. Hindi na ko nagtagal pa ay umalis na kaagad ako.
Umalis na rin pala si tanda pagkatapos niyang itulak si Gelard. Alam kong ako na ang susunod kaya dali-dali na akong bumaba sa overpass at sumakay sa kotse.
Umuwi na ako sa bahay at kaagad na nagligpit ng gamit. I have some money, kaya luluwas ako ng bansa para makalayo-layo at para na rin hindi ako mahanap ng tandang iyon!
Medyo malapit na ang birthday ko pero kailangan ko pa ring maglayo-layo agad. Doon ako sa Canada titira, nandoon si tita. Wala pa si mommy at daddy dahil nasa trabaho pa sila. Dali-dali akong lumabas at nilagay lahat ng mga gamit ko sa kotse.
Ayoko pang mamatay! May paggagamitan pa ako ng mga gintong binigay sa akin ni tanda. Gagastusin ko kaagad iyan kapag nakarating na ako sa Canada.
Goodbye, Querogullo.
Happy Death Day, Gelard Ibarra.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong