Home / All / RED FOREST / Chapter 22: The Beginning (5)

Share

Chapter 22: The Beginning (5)

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 02:25:26

Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.

Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.

Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.

Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.

Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong iyon, na kahit ilang taon pa lang siyang nakatira doon ay parang may lihim na tinatago si Vidan sa kanya.

Napansin niya ito nang dahil sa palagiang pag-alis nito at pag-uwi ng madaling araw.

Kanya itong nilapitan at binuksan. Tumambad sa kanya ang maraming mga damit ni Vidan, isasarado na sana niya ang aparador nang may mapansin siyang maliit na kahon sa may bandang ibaba ng aparador.

Kinuha niya iyon at isinarado ang aparador, umupo siya sa higaan nito at saka binuksan ang kahon. Tumambad sa kanya ang mga lumang litrato.

Inisa-isa niya itong tinignan at laking gulat niya na may litrato siya ng anim na mga estranghero na sumakop sa kanilang baryo.

"Sinasabi ko na nga ba. May tinatagong baho itong lalaking ito!" Inis na sabi niya at nilakumos ang litrato. Muli niyang tinignan isa-isa ang mga litrato at lahat sa mga ito ay mga litrato niya kasama ang anim na estrangherong iyon.

"Isa ka pala sa kanila!" Galit na sabi niya at tumungo sa kusina at doon ay pinagsusunog niya ang mga litratong iyon. Habang unti-unting nagiging kulay itim ang mga litrato at nagiging abo ay iniisip na niya kung anong klaseng pagpatay ang gagawin niya kay Vidan.

Victor's P.O.V

"Geraldo, anong nakain mo at pinaglayo mo ang dalawang bahay na itinayo natin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kaya ko naman ginawa iyon ay para maging tambayan natin." Sagot niya.

"Eh paano naman itong isang bahay na ito." Sabay turo sa isang bahay na nasa harap namin.

"Pagpaplanuhan ko pa kung ano ang gagawin natin dito sa bahay na ito. Wala pa rin namang mga kagamitan dito siguro dito na lang natin ilalagay lahat ng mga bigay na sandata sa atin ni Laurel."

Napatango na lamang ako sa sinabi niya at umalis sa tabi niya. Nagtungo ako sa may malapit na puno at sumandal roon, may kinuha ako sa bulsa at tinignan iyon. Ito ang litrato namin ng asawa ko kasama ang anak namin na si Viñea, medyo malaki na ang anak ko kung kaya't nakakatulong na rin doon sa aming bahay, habang ako'y narito at nagpapakasaya lamang.

Hindi naman nagalit sa akin ang asawa ko dahil binigyan ko rin siya ng gintong nakuha namin dito dati. Para na rin may panggastos sila roon. Sa dalawang malalaking bahay na naipatayo namin dito ay hindi namin napagpasyahang dito dadalhin ang aming mga asawa at mga anak upang dito tumira.

Ginawa itong dalawang bahay na ito ay para lang sa aming magkakaibigan. Nagulat na lamang ako nang biglang may pumatong na kamay sa balikat ko. Si Berto iyon.

"Naaalala mo na naman ba ang mag-ina mo?" Tanong niya.

Ibinalik ko sa bulsa ko ang litratong hawak ko, at napatingin kay Berto. "H-hindi, bigla ko na lang kasing naramdaman sa bulsa ko na may kung ano roon kaya kinuha ko." Pagdadahilan ko. Sa totoo lang, noong pag-uwi namin galing dito dati noong sinakop namin yung baryo na nandito, ay kinuha ko talaga iyon at itinago sa aking bulsa dahil nga't hindi na kami babalik sa aming pamilya at dito na kami titira.

Napatango-tango na lamang siya at umalis. Nakahinga na ako ng mabuti nang makaalis siya. Muli akong napasandal sa puno at tinignan ang bahay na nasa harapan ko. Patawad kung hindi ko kayo madadala rito aking asawa at anak.

Sinabiham kasi kami ni Laurel na sa oras na may magpapunta dito sa amin na kung sino man, ay tiyak na gigilitan niya ang leeg nito. Wala namang kaming magawa kundi ang sumunod na lang. Kilalang-kilala na namin itong si Laurel, baka kami kayang patayin iyan.

"Mga pare!"

May narinig akong may tumatawag sa amin kaya agad ko itong tinignan. Hays! Si Florante pala, bakit kaya siya narito?

"Oh! Florante, napadalaw ka?" Agad na tanong ni Geraldo sa kanya. Nakita naming may dala-dala siyang dalawang kahon ng alak.

"Nagpunta ako rito para magdiwang dahil napagawa na ang inyong dalawang malalaki at magagarbong bahay! Nga pala... Nasaan ang mga asawa ninyo?" Aniya at napatingin-tingin sa amin. Nang magawi ang tingin niya kay Laurel ay hindi na niya inantay pa ang mga sagot namin at muling nagsalita.

"O heto mga alak, tara na sa loob ng bahay niyo at mag-uumpisa na ang inuman natin." Aniya at pumasok na sa loob ng bahay. Napatingin-tingin kami sa isa't isa bago kami nagsipasok sa loob ng bahay.

"Napakaganda naman dito sa loob! Iba na talaga kayo, ang yayaman niyo na. Baka naman, pahingi ako kahit tatlong ginto lang. Sa pagkakaalam ko, marami kayong nakuhang ginto."

"May naitulong ka ba sa pagpasok at pagpaplano namin dito noon?" Sabi ni Geraldo.

Hindi na sinagot pa ni Vidan ang tanong niya at inilatag na sa mesa ang mga alak. Kumuha na ng isang baso si Berto at umupo na sila sa kani-kanilang upuan.

Binuksan na niya ang bote ng alak at nilagyan ang kanyang baso saka niya ininom ito at inubos. "Kailan kayo nag-umpisang ipagawa itong bahay niyo?" Aniya at inilibot-libot ang paningin sa buong bahay.

"Noong nakaraang buwan lang, kahapon lang ito natapos nang gabi." Sagot ni Geraldo.

"Ang bilis naman yata."

"Marami kasi ang mga trabahador na gumawa dito at saka doon sa kabila, halos sabay natapos sa paggawa ng bahay." Sagot naman ni Laurel.

*****

Gabi na nang mapagpasiyahang umuwi ni Vidan. Lasing na lasing na silang lahat, ang ilan sa kanila'y napaidlip na lamang.

"Maraming salamat talaga at dinalaw mo kami dito, Florante!" Sabi sa kanya ni Victor habang akbay-akbay ang kaibigan. Paika-ika silang nilalakad ang masukal na kagubatan.

Muntikan nang madapa si Vidan buti na lang ay naalalayan siya nito ni Victor. "Kaya pa ba, Florante? Makakauwi ka pa ba nang maayos? Magmomotor ka pa!"

"Oo pare, ayos lang talaga ako! Kayang-kaya ko ito!" Aniya at napahagikgik sa tawa. Maya-maya'y nakalabas na sila sa kagubatan at hinanap na ang motor ni Vidan.

Madilim na ang buong paligid at tanging liwanag na lamang na nanggagaling sa buwan ang tanging ilaw mula roon. Ilang minuto lang silang naglakad at nahanap na rin nila ang motor ni Vidan.

Inalalayan ni Victor ang lalaki sa pagsakay sa motor nito upang hindi ito matumba. "Alis na ko pare!" Sabi ni Vidan at hinawakan na ang manibela ng motor.

"Oh, heto nga pala bilang pasasalamat sa pagdalaw mo dito sa'min!" Aniya at may inabot kay Vidan na supot na itim. "Ano ito?" Nagtatakang tanong ni Vidan at tinignan pa ang supot na itim na hawak nito.

"Ginto ang nasa loob niyan, mga tatlong piraso ang nilagay ko diyan, galing pa iyan kay Geraldo kaya 'wag mo na lang ipaalam sa kanya." Sagot nito.

"Nako! Maraming salamat talaga! Sige na, aalis na ko!" Sabi ni Vidan at pinagana na ang makina ng motor. Tumango na lamang si Victor at tinapik pa ang likod nito saka muling pinaandar na ni Vidan ang kanyang motor.

Bago muling bumalik si Victor sa kanilang bahay, ay pinagmasdan niya muna ang nagmamanehong si Vidan. Nag-aalala siya dahil baka madisgrasya ito. Maayos naman ito at tuloy-tuloy lang ang pagmamaneho niya.

Nang medyo makakalayo na siya ay saka bumalik si Victor sa kanilang bahay at nilinis ang mga kalat roon.

*****

Maayos namang nakapagmaneho si Vidan kahit siya ay lasing. Madilim na sa daanang dinaanan niya kaya ginamit na niya ang ilaw sa kanyang motor.

Paliko na sana siya sa isang daanan nang bigla pa siyang sumemplang. Tumalsik lamang siya sa kung saan. Napaungol siya sa sakit at dahan-dahang napatayo.

Sinuri niya ang kanyang katawan kung may galos ba ito. May konting gasgas lang siya sa kanyang braso at binti, nilapitan niya ang kanyang motor at muli itong itinayo.

Bago pa man niya pagahanahin ang kanyang sasakyan, ay sinuri niya muna ang kalsada. Wala namang kung anong madulas doon na bagay at hindi rin basa ang kalsada. Napakunot lamang ang kanyang noo at muling pinaandar ang sasakyan.

Nang makarating na siya sa kanyang tahanan ay nagtaka siya kung bakit madilim roon. Ipinarada na niya ang kanyang motor sa tabi ng kanyang bahay at saka lumapit roon sa pinto.

Kumatok pa siya ng ilang beses at tinawag si Querogullo. Ngunit walang sumasagot sa kanya. Ipinihit niya ang hawakan ng pinto at laking gulat niya nang magbukas ito.

"Querogullo?!" Muli niyang tawag. Pumasok na siya sa loob at muling tinawag si Querogullo.

"Nasaan ka ba?!"

"Bakit madilim dito sa--" Hindi na natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla na lamang may pumukpok sa kanyang ulo na kung ano mang matigas na bagay na dahilan para matumba siya.

*****

Idinilat na ni Vidan ang kanyang mata at napakurap ng ilang beses upang makita nang klaro kung sino ang nasa harapan niya. Nang makita na niya kung sino ito ay nanlaki ang mga mata niya.

'Bakit niya ito ginawa sa akin?!'

Naramdaman niyang may nakatakip sa kanyang bunganga at naramdaman din niyang nakatali ang mga kamay at paa niya.

May kinuha si Querogullo na kung ano at agad ding bumalik. Ipinakita niya kay Vidan ang hawak nito.

"Isa ka pala sa kanila!" Galit na sabi ni Vidan habang hawak-hawak ang maitim na supot na naglalaman ng ginto, ito ang bigay sa kanya ni Victor noong nasa kagubatan siya.

Sa sobrang galit ni Querogullo, ay inihampas niya nang malakas ang itim na supot sa ulo ni Vidan. Dahilan para muling mahilo ang lalaki.

Gustuhin mang tumakas ni Vidan ngunit hindi niya magawa dahil sa sobrang higpit na pagkakatali nito sa kanya. May kinuha muli si Vidan at agad ring bumalik. Muli niyang ipinakita ang hawak niya kay Vidan. Nanlaki na lamang ang mata nito nang makita ang matalim na kutsilyo na hawak ni Querogullo.

Napailing-iling na lamang siya at maya-maya'y napahagulgol. Inilapit ni Querogullo ang matalim na kutsilyo kay Vidan at sinugatan ito. Hiniwa niya nang kaunti ang pisngi ni Vidan, dahilan upang magdugo lamang ito. Naramdaman ni Vidan ang mga dugo nagsisimula ng magsilabasan mula sa kanyang pisngi.

Tanging pag-iling at pag-iyak na lamang ang kanyang ginawa. Ni-hindi man lang pinansin ito ni Querogullo. Gamit ang hawak na kutsilyo, ay sinira niya ang damit nito. Itinira na lamang niya ang salawal nito, sa sobrang takot na nararamdaman ni Vidan ay naramdaman na lamang niya nang biglang nagbasa ang kanyang ibabang parte.

Napaihi siya nang wala sa oras. Katulad ng ginawa ni Querogullo sa pisngi ni Vidan, ay sinugatan niya rin ang mga kamay, balikat at hita nito. Sa tuwing mararamdaman na lamang ang matalim na kutsilyo sa kung saan mang parte ng katawan niya ay napapatingin na lamang siya sa taas at napapapikit dahil sa naramdamang sakit.

Kumuha si Querogullo ng isang lalagyan na nakita na lamang niya sa banyo. Muli niyang ipinakita ito kay Vidan at muling napailing-iling. Hindi alam ni Querogullo kung ano ang laman no'n, at sabay bukas sa takip at ibinuhos niya sa buong katawan ni Vidan.

Nararamdaman niya ang unti-unting paglapnos ng mga balat nito sa buong katawan. Halos magiba ang upuang kinauupuan niya ngayon sa sobrang sakit na nararamdaman. Imbes na maawa si Querogullo ay lalo pa itong nasisiyahan sa kanyang ginawa.

Binitawan niya ang hawak na lalagyan at muling may kinuha. Napalapit siya kay Vidan at napansin niyang wala na pala itong buhay. Hinawakan niya ang dibdib nito at pinakiramdaman kung tumitibok pa ba ito o hindi na.

Hindi na ito tumitibok. Patay na si Vidan. Hindi niya kinaya ang pagbuhos ng asido sa katawan niya. Inilapag niya ang hawak niya at may kinuha mula roon. Patay na si Vidan ngunit hindi pa rin siya tumitigil. Kinuha niya ang sandamakmak na karayom at pinagtutusok ang buong katawan ni Vidan mula ulo hanggang paa.

Ibinaon niya ito nang sobra dahil sa galit na nararamdaman. Nang matapos na soya ay binuhat niya ang bangkay ni Vidan at lumabas ng bahay. Inilagay niya sa malaking drum at sinilaban ng apoy sa loob. Daig pang niluluto ni Querogullo si Vidan. Hindi na niya inantay pa ang pagkawala ng apoy at muling bumalik sa loob ng bahay ni Vidan.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto at napahiga na lamang. Napatingin siya sa kisame at nag-isip. 'Ito na ba ang oras para ako naman ang kumilos?'

'Kailangan kong maghiganti! Para sa mga ka-tribo ko, at siyempre para sa aming pinuno at kay Amaria!'

Amoy niya ang nasusunog na bangkay ni Vidan, ngunit hindi niya ito pinansin. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mata at nagsimula nang umidlip.

*****

Iminulat na ni Querogullo ang kanyang mata, parang normal lang sa kanya ang araw ngayon. Parang wala siyang ginawang kababalaghan kagabi. Agad na bumangon siya at dumiretso sa kubeta dahil naaamoy na niya ang sarili niya.

Hindi nga pala siya nakaligo kahapon dahil sa kakaisip kay Vidan at sa anim na estranghero na sumakop sa kanilang baryo. Pagkatapos pa ay nadungisan ang kanyang mga kamay dahil sa ginawang pagpatay niya kay Vidan.

'Nagsisisi ako kung bakit ako nagtiwala kaagad sa iyo, Vidan. Kaya ka pala naroon sa kagubatan noon.'

''Wag ka mag-alala, Vidan. Ang anim na mga kaibigan mo ay makakasama mo na kung nasaan man kayo ngayon.'

Nang matapos na siyang maligo ay agad na nagbihis siya. Lumabas na siya ng kwarto at tumungo sa kwarto ni Vidan. Binuksan niya ang aparador nito at kinuha ang mga pera na nakita niya sa isang kahon. Pinagkasya niya lahat ito sa kanyang bulsa at saka lumabas ng bahay.

Nakita niya kaagad ang drum na kung saan doon niya inilagay kagabi ang bangkay ni Vidan. Lumapit siya roon at tinignan ang loob nito. Puro maiitim na lamang na abo ang nakikita niya. Abo na nanggaling sa bangkay ni Vidan.

Nakita niya ang nakaparadang motor ni Vidan. Lumayo na siya sa malaking drum at saka tumungo sa sasakyan ni Vidan. Nakita niyang may susi pa roon, kaya sumakay na siya at agad na pinagana ang makina. 'May pupuntahan pa pala ako bago doon sa mismong pupuntahan ko talaga. Sa bahay ng pamilyang Alezile at Ibarra.'

Pinaandar na niya ang motor at tumungo sa tahanan ng pamilya Alezile. Habang bumabyahe, ay iniisip niya kung anong klaseng paghihiganti ba ang gagawin niya sa anim na estrangherong sumakop sa kanilang baryo.

Ipinarada na niya ang motor sa gilid ng bahay ng pamilya Ibarra. Kumatok siya at agad rin siyang pinagbuksan ng isang katulong. Pumasok na siya sa loob at nakita niya si Velasco na nakaupo habang nakatakip ang tainga ng earset.

Napansin na lamang ni Velasco na may lumapit sa kanya kaya tinanggal niya ang kanyang earset. Napatingin siya kung sino iyong lumapit sa kanya.

"Oh, Querogullo! Himala at napadalaw ka?" Pagsalubong niyakay Querogullo.

"Nako! Patawad ho, sir. Ngayon lang po ulit ako nakadalaw."

"Nga pala, nasaan si Florante?"

"H-hindi ko nga po alam kung nasaan po eh. Lagi po kasi siyang umaalis." Pagdadahilan nito.

Napatango-tango lamang si Velasco at maya-maya'y lumabas ang isang bata at niyakap siya. Nakita siya nito at tumakbo papalapit sa kanya. "Tito!" Aniya at niyakap siya.

"Talagang miss na miss ka ng anak ko. Sige, pumunta muna kayo sa backyard at maglaro. Maiwan ko muna kayo." Ani Velasco at akmang aalis nang tawagin siya ni Querogullo.

"Saglit lang po ako dito, binisita ko lang itong si..." Sa buong taon niyang paminsan-minsang bumibisita dito ay hindi pa niya nalalaman ang pangalan nito.

"Si Gelard." Pagpapatuloy ni Velasco.

'Gelard pala ang pangalan ng batang ito.'

"Maiwan ko na kayo." Aniya at iniwan sina Querogullo at Gelard. Napaluhod si Querogullo upang maging pantay ang tangkad niya kay Gelard. "Tito, saan po pupunta si daddy?" Nagtatakang tanong nito. Napansin niyang kahit ilang taon pa lamang ang batang ito ay diretso na ito magsalita.

"Hindi ko alam, Gelard. Baka importante iyon kaya 'wag na natin istorbohin muna ang daddy mo." Sabi nito at tumayo at saka ginulo ang buhok ng bata.

"Tara po sa backyard, may mga laruan po ako doon, laro po tayo!" Aniya at hinila si Querogullo papunta sa backyard ng bahay nila Gelard.

Nang makarating na sila doon ay ipinakita ni Gelard ang laruan nitong kotse-kotsehan at mga maliliit na sundalo. "Laro po tayo! Ito po ikaw po yung sundalo tapos po ako po yung mga kotse, magkalaban daw po tayo kunyare." Sabi nito at binigay ang isang sundalong laruan sa kanya.

Habang naglalaro sila, ay walang tigil sa pag-iisip kung paano patayin ang anim na mga estranghero. Pinatitigan niya ang mga laruan at nakita niyang pinaglalaban-laban ito ni Gelard. Napakurap na lamang siya ng ilang beses at bumalik rin siya sa kanyang huwisyo. Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang pwetan. Nagtatakang napatingin si Gelard sa kanya. "Saan po kayo pupunta?"

"Aalis na muna ako, Gelard. May gagawin lang akong importante." Sabi nito at muling ginulo ang buhok ng bata.

Sinamahan ni Gelard si Querogullo palabas ng bahay. Kumaway pa ito nang makalabas si Querogullo. "Kailan po ulit kayo bibisita dito?" Biglang tanong nang bata.

Napaisip nang malalim si Querogullo. "H-hindi ko pa alam eh." Sagot nito at napatango na lamang ang bata. Isinara na ni Gelard ang pinto. Muli siyang sumakay sa kanyang motor at pinaandar muli ito.

Sunod naman niyang pinuntahan ang bahay ng pamilya Alezile. Bumaba siya at lumapit doon sa pintuan ng bahay ng pamilya Alezile. Akma na sana siyang kakatok nang biglang bumukas ang pinto at may lumabas na bata.

"Joren!"

"Joren! Nako ikaw bata ka! Pinapagod mo ako!" Sabi ng isang katulong at imbes na muling habulin ang bata ay natuon ang pansin niya kay Querogullo. "Andiyan ba si, sir?" Agad na tanong ni Querogullo sa katulong.

"O-opo sir. Pasok lang p-po kayo." Sabi ng katulong habang hinahabol ang hininga sa sobrang pagod nito kakahabol sa bata. "Yaya, habulin mo ako!" Magiliw na sabi ng bata sa kanilang katulong at nilagpasan na si Querogullo upang muling habulin ang bata.

Pumasok na lang siya sa loob ng bahay at agad niyang nakita si sir Joseph na nagbabasa ng dyaryo at nakatalikod sa kanya.

Lumapit siya kay Joseph at hinakbayan. Sa ginawang iyon ni  Querogullo ay talagang nakapagpagulat kay Joseph.

"Bakit ka napadalaw dito? At saka, nasaan si Vidan?" Ani Joseph at saka tinanggal niya ang pagkakaakbay nito sa kanya. "Gusto ko lang sanang dalawin ang anak ninyo." Sagot niya. Napatango-tango na lamang si Joseph at nakita niyang bumaba ang kanyang asawa.

Napangiti na lamang si Renalyn sa kanya nang makita siya nito. "Joren, tama na, anak! Pagod na si yaya!" Bigla na lamang silang nakarinig ng ganoon kaya agad na tumingin si Renalyn sa sala at nakita niya na hapong-hapo at pawis na pawis ang kanilang katulong.

Lumapit siya roon at kinumusta ang katulong. "Nako, ma'am Renalyn. Grabe po yung anak ninyo! Kulang na lang po ay lumipad na siya sa sobrang bilis ng takbo niya. Nag-alala naman po ako baka kung anong mangyari, baka madapa o 'di kaya ay madulas. Tuwang-tuwa pa po siya no'ng hinabol-habol ko siya." Sabi ng katulong habang hinahabol ang kanyang paghinga.

"Nasaan ho siya, manang?"

Tinuro ng katulong ang kusina at nakita nilang kumakain ito ng cookies sa sahig. "Joren! Halika nga rito! Ikaw bata ka napaka pasaway mo na!" Galit na tawag ni Renalyn sa kanyang anak. Napatingin sa kanya ang kanyang anak at saka lumapit ito sa kanya. Nakita niya ang tagaktak ng pawis ang kanyang anak.

"Bakit mo naman pinapahabol ang katulong natin, Joren?! Maraming mga katulong natin ang umalis dahil sa ganyang pag-uugali mo! Hindi ko akalaing lalaki ka nang ganyan!" Inis na pinagalitan niya ang anak.

Nagalit ang kanyang anak at padabog na tumungo ito sa kanyang kwarto. Isinira nito nang malakas ang pinto. "Manang, magpahinga po muna kayo." Sabi niya sa katulong at tumungo ito sa kusina upang iligpit ang iniwang cookies ng bata.

Muling bumalik si Renalyn sa pinaroroonan ng kanyang asawa at ni Querogullo.

"Grabe, Querogullo! Patawad kung naging ganoon ang pag-uugali ng anak ng kapatid mo. Hindi naman ako nagkulang sa pag-alaga doon sa batang iyon! Hindi ko alam kung kaninong tao niya nakuha ang ganoong pag-uugali!" Namomroblemang sabi ni Renalyn kay Querogullo.

"Pwede ko ba siyang puntahan doon sa kwarto niya. Aalis kasi ako ngayon at dapat ay saglit lang ako dito." Napatango na lamang ang mag-asawa at hinayaan nilang pumunta si Querogullo sa kwarto ng kanilang anak.

Kumatok si Querogullo sa kanyang kwarto at hindi man lang siya nito pinagbuksan. Pinihit na lamang niya ang hawakan ng pinto at napansing bukas ito, pumasok na siya sa loob at nakita niyang nakatalukbong ng makapal na kumot ang bata at ito'y nakaupo sa kanyang higaan.

Lumapit siya roon at umupo sa higaan ng bata. Tinanggal niya ang makapal na kumot na nakatalukbong sa bata at nakitang niyang tahimik lamang itong kumakain ng cookies at masamang nakatingin sa kanya. Nanatili lang siyang kalmado at tinignan ang bata.

Hinaplos niya ang ulo nito at pinisil ang mataba nitong pisngi. "Kumusta ka na? Patawad kung ngayon lang ulit ako nakadalaw dito."

Nanatili pa ring masama ang tingin ng bata sa kanya. "Dinalaw ko si Gelard doon sa bahay nila kanina. Kinamusta ka niya."

Hindi man lang siya nag-alala na ganoon ang pag-uugali ng bata dahil alam na niya talagang ganoon ang katangian nito. Nang dahil sa kapangyarihang binigay ni Matayjano sa kanya ay saka na niya naramdaman ang lakas at katapangan.

"Siguro kaya hindi ka dumadalaw dito dahil doon ka lang lagi kay Gelard pumupunta." Biglang sabi ni Joren sa kanya.

"Hindi ganoon, Joren."

"Eh bakit ngayon ka lang dumalaw dito?!" Pasigaw na tanong ni Joren sa kanya.

Hindi niya kayang masagot ang tanong ng bata dahil pati siya ay hindi rin alam kung bakit. Napabuntong-hininga na lamang siya at saka lumabas ng kwarto ni Joren. Wala na doon ang mag-asawa kaya napagpasiyahan na rin niyang umalis.

Ang kanyang huling pupuntahan ay ang kanyang pinanggalingan. Doon sa kanilang baryo.

Habang siya'y bumabyahe ay bigla na lamang niya naalala sina Joren at Gelard. Napansin niyang mas mabait si Gelard kaysa sa kay Joren.

Hindi man lang siya nakaramdam ng kaba habang bumabyahe patungo sa kanilang baryo. Alam niyang naroon pa ang anim na estranghero doon sa kanilang baryo.

*****

Ipinarada na niya ang kanyang motorsiklo sa gilid. Bumaba siya at pinagmasdan ang paligid. 'Para sa mga ka-tribo at sa aming hari na si Matayjano Igazi. Kung ako man ay hindi magtatagumpay sa aking plano, ay papayag akong sumama na lamang sa kalaban ng ating Diyos at ako'y papanoorin ninyong magdusa.'

Pinasok na niya ang loob ng kagubatan. Habang nilalakad niya ang masukal na kagubatan ay nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya. Tingin ng kanyang mga kasamahang namayapa na. Hindi man niya nakita kung saan inilagay ng mga estrangherong iyon ang mga naiwang lasog-lasog na katawan ng kanyang mga kasama, ay alam niya kung saan nila ito inilagay.

Napatigil na lamang siya sa paglalakad nang mamataang may malaking bahay roon. Napahinga siya nang malalim at akmang tutungo roon nang makita niyang may lumabas mula roon. Nagtago siya sa katabing puno at sumilip.

Napakunot ang noo niya nang makita ang dala-dala ng lalaking lumabas mula sa bahay. May dala-dala itong bolo at isang mahabang baril. Napatigil ang lalaki sa paglalakad nang tawagin ang pangalan nito mula sa loob ng bahay. "Victor!"

Inilapag niya sa lupa ang kanyang dala-dala at muling pumasok sa loob ng bahay. Nang marinig ni Querogullo ang pangalang iyon, ay muli niyang naalala ang pagkamatay ng kanilang pinuno.

Siya ang tumarak ng palakol sa ulo ni Matayjano. Dali-daling lumabas si Querogullo sa tinataguan at tumungo roon sa mga gamit na inilapag ni Victor. Kinuha niya ang isang bolo at muling bumalik sa pinagtataguan.

Maya-maya'y lumabas na si Victor at muling kukunin ang dalang gamit nang mapansing may nawawala roon. Napatingin-tingin siya sa kaliwa't kanan. "Victor!" Muling tawag sa kanya.

Lumabas ang isang lalaki at muling tinawag si Victor. Lumapit si Victor sa lalaki. "Geraldo, may ibang tao yata rito sa kagubatan!"

"At paano mo naman nasabi?"

"Nawawala ang bolong dala ko kanina."

Pinagtawanan lamang siya ni Geraldo at muling nagsalita. "Nababaliw ka na yata, Victor? Eh, sino naman ang kukuha ng bolong iyon? Eh, tayo-tayo lamang dito sa masukal kagubatan na ito!" Napabuntong hininga na lamang si Victor at muling umalis.

*****

Hindi kaagad kumilos si Querogullo. Inabot na siya ng gabi sa pagtatago. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos ng mga estranghero.

Ito na ang oras upang sumugod siya roon. Nakita niyang nagtipon-tipon na ang mga estranghero sa labas ng bahay nito upang magsama-samang kumain. Sakto at ganitong oras din naganap ang masamang pangyayaring ginawa nila sa buong tribo sa Baryo Matay.

Nakita niya habang kumakain ang mga ito, ay may katabi itong mga armas maaaring makapatay kay Querogullo. Napabuntong-hininga na lamang siya at mabilis na lumabas sa pinagtataguan at saka sumugod sa anim na estrangherong abala sa pag-kain.

Mabilis na napalingon ang mga estranghero at nanlaki ang mata nila nang makitang susugurin sila ni Querogullo. Agad na tumayo sila at kinuha ang mga armas na nasa tabi lang nito at susugurin din si Querogullo.

Unang nakalapit kay Querogullo si Berto. Akmang iitakin siya nito  nang makaiwas siya at ang hawak nitong palakol ay itinama nito sa batok. Napabagsak na lamang si Berto sa lupa.

Hihilain na sana niya ang palakol na nakatarak sa batok ni Berto nang makaramdam siya nang parang may kung anong tumusok sa kanyang braso at pumasok sa loob nito. Napalingon siya kung sino ang may gawa no'n at nakita niyang hawak-hawak iyon ni Geraldo.

Ilang beses niyang naramdaman ang mga pagtusok sa kanyang buong katawan ngunit hindi man lang siya nakaramdam ng kung anong kirot o sakit. Mabilis na hinatak ang palakol at susugurin si Geraldo. Habang papalapit siya sa lalaki ay makailang beses ulit siyang nakaramdam ng mga pagtusok sa kanyang katawan.

Nawalan ng bala si Geraldo at akmang kukuha pa ng maraming bala sa kanyang bulsa nang bigla siyang hawakan sa ulo ni Querogullo at ginilitan ito. Nabitawan niya ang hawak na palakol nang bigla na lamang siya nakaramdam ng kung anong tumusok sa likod at may sumampa mula roon. Si Laurel.

Hinawakan ni Laurel ang ulo nito upang gilitan si Querogullo ngunit napatumba na lamang si Querogullo at tumama ang ulo ni Laurel sa malaking bato. Hindi pa siya nakakabangon, ay hinila na kaagad siya patayo ni Fernando ngunit mabilis ang ikinilos ni Querogullo.

Gamit ang tuhod ay ipinatama niya ito sa maselang bahagi ng katawan ni Fernando, dahilan para mapatumba ito. Sa laki ng katawan ni Querogullo ay inapakan niya ng ilang beses ang ulo ni Fernando hanggang sa madurog ito.

Nagulat na lang siya nang biglang may sumakal sa leeg niya gamit ang malaking kadena. Napaatras siya at napatumba. Ngunit kahit anong sakal sa leeg niya ay nakakahinga pa rin siya. Nagkunwarian lamang siyang patay upang tigilan siya nito.

Nang maramdaman niyang wala nang sumasakal sa kanya, ay mabilis siyang bumangon at nakita niyang naglalakad palayo ang lalaking sumakal sa kanya. Marahan lamang siyang naglakad at hanggang sa makalapit siya rito ay gamit ang kanyang malalaking braso ay sinakal niya rin ito.

Mahigpit ang pagkakasakal niya roon at hanggang sa malagutan ng hininga ang lalaki. Kahit madilim na roon ay nakikita niya kung sino ang sumakal sa kanya. Si Ruel.

Tanging si Victor na lamang ang hindi niya napapatay. Tumungo siya sa bahay at hinanap ang lalaki. Wala ito roon. Lumabas siya sa bahay at naglakad palayo upang hanapin si Victor.

*****

Habang abala ang mga kasamahan ni Victor sa paglaban sa lalaking biglaan na lamang sumugod sa kanila, ay napagpasyahan na niyang tumakbo palayo. Hindi na niya binalak pang sumugod roon dahil nakita kung gaano kalakas ang lalaki.

Hindi na niya alam kung saan siya dinadala ng kanyang paa. Pagod na pagod na siya ngunit hindi pa rin tumitigil ang mga paa niya sa pagtakbo. Napadapa na lang siya at habol-habol ang kanyang paghinga.

Sobra dilim ng kagubatan at sobrang tahimik din. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Nawawala na siya sa buong kagubatan. Marahan siya tumayo at pinagpagan ang tuhod.

Habol-habol pa rin niya ang kanyang paghinga, napapalunok na lamang siya ng laway dahil uhaw na uhaw na siya. Nagulantang siya nang biglang makarinig ng nabaling sanga sa kung saan. Nataranta siya at nagtago sa puno.

Rinig na rinig niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Maya-maya'y nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kanyang pinagtataguan. Sisilip sana siya nang bigla na lang may dumaang kung ano sa pinagtataguan niya.

Muli siyang napalunok ng laway at naramdaman ang malamig niyang mga pawis na tumutulo pababa sa kanyang ulo. Parang hangin lamang ang dumaang iyon.

Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan at muling maglalakad na sana nang biglang may nabangga siyang kung ano. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang dahil sa nangyare.

Nagulat na lang siya nang biglang may sumabunit sa kanyang buhok at kinaladkad siya. Nagsisigaw na lamang si Victor at nagpupumiglas. Mahigpit ang pagkakasabunot sa kanya upang hindi ito mawala.

Nararamdaman niyang nagkakaroon siya ng gasgas sa katawan dahil sa pagkakaladkad sa kanya. Unti-unting nagkaroon ng liwanag at ibig sabihin nito ay  muling bumalik si Victor sa bahay na tinitirhan nila.

Muling tatayo sana si Victor ngunit bigla na lamang siyang sinipa sa sikmura ni Querogullo. Napatagilid si Victor at napasuka ng maraming dugo. Kinuha ni Querogullo ang kaninang nabitawang palakol at bumalik kay Victor. Hinang-hina na ang lalaki.

Napatingin si Victor sa kanya at itinaas ang kamay bilang pagmamakaawa. "'W-wag." Aniya habang muling sumusuka ng dugo. Nakatingin lamang nang seryoso si Querogullo sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Victor nang bigla na lang pinutol ni Querogullo ang kamay niya na nakataas gamit ang hawak na palakol. Sumirit sa buong mukha ni Victor ang mga dugo mula sa kamay niya.

Hinatak paluhod ni Querogullo si Victor at tulad noong ginawanila sa kanilang pinuno. Sa tuwing ipipilit niyang lumuhod si Victor ay napapahiga ito, kaya muli't muli niya itong pinipilit na lumuhod sa kanyang harapan.

"Lumuhod ka!" Inis na sigaw ni Querogullo sa kanya. Sobrang nanghihina talaga si Victor ngunit pinilit niyang sundin ang utos ni Querogullo sa kanya.

Nang makaluhod na siya, napatingin siya kay Querogullo at nagmakaawa. "K-kung ano man ang nagawa ko... P-patawad. M-may asawa't anak ako."

"Kayo ba'y naawa noong mga panahong sinakop ninyo ang aming baryo at inisa-isa ninyo kaming patayin?! Sumugod lamang kayo basta-basta sa aming baryo nang walang permiso! Sumugod lamang kayo rito upang kunin ang aming yaman at mapuksa ang aming baryo at gawing bahay!" Galit na galit na saad ni Querogullo kay Victor.

Napayuko na lamang si Victor at napaluha. Sa sobrang galit ni Querogullo sa kanya, ay itinaas niya ang hawak na palakol at ipinatama iyon sa ulo ni Victor. Hindi na niya pinansin pa ang mga dugong sumiritsa kanyang mukha nang magawa niya iyon.

Napatumba na lamang ang patay na katawan ni Victor. Tinignan ni Querogullo ang paligid. Naroon pa rin ang mga bangkay na katawan ng anim na estranghero. Napabuntong-hininga siya at pumikit.

'Aming Diyos, mga ka-tribo at aming pinuno. Maraming salamat sa paggabay sa akin. Hindi ko akalaing magtatagumpay sa aking isinagawang plano.' Sabi niya sa kanyang isip at napadilat.

Pagkadilat niya ay nakita niyang umaga na, napatingin siya sa paligid at wala ni isang bakas ng mga napatay niyang anim na estranghero. Napatingin siya sa bahay. Maayos na ito at mukhang normal na bahay. Pumasok siya roon at nakitang may mga lamang gamit na doon sa loob. 'Ito siguro ang gantimpala ng aming Diyos sa 'kin bilang pagtulong ko sa kanilang lahat'

May nakita siyang hagdan mula roon at napagpasyahang umakyat. Nakita niyang may dalawang pintuan roon. Una niyang binuksan ang pinto na nasa gilid. Pagkabukas niya, ay nakita niyang isa itong kubeta. Isinara niya ito at binuksan ang isnag pintuan. Nakita niya roon ang isang higaan, maliit na mesa at malaking aparador.

Tumungo siya sa aparador at binuksan ito. Tumambad sa kanya ang maraming mga damit at ang nakaagaw pansin sa kanya ang itim na supot. Naglalaman ito ng mga gintong ninakaw ng anim na estranghero noon. Isinara niya ang pinto ng aparador at lumabas ng kwarto.

Muli siyang bumaba at tumungo sa kusina. May napansin siyang isang pintuan mula roon at agad na binuksan ito. Tumambad sa kanya ang madilim na balkonahe. Bumaba siya roon at muntikan nang mahulog. Pagkababa niya ay naghanap kaagad siya ng ilaw.

Kinapa-kapa lamang niya ang bawat gilid at nang may mahawakang pangbukas ng ilaw ay agad niya itong pinindot. Pagkabukas ng ilaw ay nakita niyang maraming gamit doon at isang mahabang mesa. Iyon lamang ang kanyang mga nakita kaya muling pinatay ang ilaw at umalis ng balkonahe.

Alam niya lahat ng mga kagamitan dito dahil ilang taon na siyang namamalagi s abahay ni Vidan, lahat ng mga nakikitang gamit ay alam na niya kung paano gamitin. Napagpasiyahan niyang lumabas ng bahay at nakita niyang maaliwalas ang buong kagubatan.

'Parang walang nangyaring masama rito sa kagubatang ito'

Umalis siya ng bahay at naglakad-lakad. Kahit kahapon lamang siya nakapunta rito, ay mukhang alam naniya ang bawat pasikot-sikot rito. Sa kanyang paglalakad ay natigilan siya nang makitang may isa pang malaking bahay roon. Alam niyang isa rin ito sa mga ginawang bahay ng anim na mga estranghero.

Pumasok siya sa loob at nakitang puro alikabok ang buong bahay. Napaubo siya ng ilang beses at napagpasiyahan ring lumabas. Muli siyang naglakad-lakad at narating niya ang mala-kubo niyang bahay na ginawa niya noon upang gawing tirahan sa oras na magkapamilya ang kanyang kapatid, ngunit hindi n iyon nangyari dahil iniwan na siya nito ng kanyang asawa at namatay na rin ang kanyang kapatid.

Muli siyang bumalik sa tinutuluyan niyang bahay at tumungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Napaupo na lamang siya sa upuan at malalim na nag-isip. 'Siguro nga'y, maayos na ang lahat. Sana ay wala ng muling sumira ng kagubatang ito.'

Gabi na at napagpasyahan ni Querogullo na matulog. Pumasok na siya sa kwarto at pasalampak na humiga. Napatingin siya sa oras na nanggagaling sa taas ng kanyang pintuan sa kwarto.

7:25 pm na ng gab. Ipipikit na sana niya ang kanyang mata nang mapansing nag-iibaang kulay sa kalangitan. Napabangon siya at tumungo sa bintana. Tinignan niya kung paano magbago ang kulay ng kalangitan.

Ilang minuto ang nakalipas at napansing naging kulay dugo ang kalangitan. Napatingin siya sa kanyang orasan at nakita niya na 7:30 pm na ng gabi. Naalala niyang ganitong oras inuubos ng mga estranghero ang kanyang mga ka-tribo.

Ni hindi man lang siya kinilabutan o nagimbal manlang sa nakita. Nalaman niyang ang simbolo ng pag kulay dugo ng kalangitan ay simbolo ng kanyang mga ka-tribo. Ang mga dugong nagkalat sa lupa noon ay napunta sa langit kaya naging ganyan ang kulay ng kalanitan.

Napahikab na lamang siya at bumalik sa kanyang higaan. Ipinikit na niya ang kanyang mata at nagsimula ng umidlip.

*****

[ May 17, 2014 ]

Ilang taon na ang nakalilipas, at dito na namalagi si Querogullo sa kagubatan. Sana'y na siyang maging tahimik sa buong kagubatang ito.

Bago lumabas ng bahay ay naligo muna siya. Sumakay na siya sa kanyang motor at pinaandar ito. Hindi niya alam kung sino ang nag-udyok sa kanya na muling dalawin sina Gelard at Joren.

Una niyang pinuntahan ang bahay nila Gelard ngunit wala roon ang pamilya Ibarra, tumungo daw ang mga ito sa bahay nila Joren dahil kaarawan daw nito sabi ng katulong ng pamilya Ibarra. Tumungo siya sa bahay ng pamilya Alezile. Sa labas pa lamang ay rinig na ang ingay ng mga batang kumakanta ng 'Happy Birthday'.

Pumasok siya roon at nakita niyang umiihip ng kandila sa cake si Joren. Nagulat siya nang biglang may yumakap sa kanya. Si Gelard.

"Tito! Miss ko na po kayo, bakit ngayon lang po kayo ulit dumalaw?" Tanong ni Gelard sa kanya. "Marami pa kasi ginagawa ang tito Querogullo niyo, eh." Sagot niya.

"Oh! Querogullo, napadalaw ka? Ngayon mo lang ba naalala na birthday ni Joren?" Salubong sa kanya ng tatay ni Gelard. Napangiti na lamang siya sa kanya at napatingin kay Joren na abala sa pag-kain kasama ang mga kaibigan nito.

"Ang bilis lumaki ng mga anak natin! Oh! Querogullo, bakit ngayon ka lang nakapunta ulit dito? Buti at natatandaan mo pa ang daan papunta dito? Oh, siya! Kumain kana din nasa loob ang mga pagkain natin!" Pag-aaya sa kanya ng tatay ni Joren.

"Mamaya-maya na lang." Sabi niya.

"Kapag gusto mo uminom punta ka lang doon." Sabi ng tatay ni Joren at tinuro ang mga maraming alak na nakapwesto doon. "Maiwan ka muna namin, Querogullo." Sabi ng tatay ni Gelard at tinapik pa ang likod nito.

Nakita niyang papalapit sina Joren at Gelard sa kanya. "Bakit ka bumalik dito?" Nakabusangot na sabi ni Joren sa kanya.

"Masyadong abala si tito sa gawain niya kaya ngayon lang ulit ako nakapunta dito." Pagdadahilan niya.

"Joren at Gelard!" Narinig niyang may tumawag sa kanilang dalawa. Napalingon sina Joren at Gelard at nakita nilang tinatawag na sila ng mga kaibigan nila. Iniwan na nila si Querogullo at tumungo doon.

Sinundan ni Querogullo kung saan tumungo sina Joren at Gelard at nakita niyang tumungo iyon sa mga kaibigan nito. Ngunit may isa sa mga kaibigan nila ang nakaagaw ng pansin niya.

Babae ito, tahimik lamang at bihira kung ngumiti, maiksi din ang buhok nito. Bigla na lamang kumurba ang kanyang bibig. 'Ikaw pala iyon.'

'Ang tatay ni Victor Pallajes.'

'Ikaw ang anak niyang si Viñea Pallajes.'

Sabi niya sa kanyang isip habang tinitigan ang batang babae na katabi ng isa pang babae sa pwesto nila Joren at Gelard ngayon.

*****

Tapos na ang kaarawan ni Joren. Nagliligpit na ang mga katulong nila Joren sa mga pinagkainan ng mga bisita.

Nakita niyang naglalaro sina Joren at Gelard ng selpon. Nilapitan niya iyon at napatingin ang dalawa sa kanya.

"Saka na ang regalo ko sa inyong dalawa. Hindi niyo pa iyon makukuha ngayon sa paglaki niyo pa. Alis na ko. Happy Birthday, Joren!" Pagpapaalam niya sa kay Joren. Nagpaalam na rin siya sa mag-asawang Ibarra at Alezile upang umuwi.

Nakauwi na siya sa kanyang bahay at nagpahinga na. Muli niyang naalala ang sinabi niya kina Joren at Gelard bago umalis.

'Alam ko na ang mga mangyayari makalipas ang tatlong taon. Alam kong magtatagumpay ako sa aking plano.'

*****

[ Makalipas ang tatlong taon ]

Lumabas siya sa kanyang bahay at imbes na maaliwalas na hangin ang kanyang madama, ay init lamang na nanggaling sa sinag ng araw ang kanyang nadama.

Nalala niya noong isang araw na may dumayo sa kagubatang ito. Naiwan nila ang iilan nila mga gamit at mga litrato nila. Kaya pinulot niya ito at itinago.

Napansin niyang nag-uumpisa nang mamatay ang mga puno sa buong kagubatan. Kailangan niyang makagawa ng paraan para bumalik ito sa dating maayos na kagubatan.

Naalala niyang noong nakaraang-nakaraang taon pa dumanak ang mga dugo rito sa lupa. Kaya napagpasiyahan niyang tawagan sina Joren at Gelard upang pumunta sa bahay niya.

Dugo lamang ang tanging paraan upang bumalik sa dati ang kagandahan ng kagubatan.

Maya-maya'y dumating na sina Joren at Gelard. Alam na nila ang direksyon papunta rito nang dahil sa pinapunta niya ito noong mga nakaraang araw.

"Anong kailangan?" Tanong sa kanya kaagad ni Joren.

"Nakikita ninyo ba na nagsisimatayan na ang ibang mga puno at halaman dito sa kagubatan?" Aniya sabay turo sa mga puno at halamang malapit ng mamatay.

"Bakit kasi kailangan mo pang dito tumira? Bakit ayaw mo doon sa Maynila!" Pabalang na sabi niya kay Querogullo. Hindi na lamang siya pinansin ni Querogullo.

"Anong gagawin namin diyan para bumalik sa dating naayos at magandang kagubatan na ito?" Tanong ni Gelard sa kanya.

"Dugo!" Sagot nito.

"Dugo?! Dugo ng alin?" Nagtatakang tanong ni Joren.

"Dugo ng tao, kailangan mo silang papuntahin dito kung sino man. Ang importante mabahiran ng dugo ang kagubatan dahil iyon lamang ang tanging buhay nito." Sabi ni Querogullo sa kanya.

Napatingin sina Joren at Gelard sa isa't isa. "Ano naman ang makukuha namin diyan?" Biglaang tanong ni Jorwn sa kanya.

"Kung ilan ang madadala ninyo dito, katumbas na iyon ang isang ginto na nagkakahalaga ng isang bilyong piso. Naalala niyo ba ang pinangako 'kong regalo? Ito na iyon!" Nanlaki ang mata ni Joren sa narinig. Sumigla siya ngayon.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo sa amin?" Napatango-tango na lamang si Querogullo sa kanya at umalis na silang dalawa.

Nang makaalis na ang dalawang binata, ay napangiti na lamang siya. Lumabas siya ng bahay at tinignan ang paligid.

'Wala man ang mga ka-tribo ko. 'Wala man akong naipangakong kaligayahan sa kanila, ang importante ay kahit wala na sila, buhay na buhay pa din itong kagubatang ito at mananatiling maganda at mapayapa ito, hanggang sa pagkamatay ko ay dapat dito ako ililibing. Pangako ko iyan.'

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status