LOGIN[ May 16,2018 ]
Ilang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.
Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.
MackyBb
Active NowMackyBb:
Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G?Me:
Try ko.MackyBb:
So, oo na iyan?Me:
Yeah!Kahit ganito lang kaiikli ang mga sagot ko sa kanya ay ayos naman para sa kanya. Hindi pa kasi ako sanay na dumaldal sa kanya nang sobra, dahil naaalala ko lang ang mga panahong niloko niya ko noon.
Pero, kailangan ko na dapat iyong kalimutan pa. Dahil hindi lang iyon ang inaalala ko, kundi si Haze din. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkamatay ni Haze, dahil nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwanan at hindi ko siya pababayaan.
Sa tuwing naalala ko ang mukha ni Haze, lagi ko na lamang naaalala ang pagmamakaawa niya sa aming dalawa ni Macky doon sa Pulang Kagubatan na tulungan siyang makaalis sa kamay ng lalaking iyon!
Speaking of Pulang Kagubatan, restricted area na nga pala iyon. Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari doon, may mga ambulansya na ring nagsidatingan doon at kinuha ang mga natirang katawan doon nila Shelby, Hazielle, Jon at iba pa naming mga kasama.
Ipinaalam kaagad ng mga pulis sa mga magulang nila Shelby at ng iba pa naming mga kasama pumunta roon. Sinagot na daw ni Macky ang pag-cremate sa mga kasama namin, at siyempre bilang tulong na rin ay nag-ambag din ako doon.
Ang ginawa namin ni Macky ay sa iisang lugar lamang ililibing sila Shelby. Naalala ko pa noon ang biglaang pagdating ng mama ni Hazielle, lalong bumuhos ang luha ko nang makita kong naglumpasay ang mama niya doon sa huling libing nila Shelby. Mahigpit kong niyakap ang mama niya dahil sa sobrang pagkahagulgol.
Tumingala ako upang mapigilan ang mga luha ko sa pagbagsak. Hindi matanggap ng mama niya ang pagkamatay ng anak niya, ni-hindi man lang niya nakayakap ang anak niya.
Pero...
Ang nakakapagtaka nga lang...
Naroon ang mga magulang namin pwera ga lang sa magulang nina Gelard at Joren. Kahit noong unang libing ay hindi man lang nila dinalaw ang anak nila.
Bakit kaya?
Kaya iyon nangyari, dahil nakwento sa akin ni Macky na bago siya umuwi ay nagsumbong siya sa pulis na mayroong patayang naganap doon, naniwala naman ang mga pulis sa kanya at sinamahan niyang pumunta doon sa Pulang Kagubatan.
Ang malaking problema nga lang, ay noong pagpunta nila roon ay tumungo agad sila sa bahay na kung saan hinampas ni Macky ang lalaki sa ulo ng malaking kahoy para lamang matanggal ang pagkakasakal sa akin ng lalaking iyon ay laking gulat na lang daw ni Macky ay---nawala ang lalaking hinampas niya sa ulo!
Nang maikwento iya sa akin iyon ay kinilabutan ako. Hindi kaya---hahanapin kami ni Macky ng lalaking iyon?
'Wag naman sana.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko, naroon pala si mommy.
"Kakain na." Aniya at isinara na ang pinto.Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. It's already 2:15 pm na pala ng hapon. Pinatay ko na ang phone ko at---
T-teka!!!
Muli akong napatingin sa phone ko, in-open ko ito at nabitawan nang makita kong--- putol ang ulo ko sa lockscreen photo ko!
Muli ko itong pinulot at binuksan ito. Ayos naman, hindi naman putol ulo ko. Hays! Baka guni-guni ko lang iyon!
Lumabas na ako sa kwarto ko at tumungo na sa kusina, nakita ko roon sina mommg at daddy na kumakain na. Umupo na ako doon at sinimulan ko nang kumain.
"Kumusta na nga pala kayo ni Macky?" Biglang tanong sa akin ni daddy. Woah! First time akong tinanong ni papa about kay Mack.
Dati kasi si mommy na lang lagi ang panay tanong sa akin. They're very happy, kasi nakaligtas ako sa masamang pangyayaring naranasan namin.
Pero ako, hindi ako masaya. Hays! I should stop thinking about that incident muna, lalo na't kumakain kami, baka magtaka sila na bigla na lang akong umiiyak.
"Uhmm... Ayos naman po kami. Nag-aaya po siyang mag-date kami mamaya, pwede po ba?"
"Oo naman! Ayos na ayos!" Imbes na si daddy ang sumagot, ay si mommy na.
Tapos na kami kumain at pinakuha na namin sa mga yaya namin ang mga pinagkainan namin. Umakyat na ako sa kwarto at umupo sa sofa.
In-open ko ang cellphone ko at tinignan ang oras doon. It's already 3:00 pm na ng hapon, ang tagal pa ng date namin ni Mack.
_______________________________
[ 5:15 pm ]
Pinatay ko na ang alarm ng phone ko. Bumangon na ako at dumiretso sa cr para maligo.
Maya-maya'y lumabas na ako, nagpunta ako sa closet at kumuha ng damit para sa date namin ni Mack. Madami-dami iyon kaya kailangan kong pumili. First date ko pa iyon kasama siya, never ko pang naranasang mag-date kami dati dahil nga mga bata pa kami noon.
It took any minutes to pick that clothes I want to wear. Nagsapatos lang ako, nag-ayos na din ako at kinuha ang small shoulder bag ko, nilagay ko na din diyan ang phone at wallet ko.
Lumabas na ako ng kwarto at agad na bumaba, nakita ako ni mommy at daddy pagkababa ko. "Ready na ready ang baby girl namin ah!" Masiglang sabi ni mommy sa akin.
Napangiti lang ako at lumapit sa kanila, niyakap ko silang dalawa at agad ring kumalas. "Alis na po ako." Pagpapaalam ko sa kanila. "Mag-iingat ka." Sabi sa akin ni daddy at napatango naman ako. Lumabas naman ako ng bahay at nakita kong walang Macky ang nag-aantay sa akin.
Anong oras na ba?
Palabas na ako ng gate namin nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay namin. Ni-lock ko na ang gate at tumungo sa sasakyang nakaparada doon. Sumilip ako sa bintana ng kotse at nakita ko si Macky doon.
Kumatok ako doon at nakita kong nagulat siya. Binuksan na niya ang pinto at saka pumasok na ako roon. "Y-you look so gorgeous." Nahihiyang sabi niya sa akin. "Thanks!"
"Saan gusto mong restaurant pupunta?" Tanong niya. "Ikaw na ang bahala." Sagot ko sa kanya. Napatango-tango na lamang siya at saka muling pinaandar ang kotse.
Tahimik lang ang byahe namin dahil ni-isa sa amin ay walang gustong magsalita. Sanay naman ako, 'di tulad dati na nababagot ako kapag tahimik. Maya-maya'y tumigil ang kotse niya.
Napatingin ako sa bintana at nakita kong ito ang lugar kung saan ang pangalawang pagkikita namin ni Hazielle at ang meeting about sa reunion papunta sa Pulang Kagubatan.
Bumaba na kami sa kotse at napatingin ako sa Hade's Restaurant. Nagulat na lamang ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Napatingin ako sa gilid at nakita kong nakaakbay pala si Macky sa akin. Nararamdaman ko ang malamig na kamay ni Macky na nakalapat sa balikat ko.
Hinayaan ko na lamang iyon at pumasok na sa loob ng restaurant. Hindi gaanong marami ang tao ngayon, nakakarelax dito dahil habang kumakain ang mga customers ay sinasabayan pa ng magandang tugtog na nagmumula sa speaker.
Naghanap na muna kami ng mauupuan bago kumuha ng order. "Anong gusto mo? Dali!" Aniya at binigay sa akin ang menu. Maraming mga masasarap na mga pagkain, nakakahiya naman kung i-order ko lahat ito. Just Kidding!
"Here, Sizzling Fajitas." Sabi ko sa kanya at itinuro iyon. Napatango-tango siya at tinawag ang waiter. "Two Sizzling Fajitas at saka itong Strawbanana Bingsu, that's all." Aniya at umalis na ang waiter nang matapos na niyang mag-order.
"Why did you order that?" Tanong ko sa kanya. "Dessert. Bakit kulang pa ba iyon? Mag-order pa ba ko ulit?" Aniya at aalis na sana siya nang pigilan ko siya. "'Wag na."
Maya-maya'y dumating na ang in-order ni Mack na mga pagkain. "1355 pesos, sir." Sabi sa kanya ng waiter at agad na binayaran ito.
Sumubo na ako ng isang kutsara at napatingin na lamang sa bintanang katabi namin habang ngumunguya. Nagulantang ako nang biglang may mag-flash bigla ng ilaw sa harapan ko, napabaling ako kay Macky at nakita kong kinukuhanan pala niya ako ng litrato.Hindi ko lang siya pinansin dahil nasasarapan talaga ako sa kinakain ko ngayon.
*****
Tinignan ni Macky litrato ni Jadhrie habang ngumunguya habang nakatingin sa kawalan. Napangiti siya nang tingnan niya ang mukha ni Jadhrie.
Unti-unting nawala ang ngiti niya sa kanya labi, nang may mapansin siya sa litrato na kinuha niya na parang may nakatingin sa kanyang babae.
Napatingin siya sa lugar kung saan may namataan siyang kung ano sa litrato. Nanlaki ang mata niya nang bigla may nakatitig sa kanyang babae. Naramdaman niyang nagtaasan ang mga balahibo niya at kahit malamig sa loob ng restaurant ay ramdam niya ang init sa kanyang katawan.
Nanatili pa rin siyang nakatitig roon. Napakunot ang noo ni Jadhrie nang makitang may kung anong tinitignan si Macky. Tiningnan niya rin ito at hindu niya niya alam kung kanino nakatitig si Macky, muli siyang napabaling sa kasama at kumaway-kaway pa sa harap ni Macky para bumalik siya sa huwisyo niya.
Napakurap-kurap si Macky at napatingin kay Jadhrie. Nagkatitigan sila sa isa't isa saglit at agad na umiwas ng tingin si Jadhrie. "Kumain ka na diyan." Sabi sa kanya at napatango-tango lamang si Macky.
"Jadhrie... M-may sasabihin ako sa iyo." Napatingin sa kanya si Jadhrie at nakita nito na medyo kinakabahan ang binata."Uhmm... Pwede b-bang mabalik ulit ang dati. You know... D-dating tayo." Nag-aalangan niyang sabi.
Napakurap-kurap si Jadhrie sa sinabe ni Macky.
"'Wag..."
Magsasalita na sana si Jadhrie nang biglang may bumulong sa kanya, napatingin siya doon at wala namang kung sino ang bumulong sa kanya.
"Ahhh---"
"'Wag!"
Muli siyang napalingon nang marinig na naman niya ang bulong na iyon sa kung saan. "P-pag-iisipan ko muna." Sabi sa kanya ni Jadhrie. Napatango-tango lamang si Macky at muling lumantak ng Strawbanana Bingsu.
*****
Hinatid na ni Macky si Jadhrie sa kanilang bahay. "Salamat nga pala sa libre mo, don't worry next week siguro ako naman ang manlilibre sa iyo." Aniya sabay ngiti. Napatango-tango lamang si Macky sa kanya at muling pinanaandar ang kanyang kotse.
Madilim na ang mga kalsada at tanging ilaw lang sa kanyang kotse ang naroon. Hindi na niya binilisan pa ang pagmamaneho dahil gabi na at baka may masagasaan pa siya.
Iilang kalye na lang ang kanyang dadaanan para makauwi nang mapansin niyang nagpapatay-patay ang ilaw niya sa kotse, bigla na lang ding huminto ang sasakyan niya. "Shit." Inis na sabi niya sa sarili niya.
Napabaling siya sa patay-sindi niyang ilaw sa kotse. Maya-maya'y nagulantang na lang siya nang makita niyang may nakatayo na sa gitna ng kotse niya. Talang kinilabutan siya sa nakita, hindi na niya alam kung anong gagawin niya.
Napansing niyang naglakad ito papalapit sa harap niya. Pinihit-pihit niya ang susi niya sa kotse upang umandar ito, ngunit ayaw talaga nito gumana. Muli siyang napatingin at nanlaki ang mata niya nang nakatitig na sa kanya ang babae. Ito ang ang babaeng nakita niya kanina sa restaurant.
Gulo-gulo ang buhok nito at itim ang mga mata, napansin niyang puro sugat ito sa katawan at nakatahi ang mga labi.
Maya-maya'y biglang bumalik ang makina ng kotse niya at mabilis na pinaandar ito.
*****
Jadhrie's P.O.V
Pumasok na kaagad ako sa kwarto ko at mabilis na nagbihis. Pagkatapos pa kasi namin kumain, naggala-gala pa kami ni Mack kahit saan. Usap lang ng kung ano-ano gano'n, lakad-lakad lang while holding hands.
Tinanggal ko na ang pagkamaldita ko, at yung pangako ko sa kanya dati, aalisin ko na. Humiga na ako at nagtalukbong ng kumot.
Ba't gano'n?
Nakakumot na ako pero bakit ang lamig pa din?
Hinayaan ko na lamang ito at nagsimulang matulog.
"Jadhrie."
"Jadhrie."
Teka! Sino iyon?
Muli pa niyang tinawag ang pangalan ko.
Dilim. Tanging dilim lang ang nakikita ko. Nasaan ako? Bakit ang dilim dito? Naglakad pa ako nang naglakad. Napatigil na lamang ako nang muli akong tawagin ng kung sino man.
Napalingon ako sa likuran ko. Napakunot ang noo ko nang makitang may babaeng nakatayo sa harap ko. Gulo-gulo ang buhok niya at sira-sira ang kanyang damit, puro pa siya sugat sa katawan. Natatakpan ng magulo niyang buhok ang kanyang mata.
Pansin ko lang... Madilim ang buong paligid pero kitang-kita ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko. Natuon ang pansin ko sa kanyang labi, nakatahi ito at--
Biglang tumulo ang mga luha ko. Pinunasan ko agad iyon ngunit hindi iyon tumigil sa pagtulo, napahikbi-hikbi din ako. Muli akong napabaling sa kanya at nakita kong lumuha rin siya.
"Jadhrie."
Rinig kong sabi niya kahit nakatahi ang mga labi niya. Biglang kumirot ang puso ko nang muli ko na namang narinig ang pagtawag niya sa'kin.
Sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko naluluha ako. May ibig sabihin ang pagtaeag niya sa pangalan ko parang-- humihingi ng tulong.
Hinawi niya ang kanyang buhok na nakaharang sa mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang--- si Hazielle iyon. Lalong bumagsak ang mga luha ko nang makita ko siya.
Tumakbo ako papalapit sa kanya ngunit lumalayo ito sa akin, sinubukan kong tumakbo ulit ngunit hindi ko man lang siya malapitan. Iilan lang ang distansya namin sa isa't isa ngunit hindi ko man lang siya nalapitan at muling mayakap.
Maya-maya'y bigla siyang naglaho at ang kaninang madilim na paligid ay napalitan at nagkaroon ng imahe sa paligid kung saan alam na alam ko kung anong lugar ito.
Ang loob ng bahay ni Macky.
Maya-maya'y bumukas ang pinto at nakita ko si Macky na may hinihila papasok sa loob ng bahay nila.
"Uuwi na ko, Macky. Please!"
Teka! Boses iyon ni Hazielle ah?!
"Dali na kasi!" Nahila na niya papasok sa loob ng bahay nila si Hazielle, pawis na pawis ito. Bakit pinapakita ito ni Haze sa akin?!
"Haze, tumingin ka sa akin!" Pagpupumilit niyang pinaharap si Hazielle sa kanya.
"I love you." Sabi ni Macky sa kanya na nakapagpalaki ng mata ni Haze. What? H-hindi!!!
"No! Ayoko! Kayo ni Jadhrie! Ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa!"
"It won't, Hazielle. Kung itatago mo lang." Sabi sa kanya ni Macky at hinaplos ang mukha ni Hazielle. "P-please, Macky. 'Wag!" Pagmamakaawa niya habang pilit na hinahalikan ni Mack ang leeg niya.Hindi ko magawang panoorin ang ginagawa ni Mack sa kaibigan ko.
Maya-maya'y naglaho ang buong paligid at bumalik ang kaninang kadiliman, maya-maya'y lumitaw na naman ang imahe at nakita kong nasa likod ako ng school.
Nakita kong naroon sina Haze at Mack na magkasama. "Macky, b-buntis ako." Sabi ni Haze at napayuko siya. "What?! Buntis ka?! Sorry, hindi ko matatanggap iyan! Ipalaglag mo iyan ngayon din!" Galit na sabi ni Macky sa kanya at binigyan ng pera si Haze.
"Ayan! Ipalaglag mo iyan ngayon din! Ayokong magkaanak tayo!" Aniya at umalis sa harapan ni Haze. Napaupo na lamang si Haze sa lupa at saka umiyak. Kailan pa ito nangyari?
Muling bumalik ang kadiliman at nakita kong nasa harapan ko ulit si Haze. "Iyan ang sikretong matagal ko nang dapat sabihin sa iyo, Jadhrie. Ngunit sadya talagang may biglaang haharang na lang sa tuwing babanggitin ko iyan sa iyo." Aniya at napaluha.
"Hindi lang iyan, Jadhrie. Naranasan kong bugbugin ako ni Macky sa tuwing mag-aaway kayong dalawa. Ako lagi ang pinagbubuntungan ng galit ni Macky. Muntikan na niya akong mapatay noon."
"Jadhrie, matagal nang may gusto sa akin si Macky. Ginamit ka lang niya para makasama ako, dahil ang alam niya ay kung saan ka, naroon ako. Noong panahong nag-away tayo noon sa harap ng mga kaklase natin, saktong uwian no'n ay dinala niya ako sa utility room at doon ay muli niya kong hinalay. Sa sobrang galit na naramdaman niya ay halos mamatay ako sa walang tigil ang ginagawa niya sa akin."
"Patawad kung sa kamatayan ko pa nasabi sa iyo lahat. Patawad kung biglaan na lang akong nagpakita sa panaginip mo, ito na lang ang tanging paraan para masabi sa iyo ang lahat-lahat."
Habang nagsasalita siya ay napahagulgol na lamang ako sa harapan niya.
"Jadhrie."
"'Wag mong sasagutin si Macky."
"Jadhrie."
"Ipaghiganti mo ako sa kanya."
"Iparanas mo sa kanya ang mga hirap na napagdaanan ko sa kanya."
Aniya at sinubukan kong mapalapit sa kanya upang mayakap siya. Sa ngayon ay nakalapit na ako at akmang yayakapin siya nang bigla na lamang siyang naglaho.
Bigla na lamang akong napabangon at napahawak ako sa dibdib ko dahil naramdaman kong naninikip ang dibdib ko. Lumabas ako sa kwarto at dali-daling pumunta sa kusina upang makainom ng tubig.
Halos maubos ko ang tubig sa garapon dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Inilapag ko ang baso sa mesa at napahingal-hingal.
Napahawak ako sa noo ko at napansing basang-basa iyon. Pinunasan ko iyon gamit ang dulo ng damit ko.
H-hindi maaari!
Akala kong mabait ka. May tinatago ka palang kagaguhan! Humanda ka sa 'kin, Macky Marquesse!
Wala ako sa sariling lumabas ng bahay at naglakad lang nang naglakad, hindu ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko.
Maya-maya'y napatigil na lamang ako sa paglalakad. At pinalibot ko ang paningin sa paligid.
Teka! Bakit nandito ako?!
Sa harap ng bahay ni Macky?
Napahinga ako nang mabuti at walang paalam na pumasok ako sa bahay nila. Dahan-dahan pa akong pumasok sa loob at nakakita ako ng babasaging garapon, kinuha ko ito at tinago sa katawan ko.
Nagtungo ako sa kusina at saktong nakita kong naroon si Macky, nakatalikod lang siya at may ginagawa. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya, napatigil na lamang ako nang malapit na ako sa kanya.
"Macky." Tawag ko sa kanya at agad siyang napalingon sa akin, nagulat siya nang makita niya ako.
"Jadhrie, bakit ka andito-- at saka paano ka nakapasok dito?" Nagtatakang niyang tanong sa akin. Hindi ko alam ang susunod na gagawin ko nang bigla na lamang kumilos ang kamay ko na may hawak na babasaging pigurin at mabilis na ipinalo sa ulo niya.
Napatumba siya at nawalan nang malay sa sobrang lakas ng pagkapalo sa ulo niya. Hinila ko siya sa magkabilang paa niya at tumungo kami sa balkonahe na nasa tabi lang ng kusina nila.
Hindi kaya ng katawan ko ang bigat niya, kaya itinulak ko na lang siya pababa doon sa balkonahe. Hindi ko na inisip na kung masasaktan ba siya o magkakasugat sa pagkakatulak ko sa kanya.
Bago ako bumaba roon sa balkonahe, ay tumungo muna ako sa kwarto niya at kinuha ang phone niya.
Binuksan ko na ang ilaw sa balkonahe, hinila ko ulit ang nga paa niya at inilapit ko sa lumang kama na nakita ko. Ginamit ko ang buong lakas ko para mabuhat siya roon.
Nakakita ako kaagad ng tali roon, kaya mabilis kong itinali ang kamay at paa niya sa bawat sulok ng higaan. May nakita akong speaker doon, nilapitan ko iyon at hinanap ang connector sa phone doon.
Pinagana ko na iyon at binuksan ang phone ni Mack. Nagtungo ako sa music at hinanap ang--- love song naming dalawa noong grade 7 pa lang kami.
Bago ko i-play iyon, ay inantay ko muna siyang magising. Habang wala pa rin siyang malay, ay kumuha ako ng mga gamit na paggagamitan ko mamaya.
Nagtago ako sa madilim na parte ng balkonahe nang makita kong nagising na siya.
"Jadhrie?! Shit--" Aniya at iginalaw-galaw ang katawan. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at lumapit sa kanya. "Jadhrie, bakit nakatali ako rito?! Tulungan mo 'ko!"
"Napakawalang hiya mo talaga, Macky."
"Huh?! Pinagsasabe mo?! Dali na, tulungan mo na 'ko!"
"Ngayon ko lang nalaman na... Nabuntis mo si Haze habang tayo pa. Ginamit mo lang pala ako para makasama mo siya. Totoo ba?"
"What? I d-din't understand."
"'Wag ka nang magmaang-maangan pa, Macky. Napaginipan ko si Haze kagabi at pinakita niya sa 'kin ang lahat-lahat! Binubugbog mo pala siya sa tuwing mag-aaway tayong dalawa!"
Hindi na siya nagsalita pa, dahil abala siyang ipilit ang sarili na tumakad sa pagkakatali niya. Tumungo ako sa speaker at saka pinatugtog ang love song namin dati, nilakasan ko ang volume ng speaker para sa oras na sumugaw siya ay walang makaririnig sa kanya.
Muli akong lumapit sa kanya at hinaplos ang mukha niya, kita ko ang galit sa mukha niya. "Did you remember that? Our love song." Bulong ko sa kanya.
♬ Ariana Grande, The Weeknd- Love Me Harder ♬
♪ Tell me something, I need to know
Then take my breath and never let it go
If you just let me invade your space
I'll take the pleasure, take it with the pain ♪"Mahal kita, Macky. Pero mas mahal ko si Haze!" Sabi ko sa kanya at mabilis na hinampas ng martilyo ang tuhod niya, napasigaw siya sa sakit.
Mangiyak-ngiyak siya sa sakit na naramdaman niya. "Gusto ko lang naman iparanas sa iyo ang lahat ng mga sakit na naramdaman ni Haze noong wala ako sa tabi niya." Sabi ko sa kanya sabay hampas ng martilyo sa kamay niya.
Kumuha naman ako ng lagare at pinakita sa kanya. Tinanggal ko ang lahat ng damit niya at ang tinira ko lamang ay ang salawal niya. Napatingin ako roon at napangiti, dahil may naisip akong pwedeng gawin doon.
Katulad ng ginawa ng lalaki kay Haze, ay gamit ang lagare na hawak ko ay winasiwas-wasiwas ko ito sa katawan niya, pumikit pa ako para hindi ko makita kung saan-saan tumatama sa katawan niya ang lagare. Maya-maya'y napadilat ako at nakita ko kung gaano karami ang mga sugat sa kanyang katawan.
♪ I know your motives and you know mine
The ones that love me, I tend to leave behindIf you know about me and choose to stayThen take this pleasure and take away the pain ♪Nanghihina na si Mack nang tignan ko ang mukha niya. Kulang pa iyan, Macky. Ganti ko lang ito sa ginawa mo sa kaibigan ko. Muli kong kinuha ang martilyo at hinampas ko ang maselang bahagi ng katawan niya.
Namilipit siya lalo sa sakit. Dapat lang na masaktan iyan! Nang dahil diyan, nabuntis ang kaibigan ko! Sobrang pagkauhaw mo sa katawan ng babae!
Hindi pa ako nakuntento kaya kumuha ako ng hand drill at pinagana iyon. Inilapit ko iyon sa paa niya nagtalsikan ang mga dugo sa mukha at mga katawan ko. Binutas-butas ko gamit ang hand drill ang paa at mga kamay niya.
Napatingin ako sa mukha niya at napansin kong walang gaanong sugat doon. Napalapit ako sa mukha niya at tinignan ko kung buhay pa ba siya. "Masakit ba, Mack? Kulang pa iyan." Sabi ko sa kanya at pinagbutas-butas ang buong mukha niya.
Hindi ko na pinansin ang mga dugong nagtalsikan sa mukha ko.
♪ 'Cause if you want to keep me, you gotta gotta gotta gotta got to love me harder
(I'll love you, love you, love you)And if you really need me, you gotta gotta gotta gotta gotta got to love me harder(Love me, love me, baby)'Cause if you want to keep me, you gotta gotta gotta gotta got to love me harder(Love me harder) ♪P
Sinabayan ko ang huling parte ng kanta hanggang sa matapos iyon. "Love me harder." Sabi ko sabay tingin sa lasog-lasog na katawan ni Macky. Pinatay ko na ang speaker at napaupo na lamang sa sahig.
Maya-maya'y naramdaman kong tumulo ang luha ko, sinabayan pa ito ng paghikbi. Napatingin ang sa dalawang kamay ko na punong-puno ng dugo. "Haze, napaghiganti na kita kay Macky. Masakit man na mapatay ko ang lalaking tumulong sa akin doon sa Pulang Kagubatan, pero mas masakit pa rin ang mawalan ng kaibigang katulod mo, Haze." Sabi ko sabay punas ng mga luha kong patuloy sa pag-agos.
Napatayo ako at nakita ko sa madilim na bahagi ng balkonahe na pinagtaguan ko kanina si Haze. Nakatingin lamang siya sa akin at maya-maya'y napangiti siya nang matipid. Napangiti rin ako sa kanya at maya-maya'y nawala ang repleksyon roon ni Haze.
Napayuko ako at muling bumalik sa kusina. Nakita kong may nasusunog doon sa kalan at agad ko itong pinatay. Lumabas na ako ng bahay nila Macky at lumakad palayo.
Hindi ko napansin na nakauwi na pala ako. Wala ako sa sarili kong nagpalakad-lakad lang kanina pauwi habang punong-puno ng dugo ang mukha at mga katawan ko.
Dumiretso ako sa cr at agad na nilinisan ang katawan ko. Kinuskos ko nang mabuti ang buong katawan ko. Itinapon ko na din ang suot ko kanina, nagbihis na ako at umakto na parang normal.
*****
Ginabi na nang uwi sina mommy at daddy galing trabaho. Pagod na pagod sila kaya ako muna ang maghahanda ng makakin nila.
"Isang patay na tao ang natagpuan dito sa buenivista street ang house 24--"
"Teka! Bahay iyan nila Macky ah?!" Rinig kong sabi ni mommy, nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalang iyon. Kailangan kong umaktong normal! Tumakbo ako kina mommy at umaktong gulat na gulat.
"Kaninang umaga po, may nakita akong babaeng lumabas diyan. Punong-puno po siya ng dugo, kaya po lalo akong nagtaka no'n. Pumasok po ako sa bahay nila at nakita ko ang mga patak ng dugo na galing sa balkonahe, laking gulat ko na lang po nang makita doon na may patay!"
"Kung sino mang babaeng iyon! Dapat mamatay na siya!" Galit na sabi ni mommy, hindi niya alam na ang babaeng may gawa no'n ay ako. Niyakap ko lamabg sila at bumalik sa kusina upang hatiran sila ng pagkain sa sala.
"P2A Airlines na papuntang Canada biglang sumabog at napabalitaang bumagsak ito sa North Pacific Ocean, kanina lamang ng 10:00 am."
Niligpit ko na ang mga pinagkainan nila mommy at hinugasan na rin ito saka ako umakyat sa kwarto. Nag-open ako ng phone at lagi ko na lang nakikita sa newsfeed ko ang about doon sa airplane crash.
Nag-open ako ng isang article about doon at binasa ito. Maya-maya'y nakita ko ang listahan ng mga pasaherong sumakay roon. Inisa-isa ko ito at nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ng taong kilalang-kilala ko.
Si Joren Alezile.
T-teka! Si Joren?!
Akala ko ba patay na?!
Kaya ba na walang bumibisita noong nililibing sila Haze, dahil ang totoo ay buhay siya?
Kung hindi si Joren ang isa sa mga na-cremate doon, eh sino?
Hays! 'Wag ko na ngang isipin pa. Dapat lang naman sa kanya iyan, pinahamak niya kami!
Pinatay ko na ang phone ko at humiga na.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong