Mag-log in[ 9 years later ]
Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...
Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.
Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.
Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.
Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.
Pasara na kami ngayon ng shop kaya naglinis na kami roon. "Jad, halika nga!" Tawag sa akin ng boss ko. Nakakatuwa nga dahil itong boss ko ay ang lalaking nasaktan ko dati noong nag-aaral pa kami, si Alfred Bajo.
"Yes, boss?" Lumapit ako sa kanya at inabutan ang ng isang kahon na nakabalot. "Ano ho ito?" Sabi ko habang tinitignan ang kahon. "Regalo ko sa iyo dahil birthday mo na sa biyernes."
"Eh, boss monday pa po ngayon."
"Hayaan mo na advance happy birthday na agad." Aniya at nagpaalam na sa akin at sa mga katrabaho ko.
"Oyy si Jad, crush siya ni boss!" Pang-aasar sa 'kin ng katrabaho ko. Sinimangutan ko na lang sila at nagpaalam na akong umalis sa kanila.
Pauwi na ako sa dorm ko nang makaramdam ako ng gutom, nagpunta ako sa karinderya malapit sa dorm ko at bumili ng ulam. Aalis na sana ako nang makita kong may magpamilyang pumasok doon, tuwang-tuwa pa ang bata dahil nakapunta sila doon.
Pinatitigan ko lang sila dahil na-miss ko bigla ang magulang ko. Napatingin ako sa lalaki na matangkad. Mahaba ang buhok niya at--
Kinabahan ako bigla! Umalis na ako ng karinderya at dire-diretsong pumasok sa dorm ko. Hindi maaari!
*****
Biyernes na at sinabi sa akin ni boss na day off ko daw muna dahil birthday ko! Ang saya ko dahil nagbabalak akong gumala ngayon kila mommy!
Nag-ayos na ako at agad na sumakay sa taxi papunta sa bahay. Pagkarating ko doon, ay napansin kong walang kailaw-ilaw doon, pumasok na ako sa loob at hinanap ang pindutan sa ilaw.
Nang mabuksan ko na ito ay laking gulat ko na--- nakabigti na ang mga magulang ko!!!
Napasigaw ako nang malakas at napahagulgol nanh makita ko sila.
Hindi pwede ito!!!
Alam ko na kung sino ang may gawa nito!!! Agad na lumabas ako sa bahay at sinakyan ang kotse ko. Pupunta ako sa Pulang Kagubatan!
*****
Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na alam kung ilang oras akong nakarating dito. Ito na ang oras para makapag higanti ako! Agad na pumasok ako sa loob ng gubat at hinanap ang isang bahay na pinasukan ko noong hinabol ang ng lalaking iyon!
Habang nilalakad ko ang buong kagubatan ay bigla na lamang kumulog. Nagmadali ako sa paglalakad. Maya-maya'y narating ko na rin ang bahay na hinahanap ko.
Medyo dumidilim na dahil babagsak na ang ulan. Nagtago lamang ako sa puno na malapit sa bahay nila. Alam kong ikaw lang ang may gawa no'n! Ipaparanas ko sa iyo ang sakit na mawalan ng mga mahal sa buhay!
Bumuhos na ang napakalakas na ulan, nakita kong lumabas na ang lalaking pumatay sa mga kaibigan at magulang ko. Dahan-dahan na akong pumasok sa loob ng bahay nila at nakita kong nasa kusina ang mag-nanay.
Kinuha ko ang kutsilyo na nasa 'di kalayuan, dahan-dahan akong pumuntang kusina at maya-maya'y sinugod ko ang mag-nanay, ginilitan ko silang dalawa para siguradong patay na. Binitawan ko ang kutsilyo at muling lumabas ng bahay, nagtago muli ako sa puno.
Maya-maya'y dumating ang lalaki at narinig ko ang malakas niyang sigaw. Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto sa labas ng bahay nila.
"Magpakita ka ngayon din!" Galit na sigaw niya. Naghanap ako ng tiyempo na masugod siya, nakita kong tumalikod siya at mabilis na sinugod ko siya. Tinalunan ko siya, ngunit sadyang malakas siya at napatilapon ako. Sumugod siya sa akin at agad na napabangon ako.
Nakaiwas ako nang ihahampas niya sa akin ang hawak niyang palakol. Mabilis ang galaw niya kaya natamaan niya ako sa hita. Napaupo ako sa lupa dahil sa sakit na naramdaman ko.
Kailangan kong maipaghiganti ang mga magulang at kaibigan ko! Ihahampas na sana niya ang palakol nang makaiwas ako. Pagapang-gapang lang ako dahil hindi ko na magawa pang makatayo. Nahila niya ang paa ko at inilapit niya sa kanya.
Pinaharap niya ako at inindahan ng mga suntok sa mukha. Kada suntok niya ay iniisip ko ang mga magulang ko at mga kaibigan ko. Nabigo ako! Masyado akong nagpadalos-dalos!
Pinagsusuntok niya ako nang pinagsusuntok, hanggang sa manghina ako. Kinuha niya ang hawak niyang palakol at itinarak sa tiyan ko. Lumabas lahat ang mga dugo ko sa tiyan maging sa bunganga ko.
Naririnig kong unti-unting bumabagal ang tibok ng puso ko. Napatingin na lamang ako sa maulang kalangitan, maya-maya'y nakita ko siya na nakatingin sa akin. Wala na akong magagawa pa, hindi ko na kayang lumaban.
Paalam, mommy at daddy.
Paalam, Haze.Itinaas niya ang kanyang paa at marahas na inapakan ang ulo ko.
Paalam, sa akin.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong