Home / All / RED FOREST / Chapter 14: Hidden Chapter

Share

Chapter 14: Hidden Chapter

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 02:32:51

Gelard's P.O.V

Our plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.

Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.

Joren:

The part that I love HAHAHAHAHA

Me:

Sinabi mo pa HAHAHAHA

Joren:

Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!

Me:

Dapat lang!

Baka mapatay ko siya kapag

hindi niya tayo bayaran.

Joren:

Handa akong mapunta sa impyerno! Parusahan pa ako ng Diyos! May pera naman ako HAHAHAHAHA!

Me:

Ma-mi-miss ko silang lahat.

Joren:

Si Hazielle lang naman ang ma-mi-miss ko.

I am very sorry for her nasama ko siya sa kalokohan nating dalawa. Ang importante sa akin ngayon ang pera!

Me:

Bye my baby Shelby! HAHAHAHA

Joren:

Dadanak na ng dugo bukas! Dadanak na rin ang pera natin bukas!

Me:

Relax, bro. Baka 'di ka makatulog niyan.

Joren:

Oo na, oo na... Baka sa sobrang excited ko hindi magawa nang maayos ni Querogullo na iyon.

Me:

Goodnight, bro!

Joren:

Okay...

Kahit kailan talaga napaka-mukhang pera iyang si Joren. Parang hindi mayaman kung umasta. Sampung bilyong piso, barya lang iyan sa kanya.

_______________________________

Ngayon ay nasa pool kami ng hotel, nakita kong lumapit si Joren sa akin at inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"Pumunta na tayo sa Pulang Kagubatan, kanina pa siguro doon nag-aantay si Querogullo." Bulong sa akin ni Joren.

"Anong sasabihin natin sa kanila?"

"Kunyare maghahanap tayo ng bahay doon na matitirhan nila." Sabi nito saka ahon sa pool.

Umahon na rin ako at sumigaw si Joren para umayon ang atensyon ng iba pa naming mga kasama namin sa kanya.

Napakagaling talagang gumawa ng kwento itong si Joren. Kumuha kami ng tuwalya at pumunta sa cr upang doon magpatuyo.

"Galing mo talaga!" Manghang-mangha kong sabi sa kanya habang nagpupunas ng katawan.

"Ako pa! Kaya nga dapat ngang bigyan ako ng maraming ginto kaysa sa iyo. Ano bang natulong mo?" Pagmamayabang niyang sabi sa akin.

Medyo nainis ako ng konti sa sinabi niyang iyon. Nang matuyo na ang katawan namin ay bumalik kami sa kwarto namin at doon nagbihis.

Bumaba muli kami at lumabas ng hotel. Sumakay kami sa van namin at pumunta na roon sa Pulang Kagubatan.

Nang makarating na kami ay bumaba agad kami at pumasok sa loob ng masukal na kagubatan.

"Sigurado ka bang dito yun?" Tanong ko sa kanya na nauuna pang maglakad.

"Kung hindi ko ba alam ang pupuntahan natin hindi ba ako mauuna dito sa paglalakad? Bilisan mo baka naiinip na iyong Querogullo na iyon!" Sabi niya at muling naglakad.

Maya-maya'y nakarating kami sa isang malaking bahay at nakita namin doong nakasandal si Querogullo sa pintuan.

"Hey!" Tawag ni Joren sa kanya.

Nang marinig ni Querogullo ang tawag ni Joren ay umayos na siya ng yuko niya.

"Hindi ka ba nainip diyan sa pag-aantay?" Tanong ni Joren sa kanya.

Tiningnan siya lamang nito ng masama.

"Okay, sorry for being late. Nilaro-laro muna namin yung mga pain namin." Sabi nito habang nakataas ang dalawang kamay.

Ibinato ni Querogullo ang susi ng pintuan at agad ko naman itong nasalo.

Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon.

Nilibot ko ang tingin sa buong bahay. Lumang-luma na ito. Sa pagkakaalam ko, ito ang tinayo ang mga estrangherong dumayo noon rito.

"Saktong-sakto para sa bente katao!" Sabi ni Joren habang nilibot-libot din ang tingin sa buong bahay.

"Lilinisan pa ba namin ito?" Tanong ko kay Joren.

"Wag na! Ako na ang naglinis niyan para sa mga pain! Ang tagal ninyo kasi kaya ako na ang naglinis ng buong bahay. Andito pa ang mga naiwang bungo ng mga estrangherong tumira dito. Yung mga buto nila ibinaon ko na lang sa lupa para walang makakita." Agad na sabi ni Querogullo.

"So, kailan mo nga pala balak ibigay sa amin ang ginto?" Tanong ni Joren sa kanya na ngayon ay nakaupo sa mahabang upuan.

"Kapag nakuha ko na ang dugo ng mga pain. Kapag wala ng natira pa sa kanila. Inyong-inyo na ang benteng ginto. Paghatian ninyo iyon." Sambit ni Querogullo sa amin.

"Dapat mas marami sa akin dahil ako ang maraming nagawa. Kaysa diyan kay Gelard na puro pa-cute lang." Mayabang na sabi ni Joren.

Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay sinugod ko siya at akmang sasapakin sa mukha nang harangan kami ni Querogullo.

"Magsitigil kayo! Tandaan ninyo, hindi porket sa iba kong pamilya kayo ibigay ay hindi ninyi na ituturing ang sarili ninyo bilang magkapatid! Tandaan ninyo ito, lumabas pa rin kayo sa sinapupunan ng kapatid ko!" Sigaw ni Querogullo sa aming dalawa.

"At ikaw Joren, matuto kang makihati hindi ka dapat ang lumalamang! 'Wag kang magmamayabang dahil nasa dugo pa rin namin kayo kaya hinding-hindi ninyo pwedeng lampasan ang tradisyon natin!" Muling sambit ni Querogullo.

"What?! Eh hindi nga namin nasubaybayan ang tradisyon ninyo! Patay na rin naman iyang Matayjano na---" Hindi na natapos ang sasabihin ni Joren nang kwelyuhan ito ni Querogullo at inaangat pataas.

"Ito ang tatandaan mo, bago mamatay ang hari namin, sinabi niya muna sa akin na ako ang magiging sunod na hari ng Baryo Matay, bubuo at gagawa muli ako ng samahan upang mabuhay muli ang lugar na ito. Kung hindi lang sana nangealam ang mga estrangherong iyon!" Sabi niya at dahan-dahang ibinaba si Joren.

"Hindi porket ako ang magiging sunod na hari ay babaguhin ko na ang tradisyon na pinagmulan at pinagdaanan namin!" Dagdag pa nito.

Sa pagkakasabi no'n ni Querogullo namayani muli ang katahimikan sa buong bahay.

"Aalis na ako!" Sabi niya sa amin.

"Wait!" Napatigil sa paglalakad si Querogullo at muling lumingon kay Joren.

"Aalis ka na agad? Eh, pagpaplanuhan pa nga natin ang lahat-lahat." Ani ni Joren.

Lumapit muli si Querogullo sa kanya.

"Ikaw ang maghahatid samin doon, okay? Aakto ka lang naman na 'di mo kami kilala yun lang."

Tumango lang si Querogullo sa kanya at muling umalis. Nang makalayo na ito ay biglang nagsalita si Joren.

"Kahit kailan talaga, iyang Querogullo na iyon napakabobo talaga."

Napangisi lang ako at muling pinalibot ang tingin sa buong bahay.

"Sigurado ka bang kasya sila ditong lahat?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Tara na, anong oras na pala baka inaantay na tayo doon ni Shelby, mga pain pala." Pagbibiro ni Joren.

Naunang lumabas ng bahay si Joren, ni-lock ko na rin ang pinto ng bahay at muling bumalik sa van.

Pinarada namin ang van sa sulok kung saan hindi makikita nila ang van. Nag-antay lang kami sa labas ng hotel.

"Hindi na natin kailangan pang mag-impake dahil aalis agad tayo doon sa oras ng magsitakbuhan na silang lahat, at maisa-isa na ni Querogullo ang mga pain." Seryosong sabi sa akin ni Joren.

"Pagdating natin dito, papainumin natin sila ng alak. Lalasingin natin sila para may unang mabiktima na agad." Sabi ko sa kanya.

Napatango na lang kami sa isa't isa at nakita na naming papalapit na ang mga kasamahan namin.

Nahuling dumating sina Shelby at ang iba pa naming mga kasama. Binilang ko muna silang lahat.

Maya-maya'y dumating na ang jeep, nakita kong seryoso itong si Querogullo. Napakagaling ding umarte nitong taong ito.

Napansin ko rin na nag-iba siya ng damit para matago ang mukha niya.

Nagawa lahat ng mga pinlano namin ni Joren.

Naging maayos at pulido ang lahat. Walang nakakaalam at walang nakakapansin.

Ilang oras na lamang ay dadanak na ang dugo nila.

Hindi na ako makapag-antay sa gagawing kilos ni Querogullo sa kanila. nila.

Hindi na ako makapag-antay sa gagawin ni Querogullo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status