Home / All / RED FOREST / Chapter 22: The Beginning (4)

Share

Chapter 22: The Beginning (4)

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 02:24:32

Habang umalis si Querogullo dahil babalik ito sa kanyang lugar upang iligtas ang kanilang pinuno, ay naiwan roon sa kanyang bahay si Amaria.

Napahiga na lamang siya at pumikit. Maya-maya'y nararamdaman niyang may tumutulong tubig sa kanyang pwetan. Napadilat siya at dali-daling napaupo.

Kinakabahan siya, hinawakan niya ang kanyang tiyan at hinaplos-haplos ito.

"Wag ngayon... Wala pa ang aking kapatid." Aniya sa sarili. Hindi na niya kaya, gustong-gusto na niya itong ilabas. Napabukaka siya at marahang umiri. Pinagpapawisan siya habang umiiri, ramdam niya ang sakit sa kanyang pwetan.

Napapaiyak na lamang siya habang umiiri. Napakapit na lamang siya sa kung saan at muling umiri. Habol-habol niya ang hininga habang umiiri.

"Hindi ko na kaya." Aniya at muling umiri. Maya-maya'y lumabas ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Napangiti na lamang siya nang makita ang kanyang anak. Narinig niya ang pagpalahaw ang iyak ng kanyang anak.

Ngunit, naramdaman niyang parang may lalabas pa roon. Mariin siyang napalunok at muling umiri. Napahinga siya nang malalim at mariing umiri.

Nahihirapan na siya sa kanyang pag-iri. "K-kuya... T-tulong." Aniya at muling umiri. Iri lamang siya ng iri pero parang ayaw pang lumabas ng isang sanggol. Tiningnan niya ito at nakita niyang kalahati pa lamang ng ulo ng sanggol ang kanyang nakikita.

Napatingala na lamang siya at napaiya, muli siyang umiri. Napapasigaw na lamang siya sa nararamdamang sakit. Maya-maya'y lumabas na ang pangalawang sanggol sa kanyang sinapupunan. Gumaan ang kanyang pakiramdam at nanghihina pa.

Kumuha siya sa kanyang mga gamit ng kumot at doon ay inilapag niya ang kanyang dalawang anak at itinabi niya iyon sa kanya. Sa sobrang panghihina niya ay napahiga na lamang siya, napabaling siya sa kanyang dalawang anak. Bahagya na lamang siyang napangiti at muling napaluha.

"M-mahal na mahal k-ko kayo." Aniya at dahan-dahang napapikit.

________________________________

Nang matapos na niyang hugasan sa sapa ang dalawang sanggol ay muli siyang bumalik sa kanyang bahay. Pinulot niya ang kumot na pinaghigaan ng dalawang sanggol. Ipinunas niya ang kumot sa katawan ng dalawang sanggol.

Muli niyang inilapag ang dalawang sanggol sa tabi ng patay niyang kapatid. Gamit ang maliit na kutsilyo ay pinutol niya ang pusod ng dalawang sanggol. Kumuha siya sa mga gamit ng kapatid ng tuwalya at pinunit ito upang ibalabal sa tiyan ng dalawang sanggol.

Tiningnan niya ang dalawang sanggol na ngayon ay natutulog. Napayuko siya at nagsimulang tumulo na naman ang kanyang luha. Napabaling ang tingin niya sa walang malay niyang kapatid. Nilaputan niya ito at hinaplos ang kanyang mukha.

"Kung sana lang hindi kita iniwan rito." Aniya at niyakap ang kapatid.

"'Wag kang mag-alala, maghihiganti ako. Iyong mga lalaking iyon, na pumatay sa ating pinuno at sa ating mga ka-tribo, ipaghihiganti ko sila." Sabi pa niya.

Pinunasan niya ang kanyang luha at napahinga nang malalim. "Handa na po ako." Sabi niya sa sarili.

Binuhat niya ang kanyang kapatid at lumabas ng bahay. Tumungo siya sa likod nito at inilapag ang kapatid sa lupa. Kumuha siya ng pala at naghukay nang malalim.

Inilagay niya roon ang kapatid at muling ibinalik ang mga lupang kanyang itinabi. Napahinga siya nang malalim at napabaling sa kapatid na kanyang inilibing sa lupa.

Maya-maya'y napagpasyahan na niyang umalis roon at bumalik sa loob ng bahay. Kinuha niya ang maitim na supot na naglalaman ng maraming ginto. Binuhat niya ang dalawang sanggol at akma ng aalis nang makita niya ang garapong kaninang inilapag niya. Napaupo siya saglit at binuksan ang garapon.

Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng garapon at kumuha roon nang kaunting abo ni Matayjano at ipinasubo sa dalawang sanggol. "Ginawa ko iyan para sa susunod na mga taon, sa oras na ako'y pumanaw, kayo ang susunod na hahalili bilang pinuno ng ating tribo."

Pagkatapos niyang gawin iyon, ay tumayo na siya at umalis na sa kanyang bahay.

Muli siyang bumalik sa kanilang baryo at inilibot niya ang paningin sa paligid. Giba na ang buong bahay pwera lamang sa bahay ni Matayjano. Naglakad siya palayo roon at kita niya habang naglalakad siya ay nadadaanan niya ang mga nakaratay na sa lupa ang kanyang mga ka-tribo.

Lumabas siya sa labas ng kagubatan at nilakad niya ang mahabang kalsada. Ramdam na niya ang kanyang pagod dahil sa buhat-buhat niyang dalawang sanggol. Sa gitnan ng kanyang paglalakad ay may tumawag sa kanya.

Napalingon siya at nakita niya ang matandang naka motorsiklo. "Umangkas ka na. Saan ka ba tutungo?" Tanong sa kanya ng matanda.

"Sa Maynila." Sagot niya.

"Tamang-tama! Umangkas ka na!" Sabi sa kanya ng matanda. "Bakit ka nga pala may dalang dalawang sanggol?" Biglang tanong sa kanya ng matanda.

"Iaampon ko ito." Sagot niya at tinulungan siya ng matanda na buhatin ang dalawanv sanggol upang makaangkas siya sa motorsiklo nito. Nang makaangkas na siya, ay maingat ba binigay ng matanda ang dalawang sanggol sa kanya at muling umandar ang motorsiklo.

Sa gitna ng kanilang pagbabyahe, ay biglang nagsalita ang matanda. "Kung ipapaampon mo iyang dalawang sanggol na iyan ay maaari kitang tulungan. May mga kilala akong pwedeng kumuha riyan sa dalawang sanggol na iyan." Sabi sa kanya ng matanda habang nagmamaneho ng motorsiklo.

'Patawad aking kapatid, dahil hindi ko kayang alagaan ang iyong dalawang anak. Sana'y hindi ka magalit sa aking gagawin. Patawad.' Sabi niya sa isip.

Hindi na inantay pa ng matanda ang sagot ni Querogullo. Nakarating na sila sa Maynila at napansin ni Querogullo na tumigil ang motorsiklo nito sa harap ng isang nayon.

Inilibot ng tingin ni Querogullo ang buong paligid. Naunang bumaba ang matanda at kinuha ang dalawang sanggol na hawak ni Querogullo upang makababa siya.

"Nasaan na tayo? Bakit tayo tumigil rito?" Nagtatakang tanong ni Querogullo sa matanda.

"Nasa Makati tayo, ito ang Urdaneta Village, pribado ang lugar na ito kaya hindi ito basta-basta napapasukan ng kung sino man. Buti nga't kilala ko ang nagbabantay riyan." Sabi ng matanda at tinuro ang gwardyang na abala sa pakikipag-usap sa kapwa gwardya.

"Tara puntahan na natin!" Sabi sa kanya n matanda at nilapitan na nila ang gwardyang tinuro ng matanda.

"Bertugo!" Tawag ng matanda sa gwardya.

"Mamaya na lang!" Sabi ng gwardya sa kausap niya at umalis ang isang gwardya.

"Bertugo!" Bati sa kanya ng matanda. "Oh! Napadalaw ka! Kumusta na yung bili mong motor? Balita ko bigay iyon ni Sir Alezile sa iyo ah! Hanep ka talaga Vidan! Ang lakas ni kay sir!" Sabi sa kanya ng gwardya at napatawa silang dalawa.

"Maayos naman! Nakarating ba nga 'ko sa malayo eh! Napakaangas ng bigay na motor ni Sir Alezile!"

Napatikhim ang gwardya at muling nagsalita. "Ano nga palang kailangan mo rito?"

"Pupuntahan ko lang yung dalawang mag-asawa! 'Di ba nga wala pa silang anak?" Sabi ni Vidan sa kanya.

Napaisip saglit ang gwardya. "Oo nga 'no! Wala pa lang anak yung dalawa! Bakit mo nga pala natanong?"

"Kanina kase habang binabyahe ko yung bigay na motorsiklo ni Sir Alezile sa akin ay may naabutan akong lalaking naglalakad. Ito siya!" Sabi ni Vidan at pinakilala si Querogullo sa kanya.

"Kita mo namang may dala siyabg dalawang sanggol. Sabi niya, ipapaampon niya raw ito, kaya bigla kong naalala yung mag-asawa. Balak ko sanang ibigay ang isa kung papayag si Ma'am Renalyn." Sabi ni Vidan.

"Subukan mo! Malay mo pumayag." Sabi ni Bertugo sa kanya.

"Teka! Dumating na ba sila?" Biglang tanong ni Vidan kay Bertugo.

"Oo, kakarating lang nila kanina!"

"Pasok na kami! Baka napapagod na itong kaibigan ko!" Sabi ni Vidan sa kanya. Napatango na lamang si Bertugo at pinapasok ang dalawa sa loob.

Kinuha ni Vidan ang isang sanggol upabg tulungan si Querogullo. Nilakad na nila ang village. "Nga pala, ako si Florante Vidan! Trabahador ako nila Sir Joseph Alezile at ni Ma'am Renalyn Alezile sa bahay, 'pag may kailangan sila ay ako kaagad ang nilalapitan nila." Sabi niya habang nilalaro-laro ang kamay ng sanggol.

"Nga pala, kanino itong dalawang sanggol at saka bakit ka sa gubat nanggaling?" Tanong ni Vidan sa kanya.

"Sa kapatid ko ito, namatay siya nang ilabas niya ang dalawang bata. Sa gubat kami nakatira, may baryo roon ngunit nawala iyon nang dahil sa mayroong sumakop roon na mga estranghero." Sagot niya. Napatigil ang lalaki sa paglalakad nang marinig niya ang sinabe ni Querogullo.

Napatingin si Querogullo sa kanya. "Bakit tayo tumigil?" Nagtataka niyang tanong.

"Ahh... Narito na tayo!" Sabi ni Vidan sa kanya at napaharap sa tabing bahay. Pinindot na niya ang doorbell. Maya-maya'y bumukas ang malaking gate at nakita nila kung sino ang bumukas na iyon.

Si Joseph Alezile.

"Anong kailangan mo, Florante?" Tanong sa kanya ni Joseph.

Biglang dumating si Renalyn Alezile at napahawak sa braso ng asawa. "Oh! Florante, may kailangan ka ba?" Tanong rin ni Renalyn sa kanya. Nakita ng babae ang hawak ni Vidan na sanggol, nanlaki ang mata niya at nilapitan ito.

"Wow! Kaninong baby ito?" Masiglang tanong ni Renalyn sa kanya at hinawakan ang kamay ng sanggol. Nakita niyang napakunot ang noo ni Joseph at napalapit rin sa kanya. "Kaninong sanggol ito?" Nagtatakang tanong ni Joseph sa kanya.

"Ma'am at sir! Sa kanya po ito!" Sabi ni Vidan at itinuro si Querogullo. Tiningnan ng mag-asawa si Querogullo at napabaling rin agad kay Vidan.

"Balak niya po sanang iampon itong sanggol, kaya po ako narito ay upang ibigay sa inyo ang sanggol na ito, dahil wala pa po kayong anak." Sabi ni Vidan sa mag-asawa.

"Hon, please pumayag ka na. Natatakot kasi akong manganak eh." Sabi ni Renalyn sa asawa.

Napabaling ang tingin ni Joseph kay Querogullo. "Bakit mo gustong ipaampon itong anak mo?"

Imbes na si Querogullo ang sasagot, ay si Vidan ang nagsalita. "Ahh... Sir, h-hindi niya po anak iyan. Sa kapatid niya po iyan, sa kasamaang palad nga po eh... Namatay na raw po ang kapatid niya pagkatapos ilabas itong dalawang sanggol."

"Nako! Kawawa naman. Hon, dali na ampunin na natin itong bata." Sabi ni Renalyn.

"Oo na, oo na. Nga pala, anong pangalan mo?" Biglang tanong ni Joseph kay Querogullo.

"Querogullo po."

"Quero-- ano?"

"Querogullo po." Pag-uulit niya.

Napatango-tango na lamang si Joseph. Dumukot si Joseph sa kanyang bulsa ng pera at ibinigay kay Querogullo.

"Ano ho iyan?" Nagtataka iyang tanong.

Nagtatakang napatingin si Joseph kay Vidan. "Ahh... Nanggaling po kasi siya sa kagubatan kaya 'di niya po alam iyan." Aniya at itinuro ang pera sa kamay ni Joseph.

"Sa iyo na lang ito, pangbili ninyo ng pagkain at saka..." Napabaling ng tingin si Joseph kay Querogullo.

"Mga damit niya." Aniya at muling napabaling kay Vidan. Kinuha na niya ang pera at isinukbit ito sa kanyang bulsa.

Binuhat na ni Renalyn ang sanggol na buhat-buhat ni Vidan. "Aalagaan namin itong baby na ito, at saka pwede bang kapag lumaki na siya is tito ang tawag sa iyo?" Tanong ni Renalyn kay Querogullo.

Nagtatakang napatingin Querogullo kay Vidan. "Ang ibug sabihin ni Ma'am Renalyn, ay kung ayos ba na maging kapamilya mo na rin sila?" Pagpapaliwanag ni Vidan sa kanya.

Napabaling ang tingin ni Querogullo kay Renalyn at napatango-tango. Napangiti sa kanya si Renalyn muling nilaro-laro ang kamay ng sanggol na hawak niya.

"Ahhh... Ma'am at Sir, aalis na ho kami at may pagbibigyan pa po kami ng isang sanggol." Pagpapaalam ni Vidan sa mag-asawa.

"Mag-iingat kayo." Sabi ni Joseph at pumasok na sila sa loob ng kanilang bahay.

Napabaling na ng tingin si Vidan kay Querogullo. "Tara na!"

Umalis na sila sa bahay ng mag-asawa.

________________________________

"Kumusta? Tuwang-tuwa ba si Ma'am Renalyn sa sanggol?" Pang-abot na tanong sa kanila ng gwardya.

"Sobra! Grabe! Kesyo daw takot siyang manganak. Birhen na birhen pa talaga iyon si Ma'am!" Pagbibirong sabi ni Vidan.

Napatawa na lamang ang gwardya sa kanya. "Alis na kami! May pagbibigyan pa kami ng isang sanggol." Pagpapaalam ni Vidan sa gwardya.

Muli silang sumakay sa motor ni Vidan. Maya-maya'y napatigil na naman sila sa isang nayon.

"Nasaan na naman tayo?" Tanong ni Querogullo habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Nasa San Lorenzo Village naman tayo, isa din ito sa mga pribadong village sa Makati. Katulad din doon sa Urdaneta kilala ko din yung gwardya doon." Sabi ni Vidan sa kanya.

Lumapit sila sa gwardya na sinasabi ni Vidan ay kakilala niya. "Espejo!" Tawag ni Vidan sa gwardya.

Napangiti ang gwardya nang marinig niya ang pagtawag ni Vidan sa kanya. "Vidan, anong kailangan kay Señor Ibarra?" Tanong agad sa kanya ng gwardya.

Napatawa ng mahina si Vidan sa sinabi ng gwardya. "Bakit alam mo na agad ang pakay ko rito?"

"Wala lang malakas lang talaga ang kutob ko. Ano kumusta na ba yung plano mong--" Hindi na natapos ang pagsasalita ng gwardya nang biglang magsalita kaagad si Vidan.

"Ayos naman! Matagumpay na matagumpay!" Sagot niya.

"Pa-balato ah!?"

"Oo naman ako pa! Nga pala... Nakadating na ba si Señor Velasco?"

"Oo naman! Nakita ko ngang nakauwi na pala galing ibang bansa si Señora Gelyn!" Sabi sa kanya ng gwardya na nakapagpalaki ng mata niya.

"Talaga?! Nako! Buti na lang! Nanganak na ba siya?" Nagtatakang tanong ni Vidan sa kanya.

"Ewan! Subukan mong puntahan niyo roon! Bakit mo natanong?"

"Nagpunta kasi kami rito ng kasama ko..." Aniya at pinakilala si Querogullo sa kanya. Napabaling ang tingim ng gwardya sa hawak niyang sanggol.

"Kaya siya may dalang sanggol kasi ipapaampon sana namin ito sa kanila." Aniya sa gwardya.

"Subukan ninyo baka sakaling pumayag ang mag-asawa." Aniya at pinapasok na ang dalawa sa loob ng village.

Habang naglalakad sila ay bilang nagsalita si Vidan. "Sina Señor Velasco Ibarra at Señora Gelyn Ibarra ay isa sa pinakamayaman sa buong village na ito. Mas mayaman pa sila ng konti kaysa kina Sir Joseph at Ma'am Renalyn. Magkakakilala din sila kasi mga magkakaibigan na sila simula no'ng mga bata pa sila. Katulad din sa mag-asawang Alezile, ay nagtatrabaho rin ako sa mag-asawang Ibarra. Ngunit, paminsan-minsan lang kasi sa kada isa o dalawang liggo ay umaalis sila at tumutungo sa ibang bansa. Tapos--" Hindi na natapos ang sasabihib ni Vidan ang makarating na sila sa mansyon ng mag-asawang Ibarra.

Pinindot ni Vidan ang doorbell at maya-maya'y bumukas rin ang pinto. Nakita nila ang katulong na nasa harapan nila. "Sino ho kayo?" Tanong ng katulong sa kanilang dalawa.

"YAYA, SINO ANG TAONG NASA LABAS!" Sigaw ng lalaki sa loob ng mansyon.

"Ahhh... Señor, may dalawa pong lalaki dito." Sabi ng katulong. Maya-maya'y umalis ang katulong at lumabas ang lalaki mula roon.

"Señor Velasco! Kumusta na ho?!" Masiglang sabi ni Vidan.

"Pasok kayo!" Pag-aaya niya sa dalawa. Pumasok na silang dalawa sa loob ng mansyon.

"Vidan, anong kailangan mo?" Tanong ni Velasco sa kay Vidan habang nagsasalin ng alak sa baso nito.

"Señor kaya ho ako naparito dahil may itatanong lamang po ako." Sabi ni Vidan.

"Anong itatanong mo?" Aniya at binigyan ng baso na may lamang alak si Vidan. Agad naman itong ininom ni Vidan.

"Kung maaari lang po sana, kung papayag ho kayo na mag-ampon ng sanggol." Aniya at pinakita ang kanina pang hawak ni Querogullo na sanggol.

"Saan mo napulot iyan?" Nagtatakang tanong ni Velasco kay Querogullo.

"Sa aking kapatid ho Señor, pumanaw na ho siya pagkatapos niyang ilabas ang kanyang anak." Sagot nito sa kanya.

"Gelyn! Mahal, halika rito!" Tawag ni Velasco sa babaeng nakaupo sa upuan habang nagseselpon.

Maya-maya'y dumating ang babae. "Ano iyon, Mahal?"

"Señora Gelyn! Magandang umaga ho!" Bati ni Vidan sa babae.

"Magandang umaga din! Bakit ka narito?" Tanong sa kanya ni Gelyn.

Magsasalita na sana si Vidan nang magsalita si Velasco. "May gustong ipaampon sa atin na sanggol. Papayag ka ba?"

"Ayun ba?" Aniya at tinuro ang hawak na sanggol ni Querogullo. Napatango-tango naman si Velasco sa kanya. Nilapitan ni Gelyn ang sanggol at binuhat ito.

"Yaya!"

Maya-maya'y lumapit ang katulong na nagbukas ng pinto kanina. "Bakit ho, Señora?"

"'Di ba may mga gamit pa ako ng baby sa kwarto ko? Idala mo ito roon at linisan mo, pagkatpos mo linisan ay ipagtimpla mo ng gatas." Utos niya sa katulong.

"Opo, Señora." Aniya at kinuha ang sanggol na hawak-hawak ni Gelyn at umalis. "Kukunin ko na ang sanggol, tutal nasa ibang bansa ang isa ko pang anak at wala din akong masyadong mapaglilibangan dito sa bahay dahil kakadating ko lang galing ibang bansa, aalagaan ko na lang at papalakihin nang malusog ang sanggol." Aniya kay Vidan at Querogullo.

Aalis na sana siya nang bigla siyang magsalita. "Nga pala, anong pangalan mo?" Tanong ni Gelyn at napabaling kay Querogullo.

"Ako ho si Querogullo, Señora." Pagpapakilala niya sa sarili.

Napatango na lamang si Gelyn at umalis.

"Señor, aalis na ho kami!" Pagpapaalam ni Vidan.

Napatango na lamang si Velasco at inihatid sa labas ng bahay sina Vidan at Querogullo. "Querogullo, 'di ba?"

Napaharap si Querogullo sa kanya at napatango. "Kapag may oras ka, bisitahin mo ang sanggol dito sa bahay." Aniya at isinara na ang pintuan ng bahay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status