LOGIN[ Makalipas ang dalawang araw ]
Tahimik na ang buong baryo at tulog na tulog na ang mga nakatira roon. Medyo madilim na rin ang kalangitan, kaya tanging mga apoy na lamang sa labas ng kanilang bahay ang tanging ilaw roon.
Sa kabilang kagubatan, ay naroon ang anim na magkakaibigan na nag-uusap habang naglalakad paalis ng kagubatan. Napatigil na lamang sila nang makita nila ang kalasada mula roon.
"Ito na ang oras para sakupin ang baryong iyon! Mga kaibigan! Ihanda ang inyong mga sandata! Ihanda na ang mga bomba! Sasakupin na natin ang Baryo Matay, kukunin na natin ang kanilang mga ginto, para makapagpatayo tayo ng dalawang malalaking bahay para sa atin! Patayin lahat ng papatayin! Walang matitira!" Sabi ni Fernando sa mga kasama.
Muli silang naglakad palabas at nang makaapak sa kalsada ay dire-diretso silang pumasok sa kabilang kagubatan. Hawak-hawak na nila ang kanilang mga sandata upang mabilis ang kanilang pagkilos.
Si Victor at si Ruel ay may mahabang baril, si Fernando naman ay may dalang machete,si Gerlado ay may dalang bolo, si Laurel ay may dalang palakol at si Berto naman ay may dalang tatlong granada na siguradong kayang makasira ng mga tirahan ng mga tao roon.
Habang naglalakad ay napatigil sila nang makakita ng isang taga-baryo, madilim na kaya hindi sila gaanong makita. Nagtago sila sa malalaking puno na naroon.
Naramdaman na nilang papalakad ito sa kanilang pinagtataguan, kaya mabilis na kumilos si Laurel at lumabas sa pinagtataguan at mabilis tinaga gamit ang hawak nitong palakol sa ulo ng taga-baryo. Pwersahan niyang hinila pataas ang palakol na nakataga pa rin sa ulo ng taga-baryo.
Nang matanggal na niya ito, ay muli silang naglakad. Maya-maya'y nakarating na sila sa Baryo Matay. May harang ito papasok roon, tinalunan lang nila iyong lahat at muling pumasok sa loob ng baryo.
Napatigil sila sa paglalakad at nagsalita si Geraldo. "Fernando at Ruel, isa-isahin ninyong itulak ang mga apoy na iyon sa kanilang bahay upang magkaroon ng sunog." Aniya habang nakaturo sa mga apoy sa labas ng kanilang bahay na nagsisilbing ilaw nila iyon.
Naunang naglakad ang dalawang lalaki at sinimulan nang ipangtulak ang mga apoy na nasa labas ng bahay nila. Nagtago ang apat sa likod ng bahay. "Victor at Berto, pasukin ninyo ang bahay na ito, bilis! Kunin ang dapat kunin!" Pabulong na sabi ni Geraldo sa dalawa, agad din naman nila itong sinunod.
Naiwang mag-isa sa likod ng bahay habang pinapanood ang ginagawang pagtulak nila Fernando at Ruel sa mga apoy sa labas ng bahay. Maya-maya'y lumabas sina Victor at Ruel sa labas ng bahay na may dala-dala ng maitim na supot, ipinakita nila ito kay Geraldo. "Mga ginto!" Masiglang sabi ni Ruel.
Inilagay nila ito sa dala-dala nilang malaking lalagyan. Nakarinig na sila ng mga sigawan ng mga nakatira doon.
"SUNOG!!"
"SUNOG!!"
"SUNOG!!" Rinig nilang mga sigawan ng mga tao roon nakita nilang nagsilabasan na ang mga nakatira doon at mabilis na lumabas sa kanilang pinagtataguan sila Geraldo, Ruel at Victor sa likod ng bahay. Itinapon na ni Ruel ang tatlo niyang mga bomba sa iba't- ibang direksyon at sabay-sabay itong sumabog.
Tumakbo papalapit sina Geraldo at Victor at pinagpapatay ang mga taong nagtatakbuhan.
Mahimbing na natutulog ang dalawang magkapatid sa kanilang kwarto.
"AHHHHHHHH!!"
Mabilis na napadilat si Querogullo at bumangon, lumabas siya ng kwarto at nanlaki ang mata niya nang makita niya sa bintana ang malakaning sunog sa baryo. Nakita niya ring nasusunog na ang labas ng kanilang bahay.
Mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng kwarto at mabilis na ginising ang kapatid.
"Amaria! Amaria! Gumising ka! Bilisan mo!" Nagmamadaling sabi ni Querogullo sa kapatid na mahimbing na natutulog.
Maya-maya'y nagising ang kanyang kapatid. "Bilisan mo! Bumangon ka na riyan! May nakapasok na mga estranghero sa ating baryo!" Aniya sa kapatid.
Nanlaki ang mata ni Amaria at mabilis na bumangon, tumungo siya sa kanyang aparador at kinuha niya ang kanyang mga gamit. Kinuha ni Querogullo ang maitim na supot na naglalaman ng maraming ginto.
Mabilis na lumabas sila sa kwarto. Nakita nilang nasusunog na rin ang kanilang bahay. Tinakpan ni Querogullo ang ilong ng kapatid upang hindi malanghap ang usok na nanggagaling sa apoy. Mabilis silang lumabas ng bahay at nakita nila ang mga estranghero na abala sa pagpatay sa mga kasamahan nila sa tribo.
Mabilis na tumakbo sila palayo roon. Takbo lamanb sila ng takbo. "S-saan tayo pupunta, kuya." Tanong ni Amaria habang tumatakbo.
"Doon sa isa kong ginawang bahay." Aniya at napatigil sila sa pagtakbo. "Pagod na ako, kuya." Sabi ni Amaria habang habol-habol ang hininga. Binuhat ni Querogullo ang kapatid at muling tumakbo.
Maya-maya'y nakarating na sila roon sa sinabing ginawang bahay ni Querogullo, pumasok na sila roon at inilalayang humiga ni Querogullo si Amaria. Binuksan ni Querogullo ang lampara upang magsilbing ilaw nila.
"Kailan mo lang ito ginawa?" Tanong ni Amaria sa kanya.
"Matagal na, ginawa ko ito para dapat sana sa akin kung sakaling magkaroon kayo ng pamilya ni Ricarpio." Sagot niya.
Inilibot ni Amaria ang paningin sa buong bahay. Simple lamang ito at walang gaanong gamit. Napukaw ang atensyon niya sa nag-iisang aparador doon, tumayo siya at tiningnan ko ano ang mayroon sa loob ng aparador.
Binuksan niya ito at laking gulat niya na may mga palakol, martilyo, at kung ano-ano pa ang naroon. "Bakit ka may palakol rito?" Nagtatakang tanong ni Amaria sa kanya.
"Kung sakaling magkaroon ng gulo. Kakailangan ko iyan bilang sandata." Sagot niya.
"Babalik ako roon! Ililigtas ko ang pinuno!" Dagdag pa niya.
"Hindi maaari, kuya! Baka mapahamak ka!" Nag-aalalang sabi ni Amaria.
"Ngunit kailangan---" Hindi natapos ang sasabihin ni Querogullo nang biglang magsalita ang kanyang kapatid.
"Wag kuya! Maawa ka! Mas mabuti kung dito lang tayo!"
Pumunta si Querogullo sa kanyang aparador at kinuha ang kanyang palakol.
"Wag mo nang ituloy, kuya!" Pagpupumilit ni Amaria sa kanya.
"Dito ka lang! 'Wag kang lalabas!" Aniya at mabilis na lumabas ng bahay.
Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Amaria. Bumalik siya sa kanyang pwesto at humiga, hinawakan niya ang tiyan niya at hinimas-himas ito.
'Diyos ko, nawa'y panatilihin ninyong ligtas ang aking kapatid. Ilayo ninyo siya sa kapahamakan.' Sabi niya sa kanyang isip at mariing ipinikit ang kanyang mata.
________________________________
Tuwang-tuwa ang anim na magkakaibigan habang pinapatay nila ang mga tao roon sa baryo. Habang inisa-isa nilang pinagtataga, pinagsasaksa at pinagbabaril ang mga tao roon ay tumatawa sila.
"Patay lamang ng patay mga kasama! Para sa atin din itong ginagawa natin! HAHAHAHAHAHA!" Sabi ni Fernando habang isa-isa hinahawakan ang mga tao sa ulo at gigilitan niya sa leeg.
Punong-puno na ng mga dugo ang kanilang mga mukha at kanilang mga suot. "Nasaan na ang hari! Ipikita ninyo sa amin ang hari!" Sigaw ni Laurel sa mga natitirang tao roon. Lumapit siya sa mga roon at nagsiatrasan naman ang mga takot na takot na tao.
Nainis si Laurel at kumaripas ng takbo sa kanila at inisa-isang pinagtataga ito.
"Nasaan na ang hari!?" Sigaw ni Victor.
Nagsama-sama silang anim at tiningnan ang buong paligid. Wala na silang narinig na anumang boses ng tao, tanging naririnig na lamang nila ang mga nasisirang bahay dulot ng pagkasunog roon.
"AKO BA ANG HINAHANAP NINYO?!" Narinig nila ang sigaw na iyon. Agad silang napalingon kung saan ang boses na iyon. Nakita nila ang lalaking may dala-dalang mahabang patpat.
Napangisi na lamang sila at nilapitan ito.
"Ako ang pinuno ng baryong ito! Kung sino man ang may balak na pumasok rito na walang paalam sa aming Diyos ay tiyak na mahahatulan ng kamatayan!" Sigaw ni Matayjano.
Napatawa na lamang nang malakas ang anim na magkaibigan. "Iyan na ba ang hari!?" Pabirong tanong ni Victor.
"Mukha lamang siyang isang matandang may kapansanan!" Pang-aasar ni Geraldo at muling napatawa silang magkakaibigan.
"Tanda, ibigay ninyo lamang sa amin ang inyong kayamanan at pati na ang inyong lugar, lilisan din kami agad at muling babalik rito upang gumawa ng malaking bahay para sa amin." Sabi ni Ruel.
"Ang inyong hinihingi ay hindi pandalian lamang! Kailangan ninyong---" Hindi na natapos ang sasabihin ni Matayjano nang bigla siya nitong sinugod nina Victor at Geraldo at inindahan ng maraming suntok.
Nanghina si Matayjano sa maraming mga suntok na natanggap niya kina Victor at Geraldo. Pumutok ang kilay at labi nito, nagdudugo rin ang ilong nito. Tinigilan na nilang ang pagsuntok kay Matayjano.
Hinila nila patayo ang matanda at nilapit nila sa kanilang mga kaibigan. Pinagtatawanan nila ang sinapit ng matanda. Hinawakan nila Ruel at Berto ang magkabilang kamay ng matanda. Napaluhod si Fernando upang maabot niya si Matayjano, nakayuko ang matanda nang humarap siya nito, hinawakan niya sa buhok si Matayjano at itiningala ang matanda.
"Ibigay mo na sa amin ang ginto, para hindi ka na masaktan pa nang sobra!" Galit na sabi ni Fernando.
"H-hindi ko ibibigay ang ginto, kapag wala kayong iaalay sa akin na patay na hayop. Iyon ang utos ng aming Diyos, kailangan naming sundin iyon." Mahinang sabu ni Matayjano.
Napangisi na lamang si Fernando at napailing-iling. "Eh kung patayin ka namin. May magagawa ba ang Diyos ninyo para maligtas kayo?! Hindi! Kasi wala naman talagang Diyos! Hangal! Baliw lamang ang naniniwala sa Diyos!" Sabi ni Fernando at binitawan ang paghawak niya sa buhok ni Matayjano.
"Ano na ang gagawin natin dito?!" Tanong ni Ruel.
"Ayaw ibigay ang ginto! Patayin na iyan!" Sabi ni Berto.
Kinuha ni Victor ang palakol at itinaas ito. Ibabagsak na sana niya ang palakol nang biglang magsalita si Matayjano.
"Thixo othandekayo, ndikulungele ukuba kunye nawe ezulwini. Igazi elaphalazwayo emhlabeni olithumela ezulwini, lenze isibhakabhaka umbala-wegazi, umfuziselo wethu sonke. Ukutshintsha isikhundla sam njengenkokeli, mnike isibindi sokuziphindezela kuyo yonke into. Usana olusandul 'ukuzalwa esibelekweni somfazi, uya kuba sisandla sokunene senkokeli. Benze ububi, bempindezele. La madoda mathandathu uyakugweba ezandleni zenkokeli entsha." (Aming mahal na Diyos, handa na po akong makasama sa inyo riyan sa langit. Ang mga dugong dumanak sa lupa ay ipadala ninyo sa langit, gawin ninyong kulay dugo ang langit, simbolo ng kamatayan naming lahat. Ang hahalili sa aking pwesto bilang isang pinuno, bigyan ninyo siya ng katapangang ipaghiganti ang lahat-lahat. Ang bagong isisilang na sanggol sa sinapupunan ng isang babae, ay magiging kanang kamay ng bagong pinuno. Gawin ninyo silang masama at mapaghiganti sa lahat. Ang anim na lalaking ito ay hatulan ninyo ng kamatayan sa kamay ng bagong pinuno.)
Nanghihinang sabi ni Matayjano.
Nagtinginan ang anim na magkakaibigan. Nagtawanan na lamang sila at agad ding napatigil. "Naintindihan ninyo ba ang sinabi ng baliw na matandang ito?" Tanong ni Laurel.
Napailing-iling na lamang sila.
"Victor, may asawa't anak ka na bagong silang, ang anak mo'y magkakaroon ng kakaibang sakit na hindi gagalingin ng ano mang gamot." Muling sabi ni Matayjano.
Sa pagkakasabing iyon ni Matayjano, ay napabaling si Victor sa kanya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?! P-paano mo nalaman na may asawa't anak ako?!" Nagtatakang tanong niya sa matanda.
Hindi sumagot si Matayjano. Nanatili lamang siyang nakayuko. Lumuhod si Victor at hinawakan ang buhok ni Matayjano at ipinatingala ito. Nakita niyang seryoso lamang ang tingin ni Matayjano sa kanya. "PAANO MO NALAMAN?!" Galit na sabi ni Victor.
Ngumiti lamang si Matayjano at napatawa. Binitawan na ni Victor ang matanda at sa sobrang galit ay itinaas niya ang hawak na palakol at mabilis na tinaga ang ulo ng matanda. Sumirit ang dugo mula sa ulo ng matanda, binunot ni Victor ang palakol na nakatarak sa ulo ng matanda.
Muli niya itong pinagtataga ng pinagtataga. Nagkalat lalo ang mga dugo sa lupa. "Itigil mo na iyan, Victor. Mapapagod ka lang. Tara na! Kukunin na natin ang mga ginto sa loob ng bahay ng baliw na matandang iyon!" Sabi ni Laurel sa kanya.
Tumungo na sila sa bahay ng pinuno. Pagkapasok nila ay inilibot nila ang tingin sa buong bahay. Ang bawat gilid ng bahay ay may nakalagay na mga nakagarapong may kung ano-ano ang nasa loob. Marami ring mga kandila sa gilid.
Nakita nila ang nag-iisang pinto sa loob ng bahay ng pinuno. Agad nilang pinuntahan ito at agad na binuksan ni Ruel ang pinto. Nakita nila roon ang litrato ng matandang lalaki na may kaakbay na bata, nasa tabi naman no'n ay ang garapong inaalikabok na.
"Nasaan ang mga ginto?!" Inis na sabi ni Geraldo.
"Hanapin ninyo baka nariyan lamang sa sulok ng buong bahay!" Utos ni Victor sa mga kasama.
________________________________
Kitang-kita ni Querogullo ang lahat-lahat. Lalo na ang ginawang pagpatay nila sa kanilang pinuno. Nasaktan ang kanyang kalooban, dahil hindi man lang niya nasagip ang kanilang pinuno.
"Makakaganti rin ako!" Galit na sabi niya sa sarili habang pinapanood ang pagtataga ni Victor sa kanilang pinuno gamit ang palakol. Nakita niyang umalis ang anim na magkakaibigan at tumungo sa bahay ng pinuno.
Lumabas siya sa likod ng makapal na puno at mabilis na sinundan sila roon. Pagkarating niya sa labas ng bahay ng pinuno, ay tumungo siya sa ilalim ng bahay nito. Doon siya nagtago at pinapakinggan ang usapan ng anim na magkakaibigan.
Naririnig niya mula sa ilalim ang mga mabibigat na yabag na mula sa anim na magkakaibigan.
________________________________
"Bilisan ninyong maghanap upang makaalis na tayo rito sa lugar na ito!" Inis na sabi ni Fernando sa kanila.
Hinaluglog na nila ang buong bahay ni Matayjano. Pinanghulog nila ang mga gamit ni Matayjano. Nabasag lahat ang mga garapong may mga kung ano-anong laman. Pinangbuksan na nila ang mga aparador.
"Nandito!" Sabi ni Laurel nang mabuksan niya ang isang aparador at nakita niyang may limang itim na lalagyan roon. Kinuha niya ito at binuksan. Kumuha siya ng isa at pinakita sa mga kasama.
Naghiyawan pa sila sa sobrang tuwa nila anng makuha na nila ang ginto sa bahay ni Matayjano.
"Tara na! Umalis na tayo rito!" Utos ni Fernando sa mga kasama. Agad na lumabas sila sa bahay ni Matayjano at mabilis na nilisan ang lugar.
________________________________
Lumabas sa pinagtataguan si Querogullo. Tiningnan niya ang buong paligid. Ang dating maayos, mapayapa at malinis nilang baryo ay ngayong parang tambakan na ng mga patapong kagamitan.
Napabuntong hininga na lamang siya. Tumungo siya kung saan pinagtataga ng lalaki ang kanilang pinuno. Pagkapunta niya roon ay naluha siya. Lasog-lasog ang buong katawan ni Matayjano dahil sa ginawang pagtataga ni Victor sa kanya.
Tumungo siya sa tahanan ni Matayjano at nakita niyang nagsotumbahan ang mga gamit niya roon. Dali-dali siyang tumungo sa nag-iisang pintuan roon sa loob ng kanyang bahay at mabilis na binuksan ito. Nakita niya roon ang isang lumang litrato at ang isang garapon.
Binuksan niya ito at nakita niyang may abo roon. Ito ang garapon na dala-dala ng kanilang pinuno noong magpapalit kapangyarihan na sila. Itinapon niya ito sa sahig at lumabas siya ng bahay ni Matayjano dala-dala ang garapon. Inilapag niya ito sa lupa at inakyatan ang bahay ni Matayjano upang kunin ang kanyang bubong.
Inihulog niya ito sa baba ang nakuhang bubong at agad na umalis roon. Bumalik siya sa pinaroroonan ng bangkay ni Matayjano dala-dala ang bubong at ang garapon. Inilapag niya sa lupa ang kanyang hawak at binuhat ang lasog-lasog na katawan ni Matayjano. Inilagay niya ito sa bubong at tumungo roon sa may nasusunog na bahay.
Malakas ang sunog sa bahay na iyon, nahihirapan siyang ilagay roon ang bubong. Ginamit niya ang buong lakas niya para ihagis roon ang bubong. Nang mahagis na niya bubong ay napaupo na lamang siya sa lupa.
Pinanood niya kung paano masunog ang buong katawan ni Matayjano hanggang sa maging abo ito. Maya-maya'y naging abo na ang kaninang lasog-lasog na katawan ni Matayjano, kinuha niya ang kaninang dalang garapon.
Inilagay niya roon ang abo ni Matayjano sa garapon at tumungo sa kanyang mala-kubong bahay kung saan naroon si Amaria.
Dali-dali siyang nagpunta roon, pagkabukas niya ng pinto ay nakita niyang nakapikit na si Amaria at hindi na ito humihinga. Nakita niya rin ang dalawang sanggol sa tabi ng kapatid.
Agad na nilapitan niya ito at ginising ang kapatid. "Amaria! Amaria!" Aniya habang ginigising ang kapatid. Inilapag niya ang dalang garapon at saka inilapit niya ang kanyang tainga sa dibdib ng kapatid upang malaman kung tumitibok pa ito. Nanlaki ang mata niya nang wala na siyang marinig na tibok ng puso ng kapatid.
Napabaling ang tingin niya sa kapatid at napaluha na lamang. "AMARIAA!!" Aniya at napahagulgol na lamang.
Narinig niyang may umiyak na sanggol sa tabi ng kapatid. Napatigil siya sa pag iyak at nilapitan ang dalawang sanggol. Puro dugo pa ang katawan nito kung kaya't binuhat niya ang dalawa at lumabas ng bahay. Tumungo siya sa maliit na sapa at doon ay hinugasana niya ang dalawang sanggol.
Habang hinuhugasan niya ito ay napapaluha na lamang siya dahil hindi na niya makakasama pang muli ang kanyang kapatid.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong