LOGIN"Asintadong-asintado! Napaka galing talaga ng ating kaibigan!" Masayang sabi ng lalaki na may hawak na teleskopyo.
"Isa ka talagang magaling bumaril sa ating lahat, Victor Pallajes! Kaya bagay na bagay talaga sa iyo ang pangalang Victor eh!" Dagdag pa niya at nagtawanan silang lahat.
"Fernando De Villa, bagay na bagay ang ngalan sa iyong pangangatawan! Maging isang payaso sa karnabal!" Sabi ni Victor sa kanya. Muling nagsitawanan ang magkakaibigan.
Si De Villa kasi ang pinakapayat at pinakamatangkad sa kanilang magkakaibigan. Hanggang ilong lang niya ang kaibigang si Victor.
"Nga pala, Pascua. Sigurado ka ba talagang nakamamatay iyong bala na iyon? Para kasing laruan lamang iyon."
"HAHAHAHAHA! Victor, wala ka bang tiwala sa kaibigan mo? Gusto mo... Subukan ko sa iyo?" Sabi ni Pascua at itinutol ang baril sa kanya. Napataas ng kamay si Victor at saka hinarangan sia ng iba pa niyang kaibigan.
"Laurel, 'wag na 'wag mong gagawin iyan!" Natatakot na sabi ni Fernando sa kanya.
Napangisi si Laurel at maya-maya'y napatawa. Ibinaba niya ang baril niya at nagsimulang tumawa ng tumawa. Napahawak siya sa tiyan niya habang tumatawa. Pinanood lamang siya ng mga kasama niya.
Maya-maya'y tumigil ito sa pagkakatawa at muling nagsalita. "Victor, Fernando, Ruel, Geraldo at Berto. Tayo-tayo na nga lang ang magkakaibigan, papatayin ko pa kayo--Nako! Hindi na katulad dati na kapag walang may magtitiwala sa kakayahan ko ay dinederetso kong patayin! Wala ng ganun!" Aniya at napangiti na lamang.
Alam kasi nilang gano'n ang pag-uugali ni Laurel, na kapag walang magtitiwala sa kanya ay pinapatay niya ito. Kung si Victor naman ay kayang umasinta ng baril ay siya naman ay alam na alam kung saang parte ng katawan ng tao ang mabilis makapatay.
Napatawa na lamang sila at tinapik-tapik ang likod ni Laurel. "Tama lang iyan, Laurel! Mabuti't natuto ka na HAHAHAHA! Naalala ko pa noon ang dati mong nililigawan na si Francia, wala siyang katiwa-tiwala sa iyo no'n kaya pinatay mo na lang." Pagpapaalalala ni Ruel sa iilang mga alaala ni Laurel.
Napangiti na lamang siya at napailing-iling. "Tara! Mga kaibigan! At dahil nga nakagala tayo rito sa lugar na ito kahit papaano ay kumuha naman tayo ng litrato natin!" Sabi ni Berto at inilapag sa puno ang kanyang kamera at mabilis na tumakbo papalapit sa mga kasama.
Si Berto Tolentino ay magaling sa pagkukuha ng mga litrato, nanalo siya noon sa kanyang paaralan sa pagiging isang magaling na litratista. Marunong din siyang umasinta sa mga malalayong lugar.
Lumabas sa kamera ang kanilang litrato, lumapit sila roon at tiningnan ang litrato.
"Ang kikisig natin dito! Para tayong sasabak sa gyera!" Pagbibirong sabi ni Fernando.
"Gyera ba kamo? Nga pala, kailan tayo susugod doon?" Tanong ni Geraldo sa kanila.
Sa sinabing iyon ni Geraldo, aya agad na nilang naintindihan. "Pagkatapos ng dalawang araw, mabilis na susugod tayo roon." Sabi ni Laurel.
"Akong bahala sa pagpaplano kung paano tayo susugod roon nang walang nakakaalam." Sabi ni Geraldo sa kanila at napangiti lamang.
"Siguro, galit na galit na roon sila nang makita nilang tinamaan sa may bandang puso ang bata!" Sabi ni Laurel at napatawa na lamang.
"Ganito ang plano... Una, para makapasok tayo roon ay sisiguraduhin nating yung oras na patulog na silang lahat, para mabils tayong makapasok roon. Pangalawa, ikaw Berto, ay maghahagis ng bombang kayang makasunog ng maraming bahay. At pangatlo ay kapag nagsimula na silang magsitakbuhan ay iisa-isahin na natin sila. At ang pang-huli, ay ihuhuli natin ang pinuno nila. Nakatitiyak akong maraming ginto doon sa loob ng kanyang bahay. At kapag napatay na natin silang lahat ay lilimasin natin iyong lugar na iyon at magpapatayo tayo ng dalawang malalaking bahay para sa atin!" Sabi ni Geraldo sa kanila.
Si Geraldo Abesamis, ay isa sa pinaka magaling na magplano sa kanilang magkakaibigan. Napagtatagumpayan nila ito kapag si Geraldo na ang nagplano.
"Magaling, Geraldo! Mapagtatagumpayan natin iyan!" Sabi ni Fernando sa kanya at nag-apir pa ang dalawa.
_________________________________
Muling bumalik sa loob ng bahay si Querogullo. Nakita niya ang kapatid na nakadungaw sa kanilang bintana.
"Anong nangyari doon?" Tanong ni Amaria sa kanya.
"Si Delado, namatayan ng anak. Nabaril ang anak niya sa bandang pudo ng mga estrangherong nag gagala-gala lamang rito sa kagubatan. Kailangan nating mag-ingat, Amaria. Lalong-lalo na't nagdadalang tao ka." Aniya sa kapatid.
"Kung sana lang, hindi magkaroon rito ng kaguluhan na hindi natin inaasahan." Dagdag pa nito.
"Nga pala, may niluto akong ulam diyan, kumain ka na. Yung paborito mong tinola na may papaya, pinakuha ko pa iyan kay Mang Gusting sa gubat." Sabi ni Amaria.
"Bakit mo pa ako nilutuan? Kaya ko namang magluto buti---" Hindi natapos ang sasabihin ni Querogullo nang biglang magsalita ang kanyang kapatid.
"Kaya ko, kuya. 'Wag ka mag-alala sa 'kin! Pasasalamat ko lang ito sa iyo, kasi hindi mo ako pinabayaan." Sabi niya rito.
Sa pagkakasabing iyon ni Amaria ay gumaan ang loob ni Querogullo. Napangiti na lamang siya at niyakap ang kapatid.
"Pangako ko, lalaki mang walang ama ang iyong anak, narito lamang ako pwede naman din nila akong maging ama ng iyong anak. At pangako ko, na hinding-hindi kita papabayaan, Amaria. Magkaroon man ng gulo, narito ako upang maging iyong kasangga." Sabi niya sa kapatid.
Kumalas na sa pagkakayakap si Querogullo. "Maraming salamat, kuya! Akala ko noon, ay magagalit ka kasi pumayag akong galawin ng lalaking iyon at iniwan na lamang ako." Aniya sa kapatid.
"Akala ko nga'y mabuti ang lalaking iyon. Ang kailangan lang pala niya ay iyong katawan. At saka, nagalit ako sa iyo noon, nang nalaman ko na lamang na buntis ka, ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa iyo." Sabi ni Querogullo.
Ricarpio Bellen, ang lalaking napangasawa ni Amaria. Mabait naman ito at masipag magtrabaho para sa asawa. Buo ang tiwala ni Querogullo sa kanya, dahil katuwang niya rin ito sa paghahanap ng kanilang makakain at maiaalay sa kanilang pinuno upang mabigyan sila ng ginto.
Lalong nahulog si Amaria sa kanya. Isang hapon, ay wala roon sa kanilang tahanan si Querogullo, naghahanap ito ng makakain nila at hayop na iaalay niya sa kanilang pinuno upang mabigyan siya nito ng ginto.
Habang nasa banyo si Amaria habang naliligo, ay 'di niya alam na sinisilipan pala siya ni Rocarpio roon. Tuwang-tuwa si Ricarpio na makita ang hubog ng katawan ni Amaria, napapahawak siya sa kanyang maselang parte ng katawan.
Hindi niya natiis, ay bigla niyang binuksan ang pinto ng banyo at mabilis pumasok sa loob. Nagulat na lamang roon si Amaria nang makita niyang nasa banyo na rin ang kanyang asawa. Napatakip siya nito sa kanyang maselang katawan.
"Ricarpio, bakit ka nari---" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang biglang tinakpan ng lalaki gamit ang kamay nito sa bibig ni Amaria. Inilapit pa niya ang hintuturo sa labi bilang pagpapatahimik sa babae.
"Dahil asawa naman kita at matagal na tayong nagsasama, ay ito na ang pagkakataon upang pumayag ka sa gagawin ko sa iyo." Aniya sa babae.
Inilapit ng lalaki ang kanyang mukha sa leeg ni Amaria at sinimulan na niya itong halik-halikan. Nasa bente kwarto na ang edad ni Amaria. Ngunit, hindi pa niya ito nararanasan ang ganitong ginagawa sa kanya ni Ricarpio.
Inilabas ni Ricarpio si Amaria sa banyo habang hubo't hubad pa ito at mabilis na tumungo sa kanilang kwarto. Patuloy pa ring hinalik-halikan ng lalaki si Amaria sa leeg at napahiga na lamang sila.
Tumayo si Ricarpio at mabilis na hinubad ang kanyang mga suot, nanatiling nakahiga na lamang si Amaria. Pumatong si Ricarpio sa kanya at muli na namang hinalik-halikan ang leeg ni Amaria.
"Wag na 'wag mong ipagsasabi sa iyong kapatid, maliwanag? Mananatili lamang itong sikreto, dapat tayo lamang ang nakakaalam." Bulong niya kay Amaria at muling hinalik-halikan ang babae.
Napaluha na lamang si Amaria habang patuloy pa ring ginagalaw ang katawan nito ni Ricarpio.
Nang matapos na si Ricarpio, ay mabilis itong nagbihis. "Magbihis ka na rin riyan, Amaria. Baka maabutan ka pa riyan ng iyong kapatid." Aniya kay Amaria na nakatulala na lamang.
"Amaria! Bilisan mo!" Mariing sabi ng lalaki sa kanya at hinila siya patayo. Lumabas ang lalaki sa kanilang kwarto. Iniwan niyang nakatulala na lamang si Amaria sa kwarto.
Napaupo siya sa higaan at napayakap sa sarili. Hindi siya makapaniwala na ginawa ng lalaki iyon sa kanya. Bumalik na lamang ang kanyang diwa nang maramdamang may tumulong luha sa kanyang mata.
Agad niya pinunasan iyon at napatayo sa higaan at tumungo sa kanyang aparador, nagbihis na siya at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Nakita niya roon ang kanyang asawa na nakaupo sa sala.
Sakto na lamang nang biglang dumating si Querogullo. Nakita iyon ng kanyabg asawa at napatayo siya.
"K-kayo ho pala, kuya." Aniya kay Querogullo, nakita niyang may dala-dala itong mga gulay at prutas.
"Akin na ho iyang mga dala niyo." Aniya at kinuha ang mga dala-dala ni Querogullo. Nagtataka so Querogullo kung bakit ganoon kumilos si Ricarpio.
Nagawi ang tingin ni Querogullo sa kanyang kapatid. "Amaria, halika rito." Utos niya sa kapatid.
Naglakad papalapit sa kanya si Amaria. "Ano ang gusto mong ulam?" Tanong niya sa kapatid.
"K-kahit ano, kuya." Mahinang sagot niya.
Kumunot ang noo ni Querogullo, inilapat niya ang kanyang kamay sa leeg ng kanyang kapatid upang malaman kung siya ba ay may sakit.
"Bakit ang tamlay mo?" Tanong niya.
Napatingin muna si Amaria sa asawa na nasa kusina at muling bumaling sa kapatid. "W-wala ho, kuya. N-nagugutom lang po ako." Aniya sa kapatid.
"Magluluto ako ng paborito mong ginisang gulay." Aniya at tinapik ang ulo ng kapatid at tumungo sa kusina.
Makaraan ng ilang linggo, ay napapansin ni Querogullo ang panay ang suka ng kanyang kapatid. Sa tuwing tinatanong niya ito kung anong nangyare, ay tanging sinasagot lamang nito ay masakit lamang ang sikmura nito.
Isang gabi, ay napagdesisyunan na ni Querogullo na tumungo sa kanilang pinuno kasama ang kapatid, upang malaman nito kung ano ba talaga ang nangyayari sa kapatid.
"Pinuno, kaya kami'y tumungo rito upang itanong sa inyo kung may sakit po ba itong kapatid ko. Panay suka ho siya't---" Hindi natapos ang sasabihin niya nang biglang nagsalita si Matayjano.
"Pumasok kayo sa loob." Aniya at pumasok ang magkapatid sa loob ng bahay ng pinuno. "Ipahiga mo ang iyong kapatid upang matingnan ko ang kanyang tiyan." Utos ng pinuno slkay Querogullo.
Inalalayan niyang humiga sa mahabang upuan si Amaria. Kumuha si Matayjano ng bote na may langis at tumungo kina Querogullo at Amaria.
"Ija, ipakita mo sa akin ang iyon tiyan." Utos ng pinuno at agad din namang sinunod ni Amaria. Lumuhod si Matayjano sa gilid ni Amaria upang makita nang maayos ang tiyan.
Napakunot ng noo si Matayjano, binuksan niya ang hawak niyang bote na may langis at pinatakan nang kakaunti ang tiyan ni Amaria.
Inilapat niya ang kamay sa tiyan nito at hinimas ang tiyan ng babae, habang hinihimas niya ang tiyan ni Amaria ay marahan siyang pumikit.
Maya-maya'y dumilat siya at napatingin kay Querogullo. "Buntis ng iyong kapatid." Aniya kay Querogullo. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa kapatid.
Napailing-iling na lamang siya. "M-may tinatago ka ba sa akin, Amaria?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa kapatid.
Marahang bumangon si Amaria at napatingin sa kanyang kapatid. "S-si Ricarpio, kuya si Ricarpio---" Hindi na natapos ang sasabihin niya nang biglang tumayo si Querogullo, hinila siya nito patayo at lumabas ng bahay ng pinuno.
Napatigil siya sa harap ng nakabukas na pintuan at napaharap sa pinuno, lumuhod siya at nagpasalamat sa kanya. Mabilis silang umalis sa bahay ng pinuno at muling umuwi ng bahay.
Pagkabukas niya ng pinto ng bahay ay walang Ricarpip ang sumalubong sa kanila. Napakatahimik ng bahay, mabilis na pumasok so Querogullo sa loob ng bahay at hinanap ang lalaki.
Pagkapasok niya sa loob ng kanilang kwarto ay agad niyang binuksan ang aparador roon. Nakita niyang wala nang mga damit roon, mabilis na lumabas siya sa kwarto.
"Lumayas na ang lalaking iyon. Iniwan ka niya pagkatapos ka niyang buntisin." Mahinahong sabi niya sa kapatid. Napatingin si Amaria sa kapatid at napaluha.
"K-kuya p-patawad ho." Aniya at napaluhod sa harap ng kapatid. Mabilis na inalalayan ni Querogullo ang kapatid patayo. Niyakap niya ito at napaluha na rin.
Inalagaan nang husto ni Querogullo ang nagdadalang tao niyang kapatid. Hanggang sa ngayon ay hindi niya ito pinapabayaan.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong