LOGINBaryo Matay- Isang mapayapa, maganda at maayos na kagubatan. Ngunit isa lamang siyang tago at 'di kilalang lugar. Magaganda ang mga tanawin roon, matataas ang mga puno at kung ano-ano pa.
Mayroong tribo doon na pinamumunuan ni Matayjano Igazi. Siya ang pinakamatanda at pinakamakapangyarihan sa kanilang tribo.
Ngunit, kahit ganoon kaganda at kaayos ang kanilang lugar. May sinusunod pa rin silang tradisyon at mga paniniwala.
Unang-una na rito ang mga nakagawian na nilang tradisyon na sa tuwing mayroon silang anak na magbebente na ang edad ay kailangang ialay na ang kanilang dugo at buhay para sa kanilang diyos-diyosan.
Kaya nila iyon ginagawa dahil kapag ang diyos-diyosan nila ay nagpasya ng wasakin ang mundo ay tutulungan sila ng kanilang anak na inalay nila sa kanilang diyos upang maligtas nito ang kanilang mahal sa buhay.
"Querogullo, maaari ba kitang makausap?" Sabi ni Matayjano sa kanya.
"Maaari po, pinuno." Sagot ni Querogullo sa kanya.
Ipinatong ni Matayjano ang kanan niyang kamay sa balikat ni Querogullo. Huminga siya ng bahagya at muling nagsalita.
"Tungkol sa pagiging susunod sa yapak ko bilang isang pinuno kapag pumanaw na ako, pumapayag ka ba roon?" Tanong ni Matayjano sa kanya.
Napaisip ng malalim si Querogullo. Alam niyang hindi pa niya kayang gampanan ang pagiging isang pinuno sa kanilang tribo ngunit kailangan niya itong gawin dahil ito talaga ang nararapat para sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya at napatango.
"Nakikita ko sa mukha mo na hindi ka pa handa ngunit ito ang sinabi ng diyos natin kaya kailangan mo itong tanggapin, kung hindi ay kapalit ang buhay mo at ang mga kasama pa natin dito sa tribo kung hindi mo ito tatanggapin. Matagal ko ng sinasabi sa iyo iyan, Querogullo." Aniya sa lalaki.
"Ngayon, tatanggapin mo ba ito?" Muli niyang tanong.
"Tatanggapin ko ho, pinuno. Para sa ating mga ka-tribo." Matapang niyang sabi sa kanyang pinuno.
Napangiti na lamang si Matayjano sa katapangang taglay ni Querogullo. "Lagi mo itong tatandaan, ang pagtanggap mo bilang isang pinuno ay gagantimpalaan ka ng ating diyos ng maraming ginto." Aniya at lumabas. Sumunod sa kanya si Querogullo.
Nang makalabas na sila sa loob ng tahanan ni Querogullo ay nakita nilang dalawa ang mga ka-tribo nilang abala sa pagtatrabaho upang makakuha ng makakain.
"MGA KASAMA! MAGSAMA-SAMA KAYO RITO!" Sigaw ni Matayjano upang makuha niya ang atensyon ng mga ka-tribo nito.
Narinig ito ng kanilang mga kasama at mabilis na nagsama-sama doon sa harap ni Matayjano.
"Magandang hapon po, pinuno!" Sabay nilang bati lahat sa kanilang pinuno.
"Tinawag ko kayong lahat upang malaman ninyo, na si Querogullo ay nakapagdesisyon nang magiging susunod sa yapak ko bilang pinuno sa oras na ako ay pumanaw na at makakasama ang ating diyos sa langit." Aniya sa mga kasama.
Nang marinig nila iyon ay nagkaroon ng mga bulong-bulungan sa mga kasama.
"Wag kayo mag-alala! Kayo'y babantayan ko sa langit, lalong-lalo na ang inyong bagong pinuno sa baryong ito." Dagdag pa niya.
"Kayo sana'y magkaroon ng tiwala sa inyong bagong pinuno katulad ng pagtitiwala ninyo sa akin. Kung sino man sa inyo ang hindi magtitiwala sa kakayahan ni Querogullo, ay kukunin ko ang buhay at gagawing bato ang inyong kayamanan." Pagkasabi niyang iyon ay napatahimik ang kanilang mga kasama.
"Ang ating nakagawiang tradisyon ay hinding-hindi mababago, walang kung sino man sa inyo lalo na sa iyo Querogullo ang mag-iiba ng ating nakagawian. Kayo'y magsi-tayo na riyan sa inyong pagkakaupo at maghanda ng ating makakain para sa pagpapasalamat sa ating diyos sa mga tulong niyang kayamanan sa atin." Aniya at nagsitayuan na ang mga kasama nila at nagsimulang maghanap ng mga makakain.
Naiwan silang dalawa roon at pinanood ang mga kasamahang abala sa paghahanap ng makakain.
"Wag kang mag-alala, Querogullo. Ang mga taong ito ay magkakaroon ng tiwala sa iyo sa oras na maging pinuno ka na sa tribong ito. Lalapit at lalapit sila sa iyo sa oras na kailangan nila ng tulong mo."
"Nakalulugod pong marinig iyan, pinuno. Maraming salamat po!" Aniya at napaluhod simbolo ng pagpapasalamat sa kanilang tribo.
Muli siyang tumayo at muling pinanood ang mga kasamahang abala sa paghahanap ng makakain para sa handaan nila mamaya.
________________________________
"Amaria aking kapatid, maayos lang ba ang iyong kalagayan riyan?" Tanong niya sa babaeng nakahiga sa kanilang kama.
"Oo, Querogullo maayos lang naman ako. Ikaw ba? Sigurado ka ba talagang kaya mong humalili sa pwesto ngayon ng pinuno? " Aniya at napabangon.
"Kung hindi lang sana kapalit ang mga buhay niyo, hindi ko talaga tatanggapin iyon." Sagot niya sa kapatid at napaupo sa higaan upang matabihan ang kapatid. Napatingin siya sa malaki nitong tiyan.
"Malapit na nga pala akong manganak, pagkatapos ng limang araw." Aniya at napahawak sa tiyan niya at hinimas-himas ito.
"Hindi ka ba nahihirapan sa iyong dinadala?" Pag-aalala niyang tanong sa kapatid.
"Nahihirapan ako, Querogullo. Lalo na't wala ang kanilang ama sa tabi ko at tanging ikaw lamang ang nag-aalaga sa akin. Kaya lagi lamang akong nakahiga dito sa kama." Sagot niya.
Napakuyom na lamang ang mga kamay ni Querogullo nang marinig niya ang sinabing iyon ng kanyang kapatid. Ang asawa kasi nito ay iniwan lamang siya pagkatapos niya itong buntisin.
Napabuntong hininga na lamang siya at hinaplos ang ulo ng kapatid.
"Hindi ka ba sasama ngayon sa handaan para sa selebrasyon ng pagiging sunod na pinuno ko?" Tanong niya sa kapatid.
"Paumanhin aking kapatid, ngunit kailangan ko munang magpahinga dito sa aking kwarto. Ikaw na ang bahala kung papayag ba ang pinuno na mag-uwi ka na lamang ng makakain para sa akin." Sagot niya.
Napatango na lamang si Querogullo at inalalayang humiga ang kapatid. Lumisan na siya sa kanilang tahanan at tumungo sa labas ng bahay ng pinuno kung saan gaganapin ang handaan nilang lahat.
Pagkarating niya roon ay nakita siya ng pinuno at nilapitan siya nito. "Magandang gabi, pinuno." Pagbati niya sa kanilang pinuno.
"Wag mo ng gawin iyan, Querogullo." Aniya na nakapagpakunot sa noo ni Querogullo.
"Ngunit pinuno hangga't narito pa kayo ay kailangan ko pa rin po kayong respetuhin." Sabi niya sa pinuno.
Napatawa na lamang nang bahagya ang pinuno. "Napakabait mo talaga, Querogullo." Aniya at inanyayahan na siya nito lumapit na roon sa mahabang mesa kung saan nakahanda ang mga masasarap na pagkain na gawa ng kanilang mga kasamahan para sa kanilang lahat.
Ngunit bago sila umupo ay nagsalitang muli si Matayjano. "Nga pala, nasaan ang iyong kapatid?" Tanong niya kay Querogullo.
"Si Amaria po ay nasa kwarto, nagpapahinga ho siya dahil pagkatapos ng limang araw ay manganganak na siya." Sagot niya sa pinuno.
"Ganoon ba, nako! Mamaya, pagkatapos natinh kumain, magdala ka ng pagkain na inihanda ng mga kasamahan natin para sa kanya, baka nagugutom na siya roon." Sabi ni Matayjano at umupo na sa upuan.
Umupo na rin si Querogullo sa tabi nh pinuno. Nasa gitna sila ng mahabang mesa nakaupo samantalang ang mga kasamahan nila sa tribo ay nasa gilid ng mahabang mesa.
Ngunit bago sila kumain ay tumayo si Matayjano at nagsalita. "Mga kasama! Itaas ninyo ang inyong mga baso na nasa mesa!" Utos niya roon. Itinaas naman ng mga kasama nila ang kanilang baso.
"Ngayong gabing ito, tayo'y magpasalamat sa ating Diyos na walang sawang nagbibigay ng mga masaganang ani at maraming mga ginto na maaari nating magamit kapag tayo ay nangangailangan! Ngayong gabing ito na rin, ang paglilipat kapangyarihan ko sa taong susunod sa aking yapak sa oras na ako'y pumanaw. Basbasan niyo ng iyong kapangyarihan ang aming mga baso. At itong aking dugo na ipapatak ko sa kanilang mga baso, simbolo bilang taos puso kong pagmamahal sa inyo! Mga kasama! Bago ko ipatak ang aking dugo sa inyong mga baso, gayahin ninyo ang aking sasabihin. 'Siyakuthanda Thixo wethu! Sikulungele ukubeka ubomi bethu phantsi ukuze sisindiswe! Le ndoda ilandela emanyathelweni kwinkokeli yethu, iyakusithanda kwaye isihlonele njengokuba siyithanda inkokeli yethu!' " (Mahal ka namin aming Diyos! Handa kaming ialay ang aming buhay para lamang sa aming ikaliligtas! Itong lalaking susunod sa yapak ng aming pinuno, ay mamahalin at rerespetuhin namin tulad ng pagmamahal namin sa aming pinuno!)
Pagkatapos nilang sabihin iyon, ay kinuha ni Matayjano sa kanyang bulsa ang maliit na kutsilyo at nilaslas nito ang kanyang pulso. Nagsimulang magsilabasan ang mga dugo nito at sinimulan na rin niyang isahod ang kanyang dugo sa mga baso ng kanyang mga kasamahan.
"Panatilihing nakataas ang inyong mga baso! Kayong lahat ay pumikit at magdarasal sa ating Diyos!" Utos niya sa mga kasamahan.
"Mahal naming Diyos na nasa langit, nalagyan ko na po ng aking dugo ang kani-kanilang mga baso, kayo naman pong lagyan ang kani-kanilang mga baso ng inyong tubig na nanggagaling sa langit... "
Napatigil siya saglit sa pagsasalita, nanatili pa rin silang nakapikit. "Maraming salamat po! Idilat na ninyo ang inyong mga mata at diretsong inumin ang basong may laman na tubig sa langit." Aniya at diretsong nilagukan ang kanilang mga baso.
"Anong pakiramdam ng makainom ng tubig na galing sa langit?" Tanong niya sa mga kasama.
"Nakakaginhawa po, pinuno! Nakakawala po ng pagod at mga problema na aming nadarama." Sagot ng isa sa kanyang nga kasama.
"Anong pakiramdam, Querogullo na muli kang nakainom ng tubig na nanggaling sa langit ng ating Diyos?" Tanong naman niya sa lalaki na nasa tabi niya.
"Nakakatibay po ng puso! Nakakalakas po ng damdamin!" Sagot niya sa pinuno. Muling napabaling si Matayjano sa mga kasama.
"Mga kasama! Tayo'y magsimula ng kumain!" Aniya at napaupo na lamang at kumain na rin.
Masaya silang nagsabay-sabay na kumain. Ang ilan pa sa kanila'y masayang nag-uusap.
Natapos na si Matayjano na kumain, muli siyang napatayo upang makuha ang atensyon ng kanyang mga kasamagan. "Mga kasama! Pagkatapos ninyong lahat kumain, ay sisimulan na natin ang paglilipat ng aking kapangyarihan sa inyong magiging sunod na pinuno!" Sabi niya sa kanyang mga kasama at muling napaupo.
Napabaling ang tingin niya kay Querogullo. "Ihanda mo na ang iyong sarili sa paglilipat ng aking kapangyarihan sa iyong katawan." Sabi niya roon sa kanya.
Napatango na lamang si Querogullo sa sinabi niya.
________________________________
Maya-maya'y tapos na silang kumaing lahat at niligpit na ang kanilang mga pinagkainan.
"Mga kasama! Ito na ang oras para makita ninyo ang paglilipat ng aking kapangyarihan kay Querogullo." Aniya at napatayo silang dalawa.
Tumungo si Matayjano sa kanyang tahanan at kinuha ang garapon na naglalaman ng abo ng dati nilang pinuno.
Ipinakita ni Matayjano ang hawak-hawak niyang garapon kay Querogullo. "Itong hawak ko, ay naglalaman ng abo ng aking ama noong siya pa ang pinuno sa ating tribo." Aniya at binuksan ang takip ng garapon.
Inilapit niya ito kay Querogullo at dinasalan. "Aking ama na nasa langit, itong lalaking ito sa aking harapan ay siyang hahalili sa aking pwesto kapag ako'y pumanaw na. Handa niyang harapin ang lahat-lahat aking ama. Ang aking taglay na kapangyarihan ay ililipat ko sa kanya, ang aking taglay na katalinuhan at lakas ay ililipat ko sa kanya." Ibinaba na ni Matayjano ang hawak na garapon.
Ipinasok niya sa bunganga ng garapon ang kanyang kamay at may kinuha mula roon. Iniangat na niya ang kanyang kamay at nakita roon na kumuha pala siya ng abo mula roon.
Inilapat ni Querogullo ang kanyang palad at doon ay inilagay ni Matayjano ang abo sa kamay ng lalaki. "Iniutos sa akin ng aking ama ay kailangan mo itong ipasok sa iyong bibig at agad na lunukin upang lumipat na sa iyo ang aking kapangyarihan." Aniya at walang kung ano-ano'y mabilis na ipinasok sa bibig ang abo na nasa kamay nito at mabilis na lumunok.
"Ngayong nasa iyo na ang aking taglay na mga kapangyarihan, antayin mo na lamang na ako'y pumanaw bago mo ito magamit." Sabi ni Matayjano at napaharap sa mga kasamahang nanonood sa kanila.
"Mga kasama! Maraming salamat sa iyong mga kooperasyon! Maaari na kayong magsiuwi na sa inyong mga tahanan. Magandang gabi!" Aniya at umalis.
"Maraming salamat, pinuno." Sabi ni Querogullo sa kanyang pinuno at napatigil ito sa paglalakad, napalingon ito sa kanya at napatango na lamang saka muling umalis at tumungo sa tahanan nito.
Bago umuwi si Querogullo ay nakita niyang may mga tira pa roong mga pagkain sa mesa, wala na ang mga ka-tribo nito na naghanda ng mga pagkain, nasa kanya-kanya na itong mga tahanan at nagpapahinga.
Lumapit siya roon at kumuha ng malinis na plato. Kumuha siya ng mga ulam roon at pinagkasya niya ito sa plato.
"Kasya na siguro ito para kay Amaria!" Sabi niya sa sarili at saka muling bumalik sa kanilang bahay.
Pagkapasok niya roon ay dumiretso siya agad siya sa kwarto nila. Nakita niya roon ang mahimbing na natutulog na si Amaria. Hindi na niya ito binalak pang gisingin para kumain.
Umalis siya sa kanilang kwarto at tumungo sa kanilang munting sala. Inilapag niya ang dala niyang pagkain sa maliit nilang mesa. Umupo siya sa kanilang mahabang upuan at sumandal.
Inisip ni Querogullo ang sinapit ng kanyang kapatid. Napabuntong hininga na lamang siya at nagpagpasiyahang humiga roon. Ipinatong niya ang kanyang dalawang kamay sa ulo nito at napatingin sa kisame.
'Sa oras na makita ko ang lalaking iyon, mapapatay ko talaga siya!' Sabi niya sa isip. Ipinikit na niya ang kanyang mata at umidlip.
________________________________
"Querogullo, gising na at umaga na." Sabi ni Amaria sa mahimbing na tulog na si Querogullo.
Paulit-ulit niya itong ginising at maya-maya ay nagising na rin ito. Bumangon siya at kinusot ang kanyang mata. Napatingin siya sa maliit na mesa kung saan at nilapag niya kagabi ang pagkain na uwi niya para sa kapatid.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong niya sa kapatid.
"Maya-maya kakainin ko na iyan." Sagot niya. Tumayo na si Querogullo at tumungo sa banyo at naligo.
Nang matapos na siya ay agad siyang nagbihis at bumalik sa pwesto kanina. Nakita na niyang kumakain doon ang kapatid niya. Inalok pa siya nito ngunit tumanggi siya.
"PINUNO!!! PINUNO!!!"
Narinig ni Querogullo ang pagsigaw na iyon. Mabilis siyang lumabas sa kanilang tahanan at nakita niyang nagkakagulo ang mga tao roon, lumapit siya upang malaman niya kung ano ang nagyayari doon.
Nagmamadaling lumabas ang kanilang pinuno upang malaman kung ano ang nangyayari. Nang makita nila ito ay agad na lumapit ang isa sa mga kasamahan nila sa kanya, dala-dala nito ang isang batang wala ng malay.
"P-PINUNO!!! A-ANG AKING ANAK HO!!! NABARIL PO SIYA SA BANDANG PUSO NITO!!!" Sigaw ng lalaki habang humahagulgol.
Inilapag niya ang kanyang anak sa lapag at sinuri ni Matayjano ang bata na nabaril. Tinanggal niya ang suot nito at nakita doon ang baril na nakatusok doon. Kinuha niya ito at sinuri.
"Hindi lang ito basta bala ng baril! Ang ganitong bala ay nakakapatay ng maraming tao! At isa lang ang makakagamit nito, kundi ang mga estrangherong balak sugurin tayo!" Aniya na nakapagpatakot sa mga kasamahan niya.
"Ngunit, 'wag kayong matakot lahat, nariyan lamang ang ating diyos upang sagipin tayo! Ang batang ito, ay hindi na muling mabubuhay pa." Malungkot na sabi ni Matayjano. Sa pagkakasabi niyang iyon ay lalong napahagulgol ang lalaki.
"H-hindi maaari! Diyos ko! Kung ikaw ba talaga'y makapangyarihan! Bigyan mo pa ng pagkakataon ang anak ko! Hindi pa siya maaaring mamatay ngayon! May mga tungkuling dapat pa niyang gampanan! Maawa po kayo!" Sabi ng lalaki habang nagluluhod-luhod pa. Nilapitan niya ang kanyang anak at niyakap ito.
"Kung alam ko lang sanang mangyayari ito! Sana hindi na lang kita pinabayaan sa labas na naglalaro!" Dagdag pa niya.
Napaluhod si Matayjano at hinawakan niya ang balikat ng lalaki. "Delado, isa ka sa mga matatapang na kasamahan ko dito sa tribo, manatili ka sanang maging malakas at matapang kahit na wala ang iyong anak. 'Wag kang magpapadaig sa lungkot at pangamba! Ito ang tatandaan mo, ang Diyos ay gagawa ng paraan upang mahuli nating lahat kung sino ang gumawa sa anak mo." Sabi sa kanga ni Matayjano at napatayo.
"Mga kasama! Ilibing na ang batang ito sa tabi ng bahay ni ginoong Delado!" Utos ni Matayjano sa mga kasama at inalalayang tumayo si Delado sa pagkakatayo.
Humukay ng hindi gaano kalalim ang mga lalaki at inilapag doon ang anak ni Delado. Habang inililibing ang anak ay patuloy pa rin siyang naghahagulgol.
"Delado, ang iyong anak ay nasa ligtas ng lugar. Katabi na niya ngayon ang ating Diyos na nasa langit." Sabi ni Matayjano at itinuro ang kalangitan.
"Pinapanood ka ng anak mo ngayon sa langit. Kaya 'wag na 'wag kang panghihinaan ng loob. Wala kang kasalanan sa mga nangyari, Delado. Tatandaan mo iyan." Dagdag pa ni Matayjano.
Nang matapos ang libing ay nagsi-alisan na ang lahat ng mga ka-tribo nito at umuwi sa kani-kanilang tahanan. Iniwan nilang nakatulala ang kaawa-awang si Delado.
Ikinuyom niya ang kanyang kamay sa sobrang galit na naramdaman. "Kung sino man ang gumawa no'n sa aking anak, ay sisiguraduhin kong mamamatay!" Galit na sabi niya sa sarili.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong