Home / All / RED FOREST / Chapter 21

Share

Chapter 21

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 02:21:37

[ 12:30 am ]

Nagising na sina Macky at Hazielle. Nilibot nila ang tingin sa buong paligid.

"JADHRIE!!!" Tawag ni Hazielle sa kaibigan. Maya-maya ay nagising rin si Jadhrie sa paulit-ulit na tawag ni Hazielle sa kanya. Napakurap-kurap si Jadhrie at inilibot ang tingin sa paligid nanlaki ang mata niya nang makitang nakakulong silang tatlo.

"HAZIELLE!!! ANONG GINAGAWA NATIN DITO?!" Nagtatakang tanong ni Jadhrie.

"JADHRIE, AYOKONG PANG MAMATAY!!!" Aniya at napahagulgol.

"AHHHHHHHHHH!!!" Napatili si Jadhrie nang makita niyang nasa mahabang mesa si Shelby na durog-durog ang katawan.

"FUCK!!! NO!!! N-NASAAN SI JON?!" Galit na sigaw ni Jon.

Lalong napasigaw si Jadhrie nang makita ang hating katawan ni Viñea. Napatingin sila sa gilid nang makita nilang may tumayo mula roon.

Lalong napahagulgol si Hazielle nang makita niya ang lalaki. Naalala niya ang sinabe sa kanya ni Jadhrie doon sa malalim na hukay.

"Lalaki siya, malaki ang katawan, nakakulay brown ang damit, mahaba ang buhok niya at masama ang tingin sa akin no'n" Sabi sa kanya ni Jadhrie.

'Siya!!! Siya ang lalaking iyon na sinabi ni Jadhrie!!!'

"FUCK YOU!!! PAG MAKALABAS LANG TALAGA AKO DITO!!! PAPATAYIN KITA!!!" Galit na sigaw ni Macky sa lalaki. Nakatingin lamang ang lalaki sa kanya.

Napalapit ang lalaki sa kulungan ni Hazielle.

"WAG SI HAZIELLE!!! AKO!!! KAHIT AKO NA LANG!!! 'WAG LANG ANG KAIBIGAN KO!!! 'WAG SIYA MAAWA KA!!!" Galit na sigaw ni Jadhrie nang makita niyang lumapit ang lalaki sa kulungan niya. Halos gibain niya ang kulungan sa sobrang galit. Tanging paghagulgol lamang ang ginawa ni Hazielle.

"PLEASE!!! 'WAG SI HAZIELLE MAAWA KA!!!" Sigaw pa niya at napahagulgol na din.

Napatingin na lamang ang lalaki sa kanya at napangisi lamang, napatingin rin ito kay Macky at nakita niyang tahimik lang ito at may malalim na iniisip. Muli siyang napabaling kay Hazielle na kanina pang humahagulgol.

Kumuha ang lalaki ng susi ng kulungan at muling bumalik sa pwesto nito kanina.

"WAAAAAGGGGGGG!!! MAAWA KAAAAAAA!!! AKO NA LANGGGG 'WAG LANG ANG KAIBIGAN KOOOOO!!!" Halos magiba ni Jadhrie ang kulungan sa sobrang galit niya.

Nanatiling bingi ang lalaki at gamit ang susi ay binuksan niya ang kulungan ni Hazielle.

"WAGGGG!!! MAAWA KA SA AKIN!!!" Pagmamakaawa ni Hazielle sa kanya habang humahagulgol. Nagpasikad-sikad pa si Hazielle para hindi siya nito makuha. Ngunit sadyang malakas talaga ang lalaki kaya nahila siya nito palabas.

"HAZIEEELLLEEE!!!" Sigaw ni Jadhrie.

"WAG!!! 'WAG PO!!! MAAWA PO KAYO!!!" Pagmamakaawa ni Hazielle sa lalaki.

Sinipa-sipa ni Jadhrie ang pintuan sa kulungan ngunit hindi niya ito masira. Nakita niyang tahimik lamang si Macky doon.

"MACKY!!! ANO NAKATULALA KA LANG DIYAN?!" Sigaw niya kay Macky. Nanatili lamang bingi si Macky. Nakatitig lang ito sa kandado ng kulungan.

"FUCK!!!" Muling sigaw niya kay Macky at muling sinipa-sipa ang kulungan.

"JADHRIEEEE!!! BITAWAN MO 'KO!!!" Sigaw ni Hazielle.

Narinig ni Jadhrie ang pagtawag na iyon ni Hazielle napatigil siya sa pagsipa sa kulungan at napatingin sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makita inilalagay na ng lalaki ang kaibigan niya sa mahabang mesa.

Lalong binilisan ni Jadhrie ang pagsipa niya sa kulungan ngunit hindi pa rin ito nawawasak. Napatigil siya sa pagsipa nang makita niyang sinampal nang malakas ng lalaki si Hazielle at mabilis na bumagsak ito sa lupa.

"HAZIELLLEEEE!!!" Sigaw niya nang makitang bumagsak sa lupa ang kanyang matalik na kaibigan. Parang alikabok lang ang ginawa niya sa lasog-lasog na katawan ni Shelby, itinapon niya lang ito sa kung saan.

Agad na kinuha ng lalaki si Hazielle at mabilis itong nilagay sa mahabang mesa.

Mabilis niya rin itong tinalian sa buong katawan upang hindi ito makawala.

"HAZIELLLEEEE!!!" Muling sigaw ni Jadhrie at nagwala roon sa kulangan.

"JADHRIEEE!!! T-TULONG!!!"

"MAKAKALABAS DIN AKO DITO HAZIELLE!!!" Aniya at pinagsisipa muli ang kulungan.

"Mapapagod ka lang." Biglang nagsalita ang lalaki habang abala sa paghahanap ng kanyang gamit. Nang makita niya ang hinahanap ay lumapit ito sa kinaroroonan ni Hazielle.

Nakita ni Hazielle ang dala-dala niya. Muli siyang napalingon sa pinaroroonan nila Macky at Jadhrie.

"M-MACKY TULONG!!! J-JAD TULONG!!!" Sigaw niya sa dalawa.

Napatigil muli sa pagsisipa si Jadhrie nang makita niya ang hawak ng lalaki. May hawak itong karayom at sinulid. Mabilis niyang napasok sa loob ng butas bg karayom ang sinulid, tinalian niya ang dulo nito at napalapit kay Hazielle.

"WAG MONG GAWIN IYAN!!! HAZIELLEEE!!! 'WAG!!! MAAWA KA!!!" Hindi na niya ininda pa ang pagsakit ng kanyang lalamunan sa paulit-ulit niyang sigaw.

Ilalapit na sana ng lalaki ang hawak nitong sinulid sa bibig ni Hazielle nang umiwas pa ito. Nainis ang lalaki kaya hinablot niya ang ulo nito at ipinaharap sa kanya. Hindi na makaawat pa si Hazielle dahil sa sobrang pagkahigpit ng pagkakahawal ng lalaki sa ulo nito.

Nakita niya ang makalawang na karayom at madumi sinulid na papalapit na sa kanyang bibig. Walang kung ano-ano'y itinusok na ng lalaki ang hawal nitong karayom sa gilid ng bibig ni Hazielle at tinahi ito para hindi na muling maibuka ang bibig. Tanging pagluha na lamang ang kanyang nagawa.

Habang tinatahi ang bibig niya ay inaalala niya lahat ang mga masasayang araw na magkasama pa sila noon ni Jadhrie. Ang mga alalang iyon ay mananatili lamang na alaala sa kanya dahil hindi na niya muling makakasama ang matalik na kaibigan niya.

"HAZIELLEEEEE!!!" Muling sigaw ni Jadhrie habang humahagulgol, lalo siyang nagwala ng nagwala.

Nang matapos ang lalaki sa pagtahi ng bibig ni Hazielle ay sunod niyang kinuha ay ang maliit na kutsilyo. Muli siyang bumalik sa kinaroroonan ni Hazielle, gamit ang maliit na kutsilyo ay tinanggal ng lalaki ang suot nitong damit.

Rinig na rinig ng lalaki ang malalakas pagsigaw ni Jadhrie habang sinisira niya ang damit ng kanyang kaibigan gamit ang kutsilyo. Ngunit parang musika lang ito sa tainga ng lalaki, mas natutuwa pa siya lalo sa kanyang ginagawa.

Nang mahubaran na si Hazielle ay walang awang winasiwas ng lalaki ang hawak nitong maliit na kutsilyo at hindi ininda kung saan ito tatama. Tanging pagluha lang ang nagawa ni Hazielle nang naramdaman niyang mayroong mga kumikirot sa buong katawan niya.

"HAZIELLLEEEE!!! HAZIELLLLEE!!! HAZIELLEEE!!!" Tanging pagsigaw at pagwawala na lamang ang nagawa ni Jadhrie, nakita niyang winasiwas-wasiwas lamang ng lalaki ang hawak nitong kutsilyo sa buong katawan ni Hazielle. Punong-puno ng mga hiwa sa katawan si Hazielle, bakita niya ring nanghihina na ang kanyang matalik na kaibigan.

Napatingin ito sa kanya at nakita niyang hindi tumitigil sa pag-agos ng luha sa mata ng dalaga. Pati rin siya ay nawawalan na rin ng lakas nang makita niyang naghihina na ang matalik na kaibigan.

Napabaling ang tingin niya kay Macky na ngayon ay may kinakalikot sa may kandado ng kulungan.

Narinig niya muli ang paghagulgol ni Hazielle kahit na nakatahi ang bibig nito kaya muli siyang napabaling doon sa kanya at nanlaki ang mata niya ng makitang may hawak naman ang lalaki na martilyo.

Hindi na niya tiningnan pa ang susunod na gagawin ng lalaki sa kanyang kaibigan. Napatalikod na lamang siya at napasabunot sa sariling buhok. Narinig niya ang iyak ni Hazielle na sobrang nasasaktan.

'Sana... Panaginip lang ang lahat... Sana... Hindi totoo ang lahat' Sabi niya sa kanyang isip. Muli niyang inalala ang lahat-lahat ng mga alaala nila ni Jadhrie.

Napangiti na lamang siya ng matipid at napaiyak muli. Hindi na niya narinig pa ang mga iyak ni Hazielle. Hindi niya kayang matingnan ang sinapit ng kaibigan.

'Bakit ba ito nangyayari sa amin? Kung saka pa muli kaming nagsama at nagkabati... Karma na ba sa akin ito? Nangako ako sa iyo na hindi kita papabayaan... Nangako ako sa iyong hindi na muli kita iiwan... Nangako ka sa akin na magkakasama tayong muli... Hanggang pangako na lamang ang lahat ng iyon at hindi na matutupad pang muli... Hanggang pangako na lang... Hanggang pangako na lang... Hanggang sa muli, Hazielle...'

________________________________

Nang makita ni Jadhrie ang hawak ng lalaki na martilyo ay napatalikod na lamang ito. Lumapit ang lalaki kay Hazielle at walang awang pinagpupukpok ang mga paa hanggang sa madurog ito, sunod naman ay mga kamay nito, at ang panghuli ay ang bandang tiyan hanggang ulo. Hindi tumigil sa pagpukpok ang lalaki hangga't hindi nadudurog ang ulo nito.

________________________________

Mackys's P.O.V

Nanatili lang akong tahimik habang si Jad ay sigaw ng sigaw. Pinatitigan ko ang kandado sa may kulungan.

Naalala ko na lang na may napulot pala akong hairpin doon sa kwarto habang nag-aayos si Macky ng gamit nilagay ko pa iyon sa bulsa ko.

Inalala ko ang mga panahong kapag sa tuwing nakakalimutan kong isara ang locker ko sa school ay ginagamitan ko ng hairpin pangbukas roon.

Napabaling ang tingin ko sa lalaki na abala sa pagwasiwas ng kutsilyo sa katawan ni Hazielle. Napabaling rin ang tingin ko kay Jad na sigaw na lamang ng sigaw.

Sana nandito pa iyon...

Isinuot ko ang aking kamay sa bulsa ko at nang maramdaman kong parang may matigas roon ay hinila ko ito palabas. Naroon pa nga ang isang buong hairpin.

Kumuha ako ng isa at napabaling muli sa lalaki. Abala pa rin siya roon kaya binilisan ko ng isuksok ang hairpin sa kandado ng kulungan.

Hindi ko ito binuksan kaagad at naghanap muna ng tiyempo para makalabas roon at matulungan si Jadhrie. Nakita kong kumuha ang lalaki ng martilyo pinagpupukpok sa buong katawan ni Hazielle.

Habang abala siya roon ay dahan-dahan akong lumabas. Tumungo ako sa kulungan ni Jadhrie,  nakatalikod siya roon at umiiyak. Ipinasok ko na ang hairpin sa kandado nh kulungan niya at mabilis na kinalikot ito.

'Bilisss... Baka mahuli pa ako ng lalaking ito!'

Nang mabuksan ko na ay tinanggal ko ang kandado---

"Hoy!!! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw ng lalaki sa akin at mabilis na sinugod ako.

"JADHRIE!!! "

"TAKBO!!!" Sigaw ko sa kanya. Napalingon siya at nakita niya akong iniindahan na ng suntok ng lalaki. Binuksan niya ang pinto sa kulungan niya at mabilis na tumakbo palabas.

Tinanggap ko ang malalakas na suntok niya sa mukha ko. Nagkunwari na lamang akong wala ng malay. Nang mapansin niya roon ay umalis siya sa kanyang bahay upang mahanap si Jadhrie.

Nang wala na siya roon ay mabilis akong bumangon at napatingin ako sa durog-durog na mukha ni Hazielle nakita ko ang kwintas na nakasabit sa leeg niya, kinuha ko iyon at inilagay ko sa bula ko. Nakakita ako ng malaking kahoy, kinuha ko ito at umalis ng bahay.

________________________________

Hindi alam ni Jadhrie kung saan siya dadalhin ng kanyang paa sa pagtakbo. Hindi na niya ininda pa ang sugat niya sa hita no'ng nahulog sila sa malalim na hukay.

Nagulantang na lang siya nang biglang may bumato sa ulo niya na matigas na bagay, napadapa siya sa sobrang lakas ng pagkakabatong iyon.

Tatayo na sana siya nang biglang may humablot sa kanyang buhok at hinagis siya sa kung saan man natamaan ang likod niya sa puno. Nahabol pala siya ng lalaki kanina doon sa bahay, kahit na mapula ang langit ay kitang-kita sa lalaki ang sobrang galit.

Muling lumapit ang lalaki sa kanya at pinagsisipa ang tiyan niya. Pinulot siya nito at muling hinagis. Hinang-hina ang buong katawan ni Jadhrie.

Napadapa na lamang si Jadhrie sa lupa. Lumapit ang lalaki sa kanya ngunit hindi na niya muling binugbog pa si Jadhrie, hindi na gumagalaw pa si Jadhrie.

Muling umalis ang lalaki at bumalik sa bahay niya. Pagkapasok niya roon ay nakita niyang wala ng tao roon pwera lang kay Hazielle.

"Nasaan na yung lalaking iyon?" Aniya at kinuha ang palakol at muling umalis.

________________________________

Macky's P.O.V

Kung saan-saan na lang ako dinadala ng mga paa ko. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo para hindi ako mahuli ng lalaking iyon.

Sa pagtakbo-takbo ko ay napatigil ako nang makakita ako ng malaking bahay, may ilaw roon kaya muling akong tumakbo at tumungo roon.

"Tao po?!" Sabi ko roon pero wala man lang lumalabas doon kaya napagpasiyahan kong buksan iyon at mabilis na sinara ang pinto.

Pagkapasok ko doon ay namangha ako. Napakalinis ng bahay at napakaganda rin. Sino naman kaya ang titira dito sa kagandang bahay na ito sa ganitong kapangit na lugar.

Nagpalakad-lakad ako roon at nakakita ako ng hagdanan pataas. Hindi ko na pinasok pa ang kusina kaya dumiretso na ako sa taas.

Pagkaakyat ko ay nakakita ako ng dalawang pintuan. Ang isa ay nasa harapan ko at ang isa ay nasa gilid. Pumasok ako sa harapan kong pinto at pagkabukas ko roon ay nakita ko ang higaan at mga gamit.

Mas nakakuha ng interes ko ang mga nakakalat na litrato sa mesa. Isinara ko ang pinto at saka ko tinignan isa-isa iyon. Mga lumang litrato iyon nila---

T-Teka!!!

Sa unang pagkakita ko pa lang sa isang litrato ay nanlaki ang mata ko nang makita ko ang tatlong babaeng magkaakbay, parehas silang nakangiti at mas nakapag pokus ng atensyon ko ay ang isang babaeng nasa gilid. Maganda ito at---

H-hindi!!!

S-si... S-si

Lola iyon!!!

P-paanong nagkaroon ng litrato ang lola ko dito. Naalala ko no'ng aalis siya, nakwento ko sa kanya na mag-ro-road trip kami rito. At alam niya rito sa Baryo Matay.

Kumuha pa ako ng isang litrato doon sa mesa at nakita ko naman ang anim na lalaki na nakasuot ng pang-lakbay. May mga pangalan sa mga suot nilang damit.

Pinatitigan ko ito at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang apilyedo na paniguradong alam na alam ko.

' V. Pallajes '

H-hindi kaya ito ang tatay ni Viñea?

Nagulat na lang ako nang biglang may bumukas na pinto sa baba. Ibinalik ko ang dalawang litrato sa mesa at mabilis akong nagtago sa ilalim ng kama.

"KUNG SAAN MAN ANG LALAKING IYON NAGPUNTA!!! TIYAK MAHUHULI AT MAHUHULI KO SIYA!!!"

Boses lalaki iyon.

T-teka!!!

H-hindi kaya siya rin ang may-ari nitong bahay?

Narinig ko ang mabibigat na yabag paakyat sa dito sa taas. Maya-maya'y biglang bumukas ang pinto sa pinasukan ko. Nakita ko ang sira-sira niyang sapatos at naamoy ko ang masangsang niyang amoy.

Nagulat na lamang ako nang biglang may tumunog na parang may tumatawag doon.

"Ano na?!" Sabi niya.

Hindi ko gaano marinig kung sino ang kausap niya.

"Hindi pa ako tapos! May isa pang nakawala!"

"Oo na,  oo na! Ngayon na talaga?"

"Sige." Aniya at pinatay na ang tawag.

Nakita kong binuksan niya ang aparador at may kinuha siya doon na kung ano. Nang makuha na niya iyon ay muli siyang lumabas ng kwarto at dali-daling bumaba.

Hindi ako muna lumabas baka kasi bigla pa siyang bumalik dito. Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto sa labas. Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Nagulat na lamang ako nanv biglang makarinig ako ng tunog motorsiklo. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko ang lalaki na nakasakay roon at mabilis na pinaandar ito.

Nang makalayo na siya ay muli akong bumalik sa mesang maraming nakakalat na mga litrato. Muli kong tiningnan iyon isa-isa.

Tiningnan ko ulit ang litrato ng anim na lalaki na may suot na pang-lakbay. Inisa-isa kong pinatitigan ang mga pangalan nila sa suot nilang damit.

' F. De Villa '

' V. Pallajes '

' R. Baldojano '

' L. Pascua '

' G. Abesamis '

' B. Tolentino '

Hindi ko kilala ang iba pwera lang doon sa Pallajes na nakita ko. May hawak-hawak silang mga baril.

Para saan?

Muli kong tiningnan isa-isa ang mga litrato. May isa na namang litrato na nakapagpukaw ng pansin ko.

Yung lalaking mamatay tao, nakatayo siya tapos may kasama siyang babaeng may dala-dalang dalawang sanggol. At sino naman kaya ito?

Bakit kaya pumapatay siya ng tao?

Para saan?

Hindi kaya... Naghihiganti siya?

Binalik ko ang mga litrato sa mesa. Nakita kong nag-iiba na din ang kulay ng kalangitan, medyo lumilinaw na ito.

Tiningnan ko ang orasan sa taas ng pintuan ng kwarto.

5:30 am  na pala. Kumusta na kaya si Jadhrie? Nahabol kaya siya ng lalaking iyon?

At saka...

Sino kaya yung tumawag sa lalaki kanina?

At ano ang kinuha niya sa aparador na iyon?

Nilapitan ko ang aparador at binuksan ito. Tumambad sa akin ang mga damit na nakakalat doon. Nakita ko ang isa kulay itim na bag doon. Kinuha ko ito at napansin kong mabigat ito.

Pagkabukas ko sa bag na iyon at nanlaki ang mata ko nang makita ang mga mala-batong ginto. Kumuha ako ng isa at hinagis-hagis. Ang bigat niya, magkano naman kaya ang halaga nito?

Hindi ko na tinangka pang kumuha ng isa. Ibinalik ko ito sa aparador at isinara iyon. Muli akong lumabas ng kwarto at bumaba.

Tahimik ang buong bahay. Nakakita ang ng isang pigurin ng anghel doon kinuha ko ito at tumungo sa kusina. Aba! May pa-anghel-anghel pa ang demonyong iyon?

Napangisi na lamang ako at inilapag iyon sa mesa. Nakakita ako ng ref at binuksan ito. Pagkabukas ko ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Puro mga durog-durog na laman at ang iba ay inuuod na. Isinara ko iyon at napansin kong may pintuan mula roon. Nilapitan ko iyon at ipinihit ang doorknob.

Bukas ito kaya napagpasiyahan kong pumasok. Madilim doon at masangsang ang amoy. Bumaba ako doon at naghanap ng bukasan ng ilaw.

Nagkapa-kapa ako doon at nang maramdaman kong para sa ilaw ito ay pinindot ko ito. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mahabang mesa na may nakatabing na tela.

Tinanggal ko ang tabing roon at nagulat ako nang makita ko ang nakabukang tiyan ni Jon. Napatakip ako ng bibig at napasuka. Muli kong ibinalik ang pagkakatabing no'n sa mahabang mesa at pinatay muli ang ilaw.

Bumalik ako sa taas ng kwarto at tiningnan ko ang oras doon. 6:30 am na pala ng umaga. Mabuti at hindi pa bumabalik ang lalaki. Humiga ako sa higaan at umidlip.

[ 9:30 am ]

Nagising ako bigla nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa labas. Agad akong bumangon at muling nagtago sa ilalim ng kama. Baka bumalik na ang lalaki.

Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng motorsiklo doon at pinatay ang makina nito.

Nakakapagtaka nga lang may unang pumasok doon. Sino iyon?  Hindi kaya iyon yung tumawag sa lalaki kanina?

Narinig kong muling bumukas ang pinto doon. Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto sa baba, panigurado sa balkonahe iyon galing.

"Hoy!" Narinig kong sogaw ng lalaki sa baba. Mukhang may taong pumasok doon at nakita siya. Hindi kaya?

Si Jadhrie iyon? 

Lumabas ako sa ilalim ng kama. Maya-maya'y nakarinig ako ng pagsigaw. Ang pagsigaw na iyon...

Si Jadhrie nga iyon!!!

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Narinig ko pa ang malakas na pagsarado ng pinto sa balkonahe.

Nakarinig ako ng mabilis na pag-akyat at pagbukas ng muli ng pintuan. Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na kalabog na parang may hinagis roon.

"W-wag m-maawa k-ka." Rinig kong sabi ni Jadhrie. Dahan-dahab akong bumaba at nakita kong sakal-sakal ng lalaki si Jadhrie.

Ginamit ko ang buong lakas kong natitira sa akin at malakas na hinampas sa ulo niya ang dala-dala kong malaking kahoy. Napasalampak siya sa sahig at nakita kong nagdugo ang ulo niya.

Nakita ko ang pagdilat ng mata ni Jadhrie.

"Jadhrie!" Sabi ko sa kanya sabay yakap nang mahigpit.

"M-Mack." Nanghihina niyang sabi.

"T-tara na!  Alis na tayo dito baka maabutan pa niya tayo!" Sabi ko sa kanya at tinulungan siyang tumayo. Inalalayan ko siyang maglakad at nakita ko sa sahig ang susi ng motorsiklo ng lalaki. Agad ko itong kinuha at mabilis na umalis sa bahay na iyon.

Tumungo kami sa motorsiklo. "Bilis!  Sakay!" Sabi ko sa kanya at inalalayan siyang sumakay roon. Nang makaupo na siya nang maayos sa motorsiklo ay sumakay na rin ako at gamit ang susi ay pinaandar ko na iyon.

Umalis na kami ni Jadhrie sa lugar na iyon. Nakita na rin namin ang kalsada sa labas ng kagubatan at doon ay dinere-diretso na iyon.

Habang nagmamaneho ako sa motor ay naramdaman kong napayakap si Jadhrie sa akin sa likod ko. Napangiti ako roon nang maramdaman ko ang yakap niya.

Maya-maya'y naramdaman ko ang paghikbi niya. Napabuntong hininga ako habang nagmamaneho. Nakakalungkot isipin na nawala ang matalik na kaibigan ni Jadhrie.

Sa pagmamaneho namin ay nadaanan namin ang hotel na tinuluyan namin bago pumunta sa Pulang Kagubatan.

Itinigil ko sa harap ng hotel ang motorsiklo. Nakita kong wala pang tao doon buti na lang ay walang pintuan papasok doon.

"A-anong gagawin natin dito?" Tanong ni Jad sa akin.

"Magpapalit tayo ng damit kukunin na din natin ang iba pa nating gamit diyan." Sagot ko sa tanong niya. Bumaba ako sa motorsiklo at inalalayan siyang bumaba.

Pumasok na kami sa loob ng elevator at umandar na iyon. Nang makarating na kami sa 3rd floor ay lumabas na kami. Naalala ko ang una naming pagpunta dito.

"Dali na, Jad. Maglinis ka na ng katawan mo at kunin mo na ang mga gamit niyo diyan ni Haze." Sabi ko sa kanya at napatango siya. Nasa harap ko na ngayon ang kwarto ko.

"W-walang susi." Sabi ni Jad sa akin. Oo nga pala binalik pala namin yung susi doon sa baba. Buti na lamang ay may natira pa akong hairpin sa bulsa ko at sinimulan ko ng kalikutin ang pinto ng kwato ko. Nang mabuksan na iyon ay sunod ko namang binuksan kay Jad.

"Salamat." Aniya at binuksan na niya ang pinto sa kwarto niya at sinara ito. Bumalik na rin ako sa kwarto ako at pumasok na roon. Pagkapasok ko roon ay agad na dumiretso ako sa banyo at naglinis ng katawan.

Nang matapos na ako ay nagbihis ako ng damit ko. Buti na lang ay may tinira akong damit dito. Nakita ko ang higaan ni Jon. Wala ang mga gamit niya roon, dinala niya lahat.

Tapos na kaya si Jad doon.

Jadhrie's P.O.V

Pagkapasok ko sa kwarto ay muli na naman akong napaiyak. Hindi ko akalaing mauuwi kami sa ganoon. Patay na silang lahat, nang dahil lang sa gala na ito hindi na sila makakabalik pa.

Pinunasan ko ang mga luha ko at dumiretso na sa banyo. Binuksan ko ang shower at pinagkukuskos ko ang buong katawan ko na puno ng natuyong dugo.

Nakikita kong unti-unti na itong nagsisitanggalan sa katawan ko. Maya-maya ay natapos rin ako sa pagligo at lumabas ng banyo. Nagbihis ako ng malinis na damit at ginamit ang pabango ni Hazielle.

Tanging ito na lang ang alaalang iniwan niya sa akin. Muli na namang tumulo ang luha ko, hindi ko tanggap na sa ganoon lang mawawalan ako ng kaibigan. Ang kaibigan ko pang matagal ko ng hindi nakakasama nang dahil sa away namin.

Nalaman ko rin ang masamang pinagdaanab niya noong wala ako sa tabi niya. Hindi niya nasaabi sa akin ang tungkol sa kung ano man iyon.

Napabuntong hininga na lang ako at iniligpit ang mga gamit ko. Napatingin ako sa higaan niya at nakita kong naroon pa ang ilan sa mga gamit niya. Inayos ko rin ito at nakita ko ang bigay kong libro sa kanya doon sa van ni Gelard. Ni hindi naman nagtagal iyon sa kanya. Nilagay ko ang libro sa bag ko at nang matapos ako ay lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa kwarto ni Macky.

Pagkapunta ko roon ay saktong pagbukas niya rin ng pinto. Napatingin ako sa kanya at napatingin rin siya sa 'kin. Naalala ko noon no'ng pumunta siya sa school namin at nagkagulo pa kami doon. Handa na ba kitang patawarin, Macky?

"Tara na?" Tanong niya sa akin at marahan naman akong napatango. Pumasok na kami sa elevator at nang makarating kami sa ground floor ay lumabas na kami roon.

Tumungo ulit kami sa motorsiklo. Nauna siyang sumakay kaysa sa akin, tinulungan niya akong buhatin ang dala kong gamit para makasakay din ako sa motorsiklo niya.

Nang makasakay na ako nang maayos ay binigay na niya sa akin ang bag.

"Pwede na? Ayos ka lang ba diyan?  Hindi ka ba nahirapan sa pag-upo mo?" Tanong niya sa akin. Napailing naman ako at sinimulan na niyang paandarin ang motorsiklo.

Habang nasa pauwi na kami ay iniisip ko kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng mga magulang ng iba pa naming mga kasama na patay na silang lahat.

[ 5:00 pm ]

Nadaanan na namin ang Hades Restaurant. Naalala ko no'ng pinagtanggol ko si Hazielle kay Joren. Talagang hindi ko napigilan ang sarili ko na awayin si Joren.

Unang pag-uusap din namin noon ni Hazielle pero hindi naman iyon sobrang tagal.

"Doon pa rin ba ang bahay mo?" Tanong sa akin ni Macky habang seryosong nagmamaneho.

"Oo, doon pa rin." Sagot ko sa kanya. Alam ni Macky ang bahay namin dahil no'ng nililigawan na niya ako pinapunta ko siya doon sa bahay.

Nang makarating na kami sa bahay ay bumaba na ako sa motorsiklo. Napatingin ako sa kanya.

"S-salamat." Sabi ko sa kanya. Nakita kong napatango lang siya sa sinabi ko.

"Oh, by the way may ibibigay pala ako sa iyo. " Aniya at may kinuha sa bulsa niya. Nang makuha na niya ay kinuha niya ang kamay ko at binigay sa akin ang hawak niya.

"Kinuha ko kay Hazielle iyan. Alis na ko!" Aniya at napangiti ako sa kanya.

"Ingat ka." Sabi ko sa kanya at nahuli kong napangiti siya roon sa sinabi ko,  maya-maya'y pinaandar na niya ang motorsiklo niya. Nang makalayo na siya ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

As usual, ganoon pa rin. Walang katao-tao pa rin. Dumiretso ako sa kwarto ko at npatingin sa bintana. Wala na roon ang karatula ng Pulang Kagubatan.

Bakit kaya tinanggal?

Napakibit-balikat na lamang ako at muling napahiga. Hindi ko magawang ipikit ang mata ko dahil alam kong babalik at babalik ang mga alaala sa isip ko.

Maya-maya'y biglang tumulo ang luha ko. Napabangon ako at napatingala.

Hazielle....

Na-mi-miss na kita....

Kahit sana naman makapagparadam ka....

Napabuntong hininga na lamang ako kinuha ang phone ko sa bag. Isa-isa kong tiningnan sa gallery ang mga pictures namin. Ni hindi man lang kami nakapag-picture ngayon.

"Hazielle..." Sabi ko sabay zoom ng picture niya.

Napaiyak muli ako. Hindi ko rin tanggap ngayon na wala na ang kaibigan ko.

Pinatay ko na ang phone ko at napapikit. Kung sana lang talaga...

Sana panaginip lang ang lahat-lahat...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status