Compartilhar

Chapter Two

Autor: mis_arnie
last update Data de publicação: 2020-08-08 11:25:06

Nangingintab ang labi ni Ara o mas kilala sa club na Angel. Makapal ang make up na ginamit niya upang iterno sa labi niyang kulay dugo. Madalas sabihin ng mga costumer niya na mukha daw masarap ang mga labi niya kaya lagi iyong ginagamit niya.

Isinuot niya ang itim na sumbrelo na may tatak na Star Club. Bahagyang inayos ang kulay puting tube na suot na halos kapusin sa tela dahil sa malusog niyang dibdib. Ang paldang maiksi na naghantad lalo ng makinis niyang mga hita. Ayaw man niyang isuot ngunit ito ang uniporme nila sa club. Tinernuhan ng mataas na heels.

"Angel, Dalian mo dumadami na ang costumer!". Ani ni Cloe di niya tunay na pangalan. Tulad niya maganda rin ito, may isang anak na si Cloe sa isang costumer nito pero hindi pinanagutan dahil ayon sa lalaki, Isa lang itong puta't bayaran.

"Sige Cloe, sunod na ako!" Aniya. Muli niyang tinignan ang itsura sa salamin bago malamin na bumuntong hininga. Bali-balita na may bigating VIP ngayong gabi. Maraming datong kaya aligaga ang karamihan sa mga babae ng Club. Umaasang maka jockpot ngayong gabi.

Lumabas si Angel dala ang papel na listahan/sulatan nila ng orders ng mga costumer. Sa stage nagsisimula ng magsayaw ang mga star ng club na ito. Ilang ulit na siyang inofferan na magsayaw ng manager ng club ngunit tumangi siya. Malaki ang sinasahod niya at pati ang tip na galing sa mga costumer niya ay malaki din kapag pinagsasama sama niya.

Agad siyang lumapit sa mga bagong dating na kalalakihan na automatic na napangisi ng makita ang magandang dalaga. Akmang hahaplos sa hita niya ang lalaking pinakamalapit sa kanya ng mabilis siyang umatras.

"Good evening boys, ano ang order nyo?" Aniya na Waring nagpapacute.

"Pwede bang ikaw?" Ani ng Isa na titig na titig sa kanyang dibdib.

"Pasensya na, Hindi kasi ako kasama sa menu! Iba na lang!"

Nagkanya kanya order ang mga ito. Mabilis namang inilista ng dalaga ang order na alak ng mga ito pati pulutan ng mga ito.

Iniabot niya ang listahan kay Cloe na siyang tumatanggap ng order ngayon.

"Sandali lang Angel, ipapahanda ko!" Tumango siya at naupo sa silya sa kanyang tabi. Umugong ang ingay sa paligid dahil sa mga dancer na halos hubad na sa stage. May mga nagbabato pa nga ng paper bills sa entablado. Nakabantay naman ang mga bouncer in case na may magulong costumer. Bukod sa pagsasayaw ng mga ito kumuha pa ang Isa sa katrabaho niya ng lalaki at sa harap ng lahat blinow job nito. Napailing na lang siya, halos lahat ng katrabaho niya dito ay kapit sa patalim kumita lang ng malaki. Kahit pa babuyin ang mga ito ay ayos lang.

Nagmamasid-masid lang si Angel. Napansin niya ang manager ng club na tarantang tinungo ang entrace ng club. Dumating na marahil ang mga vip kaya ang mga katrabaho niyang babae ay agad nataranta.

"Ako ang nakatoka tsaka si Hope!" Ani ni Martha. Sikat sa club ang dalawa at dinadayo ng mga parokyano ng mga ito dahil sila ang madalas pumapayag na ilabas sila. Usap-usapan na willing itong mga ito kahit benteng lalaki pa ang gumamit sa mga ito basta tama ang presyo.

"Okay, ingat!" Bilin niya. Tumango naman ang dalawa. Normal na sa dalaga ang ganitong sitwasyon. Sa ilang buwan niya na pagtratrabaho sa lugar na ito, gabi-gabi iisang sistema ang nangyayari sa lugar na ito.

Karamihan sa mga costumer nila ay mga negosyante at politiko. Mahigpit ang club sa pagpapapasok ng mga costumer. Pero kapag naka pasok sila, ano man ang gawin nila sa loob hinding Hindi iyon pwedeng lumabas at kumalat.

Kabenta ang star Club sa mga mayayamang may prinoprotektahang image sa lipunan.

Tumutok ang tingin ni Angel sa lalaking mag-isang nakaupo sa isang couch. May mga nakatayo sa likuran nito na mukhang mga bodyguards. Mag-isang umiinom.

Gwapo ang lalaki, hindi naitago kahit pa medyo madilim ang paligid. Matikas ang pangangatawan kahit nakaupo ay halata.

Napansin niya ang ilang katrabaho na mukhang inooffer ang sarili ngunit tinataboy ng mga bantay nito. Hindi naman nagpumilit ang mga babae dahil Isa sa rules ng club iyon. Kung gusto Naman kasi ng costumer tatawag lang ito at magsasabi.

"Ito na!" Ani ni Cloe. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang tray na punong puno ng orders. Dalawa iyon kaya sumama si Cloe para ihatid sa table ang orders nila.

"May kailangan pa po ba kayo?" Aniya.

"Ikaw na Lang ang kulang!" Nagtawanan ang mga ito sa banat ng Isa. Lahat nakatitig sa kanilang mga dibdib at hita.

"Pasensya na, hindi pwede!" Ani ni Cloe. Ito na ang nagexcuse sa kanilang dalawa. Bumalik sila sa pwesto nila.

"Napansin mo ba yung nasa couch, gwapo noh!" Kinikilig na sabi ni Cloe na nangalumbaba pa. Sinulyapan niya ang lalaking tinutukoy nito. Ito rin ang tinitignan niya kanina. Saktong Nag-angat ito ng tingin. Nagtama ang tingin nilang dalawa.

Napansin pa nilang  bumulong ito sa isang bantay. Tinawag naman ng lalaki ang manager nila at nakipag-usap. Sumulyap sa gawi nila si Manager Boy.

Halata sa mukha nito ang pag-aalangan. Pero dahil VIP nakita nilang tumango ito at nag excuse. Nagkatinginan sila ni Cloe.

"Mukhang bet ka?" Bulong nito sa kanya.

"Ako?" Kabadong sabi niya."Server Lang ako!" Aniya na biglang kinabahan. Madalas siyang nagkakaproblema sa mga VIP na makukulit at nagpipilit na itable siya. Pinipili lang kasi niya ang tinatanguan na costumer para itable siya.

"Manager!" Sabay nilang sabi ni Cloe.

"Angel, gusto kang itable!" Problemadong sabi nito.

"Naku manager, Alam mong server Lang si Angel!" Dipensa ni Cloe.

"Kausapin mo Lang, malaki ang ibabayad sayo!"

"Pero---"

"Dali na, VIP yan madatong Dalian mo na!" Hinila pa siya nito patungo sa lalaking tinitignan niya kanina.

"Pero--- Manager!" Patulak siyang pinaupo nito saka tumalikod.

"Angel right?"  Aning lalaki. Sa pwesto nito hindi gaanong malakas ang tugtog na nagmumula sa entablado. Kaya naiintindihan niya ang tinanong nito.

"Y-es!" Tinap nito ang pwesto sa tabi nito. Sinunod na Lang niya.

"Relax, nasabi na ng manager mo na server ka lang dito!" Nakahinga naman ng maluwag si Angel.

"Anong pangalan mo?" Ani niya. Para makapagsimula ng conversation.

"Zander!" Tipid na sabi nito saka dinampot ang baso ng alak.

May isinerve na ladies drink sa kanya si Cloe. Sumenyas ito, Alam niyang juice lang iyon kaya dinampot niya.

"Bakit mag-isa ka?" Aniya na komportable ng naka upo. Napansin niyang hinuhubad nito ang suot na jacket.

Tinulungan pa niya itong tanggalin iyon.

"Cover yourself!" Ani nito saka iniabot sa kanya ang hinubad nitong jacket. Gulat na tinignan niya ang lalaki.

"Gusto ko Lang ng kausap!"Agad nitong sagot. Agad na ngumiti si Angel.

Tinaggap niya iyon saka nagpasalamat dito.

Bahagyang gumawi ang tingin ni Angel sa isang matandang lalaki na papasok ng club. May mga kasama itong tulad nito naka business suit pa.

"Regular ba yang mga yan dito?" Tanong ni Zander.

"H--indi, ngayon ko lang sila nakita. Kilala mo ba?"

Hindi kumibo si Zander.

Tumahimik na lang si Angel sa tabi nito habang umiinom ang lalaki.

Nanatili ang tingin ni Angel sa mga business man na costumer ng club. May mga babae na ang mga ito sa kanilang tabi.

"Boss! Myembro ng Black King!" Natigilan si Angel ng aksidenteng marinig ang sinabi ng bodyguard ni Zander. Lihim na napangiti si Angel.

"Finally!" Sigaw ng isip niya. Black King Organization.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Ten

    Hindi siya pumasok sa club. Bukod kasi sa hindi naman pupunta roon ang lalaki ay kailangan din nilang mag-usap ni Tori.Ito ang nagpapadala ng mga mensahe sa kanya na pinapabasa niya kunwariy galing B.K.O. Kung bakit praning na praning ang lalaki sa pag-aalala sa kanya. Pero hindi siya ipinanganak kahapon, Alam niya kung bakit ito nagkakaganun. Gusto nitong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nobya nito. Pero wala naman siyang pakialam roon.At yung halik na pinagsaluhan nila? At iba pang ginawa nito sa kanya. Masakit pa ang pagkababae niya dahil sa ginawa nito. At medyo iniinda niya iyon. Pero wala lang iyon para kay Barbara. Sanay siya na paglaruan ang emosyon ng mga taong ginagamit niya sa laro. Manipulator? Siguro nga, pero gaya ng sabi niya wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta nagagawa niya ang trabaho niya at natatapos niya ang mission

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Nine

    "Okay na si Nanay, pero kailangan daw nyang magstay sa ospital!" Ani ni Trina. Dumaan ito sa bahay nya. Dala na ang gamit na dadalhin nito sa ospital. Magpapahinga daw muna ito dahil yun ang bilin ng ama nito."Magpahinga ka na, babalik ka pa sa ospital! Ito oh, gamitin nyo muna nila Nanay!" Malaki kasi ang gagastusin nito dahil kagabi rin kinailangan ng emergency operation ang matanda. Alam ni Ara na malaki ang gastusin sa ospital. Sa tulong kagabi ni Zander na ayos agad ang operasyon at hindi ito umalis sa tabi ni Ara.Tulog na si Trina sa silid niya ng marinig ang ugong ng sasakyan. Kilala na niya ang tunog na iyon."Zander!" Aniya ng pagbuksan ito ng gate. Umugong nanaman ang bulungan ng mga kapitbahay niya sa harap ng tindahan ni Aling Ditas."Pasok!" Aniya na niluwagan ang pagkakabukas ng gate. May kinuha pa ito sa likod ng sasakyan ng ilang supot ng groceries."Para saan yan?" Aniya

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Eight

    "Ayos ka lang?" Ani ni Angel sa lalaking tahimik na umiinom sa kanyang tabi. Wala ang grupong madalas nitong bantayan. Simula kaninang dumating ito ay tahimik lang.Bumuntong hininga si Angel sabay tayo. Hinubad ang suot na jacket na galing dito."Gusto mo atang mag-isa? Magtrabaho muna ako!" Akma na siyang tatalikod ng hawakan nito ang palad niya."Stay!" Ani nito saka hinila siya paupo. Muli nitong ipinatong ang jacket sa kanya."Ano ba kasing problema mo?" Ani nito na seryosong tinignan ang lalaki. Inagaw ang hawak nitong alak saka pabagsak na inilapag sa mesa.

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Seven

    "Alexander Simoen, his adopted son of Marlon Simoen, a businessman---a billionaire businessman!""Hindi ko mahanap ang tunay nyang pangalan, it's either hindi siya rehistrado o may bumura ng lahat ng records niya!" Ani ni Tori na kaharap na niya ngayong nakaupo. Sa tapat nito ang laptop nito at siya ang folder na ibinigay nito."Hinahanting nya ang B.K.O, dahil sa girlfriend nya!""Girlfriend?" Takang sabi niya. Ayon dito ng nakausap niya ito wala itong kasintahan, pero na realize din ni Barbara na nasa club nga pala sila. At walang totoo sa lahat ng bagay sa lugar na iyon. Akala pa naman niya dahil

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Six

    "Ara! Ara!" Malakas na kinakalampag ni Trina ang gate na bakal ng bahay ng kaibigan. Bitbit ang tupperware na may lamang ulam."Hoy Trina, baka tulog pa yang kaibigan mong laspag na nag-uwi ng naka otong lalaki kagabi!" Ani ni Ditas na nakalusot ang ulo sa butas ng tindahan nito."Hoy, Aling Ditas, makalaspag ka grabe ah! Wag mong sinasabihan ng ganyan yang friend ko. Ganoon ba ang itsura ng laspag? Eh ano pa yang sayo? Lawlaw dede abot hanggang singit na maanghit!" Ani nito saka dinilaan ang matanda."Hoy Trina, tumigil ka nga! Pasok ka!" Ani ni Ara na natatawa sa itsura nito. Fighter din tong loka-lokang ito eh."Eh kasi tong matandang to eh, kekukunat naman ng tinda singkunat nya!" Hinawakan na niya sa braso ang kaibigan at

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Five

    "Angel, tumable ka daw dun sa costumer mo!" Natigilan si Angel at takang tinignan si Cloe. Nakangisi ito na waring natutuwa pa."Costumer?""Yung Zander!" Ani nito na napahagikgik pa. Ilang beses ng bumalik si Zander simula ng makilala niya ito. At sa tuwing nagpupunta ito, bukod sa mga bodyguards ay wala na itong kasama. Mag-isang umiinom at nakikipag-kwentuhan sa kanya. Pero malakas makiramdam si Angel, Hindi siya kumbinsido na siya ang binabalikan dito ng lalaki.Madalas itong nakatutok ang atensyon sa isang grupo ng mga VIP's ng club. Umo

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status