FAZER LOGIN
"Malandi yang babaeng yan, wag kayong didikit-dikit dyan! Puta ng Star Club yan!" Humagikgik pa ang matandang kapitbahay niya na may-ari ng tindahan na tambayan ng mga tsismosa sa kanilang barangay. Isa sa medyo nakaaangat sa lugar nila. Si aling Ditas.
"Kaya yang si Tonyo ko di ko pinapayagang lumapit dyan sa babaeng yan, bayarang babae na wala ng ginawa kundi ibalandra ang katawan at ibenta ang katawan!" Ani ni Beth na napairap pa sa hanging sabay kamot ng kili-kili.
Napabuntong-hininga na lang si Ara na kasalukuyang nagdidilig ng mga alagang halaman sa harap ng kanyang bahay. Restday niya ngayon. Magulo pa ang buhok na basta na lang inipit, nakapajama na sinuot pa niya pantulog. At malaking t-shirt na kupasin.
Tampulan siya ng usapan sa umpukan ng mga tsismosa sa harap ng tindahan na kaharap lang ng bahay niya. Sadya pang nilalakasan ang mga boses na Waring sinasadyang iparinig sa kanya.
"Balita ko nga, yung lalaking naghatid sa kanya na naka kotseng magara lalaki daw nya! Bayaran talag ang putang yan!" Sawsaw pa ng Isa.
Nag-angat si Ara ng tingin at nginitian ang mga ito. Wala siyang pakialam ano man ang sabihin ng mga ito. Kung bibigyan niya ng pansin ang bawat salita na lumalabas sa kanilang mga bibig ay wala naman siyang mapapala.
"Hi ganda!" Ani ng lalaking maaga pa lang ay mukhang lasing na. Agad tumayo ang isang babae sa umpukan at galit na sumugod sa kanila.
"Bwisit kang puta ka ke-agaaga nilalandi mo na ang asawa ko!" Malakas na hiyaw nito. Hinablot ang braso ng asawa nito saka hinila pauwi sa kanila. Mas lalo tuloy nag-ingay ang mga tsismosa.
Isinara ni Ara ang gripo saka nagdisisyong pumasok na lang sa kanyang bahay. Ilang buwan pa lang siya sa bahay paupahan na iyon, wala namang problema sa landlady niya basta't regular ang upa, tubig at kuryente. Sa mga kapitbahay lang talaga ang problema. Na sa bawat away ng mag-asawa siya ang sinisisi. Sa mga magkasintahan na naghihiwalay siya ang may kasalanan.
"Ara!" Malakas na sigaw ng tao sa gate. Sinilip ni Ara ang bisita. Si Trina pala. Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Papasok na ito sa gate may bitbit pang plastic na may Tupperware.
"Trina, pasok!" Pumasok naman ito. Sanay na si Trina sa bahay niya kaya dumeretso na sa kusina dala ang bitbit nito. Sumunod na lang siya pagkasara ng pinto. Napangiti siya pagpasok sa kusina sinisimulan na kasi nitong ihain ang pagkaing dala. Pag rest day niya madalas siyang saluhan nito sa kanyang agahan. Madalas may dalang ulam na bigay ng nanay nito na si Nanay Trining.
"Laman ka nanaman ng tsismisan dyan sa umpukan!" Natatawang sabi ni Trina. Nagtimpla pa ito ng kape nilang dalawa.
"Ano pa bang bago? Yun na ata ang inaalmusal ng mga yan!" Aniya na natawa Rin. Hindi talaga siya naaapektuhan sa mga sinasabi nila. Wala kasi siyang pake, sabi nga Hindi ka naaapektuhan kung di mo bibigyan ng pake ang mga yan.
"Ikaw naman kasi friend, why so ganda? Kung di lang kita kilala iisipin kong gatas ang pampaligo mo at lumalaklak ng isang katerbang gluta! Ikaw na ang pinagpala!" Napailing na lang si Ara. Maganda rin naman si Trina, Hindi nga lang katangkaran at kaputian kaya marami ding manliligaw. Morena beauty, pinay na pinay ang dating.
"Alam mong di ko pag-aaksayahan ng pera yang mga yan! May pamilya pa akong pinapadalhan sa probinsya!"
"Kain na!" Ani nito na naupo sa bakanteng pwesto sa harap niya.
"Salamat!"
"Sabi nga pala ni Nanay, pag may oras ka daw pasyalan mo sya!"
"Sige, paki sabi kay Nanay na papasyal ako!"
"---teka, usap-usapan sa kanto na may naghatid daw sayo na naka kotse. Ano yun dyowa mo? Gwapo ba?" Ani ni Trina na panay ang subo. Pero panay din ang buka ng bunganga para tsumika.
"Hindi!" Tipid niyang sagot.
"Sino pala?---friend?" Makulit pa ring sabi.
"Nakilala ko lang sa club!" Tipid niyang sagot.
"Nagpahatid ka---?'' Alam kasi ni Trina na hindi niya ugaling magpahatid sa mga costumer niya.
"Oo, wala lang Yun!" Aniya sinimulang kumain. "Pakisabi kay Nanay masarap tong daing nya!"
"Mamamalengke ka ba ngayon?"
"Oo, samahan mo ako ha!" Tumango naman ito. Hindi kasi siya pinagbebentahan sa tindahan sa harap.
"Kumusta na pala yung tatay mong may sakit?"
"Tatay ko?" Ani ni Ara. Nang marealize ang sinasabi nito."Ahh oo, medyo umaayos naman na daw yung lagay nya!".
"Ayaw mo ba talagang lumipat ng ibang trabaho? Diba may na tapos ka Naman?"
"Sa laki ng kailangan ni Tatay, yung trabaho iniisip mo di nun masusustentuhan ang mga gamot at pang-araw-araw nila!"
"Alam mo friend, Kung mayaman lang ako di talaga ako papayag na magtrabaho ka pa dyan!"
"Wala namang problema sa trabaho ko, nag seserve lang ako ng alak, naglilinis ng mga lamesa at minsan nakikipag-usap sa mga costumer!"
"Yun na nga eh, Alam nating pareho na walang problema sa trabaho mo, pero alam mo naman na ang mali ay ang mga iniisip ng mga kapitbahay mo! Kung makapagsalita akala mo malilinis---alam mo ba tong matandang gurang sa tindahan?"
"Si Aling Ditas?"
"Oh?" Aniya na nangingiti sa itsura ng kaibigan.
"Yung panganay nyang anak, si Didi pina-asawa niya sa tiyuhin nitong matandang binata. Medyo yayamanin kaya kahit kamag-anak pinatos kasi sinusustentuhan sila!" Ani pa nito na pairap irap kahit wala namang iniirapan.
"Nakakalungkot naman!"
"Gaga, anong nakakalungkot Doon? Ang sasama kaya ng ugali ng mga yan!" Ani ni Trina.
"Trina, don't say that! Wala tayong mapapala sa mga Mali ng iba!"
"My gosh, why so bait mo girl?" Sarcastic nitong sabi na tinawanan lang niya.
---
Pagkatapos nilang kumain naligo lang si Ara, at nagbihis ng pang-alis. Mamamalengke silang dalawa ni Trina para sa stocks nya ng dalawang lingo.
"Ganda sakay na!" Ani ni Toto, manliligaw ito ni Trina pero walang pakialam ang dalaga rito.
"Hindi na, baka matetano pa kami sa tricycle mo! Tss bulok!"
"Edi sa akin ka na lang sumakay, dadalhin Kita sa langit!" Biro ni Toto na mas lalong ikinabwisit ng dalaga.
"Trina dito na tayo sumakay, mas madami pang tsismosa dyan sa kanto!" Aniya. Wala ng nagawa si Trina ng hilain ni Ara para sumakay.
"Ganda, kelan mo ba ako ipapakilala kila Nanay Trining?"
"Bakit mo sakin tinatanong? Pumunta ka sa bahay magpakilala ka!"
"Talaga?----anong sasabihin ko?"
"Na ikaw si Toto, medyo bobo ka din noh? Di mo alam pangalan mo? Alangan namang Trina sabihin mo?"
"Grabe ka kamo, masyado kang mapanakit!"
"Kayong dalawa magtigil na nga kayo, baka sa huli kayo din magkatuluyan!"
"No way/Sure!" Sabay na sabi ng dalawa kaya napahalakhak ng tawa si Ara.
A/n: Thanks for reading.
Hindi siya pumasok sa club. Bukod kasi sa hindi naman pupunta roon ang lalaki ay kailangan din nilang mag-usap ni Tori.Ito ang nagpapadala ng mga mensahe sa kanya na pinapabasa niya kunwariy galing B.K.O. Kung bakit praning na praning ang lalaki sa pag-aalala sa kanya. Pero hindi siya ipinanganak kahapon, Alam niya kung bakit ito nagkakaganun. Gusto nitong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nobya nito. Pero wala naman siyang pakialam roon.At yung halik na pinagsaluhan nila? At iba pang ginawa nito sa kanya. Masakit pa ang pagkababae niya dahil sa ginawa nito. At medyo iniinda niya iyon. Pero wala lang iyon para kay Barbara. Sanay siya na paglaruan ang emosyon ng mga taong ginagamit niya sa laro. Manipulator? Siguro nga, pero gaya ng sabi niya wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta nagagawa niya ang trabaho niya at natatapos niya ang mission
"Okay na si Nanay, pero kailangan daw nyang magstay sa ospital!" Ani ni Trina. Dumaan ito sa bahay nya. Dala na ang gamit na dadalhin nito sa ospital. Magpapahinga daw muna ito dahil yun ang bilin ng ama nito."Magpahinga ka na, babalik ka pa sa ospital! Ito oh, gamitin nyo muna nila Nanay!" Malaki kasi ang gagastusin nito dahil kagabi rin kinailangan ng emergency operation ang matanda. Alam ni Ara na malaki ang gastusin sa ospital. Sa tulong kagabi ni Zander na ayos agad ang operasyon at hindi ito umalis sa tabi ni Ara.Tulog na si Trina sa silid niya ng marinig ang ugong ng sasakyan. Kilala na niya ang tunog na iyon."Zander!" Aniya ng pagbuksan ito ng gate. Umugong nanaman ang bulungan ng mga kapitbahay niya sa harap ng tindahan ni Aling Ditas."Pasok!" Aniya na niluwagan ang pagkakabukas ng gate. May kinuha pa ito sa likod ng sasakyan ng ilang supot ng groceries."Para saan yan?" Aniya
"Ayos ka lang?" Ani ni Angel sa lalaking tahimik na umiinom sa kanyang tabi. Wala ang grupong madalas nitong bantayan. Simula kaninang dumating ito ay tahimik lang.Bumuntong hininga si Angel sabay tayo. Hinubad ang suot na jacket na galing dito."Gusto mo atang mag-isa? Magtrabaho muna ako!" Akma na siyang tatalikod ng hawakan nito ang palad niya."Stay!" Ani nito saka hinila siya paupo. Muli nitong ipinatong ang jacket sa kanya."Ano ba kasing problema mo?" Ani nito na seryosong tinignan ang lalaki. Inagaw ang hawak nitong alak saka pabagsak na inilapag sa mesa.
"Alexander Simoen, his adopted son of Marlon Simoen, a businessman---a billionaire businessman!""Hindi ko mahanap ang tunay nyang pangalan, it's either hindi siya rehistrado o may bumura ng lahat ng records niya!" Ani ni Tori na kaharap na niya ngayong nakaupo. Sa tapat nito ang laptop nito at siya ang folder na ibinigay nito."Hinahanting nya ang B.K.O, dahil sa girlfriend nya!""Girlfriend?" Takang sabi niya. Ayon dito ng nakausap niya ito wala itong kasintahan, pero na realize din ni Barbara na nasa club nga pala sila. At walang totoo sa lahat ng bagay sa lugar na iyon. Akala pa naman niya dahil
"Ara! Ara!" Malakas na kinakalampag ni Trina ang gate na bakal ng bahay ng kaibigan. Bitbit ang tupperware na may lamang ulam."Hoy Trina, baka tulog pa yang kaibigan mong laspag na nag-uwi ng naka otong lalaki kagabi!" Ani ni Ditas na nakalusot ang ulo sa butas ng tindahan nito."Hoy, Aling Ditas, makalaspag ka grabe ah! Wag mong sinasabihan ng ganyan yang friend ko. Ganoon ba ang itsura ng laspag? Eh ano pa yang sayo? Lawlaw dede abot hanggang singit na maanghit!" Ani nito saka dinilaan ang matanda."Hoy Trina, tumigil ka nga! Pasok ka!" Ani ni Ara na natatawa sa itsura nito. Fighter din tong loka-lokang ito eh."Eh kasi tong matandang to eh, kekukunat naman ng tinda singkunat nya!" Hinawakan na niya sa braso ang kaibigan at
"Angel, tumable ka daw dun sa costumer mo!" Natigilan si Angel at takang tinignan si Cloe. Nakangisi ito na waring natutuwa pa."Costumer?""Yung Zander!" Ani nito na napahagikgik pa. Ilang beses ng bumalik si Zander simula ng makilala niya ito. At sa tuwing nagpupunta ito, bukod sa mga bodyguards ay wala na itong kasama. Mag-isang umiinom at nakikipag-kwentuhan sa kanya. Pero malakas makiramdam si Angel, Hindi siya kumbinsido na siya ang binabalikan dito ng lalaki.Madalas itong nakatutok ang atensyon sa isang grupo ng mga VIP's ng club. Umo