LOGINChapter 11: Go and Multiply
*Hershien's POV*
Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.
I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabutan ng menstruation.
Pagkakuha ko ng aking backpack agad na akong naglakad papalabas ng bahay.
At pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto...
"Ang tagal mo naman ate, kanina pa ako dito." biglang sabi ni Anne na may bitbit na ring bag.
"Bakit ka may dalang bag? Ba't ang aga mong nagising?" gulat na pagkakatanong ko sa kanya.
"Syempre sasama ako sa'yo, gusto kong bantayan ka ate lalo na nung nalaman ko na ganun pala talaga kasama ang ugali ni Curfiel." my sister explained habang nakapamewang pa. Parang mas matanda talaga siya saken kung mag-isip.
Wala na akong magagawa, nag explain na siya at wala talaga akong magagawa sa pagiging makulit niya.
"Ok, if thats what you want, ang akin lang naman kasi Anne, mas mabuti kasing nandito ka lang sa bahay."I said with a persuasive voice while holding her hands.
"Alam mo ate ayos lang naman saken yun, mas hindi ako mapapakali dito sa bahay kung alam kong nahihirapan ang kapatid ko. Mahal kita ate, ikaw lang ang nag-iisang kapatid ko , kaya ayokong mapahamak ka." Anne answered emotionally.
Natouch naman ako sa sinabi ng kapatid ko. Ngayon niya lang kasi sakin sinabi na mahal niya ako. Kaya naman niyakap ko na lang sya. I'm so thankful na siya ang naging kapatid ko.
"Ate ang drama mo naman, sunday ngayon , walang MMK."pagbibirong sabi ni Anne.
"Halika na nga." sabi ko sa kanya, then hinawakan ko yung left hand niya.
Naglakad kami papalabas ng bahay na magkahawak kamay. Ito ang sinasabing PDA. Hindi lang naman kasi magboyfriend/girlfriend ang pwedeng mag PDA, as long as nagmamahalan kayo pwede yun.
Sumakay na kami ni Anne sa Taxi. Hindi naman kasi ako pwedeng magdrive ng kotse kasi wala pa akong driver's license at yung driver namen wala, babalik daw siya sa Tuesday pa dahil nagkasakit daw yung asawa niya.
Sa harap ng bahay nina Curfiel, We rang the bell ng napakaraming beses. Ang init na, sunog na sunog na kami dito dahil sa sikat ng araw, wala pa naman akong payong na dala.
"Ang tagal naman nila Ate, eh' kung buksan na natin yung pinto? hindi naman nakalock eh'" Anne requested.
Napag-isip-isip ko na baka binuksan na nila yun dahil alam nilang babalik kami ni Anne, kaya naman pumasok na kami sa gate.
Naglakad na kami diretso sa pintuan ng kanilang bahay at pumasok na rin dun dahil iniwan ring nakabukas. Wala talagang tao, kaya umakyat na kami ni Anne ng 2nd floor papunta sa kwarto ni Curfiel, wala rin kasi si Ate Keirsten.
Nang malapit na kami sa pinto ng kwarto ni Curfiel, may mahinang boses kaming narinig.
"Pwede ba umalis ka na..." hindi ko nakilala kung kaninong boses yun dahil sa sobrang hina.
Inilapat ni Ann yung kanyang tenga doon sa pintuan ng Kwarto ni Curfiel upang mas marinig niyang mabuti.
"Anne ano ka ba? masamang makinig sa usapan ng iba." pabulong na sabi ko kay Anne para hindi nila mamalayan na nandito na kami.
"Sssh.. ate huwag ka maingay may nagsasalita." pagpapatigil saken ni Anne.
"Ayaw mo ba Curfiel? papatayin kita sa sarap..." boses ulit na galing sa kwarto. Mukhang pambabae yung boses.
Nang marinig ko yung word na papatayin, agad na rin naman akong lumapit kay Anne upang makinig din sa pag-uusap na nangyayari sa loob ng kwarto.
Inilapat ko rin yung tenga ko sa pinto nang biglang,
*boogsh!* biglang bumukas yung pinto at bumagsak kaming dalawa ni Anne papasok ng kwarto, akala ko kasi nakasara yung pinto, kaya napalakas yung pagdikit ko dun sa pintuan.
"Araaayy..."nasabi ko na lang habang tumatayo at nakahawak sa bewang.
"Anong ginagawa niyong dalawa?" gulat na tanong ni Curfiel.
Nang pagtanong niyang yun saka ko lang nakita yung babaeng nagmamadaling magbihis ng kanyang damit, at si Curfiel? Half naked.
Hindi ko alam na sumusunod din pala siya sa Diyos "Go and Multiply". Umagang umaga ganun yung ginagawa nila, nagtry mag multiply, kaya pala papatayin sa sarap. Nakakamatay ba yun?
"Hehehe, wala naman napadaan lang kami ng kapatid ko, sige aalis na kami hehehe enjoy po kayo. " sabi ko na parang walang nakita.
"Siguro gusto mo rin eh', halika dito sa kama ko, kaya ko pa rin naman eh." Curfiel said seductively at kinindatan niya ako.
"Huwag mo ngang ginaganyan ang Ate ko! Hinding-hindi siya papatol sa'yo!" sigaw ng kapatid ko.
Habang sinasabi yun ni Anne, nagmamadali namang umalis yung babae pagkatapos niyang magbihis tinatakpan niya pa yung mukha niya habang tumatakbo.
"Hindi mo alam? nung unang araw dito ng Ate mo ganito yung ginawa namen. Ang sarap ng Ate mo! Performance level!" Curfiel explained while showing his devilish smile.
Nakakadiri talaga siya, kahit anu-ano ang pinagsasasabi niya. May performance level pa siyang nalalaman.
"Asa ka naman Mr. Multiply!" I shouted.
"Mr. Multiply?" nagtatakang pagtatanong ni Curfiel.
Natawag ko siyang Mr. Multiply kasi paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang katagang "Go and multiply"
"Eh' kasi umagang-umaga nago-Go and multiply kayong dalawa!!" pasigaw na sabi ko ulit.
"Ba't galit ka? nagseselos ka no? halika na kasi dito tayo rin ay magpapakarami." sabi niya habang nakangiting aso.
"Sorry God, at mukhang nababastos ko ang iyong mga sinabi, sorry po talaga." nasabi ko na lang sa sarili ko.
"Oh' ano? bilis na! sige ka. Ikaw rin.." paninira ni Curfiel sa aking mga iniisip.
"Ate, umalis na kaya tayo dito, walang mangyayari kung makikipagsagotan ka pa sa taong yan." sabi saken ng kapatid ko at nakahawak na siya sa braso ko.
Mukhang tama nga siya, kailangan na naming lumabas sa impiyerno at makasalanang kwarto ni Curfiel. Hinawakan bigla ni Anne yung kamay ko at tumakbo kami papalabas ng kwarto nang makita namen na papatayo na si Curfiel.
Pagkalabas namin ay isinara namin ni Anne yung pinto. At diretso ng bumaba ng hagdan.
Hingal na hingal kami ng kapatid ko, kaya naupo muna kami sandali.
"Naniniwala ka ba sa sinabi ni Curfiel na ganun yung ginawa namin no'ng first day ko dito." I asked Anne while looking at her intently.
"Bakit naman ako maniniwala do'n eh halata namang wala siya sa tamang pag-iisip, at saka alam ko naman ate na hindi ka magpapagalaw sa lalaking kagaya nun, GWAPO nga Baliw naman." my sister replied.
Akala ko kasi naniwala na siya do'n, tama ang kapatid ko kahit kailan hindi ako magpapagalaw kay Mr. Multiply, mamatay na muna ako.
"Magluto na nga lang muna tayo, baka magalit na naman kasi ang Curfiel na yun." pagyayaya ko kay Anne.
"OK, dapat nga sakanya nilalagyan ng lason ang pagkain para naman mabawasan na ang masasamang tao dito sa mundo." saad ni Anne na parang may masamang pinaplano.
"Masama yung ganyan, hayaan nalang natin sya, malay mo magbago pa ang ugali niya." tugon ko naman sakanya.
Then Anne just nodded, tapos tumayo na kami sa aming kinauupuan at naglakad na papunta sa kusina.
Nakita kong nakadikit sa Ref. yung sulat...
"Hershien, initin mo na lang yung breakfast ni Curfiel, ayaw niya kasi ng masyadong malamig. Sensya na ha' may gagawin lang kasi ako kaya napaaga yung pag-alis ko.
-Ate Keirsten"
Buti na lang talaga at mabait si Ate Keirsten hindi kagaya ng kapatid niya.
Salamat at hindi na kami mapapagod magluto, init-init na lang ng pagkain pag may time.
Ininit namin ni Anne yung sinasabi ni Ate Keirsten. Kaya madali lang kaming natapos. Isang malaking tulong yun para sa amin.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas bumaba si Curfiel nakabihis na siya ng itim damit na may nakalagay na Crucifix six. Ano bang meron sa crucifix six at sobrang daming damit niya ang may tatak na ganyan?
"Mongol! Kakain na'ko!"sigaw ni Curfiel habang malumanay na naglalakad papunta sa dining room.
"Opo, papunta na!" sagot ko rin sakanya.
Kinuha na namin ni Anne ang pang-almusal ni Curfiel.
"Wala ba itong halong isda?" tanong ni Curfiel habang tinititigan ng mabuti yung mga pagkain. Kumuha pa siya ng isang tinidor, tumusok ng pagkain at inilapit ito sa mukha niya upang suriing mabuti.
"Wala po yang isda."sambit ko sakanya habang may bitbit na baso na may lamang juice.
"Sigurado ka ha!"sagot ni Curfiel sabay nganga ng malaki at subo ng pagkain.
"Hey! ba't iniwan mo kami Curfiel! di mo man lang kami ginising, andito na pala sina Hershien."sabi ni Nagel, kasama na niya sina Zhaic at Sky, dito siguro sila natulog.
"Gusto ko kasi, akin lang si Mongol."sagot niya kay Nagel, habang nauupo na rin yung tatlo para kumain na rin ng umagahan.
"Ano? akala ko ba? pwde ko na siyang ligawan, di ba nag-usap na tayo kahapon?" tanong ni Nagel kay Curfiel. Meron pa rin siyang bitbit na libro ngunit ito'y iba na, siguro'y natapos na niyang basahin 'yong librong hawak niya kahapon.
Nag-usap? ano bang ibig sabihin nitong si Nagel.
"Ligawan mo siya, wala naman akong pakialam sakanya, nagjojoke lang naman ako eh'. Ayoko siyang kasama." Curfiel answered, pa tuloy pa rin sya sa pag subo ng pagkain na akala moy walang tao sa harapan niya.
Tapos hinila ni Anne ang kamay ko at pumunta kami sa isang sulok para mag-usap.
"Ate, ganito, dapat hayaan mong manligaw sa'yo si Nagel, try kong kausapin sya na dapat protektahan ka niya at tulungan sa lahat ng mga gagawin mo." dahang-dahang sabi saken ni Anne.
"Ano? wala naman akong balak magkaboyfriend eh' mahihirapan lang yan si Nagel." I muffled.
"At least Ate, pagnalaman kong may nagpoprotekta at tutulong sa'yo makakampante na ako, bukas hindi na kita masasamahan dito dahil may pasok kami, alam ko wala kayong pasok ng 1 week, kaya alam ko rin na pupunta ka dito." Anne mumbled, ang bilis niyang mag-isip at ang dami niyang alam.
"Kaya ate, pumayag ka na please, pag hindi ka pumayag magtatampo talaga ako sa'yo." she added na parang humihingi ng isang napakalaking favor.
"Sige na nga, pero hindi ko sasagutin si Nagel.. naguguilty agad ako hindi ko pa nga ginagawa." pabulong na sambit ko sakanya.
"Hoy! ano na naman yan! parati na lang kayong ganyan pag-umaga. Magkapatid nga talaga kayo, pareho kayong Mongol!" sigaw ni Curfiel samen habang tinuturo kami ng tinidor.
Napupuno na talaga ako dito kay Curfiel pati kapatid ko dinadamay pa.
"Sabi po kasi ni Ate, payag na daw siyang ligawan ni Nagel." sabi ni Anne kay Curfiel at bigla na lang natahimik si Mr. Multiply, isinubo na kasi niya yung pagkain.
Si Anne naman, tinawag si Nagel mag-uusap daw silang dalawa. Hindi niya naman ako pinasama, kaya hindi ko na nalaman kung anong pinag-uusapan nila.
After a few minutes natapos na rin sina Curfiel kumain, tapos nag-sialisan na sila.
At ako? naiwan para magligpit ng pinagkainan nila. Kinuha ko yung mga plato, baso, kutsara at tinidor at dinala sa kusina para hugasan na. Kahit meron kaming yaya, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na walang alam sa gawaing bahay.
Sina Anne naman at Nagel hindi pa tapos mag-usap. Ano kayang pinag-uusapan at plano nila?
***************
Chapter 14: Humanitarian Aid*Curfiel's POV*"Curfiel pwede na ba tayong pumunta do'n sa school namin?" Mongol abruptly asked when I entered the house, hindi naman siya masyadong nagmamadali."Alam mo yung excited? Hindi pa nga tayo nakakakain ng tanghalian." sagot ko ng pabalang then I walked going to her painting, I wanna see how good she is."Ito ba yung painting mo?" I asked her, at napakunot pa ang noo ko."Opo, ang panget no?""Buti naman at alam mong panget, akin na lang to ha?""Ano namang gagawin mo diyan?" tanong niya at hinawakan din yung painting, pero hinablot ko 'yon para hindi niya mailayo sakin."Eh di susunogin, hindi naman 'to pwdeng pangdisplay di ba?"Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako papunta sa kusina. Iniwan ko na si Mongol hindi na rin naman kasi siya nagreklamo
Chapter 13: Deathless Memories*Curfiel's POV*Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.~~Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...Naalala ko na naman dahil kay Mongol.Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.
Chapter 12: Abstract and Distorted Painting*Hershien's POV*I went to the garden at the back of Curfiel's house to water the plants, at namangha ako sa ganda ng paligid. I saw colorful and myriads of flowers of different kinds, the fluttering butterflies and the chirping birds at the top of the small trees. Ang ganda ng garden nila, siguro si ate Keirsten ang nag-aalaga sa mga ito. Feeling ko nasa ibang mundo ako, yung mundo kung saan maraming fairies.I got the hose to start watering the plants. Si Anne kasi hindi pa tapos kausapin si Nagel."Mongol!" tawag ni Curfiel."Ano po yun?" magalang na sagot ko."Ako ang pagsilbihan mo! Huwag yang mga halaman!" pasigaw na sagot niya habang naglalakad papunta saken."Ano bang nagustohan mo kay Nagel? Mas gwapo naman ako sakanya ah'." he added, para siyang bata na nakikipagkompetisya sa kalaro niya.
Chapter 11: Go and Multiply*Hershien's POV*Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabut
Chapter 10: PhotoMon*Hershien's POV*"Nakakaasar talaga ang lalaking 'to." nasabi ko na lang sa sarili ko, kasama ko na ngayon si Anne sapagkat sinamahan din niya ako kanina sa garden."Ate ito yung DigiCam, di mo gagamitin?" tanong ni Anne habang kami ay naglalakad papunta sa kwarto ni Curfiel dala-dala yung pagkaing binili ni Nagel- ang bait niya tapos mukhang matalino pa, lagi kasi siyang may dalang libro at ayaw na niya ng bitawan, hindi siya kagaya ng kaibigan niyang si Curfiel na puro kabastosan ang alam."Para san ba yan?" tanong ni Nagel habang tinuturo yung DigiCam na hawak ni Ahtna Anne."Sa pag picture malamang!" Anne answered, tapos sumimangot na lang si Nagel. Parang tinarayan kasi siya ng kapatid ko."Alam mo mahabang kwento Nagel, kaya pumunta na muna tayo sa kwarto ni Curfiel at baka naging halimaw na 'yon dahil sa
Chapter 9: Onion Cry*Curfiel's POV*Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na a