Share

Chapter 14

Author: Z. Potter
last update publish date: 2020-09-30 06:31:29

Chapter 14: Humanitarian Aid

*Curfiel's POV*

"Curfiel pwede na ba tayong pumunta do'n sa school namin?" Mongol abruptly asked when I entered the house, hindi naman siya masyadong nagmamadali. 

"Alam mo yung excited? Hindi pa nga tayo nakakakain ng tanghalian." sagot ko ng pabalang then I walked going to her painting, I wanna see how good she is. 

"Ito ba yung painting mo?" I asked her, at napakunot pa ang noo ko. 

"Opo, ang panget no?"

"Buti naman at alam mong panget, akin na lang to ha?"

"Ano namang gagawin mo diyan?" tanong niya at hinawakan din yung painting, pero hinablot ko 'yon para hindi niya mailayo sakin.

"Eh di susunogin, hindi naman 'to pwdeng pangdisplay di ba?" 

Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako papunta sa kusina. Iniwan ko na si Mongol hindi na rin naman kasi siya nagreklamo.

"11 am na Curfiel, lets eat na para makaalis na tayo."

Nagulat ako nang biglang nagsalita si Mongol, hindi ko kasi siya nakita na sumunod sakin papunta sa kusina.

"Eh' di magluto ka na!" sigaw ko sakanya habang itinatago ang painting niya sa aking likod. 

"Hindi na po ako magluluto kasi mayroon na po diyan pagkain sa ref."

"Ano 'to init-init na lang tayo?"

"Sayang naman po kasi kung hindi 'yon kakainin." sagot ni Mongol habang nakayuko. Ang bilis niya namang panghinaan ng loob. 

"Pakialam ko kung masayang!! Basta magluto ka ng bago!" pagalit na sabi ko sa kanya at naglakad na papalabas ng kusina, pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Ano po gusto niyong kainin?" tanong niya saken. Pinagmamasdan niya ako habang naglalakad papalayo sa kanya.

"Basta gusto ko may pakpak! o kaya seafoods huwag lang isda!" sigaw ko ulit. Nakalabas na kasi ako nang kusina at papaakyat na sana ng kwarto. 

"Pakpak po ng ano?" marahan niyang tanong sakin. 

"Pakpak ng Eroplano!!" I yelled at her, she's not using her brain. 

"Kumakain po ba kayo no'n?"

"Mongol ka talaga!! Pakpak ng Manok! alangan namang pakpak ng baboy? pakpak ng baka? pakpak ng kalabaw? Ewan ko sa'yo Mongol, diyan ka na nga!"

Pumanhik na muna ako papunta sa aking kwarto dala dala yung painting niya. At nanuod na lang ng TV habang nag-aantay sakanyang niluluto. Ang gulo niya kausap parang walang utak. 

*12:45am*

"Curfiel lumabas ka na po diyan kakain na tayo." tawag ni Mongol habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Anong kakain na tayo? kami lang hindi ka kasama." I answered then I opened the door.

Naglakad na ako pababa ng hagdan at pumunta sa dining room, nakasunod naman siya sa'kin.

*Sa Dining Room*

Nakaupo na lahat- sina Zhaic, Sky at si Nagel, pati yung kapatid ni Mongol.

"Ano 'to?" tanong ko habang tinititigan 'yong pagkain gamit ang kutsara.

"Sinigang po." Mongol answered. Nakatayo lang siya sa tabi ko.

"Sinigang sa ano?"

"Sinigang sa watermelon."

Dahil sa sagot niyang 'yon medyo napangiti ako, mayroon ba kasing ganoon? Sinigang sa WATERMELON? Sige sakyan ko na lang biro niya.

"Niloloko mo naman kami, eh' mukhang sinigang 'to sa Durian."

"Oo nga ate, ano bang nangyari dito ba't iba ang amoy?" tanong ng kapatid ni Mongol sakanya.

"Ano ba kayo, huwag niyo nga ako titigan ng ganyan. It smells bad but it tastes so good, tikman niyo kasi..." Mongol explained.

Tama nga siya masama yung amoy pero masarap naman talaga.

"Ano ba kasi nilagay mo dito?" tanong ko habang kumakain.

"ZONROX! hehe joke ewan ko, hindi ko alam kung bakit naging ganyan yan."

"Huwag ka nga mag joke ng ganyan. Akala mo magaling kang CLOWN!! muntik ko ng mailuwa 'yong kinakain ko." sigaw ko sakanya sapagkat hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa mapurol niyang utak. 

"Ate kumain ka na rin." Mongol's sister offered to her while slowly eating.

"Hindi na, do'n na lang ako sa kusina." sagot niya sa kanyang kapatid at nag-umpisa na nga siyang maglakad papalayo. 

Masyado niya namang dinibdib yung sinabi ko, 'yong "Anong kakain na tayo? kami lang hindi ka kasama."

"Sumabay ka na sa'min." I spoke at itinigil ko muna  'yong pagsubo at pag-nguya ng pagkain.

"Talaga?" masiglang sagot niya. 

"Oo, umupo ka na diyan, tikman mo yung luto mong sinigang sa durian."

Umupo na nga siya at kumain na rin. Tahimik siya at hindi na nagsasalita. Lumipat ng upuan si Nagel at tumabi kay Mongol. 

*Makalipas ang 30 minutes*

"Punta na tayo sa school namin?" tanong ni Mongol, nakangiti pa siyang parang aso. Akala mo naman ang cute. 

"Oo nga, wala na rin naman tayong ginagawa." sabat naman ni Nagel. Wala raw ginagawa pero hindi nga siya tumitigil sa pagbabasa ng libro. 

"Sige punta na tayo ng matapos agad." sabi ko naman gusto ko ng mag practice, hindi ko alam kung ano na ang pinaplano ni Kruizer ngayon kaya dapat lagi akong handa. 

Everyone of us prepared our things and together rode inside the car. 

"Teka lang, wala nang space para saken, saan pa po ako uupo diyan?" pamumroblema ni Mongol ang kupad kasing gumalaw, kala mo may bitbit na wrecking ball. 

"Kandongin na lang kita Shien." alok ni Nagel at inilapag niya na ang kanyang libro. 

"Huwag!" sigaw ko bigla at nagulat silang lahat.

"Dalawang kotse na lang ang gamitin natin para kasya tayong lahat." I said seriously.

Bumaba si Nagel at sumakay sa sarili niyang sasakyan. Isa lang naman sana ang gagamitin namin kasi sabi ni Mongol para daw tipid sa gasolina yan tuloy siya 'yong hindi nakasakay.

Bumaba na rin yung kapatid ni Mongol at lumipat sa kotse ni Nagel.

"Curfiel inlove ka ba kay Hershien?" tanong ni Sky, nasa likod siya at ako yung magdadrive.

"Bakit mo naman naitanong yan?"

"Kamukha niya kasi yung kababata natin, yung babaeng tangi mong minahal."

Hindi na ako sumagot, baka kung ano pa ang itanong nila. Pero tama sila kamukha nga ni Mongol yung kababata ko subalit hindi mapurol utak non kagaya kay Mongol. 

~~~

Pagdating namin sa harapan ng school ni Mongol laking gulat ko.

"HEAVEN'S ETHOS ACADEMY" yan yung nakasulat sa napakalaking gate ng paaralan nila.

Mas nag-alala tuloy ako sa kung anong pwedeng mangyari sakanya sa mga darating na araw. Sana lumipat na lang siya sa ibang paaralan huwag na dito mapapahamak lang siya.

Bumaba kami ng kotse, pinagbuksan ni Nagel ng pinto si Mongol at inalalayan ito. 

Paglabas namin sa sasakyan ay ang dami ng tao.

"Ano bang mayrooon dito at sobrang dinagsa ng tao kahit linggo?" tanong ko kay Mongol, ang aking mata'y lumilibot sa buong paaralan. 

"Kasi may event dito sa school, do'n sa theatre ang venue bawal nga kaming pumasok eh'" Mongol said "Do'n naman tayo sa gym magrerepack." dagdag niya pa. 

"OK." maikling sagot ko.

Naglakad na kami papunta sa gym at ang daming nakatingin sa'min. Sana hindi nila ako makilala, sana hindi nila ako maalala. 

~END OF CURFIEL'S POV~

*Hershien's POV*

Nandito na kami ngayon sa school para sa isang makabuluhang mission. Buti na lang talaga at sumama silang lahat. Ang kaso wala si Ate Keirsten, lumingon ako sa aking likuran, wait siya ba 'yon? Or namalikmata lang ako bigla ko kasing nakita si Ate Keirsten malapit do'n sa malaking puno at parang may pinagmamasdan.

"Ate, ba't natulala ka diyan?" Anne interrupted then I looked at her, smiled and acted as if I had seen nothing. 

Tumingin ulit ako doon sa may puno kung nasaan si Ate Keirsten pero wala na siya, guni-guni ko lang siguro yun. Bakit naman siya pupunta dito di ba? Hindi niya nga alam na nandito kami. 

"Bilisan na natin ate, ayon na sina Curfiel."

Sila pa talaga ang nauna saken? alam ba nila kung saan ang gym? pero sa daang tinatahak nila mukhang alam nga nila.

"Hintayin niyo kami!" sigaw ni Anne kasama rin namin si Nagel.

Buti naman at tumigil sila. Ang bibilis kasi nilang mag lakad, ang lalaki ng hakbang nila.

Nang maabotan namin sila ay sabay-sabay na nga kaming nag lakad hanggang sa makarating kami sa gym kung saan marami ring tao... 

"Shien!!" Ayesha called, she ran and then she embraced me tight as if we it was our first time meeting each other after 10 years. 

"Nandito rin ba sina Paine?" I asked her.

"Kanina pa sila ditong umaga, sino pala yang mga kasama mo?" tanong ni Ayesha nang makita niya sina Curfiel.

"Tutulong din sila sa'tin." pagmamalaki ko sakanya

"Infairness Shien, ang gagwapo nila, pwede akin na lang yung isa?" Ayesha asked na parang nanghihingi lang ng laruan.

"They're not one of my properties, kaya hindi ko sila maibibigay sa'yo."

"Joke lang, ano ka ba? may boyfriend na ako. Tara na nga tama na ang chismis."

Pinakilala ko sina Curfiel kay Ayesha at kay Paine. Pagkatapos kong maipakilala sila sa isa't-isa nagsimula na kaming magrepack ng relief goods. Naghanap kami ng kanya kanyang pwesto.

Alam kong namumukhaan ni Ayesha si Curfiel kaya nakatingin siya dito ng masama, na para bang gusto niyang maghiganti dahil sa nangyari samin noong aattend kami ng party ni Paine. 

"Paine, Pinya ka ba?" tanong ni Ayesha.

"Ha? Bakit?" gulat na sabi ni Paine.

"Eh kasi ba't tingin ka ng tingin, ng tingin, ng tingin, ng tingin, ng tingin, ng tingin do'n sa kasama ni Hershien kanina? May gusto ka sa isa sa kanila no? sabihin mo yung blonde ba ang buhok?"

Kahit kailan talaga 'to si Ayesha kahit may ginagawa chismis pa rin ng chismis .

"Ang cute kasi nilang tingnan, para silang mga bata habang nagrerepack ng humanitarian aid, tingnan niyo oh' parang nag-aaway-away pa sila-- ang cuuuttteee!" sagot ni Paine, nakatingin siya kay Zhaic na sobrang gulo ng buhok, pero kahit ganoon ay nakuha niya pa rin ang atensyon ni Paine. 

Tiningnan ko sila, oo nag-aaway nga. Hindi na ako nagulat ugali na talaga nila ang makipag-away.

Si Anne naman seryoso sa ginagawa niya walang imik.

"Di ba sila yung kasama mo sa picture sa FB?" tanong ni Paine.

"Kasi isa sa kanila yung binabantayan ko, remember 'yong project natin kay Sir? that we need to be an angel for 1 month."

"Alam ko yung binabantayan mo sa kanila, yong pinakagwapo, yung nakablack." Ayesha inserted.

Ang sinasabi niyang nakablack ay si Curfiel. Gwapo nga siya pero wala naman akong pakialam do'n. Ang sama-sama ng ugali.

"Pag gwapo kay Hershien agad?" tanong naman ni Paine.

"Oo nga, paano mo naman nalaman?" I asked too.

"Wag ka nga Shien, kilala na kita simula no'ng sumisipa ka pa lang sa tiyan ng mommy mo." Ayesha answered sabay takip ng bibig niya. 

"Grabe naman, nagkataon lang talaga kasi. Ang sama nang ugali niyan kaya siya yung napili ko." pagtatanggol ko sa sarili ko. 

"Tamang-tama wala pa rin akong nahahanap na tao para do'n sa project natin. Masama rin ba ang ugali nong lalaking nakablonde?" usisa ni Paine. 

"Eh yung isa Shien kumusta naman?" tanong din ni Ayesha.

"Hindi ko alam, di ko pa rin naman sila nakakausap at nakakasama ng matagal."

"Pero kahit hindi siya masama, gusto ko maging angel nong blonde ang hair. Ang gwapo niya eh' makalaglag bra."

Nakakatawa talaga 'to si Paine, makalaglag bra? HAHAHAHA. Dapat pati panty sinama niya na. ' yon ang sinasabing nakakahubad na kagwapohan natutunan ko yan kay Ayesha. 

" Paine tandaan mo na isa kang babaeng nagsasayang ng bra kaya malalaglag talaga yan. " pabirong sabi ni Ayesha. 

"Ako din, do'n sa, isa gwapo din eh' hahaha, ano ba yan mukhang tayo ang sumalo no'ng umulan ng kalandian." biglang dagdag ni Ayesha, sinabi niya 'yon para ma divert yung topic, para kasing na offend si Paine sa sinabi niya. 

"Huwag niyo nga ako isama, kayo lang..."

"Sus paduda si Shien, ikaw nga nauna." sabat naman ni Paine. 

"Hindi ka pala magpipicture Shien para sa documentation?" tanong ni Ayesha, habang pa tuloy sa paglagay ng mga canned goods sa loob ng plastic. 

Oo nga pala, kailangan kong kumuha ng picture, pang apat na araw ko na. Sakto habang nagrerepack siya ng relief goods kunwari naging mabait na siya. 

"Magpipicture nga ako pero mamaya na." tugon ko. 

"Anong mamaya? ngayon na." sabi ni Ayesha tapos pumunta na silang dalawa ni Paine do'n sa pwesto nina Curfiel.

Nagulat nga sina Curfiel, bigla kasing tumabi sina Ayesha sa kanila.

Kaya sumuod na ako papunta sa kanila at kinuha yung camera. 'Yon pala ang reason nila kung bakit nila ako tinanong ng ganun. Gusto lang pala magpapicture kasama sina Curfiel.

Hindi naman nagpose sina Zhaic, Sky, Nagel at Curfiel, patuloy lang sila sa pagrerepack, pero sina Ayesha todo dikit sa kanila, hahaha ewan ko ba sa kanilang dalawa.

*5:30pm*

Nagpaalam na sina Curfiel mayroon pa daw kasi silang gagawin. Tapos na rin naman yung 6 hours ng pagsisilbi ko kay Curfiel, balik na lang ako sa bahay nila bukas.

Pagkaalis nila mas tumindi pa yung kulitan namin ng mga kaibigan ko, nagpaiwan kasi kami. Coz we knew that the people really need these. Ang saya kaya ng feeling ng nakakatulong sa ibang tao kahit sa pinakamaliit na paraan na alam mo.

Oo nga pala, babayaran sana sina Curfiel dahil sa pagtulong nila pero hindi naman nila 'yon kinuha, kahit pala papaano may nakatago pa ring kabutihan sa puso niya o kaya baka naman sadyang mayayaman na sila at hindi na kailangan ng pera. Sana nga talaga mabago ko yung masamang pag-uugali niya. 

*********************

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 14

    Chapter 14: Humanitarian Aid*Curfiel's POV*"Curfiel pwede na ba tayong pumunta do'n sa school namin?" Mongol abruptly asked when I entered the house, hindi naman siya masyadong nagmamadali."Alam mo yung excited? Hindi pa nga tayo nakakakain ng tanghalian." sagot ko ng pabalang then I walked going to her painting, I wanna see how good she is."Ito ba yung painting mo?" I asked her, at napakunot pa ang noo ko."Opo, ang panget no?""Buti naman at alam mong panget, akin na lang to ha?""Ano namang gagawin mo diyan?" tanong niya at hinawakan din yung painting, pero hinablot ko 'yon para hindi niya mailayo sakin."Eh di susunogin, hindi naman 'to pwdeng pangdisplay di ba?"Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako papunta sa kusina. Iniwan ko na si Mongol hindi na rin naman kasi siya nagreklamo

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 13

    Chapter 13: Deathless Memories*Curfiel's POV*Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.~~Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...Naalala ko na naman dahil kay Mongol.Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 12

    Chapter 12: Abstract and Distorted Painting*Hershien's POV*I went to the garden at the back of Curfiel's house to water the plants, at namangha ako sa ganda ng paligid. I saw colorful and myriads of flowers of different kinds, the fluttering butterflies and the chirping birds at the top of the small trees. Ang ganda ng garden nila, siguro si ate Keirsten ang nag-aalaga sa mga ito. Feeling ko nasa ibang mundo ako, yung mundo kung saan maraming fairies.I got the hose to start watering the plants. Si Anne kasi hindi pa tapos kausapin si Nagel."Mongol!" tawag ni Curfiel."Ano po yun?" magalang na sagot ko."Ako ang pagsilbihan mo! Huwag yang mga halaman!" pasigaw na sagot niya habang naglalakad papunta saken."Ano bang nagustohan mo kay Nagel? Mas gwapo naman ako sakanya ah'." he added, para siyang bata na nakikipagkompetisya sa kalaro niya.

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 11

    Chapter 11: Go and Multiply*Hershien's POV*Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabut

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 10

    Chapter 10: PhotoMon*Hershien's POV*"Nakakaasar talaga ang lalaking 'to." nasabi ko na lang sa sarili ko, kasama ko na ngayon si Anne sapagkat sinamahan din niya ako kanina sa garden."Ate ito yung DigiCam, di mo gagamitin?" tanong ni Anne habang kami ay naglalakad papunta sa kwarto ni Curfiel dala-dala yung pagkaing binili ni Nagel- ang bait niya tapos mukhang matalino pa, lagi kasi siyang may dalang libro at ayaw na niya ng bitawan, hindi siya kagaya ng kaibigan niyang si Curfiel na puro kabastosan ang alam."Para san ba yan?" tanong ni Nagel habang tinuturo yung DigiCam na hawak ni Ahtna Anne."Sa pag picture malamang!" Anne answered, tapos sumimangot na lang si Nagel. Parang tinarayan kasi siya ng kapatid ko."Alam mo mahabang kwento Nagel, kaya pumunta na muna tayo sa kwarto ni Curfiel at baka naging halimaw na 'yon dahil sa

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 9

    Chapter 9: Onion Cry*Curfiel's POV*Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status