LOGINChapter 13: Deathless Memories
*Curfiel's POV*
Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.
~~
Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...
Naalala ko na naman dahil kay Mongol.
Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.
Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.
Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.
Pero nagkaroon ng away ang mga pamilya namin kaya pinaghiwalay nila kami. Ang sakit mawalay sa taong iyong pinakamamahal. Simula noon hindi na ako nagmahal ng iba, siya yung sobrang minahal ko noon na pilit ko ng kinakalimutan ngayon.
Di kaya si Mongol ang kababata ko? pero hindi eh', hindi naman Hershien ang pangalan niya. At ang kababata kong yun magaling magpainting hindi kagaya ni Mongol, magpapaturo pa nga lang siya ngayon kung paano magpainting. Pareho lang sila ng ugali... Asan na kaya siya?
Teka, teka, bakit ko pa ba iniisip ang mga bagay na kagaya nito? ilang taon na ang nakalipas pero wala pa ring nangyayare sa balak kong paglimot.
Siguro talagang mahirap kalimutan ang mga alaala na hindi naman talaga nakatago sa ating isipan, yung alaalang nakatago sa ating mga puso.
Ba't ba ang drama ko ngayon? Hindi bagay saken! Fucking shit! kasing mga alaalang to, di mamatay-matay.
Nahiga na lang ako.
Makalipas ang ilang minuto ng pagdadrama, lumabas ako ng kwarto, nakita kung nagpapaturo si Mongol kay Nagel magpainting.
Bumaba ako ng hagdan nang hindi nila napapansin.
Pumunta ako sa may hardin, sa ilalim ng lilim ng isang malaking puno at nahiga sa luntiang damo, pinagmamasdan yung mga mapuputing ulap na marahang pinapagalaw ng hangin at yung mga lumilipad na grupo ng mga ibon sa kalangitan, ako kaya? kelan ako makakalaya sa mga alaalang kumukulong saken, Kelan ba ako makakalimot?
Para san ba kasi't naimbento ang pag-ibig? ano yun? para saktan lang ang mga tao? para umasa? para umiyak? FUCK THE WORLD!!
Gusto kong sumigaw pero wala naman yung magagawa.
"Curfiel, gusto mo tumulong samin? pupunta kami ni Anne kung saan nagrerepack ng mga relief goods para sa mga nasalanta nung Super typhoon Yolanda, gusto mo sumama?" tanong ni Mongol at naupo siya sa tabi ko.
Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot... Nakita nang nagmomoment yung tao! Panira naman oh'.
"Ha? bakit naman ako tutulong wala naman akong makukuha do'n, at saka wala akong pakialam sakanila, mas mabuti pa dito sa bahay hindi pa ako mapapagod." sagot ko sakanya habang patuloy pa rin na pinagmamasdan ang mga ulap at ibon.
"Ayaw mo no'n? makakatulong ka sa mga taong lubos na nangangailangan? mas maganda na tumutulong tayo sa iba kesa yung tayo ang tinutulungan nila." pamimilit niya pa saken.
"Si Nagel na lang isama mo, siya naman yung nanliligaw sa'yo, hindi ako."
"Sasama nga siya pero mas maganda kung marami tayo para mas marami rin tayong magagawa."
Ang kulit niya talaga haaay... yung kababata ko mahilig din yung tumulong sa iba sa abot ng kanyang makakaya.
"Sige, sasama na lang ako." sagot ko sa kanya tapos bigla siyang ngumiti.
Mongoloid talaga. hahaha.
"Umalis ka na nga diyan ayoko ng maingay." utos ko sakanya.
Pagkasabi ko nun umalis na siya at naglakad papunta sa loob ng bahay. At ako? nanatili na lamang do'n sa hardin sa ilalim ng lilim ng puno.
"Nandito ka na naman nag-iisa sa ilalim ng punong 'to, ano na naman bang iniisip mo?" tanong ni Zhaic at kasama niya si Sky na may subo na namang lollipop.
Kakaalis pa lang ng isang asungot may dumating na namang bago.
"Tumigil nga kayong dalawa!! Gusto niyo pala sumama samen ng alipin ko?" tanong ko kay Sky at Zhaic habang sila'y umaakyat sa puno.
"Bakit san ba pupunta?" tanong ni Sky at nakaupo na siya sa sanga ng puno.
"Tutulong magrepack para sa mga nasalanta ng bagyo." tugon ko.
"Ikaw tutulong magrepack? akala ko ang alam mo lang magre-FUCK hahaha." sagot ni Sky sabay tawa at nakitawa rin si Zhaic.
"Ganun? kung hindi kayo sasama, huwag kayong papasok sa Academy bukas!" I shouted, I stand up and strongly kicked the trunk of the tree, naalog 'yon kaya muntik ng mahulog yung dalawa.
"Interesado ka yata masyado tumulong. Ano bang meron do'n?" Zhaic inquired na pilit ibinabalanse ang katawan para hindi mahulog.
"Ngayon ka pa tutulong at naawa sa dami na ng napatay natin?" tanong din ni Sky.
"Hindi naman talaga ako tutulong o naaawa may iba lang talaga akong rason, huwag niyo ng itanong dahil alam kong alam niyo na yun." sagot ko sa tanong nilang dalawa at nahiga muli ako sa damohan.
"Sige sasama na kami, alam na namin ang rason mo." magkasabay na sagot nung dalawa.
Tapos nanahimik na lang ako, meron kasing paru-parong dumapo sa noo ko. Paru-paro ang parati naming hinahabol ng kababata ko sa tuwing naglalaro kami sa hardin.
"Oh' natahimik ka?" tanong ni Sky.
Pareho na silang nakahiga ngayon ni Zhaic sa may tig-isang sanga.
Dito sa punong 'to, natutulog kami ng Crucifix Six pag wala kaming ginagawa pero noon yun, ngayon kasi bihira na kaming tumambay dito. Merong anim na sanga ang puno kaya tig-iisa kaming sanga sa tuwing matutulog o kaya kung tatambay kami. Sa pinakamataas na sanga ang pwesto ko. Dito rin sa punong 'to nagsimula ang pagkakabuo ng grupo namin.. Kung sino kasi yung makakaakyat member na agad.
Si Jao hindi yun nakaakyat, kaya hindi talaga siya member ng Crucifix Six pero dahil sa kaibigan namin siya, kaya isinasama pa rin namin si Jao sa lahat na ginagawa ng grupo.
"Wala may naalala lang." sagot ko habang nakatulala.
"Hanggang ngayon di mo pa rin talaga siya nakakalimutan. Pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat masunod ka lamang." sabi ni Sky, Lakas makaFLORANTE.
"Diyan na nga kayo!" malakas na pagkakasabi ko tapos tumayo na ako at iniwan yung dalawa na nakahiga pa rin dun sa sanga.
-End of Curfiel's POV-
*Hershien's POV*
Pagpasok ni Curfiel sa kwarto niya nagpaturo ulit ako kay Nagel magpainting. Ano kayang nangyari sakanya at bigla na lang napatakbo papunta sa kanyang kwarto?
Habang nagpipinta ako biglang tumunog yung celfon ko. Kinuha ko agad yun dahil wala namang nagtitext saken kung hindi talaga importante.
1 Message received
Text from Ayesha:
"Shien, tumulong ka naman samen magrepack."
"Magrepack nang ano?" reply ko.
"Magrerepack tayo nang uling. :p" reply naman ni Ayesha.
Ano? nagtitinda na ba sila ng uling ngayon?
"Aanhin mo naman ang uling?" tanong ko sa kanya.
"Kahit kelan ka talaga Shien, magrerepack tayo ng relief goods hindi uling. Punta ka na lang dito sa Heaven's Ethos Academy, dito kami sa may Gym."
Akala ko naman uling ang irerepack. Parati na lang siyang nagbibiro.
"Sige pupunta na lang ako diyan mamaya." reply ko kay Ayesha.
Inantay ko siyang magreply pero hindi na siya nagtext kaya naman ay ipinagpatuloy ko na yung pagpipinta. Natatawa nga ako sa sarili kong painting dahil mukhang mas maganda pa nga ang painting ng Kindergarten kesa saken.
Pinilit ko sina Anne at Nagel na sumama sa pagrerepack ng relief goods para mas madali kaming matapos. Pumayag din naman agad sila.
After I finished painting, I went to Curfiel's room para pilitin din siyang sumama but he wasn't there, kaya hinanap ko siya sa kitchen, sa dining room at pati sa 3rd floor pero wala siya do'n. Sumilip ako sa bintana ng 3rd floor at nakita ko si Curfiel na nakahiga sa garden sa ilalim ng shade ng puno. Bumaba agad ako at pinuntahan siya.
"Curfiel, gusto mo tumulong samen? pupunta kami ni Anne kung saan nagrerepack ng mga relief goods para sa mga nasalanta nung super typhoon Yolanda, gusto mo sumama?" tanong ko habang naglalakad papalapit papunta sakanya.
At mukhang nagulat yata siya sa pagdating ko.
"Ha? bakit naman ako tutulong? wala naman akong pakialam sa kanila, mas mabuti pa dito sa bahay hindi pa ako mapapagod." sagot niya habang nakatitig sa kalangitan.
"Ayaw mo no'n? makakatulong ka sa mga taong nangangailangan? mas maganda na tumutulong tayo sa iba kesa yung tayo ang tinutulungan nila." ginamit ko na talaga ang aking convincing power.
"Si Nagel na lang isama mo siya naman yung nanliligaw sa'yo hindi ako." he answered.
"Sasama nga siya pero mas maganda kung marami tayo para mas marami rin tayong magawa." pamimilit ko pa.
Parati niya na lang iniisip ang sarili niya.
Naisipan ko ngang pilitin siyang isama dahil baka pag nakita niya yung mga taong nagtutulungan para sa ikabubuti ng ibang tao ay magbago yung ugali niya.
Nandito ako para baguhin ang pag-uugali niya hindi lang para maging alipin.
"Sige sasama na lang ako." sagot niya saken.
Sa sobrang galak na nararamdaman ng puso ko, napangisi na lamang ako.
"Umalis ka na nga diyan ayoko ng maingay!" utos niya saken nang nakita niya akong nakangisi.
Kaya umalis na rin ako dahil baka mabadtrip pa siya at magbago ang desisyon niyang sumama samen.
Naglakad na ako papunta sa loob ng bahay, at iniwan siya do'n.
Habang ako'y papaalis ng hardin nakita ko sina Sky at Zhaic na naglalakad papunta sa kinalalagyan ni Curfiel.
***************
Chapter 14: Humanitarian Aid*Curfiel's POV*"Curfiel pwede na ba tayong pumunta do'n sa school namin?" Mongol abruptly asked when I entered the house, hindi naman siya masyadong nagmamadali."Alam mo yung excited? Hindi pa nga tayo nakakakain ng tanghalian." sagot ko ng pabalang then I walked going to her painting, I wanna see how good she is."Ito ba yung painting mo?" I asked her, at napakunot pa ang noo ko."Opo, ang panget no?""Buti naman at alam mong panget, akin na lang to ha?""Ano namang gagawin mo diyan?" tanong niya at hinawakan din yung painting, pero hinablot ko 'yon para hindi niya mailayo sakin."Eh di susunogin, hindi naman 'to pwdeng pangdisplay di ba?"Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako papunta sa kusina. Iniwan ko na si Mongol hindi na rin naman kasi siya nagreklamo
Chapter 13: Deathless Memories*Curfiel's POV*Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.~~Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...Naalala ko na naman dahil kay Mongol.Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.
Chapter 12: Abstract and Distorted Painting*Hershien's POV*I went to the garden at the back of Curfiel's house to water the plants, at namangha ako sa ganda ng paligid. I saw colorful and myriads of flowers of different kinds, the fluttering butterflies and the chirping birds at the top of the small trees. Ang ganda ng garden nila, siguro si ate Keirsten ang nag-aalaga sa mga ito. Feeling ko nasa ibang mundo ako, yung mundo kung saan maraming fairies.I got the hose to start watering the plants. Si Anne kasi hindi pa tapos kausapin si Nagel."Mongol!" tawag ni Curfiel."Ano po yun?" magalang na sagot ko."Ako ang pagsilbihan mo! Huwag yang mga halaman!" pasigaw na sagot niya habang naglalakad papunta saken."Ano bang nagustohan mo kay Nagel? Mas gwapo naman ako sakanya ah'." he added, para siyang bata na nakikipagkompetisya sa kalaro niya.
Chapter 11: Go and Multiply*Hershien's POV*Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabut
Chapter 10: PhotoMon*Hershien's POV*"Nakakaasar talaga ang lalaking 'to." nasabi ko na lang sa sarili ko, kasama ko na ngayon si Anne sapagkat sinamahan din niya ako kanina sa garden."Ate ito yung DigiCam, di mo gagamitin?" tanong ni Anne habang kami ay naglalakad papunta sa kwarto ni Curfiel dala-dala yung pagkaing binili ni Nagel- ang bait niya tapos mukhang matalino pa, lagi kasi siyang may dalang libro at ayaw na niya ng bitawan, hindi siya kagaya ng kaibigan niyang si Curfiel na puro kabastosan ang alam."Para san ba yan?" tanong ni Nagel habang tinuturo yung DigiCam na hawak ni Ahtna Anne."Sa pag picture malamang!" Anne answered, tapos sumimangot na lang si Nagel. Parang tinarayan kasi siya ng kapatid ko."Alam mo mahabang kwento Nagel, kaya pumunta na muna tayo sa kwarto ni Curfiel at baka naging halimaw na 'yon dahil sa
Chapter 9: Onion Cry*Curfiel's POV*Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na a