LOGINChapter 9: Onion Cry
*Curfiel's POV*
Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.
Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.
Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na ako, ayoko na.
*Sa kwarto ni Curfiel*
"Sorry na Curfiel.." dahang-dahang sagot ni mongol, at hindi siya makatingin sakin ng maayos.
"Ikaw kasi eh' bakit mo ba ako hinalikan?" she suddenly asked, ang arte niya sa pisngi lang naman.
"Alipin kita! kaya kahit ano pwede ko sa'yong gawin, huwag ka ngang maarte!!" I yelled at her.
Nakayuko lang siya, mukhang natakot ata sa pag-sigaw ko.
Bakit parang nanginginig siya...
"Umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya pero wala lang siyang imik.
Lumapit ako at tiningnan kung umiiyak ba siya at may nakita akong luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata, masyado naman siyang iyakin, napakababaw ng luha.
Pero bakit parang naaawa ako sa kanya-- siguro dahil nag-sorry na siya tapos kung ano-ano pa ang pinagsasasabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Niyakap ko siya hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko, kusa na lang na gumagalaw ang katawan ko.
Nahahawa na ba ako sa kabaliwan niya? ang sarap ng pakiramdam habang yakap ko siya, awa lang naman ang nararamdaman ko para sakanya.
Hindi rin nagtagal bigla niya akong itinulak.
Ano bang ginagawa niya siya na nga ang niyayakap ko tapos ganito pa? ang mga babae talaga masyadong maaarte.
"Mongol! tumigil ka na sa pag-iyak-- please.." bigla ko na lang nasabi.
why did I say that?, di ba dapat ayos lang sakin na umiyak siya dahil sinampal niya ako, bakit masyado akong nalilito? Napasabi pa tuloy ako ng please.
"Pwede na ba akong lumabas?" tanong niya habang nanginginig and boses dahil sa pag-iyak.
"Oo.." bigla ko na lang nasagot.
After I said that she slowly walked going out of my room, para talaga siyang baliw.
Pagkalabas niya ng pinto, agad ko siyang sinundan, saan ba pupunta ang babaeng 'to?
Dahan-dahan lang akong sumusunod sa kanya-- para hindi niya ako mahalata.
Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa makaabot siya sa kusina... anong gagawin niya? kukuha ng kutsilyo para isaksak sakin? sira ulo talaga siya.
Sumisilip-silip lang ako sa pinto ng kusina at baka nga tumakbo siya papunta sakin pagsasaksakin ako.
Tapos dumaan yung kapatid ni mongol-- kaya kunyare napadaan lang din ako.
Nakita siya nong kapatid niya kaya pumasok ito sa loob ng kusina-- bumalik agad ako sa pwesto ko upang tingnan sila.
"Ate umiiyak ka ba?" tanong no'ng kapatid niya.
"Oo, dahil dito sa sibuyas na hinihiwa ko." sagot ni mongol habang may hawak na sibuyas.
Huh? sibuyas? yan ba ang ginagawa niya sa bahay nila para may reason kung bakit siya umiiyak at namumula ang mga mata? sabagay luma na kasi ang palusot na napuwing lang. Pero mongoloid pa rin siya.
"Ano bang gagawin mo ate?" tanong ulit nung kapatid niya.
"Magluluto para kay Curfiel." she answered tonelessly.
Ano? magluluto pa talaga siya para sakin kahit na pinaiyak ko siya.
Dapat lang naman talaga 'yon kasi nga alipin ko sya, kailangan niya akong pagsilbihan. Hinayaan ko lang silang mag-usap don na dalawa at umakyat na lang ako pabalik ng kwarto dahil nakita ako nina Nagel, Zhaic at Sky na sumisilip sa kanila.
Pagbalik ko sa kwarto...
Zhaic suddenly asked me.
"Nagkaayos na ba kayo no'ng alipin mo?"
"Hindi pa, hayaan mo na siya wala akong pakialam sa kanya, manuod na nga lang tayo ng basketball." paanyaya ko sakanila sabay kuha ng remote.
Hindi na rin naman nag usisa pa si Zhaic kaya nanuod na kami ng basketball.
*after several minutes*
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Bukas yan!" sigaw ko habang nanunuod pa din ng basketball. Mananalo na ako sa pustahan namin eh.
Tapos nakita kong pumasok si mongol na may dala-dalang pagkain.
"Kumain na po kayo." she muttered as she approached me na nakayuko pa rin at parang nahihiya.
"Ano yan gulay? hindi ako vegetarian! ! humanitarian ako kinakain ko tao!!" I jokingly said para naman kahit papano ngumiti siya, pero sa sinabi kong yun mas sumimangot pa siya.
ang korniii ng joke ko..
"Sorry, magluluto na lang po ako ulit." she answered na parang naiiyak na naman.
"Ano ka ba Curfiel napapagod na siya oh." sabat ni Nagel, at itiniklop nito ang kanyang binabasang libro, lumapit sya sa kinalalagyan ni Mongol at agad na kinuha ang dala nitong pagkain.
"Hi! hmm what's your real name?" tanong ni Nagel kay Mongol.
"Hershien." she answered slowly at ngumiti siya kay Nagel.
"Ang cute pala ng name mo, kasing cute mo." Nagel mumbled. Mambobola talaga 'to, daming alam dahil sa mga romance novel na binabasa niya.
Tss type na naman siguro nito si Mongol kaya ganyan siya kung dumiskarte.
"Sige, Hershien kami na bahala dito kay Curfiel." He added tapos lumabas na rin naman agad si Mongol.
"Loko ka talaga Curfiel, Ikaw na nga yung pinaghahanda niya tapos ganyan ka pa." paninermon saken ni Nagel na akala mo'y ako pa ang may kasalanan.
"Eh' ano naman pakialam mo!" pagalit na sigaw ko sa kanya.
"Pwde bang ligawan ko ang alipin mo? ang ganda niya kasi." sabi ko na nga ba, alam ko na mga galawan niya.
May gusto siya kay MONGOL, wala namang kaibig-ibig sa babaeng 'yon iba rin talaga mga taste nitong si Nagel.
"Gawin mo kung ano gusto mo, basta siya pa rin ang alipin ko hanggang matapos ang isang buwan." sagot ko kay Nagel, at nanuod na muli ako ng basketball.
"Sige labas muna ako, sasamahan ko lang si Hershien-- mukhang malungkot siya."he muttered, tapos dali dali na siyang lumabas ng kwarto ko at dala-dala pa rin ang kulay itim na libro.
"Oh ito ibili mo ako ng pagkain dyan sa labas, liligawan mo si Mongol di ba, kaya tulungan mo sya." sigaw ko bago pa siya makalayo ng lubusan, bumalik naman siya para kunin yung pera.
Ang hirap sa taong to ayaw magbawas ng yaman. Talagang bumalik pa para humingi ng pera. Di man lang ako ilibre.
"Bili ka rin ng junkfoods ha'" dagdag ni Zhaic na nakatutok ang mata sa TV.
Bukod sa pagpatay basketball din ang isa sa mga hobbies namin, isang buong team kami lagi nga lang bangko si Nagel kasi gusto niya na lang daw magbasa ng libro kaysa mapawisan at wala rin naman daw siyang makukuha sa basketball.
"oh sige!" agad-agad na sagot niya tapos tumakbo na siya papalabas ng kwarto.
Seryoso ba talaga siya kay Mongol? bagay nga sila, pareho silang baliw.
Habang nag-aantay sina Zhaic, lumabas ako at hinanap ko si Mongol para tingnan kung umiiyak na naman.
Naglakad ako papunta sa may hardin at nakita ko si Mongol na nakaupo sa bench kasama si Nagel, sabi namin sakanya bumili ng junk foods hindi yung lumandi.
Bumalik na lang ako sa kwarto. Hinayaan ko na lang silang dalawa sa kung ano man ang gusto nilang gawin sa mga buhay nila.
Makalipas ang maraming minuto wala pa rin si Nagel, mukhang napapasarap ata ang kwentuhan nilang dalawa ah.
Kaya lumabas muli ako ng aking silid, at pumunta ulit sa hardin, kung saan huli ko silang nakita, nabigla na lamang ako ng makita ko na yakap-yakap ni Nagel si Mongol, mapansamantala talaga 'to sa babae, naglakad ako papunta sa kinalalagyan nila para sabihan si Nagel na bilhin na yung pinapabili namin.
"Hoy Nagel, ilang taon na kaming nag-aantay sa kwarto!bulok na kami don! "
"Oo, eto na! ibibili na!"sagot ni Nagel, at ipinahawak niya muna kay mongol 'yong dala niyang libro.
"Ako na lang ang bibili..." sabat naman ni Mongol.
"Huwag na ako na lang, diyan ka na lang." tugon ni Nagel kay Mongol at mabilis na siyang tumakbo papalabas ng gate.
Habang ako? tumabi muna sa kinauupuan ni Mongol.
"Mongol pwde ba, huwag kang mag-inarte, may paiyak-iyak ka pang nalalaman dyan, akala mo maaawa ako sa'yo?" sabi ko sa kanya ng harap-harapan.
Nakayuko lang si Mongol habang sinasabi ko yun.
"Pasensya ka na ha, ganito lang talaga kasi kababaw ang luha ko..." dahan-dahang sagot niya habang nakatingin sa mga bulaklak. Marahang hinahawi ng hangin ang itim na buhok, at ang mga paru-paro'y masayang umaaligid sakanya.
"Mabuti alam mo, kaya ano pang hinihintay mo pagsilbihan mo ako, huwag kang paupo-upo dyan."
"Opo.." malumanay na sagot niya.
Tapos ako'y bumalik na muna sa aking kwarto, iniwan ko na siyang mag-isa don sa hardin, mukhang gusto niya munang pagmasdan ang mga lumilipad na insekto at mga pananim ng Kapatid ko na namumutiktik sa ibat ibang kulay ng bulaklak. At siguro din ay inaantay niya si Nagel para tulungan siya.
************
Chapter 14: Humanitarian Aid*Curfiel's POV*"Curfiel pwede na ba tayong pumunta do'n sa school namin?" Mongol abruptly asked when I entered the house, hindi naman siya masyadong nagmamadali."Alam mo yung excited? Hindi pa nga tayo nakakakain ng tanghalian." sagot ko ng pabalang then I walked going to her painting, I wanna see how good she is."Ito ba yung painting mo?" I asked her, at napakunot pa ang noo ko."Opo, ang panget no?""Buti naman at alam mong panget, akin na lang to ha?""Ano namang gagawin mo diyan?" tanong niya at hinawakan din yung painting, pero hinablot ko 'yon para hindi niya mailayo sakin."Eh di susunogin, hindi naman 'to pwdeng pangdisplay di ba?"Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako papunta sa kusina. Iniwan ko na si Mongol hindi na rin naman kasi siya nagreklamo
Chapter 13: Deathless Memories*Curfiel's POV*Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.~~Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...Naalala ko na naman dahil kay Mongol.Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.
Chapter 12: Abstract and Distorted Painting*Hershien's POV*I went to the garden at the back of Curfiel's house to water the plants, at namangha ako sa ganda ng paligid. I saw colorful and myriads of flowers of different kinds, the fluttering butterflies and the chirping birds at the top of the small trees. Ang ganda ng garden nila, siguro si ate Keirsten ang nag-aalaga sa mga ito. Feeling ko nasa ibang mundo ako, yung mundo kung saan maraming fairies.I got the hose to start watering the plants. Si Anne kasi hindi pa tapos kausapin si Nagel."Mongol!" tawag ni Curfiel."Ano po yun?" magalang na sagot ko."Ako ang pagsilbihan mo! Huwag yang mga halaman!" pasigaw na sagot niya habang naglalakad papunta saken."Ano bang nagustohan mo kay Nagel? Mas gwapo naman ako sakanya ah'." he added, para siyang bata na nakikipagkompetisya sa kalaro niya.
Chapter 11: Go and Multiply*Hershien's POV*Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabut
Chapter 10: PhotoMon*Hershien's POV*"Nakakaasar talaga ang lalaking 'to." nasabi ko na lang sa sarili ko, kasama ko na ngayon si Anne sapagkat sinamahan din niya ako kanina sa garden."Ate ito yung DigiCam, di mo gagamitin?" tanong ni Anne habang kami ay naglalakad papunta sa kwarto ni Curfiel dala-dala yung pagkaing binili ni Nagel- ang bait niya tapos mukhang matalino pa, lagi kasi siyang may dalang libro at ayaw na niya ng bitawan, hindi siya kagaya ng kaibigan niyang si Curfiel na puro kabastosan ang alam."Para san ba yan?" tanong ni Nagel habang tinuturo yung DigiCam na hawak ni Ahtna Anne."Sa pag picture malamang!" Anne answered, tapos sumimangot na lang si Nagel. Parang tinarayan kasi siya ng kapatid ko."Alam mo mahabang kwento Nagel, kaya pumunta na muna tayo sa kwarto ni Curfiel at baka naging halimaw na 'yon dahil sa
Chapter 9: Onion Cry*Curfiel's POV*Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na a