Share

Envelop

Author: jhq
last update Petsa ng paglalathala: 2020-07-28 17:24:36

Depths: 12

Nasanay na 'ko sa mga away bati namin ni Alen, it was our cycle for our relationship. Wala ng bago doon, hindi na din bago ang minsanang pananakit sa akin.

Pero iba 'yung takot na nararamdaman 'ko ngayon, para bang habang tumatagal ang mga taong nandito kami sa Cubao lalo s'yang nagbabago.

At ngayon, para bang hindi 'ko kilala ang lalaking nasa harap 'ko.

Maingat akong lumayo sa pintuan, sinusubukang hindi makalikha nang ano mang tunog. Dumeretsho agad ako sa kusina, hindi 'ko alam kung anong gagawin 'ko nang makitang ganon si Alen. 

Wala sa sarili akong kumuha ng baso at nagsalin ng tubig, bago 'ko pa mainom 'to nakarinig na agad ako ng mga yapak pababa. Hindi 'ko na maalala pa kung paano 'ko nagawang uminom nang hindi nabibilaukan sa tubig.

"Istel" 

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at ngumiti. Hindi 'ko na alam kung ano ang itsura 'ko, pero paniguradong pinaghihinalaan n'ya ako. Paano kaseng nawala ang mga nakatakip sa folder na 'yun.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" malamig at mababa ang tono n'ya, isang maling galaw 'ko lang ay hindi magiging maganda ang mangyayari.

"Totoo b-ba?" alam  'kong nanginginig ang kamay 'ko habang sinasabi 'ko ang dalawang salita na 'yon. "Ang nakalagay sa loob nun?" 

"Binasa mo man lang ba ang nasa loob na 'to?!" sigaw n'ya saka binagsak sa sahig ang buong folder, nagkalat ngayon sa sahig ang mga papel. 

May ilang picture na mukhang nagmula sa isang CCTV footage. May ilan namang blurred pero kita ang isang anino ng lalaki. Aninong masyadong pamilyar sa akin.

"Alen, pakinggan mo 'ko" bumagsak ang baso sa kamay 'ko bago pa ako makaluhod sa kanya at magmakaawa.

"Ano?! Pati ikaw pinagdududahan ako! Hindi pa ba sapat 'yung napapakain kita sa mamahaling kainan?!" sinampal n'ya ako dahilan ng pagkabuwal 'ko sa bubog.

Hindi 'ko na napigilan ang sariling 'kong umiyak, tama sila nakakaawa nga ako. Hindi ako makaalis sa lugar kung saan ako mas takot. Wala akong lakas para umalis kung saan ako nasasaktan. Hindi 'ko kaya, dahil baka may paraan pa para magbago s'ya.

"Maawa ka sakin Alen, hindi na ako uulit. Maawa ka" 

Tumalungko s'ya sa harap 'ko saka hinawakan ang baba 'ko, puno ng dismaya ang mga mata n'ya at isang emosyong hindi 'ko alam kung bakit nararamdaman n'ya, takot.

"Stella, pangalawang beses mo na akong pinagdududahan. Hindi ka pa ba napapagod sa ganito?" sabi n'ya na may dismayadong tono, binitawan n'ya ng marahas ang mukha 'ko at iniwan ako.

Dumeretsho lang s'ya ng walang pake sa akin palabas. Hindi 'ko napigilan ang sarili 'kong mas higpitan ang hawak sa mga bubog. Bakit ba kami nagkaganito? Kailan ba kami nagsomula sa ganito? Kaya 'ko pa ba ito?

Nawala ang lahat ng iniisip 'ko ng marinig 'ko ang pintuang bumukas. Dali-dali akong naghugas ng kamay kahit mahpdi, dahan-dahang umaagos ang tubig na may halong dugo pababa. Para bang habang tinititigan 'ko ang tubig, dahan-dahan din akong nawawalan ng nararamdaman.

"Stella? Anong ginagawa mo d'yan?" narinig 'ko ang boses ng Tiya Esa papalapit.

"Ah! Wala po, nabitawan 'ko po kase iyong baso eh sinubukan 'kong pulutin..." 

"Stella, 'wag kang magsinungaling. Alam 'ko ang nangyayari dito. Kung gusto mo tutulungan kita, may kapatid pa kami sa Quezon City" 

"Kaya 'ko pa po.." bago 'ko pa madugtungan ang sasabihin 'ko bumukas uli ang pintuan at iniluwa nito si Alen na may dalang plastic bag.

"Tita? Bat po napunta kayo dito?"

"Naku! Hinahanap 'ko kase si Kyle" sagot nito na para bang hindi din inaasahang babalik din kaagad si Alen.

"Ah ganon po ba? Eh ito kaseng si Stella nagiging magulatin na kaya ayon nabitawan ang baso eh binili 'ko lang ho ng gamot sa sugat" pagkatapos n'yang sabihin ang pangalan 'ko ay tumingin s'ya sa akin ng matalim, para bang ibig sabihin n'ya ay manahimik ako sa mga nangyayari.

"Osige, maiwan 'ko na kayo at mukhang wala dito ang batang 'yun" sabi ni Tita at lumabas na ng hindi lumilingon.

"Pagkatapos mong maglinis d'yan umakyat ka na, alam mo na ang ibig sabihin nito. Palalagpasin 'ko 'to" sabi n'ya saka umalis ng kusina.

Para bang unti-unting gumuguho ang mundo 'ko, nawalan ng lakas ang mga tuhod 'ko. Dahan-dahan akong napadausdos pababa katabi ng mga bubog. Para bang ang taong inaakala 'kong kilala 'ko na ay unti-unting pinapakita sa akin ang totoong ugali n'ya. 

Nasaan na ang pangako n'ya sa akin? Ang karagatan walang katapusan pero bakit ang pagmamahal n'ya unti-unti nang nauubos? 

The night went on like usual as those nights when we fought. It a cycle that makes me sick, a cycle that makes me lose myself for another person. A cycle that holds my neck so tight it makes me lose my breathe. 

As the day came, Alen woke me up with the breakfast made as my resume is just beside the table. I smiled weakly at him. Pagbaba ni Jane sa kusina ay halatang dismayado na naman s'ya sa aming dalawa. Wala sa sarili 'kong tinakpan ang mga kamay 'ko.

It's too soon to ruin the day, ngayon ako naka-schedule sa mga interview. Three big company and a corporation. 

It all went smoothly before the third company, hindi 'ko alam kung naglalaro ba ang tadhana o sadyang sinusundan n'ya ako. I just got on an elevator with Captain Keil!

"How are you, Stella?" ramdam 'ko ang mga mata n'ya sa aking kamay.

Right, I got on the interviews with my hands injured. 

"May ibibigay ako sayo, and you're hired" what he said made my mouth open, as I heard the elevator made the ting sound he got off.

Hindi 'ko alam kung susunod ba ako sa kanya o mananatili ako sa loob ng elevator. Nevertheless, I still chose to follow him. 

He was walking as if he was owning the whole building and soon my confusion was answered when he went in on the CEO's office. Right there, a silver plated name was there. 

Capt. Keil Hermino
            CEO

Kung maglaro nga naman ang tadhana, akala 'ko ba kapitan s'ya ng barko? Bakit CEO na s'ya ngayon?

"Don't look at me like that" he smirked at me while leaning on the chair with crossed legs.

"Your mocking me Captain" emphasizing the word 'Captain' for he's awareness that this is not funny.

"Hmm, you want to get out of that hell hole right? Hayaan mong tulungan kita pero magtatrabaho ka para sakin" he said as I'm slowly drowning from the depths of his blue eyes, the ocean.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Depths || Filipino Novel ✔   Officially Ending

    Hi! I just want to say that tonight, Depths from Ocean Series is officially ending! I tried to write more speacil chapters but I think this is better to leave it like this.I just want to thank everyone who read this and enjoyed the travel. Well, Stella and Alen would still appear on the two books but you know the time difference would be long.

  • Depths || Filipino Novel ✔   Special Chapter

    Ang bilis ng panahon, well it took me moments to decide kung kukunin ‘ko ba ang opportunity na ito but look where I am now.Huling exam na lang ang kukunin ‘ko para makapag-graduation, my dream is just right in front of me now.Well, I love my job. I like that my coworkers were nice to me, my boss is nice to me, I love how stressful my job is pero ang pangarap ‘ko talagang piniling habulin noon ay ang pagdodoktor.I had so much memories to hold with them but later on I need to say goodbye. It was a great experience to be a CPA.I just need to passed this exam at puwede na akong mag-licensure just a few more steps, I don’t want to aim for honors or Latin honors.Good thing na sa pagitan ng mga review ‘ko may pahinga ako para makasama sa isang araw si Alen, things became great between us.M

  • Depths || Filipino Novel ✔   The Surprise

    Depths: 20“Ma’am, pinapatawag po kayo ni Sir Keil sa opsisina n’ya” sabi sa akin ng Secretary ‘ko through my intercom, maybe the CEO is looking for the report.Damn, I’m still not done with the report. Masyadong naging malaki ang gastos ng investigation team!“Is it urgent?” I cautiously asked.“Opo”“Okay” wala akong choice kundi i-cut ang intercom naming ng sekretarya ‘ko at tumayo sa aking upuan. I fixed myself and readied for things.Lumabas ako sa opisina dala-dala ang kaninang hiningi ‘kong report kay Kally at nagmadaling makapunta sa office ni Keil.I don’t know what’s with him to call for me, usually tatawagin n’ya lang ako sa tuw

  • Depths || Filipino Novel ✔   Birthday

    Depths: 19Two years later…Marami ng nangyari sa mga nagdaang taon. All wounds have healed, sabi nga nila marami pang puwedeng mangyari.It’s true though, I’m now the Head of the Finance Department and I’m doing better in life. Hindi nga lang ako tumatanggap ng mga mangliligaw, I don’t know if it was just my instincts or what.Sa dalawang taong nagdaan, wala akong pagsisisi sa mga naging desisyon ‘ko. Ang paglipat ‘ko ng bahay, ang pananatili ‘ko sa kumpanya at ang maging mas malapit kayna Jane.Though it’s just a sad thing that Jane and Kyle broke their relationship for some reason, Jimuel also came out of his closet. So many things happened, some are good and other are bad.

  • Depths || Filipino Novel ✔   Back to Manila

    Depths: 18The day where Nanang has to be buried came. Ang sakit, ang sabi nila habang tumatagal mawawala din ang sakit pero bakit habang tumatagal mas lalong sumasakit?Mabuti na lang ay kasama ‘ko sina Jane, kung hindi baka hindi ‘ko kayanin harapin ang araw na ito.Putting polo shirt ang gustong ipasuot sa lahat ng inampon ni Nanang Swela ni Kuya Joel. Si Kuya Joel ang pinakaunang inampon sa amin. Galing pa siyang ibang bansa at maski s’ya ay nagulat sa n

  • Depths || Filipino Novel ✔   Funeral

    Depths: 17Tatlong araw na ang lumipas simula ng dumating kami dito, wala akong ibang ginawa kundi maligo at bantayan lang ang ataol ni Nanang. Wala akong lakas paras makipag-usap sa mga dumadalaw o tumayo man lang ng matagal malayo kay Nanang.Si Jane ang tumutulong sa mga nagluluto, abala naman sina Kyle at Jimuel sa pag-asikaso sa mga dumadalaw. Ramdam 'ko din ang pag-aalaa na sa akin ni Jane dahil sa kalagayan 'ko."Ate, kain ka daw muna sabi ni Ate Ganda doon" sabi ng bata sa akin habang inaabot ang isangg basog puno ng sopas saka tinuro si Jane.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status