Share

I loved...

Author: jhq
last update publish date: 2020-07-28 16:53:46

Depths: 10

Mabilis ang panahon, ngayon isang year na lang at magtatapos na 'ko. Nagtagal din kami ni Alen kahit mahirap, tuwing bakasyon at may oras ay umuuwi kami sa barrio sa Bulacan. Alam na din doon na may relasyon na kami.

Naalala 'ko pa din ang gulat sa mukha ni Alma non, pati ang maliit na ngiti ng kanilang Ina. Nagkaroon pa nang maliit na salo-salo noong sinabi naming makakapasa kami sa susunod na year. 

Ngayon ay malapit na ang finals, abala si Alen sa mga ipapasa nila but he promised me na kakain kami sa labas. For me, pumapasok pa din naman ako sa cafe pero hindi na ganoong kadalas ang pagkikita namin ni Cap. Keil. 

It didn't bothered me because every time he'll be there or I'll see him I start to question my feelings. I don't know how or why, basta kakaiba lang ang nararamdaman 'ko sa kanya. 

I'm not sure kung love, like or crush? I'm just learning. 

Stress din ang finals namin, hindi lang accounting ang subject na stress ako kundi pati na din sa business management. It's either mawawalan ako nang pera sa mga tinutuos 'ko or papalpak ang business strategy na ni propose 'ko. 

But everything's okay pa naman, I'm silently thanking everyone who said I should take Accounting than BS Biology. Nakikita 'ko kase ang bawat istudyanteng nagtake nang BS Biology na laging stress sa araw-araw, hindi pa kasama doon ang mga exams.

If ako ang nasa kalagayan nila, hindi 'ko na siguro alam kung pano pa 'ko makakakuha nang lakas para bumangon araw-araw at pumasok.

Mornings are usual naman simula pangliligaw ni Alen hanggang sagutin 'ko s'ya ganon pa din ang umaga namin. Gigisingin n'ya 'ko, may almusal na nakahanda and inaasikaso n'ya pa minsan ang  mga subjects 'ko.

I can't help but smile tuwing naaalala 'ko ang pagiging husband material ni Alen, kung ako ang tatanungin close to perfect ang  lahat nang meron s'ya for me. I can enjoy my whole lifetime with him being caring and affectionate. 

Huling exam na namin for this day and last day for exam na din, ang susunod na gagawin na lang ay ihabol ang mga extra gawain ng mga prof. Ang masasabi 'ko sa buong araw ay I give up, the first days ng exam ay madadali pero yung ihuli ang finance. 

I don't know kung paano pa ako nakasagot at nakakuha nang lakas para tapusin ang exam kahit unang natapos ang utak 'ko. Maybe I can get an award for being matyaga. 

For the last 3 years namin dito sa Manila ay hindi naging madali. Umabot din kami sa point na akala 'ko ang magiging ulam 'ko ay toyo. At sa 3 years na 'yon hindi 'ko pa din alam ang klase nang trabaho na meron si Alen. 

Pumayat s'ya pagkatapos ng ilang buwan sa trabaho na 'yun, minsan pa uuwi s'ya na wala sa sarili at nanghihina. Ayoko mang isipin pero minsan sinasabi sa akin ni Jane at Jimuel na pagsabihan o kausapin 'ko si Alen sa trabaho n'ya dahil baka illegal daw ang pinapasok nito.

I tried to, pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Nag-away kami, hindi lang simple dahil muntik nang umabot iyon sa pisikal kung hindi lang napigilan ni Alen ang sarili n'ya. Simula nun nawalan na ako nang lakas ng loob para kausapin pa s'ya sa trabahong 'yun. 

Naiisip 'ko na lang na ayos lang dahil kahit papaano nakakapasok s'ya, nakakain nang tatlong beses sa isang araw, nakakapagbayad ng renta at nakakalabas din kami minsan. Huwag lang matuloy na saktan n'ya 'ko ayos na sakin.

I would turn a blind eye for him, huwag lang mangyaring may masam s'yang gawin sa amin na nakakasama n'ya sa araw-araw. 

Parang ngayon pa lang ay naririnig 'ko na ang ilan na may sinasabi sa akin, martyr, tanga, linta at kung ano-ano. Pero ayos lang, maayos na para sa aking namnamin ang mga nakakamit namin ngayon, saka 'ko na lang iisipin ang mga puwedeng mangyari sa hinaharap.

Sa ngayon, nanamnamin 'ko muna ang mga meron kami. Na kami lang.

Natapos din ang mga exam at pauwi na kami ngayon, pinag-uusapan namin ni Alen kung saan kakain at kung ano ang mga puwedeng gawin. Bumili naman daw s'ya nang isang dress para sa akin. He's spoiling me again.

"Doon na lang tayo kumain sa Lemuria Gourmet Restaurant? Fine dining naman sila" he's smiling at me so gently. Natutunaw ako sa ngiti pa lang n'ya. How can he be mine?

"Baka masyadongg mahal dyan, sa iba na lang" I hugged his arm, masyado na 'kong komportable sa kanya. I don't know kung ano ang gagawin 'kong wala s'ya.

"I can pay, pag nagkulang nadyan ka naman" 

"Yeah, I can pay naman din"

"Hmm, ang dami nang nagbago" he said while he just looked at me like I'm some sort of a painting.

Pagkauwi namin ay naligo na 'ko at nag-ayos. Pagkatapos 'kong maligo ay s'ya naman, naabutan n'ya pa nga akong nag-aayos. Ganon s'ya kabilis maligo.

Natuto na din akong maglaggay nang light make up salamat sa pagtuturo sa akin ni Jane. Sa tatlong taong nandito kami ni Alen nahawaan ako sa mga bagay-bagay ni Jane. 

Tinuruan n'ya 'kong mag-ayos nang buhok, kung pano pumili nang foundation, paano maglagay nang lipstick or liptint at kung paano magkilay. Unang beses 'ko pa lang non sinubukang magkilay at tawang-tawa sila sa naging itsura 'ko. Mukha daw isang 5 years old ang umayos sa mukha 'ko.

It makes me smile, naging mga malalapit kami sa isa't isa.

Pagkatapos namin ay dumeretsho na kami sa Honda Civic ni Kyle, simula nang gamitin ni Jimuel 'to noong nag MOA kami ni Alen ay naging kaugalian naming gamitin pa 'to sa ilang lakad at date.

Hindi din naman kami pinagbabawalan ni Kyle dahil parang wala lang sa kanya 'to. Iba talaga pagmayaman ka.

Naging mabilis ang byahe namin papunta sa restaurant, walang gaanong traffic ang daan nun mabuti na lang. Though pagkadating namin sa restaurant madami-dami ding tao.

Inalalayan ako ni Alen pababa nang kotse at iginaya papasok. Bago pa kami makapasok ay may nakasalubong kaming pamilyar na mukha.

Wearing a black tuxedo, nakatayo sa aming harapan si Cap. Keil. 

"Long time no see, Stella" he smiled at me, pero ang ngiting 'yon ay parang nanunuya kay Alen. Hindi n'ya din inabot ang kamay n'ya sa amin.

Tanging pagtango lamang ang naging sagot 'ko habang nararamdaman 'kong humihigpit ang hawak sa akin ni Alen. Wala naman s'ya sinabi kasunod noon, dumeretsho s'ya nang lakad palabas.

The dinner with Alen was cold. Wala s'yang imik, sobrang tahimik n'ya at para bang ilang sandali lang may gagawin s'yang hindi maganda. Pagkatapos kumain ay umuwi din kami kaagad. Tahimik pa din s'ya pagkababa namin sa kotse.

"Alen" tawag 'ko sa kanya pagkaakyat namin sa kwarto namin.

Ang sumunod na nangyari ay mabilis pero alam 'ko ang ginawa n'ya. Bumaling na lang sa kaliwa ang mukha 'ko, mahapdi ang parte na dinapuan nang palad n'ya. Unti-unting gumuho ang mundo 'ko sa mga narinig 'kong salita mula sa kanya, nanlalamig ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan 'ko. Hindi 'ko na din maibaling ang mukha 'ko sa kanya.

"Malandi kang hayop ka! Pagkatapos 'kong ibigay lahat sayo, diba 'yun ang bisita ni Kapitan noon? Ano?! Pati ba 'yun inahas mo! Ako nagtitimpi ako sayo pero pati ba 'yun papatusin mo! Walang hiya ka! Pera na lang ang kinakapitan mo!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Depths || Filipino Novel ✔   Officially Ending

    Hi! I just want to say that tonight, Depths from Ocean Series is officially ending! I tried to write more speacil chapters but I think this is better to leave it like this.I just want to thank everyone who read this and enjoyed the travel. Well, Stella and Alen would still appear on the two books but you know the time difference would be long.

  • Depths || Filipino Novel ✔   Special Chapter

    Ang bilis ng panahon, well it took me moments to decide kung kukunin ‘ko ba ang opportunity na ito but look where I am now.Huling exam na lang ang kukunin ‘ko para makapag-graduation, my dream is just right in front of me now.Well, I love my job. I like that my coworkers were nice to me, my boss is nice to me, I love how stressful my job is pero ang pangarap ‘ko talagang piniling habulin noon ay ang pagdodoktor.I had so much memories to hold with them but later on I need to say goodbye. It was a great experience to be a CPA.I just need to passed this exam at puwede na akong mag-licensure just a few more steps, I don’t want to aim for honors or Latin honors.Good thing na sa pagitan ng mga review ‘ko may pahinga ako para makasama sa isang araw si Alen, things became great between us.M

  • Depths || Filipino Novel ✔   The Surprise

    Depths: 20“Ma’am, pinapatawag po kayo ni Sir Keil sa opsisina n’ya” sabi sa akin ng Secretary ‘ko through my intercom, maybe the CEO is looking for the report.Damn, I’m still not done with the report. Masyadong naging malaki ang gastos ng investigation team!“Is it urgent?” I cautiously asked.“Opo”“Okay” wala akong choice kundi i-cut ang intercom naming ng sekretarya ‘ko at tumayo sa aking upuan. I fixed myself and readied for things.Lumabas ako sa opisina dala-dala ang kaninang hiningi ‘kong report kay Kally at nagmadaling makapunta sa office ni Keil.I don’t know what’s with him to call for me, usually tatawagin n’ya lang ako sa tuw

  • Depths || Filipino Novel ✔   Birthday

    Depths: 19Two years later…Marami ng nangyari sa mga nagdaang taon. All wounds have healed, sabi nga nila marami pang puwedeng mangyari.It’s true though, I’m now the Head of the Finance Department and I’m doing better in life. Hindi nga lang ako tumatanggap ng mga mangliligaw, I don’t know if it was just my instincts or what.Sa dalawang taong nagdaan, wala akong pagsisisi sa mga naging desisyon ‘ko. Ang paglipat ‘ko ng bahay, ang pananatili ‘ko sa kumpanya at ang maging mas malapit kayna Jane.Though it’s just a sad thing that Jane and Kyle broke their relationship for some reason, Jimuel also came out of his closet. So many things happened, some are good and other are bad.

  • Depths || Filipino Novel ✔   Back to Manila

    Depths: 18The day where Nanang has to be buried came. Ang sakit, ang sabi nila habang tumatagal mawawala din ang sakit pero bakit habang tumatagal mas lalong sumasakit?Mabuti na lang ay kasama ‘ko sina Jane, kung hindi baka hindi ‘ko kayanin harapin ang araw na ito.Putting polo shirt ang gustong ipasuot sa lahat ng inampon ni Nanang Swela ni Kuya Joel. Si Kuya Joel ang pinakaunang inampon sa amin. Galing pa siyang ibang bansa at maski s’ya ay nagulat sa n

  • Depths || Filipino Novel ✔   Funeral

    Depths: 17Tatlong araw na ang lumipas simula ng dumating kami dito, wala akong ibang ginawa kundi maligo at bantayan lang ang ataol ni Nanang. Wala akong lakas paras makipag-usap sa mga dumadalaw o tumayo man lang ng matagal malayo kay Nanang.Si Jane ang tumutulong sa mga nagluluto, abala naman sina Kyle at Jimuel sa pag-asikaso sa mga dumadalaw. Ramdam 'ko din ang pag-aalaa na sa akin ni Jane dahil sa kalagayan 'ko."Ate, kain ka daw muna sabi ni Ate Ganda doon" sabi ng bata sa akin habang inaabot ang isangg basog puno ng sopas saka tinuro si Jane.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status