LOGINChapter 10: stay here forever
“I wish i could stay here forever with you”
bulong ko.
“then stay” naka ngiting sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
“I can’t, but can you spend your time with me, hanggang nandito pa ako?” tanong ko sa kanya na may mapait na ngiti.
“sige” sabi niya sabay iwas ng tingin.
“ang ganda ng sunset” bigla niyang sabi.
“ panibagong araw nanaman bukas, mababawasan nanaman ang mga araw ko dito” sabi ko, habang nakatingin sa sunset.
“pangarap ko to ang makasama ang taong gusto ko na manood ng sunset” sabi niya, sabay harap sakin.
“ako din” sabi ko sabay ngiti.
“Gusto mo ba ako Atheos? kasi ako gusto kita!” sabi niya, habang nakatitig sa mata ko.
“gusto kita, pero aalis lang din ako pag katapos ng apat na buwan” sabi ko, sabay haplos sa buhok niya.
“Edi sulitin natin ang natitirang araw mo dito, bago ka umalis” sabi niya na may malungkot na ngiti.
“ thank you for understanding “ sabi ko ko sabay abot ng kamay niya at pinisil.
“ ang akward nanaman natin, change topic na nga hmmmp” sabi niya.
“ang ganda mo” sabi ko.
“maliit na bagay” sabi niya sabay palo sa braso ko, kaya natawa ako dahil pumula ang mukha niya.
“HAHAHA UYY KINILIG “ sabi ko sa kanya pero hinampas lang niya ako.
“wag kangmalikot baka mahulog tayo” sabi ko sa kanya kasi gumalaw ang kinakalagyan namin.
“sasaluhin mo naman ako pag nahulog ako diba” umaasang sabi niya.
“Oo,kung mauuna akong mahuhulog dito” sabi ko sabay tingin sa baba, pero agad ko ding binawi ang tingin ko dahil nalulula ako sa taas.
“picture tayo” sabi niya sabay labas ng cellphone niya.
Agad naman siyang umusod sakin para makita ang view na maganda sa litrato.
“can you stay here forever” sabi niya sakin pag ka tapos naming kumuha ng litrato.
“hindi ako pwedeng mag tagal dito” sabi ko sa kanya.
“hindi ba kita mapipigilan?” tanong niya.
“hindi, naka plano na kasi ito” sabi ko.
“taga saan kaba, hindi ka ba pwedeng dumalaw dito?” tanong niya.
“masyadong malayo, kaya matatagalan ang pag punta dito” sabi ko.
Mag sasalita pa sana siya ng pababa na pala kami at sunod ng bubuksan ang kinauupuan namin.
Agad na lumabas si Astrella kaya sumunod ako sa kanya.
“Gusto mo na bang umuwi?” tanong ko sa kanya.
“sige”
“sasamahan mo pa ba ako sa susunod kung pupuntahan?” tanong ko, habang nag lalakad kami patungo sa sasakyan.
“saan mo pa ba gustong pumunta”sabi niya.
“Anong mga gusto mong puntahan o pangarap mo?” tanong ko.
“Picnic grove, E.K , Palawan,Intramuros, tapos gusto ko maging flight attendant. yan lang” sabi niya.
“ yan lang!” sabi ko, habang nakataas ang kilay.
“Oo ang kunti nga eh” sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.
“kunti pa yan sayo huh!” di maka paniwalang sabi ko.
“Oo” sabi niya.
“Bat gusto mong mag Flight Attendant?” tanong ko.
“gusto kung puntahan lahat ng bansa , pero bago ko gawin yun kailangan ko munang puntahan ang mga lugar dito sa bansa natin” sabi niya.
“hindi mo naman kailangan puntahan ang mga lugar dito sa pilipinas para maging Flight Attendant” sabi ko.
“duh gusto kung ikotin muna tong pilipinas bago ang ibang bansa , mahalin natin ang sariling bansan natin duhhhh!” sabi niya sabay irap.
hindi namin namalayan na kaka daldal namin ay nandito na kami sa kotse, kaya agad kaming pumasok.
“tutulog muna ako huh! inaantok pa ako” sabi niya sabay pikit.
Lumipas ang isang oras .
Habang natutulog si Astrella ay sinusulyap sulyapan ko ito baka managinip nanaman siya ng masama, katulad kagabi.
Maya maya ay nakita kung naiyak siya kaya agad ko siyang ginising , saktong traffic naman.
“Hey Astrella wake up” sabi ko sabay tapik sa pisngi niya, pero hindi parin siya nagigising kaya kinagat ko ang daliri niya.
“Aray” mahinang sabi niya, kaya nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang boses niya.
“ayos ka lang” sabi ko sabay andar ng kotse dahil nag green light na ulit.
“ just a bad dream” sabi niya sabay inom ng tubig na nasa dashboard.
“don’t let the bad dreams, destroy your dreams” sabi ko sa kanya habang pinag papatuloy padin ang pag mamaneho.
Maya maya lang ay nakauwi na kami.
Agad ko siyang hinatid sa bahay nila para maka pag pahinga na siya.
Pag ka dating ko naman sa bahay ay agad na bumungad sakin si Cupid na may malaking ngiti sa labi niya.
“Kamusta ang date, ano naka score ka ba” sabi niya kaya agad ko itong sinamaan ng tingin.
“Tigilan mo ako Cupid pagod ako” sabi ko habang papunta sa sofa para umupo.
“Saan ka napagod?” tanong niya, kaya sinamaan ko nanaman ito ng tingin.
“Malamang sa Biyahe “ inis na sabi ko.
“Tigilan mo siya Cupid, Bukas mo nalang siya kulitin” sabi ni Hypnos na bigla nalang sumulpot. Agad namang sumimangot si Cupid sa sinabi ni Hypnos. Magsasalita pa sana ito pero tumayo na ako at pumunta sa kwarto para maka pag pahinga.
Cupid POV:
“sure akong may nararamdaman si Astrella kay Atheos at ganon din si Atheos” sabi ko kila Helios, Hypnos at Dionysus, na naka upo dito sa sofa.
“oo nalang Cupid” sabi ni Hypnos.
“ako ang god of love, kaya sigurado ako!” sabi ko habang naka pamewang sa harap nila.
“pwede ba umupo ka Cupid” Asar na sabi ni Helios.
“Ayaw ko” sabi ko sabay iling.
“napaka isip bata mo Cupid umupo ka nga” sabi naman ni Hypnos.
“Nag salita ang hindi isip bata” sabi ko sabay padarag na umupo.
“parehas din naman kayo nag tatalo pa kayo” sabi naman ni Dionysus.
“Pano natin mapipigilan lahat ng kampon ni Epiales?” tanong ko.
“Diba ang sabi mo kailangan ni Astrella na matupad ang pangarap niya!!” kunot noong sabi ni Dionysus.
“kami ba ay pinagloloko mo Cupid ikaw nag sabi niyan kanina ah” walang emosyon na sabi ni Helios.
“sinabi ko yan?” inosenteng sabi ko kaya sinamaan nila ako ng tingin.
“So anong plano” sabi ni Hypnos.
“lapit kayo, ibubulong ko sa inyo” sabi ko sabay bulong ng mga plano na gagawin namin, para mapabagsak ng tuluyan si Epiales at ang mga kampon niya.
Chapter 14: IntramurosPag ka uwi namin ni Cupid ay tinext ko si Nay Ella para ipag paalam na lalabas kami
Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind
Chapter 12: Picnic Grove
Chapter 11: Tagaytay
Chapter 10:stay here forever
Chapter9: Thank You“oh fuck, I’m gonna die” sabi ko sabay higpit ng hawak sa kamay ni As