Home / All / Dream Catcher / DREAM CATCHER 9

Share

DREAM CATCHER 9

Author: Airisrainy
last update publish date: 2020-11-14 08:45:26

Chapter9: Thank You

“oh fuck, I’m gonna die” sabi ko sabay higpit ng hawak sa kamay ni Astrella.

“Hoy ok ka lang Atheos” dinig kung sigaw niya pero hindi ko siya pinansin dahil parang hinuhukay ang tiyan ko sa rides na ito. 

“Tayo kana jan Atheos” sabi ni Astrella sabay alalay sakin na makatayo dahil nanlalambot talaga ang paa ko sa rides na iyon. 

“upo muna tayo” sabi niya sabay alalay ulit sakin patungo sa upuan.

“antayin mo ako bibili lang akong tubig” sabi niya , tumango lang ako.

Agad siyang umalis para bumili ng tubig, pagka balik niya ay may dala siyang tubig at waffle.

“gusto mo?” tanong niya , kaya umiling ako dahil mukhang kulang pa sa kanya ang dalawang waffle.

“Bilisan mo jan Atheos sakay tayo sa Anchors Away” sabi niya sabay kagat sa waffle.

“pwede ikaw nalang nasusuka ako” pag papalusot ko pero tinaasan lang ako niyo ng kilay.

“Hindi pwede sasakyan natin lahat ng rides” sabi niya na siyang kinaputla ko.

“oh bat ganyan itsura mo takot ka sa rides” nakataas na kilay niyang sabi.

“takot ako sa mata taas” sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

“wag kang matakot nandito naman ako” pag mamayabang niyang sabi.

“hindi ka ba takot sa matataas?” takang tanong kodahil kadalasan sa babae ay takot sa matataas.

“wag mo ibahin usapan Atheos, bilisan mong kumain, para maka sakay na tayo, ang haba pa naman ng pila”. sabi niya sabay inom ng tubig.

“haysss, tara na nga” sabi ko sabay tayo.

Habang nag aantay kami ng napaka tagal dito sa pila ay nakita kung nakatitig si Astrella sa isang lalaki.

“bat ka tumitingin sa iba nandito naman ako” bulong ko sa kanya, kaya napatalon siya sa gulat at tinignan ako ng masama.

“bat ka ba bumubulong bulong jan” sabi niya, habang tinitignan pa din ako ng masama.

“malapit na tayo sa pila, kung sino sino pa tinitignan mo” sabi ko .

may sinabi pa ito pero hindi ko na narinig dahil sunod na kaming pumasok.

Agad ako pumasok at sumunod naman si Astrella.

“sa 

dulo tayo” sabi niya at nilagpasan ako para umupo sa pinaka dulo, napabuntong hininga nalang ako at umupo sa tabi niya.

Maya maya lang ay umandar na ang rides kaya napahawak ako sa hawakan na bakal sa harap ko, pero namamawis ang kamay ko kaya madulas ang pagkaka kapit ko. 

“ok ka lang jan Atheos” sabi ni Astrella sakin sabay tingin sa mukha ko.

“kumapit ka nga Astrella, pataas na ng pataas baka mahulog ka” sabi ko sa kanya habang nakakapit pa din. 

“hindi yan “ sabi niya sabay taas pa ng kamay, Mas lalong bumilis ang rides at mas tumaas ang pag andar kaya mas lalo akong kinakabahan, Dahil naka taas pa ang kamay ni Astrella na dinadama pa ang hangin.

“ oh fuck” sabi ko sabay pikit ng mas lalong tumaas.

“HAHAHAHA OH MY GOSH” dinig kung sabi ni Astrella, hindi ko man nakita na siya ang nag sabi non ay kilala ko naman ang boses niya.

“fucking shit” sabi ko, sabay pikit lalo dahil para ako nahuhulog, dinig ko naman ang tawa ni Astrella.

“HAHAHAHA ANG CUTE MO ATHEOS” sabi niya, kaya napamulat ako, pag mulat ko ay nakita ko na sobrang taas namin kaya napapikit uli ako.

Maya maya lang ay natapos na din ang 

rides na ito. Kumain muna kami ng tanghalian dahil mag 2 na ng matapos kaming sumakay.

“Anong sayo?” tanong ko sa kanya.

“Annyeonghaseyo din” sabi niya, kaya taka ko siyang tinignan.

“Ano?” tanong ko ulit.

“sabi ko kung anong sayo din” sabi niya habang naka ngiti.

Umalis na ako para mag order ng Pag kain ay sinulyapan ko pa si Astrella, Nakita kung may kinakalkal siya sa bag niya. 

Pag ka tapos kung umorder ay agad ako bumalik sa upuan namin.

“Anong inorder mo?” tanong niya sakin, habangbmay tinitignan siya sa cellphone niya.

“chicken” sabi ko, sabay tingin sa cellphone niya, nakita ko ang picture namin na naka akbay ako sa kanya at nakadila naman siya.

“ipasa mo sakin mamaya yan” sabi ko.

“okkkkk” sabi niya, habang patuloy parin sa pag tingin ng picture. 

“kumain muna tayo, wag ka munang mag cellphone” sabi ko, sabay abot sa kanya ng pag kain niya.

Agad naman niya itong inabot at nag simula ng kumain. Ilang minuto pa ang naka lipas ay wala pa ding nag sasalita saming dalawa.

“alam mo ang akward” sabi niya bigla, kaya napatingin ako sa kanya.

“Bakit naman” sabi ko.

“nahihiya ako mag salita, tska ang ikli mo din mag salita” sabi niya sabay irap sakin, kaya napangiti ako.

“ngiti ngiti mo jan, maki cooperate ka naman kausapin mo ako ganun” sabi niya sabay subo ng pag kain niya.

“hindi ko alam kung paano kita kaka usapin” sabi ko sabay inom ng tubig dahil tapos na akong kumain.

“edi wewz” sabi niya sabay tapos ng kinakain niya.

“pahinga muna tayo saglit tapos punta tayo sa rio grande” sabi ko.

“tara na wala ng pahinga paginga” sabi niya sabay kuha ng shoulder bag niya.

Agad akong tumayo ng Tumayo na siya at simulang pumunta sa Rio Grande.

“oh buti nalang hindi gaanong mahaba ang pila” sabi niya.

“Hmm kaya nga” 

Maya maya lang ay naka sakay na kami.

Nang aandar sana ang sinasakyan namin na parang bangka ay kinuhanan muna kami ng litrato.

Habang umaandar kami ay nabasa ang mga kasama namin samantalang kami ni Astrella ay hindi nabasa.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos din ito, basang basa na bumaba ang mga kasama namin samantalang kami ay hindi.

“Atheos ang baho ng tubig” bulong sakin ni 

Astrella pag kababa namin.

“kaya nga buti at hindi tayo nabasa” sabi ko.

“malamang iniikot mo kala mo hindi ko nakita yun ha!” sabi niya sakin.

“HAHAHA atleast hindi tayo nabasa” sabi ko.

“Tara Ferris wheel naman sunod , para makita natin ang sunset sa taas” sabi niya sabay higit sakin papunta sa Ferris wheel.

Lumipas ang ilang minuto ay naka sakay din kami.

Nang pataas ang Ferris Wheel ay hinawakan ni Astrella ang kamay ko.

“Thank you Atheos, Dahil tinupad mo ang pangarap ko na maka punta dito”. sabi niya sabay pisil sa kamay ko.

“Hindi ka pa nakaka punta dito?” tanong ko.

“Hindi pa, kailangan kasi naming unahin ang mga panganga ilangan namin.” sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.

“Pwede ba ulit kitang yayain sa mga susunod pang araw?” tanong ko sa kanya.

“Oo naman “ sabi niya.

Kaya napatingin ako sa labi niyang mapula, dahan dahan kung nilapit ang mukha ko sa kanya, at dahan dahan na dinampi ang labi ko sa kanya. 

Mabilis ko lang iyong ginawa dahil nakita kung nanlaki ang mata niya sa ginawa ko pero wala siyang sinabi.

“I wish i could stay here, forever with you”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status