Home / All / Dream Catcher / DREAM CATCHER 12

Share

DREAM CATCHER 12

Author: Airisrainy
last update publish date: 2020-11-15 16:20:56

Chapter 12: Picnic Grove 

“Tara na Atheos, tayo na ang sunod” sabi ni Astrella sakin , sabay higit, kaya nawala ang paningin ko kila Kios at sa kaibigan ni Astrella.

“hindi ba mapuputol ang tali niyan?” tanong ko na siyang kina kunot ng noo niya.

“hindi ano ba, nahawa kana kay Loraine na puro nega” sabi niya, sabay pasok na agad naman siyang inasikaso at nilagyan ng tali.

Bumuntong hininga nalang ako at lumapit din sa kanya para maasikaso na din at malagyan ng tali.

“Ready na po kayo ma’am, sir” sabi ng mag tutulak samin.

“opo kuya” sabi naman ni Astrella samantalang ako ay napapikit.

“1”

“2,3” sabi ni kuya sabay tulak samin.

“woooh ganda ng tanawin “ sabi ni Astrella pero dahil naka pikit ako ay hindi ko makita ang sinasabi niya.

“Atheos tignan mo oh” sabi niya sakin.

“ayaw ko nalulula ako” sabi ko habang naka pikit pa din.

“tignan mo lang kahit saglit lang” pangungulit niya, kaya wala na akong nagawa kundi idilat ang mata ko para manahimik siya.

Pag ka bukas ko ng mata ko ay agad akong namangha sa nakita ko mula dito sa taas, andaming puno at ang ganda ng view mula dito sa taas at ang sariwa ng hangin na tumatama sa mukha ko.

“oh diba ang ganda” sabi ni Astrella na nakatingin pala sakin.

“oo” sabi ko, medyo takot pa din ako pero nawawala ang takot ko pag nakikita ko ang magandang view.

Ilang minuto lang ay natapos na kami mag zipline.

Inantay lang namin sila Kios at ang kaibigan ni Astrella na si Loraine.

Pag katapos nilang mag zipline ay nakita kung parang nag aaway sila kaya nilapitan ni Astrella.

“picnic tayo doon oh *tinuro malapit sa mga nag pipicnic * 

tignan natin sunset” sabi niya sabay lakad papunta doon.

“pwede palang mag picnic dito” sabi ng Kaibigan ni Astrella.

“kaya nga Picnic Grove diba” sabi ni Kios sa kanya sabay sunod kay Astrella, kaya sumunod na din ako.

“tagal niyo namang sumunod sakin” sabi ni Astrella habang naka upo sa damuhan.

“sisihin mo kaibigan mo” sabi ni Kios.

“Alam mo kuya bumili ka nalang ng pagkain” sabi ni Astrella.

“Kaya nga para may silbi ka” gatong ng kaibigan ni Astrella.

“bakit ikaw may silbi kaba” sabi ni Kios.

“tigilan niyo na mga yan, kanina pa kayo nag aaway, bumili ka nalang kuya” sabi ni Astrella, kaya umalis si Kios para bumili ng pag kain.

“Sabi ko sayo mag aaway lang yang dalawa na yan” sabi sakin ni Astrella.

“Astrella naririnig kita tska kasalanan mo to sabi ko hindi ako sasama pero pinilit mo pa din ako!” sabi ng kaibigan niya.

“Di kita pinilit” sabi naman ni Astrella.

“pinilit mo ako” sagot naman niya.

“hindi talaga” sabi naman ni Astrella.

“pinilit” 

“hindi”

“pinilit sabi”

“hindi nga”

ganyan ang nasaksihan ni Kios pag ka dating.

“Ang ingay niyo naririndi si Atheos sa inyo” sabi ni Kios sa kanilang dalawa.

“edi wewz” sabay na sabi ng dalawa sabay abot sa mga biniling pag kain ni Kios.

“patay gutom” bulong ni Kios pero hindi yun narinig ng dalawa.

“tara Atheos kain na din tayo baka ubusan tayo ng pag kain ng dalawang yan” sabi niya sabay kuha din ng pag kain, kaya kumuha na din ako.

Nang matapos kami kumain ay saktong nakita namin ang sunset kaya nag picture muna kami.

“pasa niyo sakin yan” sabi ng kaibigan ni Astrella.

*Kios pogi tumatawag si Nanay Ella*

may biglang tumunog na ganyan kaya napatingin kami lahat kay Atheos.

Medyo lumayo naman siya para sagutin ang tumatawag.

Pag ka layo niya ay natawa si Astrella at Kaibigan niya.

“Pinakilala mo ba ako jan kay Atheos” dinig kung bulong ng kaibigan ni Astrella sa kanya.

“hala kailangan pa ba kitang ipakilala “ sabi ni Astrella ,kaya hinigit ng kaibigan niya yung buhok niya.

“boba syempre hindi naman ako Famous para makilala ni Atheos” sabi ng kaibigan niya habang hinigit parin ang buhok ni Astrella.

“oh edi ipakilala mo sarili mo” sabi ni Astrella habang tinatangal ang kamay ng kaibigan niya sa buhok niya.

“ikaw na mag pakilala sakin, tatangalin ko na tong kamay ko pag ipapakilala mo ako” sabi niya sabay tangal ng kamay niya sa buhok ni Astrella.

Agad na hinila ni Astrella yung kaibigan niya papunta sakin.

“gaga dahan dahan naman” sabi ng kaibigan niya.

“Atheos si Loraine pala nakalimutan kung ipakilala” 

pag papakilala ni Astrella sa kaibigan niya.

 “ganon talaga pag di importante nakakalimutan” dagdag pa ni Astrella kaya siniko siya ni Loraine.

Bumalik naman na si Kios pag katapos niyang kausapin ang tumawag sa kanya.

“Uwi na daw tayo baka gabihin daw tayo eh” sabi ni Kios.

“sige, tara na” sabi ni Astrella sabay lakad.

“gaga antayin mo ako” pag hahabol naman ni Loraine sa kanya, kaya sumunod na kami sa kanilang dalawa.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa sasakyan na kami pauwi, agad na naka tulog si Loraine at Astrella sa backseat.

“Gusto mo salitan tayo sa pag drive” suggest ni Kios.

“hindi na kaya ko pa naman mag maneho” sabi ko habang nasa daan parin ang tingin.

“gusto mo si Astrella?” bigalang tanong niya sakin.

“Oo” sabi ko.

“nililigawan mo na siya?” tanong niya.

“hindi ko alam 4months nalang aalis na din ako” sabi ko sabay buntong hininga.

“parang bakasyon kalang dito ganon?” tanong niya.

“Oo, kaya nahihirapan ako kung liligawan ko ba si Astrella “ sabi ko.

“Yun lang” sabi niya.

“ikaw may gusto ka kay Loraine?” tanong ko.

“Ex ko yan “ sabi niya.

“Ex ano?” tanong ko.

“Ex M.U” sabi niya.

“Bat hindi naging kayo” sabi ko.

“Nag ka gusto ako sa iba” sabi niya sabay buntong hininga.

“pinagsisihan mo ba na nag ka gusto ka sa iba?” tanong ko.

“Oo dahil doon nasaktan ko siya ng sobra” sabi niya.

“Alam ba yan ni Astrella?” tanong ko.

“Hindi , kasi kung alam niya paniguradong hindi niya ako papansinin.

Humaba pa ng humaba ang kuwentuhan namin ay hindi namin napansin na malapit na kami sa bahay nila Loraine.

“Gisingin mo na” sabi ko kay Kios.

“Bakit ako” sabi niya.

“gisingin mo nalang si Astrella para siya ang gumising” sabi ko kaya ginising niya nga si Astrella at ginising din naman ni Astrella si Loraine.

“Thankyou sa pag hatid Atheos” sabi niya sabay pasok sa bahay nila.

Pag katapos ko ihatid si Loraine ay si Kios at Astrella naman ang huli kung hinatid.

“salamat Atheos” sabi ni Kios sabay pasok sa loob at hindi na hinintay si Astrella.

“Salamat Atheos, sa uulitin” sabi niya sabay pasok na din sa loob ng bahay nila.

Agad akong nag drive papuntang bahay para maka pag pahinga na at maka tulog.

Pag ka dating ko sa bahay ay agad ako natulog. 

“Atheos Oras na para uminom ng gamot” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status