Home / All / Dream Catcher / DREAM CATCHER 14

Share

DREAM CATCHER 14

Author: Airisrainy
last update publish date: 2020-11-16 09:25:20

Chapter 14: Intramuros

Pag ka uwi namin ni Cupid ay tinext ko si Nay Ella para ipag paalam na lalabas kami bukas ni Astrella, pero kasama ulit sina Loraine at Kios.

Pag ka yapos kung maka pag paalam ay tinext ko naman si Astrella.

                        

Astrella..

Date tayo bukas. text ko sa kanya,maya maya lang ay nag replay na siya.

saan?

Intramuros.

tayong dalawa lang?

kasama ulit si Kios at Loraine.

Mag aaway nanaman yang dalawa na yan.

hindi naman siguro.

dika sigurado.

pwede naman tayong humiwalay.

ay bet sige sige, text ko si Loraine.

sige.

bye na.

pag katapos naming mag text ay natulog na ako.

Kinabukasan...

maaga akong nagising ngayon dahil 

maaga kaming pupunta ng Intramuros.

“aalis ka nanaman Atheos?” tanong ni Hypnos.

“Oo, kasama ko si Astrella at isa nalang ang kailangan kung tuparin pag katapos nito” sabi ko, habang nag hahanap ng ma isusuot.

“Wag kayong mag pa gabi” sabi niya sabay teleport paalis.

Pag ka alis ni Hypnos ay agad akong naligo. 

Lumipas ang ilang minuto ay tapos na akong maligo at naka damit na din ako lalabas na sana ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Cupid.

“May date ka daw?” tanong niya sakin.

“Meron bakit?” tanong ko.

“Mag papasama sana ulit ako sayo pero sa susunod na araw nalang” sabi niya sabay teleport.

Pag ka teleport niya ay tuluyan na akong naka labas ng pinto at pumunta na kila Astrella.

Pag ka dating ko kila Astrella ay nakita ko si Kios na nasa labas at bihis na din siya.

“sila Astrella at Loraine?” tanong ko ng maka lapit ako sa kanya.

“Nasa loob teka tawagin ko ng maka alis na tayo” sabi niya sabay pasok sa loob.

Maya maya lang ay lumabas na silang tatlo nakita kung naka simangot si Loraine.

“sa likod kaming dalawa ni Loraine “ sabi ni Astrella, kaya napatingin ako kay Kios kumibit balikat nalang siya at sumakay sa passengers seat.

Sumakay na din ako at nag drive. Lumipas ang ilang oras ay nakarating na din kami sa Intramuros.

“Kain muna tayo, nagugutom na ako” sabi ni Astrella, kaya sinamahan ko siyang bumili at naiwan si Loraine at Kios doon may entrance.

Pag ka tapos niyang bumili ay bumalik na kami kila Kios at Loraine.

Pagka balik namin ay agad kaming lumibot para makapunta sa mall mamaya.

Habang nag lilibit kami ay nag salita si Loraine.

“Maganda pala dito” sabi niya.

“Oo, ikaw lang naman hindi maganda dito” sagot ni Kios, kaya nasiko siya ni Astrella at sinamaan naman siya ng tingin ni Loraine.

“Hindi kayo nahihiya kay Atheos lagi kayong nag aaway” sabi ni Astrella.

“ok lang yan kay Atheos, diba brad” sabi niya kaya tumango nalang ako.

“mag hiwa hiwalay nalang tayo tapos kita nalang tayo dito” sabi ni Astrella.

“Anong oras mag kikita dito?” tanong ni Loraine.

“11 , para makapunta pa tayo sa mall” sabi ni Astrella.

“text mo nalang kami, pag tapos na kayo mag libot” Sabi ni Kios sabay hila kay Loraine.

Umiling si Astrella at sabay sabing

 “tara na”.

Kaya sumunod nalang ako sa kanya.

AKIKIOS POV;

“text mo nalang kami, pag tapos na kayo mag libot” Sabi ko, sabay hila kay Loraine.

“Aray, wag ka ngang mang hila” sabi niya, sabay tanggal ng kamay ko sa braso niya.

“Arte mo talaga” sabi ko.

“ikaw naman paasa amp” sabi niya sabay irap sakin.

“Edi wewz” sabi ko, akmang mag sasalita siya pero pinutol ko iyon.

“wag kanang mag salita, mag libot nalang tayo” sabi ko, sabay hila sa kanya.

Lumipas ang isang oras ay nalibot na namin ang gusto naming libutin ay agad kaming bumalik ni Loraine sa pagkikitaan namin.

Pag ka dating namin sa pag kikitaan 

ay nandon na si Astrella at Atheos na naka upo sa may semento.

“para kayong pulubi jan” sabi ko, kaya sinamaan ako ng tingin ni Astrella.

“Bat ang tagal niyo!” sabi ni Astrella na naka kunot ang noo.

“ang daming gustong linutin ni Loraine” sabi ko.

“excuse me, ikaw ang higit ng higit kung saan saan” sabi niya sabay irap.

“tara na sa kotse mainit na dito” sabi ni Atheos, kaya pumunta kami sa parking lot kung saan nag park si Atheos.

Agad kaming sumakay sa kotse at agad namang pinaandar ito ni Atheos.

Maya maya lang ay nasa mall na kami agad na pumunta si Astrella sa tapat ng aircon para mag pa lamig.

“para kang tanga jan Astrella” sabi ko.

“ang init kaya, ikaw ba naman pag antayin diba” sabi niya, sabay sama ng tingin sakin.

“Hindi ako ang may kasalanan , si Loraine” sabi ko.

“Wag kayong maingay na dawala, pinag titinginan tayo” sabi ni Loraine.

“Gwapo daw kasi ako kaya nila ako tinitignan” sabi ko ,sabay pogi sign.

“naka inom ba ng gamot yang kapatid mo Astrella” sabi ni Loraine kay Astrella.

“Hindi, tska kulang daw yan sa buwan sabi ni Nanay Ella” sabi ni Astrella, sabay irap.

“ikaw nga ampon daw” sabi ko.

“kamukha ko si Nanay, panong naging ampon ako baka ikaw” sabi niya.

“Hindi pa kayo gutom” singit ni Atheos samin.

“Medyo, ikaw gutom kana?” tanong ni Astrella sa kanya.

“Oo” sabi niya.

“tara kain na tayo” sabi niya.

“saan tayo kakain?” tanong ko.

“Mcdo nalang, mas malapit” sabi ni Astrella, sabay lakad papunta sa Mcdo.

Agad namang sumunod si Atheos sa kanya at si Loraine, kaya sumunod na din ako.

Pag ka pasok namin ay agad kaming nag hanap ng upuan at si Atheos naman ang nag order.

“Ang kapal naman ng mukha mo Kios, bat hindi mo samahan si Atheos sa pag order ng pagkain” sabi ni Loraine.

“edi ikaw kung gusto mo” sabi ko.

“Makapal talaga mukha niyan, wag kana mag taka Loraine” sabi ni Astrella.

Maya maya lang ay nandito na ang order namin, kaya kumain na kami. 

Matapos naming kumain ay nag lilibot libot kami.

“uwi na tayo gusto ko ng matulog “ sabi ni Astrella, kaya sumangayon kami dahil pagod narin naman na kami.

Pag ka uwi namin ay agad akong natulog dahil may pasok pa ako bukas ng maaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status