Mag-log inChapter 11: Tagaytay
Atheos POV;
Tinanghali ako ng gising, dahil sa sobrang pagod at puyat.
Pag ka bangon ko ay agad kung niligpit ang kama ko at bumaba na para kumain ng tanghalian
“Oh himala Atheos nagising ka pa” sarkistong sabi ni Dionysus.
“ kung ako sayo Dionysus mananahimik nalang ako” sabi ko.
“pero hindi naman ikaw si Dionysus “ biglang sabat ni Cupid.
“Alam mo Cupid minsan gusto kitang itapon sa ilog” sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.
“kahit naman itapon mo ako marunong naman ako lumangoy!” sabi niya ,na may pag babayang sa boses.
“wala ka bang mas may ika iirita pa sa ugali mo Cupid” sabi ko , habang nag titimpi na ihagis sa kanya itong plato na plastic.
“meron pa , gusto mo makita” sabi niya, napasapo nalang ako sa noo ko.
“fuck paalisin niyo na nga si Cupid dito” sabi ko, pero umiling lang sila.
“Hindi pwede, makakatulong siya para matalo natin sila Epiales “ sabi ni Hypnos, sabay iling.
“may plano ba kayo?” tanong ko.
“meron” sabi ni Hypnos.
“ano?” tanong ko.
“secret” sabi niya, kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“ito naman galit agad, halika bubulong ko sayo” sabi niya, kaya lumapit ako.
“Ano na gets mo ba?” tanong niya ng matapos niya ibulong ang plano.
“pano pag hindi gumana yang plano mo” sabi ko.
“gagana yan Atheos, ako pa ba” sabi niya ng may pag mamalaki sa boses niya.
“daming mong alam” sabi ko, sabay hinugasan ang plato na pinag kainan ko.
“pupunta ka nanaman kila Astrella ano” sabi niya na may panunuya sa boses niya.
“Pake mo ba” sabi ko, sabay ligpit ng hinugasan ko.
Pag ka tapos kung iligpit ay naligo lang ako at pumunta na ako kila Astrella.
Pag ka dating ko sa bahay nila Astrella ay nakita ko siyang nag wawalis, kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya, pag ka harap niya ay nagulat siya kaya nahampas niya ako ng walis tingting.
“hala sorry” sabi niya habang pinapagpagan ang damit ko.
“ok lang” sabi ko, habang pinapagpag ang damit ko.
“ikaw kasi ginulat mo ako” sabi niya habang kinakamot ang ulo niya.
“Nasaan kuya mo?” tanong ko.
“kala ko naman ako ang pinuntahan mo dito” sabi niya sabay ngiwi.
“ikaw naman talaga, tinatanong ko lang kung nasaan kuya mo” sabi ko, Nakita kung napangiti siya sa sinabi ko.
“nag trabaho siya” sabi niya na may ngiti pa din sa labi.
Mag sasalita na sana ako kaso biglang lumabas si Nay Ella.
“oh Atheos nandito ka pala, wala dito si Kios” sabi niya.
“Hindi naman po si Atheos ang pinunta ko dito” sabi ko.
“kung ganon sino!” sabi niya.
“si Astrella po” sabi ko, kaya kumunot ang noo niya.
“pumasok ka muna sa loob Astrella, mag uusap lang kami ni Atheos” sabi niya.
“Usap lang nay ha!” sabi niya sabay pasok sa loob.
“Nay pwede po ba kaming pumunta mamaya ng Tagaytay? isasama po namin si Atheos at yung kaibigan ni Astrella” sabi ko.
“bakit kayo pupunta doon! birthday mo ba?” tanong niya, kaya napahawak ako sa batok ko.
“January 31 pa po birthday ko nay, 4months nalang po kasi aalis na ako dito” sabi ko.
“ah kumbaga nag bakasyon lang kayo dito” sabi niya kaya tumango ako.
“osiya basta mag iingat kayo at wag mag papagabi, mamaya maya lang ay nandito na si Kios” sabi niya.
“sige po nay alis na ako” sabi ko.
“hindi mo kakausapin si Astrella?” tanong niya.
“ kakausapin po” sabi ko.
“ o siya papasok na ako at tatawagin ko si Astrella” sabi niya sabay pasok sa loob.
Maya maya lang ay lumabas si Astrella.
“Ano sinabi sayo ni Nanay?” tanong niya.
“mag ingat daw tayo” sabi ko, kunot noo naman niya akong tinignan na para bang sinusuri kung ano nasa isip ko.
“mag ingat saan?” tanong niya, kaya naalala ko na hindi ko pa pala nasabi sa kanya na ngayon ang punta namin sa tagaytay.
“Tagaytay” sabi ko, nakita kung napangiti siya ng malaki.
“pupunta tayo doon? kailan? anong oras?” sunod sunod na tanong niya.
“oo,oo, at 2 ” sabi ko.
“tayong dalawa lang?” tanong niya.
“hindi isama mo yung kaibigan mo at si Kios” sabi ko, kaya napangiwi siya.
“bakit?” tanong ko.
“sana lang at hindi mag away yung dalawang yun” sabi niya.
“sabihan mo na yung kaibigan mo at maligo kana 12:30 na” sabi ko.
“sige” sabi niya sabay takbo papasok sa bahay nila.
“ASTRELLA MAG DAHAN DAHAN KA NGA PAG AKYAT!” dinig kung sigaw ni nanay Ella kaya napailing nalang ako at pumunta na ng bahay.
Lumipas ang ilang oras...
“Sabihin mo sakin Astrella, kung bakit ako sumama dito sayo sa Tagaytay” sabi ng kaibigan ni Astrella, habang naglilibot kami.
“kasi mahal mo ako kaya ka sumama” dinig kung sabi ni Astrella.
“sinungaling, may nalalaman ka pang F.O bwesit ka” sabi niya sabay hila sa buhon ni Astrella.
“wag mo guluhin buhok ko tagal kung inayos yan” sabi naman ni Astrella.
“Hindi ka ba naririndi sa dalawang yan” sabi naman ni Kios.
“Hindi naman” sabi ko dahil sa totoo lang sanay na ako sa maingay dahil kila Cupid at Hypnos.
“Tigilan niyo na yan, sumakay nalang tayo ng zipline” sabi ni Kios, kaya napatingin sa kanya ang dalawa.
“Ayoko” sabi ng kaibigan ni Astrella.
“Ang arte mo edi maiwan ka dito” sabi ni Kios.
“Talaga!” sagot ng kaibigan ni Astrella.
“Tama na nga yan “ sabi ni Astrella, pero inirapan lang siya ng kaibigan niya na siyang kinatawa niya.
“sakay nalang tayo ng zipline, iwanan natin si Loraine masyadong maarte” sabi ni Kios.
“Excuse me hindi sa pagiging maarte, pero pano kung biglang maputol yung nakatali sayo” sabi niya.
“Ang nega mo naman Loraine , hindi naman sigurado kung mapuputol” sabi ni Astrella na siyang kinakunot ng kaibigan niya.
“So aantayin niyo pang maputol” sabi niya sabay irap.
“Dami mong sinabi, hindi ka naman kasama” sabi ni Kios na siyang nag painit sa ulo nong Kaibigan ni Astrella.
“whatever” sabi niya sabay irap.
“bahala kayong dalawa jan sasakay na kami ni Atheos sa zipline” sabi niya sabay hila sakin papunta sa bilihan ng ticket.
Pag ka tingin ko sa may zipline ay parang nawala lahat ng tapang ko na inipon sa bahay kanina bago umalis.
“tara na Atheos” sabi ni Astrella habang hawak ang dalawang ticket.
Nakita kung bumili din ng dalawang ticket si Kios at nasa likod niya ang kaibigan ni Astrella na parang galit na galit.
Chapter 14: IntramurosPag ka uwi namin ni Cupid ay tinext ko si Nay Ella para ipag paalam na lalabas kami
Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind
Chapter 12: Picnic Grove
Chapter 11: Tagaytay
Chapter 10:stay here forever
Chapter9: Thank You“oh fuck, I’m gonna die” sabi ko sabay higpit ng hawak sa kamay ni As