Mag-log inNailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.
“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito
“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niya
Hinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.
“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog
“ Inaantok pa ako, paki sagot nalang baka si Elaine lang yan. ” Utos nito sa kanya
Mula sa pagkakahiga ay bahagya siyang bumangon upang abutin ang cellphone nitong wala paring tigil sa pag vibrate.
“ Sam hindi si Elaine ang tumatawag. ” Muling baling niya dito
Inis na kinuha niya ang cellphone kay Jaycee tsaka pinindot ang answer button at galit na bumungad sa kabilang linya.
“ Alam mo ba kung anong oras palang dito? Siguraduhin mo--
Kusa siyang napahinto sa nais pa sana niyang sabihin ng marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya.
“ T- troy? ” Gulat niyang tanong
“ A- ako nga Sam. S- sorry please give me another chance. ” Pakiusap nito
“ Halos mag iisang buwan na matapos mo akong iwan sa ere tapos ngaun sasabihin mong give me another chance?! Gusto mo man lang bang ipaliwanag sakin kung bakit mo ginawa yun? Mag paliwanag ka! ” Pigil sigaw niya dito
Nanatili naman itong tahimik sa kaibilang linya kaya muli niya itong tinanong.
“ Ano mag salita ka! Gusto kong marinig ang paliwanag mo bago ko ibigay ang chance hinihingi mo! ” Muli niyang tanong habang huma-hanap ng lugar kung saan niya pwedeng ilabas lahat ng hinanakit at galit sa lalaking kausap
“ Troy? Sino naman kaya ang lalaking iyon at bakit siya tatawag ng ganitong oras? ” Takang tanong niya sa sarili
Curious siya sa caller ng asawa kaya tahimik niya itong sinundan at lihim na nakinig sa pag uusap ng dalawa. Malalim na ang gabi at tahimik ang paligid kaya kahit mahina ay naririnig niya ang lalaki sa kabilang linya.
“ Patawarin mo ako kung hindi kita naipaglaban, natakot ako kay kuya Neil dahil pinag bantaan niya ako at ang Mommy ko na papabagsakin niya ang Company namin kapag itinuloy ko ang kasal natin dalawa. ”
“ Anong kinalaman ni kuya Neil dito? Wag kanang mang damay pa ng ibang taong walang kasalanan para lang makalusot ka sa ginawa mo! ”
“ Sam please kahit ngayon lang maniwala ka sana sakin. Si kuya Neil ang may pakana kung bakit hindi ako sumipot sa kasal natin! Binlackmail nya ako at sinabihan na tuluyang papapabagsakin ang Company naming palugi kapag itinuloy ko ang pag papakasal sayo. ” Umiiyak na sagot nito
Hindi pa niya ito nakikitang o narinig umiyak sa loob ng ilang taon nilang relasyon kaya parang sa isang iglap ay gusto na niyang maniwala ex- fiance nya, Lumambot din ang bahagi ng kanyang puso ng marinig ang pag singhot nito sa kabilang linya.
“ Okay sige, sabihin na nating naniniwala na ako sayo pero ano naman ang pwedeng dahilan ng kuya ko para gustuhin nyang hindi matuloy ang kasal natin? ”
“ Hindi ko alam Sam! Ang bagay na iyan din ang ipinag tataka ko dahil okay naman kami nuon, minsan isinasama niya ako sa bar na lagi niyang pinupuntahan at nag papakasaya kami duon. Sabi niya mag enjoy daw muna ako sa buhay binata pati na sa mga babae dahil kapag mag asawa tayo hindi ko na pwedeng gawin ang mga bagay nayun. ” Mahabang paliwanag nito
Kilala niya ang kuya niya at hindi iyon gagawa ng ganoong bagay o kung ginawa nga nito ang bagay na iyon siguradong may malalim itong dahilan.
“ Siguro na sense ni kuya na mahinang klase ka ng lalaki Troy. Baka sinubukan ka lang nya kung gaano mo ako kamahal yun nga lang natalo ka! Kaya wag mong isisi kay kuya Neil ang kaduwagan mo! ”
Muling bumangon ang galit sa dibdib niya ng maalala ang ginawa nitong pag iwan sa kanya sa araw mismo ng kanilang kasal.
“ Alam kung hindi ka maniniwala sa akin kaya naisip kong mag imbestiga ng lihim tungkol sa kanya at nagulat ako sa mga nalaman ko dahil hindi lang ako ang ginawan niya ng ganong bagay kundi pati na ang dalawa mong naka karelasyon bago pa ako dumating sa buhay mo. ”
“ A- no bang ibig mong sabihin?! Ano bang mga pinag sasabi mo?! Tumigil kana dahil hindi iyon magagawa ng kuya ko! ” Sa pagkakataong ito hindi na niya na control ang kanyang boses kaya't halos umalingawngaw sa lugar ang pagsigaw niya
“ Maniwala ka dahil kaya kung patunayan ang bagay na iyon sayo.Pinahanap ko sila at tinanong ng personal kung totoo ang lahat ng nalaman ko. Nuong una ay hindi rin agad ako naniwala pero ng ipakita nila ang convo ng pananakot ni kuya Neil nagsimula akong kutuban kaya hiningi ko ang copy ng convo nila at sinave ko rin ang sa amin, para maniwaka ka ise- send ko sayo ang lahat ng ito at ikaw na bahalang mag disisyon kung maniniwala ka sakin o hindi pero sana dumating ang araw na mapatawad mo rin ako. ” Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya
Tulala at hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Wala siyang makitang dahilan para gawin iyon ng kuya Neil niya kaya pinilit niyang iwaksi ang namumuong hinala sa kanyang isip. Naputol ang kanyang pag iisip at bahagya pang nagulat ng bigla uling mag vibrate ang phone nya. Ayaw niyang maniwala o muling mag padala ulit sa panloloko ng dating nobyo ngunit may kung anong nag uudyok sa kanya na buksan ang file na isend nito.
Nag uunahan ang mga luha pababa sa pisngi niya ng mapatunayang totoo ang ibinibintang ni Troy sa kuya niya. Gulong gulo ang kanyang isip kung ano ang motibo ng kanyang kapatid para gawin ang mga bagay nayun sa kanya, Kung bakit kailangang nitong hadlangan ang kanyang kaligayahan nang hindi man lang isinasa alang alang ang kanyang mararamdaman. Tinuyo niya ang kanyang pisngi na nabasa ng luha at sa pag kakataong ito nag disisyon siyang tawagan ang dating nobyo at humingi ng tawad dito.
“ I'm sorry sa mga masasakit na sinabi ko, Sorry din kung hindi agad ako naniwala. ” Hingi niya ng tawad
“ Walang kang dapat ihingi ng tawad Sam dahil wala kang kasalanan, Ang mahalaga ngayon naniniwala kana sakin at masaya akong maayos na ang lahat. Kung okay lang sayo gusto ko sanang mag simula tayo ulit at kung papayag ka ipinapangako kung ipag lalaban na kita at hinding hindi na ulit ako mag papadala sa takot sa kuya mo. ”
“ P- pero kasal na ako Troy. ” Pag amin niya
“ I don't care kung kasal ka man sa kahit kaninong lalaki dahil babawiin kita Sam. Kung hindi nangyari ganong bagay dapat mag kasama na tayo ngayon kaya kahit anong mangyari hindi na ako papayag na mawala kapang ulit sa akin. ” Paninigurado nito
“ Aba't luko ang lalaking ito ahh! Tingnan natin kung kaya mo siyang bawiin sakin! ” Inis na bulong niya sa sarili
Gusto niyang agawin ang cellphone ni Sam upang ipamukha sa lalaking kausap nito na wala siyang balak na isuko isuko ang asawa kaya't mas mabuti sumuko nalang ito sa kanyang balak. Nag pasya siyang bumalik nalang sa kwarto dahil baka hindi siya makapag timpi sa lalaking kausap ng asawa.
Nag pupuyos sa galit ang kanyang dibdib sa narinig na pag uusap ng asawa at ng dati nitong nobyo. Hindi niya maipaliwanag ngunit tila may dragon na kumakawala sa dibdib niya dahil sa mga marinig mula ng lalaking iyon. Natigil siya sa pag iisip ng marinig ang yabag ng asawa kaya nag kunwari siyang tulog.
Naramdaman niya ang pag higa nito sa tabi niya kaya palihim siyang nagdilat para tingnan ang asawa. Halata sa mukha nito ang pagka- balisa at malalim ang iniisip. Gusto niyang burahin ang mga bagay na gumulo sa isip nito kaya't pasimple niyang ikinawit ang kanyang braso sa beywang nito habang patuloy sa pag papanggap na tulog. Naramdaman niyang humarap ito sa gawi niya at gumanti ng yakap.
Mabigat at halo halo ang kanyang nararamdaman ngayon. Hindi siya makapag isip ng tama kaya't gusto sana niya ng taong makakausap ngunit wala ngayon si Elaine para makinig sa drama niya.
“ Anong dapat kong gawin Jaycee? Dapat bang i give up nalang kita at muling tanggapin si Troy? ” Tanong nito sa pagaakala tulog siya
“ Hindi sam! Hindi ako papayag at lalong hindi kita ibibigay sa lalaking iyon. ” Bulong niya sa sarili
“ Sana lang pwede akong mag kwento o mag labas ng sama ng loob sayo. ” Wika nitong hindi parin alintana ang kanyang pagpapanggap
“ Makikinig ako kaya't pwede mong ilabas ang lahat ng inaalala mo sakin basta't dito kalang sa tabi ko Sam. Alam kong wala akong ipinag kaiba kay Troy dahil may sekreto din ako itinatago sayo. Hindi ko alam kung kaya kong iwan si Rhea pero hindi rin ako papayag na maagaw ka ng lalaking yun sakin! Kaya pakiusap manatili ka sa tabi ko. ” Mga salitang gusto niyang bigkasin ng malakas para marinig ng asawa ngunit mas pinili niyang sarilinin iyon
Ipinag patuloy niya ang pagpa-panggap na tulog hanggang marinig niya ang mahina at nakakaaliw nitong hilik. Malaya niyang pinag-masdan ang maganda nitong mukha ngunit kita duon ang labis nitong pag aalala, gusto niyang makatulong ngunit hindi niya alam ang dapat gawin upang mabawasan man lang ang dinadalang nitong problema.
Nakatulog sila ng mag kayakap at tila ninanamnam nila ang pagkakayakap sa isa't isa. Pareho silang napuyat dahil sa mga eksena kagabi. Nawala sa isip at tila nakalimutan nilang pareho na ngayon araw ang pag uwi ni Elaine kaya naman naabutan sila nito na mag katabi sa iisang kama habang mag kayap.
All Rights Reserved ©
______________________________________Author's note: Hello guys! So sorry sa mga major edit at na add na mga eksena.
Ps. Vote comment and don't forget to follow me dahil marami pa akong up comming story♡ Thank you!
Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.“ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya “ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunuk
“ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga itoMabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala “ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa“ E
Nailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niyaHinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog&
Warning: Mature content read at your own risk...- Kinabukasan - Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast. Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa
Warning! Mature content read at your own risk! Nadatnan niya ang asawa na nasa lapag at walang malay binuhat niya ito at marahang nilapag sa kama. Inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang mag hanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Matyaga niya itong pinunasan ng basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakonsensya siya sa ginawa niya dito kanina, alam niyang napahiya ito kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito ang dahilan ng pag kakasakit ng asawa niya kaya naman para makabawi ay binantayan niya ito. Antok na antok man ay naghintay parin siya sa pag gising nito, ito lang ang naiisip niyang gawin upang mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman.“ K-kamusta ang pakiramdam mo? ” Tanong niya ng magkamalay ito“ Masakit parin ang
“ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse “ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot “ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee “ Nahanap ko