Home / All / Emergency couple [ Tagalog ] / Emergency couple chapter nine

Share

Emergency couple chapter nine

Author: hyunji8930
last update publish date: 2020-08-09 02:32:40

“ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee

“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga ito

Mabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.

“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag

“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala

“ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa

“ E- elaine kadarating mo lang ba o kanina kapa dyan? ” Kanda utal nitong tanong

“ Actually kanina pa kaya nga kitang kita ko ang pag pulupot nyo sa isat isa na parang ahas. Anyway i'm happy for you friend. ” Nakangiti niyang sagot

  Nanatili siyang walang imik habang nakikinig sa masayang pag uusap ng mga ito. Samantala ramdam parin niya ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa labis na hiya dahil naubutan sila ni Elaine sa ganong ayos. Maya maya pa'y lumabas na ang mga ito ngunit mas pinili niyang mag stay sa kwarto para bigyan na rin ng quality time at privacy ang mag kaibigan.

“ Sabihin mo nga ano yung nakita ko? Ano ng status nyong dalawa ni Jaycee? Magkwento ka dali. ” Pangungulit nito sa kanya

“ Masaya daw sya pag kasama ako p-pero--

“ Ano yung pero? Kainis ka naman nambibitin kapa! Dali sabihin mo na. ” Utos nito

  “ P- pero hindi niya kayang iwan si Rhea para sakin. ” Hikbi niya sa kaibigan

“ Ang walang hiyang lalaking yun! Ano balak nya pag sabayin kayo ng girlfriend nya?! Dyan ka lang at tuturuan ko lang leksyon ang asawa mong iyon! ” Galit nitong saad

“ Elaine please wag na. Wala tayong karapatang questionin ang ginagawa niya dahil isang contract lang ang marriage namin. ” Pigil niya

“ So ano hahayaan mo nalang na sweet siya sayo at sweet din siya sa Rhea nayun? Ehh na sobrang naman yata ang ka sweetan ng lalaking yan! Ano ba sya dessert? ”

“ Okay lang naman ako kaya don't worry, sa ngayon gusto ko munang i- enjoy ang pagiging asawa nya. ”

“ So ano papatalo ka nalang ba sa Rhea nayun? Sam kahit hindi mo aminin sakin alam kung una palang attracted kana sa kanya pero iba na ang ngayon kasal na kayo at mahal mo na siya kaya wag mong isuko agad agad ang marriage nyo. ”

“ Kailangan ko bang lumaban kahit alam kong sa huli hindi naman ako ang pipiliin nya? Deserve ko ang mga nangyayaring ito dahil una palang alam kung si Rhea ang mahal niya pero ipinag patuloy ko parin ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay bungad ng disisyon kung hindi ko pinag isipan kaya maluwag ko itong tatanggapin. ” Sagot niya habang nangingilid ang mga luha

Sam may paraan pa kay-

“ Mahirap makipag kumpetensya kung alam mong wala ka namang laban kaya mas mabuti pang sumuko na agad para hindi ka gaanong masaktan. ”

“ Kung iyan na ang disisyon mo susuportahan kita. Hayy girl, ang gusto ko lang naman  ay maging happy kana pero bakit ba ganito ang nangyayari sayo? ” Buntong hininga nitong tanong

“ Hindi ko alam siguro masamang tao ako ng past life ko kaya kinakarma ako ngaun. ” Malungkot niyang sagot

“ Past life? Uyy teka! korean drama fan karin ba? Akala ko ayaw mo sa mga mapuputi? ” Tanong nito

“ Haha, Actually sinabi ko lang ang bagay na iyon dahil naiinis ako kay Jaycee ng araw na yon pero ang totoo crush na crush ko si Lee jong suk, siya lang ang korean actor na talagang nakakuha ng atensyon ko ang cute nya kasi. ” Kinikilig niyang sagot sa kaibigan at tila nakalimutan niyang agad ang dinadamdam kanina

“ Naku huh! Medyo kinabahan ako sa pag banggit mo ng Lee, Akala ko may balak kang aagawin si Minhoo ko ehh. Makakatikim ka talaga ng sabunot sa kilay. ” Kunwaring banta nito

“ Haha sira ka talaga! Ayy! Oo nga pala tumawag sakin si Troy kagabi at gusto nyang mag kaayus ulit kami. ” Pag iiba niya ng usapan

“ Ohh ano naman sinabi mo? Wag mong sabihing binigyan mo ulit ng chance ang lalaking yun? ” Irita nitong tanong

“ Hindi pa pero kasi may sinabi sya sakin na a-

“ Na ano? Na mahal ka nya at hindi ka nya kayang mawala sa buhay nya?! Gumising ka Sam! Gusto mo bang iuntog kita para maalala mo ang ginawa ng Troy nayan sayo?! ” Sunod sunod nitong tanong

“ A- ahh Elaine pwedeng kumalma ka muna? Ako ang nasaktan diba pero bakit ikaw ang sobrang apektado? ” Biro niya

“ Wag mong ibahin ang usapan Sam! ”

“ Okay sorry na, wag kana kasing magalit kakauwi mo lang tapos aawayin mo agad ako? ” Panlalambing niya dito

“ Concern ako sayo dahil kaibigan kita kaya hindi mo ako masisi kung ganito man ang maging reaksyon ko. ” Sagot nito

“ Okay naiitindihan kita pero gusto kung pakinggan mo rin muna ang sasabihin ko. ”

“ Sige makikinig ako! siguraduhin mong lang na katanggap tanggap yan huh kung hindi lagot ka. ” Kunwaring banta nito

“ May dahilan ako kung bakit ko sya pinatawad. Nuong una ko siyang makausap halos umupa ako ng dragon para bugahan siya ng apoy dahil gusto ko syang tustahin, Gusto ko siyang i creamate ng buhay dahil sa tindi ng galit at hinanakit ko sa kanya pero may sinabi siya na ikinagugulo ng isip ko ngayon. ”

“ Ano binobola ka na naman ng duwag na iyon? ”

“ Ang sabi niya binlackmail daw siya ni kuya Neil para hindi sumipot sa kasal namin. ” Sagot niya na ikinagulat nito

“ S- si kuya Neil? Bakit niya naman gagawin ang bagay na iyon? Sigurado kabang totoo ang sinabi niya about sa kuya mo dahil kung hindi tatamaan talaga sakin ang Troy na iyon. ”

“ Oo Elaine, nag send si Troy ng proof at naconfirm kung kay kuya Neil nga ang account na iyon. ”

“ Hindi ko maintindihan kung bakit niya maiisip na gawin ang ganong bagay ang hirap talagang paniwalaan. ” Hindi makapaniwala nitong sagot

“ Ako man ay sobrang naguguluhan din Elaine dahil hindi lang isang beses niyang ginawa iyon. ”

“ You mean pati sina Cyrus at Limuel ay binlackmaik niya din? ” Kunot nuong nitong tanong

“ Oo Elaine pati sila, Naguguluhan talaga ako kung bakit ni kuya gagawin ang bagay nayun. Hmmp hindi kaya ayaw nya pa akong mag asawa o baka naman may gusto siyang lalaki para sakin? ” Tanong niya

“ Wag mo sanang masamain Sam pero hindi kaya may binabalak siyang masama laban sayo? ”

“ My ghaad Elaine! Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon? Akala ko ba gusto mo ang kuya ko paano mo nagagawang pag isipan siya ng gaanong bagay? ”

“ Sorry na ganitong ganito kasi yung mga eksena sa mga kdrama ehh. ”

“ Hay! Puro ka kasi kdrama kaya pati eksena sa pelikula ginagawa mong reality. Tatawagan ko nalang si kuya para tanungin ng personal. ”

“ Goo idea Sam sige tawagan mo na dali! ” Utos nitong tila may lakad sa pagmamadali

  Naka dalawang dial sila bago pa may sumagot sa kabilang linya.

“ Hello kuya Neil? ” Bungad niya

“ Ohh, Sam how are you? Kailan ang balik mo dito sa pilipinas? ” Tanong ng lalaki sa kabilang linya

“ Dad? Bakit po nasa inyo ang phone ni kuya? ” Takang tanong niya rito

“ Ahh iyon ba? Naiwan ng kuya mo ang phone nya kaya kung gusto mo siyang makausap tawagan mo nalang muna ang secretary nya. ” Sagot nito

“ Ahh hindi napo siguro Dad, kamusta nga po pala si kuya Neil nung kasal ko? Hindi po kasi sya umattend eh. ” Kunwaring tanong niya

“ Ang kuya mo? Natatandaan kung tumawag siya sakin pero medyo weird sya ng araw nayun. ” Muling nitong sagot

  Iniloudspeaker ni Sam ang kanyang phone para marinig din ng kaibigan ang sasabihin ng Ama.

“ Medyo weird po? ” Curious niyang tanong sa ama

“ Tulad ng sabi ko kanina tumawag siya sakin kaya tinanong ko kung bakit wala siya sa kasal mo pero parang nagulat siya ng malaman niyang tuloy ang kasal mo. Kung sabagay kagulat gulat nga namang natuloy ang 3rd wedding attempt mo. Siguro'y nasanay na ang kuya mo na hindi laging cancelled ang wedding mo kaya ganon ang reaction niya. ” Biro nito

“ Wala napo ba siyang iba pang sinabi o tinanong nung araw nayun? ”

“ Meron pa. Itinanong niya sakin kung yung Troy ba yun? Troy nga ba? Ahh Oo Troy nga, Kung Troy daw ba ang name ng Groom mo? Sabi ko naman hindi dahil Jaycee ang name nya diba? ”

   Nagkatinginan silang dalawa dahil sa mga narinig mula sa kanyang Ama.Unti unti namang nabubuo sa isip nila ang hindi magandang hinala laban sa kanyang kuya Neil.

“ Sam? Nandyan ka paba? ” Tanong ng kanyang ama sa kabilang linya

“ Y- yes Dad sorry. Ahh sige po wag mo nalang pong sabihin kay kuya yung mga tinanong ko about sa kanya. ”

“ Bakit naman? May problema ba kayo ng kuya mo? Usisa nito

“ Naku wala po Dad, Namiss ko lang po siguro si kuya kaya kung ano ano ang naitanong ko sainyo. ” Kina-kabahan niyang sagot

“ Okay sige sabi mo eh. By the way iha kailangan ko na palang umalis may appointment kasi ako with Mr. Lee ” Paalam nito

“ Okay Dad take care, bye! ” Habol niya bago nito tuluyang ibinaba ang kabilabg linya

 Matapos niyang kausapin ang ama ay agad niyang binalingan ang kaibigan na kanina pang nakatingin sa kisame habang nag iisip.

“ Hoy! Ano may nahanap kana bang sagot dyan sa kisame? ” Biro niya dito

“ Ano kaba nag papaka professional detective nga ako ehh. Wag kang ngang magulo! ” Seryosong nitong sagot

“ May detective bang nag hahanap ng sagot sa kisame? ” Natatawang kantyaw niya dito

“ Pero seryoso Sam ano kayang motibo ni kuya Neil? Hindi kaya ampon lang siya at itinago ni tito sayo tapos pinalabas niyang mag kapatid kayo at hindi sinadsadyang nalaman iyon ni kuya neil tapos habang sabay kayong lumalaki narealize niyang gusto ka nya kaya niya pinipigilan na makasal ka kasi ayaw ka nyang mapunta sa iba? ” Mahabang lintana nito

  Natawa naman siya sa mala Author na utak ng kaibigan dahil naka buo na agad ito ng storya dahil lang sa hinala nila sa kuya niya..

“ Eksena na naman ba iyan sa korean drama o baka naman isa sa mga story na nabasa mo? ”

“ Hindi ahh iyon ang conclusion ko. ”

“ Bakit hindi mo subukang mag sulat ng story? Base sa imagination mo magaling kang writer at feelling ko magiging successful ka dahil do'n. ” Kantyaw niya sa kaibigan

“ Pwede rin naman na ganun diba? ” Giit nito

“ Alin ang pwede? ” Sabad na tanong ni Jaycee mula sa likuran

“ A- ahh naikwento ko kasi kay Elaine na nag ceasefire celebration tayo kaya nag tatampo sya satin. ” Pagpapalusot niya

“ Hindi Elaine, Ahh napag usapan namin ni Sam na pag dating mo mag cecelabrate ulit tayo kaya wala kang dapat ikatampo. ” Paliwanag nito

“ Sound's good pero okay lang ba na Mag pahinga muna ako para maenjoy ko ang celebration natin mamaya, Kailan ko talaga ng pahinga 3days kasi akong puyat dahil kay Gabbin. ”

“ Okay lang kami na ang bahala para sa mga kailangan mamaya. Mag pahinga ka muna gigising ka nalang namin ni Jaycee kapag prepair na ang lahat. ” Ani Sam

“ Thanks guys sige maiwan ko na muna kayo huh. ” Paalam nito

  Sinulit muna nila ang mag hapon bilang sweet couple habang sarap na sarap sa pagtulog ang kaibigang niyang si Elaine. Hindi niy maita-tanggi na nasasanay na siya at siguradong hahanap hanapin niya ang presensya ng asawa kapag natapos na ang kanilang pag papanggap bilang mag asawa.

All Rights Reserved ©

______________________________________

Author's note: Hello guys! Grabe mas nakakapagod pa pala ang mag edit kesa gumawa ng story😅

  Sa mga reader po diyan ng Jaysam marami pong salamat!

Ps. Vote, comment and follow me for more kilig story.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter ten

    Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.“ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya “ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunuk

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter nine

    “ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga itoMabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala “ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa“ E

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter eight

    Nailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niyaHinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog&

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter seven

    Warning: Mature content read at your own risk...- Kinabukasan - Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast. Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter six

    Warning! Mature content read at your own risk! Nadatnan niya ang asawa na nasa lapag at walang malay binuhat niya ito at marahang nilapag sa kama. Inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang mag hanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Matyaga niya itong pinunasan ng basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakonsensya siya sa ginawa niya dito kanina, alam niyang napahiya ito kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito ang dahilan ng pag kakasakit ng asawa niya kaya naman para makabawi ay binantayan niya ito. Antok na antok man ay naghintay parin siya sa pag gising nito, ito lang ang naiisip niyang gawin upang mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman.“ K-kamusta ang pakiramdam mo? ” Tanong niya ng magkamalay ito“ Masakit parin ang

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter five

    “ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse “ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot “ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee “ Nahanap ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status