Mag-log in“ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse
“ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”
“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot
“ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”
“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee
“ Nahanap ko na?! Sino yang lalaking yan? duhhhh! Pwede ba Elaine alam mo naman na hindi ko type ang mga lalaking sobrang puti dahil hindi sila machong tingnan. ” Taas kilay nitong saad
“ Hoy anu kaba? Hinaan mo naman ng konti yang boses mo baka marinig ka nya. ” Saway nito sa kanya at saka sumulyap muli kay jaycee
“ Anong marinig? Eh malala pa sa mantika kung matulog ang lalaking yan. ” Inis na baling niya sa lalaki
“ Ang hard mo naman kay Jaycee friend, Samantalang kanina para kang palay na tinutuka ng manok. Umamin ka nga hindi ka man lang ba kinilig kahit konti kanina? ” Pang iintriga nito
“ Kinilig? No way!! Kahit kailan hinding hindi ako maiinlove sa Lalaking iyan! Kung sa butterfly lang din nayan mag papakaburo nalang ako! Anyway hindi naman iyon mangyayari dahil gagawin ko ang lahat para mahanap ko ang Mr. right ko at nang matapos na ang kalukohang ito. ” Sagot niya at pinag krus pa ang kanyang braso
“ Butterfly? Anong ibig nyang sabihin? Sumusobra na ang babaeng to huh! At ano hindi ako macho para sa kanya samantalang kanina lang mukhang hinog kamatis yung mukha nya ng yakapin at halikan ko. ” Inis na bulong niya sa isip
“ Uyy! Wag kang ganyan diba nga may kasabihang “ The more you hate the more you Love. ” Ani Elaine
“ Pwede ba! Hindi ko sya hate pero mas lalong hindi ko sya love kaya tumigil ka! ” Singhal niya sa kaibigan
“ Kung hindi mo siya hate at hindi rin love ano mo sya? ” Tanong nitong may halong pang aasar
“ Ayy ewan! Matulog ka na nga lang umiral na naman yang kadaldalan mo Eh. ”
Mahaba ang naging byahe nila kaya naman nang marating nila ang Vacation house na pag mamay- ari ng mag asawang Jin at Yhannie ay nag mamadali silang bumaba ng kotse bukof kasi sa maginaw sa labas gusto narin nilang ipahinga ang mga ngawit at pagod na katawan.
“ Dalawa lang ang room dito, so siguro naman pwedeng share nalang kayo ng room ni Jaycee tutal naman husband and wife na kayo. ” Baling nito sa kanila
“ Anooo?! Ayuko nga! ” Mabilis niyang tanggi“ Wag kang Mag alala dahil ayuko din namang katabi ka, dito nalang ako sa couch okay na ako dito. ” Sagot nitong tila nainis sa inasal niya
“ Hay naku! Kayong dalawa hindi ba talaga pwedeng lumipas ang isang oras nang hindi kayo nag babangayan huh? Nakakalimutan nyo na bang kailangan nyong mag panggap bilang Happyly married? Marami na tayong hirap dito kaya pwede bang kahit minsan mag kasundo naman kayo? ” Saway nito sa kanila
Natahimik naman silang dalawa kaya pumasok na ito sa sarili nitong kwarto. Kinuha naman niya ang kanyang mga gamit at mabilis na pumasok sa isa pang kwarto at dahil sa Pagod na nararamdaman dala ng mahabang byahe agad silang nakatulog maliban kay Jaycee.
“ Grabe talaga ang babaeng iyon! Hindi man lang ako inabutan ng unan o kahit blanket man lang ang ginaw pa naman. ” Inis na bulong niya sa sarili
Pilitin man niyang ipikit ang mga mata ay hindi siya makatulog dahil sa lamig nararamdaman kaya nag pasya siyang kumatok sa kwarto ng asawa ngunit hindi ito naka lock kaya naisip niyang pumasok nalang at wag na itong gambalain. Palabas na sana siya ng silid bitbit ang mga kailangang gamit ng makita niyang masarap ang tulog nito habang nakabalot sa makapal na blanket. May kung anong nag udyok sa kanyang humiga sa tabi nito at pagmasdan ito habang natutulog.
“ Maganda naman sya at mayaman pa pero bakit kaya lagi syang iniiwan ng mga nakarelasyon nya? Hmm, Kung sabagay hindi sana kita katabi ngayon kung natuloy ang kasal mo sa lalaking iyon. ” Bulong niya sa isip
Patayo na sana siya ng bigla itong pumihit paharap at yumakap sa kanya. Marahil napagkamalan siya nitong unan dahil ikiniskis pa nito ang mukha sa dibdib niya. Tila may kuryente siyang nararamdaman dahil sa pagkakadantay ng ulo nito sa kanyang dibdib, gusto niya itong itulak palayo upang makaalis mula sa pagkakayakap nito ngunit natatakot naman siyang baka magising ito at gumawa ng eskandalo kaya minabuti nalang muna niyang manatili at hintayin na ito ang kusang kumalas sa pagka-kayakap sa kanya.
Hindi na niya maalala kung ilang butiki na ang nakita niyang pagapang gapang sa kisame at hindi narin mabilang kung ilang beses na siyang humihikab. Sobrang bigat ng talukap ng kanyang mga mata ngunit pilit niya itong nilalabanan, ginawa niya ang lahat para labanan ang antok na kanina pang nagsusumiksik sa mga mata niya ngunit bigo siya nang tuluyan siyang iduyan ng lamig ng aircon.
Kinabukasan...
Isang malakas na tili ang gumising kay Jaycee kaya bigla siyang napa bangon sa kama.
“ B-bakit nandito ka huh?! Sabi ko na nga ba manyak ka eh! ” Sigaw nito habang takip takip ng blangket ang katawan
“ Ako Manyak?! Hoy! Para sabihin ko sayo pumasok ako dito kagabi para kumuha ng unan at blanket pero bigla mo akong niyakap. Gusto ko sanang tanggalin ang pagkakayakap mo sakin pero natakot akong baka magising ka dahil sigurado akong ganito din ang magiging reaksyon mo kaya hinintay ko nalang na ikaw ang kusang lumayo sakin pero dahil parang enjoy na enjoy ka sa katawan ko nakatulugan ko na lang ang pag hihintay. ” Mahabang paliwanag niya
“ Y-yumakap ako sayo?? ” Kanda utal niyang tanong
“ Ganon na nga! Ano masarap bang gawing unan ang dibdib ko? ” Sarkastikong niyang tanong
“ Tulog ako kaya paano ko iyon malalaman?! Isa pa sabihin nating yumakap ako sayo, pero dapat ginising mo parin ako hindi yung hinayaan mo lang, malamang nag enjoy ka rin kaya hindi mo ako ginising! Ang sama mo talaga! ” Maktol nito
“ Anak ng kamote naman! Tumigil nga kayong dalawa! Ang aga aga pa para mag away! Nakakahiya sa mga neighbor natin umaabot sa kanila ang pag aaway ninyo. ” Saway nitong tila nag saway ng makukulit na anak
Natahimik naman sila dahil sa sinabing iyon ni Elaine. Narealize nilang tama ito, maaga pa para mag talo at mayron silang kapitbahay na pwedeng mabulabog.
Masamang tingin ang ipinukol niya kay Jaycee bago tuluyang lumabas ng silid. Nakaramdam siya ng gutom kaya nag hanap siya ng pwedeng makain sa kusina.
“ Sam and Jaycee pupunta tayo ng Namsan tower mamaya. Kailangan nyo ng ilang picture na nasa vacation para may ipopost tayo sa social media. Im sure na naghihintay ng update ang fans ninyo, Isa pa baka mag tanong si tito Emilio atleast may proof kayong pwedeng ipakita. ”
Wala imik ang mga ito sa sinabi niya kaya muli siyang nagsalita.
“ Oo nga pala importanteng sweet kayo sa mga picture's nyo kaya stop fighting muna okay? ”
“ Kailangan ba talaga yan? Ang hirap naman ng pinapagawa mo. ” Reklamo ni Sam, samantalan nanatili namang tikom ang bibig ni Jaycee
“ Wag nga kayong puro reklamo! Madali lang ang pinapagawa ko lalo na kung susubukan nyong magka- sundong dalawa kahit bukas lang. Isipin nyo nga bakit ba tayo nandito? Ikaw Sam diba kaya mo ito ginagawa dahil ayaw mong malaman ni Tito na hindi natuloy ang wedding mo? Ikaw Jaycee diba kaya ka pumuyag na mag panggap para sa perang kailangan mo para sa nanay mo? Please mag tulungan kayo. Ang hirap kasi sainyo para kayong aso't pusa eh. Gusto nyo bang sabuyan ko kayo ng Sugar para maging sweet naman kayo kahit konti? ” Wika niyang tila nauubusan na ng pasensya sa dalawa
“ Sakin walang problema. ”Maiksing sagot ni Jaycee
Pumayag na ang damuhong niyang asawa kaya nasa kanya na ngayon ang tila nagtatanong na mata ng kaibigan.
“ Oo na pumapayag naku. ” Kanda haba nguso nitong sagot
“ Okay good! Pupunta muna ako kina ate Yhannie duon muna ako hanggang 5pm, nakiusap kasi si ate na ako muna ang mag baby sitter kay Gabbin may lakad kasi siyang importante. Basta mag ready kayo before 5pm susunduin ko kayo dito Okay? ” Paalala niya
“ Oo na sige na, Ingat sa pag didrive. ” Ani Sam
“ Thanks. Pero tingin ko ikaw ang dapat mag ingat. ” Sagot niyang may halong pang aasar bago tuluyang ini start ang kotse
Dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan ay bigla siyang kinabahan. Sila nga lang pala ni Jaycee ang maiiwan sa bahay at tiyak na disaster ito dahil wala si Elaine na laging pumapagitna sa tuwing sila'y nag aaway. Habang nag aalmusal si Jaycee, hindi sina-sadyang natabig niya ang baso nitong may lamang kape at tumapon ito dibdib ng kanyang asawa.
“ Naku! Sorry Hindi ko sinasadya. ” Hingi niya ng tawad habang tarantang pinupunasan ang parteng dibdib nito“ Hindi mo sinasadya? I don't think na nagsasabi ka ng totoo, base kasi sa nakikita ko pati na sa ginagawa mo ngayon intention mo talaga ito para ma tyansingan mo ako. ” Sarkastikong wika nito
“ Ang lakas din naman ng bilib mo sa sarili mo nuh?! Tyatyansingan kita? Gusto mong ipagtimpla ulit kita ng kape? Hindi ko lalagyan ng creamer para mas matapang baka sakaling magising ka mula sa day dreaming mo! ” Singhal niya dito
“ So sinasabi mo bang hindi mo ako type? ” Tanong nito kasunod ang pilyong ngiti
“ Oo ganun na nga! Kaya wag kang mangarap ng gising dahil mabibigo kalang at ipapaalala ko lang sayo baka kasi nakalimutan muna na kaya tayo nag pakasal dahil lang sa kasunduan? ” Taas kilay niyang sagot
“ Ahh, Hindi mo nga ako type. So kung hindi mo nga ako gusto dapat kahit gawin ko ito hindi ka maapektuhan. ” Sagot nito habang hinuhubad ang damit na nabasa ng kape
“ Ano bang ginagawa mo?! Mag suot ka nga ng damit ang halay mong tingnan! ” Sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mata
“ Mahalay nga bang tingnan o mahalay ang mata ng tumingin? ” Tanong nito habang unti unti lumalapit sa kanya
“ Ano ba lumayo ka nga sakin! Pag di ka lumayo sisigaw ako. ” Banta niya ngunit tila bingi ito kaya sinubukan niyang sumigaw ngunit maagap ang kamay nitong tumakip sa kanyang bibig
Ramdam niya ang init na nagmu-mula sa kamay nito kaya muntik na niyang makalimutang huminga mabuti nalang at inasil din kaagad nito ang kamay na tumatakip sa kanyang bibig ngunit hindi iyon duon nagtatapos. Bawat hakbang nitong palapit ay siyang hakbang niya paatras, nagulat pa siya ng maatrasan ang sulok na bahagi ng bahay at tuluyan siya nitong ma- corner.
Automatikong napapikit ang traydor niyang mga mata ng makita ang dahan dahang pag lapit ng mukha ng asawa ngunit napadilat siya ng marinig niyang pindutin nito ang switch ng ilaw at mag salita..
“ Maliwanag na sayang naman ang kuryente. ” Wika nitong kasunod ang nakakalukong ngiti
Muling nag kulay kamatis ang kanyang pisngi ngunit hindi dahil sa kilig kundi sa kahihiyan. Sobrang sama ng loob niya dahil nahulog siya sa patibong ni Jaycee kaya dali- dali siyang pumasok ng kwarto at duon nag kulong. Duon nya ibinuhos ang mga luha kanina pang gustong mag alpasan sa kanyang mga mata dahil muli na namang napag laruan ang kanyang damdamin.
Nakatanggap siya ng text mula kay Elaine na hindi daw sila matutuloy sa Namsan dahil hindi ito makakauwi. Kinatok niya ang asawa para ipaalam ang message ni Elaine ngunit hindi ito sumasagot, marahil galit pa ito sa ginawa niya kanina kaya naman hinayaan na lamang muna niya itong magpalipas ng sama ng loob.
Nilalamig man kailangan niyang mag shower dahil nanlalagkit siya sa kapeng tumapon sa kanyang katawan. After niyang maligo ay muli siyang nag timpla ng kape para maibsan ang lamig na nanunuot sa kanyang balat. Nag basa basa narin siya ng mga nakakalat na magazine duon ngunit sumakit lang ang ulo niya dahil hindi naman niya ito maintindihan dahil Hangeul ang naka sulat dito.
Naubos na ang lahat ng pwedeng niyang gawin ngunit hindi parin ito lumalabas ng kwarto kaya nag simula na siyang mag alala ngunit nag hintay parin siya na lumabas ito. Dumidilim na at nakaramdam na siya ng gutom kaya nagpasya siyang pinag luto ang sarili.
Matapos kumain ay muli siyang naghintay sa pag labas nito ngunit pasadong alas dyes na ng gabi ay hindi parin ito lumalabas ng kwarto kaya duo'y nag pasya na siyang pasukin ang asawa. Hinanap niya ang susi ngunit hindi niya ito makita kaya sinubukan niyang ibunggo ang sarili sa pintuan ngunit hindi parin umubra kaya nag hanap siya ng gamit na pwede ipang sira sa pinto.
All Rights Reserved ©
______________________________________Author's note: Hello guys kamusta kayo? Sanay nagustuhan nyo ang chapter nato.
Ps. Vote, comment and dont forget to follow me for more kiligs story! Thank you♡
Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.“ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya “ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunuk
“ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga itoMabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala “ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa“ E
Nailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niyaHinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog&
Warning: Mature content read at your own risk...- Kinabukasan - Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast. Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa
Warning! Mature content read at your own risk! Nadatnan niya ang asawa na nasa lapag at walang malay binuhat niya ito at marahang nilapag sa kama. Inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang mag hanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Matyaga niya itong pinunasan ng basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakonsensya siya sa ginawa niya dito kanina, alam niyang napahiya ito kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito ang dahilan ng pag kakasakit ng asawa niya kaya naman para makabawi ay binantayan niya ito. Antok na antok man ay naghintay parin siya sa pag gising nito, ito lang ang naiisip niyang gawin upang mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman.“ K-kamusta ang pakiramdam mo? ” Tanong niya ng magkamalay ito“ Masakit parin ang
“ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse “ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot “ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee “ Nahanap ko