Home / All / Emergency couple [ Tagalog ] / Emergency couple chapter ten

Share

Emergency couple chapter ten

Author: hyunji8930
last update publish date: 2020-09-01 20:22:41

 Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.

 “ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta

“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya

“ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”

“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong

“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunukso nito sa kanila

  “ Ang dami mo pang sinasabi dyan! Sabihin muna ang suggestion mo bago ako mainis. ” Kunwaring banta niya

“ Haha mainipin ka talaga! Minsan kasi kailangan mo ding mag hintay para sa tamang tao este ng tamang panahon pala. ” Pang iinis nitong lalo sa kanya

“ Oo nga naman Sam kasi ang mga nag mamadali madalas nag kakamali kaya dapat mong pag isipan ang bawat disisyon mo sa buhay. ” Pagsang ayon nito sa sinabi ng kaibigan

“ Ano pag tutulungan nyo ba ako o sasabihin mo na ang suggestion mo? ” Napipikang tanong niya

“ Haha sasabihin ko na nga ehh ito na oohh. Hmm, suggest ko lang na mag spin the bottle tayo habang umiinom tapos truth or dare ang punishment para sa tatapatan ng bottle. ”

“ Mukhang exciting yan, wait kukuha lang ako ng empty bottle. ” Sagot niya at akmang tatayo ngunit pinigil siya ni Jaycee

 Tinungga nito ang isang boteng soju habang hawak ang kanang kamay niya. Tila tubig naman nitong ininom ang alak at wala ng itong laman ng bitiwan nito.

“ Ano bang ginagawa mo Jaycee malalasing ka kaagad niyan eh. ” Naiinis niyang baling dito

“ Okay lang ayuko kasing mahirapan ka pa sa pag hahanap ng empty bottle. ” Sagot nitong bahagyang namunula ang mukha dahil sa epekto ng alak na naimon nito

Wala mang linaw ang relasyon nina Sam at Jaycee nakikita naman niyang may pagtingin ang mga ito sa isa't isa.

“ Aba, Para akong nasa eksena sa kdrama kinikilig tuloy ako. Hayy pwede bang mag parami ka ng lahi mo Jaycee para naman hindi ako naiingit sainyo . ” Kantyaw niya sa mga ito na tila nakalimutang nag eexist din siya sa celebration

“ Naku tama na nga iyang kalukohan ninyo, simulan nalang natin ang game okay? hehe exciting to for sure. ”

 Sinimulan ni Sam ang pag papaikot sa bote tumapat ito kay Elaine.

“ Ako kaagad? Dinadaya mo yata ako ehh. ” Reklamo nito

“ Wag kanang mag reklamo dyan! Ano truth or dare? ” Tanong niya sa kaibigan

“ Truth nalang. ” Mabilis nitong sagot

“ Okay! Totoo bang si kuya Neil ang long time crush mo? ” Deritsahang tanong niya

“ Oo si kuya Neil nga. ” Mabilis at walang kahirap hirap nitong sagot

“ Grabe ka hindi ka man lang nag isip o kaya'y nag pakipot. ”

“ Ano kaba hindi na uso ngayon ang salitang pakipot basta't alam mong mahal mo sya at mahal karin naman niya bakit papatagalin mo pa? Kumpyansang nitong sagot

“ Hayy iba ka talaga, bilib na talaga ako sayo friend. ” Sagot niyang sumaludo pa kunwari

  Sa pagkakataong ito si Elaine naman ang nag paikot ng bote at tumapat iyon kay Jaycee. Pinili nito ang dare kaya inutusan nitong halikan siya habang sincere na sinasabi ang salitang I love you.

“ Sam I love you. ” Paanas na saad nito kasunod ang isang halik na lalong bumuhay sa nararamdaman niya para dito

  Gusto niyang kiligin sa sinabi at ginawang pag halik ni Jaycee sa kanya ngunit alam naman niyang game lang ito at scripted pa kaya pilit niyang pinigil ang kilig na nararamdaman.

“ Hoy tama na! Pinapapak mo na ang kaibigan ko eh. ”Awat nito kay Jaycee na tila nag eenjoy sa pagkakalapit nila

 Natatawang bumalik naman ito sa dating pwesto at saka muling sumimsim ng alak. Kinuha nito ang bote upang siya naman ang mag paikot at tumapat iyon kay Sam.

Nakaramdam siya ng kaba ng makitang tumapat sa kanya ang boteng pinaikot ng asawa. Natatakot siya sa maari nitong ipagawa o itanong sa kanya kaya't hindi siya makapag pasya kung ano ang dapat piliin.

“ Truth or dare? ” Seryosong nitong tanong habang titig na titig sa kanya

“ May balak kapa bang makipag ayos kay Troy? Seryosong tanong nito

  Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon mula dito kaya't matagal bago siya nakapag bigay ng nakasagot. Kailangan niyang pag isipan ang kanyang isasagot kaya naman hindi niya namalayang ilang minuto na pala ang lumipas.

“ Mahirap ba masyado ang itanong ko? Gusto mo bang palitan ko nalang? ” Ani Jaycee

Hindi na kailangan, sasagutin ko ang tanong mo kaya makinig kayo. ”

“ Kung ganon ano ang sagot mo? ” Tanong nitong tila inip na inip sa sagot niya

“ O- oo, Actually napatawad ko na siya at gusto niyang bumalik kami sa dati kaya tingin ko malapit ng matapos ang pagpapanggap mo. ”

  Hindi niya alam kung nag iimbento lang ba siya o totoo ang nakita niyang lungkot sa mga mata nito ng marinig nito ang kanyang sagot.

 Dahil sa sagot niyang iyon ay bigla silang natahimik na para bang may dumaang angel ngunit pilit naman silang iniligtas ni Elaine sa nakaka-binging katahimikan.

“ I think boring na ang game nato, Ibahin naman natin ang punishment. Hmm, ano kaya kung ang matapatan ng bottle nato ay mag sasabi ng top secret nya? ” Ani Elaine

“ Sige para maiba naman. ” Sagot ni Jaycee

  Muling pinaikot ni Elaine ang bote at tumapat iyon sa kanya.

“ Ayy! ano bayan bakit sakin? ” Kakamot kamot sa ulong reklamo niya

“ Haha counted yan Elaine kaya simulan munang mag sabi ng secret mo. ” Pambubuyo nito sa kanya

“ Oo na, Hmm ano nga bang secret ko maliban sa sobrang ganda ko? Ahh alam ko na! Wag ninyong ipagsasabi huh? Crush ko si kuya Neil. ” Sinadya niyang hinaan ang boses sa huli niyang sinabi

“ Secret ba yun? Kahit si kuya alam na crush mo sya eh! Ang daya mo naman mo talaga! ” Himutok niya

“ Wag kanang mag reklamo pa diyan basta iyon ang secret ko tapos. ” Pinal niyang sagot

 Si Elaine muli ang nag paikot ng bote at tumapat naman ito kay Sam.

“ Ahh ang secret ko takot ako sa ipis. Ayuko ko talaga sa kanila nakakatakot kasi yung mga paa nilang magaspang. ” Nahihiyang pag amin nito

“ Hindi iyan ang gusto kong marinig na Sam. Ang gusto ko sanang marinig ay kung bakit mo iniiyakan yung paa ng manok nung first celebration natin. ” Curious nitong tanong

Nagulat naman sila ng bigla nalang tumawa ng malakas ang tipsy ng kaibigan.

“ Iniyakan mo na naman ang chicken feet friend? Kaloka ka talaga, ilan pa bang paa ng manok ang balak mong iiyakan mo huh? ” Tanong nitong hindi parin naawat sa pag tawa

 Hindi niya malaman kung paano niya itong ikukwento sa asawa. Nahihiya siyang malaman na ginawa na naman pala niya ito at sa harap pa mismo ni Jaycee.

“ May inalagaan akong isang sisiw nuon, nakita ko siya sa park habang paikot ikot. Nakita kung mag isa lang sya at panay ang huni siguro hinahanap niya yung mga kasama nya. Pauwi na kami no'n pero nakita kung nandun parin sya at nanghihina na kaya nag pasya akong iuwi sya sa house namin. Namili ako ng pwedeng pag lapagan sa kanya at pinagawan ko siya ng maliit na bahay niya kwarto ko. Duon ko siya inalagaan hanggang sa lumaki kaso may isang pangyayari na hindi ko inaasahan, Nakalabas sya ng kulungan at lumipad palabas ng room ko dumapo sa antique vase ni Dad bumagsak iyon at nabasag. Galit na galit no'n si Dad sakin pero hindi niya ako kayang saktan kaya si Luna ang ipinakatay niya at wala akong nagawa kundi umiyak lang. ” Pag kukwento niya

“ Ang lungkot naman pala ng story ninyo ni Luna pero dapat mag move on kana sa kanya at tanggapin sa sarili mong hindi mo kasalanan at kagustuhang ang nangyari. ” Pang cocomport nito sa kanya

“ Ang drama naman ninyong dalawa. Paikutin na ninyo ulit yung bottle okay? ” Singit nito

Pinaikot na nga ulit ni Sam ang bote at tumapat ito kay Jaycee.

“ Hmm. Ano pa nga bang secret ko maliban sa nag uumapaw kong kagwapuhan? ” Biro nito

“ Medyo lumalakas yata yung hangin Elaine tara pasok na tayo. ” Ganting biro niya

“ Haha, Oyy wag ninyo akong iwan nagbibiro lang naman ako ehh. ” Natatawang pigil nito sa kanila

Umayos ka kasi! Tandaan mo ito huh? Wag kang mag bibiro sa lasing lalo na kung corny dahil susukahan ka no'n. ” Sabad ng lasing na si Elaine

“ Okay ito na talaga. Since senior high crush na ako ni Rhea hindi ko siya pinapansin nuon dahil wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya pero ginagawa niya ang lahat para mapansin ko siya kaya isang araw sinabi ko sa kanya na subukan naming maging couple kahit hindi ko naman talaga siya gusto. Nakita ko ang mga effort nya para sakin at sa nanay ko kaya unti unti nahulog narin ang loob ko sa kanya. Lagi siyang nakaalalay tuwing kinakapos kami ni nanay, si Rhea din ang dahilan kaya kinaya kung isurvive ang pag aaral ko ng college dahil kahit parang imposble ay pinakita niyang kaya ko. ” Mahabang pagkukwento nito

“ Kung ganun hindi pala talaga niya gusto si Rhea at napasubo lang ito dahil sa utang na loob? ” Mga tanong sa isip niya na siya na mismo ang nagbigay ng sagot

Parang gustong mag diwang ng puso niya sa mga naiisip niyang iyon at tila idinuduyan siya ngayon sa alapaap dahil sa sobrang kaligayahan.

“ Sam? Ano ba bakit tulala ka diyan? Tulungan mo ako kay Elaine ipasok na natin siya sa room nya. ” Tawag nito sabay turo sa nakatumba at naghihilik niyang kaibigan

Naudlot ang pag iimagine niya ng makita ang kaibigang pinapapak na ng lamok kaya agad nilang itong ipinasok sa kwarto. Matapos nila itong maihiga sa malambot nitong kama ay lumabas narin sila upang mag tungo sa sariling kwarto para mag pahinga, medyo lasing nadin kasi sila dahil sa dami ng soju na nainom.

“ I love you. ” Mahinang bulong nito sa tenga niya

“ Wala na tayo sa game Jaycee kaya tama na ang pag lalaro. ” Sagot niyang pinipigilan ang nararamdaman kilig

 Wala na siyang narinig pang sagot mula dito bagkus ang mahinang paghilik nito ang kanyang narinig. Pumihit siyang paharap sa tulog na asawa upang samantalahin ang pagkakataong na matitigan at kabisaduhin ang bawat angulo ng mukha nito. Nakita niyang himbing na himbing sa pagtulog ang kanyang asawa habang wala itong kamalay malay na pinagsasawaan niyang ang gwapo nitong mukha. Ang sarap nitong titigan dahil napaka aliwalas ng mukha nito na tila walang inaalalang problema. Bumangon siya ng bahagya upang makasandal ng maayos sa headboard at marahang inihiga ang ulo nito sa dibdib niya. Walang duda na mahal na niya ito kaya't nakahanda na siyang harapin ano man ang kalabasan ng kanyang disisyon. Alam niyang sa huli ay muli lang siyang masasaktan ngunit gusto parin niyang subukan ipaglaban ang kanyang nararamdaman.

All Rights Reserved ©

______________________________________

Author's note: Hello guys kamusta? Haha Stay safe po sating lahat♡

Ps. Vote, comment and dont forget to follow me for more kilig stories..

  Thank you for continue supporting my stories guys!

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter ten

    Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.“ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya “ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunuk

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter nine

    “ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga itoMabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala “ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa“ E

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter eight

    Nailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niyaHinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog&

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter seven

    Warning: Mature content read at your own risk...- Kinabukasan - Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast. Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter six

    Warning! Mature content read at your own risk! Nadatnan niya ang asawa na nasa lapag at walang malay binuhat niya ito at marahang nilapag sa kama. Inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang mag hanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Matyaga niya itong pinunasan ng basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakonsensya siya sa ginawa niya dito kanina, alam niyang napahiya ito kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito ang dahilan ng pag kakasakit ng asawa niya kaya naman para makabawi ay binantayan niya ito. Antok na antok man ay naghintay parin siya sa pag gising nito, ito lang ang naiisip niyang gawin upang mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman.“ K-kamusta ang pakiramdam mo? ” Tanong niya ng magkamalay ito“ Masakit parin ang

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter five

    “ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse “ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot “ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee “ Nahanap ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status