LOGIN- Kinabukasan -
Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast.
Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa babae dahil hinayaan siya nitong kunin ang pinakaiingtan nitong dangal.Matapos mag prepaire ng breakfast ay muli siyang nag tungo sa kwarto at tsaka marahang hinalikan ang nuo ng asawa.
“ Wake up sleeping beauty. ” Pang gigising niya dito
“ G- gising kana pala? ” Tanong nito habang pinipilit bumangon ngunit napangiwi ito
“ Okay ka lang? ” Tanong niyang may himig ng pag aalala sa tinig
“ Okay lang naman medyo m- masakit lang ang katawan ko. ” Nahihiyang pag amin nito
“ Ahh ganun ba? S- sorry mukhang pinagod yata kita kagabi, bubuhatin nalang kita papuntang dinning. ” Sagot niya at saka sinimulang ibalot ang comporter sa katawan ng asawa
“ Teka mag susuot muna ako ng damit. ” Protesta nito
“ Hindi na kailangan mas cute ka kasing tingnan ngayon. ” Panunukso niya dito
Binuhat nga niya nitong parang papel papuntang dining at tsaka marahang inilapag sa upuan. Inilapit niya sa harapan nito ang pagkaing niluto niya para dito at inilagay niya sa kamay nito ang kutsara at tinidor kaya napangiti ito sa ginawa niya.
Alam niyang mali ang kanyang nararamdaman dahil may nobya siyang nag hihintay sa pilipinas ngunit hindi niya maitatanging mas ramdam niya ang kaligayahan sa piling nito kahit isang kasunduan lang ang pagiging mag asawa nila.
“ Oh kain na, alam kong hindi yan kasing sarap ng pagkain niluluto sainyo pero kumain ka pa rin para makabawi ka ng lakas. ” Nakangiti niyang saad
“ Gusto ko sana pero paano? ” Tanong nito at saka tumingin sa sariling katawan na nababalutan ng puting comporter
Natawa naman siya sa itsura ng asawa nag mukha kasi itong turon dahil sa nakabalot na comporter sa kanya.
“ Bakit ka natatawa? Nakakatawa ba ang itsura ko?! ” Inis nitong tanong sa kanya
“ Hindi ahh. Natatawa lang ako kasi ang cute mong tingnan para kang turon. ” Pang aasar niya
“ T- turon?! Hmp! Turon pala ahh! Itong ganda kong ito sasabihin mong mukhang turon? ” Matalim na tingin ang ipinukol niya sa asawa na hanggang ngayon ay napapangiti parin
“ Ano kaba nag bibiro lang naman ako kaya wag kana magalit, isa pa cute naman talaga ang turon ahh bukod duon masarap pa. ”
Bagaman nagpapaliwanag ito ay hindi parin siya kumbinsido kaya nanatili siyang nakasimangot para ipakita ditong nagtatampo siya. Lumapit naman ito sa kanya at saka tumabi sa kinauupuan niya, naka boxer shoot lang ito at walang damit pang itaas kaya naman halos lumuwa ang mga mata niya kakatingin sa mga pandesal ng asawa idagdag pa ang tila nang aakit na body scent nito na nag papawala sa kanya sa katinuan.
“ Hey! I said ahhhh. ” Pang gigising nito sa isip niyang malayo na ang nililipad
Nahihiyang ibinuka niya ang bibig para isubo ang pagkaing iniaabot ni Jaycee. Habang ninanamnam ang pagkain sa luob ng bibig ay hindi niya mapigilang kiligin dahil sa ginawang effort ng asawa para sa kanya. Masaya siyang naging maayos na ang kanilang relasyon at hindi lang basta maayos kundi para na silang real life couple dahil sa mga nangyayari ngaun. Ang tanging hiling na lamang niya sa Panginoon ay hindi na matapos ang araw na iyon o kaya'y tuluyan maging kanya ang puso nito.
“ Ahh Sam? Okay kalang ba? Y- yung kutsara kasi kagat kagat mo baka maputol. ” Tanong nito habang hawak ang kutsara na ngayo'y kagat kagat niya
“ Ahh, S- sorry. Haha, Ang sarap kasi ng luto mo eh nag enjoy tuloy ako. ” Pagpapalusot niya
“ Niloloko mo naman yata ako ehh. Simpleng fried rice at tocino lang naman yan. Pasensya kana hindi talaga ako marunong mag luto eh kaya puro easy to cook lang ang mailuluto ko para sayo. ”
“ Hindi ahh. Believe me masarap ang luto mo. ” Pangungumbinsi niya
“ Masarap ba talaga para kasing hindi naman. ”
“ Masarap talaga lalo pa't ikaw ang nag luto nito. ”
“ Pero aminin mo mas masarap ako diba? Haha biro lang. ” Bawi nito ng makitang pinamulahan siya ng mukha
“ Busog nako salamat ulit sa breakfast. Mag shoshower muna ako. ” Paalam niya
“ Ganun thank you nalang? Wala man lang bang reward? ” Tanong nito sabay kindat pa
“ Ahh, Okay mag kano gusto mo? ” Balik tanong niya
“ Sorry pero hindi pera ang gusto ko. ” Sagot nito sabay kabig sa beywang niya
“ A- aahhh, M- masakit pa kasi ang katawan ko kaya tingin ko hindi ko pa kaya. ” Sagot niyang pilit nilalabanan ang nakakaakit nitong tingin
“ Hindi mo pa kaya ang alin? Gusto ko lang ng reward kiss kaya bakit kung ano ano ang iniisip mo? ” Natatawang nitong tanong
Lalo naman siyang pinamulahan ng mukha at kulang nalang hilingin niyang lumubog na sana siya sa kinatatayuan dahil sa sobrang kahihiyan kaya para makaiwas ay mabilis siyang tumakbo papuntang cr at tila nalimutan niya ang sakit ng katawan na iniinda kanina.
“ Uyy teka! Nasan na yung reward kiss ko? ” Habol tanong nito habang tawang tawa sa reaksyon ng mukha ng asawa
Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya kanina hindi tuloy niya malaman kung paano niyang itong haharapin mamaya. Nag babad nalang muna siya sa bathtub para tumagal ang kanyang pagliligo at kasabay nuo'y nag iisip narin siya ng salitang ipang bubungad sa asawa mamaya.
Habang naliligo ay muli niyang binalikan ang mga kaganapan kagabi at hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Lasing siya ngunit tanda niya ang bawat detaltye ng mga nangyari dahil may katinuan pa namang natitira sa kanya at alam niyang ganun din si Jaycee kaya masaya siyang isipin na ginusto rin nito ang mga nangyari sa kanila.
Halos mag iisang oras na siyang naliligo kaya't nakaramdam na siya ng lamig, umahon siya sa paliligo ngunit bigla niyang naalala na wala pala siyang dalang robe o kahit anong damit maliban sa comporter na ngayon ay nasa lapag na ng banyo. Naghanap siya ng kahit anong pwedeng suotin ngunit wala siyang makita kaya no choice siya kundi tawagin ang asawa.
“ J- jayceeeeee. ” Tawag niya dito
Agad niyang iniwan ang ginagawa ng marinig ang pag tawag sa kanya ng asawa at mabilis siyang nag tungo sa banyo.
“ Tawag mo ako? ” Nakangiti niyang Bungad
“ O- oo, Pano kasi nali-
“ Gusto mong sabayan kita mag shower ano? Dapat sinabi mo kaagad kanina. ” Putol niya sa sasabihin ng asawa
“ Mangarap ka ng gising Mr. Jaycee domingo! ” Inis nitong sagot
“ Eh bakit mo nga kasi ako tinawag? ” Muling niyang tanong
“ A- ahh, A- ano kasi nakalimutan kung mag dalang damit pwede bang paki abutan ako ng robe or kahit towel pwede na. ” Sagot nitong pilit ikinukubli ang katawan sa pinto ng banyo
“ Gusto mo bang yakapin nalang kita papuntang kwarto? ” Nakangisi niyang tanong habang pilyong nakatingin sa asawa
“ Manigas ka! Hindi kana nakakatawa huh! ” Singhal nito
“ Kung ganun hindi ko iaabot ang robe mo kaya tingin ko ikaw ang maninigas diyan sa loob ng banyo buong. ” Sagot niya at akmang tatalikod na sana ngunit biglang bumaba ang tono ng boses nito tanda ng pagsuko
“ Hoyy, Ano ba? Nilalamig na ako kaya please naman paki abot na ang robe ko. ” Pakikiusap nito sa kanya
“ Bago ko kunin ang damit mo gusto kong bayaran mo muna ang utang mo.” Sagot niya saka ininguso ang sariling labi
“ U- utang? Teka kailan ako nagka-utang sayo? Wala akong matandaang humiram ako ng pera o kahit anong bagay mula sayo kaya paano ako nagkaroon ng utang sayo? ” Takang nitong tanong
“ Hay! Ang bilis mo naman palang makalimot? ” Kunwaring pagtatampo nito
“ Pwede bang wag kanang mag inarte at sabihin mo nalang kung ano man yang utang ko sayo bago pa ako manigas sa lamig dito. ” Reklamo nito
Hindi naman niya ito sinagot bagkus ay nagpakawala siya ng pilyong ngiti habang itinuturo ang kanyang bibig na ngayo'y bahagya ng nakanguso.
Sa kagustuhan niyang makalabas ng banyo ay ibinigay niya ang halik na kanina pa nitong hinihingi. Isang mabilis na halik ang ibinigay niya sa asawa ngunit tila hindi ito nakontento kaya't muli nitong inabot ang kanyang labi at muling siyang hinalikan. Isang masuyong halik ang iginawad nito sa kanya kasabay no'n ay ang paghalpos nito sa kanyang katawan. Dahil sa pangyayaring iyon ay tila nalimutan niyang wala siyang suot na anumang saplot kaya't nalantad sa mga mata nito ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Napansin niyang tila may apoy na nagliyab sa mga mata ng asawa dahil sa pagkakalantad ng kanyang katawan kaya't mas lalong lumalim ang simpleng halik nito kanina. Pilit niyang pinapatay ang apoy na ngayo'y tumutupok sa kanyang katinuan ngunit mas nanaig parin ang sulsol ng kanyang puso at ang nararamdaman niya para dito kaya't ang kaninang pagtangi ay nauwi sa pag- papauba kaya muli silang humantong sa isang pangyayari na sana'y hindi nila pag sisihan sa huli.
“ J- jaycee gusto ko sanang itanong kung anong label ng relasyon natin para sayo? ” Tanong niya habang nakaunan sa matipuno nitong dibdib“ H- hindi ko pa alam, basta't ang alam ko masaya akong kasama ka at nag alala ako ng husto ng malaman kong may sakit ka. ” Sagot nitong nag iwas ng tingin
“ Sinasabi mo bang hindi mo parin kayang ipaliwanag ang feellings mo kahit na dalawang beses na may nangyari sa atin? ” Puno ng hinanakit niyang tanong at bahagyang lumayo dito
“ Hindi iyon ganun, Nalilito lang siguro ako dahil sa mga nangyari. ”
“ Nalilito ka nga lang ba talaga o nagsisisi kana sa mga nangyaring ito sa atin ngayon? ” Tanong niyang pilit na pinipigil ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata
“ Kailanman hindi ko ito pagsisihan dahil ginusto ko din ang nangyaring ito sa atin ngunit natatakot ako sa maaaring mangyari sa mga susunod pang araw. ”
“ May itatanong ako at sana sagutin mo ito ayon sa nararamdaman mo. M- may nararamdaman kaba kahit konti para sakin? ”
“ Special ka para sakin at sa tingin ko nagsisimula na akong mahulog sayo. ” Sincere nitong sagot
“ Kung ganun paano ang girlfriend mo sa pilipinas? K- kaya mo ba siyang iwan para sakin? ” Muli niyang tanong
“ Hindi ko alam, sorry pero sana maintindihan mong mahaba na ang panahong pinag samahan namin ni Rhea at mahal na mahal niya ako kaya hindi ko alam kung kaya ko siyang iwan para sa ibang babae. ”
“ Malinaw na saakin ang lahat ngayon kaya wala kanang dapat pang ipaliwanag pa. ”
“ Sam alam kong mali ito pero gusto ko ding malaman mo masaya akong kasama ka at totoong naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon dahil pareho kayong importante para sakin. ”
“ Pero dapat alam mo sa sarili mong hindi pwedeng dalawa kami sa buhay mo dahil hindi ka naman sandwich na pwedeng hatiin at i share sa iba. Dapat mong maintindihan na hindi ka isang bagay na pwedeng ipahiram at kukunin nalang kung kailangan. ”
“ Mahalaga din si Rhea sakin kaya please wag mo sana akong papiliin. ”
Kusa pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi ng halos ipamukha nito sa kanya na si Rhea ang mas may laban kung sakaling papipiliin niya ito. Inakala niyang okay na ang lahat para sa kanila dahil sa pagiging sweet nito sa kanya ng mga nagdaang araw ngunit isa malaking pagkakamali na umasa siya dahil wala naman talaga siyang dapat asahan mula dito.Tumalikod siya dito upang itago ang impit na pag iyak. Hindi na niya kayang dalhin ang bigat ng dibdib dahil sa usaping iyon, isang usapin na nagpaguho ng nabubuong relasyon sana sa pagitan nilang mag asawa. Napasigok siya dahil sa labis na pag iyak kaya't inakala niyang uusisain siya nito ngunit narinig niya ang mahina nitong hilik tanda na nakatulog na ito.
“ P- paano mo nagawang matulog pagkatapos ng pag uusap nating iyon? Wala ba talaga akong halaga para sayo Jaycee? Isang babaeng desperada parin ba ako para sayo? ” Bulong niya sa isip habang walang ampat ang pag agos ng masagana niyang luha
Dahil sa pangyayaring iyon nagpasya siyang pigilin ang umusbong niyang damdamin para kay Jaycee. Alam niyang hindi iyon magiging madali para sa kanya dahil araw araw niya itong makikita at makakasama ngunit kailangan niyang kayanin para sa kapakanan niya at ng kanyang puso. Nakatulugan niya ang pag iisip dahil sa labis na sama ng loob at pa iyak.
All Rights Reserved ©
______________________________________Author's note: Hello guys! musta kayo? Kaway kaway sa mga katulad ni Sam na hinarot pero hindi jinowa😅
Ps. Vote, comment and please follow me for more kilig stories♡
Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.“ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya “ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunuk
“ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga itoMabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala “ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa“ E
Nailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niyaHinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog&
Warning: Mature content read at your own risk...- Kinabukasan - Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast. Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa
Warning! Mature content read at your own risk! Nadatnan niya ang asawa na nasa lapag at walang malay binuhat niya ito at marahang nilapag sa kama. Inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang mag hanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Matyaga niya itong pinunasan ng basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakonsensya siya sa ginawa niya dito kanina, alam niyang napahiya ito kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito ang dahilan ng pag kakasakit ng asawa niya kaya naman para makabawi ay binantayan niya ito. Antok na antok man ay naghintay parin siya sa pag gising nito, ito lang ang naiisip niyang gawin upang mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman.“ K-kamusta ang pakiramdam mo? ” Tanong niya ng magkamalay ito“ Masakit parin ang
“ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse “ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot “ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee “ Nahanap ko