Home / Lahat / Emergency couple [ Tagalog ] / Emergency couple chapter four

Share

Emergency couple chapter four

Author: hyunji8930
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-07 06:04:48

 

    Habang inaasikaso ni Elaine ang mga kakailanganin sa pag alis nila ng bansa ay abala naman ang dalawa sa kanilang secret wedding at para maitago ito sa lahat, sa ninong na judge ni Elaine sila humingi ng tulong para manatiling sekreto ang kanilang pangalawang kasal.

“ Sam okay na nga pala yung mga pinapaasikaso mo sakin. Tumawag na ako kina Ate Yhannie at kuya Jin at naki- usap ako na irent ulit natin yung Vacation house nila sa Gangman. ”

“ Maasahan ka talaga, Naeexcite na tuloy ako sa flight natin. ” Nakangiti niyang sagot sa kaibigan

“ Talaga naeexcite ka? Parang bago yata yun sa pandinig ko ahh? ” Tanong nitong napapangiti

I mean naeexcite ako sa flight natin dahil kahit paano matatahimik ang buhay ko ng panandalian. ”

“ Yeah i know, Alam ko naman na hindi ka nag tatravel sa korea dahil gusto mo duon kundi ginagawa mo itong taguan kapag nae- stress kana sa buhay mo dito sa pilipinas. ”

“ Haha, Kilala mo talaga ako Elaine. ”

“ Sus ikaw pa ba? Mag karugtong na ang mga buhay natin kaya paanong hindi ko makakabisa ang ugali mo? ”

“ Haha. Oo na, Ikaw na talaga. ”

“ Haha, Talagang ako na! Ayy Oo nga pala bago ko malimutan hiniram ko yung extra car nila nila kuya Jin para hindi na natin kailangang mag taxi hassel yun eh. Tsaka nga pala 7am ang flight natin tommorow at yung ticket nasa side table. ani Elaine ”

“ Okay thank you and sorry kasi  naabala kita ng sobra ngayon pero promise babawi ako kapag nasa korea na tayo. ”

“ Hmp, Iisipin kung may utang ka sakin at babayaran mo ako kapag nasa korea na tayo. ” Nakakaluko niyang sagot

“ Utang talaga girl? ” Natatawa niyang baling sa kaibigan

Oo utang yun kaya't humanda ka sa paniningil ko sayo. ” Nakangisi niyang sagot

“ Haha okay sige, Hihintayin ko nalang ang paniningil mo. ” Nakangiting sang ayon niya sa sinabi ng kaibigan

“ Oo nga pala nasaan si Jaycee? Sorry nga pala't hindi ako umabot sa wedding nyo natagalan kasi ako sa kinuha kong paper's. Medyo naipit pa ako sa traffic sa manila. ” Pagdadahilan nito

“ Okay lang kahit hindi ka nakarating wala namang espesyal sa wedding na iyon, Hindi man lang nga kami nag kiss. ” Kanda habang nguso niyang sagot

“ Eh bakit parang malungkot ka? Don't tell me gusto mong mag kiss kayo ni Jaycee? ” Intiresado nitong tanong

“ Ako? Malulungkot? Hindi uyy! Hmp. Naiinis lang ako kasi pinaparamdam nyang kahit konti wala siyang gusto sakin. Madalas kahit mag kasama kami pana'y ang tawag niya sa babaeng iyon at ang mas nakakainis nagpapalitan sila ng i love you over the phone habang katabi niya ako. ” Inis niyang pagkukwento dito

Ano kaba natural iyon dahil mag girlfriend and boyfriend sila. ”

“ Alam ko naman iyon ehh pero kailangan ba talagang sabihin niya iyon habang nasa tabi niya ako? Hindi man lang ba niya naisip na masakit iyon sakin bilang babae?! ”

“ Edi inamin muna rin na affected ka nga sa kanila. ” Panghuhuli nito

Halata ba talagang affected ako? ” Tanong niya habang inaayos ang kanyang facial expression

“ Hindi lang halata Sam, Halatang halata! Wag kang ngang masyadong paapekto sa babaeng yun! Remember na pag mamay- ari mo na ngayon si Jaycee dahil legal na ang wedding nyo. Ang kailangan mo nalang gawin ay paibigin sya. ”

“ Mukhang malabo yan dahil base sa nakikita ko mahal na mahal no'n ang girlfriend nya kaya nga halos ayaw akong tingnan ng lalaking yun eh. ” Walang gana niyang sagot

“ Hala! Saan na napunta ang fighting spirit mo friend? Naubos na Agad? Kala ko pa naman confidence kang mapapa ibig mo sya. ”

“ Change topic na nga. Naee- stress ako sa pinag uusapan natin eh. Ahh teka nakalimutan ko mag eempake pa pala ako. ” Pag iiba niya

“ Oyy! Tumatakas hahaha. ” Kantyaw nito

“ Bahala ka kung iyan ang iniisip mo! May gagawin pa ako kaya dyan kana. ”

“ Sam nag bibiro lang naman ako, Masyado ka namang seryoso ehh. ”

“ Kapag dumating ang lalaking iyon sabihin mong tigilan muna niya ang pakikipag flirt at mag ready na sya ng mga gamit na dadalhin nya, Ayukong ma hassel tayo kaya kailangan agahan natin bukas. ”

“ Okay po Mrs. Domingo. ” Pang iinis nitong lalo sa kanya

   Naiiling siyang pumasok ng kwarto dahil sa pangangantyaw ng kaibigan. Nagpapasalamat parin siyang may kaibigan siyang tulad nito bagaman may kakulitan ito kung minsan, lagi naman itong handang dumamay sa mga kadramahan niya sa buhay. Hindi man siya maswerte sa lalaki maswerte naman siya sa pagkakaroon ng kaibigan tulad nito.

    Habang nag lalagay sa maleta ng mga damit na dadalhin ay bigla niyang naalala ang matamis na i love you ng asawa sa ibang babae samantalang hindi niya narinig ang salitang yon kanina habang ikinakasal sila. Hindi niya maintindihan kung sinasadya ba nitong iparinig sa kanya ang mga sweet reminder nito sa kasintahan dahil wala itong kapaki pakialam sa kanyang damdamin.

  Ngani ngani niya itong kutusan para maisip nitong mag kasama sila at hindi na ito single tulad ng dati para sa ganun pakikipag landian over the phone. Hindi niya mapigilang mainis at malungkot dahil sa mga naalala kaya't wala sa loob na pinag sasalpak niyang bigla ang mga gamit sa maleta kahit hindi pa maayos ang pagka-kasalansan ng mga ito.

“ Ano nga bang aasahan ko sayo hindi ba't binayaran lang kita para pakasalan ako? ” Tanong niya sa sarili habang pinupunasan ang gilid ng mata

   Nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha kaya't pabagsak siyang humiga sa malambot na kama. Naglagay siya ng earphone sa mag kabilang tainga at isang malungkot na music ang bumungad sa kanya na lalong nag palala ng lungkot na kanyang nararamdaman.

Hindi man tama kung iisipin ngunit nakakaramdam siya ng selos at inggit sa girlfriend ng asawa. Masasabing halos nasa kanya na ang lahat ngunit bakit walang lalaking sumiseryoso sa kanya at palagi nalang siyang iniiwan ng mga ito. Bakit kailangan pa niyang mag bayad ng malaking halaga para lang pakasalan at hindi mapahiya sa maraming tao?

  Tuluyan siyang naiyak ng muling makita ang mga picture's nila ng dating nobyo na hanggang ngayon ay hindi pa pala niya na bubura. Nakatulugan niya ang pag iyak kaya naman kinabukasan ay naningkit ang kanyang mga mata hindi tuloy niya malaman kung paano siyang haharap kina Elaine at Jaycee sigurado kasing mag uusisa na naman ang kaibigan nya.

“ Good morning Sam ang aga mo ding nagising ahh 4:30 palang Halika mag breakfast muna tayo. Maaga akong nagising kaya naisip kong mag luto ng breakfast natin tatlo. ”

“ Thank's pero wala akong gana. Mag co- coffee nalang siguro ako. ” Sagot niyang pilit na ikinukubli ang pamamaga ng kanyang mga mata

“ Uyy teka! Bakit namamaga iyang mata mo? Umiyak kaba kagabi? Hindi ka naman siguro umiyak dahil inasar kita hindi ba? ” Sunod sunod nitong tanong

“ Anu kaba hindi, Napuyat lang ako kagabi kaya namaga ang mata ko. Wag mo nalang itong pansinin. Oo nga pala gising naba si Jaycee? ” Kunwaring tanong niya para maiba ang usapan

“ Hindi pa. Katukin mo na kaya para makapag breakfast din siya bago tayo umalis. ”

“  H- huh? T- teka bakit ako? ” Kanda utal niyang tanong

“ Haler! Malamang po ikaw, Ikaw ang wife nya diba? Anung gusto mo ako ang pumasok sa kwarto nya? Mamaya topless pala syang matulog rape-in ko yun ikaw rin baka mag sisi ka. ” Biro nito

“ P- pero hindi naman kami tunay na mag asawa diba kay bakit kailangan kong pumasok sa kwarto nya? Hindi natin alam baka rapepist pala ang lalaking iyan kaya bakit ako papasok sa room nya? ” Mariing tangi niya

“ Rapepist? Eh halos ayaw ka nga ka mong niyang tingnan diba? ”

“ P- pero kas--

“ Wala nang pero pero! Kung hindi mo siya papasukin duon baka malate tayo sa flight natin kaya puntahan mo na sya. ” Wika nito habang tinutulak siyang palapit sa kwarto ng asawa

   Halos tatlong minuto na siya sa harap ng pinto ng kwarto ni Jaycee ngunit hindi niya mapag pasyahan kung kakatukin ba niya ito o hindi ngunit naalala niya ang sinabi ng kaibigan na may karapatan siya bilang asawa nito kaya lakas loob siyang kumatok ngunit wala siyang narinig na sagot sa binata kaya nag pasya siyang pumasok sa kwarto nito.

 

  Tulad ng imagination ni Elaine topless nga itong matulog nalantad tuloy sa mga mata niya ang maganda nitong pangangatawan. Halos kumawala ang dibdib niya sa kaba dahil sa mga pandesal ni Jaycee na tila kumakaway sa kanya, Nanghinayang tuloy siya dahil hindi niya nadala ang kapeng tinimpla na sakto sana habang walang sawa niyang tinititigan ang mga mainit init pang pandesal ng asawa.

     Pinilit niyang labanan ang kalukohang tumakbo sa isip niya at ginising nalang ang tila mantikang natutulog na lalaki. Nakakailang tawag na siya sa pangalan nito ngunit tulog na tulog parin ito kaya't lalabas na sana siya ng kwarto ngunit laking gulat niya ng biglang may kamay na pumigil sa kanya at biglang hatakin nitong ang kanyang kamay dahilan para mawalan siya ng balanse at tuluyang matumba sa topless nitong katawan.

  Pinamulahan siya ng mukha ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan ng asawa at halos pigilin niya ang pag hinga dahil sa takot na marinig nito ang mabilis na pag tahip ng kanyang dibdib.

“ Bakit namamaga ang mata mo? Umiyak kaba? ” Seryoso nitong tanong

“ S- siraulo kaba?! Bakit naman ako iiyak? ” Pagsisinungaling niya

“ Dahil nag seselos ka tama ba ako? ” Tanong nito habang titig na titig sa labi niya bagay na lalong nagpakaba sa kanya

“ A- ang kapal ng muk--

   Pinutol nito ang kanyang mga sasabihin sa pamamagitan ng isang mabilis na halik. Saglit siyang natulala ngunit naka bawi rin kaagad kaya naisip niyang kumawala sa pagkaka yakap nito ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkaka- yakap nito sa kanya.

“ Walang hiya ka talaga! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! ” Galit niyang tanong habang binabayo ang dibdib nito

“ Masama bang yakapin at halikan ka ng sarili kong asawa? Your my wife kaya sa tingin ko walang masama sa Ginawa ko. ”

“ Bwesit na lalaking to! May pagka butterfly pala! Pag katapos makipag palitan ng i love you sa babaeng iyon ngayon ay hahalikan ako't sasabihing your my wife. ” Inis na bulong niya sa sarili

“ Oo nga naman Sam! Hehehe Sorry ang tagal nyo kasi kaya susunduin ko na sana kayo, Kakatatok sana ako kaso bukas pala yung pinto. ”

“ K- kanina ka pa ba nanjan? ” Kanda utal niyang tanong sa kaibigan

“ Haha Oo pero don't worry hindi ko naman nakita nuong hinalikan ka niya dahil pumikit ako, Tsaka pwede bang mag layo na kayo naiingit kasi ako. ” Wika nitong pinipigilang matawa

  Automatiko niyang naitulak ang asawa ng mapagtanto magkalapat parin ang kanilang mga katawan dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya.

“ Ouchh ang sakit no'n ahh. Pagkatapos kitang i comport ito ang igaganti mo sakin? ” Kunwaring reklamo nito

“ Iyan ang bagay sayo at kung tutuusin kulang pa iyan sa pang ma- maniac mo sakin! Hmp. ”

“ Ahh tara na nga sa labas lumalamig na kasi ang pagkain. ” Singit ni Elaine

“ Tara na nga Elaine, Bigla akong nakaramdam ng gutom. ” Aya niya at saka mabilis na lumabas ng kwarto

“ Akala ko ba kaya sya pumasok dito para ayain akong mag almusal? Bakit hindi man lang niya ako inaya? Pero ang galing ng ginawa mo Jaycee naka isa ka duon. ” Nangingiting bulong niya sa sarili habang dinadama pa ang malambot na labi ng asawa na dumampi sa labi niya

  Matapos mag shower ay lumabas siyang agad para makapag almusal, naabutan niyang tinutukso ni Elaine ang kaibigan ngunit bigla rin itong tumigil ng makita siya.

“ Kain na Jaycee mahirap mag byahe ng walang laman ang tyan. ” Ani Elaine

Salamat. ” Maiksing niyang sagot at saka naglagay ng pagkain sa pinggan

  Tila naging sementeryo ang dining area dahil sa nakakapanis laway nilang katahimikan. Pinigil ni Elaine ang sarili na dumaldal dahil ramdam niyang beast mode ang kaibigan at tiyak na malilintikan ang taong mang iinis dito kapag nananahimik ito.

Matapos mag almusal ay agad silang nag asikaso para sa hindi mahuli sa kanilang flight. Habang sakay ng taxi papuntang airport ay pansin niyang wala paring imikan ang dalawa kaya naisip niyang pabuksan ang radio ng taxi para kahit pano'y magkaroon ng kaunting ingay ang ang kanilang byahe.

     🎶 Kapag tumibok ang puso wala kanang magagawa kundi sundin ito, Kapag tumibok ang puso lagot kana siguradong huli ka... 🔊

  “ Manong paki patay nga po iyang radio. ” Inis na baling ni Sam sa driver

  Natawa naman siya sa inasal ng kaibigan palibhasa'y parang ito mismo ang pinapatatamaan ng kanta iyon.

All Rights Reserved ©

______________________________________

Author's note: Thank you for continue reading my story lab you guys!

Ps. Vote, comment and dont forget to follow me for more kilig story♡

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter ten

    Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.“ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya “ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunuk

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter nine

    “ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga itoMabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala “ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa“ E

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter eight

    Nailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niyaHinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog&

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter seven

    Warning: Mature content read at your own risk...- Kinabukasan - Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast. Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter six

    Warning! Mature content read at your own risk! Nadatnan niya ang asawa na nasa lapag at walang malay binuhat niya ito at marahang nilapag sa kama. Inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang mag hanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Matyaga niya itong pinunasan ng basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakonsensya siya sa ginawa niya dito kanina, alam niyang napahiya ito kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito ang dahilan ng pag kakasakit ng asawa niya kaya naman para makabawi ay binantayan niya ito. Antok na antok man ay naghintay parin siya sa pag gising nito, ito lang ang naiisip niyang gawin upang mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman.“ K-kamusta ang pakiramdam mo? ” Tanong niya ng magkamalay ito“ Masakit parin ang

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter five

    “ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse “ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot “ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee “ Nahanap ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status