Home / Lahat / Emergency couple [ Tagalog ] / Emergency couple chapter three

Share

Emergency couple chapter three

Author: hyunji8930
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-07 06:03:35

  Gulong gulo ang isip at hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag sa Ama ang fake wedding nila ng binata, bukod duon ay natatakot siyang may mangyaring masama dito sa oras na malaman nito ang buong katotohanan.

   Hindi rin niya matanggap na sa pang apat na pag kakataon ay muli siyang tinanggihan ng isang lalaki ngunit sa puntong ito'y mas nasaktan siya dahil sa pagpapamukha nito na desperadang siyang babae. Kung tutuusin wala siyang karapatang masaktan dahil totoo ang mga sinabi nito tungkol sa kanya, marahil ito rin ang dahilan kung bakit palagi siyang iniiwan ng mga lalaking kanyang minahal.

   Halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman kaya't tulad ng dati niyang ginagawa nagkulong siyang muli sa kanyang silid para mag palipas ng sama ng loob.

     Paidlip na sana si Jaycee habang sakay ng jeep papasok sa bagong trabaho ng bigla siyang kalabitin ng isang dalagitang pasahero.

“ Kuya, Kuya ” Kalabit nito sa kanya

Bakit? ” Inis niyang linggon sa dalagitang nang istorbo sa kanyang pag idlip

“ ikaw po ba yung Groom ni ate Samantha? kahawig na kahawig mo po kasi siya. ” Tanong nitong titig na titig sa mukha niya

  Naiinis siya tuwing maririnig ang pangalan ng dalaga, Madalas kasi siyang naabala sa pagtatanong ng ilang kakilala at mga taong nakaka-salubong niya sa daan. Umay na umay at pikang pika na siya sa paulit ulit na pang aabala at tanong ng mga ito na kung siya daw ba ang maswerteng lalaki na pinakasalan ng Imperial princess na si Samantha.

“ Ano ba kasi ang maswerte sa pagiging asawa ng brat na iyon?! ” Tanong niya sa sarili

“ Kuya tinatanong ko po kung ikaw ang asawa ni ate Sam? ” Pukaw nito sa isip niyang malayo ang lipad

“ A- ahh hindi ako yun. Sa totoo lang marami nga kayong nag sasabi na kahawig ko ang lalaking iyon pero hindi ako yun dahil di hamak mas gwapo ako duon. ” Pasisinungaling niya sa dalagitang kaharap

   May tinatanong pa sana ang dalagita ngunit hindi na niya ito nasagot dahil biglang nag ring ang phone nya.

“ Hello babe? Napatawag ka may problema ba? ” Tanong niya sa kasintahan 

“ Nasa ospital kami ni Tita ngaun isinugod ko siya dito dahil namilipit siya sobrang sakit ng tagiliran niya kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't pumunta kana dito bilisan mo. ”

“ O- okay sige, Wag mo munang iiwan dyan si Nanay hangga't wala pa ako okay? Hintayin mo ako papunta na ako. ”

   Halos mag kahulog siya sa pagmamadaling makababa ng jeep at mabilis na sumakay ng taxi para makarating agad ng ospital. Agad siyang nakarating sa nasabing ospital kaya't nagtungo siya sa counter para mag tanong ngunit narinig niya mula sa likuran ang pag tawag ni Rhea kaya patakbo siyang lumapit dito.

  “ Kamusta si Nanay? Anong sabi ng doktor? ” Nag aalalang tanong niya sa kasintahan habang hawak ang kamay ng tukog na ina

“ Stage two Liver cancer daw sabi ng doktor. Inadmit na nila si Tita para mamonitor at para narin sa iba pang examination. Sinabi nga din pala ng doktor na mag handa narin daw tayo ng malaking halaga para sa chemo theraphy ni tita. ” Sagot nito

  Gulat at hindi niya matanggap ang nalaman tungkol sa kalagayan ng ina. Kaya pala madalas wala itong ganang kumain at kita narin ang pag bagsak ng pangangatawan nito.

  Bigla tuloy siyang namroblema ng maalala ang sinabi ng doctor na kailangan niyang mag handa ng malaking halaga bagay na napansin ni Rhea kaya't nag alok ito ng tulong.

“ Kung wala kang pagkukunan pwede kitang pahiramin babe. ” Ani Rhea

Hindi na babe, gagawa ako ng sarili kong paraan. Ayukong isipin ng pamilya mo na ginagawa kitang Atm na hugutan ng pera. ” Tanggi niya sa alok nito

Sige kung iyan ang gusto mo, pero tandaan mo sanang nandito lang ako na handang tumulong palagi sayo huh? ”

“ Salamat babe pero this time gusto kong ipaubaya mo sakin ang problema kong ito. Ikaw muna ang kumausap sa kanila, Sabihin mong gawin nila ang lahat ng paraan para gumaling si Nanay aalis muna ako para humanap ng pera ikaw na sana muna ang bahala dito. ”

“ Wag kanang masyadong mag alala ako munang  bahala kay Tita habang wala ka. ” Sagot nito bago niya tuluyang tinungo ang palabas ng ospital

   Agad siyang umuwi ng bahay at nag mamadaling hinanap kung saan nya inipit ang isang papel kung saan nakasulat ang number ni Elaine. Maswerteng nahanap niya rin ito kaagad kaya hindi na siya nag sayang ng pa ng oras agad niyang idinail ang numero.

“ Hello? who's this? ” Tanong ng babae sa kabilang linya

“ Ms. Elaine si Jaycee ito. Gusto ko sanang mag sorry sa pagiging rude ko sainyo ni Ms. Sam before. ”

“ Its okay Jaycee may dahilan naman kung bakit ka nagalit at naiintindihan ko ang side mo. Anyway gusto ko sanang itanong kung may nagbago ba sa disisyon mo? ”

“ A- actually iyon ang dahilan ng pag tawag ko sayo. Kailangan ko kasi ng malaking halaga at ito nalang ang naiisip kong paraan makuha ko iyon. ”

“ Good dicission Mr. Domingo, Pumunta ka sa guest house kung saan tayo nag usap nuon at dito natin pag usapan ng maayos ang mga detalye. ” Iyon lang at ibinaba na nito ang linya

  Habang nasa byahe ay hindi siya mapakali dahil sa kabang kanyang nararamdaman. Natatakot siyang masangkot sa kalukohang idea nila Sam at Elaine dahil maimpluwensya ang ama nitong si Don Emilio ngunit wala siyang choice kundi makipag kasundo sa mga ito kapalit ng  malaking halaga na kanyang hihilingin.

  Nakakadagdag pa sa isipin niya ang magiging reaksyon ng kasintahan kapag nalaman nitong siya ang groom ng anak ng isang bilyonaryo na si Samantha ngunit sa pagkakataong ito'y higit na mas mahalaga sa kanya ang kalagayan ng ina.

   Matapos ang mahabang byahe ay mabilis niyang nahanap ang guest house, Magaling siya sa pagtanda ng mga lugar na kanyang napupuntahan dahil narin sa pagiging lagalag niya nuon. Hindi na siya nag sayang pa ng oras kaya't agad niyang pinindut ang doorbell.

“ May inaasahan kabang bisita? ” Tanong niya sa kaibigan

“ Oo si papa Jaycee mo. Problem solve na tayo Sam dahil finally pumayag na sya sa gusto nating mangyari. Diyan ka lang sasalubungin ko sya. ” Excited nitong sagot

“ Come in Jaycee. ” Wika nitong kay lawak ng ngiti

“ Thank you. A- ahh alam napo ba ni Miss Imperial ang tungkol sa pag payag ko? ”Di mapigilan tanong ng binata

“ Oo at Masaya dahil pumayag kana. Tara na sa loob para makapag usap tayo ng maayos. ” Aya niya sa binata na tila nahihiyang pumasok

“ Jaycee masaya ako dahil nagbago ang disisyon mo. ” Ani Sam

“ Miss Imperial pumapayag ako sa gusto mong mangyari ngunit kapalit ang malaking halaga. ” Desperadong sagot nito

“ Name your price Jaycee. ” Walang kagatol gatol niyang sagot

I need five million Ms. Imperial.

“ Five million? Ano siya Artista? ” Bulong niya sa sarili “ Ahh pwede ko bang malaman kung bakit mo kailangan ng ganun kalaking halaga? ” Kunwaring tanong niya

“ Nasa hospital ang Nanay ko, stage two cancer patience siya. Sabi ng doctor kailangan niyang mag undergo ng theraphy kaya't malaking halaga ang hinihingi samin ng hospital at wala akong mapag kukunan nun. ” Malungkot nitong paglalahad

  “ Okay. Ibibigay ko ang halagang kailangan mo pero dahil masyadong malaki ang hinihingi mo may mababago sa pinag usapan natin. Ano deal kaba? ”

“ Kahit ano gagawin ko sabihin mo lang. ”

“ Ibibigay ko sayo ang five million kapalit nuon ay totoong marriage nating dalawa. ” Taas kilay nitong saad

“ What? Hindi ba't nuong una gusto mo lang na magpanggap ako bilang asawa mo? Bakit ngayon gusto mong makasal tayo ng legal? ”

“ Hayy! Hindi mo nga pala ako maiintindihan dahil hindi mayaman ang pamilya mo pwes ipapaliwanag ko sayo. ”

“ Pwede bang ipaliwanag mo nalang ang ibig mong sabihin ng hindi nanghahamak ng ibang tao? ”

“ Okay ipapaliwanag ko sayo kaya makinig ka! Kailangang maging totoo ang marriage natin dahil malakas ang koneksyon ng Dad ko at hindi mag tatagal malalaman niyang peke ang kasal nating dalawa. ”

“ Dahil lang duon kailangan nating makasal ng totoo? Tulad ng sinabi ko nuong una may Girlfriend ako kaya mahirap naman yata iyang gusto mo. ”

“ So ayaw mo? May mapagkukunan kaba ng perang kailangan mo para sa pangpa gamot ng nanay mo? ”

  Sandali siyang natahimik dahil sa sinabing iyon ng dalaga. Bukod kasi dito'y wala na siyang maisip na pwedeng lapitan kaya't wala siyang choice kundi ang pumayag sa gusto nito. Para sa kanyang ina nakahanda niyang gawin ang lahat kaya kapit sa patalim ang gagawin niyang disisyon.

“ Grabe huh! kung mag isip ka kala mo dehadong dehado ka?! Don't worry dahil hindi kita type! At para hindi naman masyadong nakakahiya sa kagwapuhan mo after 3 years at hindi ko parin na me- meet ang lalaking para sakin ako mismo ang mag fifile ng annullment natin at malaya kana.  ”

“ Sige Pumapayag na ako. ” Lakas loob niyang sagot

“ Okay, here's the 2.5 Million after ng wedding natin ibibigay ko ang another 2.5 Million for sure lang na hindi mo ako tatakbuhan. ” Paninigurado nito

“ Walang dudang anak nga siya ng Bussinessman manang mana sa Ama ehh sigurista! ”Bulong niya sa sarili

“ Pag katapos mo nga palang ibigay ang pera ay kailangan mong bumalik kaagad. Kailangan maayos kaagad ang secret marriage natin, bukod duon kailangan natin umalis ng bansa dahil ang alam ni Dad na out of the country tayo for honeymoon. ”

“ Pero paano ang Nanay ko? Alam mo namang nasa ospital siya hindi ba? ” Kunot nuong tanong niya sa dalaga

Don't worry dahil mag papadala ako ng private nurse na mag babantay at mag aalaha sa Nanay mo habang wala tayo dito. ”

“ Salamat kung ganun. Uuwi muna ako para ihatid ang pera at kukunin ko rin ang documents at ilang gamit ko. ” Pagpapaalam niya

“ Wait, Papasamahan kita kay Elaine Mahirap na baka takasan mo Ako eh. ”

  Inis siyang lumabas ng bahay dahil sa sinabing iyon ng dalaga at tulad ng sinabi nito sumama nga si Elaine para makasiguro sila. Habang nasa byahe ay nag iisip na siya ng idadahilan kay Rhea kung saan niya nakuha ang pera at kung paano ipapaliwanag ang gusot na pinasok nya.

“ Babe kamusta si Nanay? Heto na nga pala ang perang kailangan para sa theraphy. Humingi ako ng tulong sa Boss ko kaya pinahiraman nya ako ng pera, iyon nga lang bilang kapalit ipapadala nila ako abroad kailangan daw kasi ng masipag at gwapong employee duon ehh. ” Biro niya para kahit pano'y mabawasan ang kabang kanyang nararamdaman

  “ Bakit ka naman bibigyan ng boss mo ng ganito kalaking halaga? Pwede bang sabihin mo sakin ang totoo Jaycee? ” Dudang tanong nito sa kanya

“ Rhea please mag tiwala ka sakin at wag ka sanang mag isip ng masama dahil hindi ko gawin iyon. May mga bagay lang ngayon na hindi ko pa pwedeng sabihin sayo pero sana mag tiwala ka sakin. ”

  Tumango naman ang dalaga bilang pag sang ayon sa hinihiling niya bagaman halata parin ang pagdududa at pag iisip nito kung saan niya nakuha ang ganun karaming pera.

“ Rhea kung may matuklasan ka man tungkol sakin sana piliin mo parin na mag tiwala sakin. ” Ani Jaycee

“ Mahal kita Jaycee at kahit anong mangyari sayo lang ako maniniwala. ”

“ Salamat sa pag intindi Rhea. Oo nga pala please tawagan mo ako ano man ang kailangan o sabihin ng doctor ni Nanay. ”

“ Mami- miss kita babe, Mag iingat ka sa pupuntahan mo huh? Mag focus ka sa trabaho mo at wag mo kaming alalahinin ni Tita dahil akong bahala sa kanya. ”

“ Ang swerte ko sa pagkakaroon ng girlfriend na tulad mo. ”

“ Sus aalis ka nalang nambola kapa. ” Sagot nitong kinikilig

“ Anu kaba totoo ang sinasabi ko. Oo nga pala bago ko makalimutan may private nurse akong kinuha para mag alalaga kay nanay habang wala ako kaya wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Okay?

“ Yess Sir, tatandaan ko po ang mga bilin mo. ” Biro nito at kunwaring sumaludo pa sa kanya

“ Sige babe kailangan ko ng umalis siguradong hinihintay na ako ng Boss ko. Mag iingat kayo ni Nanay huh. ” Sagot niya at saka saglit na yumakap at humalik sa nobya bago tuluyang umalis

   Hinatid nalang niya ng tanaw ang nobyo habang unti unti na itong nawala sa kanyang paningin. Hindi man niya lubos na maintindihan ang mga nangyayari ay pinili parin niyang mag tiwala sa nobyo dahil malaki ang tiwala at pagmamahal niya dito.

 

All Rights Reserved ©

______________________________________

Author's note: Thank you for reading guys!

Ps. Please vote, comment and follow me💕

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter ten

    Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.“ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya “ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunuk

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter nine

    “ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga itoMabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala “ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa“ E

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter eight

    Nailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niyaHinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog&

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter seven

    Warning: Mature content read at your own risk...- Kinabukasan - Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast. Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter six

    Warning! Mature content read at your own risk! Nadatnan niya ang asawa na nasa lapag at walang malay binuhat niya ito at marahang nilapag sa kama. Inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang mag hanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Matyaga niya itong pinunasan ng basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakonsensya siya sa ginawa niya dito kanina, alam niyang napahiya ito kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito ang dahilan ng pag kakasakit ng asawa niya kaya naman para makabawi ay binantayan niya ito. Antok na antok man ay naghintay parin siya sa pag gising nito, ito lang ang naiisip niyang gawin upang mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman.“ K-kamusta ang pakiramdam mo? ” Tanong niya ng magkamalay ito“ Masakit parin ang

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter five

    “ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse “ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot “ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee “ Nahanap ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status