Home / All / Emergency couple [ Tagalog ] / Emergency couple chapter one

Share

Emergency couple chapter one

Author: hyunji8930
last update publish date: 2020-08-07 06:00:31

  

“ Halos 1hour late na si Troy, Sam Dadarating pa kaya yun? Hindi kaya tulad nila Cyrus at Limuel ay hindi rin sya sisipot sa kasal nyo? ” Di mapakaling tanong ni Elaine

 

“ T- tama ang nasa isip mo Elaine, Kaka receive ko lang ng message nya. Hindi pa daw sya handa para mag pakasal at nagkipag split narin sya sakin. ” Hikbi niya sa kaibigan

 

  “ Nalulungkot ako para sayo pero wala silang mga kwentang tao! Tama lang na hindi sila sumipot sa kasal nyo dahil  hindi mo deserved ang mga ganung klaseng lalaki! Napaka- iresponseble nila! Lalong hindi sila dapat pag aksayahan ng luha Sam kaya wag mo silang iyakan. ” Wika nito habang marahang tinatapik ang likod niya

 

  “ Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nangyayari sakin ang mga ito. Sabihin mo nga may mali ba sakin? ” Hindi mapigilang hagulgol niya

“ Wala Sam, Wala sayo ang problema Okay? Sila ang may problema kaya pahirin mo yang luha mo dahil hindi ikaw ang nawalan kundi sila. ”

 

    Masama man ang loob sa mga nangyari pinili nya paring sundin ang payo ng kaibigan. Naisip kasi niyang tama ito at kung tutuusin nasanay narin siya sa ganitong pangyayari kaya naman hindi na siya masyadong apektado bagaman natapakan ulit ang kanyang pride bilang babae.

  Natigil sila sa pag uusap ng tumunog ang phone niya at nanlaki ang kanyang mata ng mabasa ang message ng Ama.

  “ Elaine parating na daw si Dad in 30 minutes. Anung gagawin ko? ” Tarantang tanong niya sa kaibigan

 

“ Oh my God! Paano nato? Tiyak na Magagalit na naman si Tito Emilio kapag nalaman nyang cancelled ulit ang wedding mo Sam. ”

 

“ May naisip akong Plan pero hindi ko alam kung uubra to Pero bahala na. ”Sagot nito habang lumilinga sa paligid na tila may hinahanap

    

   Malungkot na nag lalakad pauwi si Jaycee dahil bagsak na naman siya sa enterview sa kompanyang kanyang inaapplyan. Nasayang tuloy ulit ang mala executive niyang porma ngayong araw. Kailangan kailangan pa naman niya ngayon ng trabaho dahil may sakit ang kanyang ina. Busy siya sa pag sesearch ng online job ng biglang may kamay na pumigil sa kanya braso kaya naman nilingon niya ito at medyo nagulat siya dahil isang magandang babaeng naka wedding gown ang may ari ng kamay na iyon.

  “ A-ahh Miss may kailangan kaba? ” Takang baling niya dito

  “ O- oo ano k- kasi, Ahh kailangan ko ng Groom. ” Kanda utal nitong sagot sa binata

  “ Kailangan mo ng Groom? Pwede bang linawin mo hindi ko kasi maintindihan kung anong pwede kong maitulong sa problema mo. ” Naguguluhan niyang tanong sa babaeng kaharap

  “ Ang ibig sabihin ng kaibigan ko, Nag hahanap kami ng talent bilang Groom niya. Nag sho- shoot kasi kami for music video. Gusto mu ba? ” Sabat ng isa pang babae

“ Oo tama! Actually siya ang assitant director ng sino- shoot namin ngayon, Kailangan kailangan na namin maka kuha ng talent para sa Groom dahil ngayon araw na ang deadline of submission. Hindi kasi sumipot yung talent na kinuha namin kaya baka pwede ka? Parating na kasi si derik Emilio tiyak na magagalit iyon kapag nalaman niyang hindi pa settled ang lahat kaya please pumayag kana. ” Pakiusap nito sa kanya

Sorry pero wala akong alam sa ganyang trabaho kaya tingin ko'y hindi ko kayo matutulungan. ” Kunwaring tangi niya para mag alok ito ng malaking halaga

“ Mataas kami mag bayad ng talent fee. ” Habol nito ng akmang tatalikod na siya

  “ Okay tara na! Simulan na natin. ” Mabilis niyang sagot

Tingnan mo tong lalaking ito nakarinig lang ng malaking talent fee ang bilis mag bago ng isip! ” Bulong niya sa isip habang tinitinggnan ang lalaking muntik pang matalisod sa pagmamadali

Ahh teka, Ano nga pala ang kailangan kong gawin? Wala pa akong experience sa ganitong trabaho kaya pwede bang ipaliwanag nyo muna sakin ang mga gagawin ko? ” Tanong niya sa mga ito

“  Well Ganito. Wala tayong script kasi kailangan natural ang mga eksena. Kailangan ipakita nyong dalawa na inlove kayo sa isat isa. Mag imbento nalang kayo ng mga sasabihin sa vow, Siguro naman nakapanuod na kayo ng ikinasal sa tv.? Gayahin nyo nalang yun okay? Basta ang importante maging kapani paniwala at makatotohanan ang kasal na ito. ” Seryoso nitong sagot

“ Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung kaya ko ang pinapagawa nyo pero susubukan ko parin. Sana lang makatulong ako at hindi lalong makasama. ”

 

“ Basta maging natural kalang at mag kunwaring inlove sa magandang bride mo para maging kapani- paniwala at maganda ang kalabasan ng shoot natin. Tsaka sayang naman yung OOTD mo today atleast di na kami mahihirapan mag hanap ng costume mo. ”

   “ Okay. Pero wala ba talagang script baka kasi mag kamali ako? ” Muling tanong niya sa nagpakilala assitant director na babae

  “ Wala. Hindi kami nag ba- base sa script. Mas okay kasi kapag hindi scripted ang isang shooting. Basta't sundin mo lang ang mga sinabi ko kanina im sure na magiging maganda ang kalalabasan ng shoot natin. ”

“ Ahh Jaycee domingo nga pala ang name ko at ikinagagalak kong makilala kayo. ” Pagpapakilala niya

Im Elaine, Nice to meet you Jaycee. By the way this is Samantha but you can call her Sam for short. Anyway thank you dahil pumayag ka sa alok namin. ” Nakangiti nitong sagot

  Tumango na lamang siya bilang sagot bagaman nag tataka kung bakit walang siyang mga bagay na nakikita para sa pag sho- shoot ng pelikula ay hindi na niya ito pinansin. Naisip niyang trabaho na ang lumapit sa kanya at malaki rin ang offer ng mga ito sa kaya hindi na niya ito tatangihan pa.

  Iniwan niyang nag uusap sina Jaycee at Sam habang pasimple naman niyang inalis ang mga bagay na may kinalaman kay Troy tulad nalang ng picture nila ni Sam sa gilid ng pinto ng simbahan.

“ Mag sstart na tayo in 5 minutes so be ready. ” Tawag pansin niya sa dalawa na mukhang nagkakapalagayan na ng loob

   Maya maya pa'y sinimulan na ang kasalan. Nag umpisa na ang pari sa kanyang mga sermon at paalala para sa dalawang ikakasal Nag tanong din ito kung handa ba silang mag sama sa hirap at ginhawa sa lungkot o saya at tulad ng demand ni Elaine sinagot nila ito ng maayos at kapani paniwala.

Napansin niyang pati ang pari na nag kakasal sa kanila ay in character din pati narin ang bride niya kaya naman para hindi siya mapahiya mas pinag buti niya ang paarte.

  Maayos at kapani- paniwala ang kasalang nagaganap kaya't masaya si Don Emilio dahil sa wakas ay natupad narin ang kanyang hiling para sa anak. Matapos ang palitan ng vow nila Jaycee at Sam ay Nag tanong na ang pari.

“ May tumututol ba sa kasalang ito? ” Tanong nito habang naghihintay na maymagtaas ng kamay

  Kabadong luminga si Elaine sa paligid. Natatakot siyang baka biglang sumulpot si Troy at sabihing siya ang tunay na Groom ni Sam at hindi ang lalaking kasama nito sa altar.

  Muling nagpatuloy ang pari ng makitang walang tumututol sa kasalang iyon.

“ Dahil sa pagmamahal na nakikita ko sa mga mata ninyo. Idinidiklara kong kayo ay kasal na. ” Nakangiting saad ng nito

  Nagulat naman silang dalawa sa sinabing iyon ng pari. Siguro'y sobrang in charater sila kaya inakala nitong totoong mahal nila ang isa't isa.

  “ You may now kiss the bride. ” Muling saad nito

 

   Tumitig muna siya na tila nag tatanong kung okay lang sa dalaga na sundin ang sinabing yun ng pari. Ngumiti naman ito ng buong tamis, hudyat iyon ng pagpayag nitong halikan sya. Kinakabahan man ay pinilit niyang maging natural at marahan inilapit ang mukha niya sa dalaga para abutin ang malambot at natural na mapula nitong labi.

Isang malakas at mahabang palakpakan ang pumutol sa halik nilang dalawa na tila naenjoy nilang parihas.

  “ Hello Neil bakit napatawag ka? Nasa wedding ako ng kapatid mo, Bakit nga pala wala ka dito? ” Tanong ni Don Emilio sa panganay na anak

“ What do you mean Dad? Natuloy ang kasal ni Sam and Troy? ”

“ Who's Troy? Jaycee ang name ng Groom ni Sam. Tsaka bakit parang gulat na gulat kang natuloy ang kasal ng kapatid mo? Hindi kaba masaya for your sister? ”

“ No Dad, Of course im happy for her. Actually nasa mall ako ngayon nag-hahanap ng gifts for her wedding. ” Paliwanag nito sa ama

“ Okay, Akala ko nalimutan mo ang wedding ng kapatid mo eh, By the way Let's talk later tapos na kasi ang wedding babatiin ko lang ang mga newly wed. ”

“ Okay Dad. ” Maiksing sagot nito

     Palabas na sila ng simbahan ng salubungin sila ni Don Emilio para batiin. Niyakap nito ang kanyang bride at tinawag na Anak bagay na ipinagtaka niya. Nakipag kamay din ito sa kanya at sinabihang “ Welcome to our family ” Naguguluhan man sa  mga kaganapan ay inisip nalang niyang kasama pa ito sa shoot.

  Matapos ang kasal ay mabilis silang sumakay sa kulay puting kotse na napapalamutian ng ibat ibang bulaklak at laso. Nang mapag solo sila ay halos walang gustong mag salita isa man sa kanila dahil sa ilang sa pagitan nilang dalawa ganunpaman ay sinikap ni Jaycee na labanan iyon kaya siya na ang bumasag sa nakakabinging nilang katahimikan.

  “ A-ahh Miss Sam sorry kanina huh. Sabi nyo kasi gawin ko lang yung ginagawa ng mga normal na kinakasal eh. tsa--  ”

  

“ Okay lang kasama yun sa shoot at congrats ang galing mo, Napaniwala mo si Dad E- este si derik pala. Oo nga pala ito na yung talent fee mo. ” Sagot nito sabay abot ng isang envelop na pera

 

  “ Salamat, Malaking halaga ito at Sa totoo lang kailangan ko talaga ng pera ngayon eh. May sakit kasi ang nanay ko at kailangan ko mabili ang gamot nya. Salamat talaga dahil hindi man ako naka pasa sa enterview ko ngaun nag offer naman kayo ng trabaho at mas malaki pa ang kinita ko. ”

“ Wala yun. Kung tutuusin sinave mo ako today kaya thank you talaga. Ahh saan ka nga pala nakatira ipapahatid narin kita. ” Alok nito sa kanya

“ Ahh Hindi napo Miss Sam. Medyo makalat sa bahay nakakahiyang makita mo pa yun. Dyan nalang ako sa kanto lalakarin ko nalang pauwi malapit narin naman ako samin. ” Tanggi niya

“ Okay. Thank you ulit and bye one day Groom. ” Nakangiting kaway nito habang paalis siya

  Masayang tinatanaw ni Sam ang binatang papalayo sa kanyang kinaroroonan nang biglang mag ring ang kanyang phone.

“ Hello Sam? Mag kasama paba kayo ngaun ni Jaycee? ” Tanong ng kaibigan sa kabilang linya

“ Hindi na, Nakauwi na siya kailangan nya pa daw bumili ng gamot ng nanay nya. Oo nga pala salamat sa idea mo kanina, You save my day friend. ”

“ Wag ka munang mag thank you dahil may mas malaki pa tayong problema. Haist! feelling ko lalo pa kitang ipinahamak eh. ”

“ Ano bang pinahamak? Linawin mo nga naguguluhan ako sayo eh. ”

“ Si Tito Emilio kasi Nag pa enterview about sa wedding mo. Nag bigay din sya ng picture at video nyo ni Jaycee sa mga Press na ngaun ay kumakalat na sa mga social media at naka publish narin sa mga newspaper. ” paliwanag nito

“  Oh eh anong masama duon? Happy lang si Dad dahil finally kasal nako. ”

“ Loka loka kaba o slow kalang talaga? Kumakalat na ngayon ang wedding picture's at video nyo at kapag nakita yun ni Jaycee malaking problema to naintindihan mo ba? ”

“  Ayy! Oo nga. Haist! Bakit ba hindi ko agad naisip yun? Teka pano na? Anong gagawin natin? May naiisip kabang idea? Tulungan mo ako please. ” Pakiusap niya

 

“ Hiningi mo ba ang contact number ni Jaycee o kaya address man lang? ”

“ Hindi eh. Hindi ko naman kasi naisip na kakailanganin ko pa sya ulit. Hay hindi talaga ako nag iisip! ” Paninisi niya sa sarili

“ Haha. Wala ng bago duon Sam. ” Natatawang sagot nito

Ang bad mo sakin kainis ka! ” Kunwaring pagtatampo niya dito

Haha. Ikaw naman nagbibiro lang ako kaya wag kanang mag tampo okay? ”

“ Oo na! Pero pwede bang tulungan mo muna akong hanapin sya? Kaso saan natin sya hahanapin ngayon? ” 

“ Wag kanang mag alala natandaan ko naman ang full name nya kaya pwede natin syang hanapin through social media. Mag kita tayo sa guest house nyo sa Tagaytay duon natin pag usapan ang gagawin nating plano. ”

  “ Okay. Mag kita nalang tayo duon. ”

  Hindi niya maintindihan dahil may tuwa siyang nakakapa sa dibdib ng malamang magkikita silang muli ng kanyang one day groom.

All Rights Reserved ©

_____________________________________

Author's note: Hello guys! Sana nagustuhan ang second baby ko💕

Enjoy reading po thanks!

Ps. Please vote, comment and follow me.   Labb you guys!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter ten

    Tulad ng kanilang napag kasunduan ginising nila si Elaine para simulan ang kanilang second ceasefire celebration. Nakahanda na ang mga foods na inorder nila at naka assemble narin ang tent malapit sa garden kung saan sila unang nag celebrate ni Jaycee.“ Wooahh! Ang dami nating foods ahh? ” Bungad ni Elaine na tila natatakam na sa mga pagkaing nakalatad sa lameseta“ Haha. Dinamihan ko talaga ang pag order alam ko kasing matakaw ka. ” Natatawang sagot niya “ Haha buti naman kasi more food more fun tsaka isa pa ayukong nabibitin sa pagkain kapag may mga ganitong celebration. Oo nga para hindi maging boring may suggestion ako. ”“ Sige ano yon? ” Magkapanabay nilang tanong“ Haha, how sweet naman, sabay pa talaga kayong sumagot huh. ” Panunuk

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter nine

    “ Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako? ” Himutok niya habang hinahap sina Sam at Jaycee“ Huwaaw! Ang sweet naman parang kahit langgam mauumay sainyo. ” Bungad niya sa mga itoMabilis ang ginawa nitong paglayo kay Jaycee na naging dahilan upang mahulog ito sa kama.“ Ouchh! Haisst, ang sakit naman. ” Reklamo nito habang hinihimas himas ang bahagi ng katawan na tumama sa lapag“ S- sam okay ka lang ba? ” Tanong nitong halata ang pagka bigla at pag aalala “ Wag kang mag alala madalas siyang mahulog sa kama dahil malikot siyang matulog. Ngayon pwede nyo na bang ipaliwanag sakin kung anong ibig sabihin nito? ” Pang iintriga niya sa dalawa“ E

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter eight

    Nailampungatan siya ng biglang mag vibrate ang phone ni Sam na nasa side table ng kanilang kama ngunit hindi niya makita ang caller ng asawa dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Gusto sana niyang malaman kung sino ang tumatawag na iyon ng dis oras ng gabi ngunit hindi niya ito tinangkang pakialam dahil baka magalit ito sa kanya kaya ginising na lamang niya ito.“ Sam may caller ka. ” Panggigising niya dito“ Hmmm? ” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi niyaHinayaan nalang niya ito bumalik narin sa pagtulog ngunit muling nag vibrate ang phone nito.“ Sam yung caller mo ayaw tumigil sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin niya. ” Muling panggising niya dito ngunit ngayon ay bahagya na niya itong niyugyog&

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter seven

    Warning: Mature content read at your own risk...- Kinabukasan - Nagising siyang katabi si Sam habang nakaunan ito sa kanyang braso, marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay nag tungo siya sa kitchen para ipag luto ang asawa na hanggang ngayon ay tulog parin marahil ay napagod ito sa eksena nila kagabi at tiyak na mananakit ang katawan nito pag gising kaya naman naisip niya itong ipag luto ng breakfast. Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niya nuon na liberated ito dahil lagi itong laman ng iba't ibang balita tungkol sa mga naka relasyon nito, bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya ang kanilang pamilya. Hindi tuloy niya mapigilan mag isip na espesyal siya para sa

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter six

    Warning! Mature content read at your own risk! Nadatnan niya ang asawa na nasa lapag at walang malay binuhat niya ito at marahang nilapag sa kama. Inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang mag hanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Matyaga niya itong pinunasan ng basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakonsensya siya sa ginawa niya dito kanina, alam niyang napahiya ito kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito ang dahilan ng pag kakasakit ng asawa niya kaya naman para makabawi ay binantayan niya ito. Antok na antok man ay naghintay parin siya sa pag gising nito, ito lang ang naiisip niyang gawin upang mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman.“ K-kamusta ang pakiramdam mo? ” Tanong niya ng magkamalay ito“ Masakit parin ang

  • Emergency couple [ Tagalog ]   Emergency couple chapter five

    “ Koreaaaa im here again!.. ” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse “ Hoy! Anu kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo dito nag kakaganyan ka hindi ka parin ba nag sasawa? ”“ Hindi parin friend at hinding hindi ako mag sasawang mag travel sa korea. Alam mo namang korea is life for me ehh. ” Nakangiti nitong sagot “ Kung ganun bakit hindi ka nalang mag pa petition kina kuya Jin at ate Yhannie? Actually maganda talaga dito pero ang hirap naman makipag commiunicate sa mga tao dahil hindi naman tayo marunong ng langguage nila. ”“ Ano kaba madali nalang yun tsaka Alam mo namang nandito lahat ng mga Oppa ko, Sus palibhasa nahanap mo na yung sayo eh. ” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee “ Nahanap ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status