공유

Chapter 8

작가: Rhan Jang
last update 게시일: 2020-07-29 14:47:05

Point of view

-Nico Demontesillo-

Sobrang daming pulbo ang nilalagay nila sa aking mukha ngayon, para bang mukha na akong espasol sa puti ng muka ko

nandito kami ngayon ni Nikka sa dressing room unang araw ng contest at sobra ang kabang nararamdaman ko

hindi ito dahil sa contest ahh, kundi dahil kay Ms. Andy na kalaban namin sa contest nakakainis bakit ganun? bakit kase sya sumali eh ano bang trip nya

"Nico?"

biglang naputol ang pag iisip ko ng marinig ko ang boses ni Nikka sa likod ko

"Ah Nikka-"bigla nalang akong napahinto sa sasabihin ko nung nilingon ko sya,

sobrang ganda nya sa suot nyang white dress at nakataas ang buhok nya, masasabi kong para syang prinsesa

"Nico ayos lang ba ang aking itsura?"

matipid syang ngumiti sa akin na lalo nyang kinaganda, kaya sumagot nalang ako

"I said yes, you look wonderful tonight de jwk lang hehe ang ganda mo Nikka"tsaka ko ngumiti

"Salamat"sa ganda kong to sigurado kong matatalo ko ang Andy na yun, bwisit sya lagi nalang akong pang second sa kanya hmm tingnan nalang natin kung manalo sya sakin ngayon hehehe

luh! guni-uni ko lang ba yun? o talagang na-ririnig kong nag sasalita mag-isa si Nikka?, tsk.tsk. nabaliw na ata

***********

Contestant no. 21

nag simula na ang contest para sa modeling, yung dress at suit ang i momodel naku naku hindi naman ako marunong neto wala nga kong alam sa fashion tsk. ano ba yan

nakita ko si Ms. Andy na ang ganda din sa Red dress nyang suot, pero hindi na ko nagulat kase naman lagi ko syang kasama at lagi kong nakikitang kung ano ano ang suot nya, kahit nga wala syang suot nakikita ko din eh- ay teka? sinabi ko ba yun? hala

umiling iling nalang ako sa kung ano anong kalokohang naiisip ko, nahihibang na yata ako

pag tingin ko kay Ms. Andy nakatingin din pala sya sakin at nan ninisik ang mga mata nya, bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba kaya umiwas agad ako ng tingin

grabe talaga ang demonyita instinct ni Ms. Andy tsk.tsk.

nag simula na kaming mag model ni Nikka at naging maayos naman iyon, nag lakad nadin yung ibang contestant at nung sila Ms. Andy na yung mag lalakad bigla ko naramdaman yung kamay ni Nikka na hinawakan ang kamay ko napatingin tuloy ako sa kanya

"Ate Andy!"

laking gulat ko ng marinig ko ang sigaw ng mga kapatid ni Ms. Andy at may narinig din akong lagabag sa stage kaya bumalik ang attention ko sa stage

nakita kong nadapa si Ms. Andy, luh anong nangyare dun?

lalapitan ko sana sya dahil mukang nasaktan sya, pero hindi ko nagawa dahil hinigpitan ni Nikka ang hawak sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya

"Hindi ako nag-kamali ng pag pili sayo Nico"

narinig kong sabi ni Nikka na talagang gumulo sa isip ko

***********

next round ng contest nag-pakita naman kami ng talent anong talent ko?

syempre nag recite ako ng tula hehe yung paborito kong tula at nag kwento ako ng Novel, ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko nakatulog yata ang mga audience

sumunod si Nikka na kumanta naman, at yung ibang school representative na nag pakita din ng kanilang talent

huling huli sila Ms. Andy pareho silang sumayaw pero kakaiba yung sayaw nila parang doxology

napakuyom ang kamay ko sa galit ewan ko ba kung bakit ako na gagalit, basta nakakaramdam ako ng galit dahil nakikita ko na namamantala yung escort ni Ms. Andy, minsan nakikita kong hinahawakan nya yung legs ni Ms. Andy at mayamaya pa hahawakan nya yung dibdib, sarap sapakin ng nguso ng lalakeng ito ahh

alam kong napapansin din ito ni Ms. Andy kaya ini-iwas nya ang kaniyang katawan pero ang walang-hiya humahanap nang paraan para maka chansing sa Andy ko!

ah? sinabi ko bang Andy ko? erase-erase jwk lang yun

napatingin ulit ako sa stage nung makarinig ako ng malakas na sampal yata yun

at nakita kong nakataas ang kamay ni Ms. Andy at sinampal nya yung lalake

"Sumosobra ka na huh!" narinig kong sabi ni Ms. Andy

"Ms. Andy Fortallejo what's happening here?"

"Isn't obvious sir? this guy is molesting me!"

"But you are the one who choose this guy?"

natahimik lang si Ms. Andy at napangisi nalang yung lalake

"Oh c'mon Andy alam ko namang nag-eenjoy ka sa ginagawa kong pag-hawak sayo"

ang hayop na lalakeng yun nakuha pang mag-salita nang ganun kay Andy!

nakita ko ang masamang tingin ni Ms. Andy sa kanya pero mukang hindi naman sya natinag

natapos na ang sayaw nila at sabay na silang bumaba, kitang kita ko padin ang inis sa muka ni Ms. Andy

"Nico ano ba?"

"Huh?" bagla akong napatingin sa may gilid ko ng marinig ko si Nikka na mag salita, ay nandito pala sya?

"Kanina pa ko usap ng usap dito parang hindi ka naman nakikinig eh"

"huh? ah so-sorry Nikka he-he" pautal-utal at kumakamot ng ulo, hehe hindi ko naman talaga napansing nag sasalita sya

"ano ba bitawan mo nga ako!"

nabaling nanaman ang attention ko sa gawi nila Ms. Andy nung sumigaw sya, at kitang kita ko yung pag hihila sa kanya nung escort nya, bakit kaya?

"Sumama ka muna sakin mag uusap tayo"sabi nung escort ni Ms. Andy

"Pweh! wala tayong dapat pag usapan"

kitang-kita ang inis sa muka nung lalake, tapos nakita ko pang iniangat nung lalake yung kamay nya sa ere akmang sasampalin nya si Ms. Andy sa inis

at ang huli kong natatandaan?

nasa harapan na ko ni Ms. Andy at hawak-hawak ko na yung kamay nung lalake para pigilan sya sa balak nyang gawin,

wahh! eto nanaman ako feeling Knight and shinning armor nanaman ako tsk. bakit ba takaw gulo talaga ang babaeng to kahit saan ba naman?

"Hoy wag kang mangealam dito " rinig kong sabi nung lalake tsaka nya hinila yung kamay nya

"tol hindi ganyan ang pag trato sa babae"sabi ko sa kanya na may halong angas, nakakainis na sya eh

"bakit huh? anong alam mo eh isa ka lang namang nerd na aso ng mga Fortallejo"

parang dart yung tumama sa utak ko may point sya dun, bakit nga ba ko na ngengealam tsk. nasanay na ata ako na pinoprotektahan ang magkakapatid na to

"He's my personal body guard kaya sya nandito" sumingit bigla si Ms. Andy sabay yakap sa braso ko

"and after all.. He's my boyfriend " sabay ngisi nya,

what the? lahat ng tao sa auditorium nakatingin samin dahil sa sinabi nya, ano ba yan pati ba naman dito mag-papanggap padin kami? akala ko ba move on na sya sa pag-papanggap na yan, at akala ko sa harapan lang ng mga friends nya kami mag-papanggap loka-loka talaga

nakita ko ang inis sa mukha nung lalake, at pagkatapos naramdaman kong hinila na ko ni Ms. Andy palabas ng auditorium

*********

"Oi! bakit hindi ka lumaban huh! akala ko ba matapang ka!"

heto nanaman kami na sesermonan nanaman ako ng amo ko

nandito kami sa isang bakanteng classroom at dito nya ko sinisigawan

"eh kase tama naman sya ng konte"

"so ganun nalang yun ano ka duwag?"

"hindi ah! kaya nga ako pumunta dun para protektahan ka eh"

"hindi ko kaylangan ng proteksyon mo"

nag cross arm sya at sumandal sa pader

"Kaya ko ang sarili ko Nico Demontesillo"

parang nainsulto ako ng konte sa sinabi nya, na parang hindi na nya ako kaylangan, pero dapat matuwa ako diba? atleast hindi na nya ako slave

"kaya mo naman pala ang sarili mo eh eh di hindi mo na ko kaylangan"

tumalikod ako at akmang aalis na

"Your my slave remember! at hindi pa natatapos ang school year kaya gampanan mo ang role mo"

humarap ako ulit sa kanya, at ngayon seryoso na ang muka ko

"I don't want to be your slave anymore Andy"

hindi ko alam kung bakit parang may takot sa mata ni Ms. Andy dahil sa sinabi ko,

tumalikod nalang ako ulit at naglakad

"stop right there Nico!"

hindi ako tumigil sa pag-lalakad

"I said stop!"

parang nanginginig ang boses nya na parang naiiyak sya sa pag sigaw nyang yon kaya napalingon ako, hindi ako nag kamali umiiyak nga siya

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya

"ikaw eh nakakainis ka!"

"huh? pa-ano ko nakakainis?"

"nakakainis ka kase sumama ka sa Nikka na yun, sa malanding iyon!"

hindi nalang ako nag salita sa sinasabi nya at hinayaan ko sya mag salita

"nakakainis ka kase pwede namang ako yung i escort mo hindi sya!"

"eh ayaw mo ngang sumali diba! at wala naman talaga kong balak sum-"

"shut up!!" ang diin ng pag-kakasigaw nya sakin grabe sya,

"nakakainis kase ayokong may kasama kang iba nakakainis kase hindi mo ko pinapansin pag kasama mo sya! pero mas nakakainis dahil naiinis ako sayo at hindi ko alam kung bakit!"

hindi ko alam kung bakit parang may kumalabog sa aking dib-dib dahil sa mga sinabi nya pero isa lang ang alam ko

masaya ko sa mga narinig ko, nginitian ko sya habang medyo malayo ako sa kanyang kinaroroonan, kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha habang umi-iyak

"anong ni ngingiti ngiti mo jan aso ka!"

lalo akong napangisi dahil ang kyut-kyut nya magalit

"Letche!" bigla syang tumalikod sakin

"Palibhasa wala kang-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya, agad ko syang nilapitan at pinaharap sa akin,

hinawakan ko ang mag-kabila nyang pisngi at mabilis na nilapat ang aking labi sa kaniyang labi

ewan ko kung anong pumasok sakin at bakit ko ginawa ang bagay na iyon tsk. pero kitang-kita ko ang gulat sa mata ni Andy

At konting sandali pa pumikit na din siya

hindi ako sigurado pero isa lang ang alam ko

Aaminin kong mahal ko na nga si Ms. Andy Fortallejo.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status