MasukPoint of view
-Kelly Fortallejo-
"bakit? bakit mo to gagawin sakin Kelly?"
"Isa lang naman ang dahilan, dahil ayoko na sa iyo" sabay flip ng hair ko at tiningnan siya nang masama
"pag-katapos ng lahat? makikipag break ka lang sakin ng ganun-ganun lang?"
halos lumuhod na ang lalakeng ito sa pag-mamakaawa sa akin, pinipigilan niya akong makipag-break sa kaniya, well actually para sakin lahat ng lalake may expiration date at ang date nya ay expired na
"Look Daniel" hinawakan ko ang muka nya at ikinapula nya ito
"Break na tayo. gusto mo spell ko pa? B-R-E-A-K N-A T-A-Y-O gets mo na?"
sabay binitawan ko ang muka nya at umalis na ko, iniwan ko sya duon sa may fastfood na umiiyak at nakayuko
I just love seeing guy crying it makes me a super women
"Manong baka pwede namang babaan nyo yung presyo nito oh, hmm 50 nalang"
"hindi pwede iho 90 nga benta ko jan eh"
"sige na manong suki naman ako eh 55 sige na"
kumunot ang noo ko sa nakita kong pakikipag debate ng isang lalake sa tindero dito sa mall, seriously nasa mall kami tapos tumatawad sya? sana sa palengke nalang sya bumili
akmang aalis na sana ko pero nung natingnan ko yung itsura nung lalake naalala ko kung sino sya
"Aba si Nico yun ahh, yung alila ni ate Andy, hmm"nilapitan ko sya at nag pamewang
"look who's here naliligaw ka yata Nico the genius"
"huh?" napatingin sya sakin na parang walang muwang na bata, habang hawak hawak nya yung bagay na gusto nyang bilhin
"Ahh ikaw pala Ms. Kelly" yun lang ang sinabi nya sabay tingin ulit dun sa hawak nya, tumaas naman ang kilay ko sa ginawa nya kaya inagaw ko yung hawak hawak nyang item ewan ko parang dress yata yun or bistida, nagulat sya sa ginawa ko
"Manong magkano to?"
"90 lang po Ms."
"Ahh Ms. Kelly type nyo din po ba yan?"tanong ni Nico na parang nanghihinayang pa dahil kinuha ko yung dress, gosh hindi naman ako bibili ng ganito ka cheap na damit, tiningnan ko nalang sya ng masama at kumuha ng pera sa wallet ko
"Heto po manong..."
Tapos ibinigay ko kay Nico yung dress, 90 pesos lang hindi mabayaran? anu ba!!
"Hoy Nico hindi ko naman alam na bading ka pala, sayang cute ka pa naman" sabay flip ng hair ko at nag cross arm
"Ahh hehe para po kay nanay to Ms. Kelly birthday nya kase ngayon"
nagulat ako sa sinabi nya, hmm napaka drama pala nyang lalake
"ahh Ms. Kelly salamat po pala"
"That's nothing" nung akmang aalis na ko bigla nya kong tinawag
"Ms. Kelly daan muna kayo sa bahay kung gusto nyo, nag handa po si nanay"
He sounded like a serpant soo disgusting, well wala naman akong ginagawa kaya okay lang naman siguro, napatingin ako kay Nico at mag sasalita na sana ng biglang natanaw ko yung exboyfriend ko kanina sa hindi kalayuan sa may likod nya, ano nga bang pangalan nya?? oh whatever, ang sama ng tingin nya kay Nico kaya may naisip akong magandang plano
Nilapitan ko si Nico at hinawakan ko sya sa braso na parang couple at malanding pumulupot sa kanya, naramdaman ko namang ikinagulat nya ito
"Te-teka Ms. Kelly"
"lets go honey" sabay hila sa kanya na parang walang narinig, hinabol ko pa nang tanaw yung lalakeng ex ko kanina, at nakita ko yung pag liyab nya sa galit hehe, I'm enjoying this
*********
pag-dating namin sa parking lot, binitawan ko na sya
"Ms. Kelly hindi naman po yata yung ginawa nyong pag papaselos sa kanya"
"What?" sarcastic kong sabi
"Hindi po ako bobo para hindi mapansin yung lalake sa likod natin kanina"
Sumiryeso yung tono ng boses nya na para bang maling mali ako
"Wala kang alam Nico so just shut up, now where's your car?"
"Ca-car?"
"Oo car, Kotse"
"wa-wala ako nun Ms. Kelly"
tumaas nanaman ang kilay ko sabay ikot ng mata ko,
"Your pathetic"
hinila ko nalang sya papunta sa aking kotse at pinasakay, nagulat sya sa aking ginawa, pero hindi ko na yun pinansin at pinaandar na yung kotse
**********
Naka-upo ako ngayon sa isang matigas na kahoy na tinatawag nilang upuan, yeah yeah nandito ko sa bahay ng alila ni Ate Andy,
naka cross arm ako habang aligaga ang mommy nya sa pag aayos ng lamesa
"ija gu-gusto mo ba ng juice?" biglang tanong sa akin ng mommy ni Nico na parang kinakabahan
"Water nalang po tita"ningitian ko naman sya, may manners naman ako sa matatanda nuh
but this place oh my gosh, bahay pala to?
"Ms. Kelly pasensya ka na sa bahay namin huh hindi kalakihan hehe"
"Yeah whatever,"at tumingin nalang ulit sa paligid ko, nakita ko yung mga picture frame nila sa may gilid, isang kumpletong pamilya, napangiti ako saglit pero nakaramdam din ako ng lungkot, now that I think about it, we never had a family picture ever since, oo nga, sa sobrang busy nila mommy at daddy puro nalang kami selfie, actually I never had a quality time with mom and dad, I grew up with my maids ako ang pangalwa sa magkakapatid na Fortallejo
"Ms. Kelly" naputol nalang bigla ang pag-iisip ko nang dumating si Nico sa harapan ko at inaabot ang spagheti sakin
"Thanks"at kinuha ko yun,
"Anak nilagyan mo ba yun ng maraming cheese?
"opo nay parang isang buo yata nailagay ko"
"loko ka talaga baka naman umalat na yun"
Napangiti ako sa pag kukulitan nila mag nanay, Well masasabi kong naiinggit ako sa kanya, at sinimulan ko ng kainin yung binigay nya,
Pfft. ang dami ngang cheese.
napatingin ako sa may kusina nila nung marinig ko ang pag ring ng cellphone ni Nico
"Andy?!"
Andy?! si Ate Andy ba tinutukoy nya? kaylan pa sila naging close?
"nasan ka na ba? prepared na yung pagkain"
walang modo na sya makipag usap sa ate ko huh
"Sige sige bye"
tsk. I smell something fishy here
************
Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ako ng kotse na nag park sa tapat
"Hey smelly dog bilisan mo nga at ang dami-dami kong dala!"
"So-sorry" aligagang binuksan ni Nico ang pinto na malapit lang din sa salang inuupuan ko, at pag-bukas nun, kitang-kita ko ang gulat ni ate Andy nung makita nya ko
"Yow Ate" tinaas ko ang aking kamay at ningitian siya, kitang-kita ko naman ang pamumula sa mukha niya, nahihiya siguro si ate hehe
bigla nyang hinila si Nico sa kusina
"Hoy bakit siya nandito? I thought ako lang?"Narinig kong bulong ni ate kay Nico
"bakit anong masama kapatid mo naman si Ms. Kelly hindi ba?"
"ehh oo nga pero hello nakakahiya!"
"It's okay ate" bigla akong sumingit sa usapan nila, nakita ko ang gulat sa mata nila nang nandito na ko sa lapit ni Ate Andy
sabay ningitian ko si Ate Andy at Nico
"oh kitams buti pa yung kapatid mo okay lang sa kanya" sabi ni Nico habang nakaturo sakin,
"Sige maiwan ko muna kayo mag ate jan at tutulungan ko lang si nanay"
naiwan kami ni ate Andy na nakatingin pareho sa umalis na si Nico,
"Ah by the way ate bakit ka pala nandito?" sabay tanong ko kay ate Andy, hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ko o talagang para syang kinakabahan ngayon
"Ah eh ano, ah"
"haha wag mo na ngang sagutin ate" sabay tapik sa likod niya at nag-lakad na papunta sa sala, hindi nag-tagal ay naramdaman kong sinundan nya din ako
nung nakaupo na kami sa upuan
"and you young lady what are you doing here?"
medyo mataray na tanong sakin ni Ate Andy, kaya kinuwento ko sa kanya yung nangyare kanina
*********
"Happy birthday happy birthday! Happy birthday to you" sabay-sabay naming kanta sa nanay ni Nico.
"Happy birthday nanay" nakita kong iniabot na ni Nico yung dress na regalo nya sa mommy nya,
"Salamat anak, sayang at wala pa ang tatay mo dito sa bahay hehe pero okay lang"
si ate Andy wala namang dala pero nag beso sya sa mommy ni Nico na ikina gulat naman nito
syempre medyo nagulat din ako pero ang weird dahil parang may kung ano kay ate Andy na nag babago
*************
nung mag-gagabi na kaylangan na naming umuwi at sumabay nalang ako kay ate Andy
sabay kumaway kami kay Nico habang paalis na
sumakay na ko sa kotse ni ate Andy at sinabi ko nalang kay Nico na paki sabi sa daddy nya na ibalik ang kotse ko sa bahay bukas
***********
"Ate, are you in love with that guy Nico?" biglang lumiko ang kotse at muntik na kaming mabangga, tapos tinigil nya yung kotse sa may tabi
"What was that ate?!"
"Kelly ano ba why are you asking such stupid question in an instant!"
"Sorry naman, I'm just curious" tapos tiningnan ko sya nang mapang lokong tingin, pero hindi sya makatingin sa aking mata
"Hmm tell me Ate!"
"Wha-what?"
"Are you?"
"No! the hell! why should I?" marahan nya kong tinulakat umiba siya nang tingin pero kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang muka
"Ahe!, It's okay Ate Andy I think Nico is a good guy"
umayos na ako nang upo at sumandal nalang sa upuan
siya naman ay humawak sa manubela at sinimulan nang paandarin ulit ang kotse
"Yeah I know.." yun lang ang sinagot ni Ate sa akin, at bahagya siyang ngumiti
at tsaka siya nag-patuloy sa pag-ddrive
tsk.tsk. mukang in love na nga ang ate ko...
Point of view-Nico Demontesillo-Bigla kong binitawan ang pag-kakahawak ko kay ms. Andy, pareho kaming nan-lalaki ang mga mata, na para bang nag-sasabing, anong nang-yare?Tumayo ako ng tuwid at lum
Point of view-Nico Demontesillo-Sobrang daming pulbo ang nilalagay nila sa aking mukha ngayon, para bang mukha na akong espasol sa puti ng muka konandito kami ngayon ni Nikka sa dressing room unan
Point of view-Nico Demontesillo-"patingin nga girl nandyan ba ako sa list?""ayan as usuall kasama nanaman ang mag-kakapatid na Fortallejo"
Point of view-Kelly Fortallejo-"bakit? bakit mo to gagawin sakin Kelly?""Isa lang naman ang dahilan, dahil ayoko na sa iyo"sabay flip ng hair ko at tiningnan siya nang masama
Point of View-Nico Demontesillo-Himala yata sa buong araw ng klase hindi ako pina-pansin ni Ms. Andy, anong nakain nun? tapos tinanong ko siya kanina kung may ipapagawa ba siya sakin, inirapan nya lang ako
Point of view-Nico Demontesillo-Matutulog ako buong mag damag ngayon dahil wala kaming pasok at tapos nadin ang retake ng exam ko..kagigising ko lang ng naisipan kong matulog ulit, ngayon lang ako