LOGINPoint of view
-Nico Demontesillo-
Matutulog ako buong mag damag ngayon dahil wala kaming pasok at tapos nadin ang retake ng exam ko..
kagigising ko lang ng naisipan kong matulog ulit, ngayon lang ako nakapag pahinga ng ganito sa tanang buhay ko, grabe parang ang daming nangyare, naka subsob lang ako ngayon sa kama ko at naka kumot tapos nilubog ko yung gilid ng muka ko sa unan, now this is what I called Life,
malapit nang dumalaw si antok sa isip ko ng bigla akong makarinig ng isang malakas na balabag ng pinto, tinakip ko nalang yung unan ko sa tenga ko
"Ang ingay naman ni nanay"
tapos bigla akong nakarinig ng malalakas na yabag ng paa papalapit sa pintuan ko ng kwarto ko, luh sino kaya yun
"NICO DEMONTESILLO! SASA-MAHAN MO AKO NOW NA!"
"Ay kalabaw!"
"Ms. Andy?"
Bigla akong napa indyan seat na upo nang makita kong biglang pumasok si Ms. Andy sa aking kwarto
anak ng tipaklong ano nanaman bang problema nya
"Hoy Nico Demontesillo mag bihis ka aalis tayo!"
nakapamewang siya ngayon habang tini-titigan niya ko, huh? teka! ti-ni-ti-ti-gan?
napatingin ako sa katawan ko at na-alala kong wala pala akong T-shirt at naka boxer shorts lang ako
"wah!"bigla kong tinakpan ng unan yung parteng harapan ko
"TALIKOD! TUMALIKOD KA MS. ANDY!"
"Why should I? nag eenjoy pa kaya akong titigan ka"ngumiti nanaman siya nang mala demonyitang ngiti, pakiramdam ko yung buong dugo ko napunta na sa ulo ko sa sobrang pula ng aking muka.
"And besides, hindi kita pag i-intirisan ang liit-liit kaya niyan"
lalong namula yung muka ko dahil sa sinabi nya,
"wah! manyak na babae!"
napatayo ako ng di oras at dumiretso sa banyo
"Hoy Nico! sumunod ka sakin sa kotse in 5 minutes pag hindi ka sumunod sakin your dead!"
napalunok ako ng mariin sa mga sinabi nya, parang ayoko na tuloy lumabas ng banyo, oh may gosh! nakita nya ba? may nakita ba sya sakin, wah isipin ko pa lang nan-didiri na ko, nan-liliit na ko sa hiya
Narinig kong sumarado na ang pinto ng aking kwarto at alam kong lumabas na siya, medyo naka-hinga ako nang konte.
ano nanaman ba ito?!
********
"Basta yumuko ka lang jan at sundin mo ko"
okay masasabi kong para kami ngayong mga detective, paano siya kase naka shades tapos nakatakip yung dyaryo na kunwaring binabasa nya at ganun din naman ako, hindi ko alam kung bakit sinama nya ko sa isang restaurant at hindi naman kami umorder, lahat ng mga crew na lumapit samin sinungitan nya lang, grabe talaga ang topak ng babaeng to.
ano ba kaseng ginagawa namin dito
"Ayan na sila"
automatic na napatingin ako dun sa pintuan kung saan nakatingin si Ms. Andy at nakasilip ng konte sa may dyaryo nya,
hmm aba teka? si Ms. Nami yun ah yung bunso nyang kapatid, at laking gulat ko ng makita kong may kasamang lalake si Ms. Nami at gwapo, muka syang model sa tindig nya matanggad sya at bagay silang dalawa, kaano ano kaya nya yun?
tapos nagulat nalang ako at bigla syang hinalikan nung lalake sa pisngi at namula ang muka ni Ms. Nami luh! boyfriend nya yun!
bigla akong may kakaibang naramdaman sa may gilid ko parang may hangin na biglang uminit, at pag lingon ko nakita ko si Ms. Andy umuusok sa galit, mukang mabait naman pala sya pag dating sa mga kapatid nya, sakin lang talaga hindi
"Ang walang hiyang yun, sabi ko na nakikipag date lang sya eh."
"Oi Ms. Andy hayaan na natin si Ms. Nami sa buhay pag ibig nya"
Bigla nanaman akong binigyan ng masamang tingin ni Ms. Andy halos matunaw na ko dahil sa tingin niyang yun, ano nanaman bang sinabi ko?
"shut up you smelly dog, bata pa si Nami at bawal sya mag boyfriend"
napangiti ako sa sinabi nya, sabi ko na may concern talaga sya sa kapatid nya
"Ang batang yun. uunahan pa ko magka boyfriend tsk."
"ngek! muntik na kong malaglag sa upuan ko dahil sa sinabi nya, tsk. ibang klase"
"Ayan tumayo na sila!"
Dali-daling sinundan ni Ms. Andy yung dalawa, as usual kasama padin ako ano pa nga ba,
*******
kung saan saan sila pumunta, at kung saan saan din namin sila sinundan, halos masuka suka na ko sa sobrang hilo dahil ang dami nilang pinuntahan, halos maggagabi nadin nung tumigil sila sa may baywalk para manuod ng pag lubog ng araw, wow ang romantic huh
At heto nanaman kami ni Ms. Andy nakaupo sa isa sa mga icecream house na nandun kung saan namin sila natatanaw, medyo malapit din kami sa kanila kaya naririnig namin sila
"Wow! ang ganda"napa-tingin ako kay Ms. Nami nung sumigaw siya nang makita niya yung sunset, yup ang ganda nga
"Oo pero mas maganda ka Nami"
Galing ng pickup line nung lalake ahh, naramdaman ko nanaman yung galit na presensya ni Ms. Andy pero hinayaan ko nalang sya
"Salamat pala George sa oras mo"
"Walang anuman yun Nami ikaw pa ba"
nagulat ako nang biglang hawakan sa balikat nung lalake si Ms. Nami tapos nilapit sa kaniyang dib-dib at sa tingin ko ikinagulat din yun ni Ms. Nami
Nung akmang ha-halikan na siya nung lalake sa lips napahawak ako sa hawak kong dyaryo nang madiin,
pero mas ikina gulat ko yung pag-hawak ni Ms. Nami sa Lips nung lalake para pigilan siya sa pag-halik sa kanya
"Not so fast lover boy"
"oh? why? pakipot ka paba Nami? heto na oh ang romantic na ng view"
"Pakipot?"medyo flirt yung boses ni Ms. Nami tsk. naku manang mana sa ate nya..
"I'm not pakipot George"
"Then what? you like me right?"
parang nabugnot si Ms. Nami at inalis yung kamay nung lalake sa balikat nya, luh nakaka amoy ako ng gulo, sana po hindi na ko madamay nanaman
"Who says I like you?"
"look I think this is a mis-understanding. Pumayag lang akong makipag-date sayo dahil sabi mo ili-libre mo ako and then sumama ako sayo, don't be such a jerk"sarcastic na sabi niya
"What?! then all this time sa yaman mong iyan namemera ka pa at nag-papalibre? hindi naman yata ako papayag na walang kapalit yung ginawa kong panlilibre sayo!"
biglang hinablot nung lalake si Ms. Nami at pinag-hahalikan sa leeg, madaming tao sa paligid pero wala manlang uma-awat sa kaniya,
Nagulat nalang ako nang biglang may humila sa kamay ni Ms. Nami palayo dun sa lalake at nakarinig ako ng isang napaka-lakas na lagutok ng sampal sa muka nung lalake, aw ang sakit nun
At pagtingin ko sa babaeng gumawa nun si Ms. Andy lang pala, Hala teka! lumingon ako sa lapit ko at wala na nga si Ms. Andy ano ba ya takaw gulo talaga ang babaeng to.
"Ate Andy?" gulat na sabi ni Ms. Nami sa kanyang feeling knight and shinning armor na ate
"And who are you?"
"I'm Andy Fortallejo ako lang naman ang kapatid ng babaeng ni-lalandi mo"
tapang men, ang tapang bahala ka dyan gulo mo yan
"Ah edi good dalawa kayong pahi-hirapan ko"
Akmang sasampalin sya nung lalake, alam ko namang hindi niya gagawin yun eh
Ngunit ilang saglit lang, nakita ko ang malapas na pagdapo ng kamay ng lalakeng iyon sa mukha ni Ms. Andy.
Potek! sinampal nga niya si Ms. Andy! napatayo ako sa kinauupuan ko nang hindi oras uh oh!
nakita ko pa yung pag hagis ng muka ni Ms. Andy nung sinampal siya, tapos humarap siya dun sa lalake na may demonyong tingin, pero nakita ko na may tumulong dugo sa gilid ng kaniyang labi,nag papaka-bayani kase eh, pero hindi ko sya masisisi kapatid niya iyon
"Yun lang ba ang kaya mo?"nag cross arm sya, oi Ms. Andy umalis na kayo jan tsk aligaga na ko sa kinatatayuan ko
"Para ka palang bakla kung manampal eh, pweh! walang kwenta!"
"Ano!" oops galit na sya!!
nung nakita kong sasampalin nya ulit si Ms. Andy hindi na ko nakapag-timpi at nilapitan ko sila, hinawakan ko sa balikat yung lalake at binigyan ko siya ng isang napaka-lakas na suntok sa mukha,
narinig ko pa yung pag-bagsak niya sa sahig, tapos nilapitan ko si Ms. Andy
"Ayos ka lang?"
"Stupid! bakit ngayon ka lang? kaylangan dumugo muna ang nguso ko bago ka pumunta dito?"
"eh-he-he"napakamot nalang ako ng ulo tsk. kainis sya na nga tinulungan sya pa galit,
"Ate Andy? Nico? anong ginagawa nyo dito?"
"Huh?" napatingin kami pareho kay Nami at ngumiti nalang dahil hindi din namin alam ang sasabihin namin
Tapos bigla kong naramdaman na tumayo na yung lalake kanina kaya hinarap ko ulit sya,
Okay Second round, kaso lang nung pag-tayo niya biglang may mga pulis na dumating at umawat samin, pinaliwanag naman lahat ni Ms. Andy ang nang-yare kaya na absuwelto kami at yung lalake tinaglay nila, sumama sya nang tahimik pero masama yung tingin samin
"Ate Andy, Nico salamat hehe"
tiningnan namin si Nami na ngayo'y nakangiti samin, sinong hindi maaawa sa mukang anghel nyang itsura kaso may ibang klaseng ugali din tsk. kung tutuusin sya talaga may kasalanan ng lahat ng to eh, umiling iling nalang ako at nag cross arm,
tapos nakita ko nalang na nilapitan sya ni Ms. Andy at hinawakan yung ulo nya at marahang ginulo yung buhok nya
"Next time mag iingat ka"
nanlaki yung mata ko sa itsura ni Ms. Andy na ngayo'y sobrang amo, minsan iniisip kong sana naging kapatid nalang nya ko para mabait din sya sakin hehe
******
Change point of view
-Andy Fortallejo-
"Aray ano ba!"
"wag ka ngang gumalaw"
"tss..."
naka-uwi na kami ngayon sa bahay namin at pina-pasok ko na si Nami sa kwarto nya, really, that girl is a big pain on my ass tsk.
"Ouch!"
"oops sorry"
"nana-nadya ka ba?!"
"Hindi po hehe, konti lang"
"ano?!"
narinig ko yung binulong ni Nico huh, ang asong to tsk. he volunteer na mag stay muna saglit dito sa kwarto ko and he's fixing my bruises with an Ice at promise ang sakit niya mang-gamot
"Oi Ms. Andy"
"What?"sarcastic kong sagot
"Ang cool mo kanina ah hehe" bigla nalang siyang ngumiti sa harapan ko, nagiging gwapo nadin sya now a days dahil pinanatili na nya yung make over kong itsura sa kanya
"Yeah right.."
hindi ako makatingin sa kaniya nang deretcho at pakiramdam ko namumula yung muka ko, gosh!
nagulat nalang ako bigla nung hawakan niya yung chin ko para mapa-harap ako sa kaniyang mukha
Tapos nag-tama ang aming mga mata, may kung ano sa loob ng dib-dib ko ang biglang bumilis sa pag-takbo
"Ouch!" bigla yung nawala nung ilapit nanaman niya yung yelo sa bibig kong may pasa,
"Sa susunod kase wag pam-pam"
hindi nalang ako sumagot sa pang-aasar niya at tumingin nalang ako sa ibang dereksyon habang marahan niyang dina-dampi yung yelo sa aking labi.
Pakiramdam ko namumula nang OA yung mukha ko, tapos yung dagun-dong ng puso ko ayaw mag-paawat,
nakakainis! Damn you smelly dog!.
Point of view-Nico Demontesillo-Bigla kong binitawan ang pag-kakahawak ko kay ms. Andy, pareho kaming nan-lalaki ang mga mata, na para bang nag-sasabing, anong nang-yare?Tumayo ako ng tuwid at lum
Point of view-Nico Demontesillo-Sobrang daming pulbo ang nilalagay nila sa aking mukha ngayon, para bang mukha na akong espasol sa puti ng muka konandito kami ngayon ni Nikka sa dressing room unan
Point of view-Nico Demontesillo-"patingin nga girl nandyan ba ako sa list?""ayan as usuall kasama nanaman ang mag-kakapatid na Fortallejo"
Point of view-Kelly Fortallejo-"bakit? bakit mo to gagawin sakin Kelly?""Isa lang naman ang dahilan, dahil ayoko na sa iyo"sabay flip ng hair ko at tiningnan siya nang masama
Point of View-Nico Demontesillo-Himala yata sa buong araw ng klase hindi ako pina-pansin ni Ms. Andy, anong nakain nun? tapos tinanong ko siya kanina kung may ipapagawa ba siya sakin, inirapan nya lang ako
Point of view-Nico Demontesillo-Matutulog ako buong mag damag ngayon dahil wala kaming pasok at tapos nadin ang retake ng exam ko..kagigising ko lang ng naisipan kong matulog ulit, ngayon lang ako