INICIAR SESIÓNPoint of view
-Nico Demontesillo-
"patingin nga girl nandyan ba ako sa list?"
"ayan as usuall kasama nanaman ang mag-kakapatid na Fortallejo"
"oo nga for sure sila nanaman ang mananalo"
ilan lang yan sa mga naririnig ko habang nag lalakad dito sa hallway, hmm ano bang meron at parang busing-busy ang mga student, tao at faculty dito sa school?
"Nico Demontesillo!"
tumaas lahat ng aking balahibo nang marinig ko nanaman ang boses ng demonyita pero maganda kong amo,
Ngunit ngayon hindi na ako masyadong kina-kabahan sa kaniya
dahan-dahan akong humarap sa pinang-gagalingan ng boses na narinig ko
"Yes Ma---dam?" bigla akong nautal-utal dahil sa expression ng muka na nakita ko sa kanya,
"Hey you smelly dog! bit-bitin mo ito" sabay bato ng laptop niya sakin, buti na salo ko
"Oi! paano kung hindi ko ito nasalo na-sisiraan ka na talaga ano!"
"It's okay you will pay it pag-nasira mo"
sabay irap ng mata nya, tsk. yung totoo? kala ko okay na kami nitong mga nakaraang araw eh
mga babae nga naman ang gulo ng utak
sinundan ko nalang ang pag-lalakad ni Ms. Andy na halata kong iritang irita padin
**********
"diba?! nakakainis lang bwisit! I don't need to join those beauty contest bakit ako pa yung napiling representative para sumali sa Mr. and Ms. Carlson University"
Naka palumbaba lang ako ngayon sa canteen kasama ang apat na nag gagandahang chix na Fortallejo dito sa lamesa nila
oo tama!, may improvement ng konti dahil hindi na ko sa sahig nakaupo
nakikinig padin ako sa pag hihimutok ni Ms. Andy dahil sya ang napili ng section namin para maging representative nung event
ahh yun pala yung pinag kakaguluhan ng mga babae kanina sa hallway, sa tingin ko ayos talaga si Ms. Andy maging representative kase ang ganda nya talaga, bukod sa muka at katawan nya wala ng ibang maganda kase walang kasing sama ang ugali ng babaeng ito hehe
"Eh ate Andy what's new? ikaw naman talaga lagi ang panalo dyan diba?"
narinig kong sabi ni Ms. Nami na ngayo'y kumakain ng pringles
"That's it! ako na nga lagi eh, I don't need to prove that I'm beautiful because that is really obvious!!"
ang hangin men! wooh hangin!
"ahh basta!" sumandal si Ms. Andy sa inuupuan nya
"hindi ako sasali dyan kahit anong mangyare!"
**********
Pag-katapos ng usapan namin na yun bumalik na kami sa room dahil mag sisimula na ang klase
At dahil sa inutusan ako ng prof namin na dalhin yung mga test paper sa faculty room agad ko itong sinunod
habang nag-lalakad ako sa may hallway, may natanaw akong babaeng umiiyak sa may garden ng school, lalagpasan ko na sana kaso bigla syang ngumawa yung parang nananadya
tapos nung papalayo na ko lalo syang umiyak
oo na eto na nga eh lalapit na! wag nang papansin pwede
at dahil nga dun nilapitan ko sya
"Excuse me Ms. may problema ka ba?"
tapos tumingla sya sakin habang pinapahiran ang luha nya, grabe ang ganda nya, muka syang manika sa sobrang ganda, bakit ngayon ko lang nakita ang babaeng ito dito
agad ko syang inabutan ng panyo
"T-thank you" tsaka nya ito kinuha
"ayos ka lang ba ms? bakit ka umiiyak?
"I'm fine really" umupo ako sa tabi nya dahil alam kong hindi sya okay
"ano bang problema ms?"
"Nikka nalang" sabay ngumiti sya sakin, wow ang cute nya naman hehe
"Ahh sige Nikka" tsaka ko sya binigyan ng matamis na ngiti din, napansin ko pa ngang namula yung muka nya
"Ano kase... the thing is..."
parang may bagay syang gustong sabihin sakin pero nahihiya sya
"handa akong makinig sa problema mo Nikka"
"gusto ko sumali dun sa Mr. and Ms. Carlson university" sabay iyak ng malakas
hinimas himas ko yung likod nya sus yun lang naman pala, "pwede ka naman sumali dun eh ang ganda mo kaya I'm sure qualified ka" tsaka ko sya ningitian
"Wala kase akong escort Nico" nahihiyang sabi nya sakin habang nakayuko at namumula g muka
"teka pano mo ko kilala?"
sikat ka kaya dito sa campus, tsaka sya ulit ngumiti sakin ng napaka ganda, ang amo amo ng muka nya at halatang mabait sya
"a-ako sikat?"
"Oo sobrang laki ng pinagbago mo Nico" nakita kong namula nanaman ang muka nya
"dati kase Nico nung tinitingnan palang kita sa malayo para sakin gwapo ka na eh, pero nung nag ayos ka lalo kang naging maganda sa paningin ko tumingala sya sakin at hinawakan ang kamay ko gusto kita Nico! gustong gusto kita! at nasasaktan ako pag nakikita kitang kasama ng mga Fortallejo na yun"
parang nag kalat yung lumilipad na question mark sa ulo ko, sinabi nya bang gusto nya ko? nag tapat ba sya sakin? teka teka parang ang imposible nito ang magandang babaeng to mag kakagusto sa tulad ko?
baka pambblackmail nanaman to tumingin tingin ako sa paligid baka kase may camera nanaman na nag aabang sa gagawin ko tsk. mahirap nang mapahamak sa pangalwang pagkakataon
"Nico"napatingin ako sa kanya ng bigla syang mag-salita
"I like you, please be my escort please" sobrang lungkot ng muka nya at halatang mai-iyak na sya
"te-teka lang teka lang siryoso ka ba sa mga sinasabi mo kase parang-"
nanlaki ang mata ko ng dumampi ang labi nya sa aking pisngi, gulat na gulat ako sa ginawa niya
"Please...." tapos yumuko sya
"kahit na alam kong you don't like me, pwede bang ikaw ang maging escort ko? after that wala na wag mo na ko pansinin"
"errr hmm" hindi ko talaga alam kung saan ko hahanapin ang salitang sasabihin ko sa kanya, pero naramdaman ko ang sincerity ng boses nya
tumayo ako at ngumiti sa kanya
"Sige pumapayag ako" naalala kong hindi naman pala sasali si Ms. Andy sa contest kaya ayus lang siguro na sumali ako, slave lang nya ko pero hindi nya ko pag mamayari
"Talaga?!" sobrang saya nya at nag tatalon pa halos yakapin na nga nya ako eh hehe
"oh sya see you later sa audition Nico" sabay kindat nya sakin at umalis
"tsk.tsk." at pumunta nadin ako sa faculty para ibalik yung test paper
***********
"Contestant no. 21 please step forward"
kami na yun kami na yun! akala ko simple lang to nakakakaba pala, nandito na kami ngayon ni Nikka sa audition at nag salita na din kami,
yung audition sa isang classroom lang at ang daming studyanteng nanunuod
"si Ms. Nikka ba yan? ang cute cute talaga nya grabe"
"oo nga tapos si Nico pa yung partner nya grabe ang perfect naman nila"
yung tenga ko minsan nakakainis dahil sobrang chismoso
sikat naman pala ang babaeng to eh panong mangyayareng walang gusto maging escort nya, ano ba talagang pinaplano nya
"AND WHAT DO YOU THINK YOUR DOING NICO DEMONTESILLO?!"
napatingin ako agad sa pintuan nung marinig ko ang napakalakas na tawag sa buo kong pangalan
"M-Ms. Andy?!"
dahan dahan syang lumapit sakin at sa bawat hakbang nya, dumadagundong ang puso ko sa kaba
nag cross arm sya nung nasa harapan ko na sya
"Oh It's you Nikka, akala ko nakakita ako ng chakka doll eh"
"huh? teka-" mag sasalita pa sana ko
"ahh nandito na pala si Andy na parang parot sa ingay"
huh? napatingin ako kay Nikka ng bigla syang mag salita, nag bago ang expression nya na parang naging pareho ni Ms. Andy na demonyita na ang aura nya ngayon
Wah happen? nasan yung anghel na si Nikka
"ang kapal din talaga ng muka mo chakka doll para kunin ang alipin slash alila kong si Nico"
wow Ms. Andy ahh thank you talaga thank you sa pag papamuka
nanlaki ang mata ko ng biglang yakapin ni Nikka yung braso ko at idikit yun sa dibdib nya, namula tuloy ako ng sobra sobra
"Sorry ka nalang Andy, dahil sya na ang escort ko sa darating na Mr. and Ms. Carlson soo back off hindi mo na sya pag mamayari"
napakuyom ng kamay si Ms. Andy at humarap sa judgest ng galit na galit,
"Kung ganon sasali nadin ako!!"
"ahh yun- ANO?!" ba-bakit bigla nalang sya sasali anong problema na nanaman ba nitong si Andy tsk.
"okay lang Ms. Andy pero may escort naka ba?" narinig kong sabi ng judge, lumingon lingon muna si Ms. Andy at nung may makita syang gwapong lalake bigla nya itong hinablot, nakita ko pang napangiti yung lalake
ano pa nga ba? eh si Ms. Andy Fortallejo na yan, parang kinikilig pa yung lalake tss. bangasan ko yang muka mo eh!
ay teka bakit ako affected?
"eto! sya ang escort ko!"
narinig kong sabi ni Ms. Andy
tapos nag harapan si Ms. Andy at Nikka parang merong malakas na kidlat ang nag-tatama sa mata nilang dalawa
Ano bang nang-yayare dito tsk.
Nakaka amoy ako ng gulo sa darating na Mr. and Ms. Carlson University
Point of view-Nico Demontesillo-Bigla kong binitawan ang pag-kakahawak ko kay ms. Andy, pareho kaming nan-lalaki ang mga mata, na para bang nag-sasabing, anong nang-yare?Tumayo ako ng tuwid at lum
Point of view-Nico Demontesillo-Sobrang daming pulbo ang nilalagay nila sa aking mukha ngayon, para bang mukha na akong espasol sa puti ng muka konandito kami ngayon ni Nikka sa dressing room unan
Point of view-Nico Demontesillo-"patingin nga girl nandyan ba ako sa list?""ayan as usuall kasama nanaman ang mag-kakapatid na Fortallejo"
Point of view-Kelly Fortallejo-"bakit? bakit mo to gagawin sakin Kelly?""Isa lang naman ang dahilan, dahil ayoko na sa iyo"sabay flip ng hair ko at tiningnan siya nang masama
Point of View-Nico Demontesillo-Himala yata sa buong araw ng klase hindi ako pina-pansin ni Ms. Andy, anong nakain nun? tapos tinanong ko siya kanina kung may ipapagawa ba siya sakin, inirapan nya lang ako
Point of view-Nico Demontesillo-Matutulog ako buong mag damag ngayon dahil wala kaming pasok at tapos nadin ang retake ng exam ko..kagigising ko lang ng naisipan kong matulog ulit, ngayon lang ako