INICIAR SESIÓNPoint of View
-Nico Demontesillo-
Himala yata sa buong araw ng klase hindi ako pina-pansin ni Ms. Andy, anong nakain nun? tapos tinanong ko siya kanina kung may ipapagawa ba siya sakin, inirapan nya lang ako
Ano kayang problema nun hmm naka-palumbaba ako ngayon habang nakikinig sa prof. ko I mean nakikinig naman talaga ako kaso lang hindi ko din kase maiwasang hindi mag isip dahil sa tahimik kong buhay,
pero sa tingin ko mas ayos na to at walang demonyitang Ms. Andy ang umaaligid sakin yiipeee!!
**********
"Hey stupid dog ayus-ayusin mo nga yang pag bit-bit ng gamit ko"
Nag-lalakad na kami ngayon ni Ms. Andy sa hallway papunta sa next class, ang akala kong tahimik kong buhay hindi pala
bumwelo lang pala sya tsk.
"Ms. Andy"nakapag-tataka dahil nilingon niya ako pero umiwas din siya agad nang tingin at nakita ko pang namumula yung muka nya, hala may sakit ba sya? anong problema nya?
Hindi nag tagal naka dating na kami sa room at nag-simula na ang klase, hindi ko alam kung bakit patuloy ko padin iniisip yung reaksyon niya kanina hmm problema nun
**********
Isang buong araw kaming ganun na halos hindi nag-uusap hindi nya din ako sinisigawan at inu-utusan ng kung ano-ano, aba teka nakaka-takot ang ganitong pakiramdam huh, baka mamaya bigla nalang palang may mas masamang mang-yayare
**********
nag uwian na kami pero nanatiling ganun, hmm malapit na bang matapos ang pagiging slave ko sa kanya? kase halos hindi na nya ko pinapansin ngayon at hindi nya din sinabing ihatid ko sya pauwi,
Ay teka ano bang pake-alam ko at bakit ko ba yun iniisip? hindi ba mas okay na nga ang ganito na tahimik ang buhay ko yehey!! hehe
**********
"Nay ano pong ulam?"
"Nandyan sa lamesa anak"
pumunta na ko sa lamesa, umupo at kumain.
"Nanay nasan po si tatay bakit wala pa sya?"
"Overtime daw anak, malapit na daw kase umuwi ang daddy at mommy ng mga Fortallejo kaya ayun pina over time sya"
"ah" sabay subo ng pagkain ko, sa tingin ko hindi lang ako ang ginagawang alila ng mga Fortallejo na yun, pakiramdam ko tuloy buong pamilya ko na tsk. pag ako talaga nakagraduate ng suma cumlaude mag-papayaman ako, mas mayaman sa mga Fortallejo at sila naman ang aalilain ko bwahaha!
"Anak may problema ba? bakit ka ngumi-ngisi mag-isa?"
"Ay nanay wala po hehe" nakakahiya nakita ako ni nanay na nag ddaydream hehe napakamot nalang ako sa ulo ko
***********
Kinabukasan
Naka-tingin ako ngayon sa bakanteng upuan ni Ms. Andy, hmm bakit kaya sya absent?
Kinabukasan
Wala nanaman sya? absent ulit?
Kinabukasan
Aba hindi na yata maganda to, hindi na siya pumapasok.
Pumunta ko sa cafe kung saan laging tumatambay sila Ms. Andy at nakita ko dun ang tatlo nyang kapatid
"Ah excuse me"
Sabay sabay silang napatingin sakin
"Yes?"nakataas kilay na sagot ni Ms. Kelly. Napalunok muna ko bago ako nag salita,
"Si-Si Ms. Andy ba-bakit sya absent lagi?"
"Why do you care?"inirapan lang ako ni Ms. Kelly, teka oo nga nuh bakit nga ba? ano nga bang pake ko? at bakit ba ganito ako? pake ko kung wala sya mas okay nga yun diba?
"Nasa bahay sya Nico, nag-papahinga, nilalagnat kase ngayon si Ate Andy at ayaw uminom ng gamot kaya ayun hehe"
pangiting sabi ni Ms. Nami sakin, simula ng eksena nung nakaraan naging mabait na sakin si Ms. Nami at na-kakatuwa ang bagay na yun
"Sa-salamat Ms. Nami"
"Nami nalang Nico"sabay ngiti ulit, ang ganda ng mala anghel niyang mukha, actually lahat naman sila
"sabi nga pala ni ate Andy wag mo na syang dadaanan sa bahay para gisingin, dahil baka mabitin ka na daw nya patiwarik ngayon"
hala nakakatakot naman yun, medyo natakot ako sa sinabi ni Ms. Yumi na isa ding kapatid ni Ms. Andy,
pagkatapos nun umalis na ko at bumalik sa susunod kong klase, gagaling din ang babaeng yun, ang mga masasamang damo matagal mamatay
***********
Pero kinabukasan hindi padin siya pumasok,
hindi ko alam kung bakit pero sobra na kong nag-aalala sa kanya, hindi ko nga alam kung tama ba na mag-alala ako sa kanya eh alam ko namang takaw gulo talaga sya, pero bakit pakiramdam ko hindi na ako sanay na hindi nya ako sinisigawan at pinapagalitan? hindi na ako sanay na wala siya sa aking tabi, napayuko ako at nakaramdam ng lungkot tsk. bwiset
Eeeerrr mabilis kong ginulo ang buhok ko sa sobrang inis ko, at dumiretso na sa aking locker para kunin ang aking sapatos, pero pag-bukas ko ng locker ko nagulat ako nung mag-laglagan ang madaming love letters at chocoleit sa sahig galing sa loob ng locker, luh ganito na ba ang bagong paraan nang pambubully ngayon? ang pag-sira ng ngipin ng isang tao tsk. lumabas na ko ng school at nag sinula nang mag lakad
simula ng nag bago ako ng image nag simula nading dumami ang mga love letters na natatanggap ko, at nag simula nadin ang pag-babago sa paligid ko, ang dami nang pumapansin sakin at bumabati ng goodmorning hindi tulad dati parang wala lang
kung tutuusin nagkaroon din naman ng kabutihan ang pagiging slave ko kay Ms. Andy, dahil sa kanya unti unti akong nag bago...
**********
Hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa tapat ng bahay nila Ms. Andy sabay napakamot ako ng aking ulo,
"Nasanay na yata yung paa ko na dito dumidiretso pauwi tsk. ano bayan"
Nung akmang aalis na ko
Nasa bahay sya Nico, nagpapahinga, nilalagnat kase ngayon si Ate Andy at ayaw uminom ng gamot kaya ayun hehe
bigla ko nalang naisip yung sinabi ni Ms. Nami
Nilalagnat sya
Nilalagnat sya
Nilalagnat sya
Oo na paulit ulit unlimited?, tsk. nakakainis talaga tong utak ko haaay!
Wala sa sariling pumasok ako sa bahay nila at dumiretso sa kwarto ni Ms. Andy, kahit na masungit, mataray at demonyita, tao padin naman sya
Point of View
-Andy Fortallejo-
Ohh great hanggang ngayon I still have a fever and I really hate it, tsk. nakahiga lang ako ngayon sa kama ko at nakabalot ng kumot, drinking medicine is not my thing, I'd rather die than drink those stupid medicine,
Hanggang sa makarinig ako ng mahinahong katok mula sa pintuan
"Ano ba manang ilang beses ko bang sasabihing ayoko nga uminom ng gamot hindi ba?
pero nan-laki ang mata ko nang makita ko si Nico Demontesillo na pumasok sa aking kwarto, napa-upo ako nang hindi oras.
"And what are you doing here?!" tumaas ang kilay ko ng sobra, nakakainis huh! ano pag tatawanan nya lang ako ngayon dahil I'm on my weak side?
"May sakit ka daw? bakit hindi ka umiinom ng gamot?"
sinarado niya ang pinto at lumapit sakin, ang hinahon ng boses nya na may tonong nag aalala
"Obvious ba? stupid "sabay inirapan ko sya, nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang aking noo at humawak din sya sa kaniyang noo, mabilis kong tinapik ang kaniyang kamay.
"Ano ba!"
"Tsk. tsk. ang taas ng lagnat mo ahh grabe ka baka may dengue ka na oh kaya sars yuck"
"Stupid! It's just a simple fever okay!"!
naramdaman kong dahan dahan nya kong pina-higa, gusto ko sana siyang itulak kaso lang nararamdaman ko ang kahinaan ng katawan ko,
"Dyan ka lang" narinig kong sabi nya habang tumayo at lumabas ng kwarto,
Seriously? bakit ba sya may concern sakin, dahil sa kanya kaya ako nag kasakit dahil isip ako ng isip kung bakit ba ang abnormal ng heart beat ko pag nakikita ko sya, at ngayong pumunta pa sya dito ayan mas lalong naging abnormal, kinukumbulsyon na yata ako haaay naku!!
Pag ako namatay kasalanan ng asong yan
naramdaman kong bumukas ang pinto at meron syang dalang planggana
"Hoy anong gagawin mo dyan?"
"Shh wag ka nga! ikaw yung taong may sakit na sobrang sungit padin"
"tsk."
nakita kong piniga niya iyon at inilagay sa aking noo, ang sarap sa pakiramdam ng bagay na iyon
pero may kakaiba akong naaamoy
"Ano yan?" napaupo nanaman ako
"Kumain ka muna bago uminom ng gamot"
"Gamot?! I don't drink medicine you know"
"shh! basta kain!" napa-taas ang kaiyang boses, infareness marunong na syang lumaban sakin huh
binukas ko nalang ang bibig ko at sinubo yung lugaw na yun
nanlaki yung mata ko dahil ang sarap nun, the best talagang mag luto si yaya
"Ako nag luto nyan"sabay ngiti ah teka
"What?!" muntik ko ng maibuga sa muka nya yung lugaw
"You cook this piece of shi-"
"Hep hep hep wag kang bastos kumakain ka pa"
Napakagat nalang ako sa labi ko nung pigilan nya ko mag salita,
"Masarap ba?"
"No it taste awfull"
"pfft.."
"whats funny?"
"Mauubos mo na kase taste awfull pa hehe"
Namula nalang ang muka ko dahil sa sinabi nya
"fine fine magaling ka na mag luto whatever"
"hehe salamat ms. Andy"sabay ngumiti nanaman sya sakin at heto nanaman ang abnormal na bagay sa loob ng dibdib ko tsk.
"Oh heto,"luh inabutan ba naman ako ng gamot?
"ano ba I told you right? I don't dri-"
"Pag hindi mo ito ininom hahalikan kita at ipapainom ko sayo to gamit ang bibig ko"
mabilis kong kinuha yung baso ng tubig at yung tablet na hawak nya at nilagok iyon
"Satisfied?"
"Very good"
"eerrr!"
"Anyway Ms. Andy bakit ba ayaw mo umiinom ng gamot?"
"It's not my thing..."
"weh?"
"Okay fine alam ko naman hindi mo ko titigilan sa pangungulit,"
Yumuko ako and I hug my knees, I don't know why I feel like sharing my secret to this smelly dog but I guess It's okay, parang komportable nanaman ako sa kanya eh
"My real mom died when I was 6, leukemia, I was young but at that time? I think I'm really aware of whats happening around me, she started chemotherapy, 1 year? 2 years? No maybe 3 years of chemo, she use to drink a lot of medicine and told me, everything will be fine sweety, And then one day I saw my daddy flirting with some girls." napakuyom ako ng kamay nung maalala ko ang part na yun
"while my mother is suffering on her chemotherapy my father is flirting with a bitch who apparently my present step mother"
"After 8mos of therapy..... she died..."
"Then my father remarried, I hate my dad, I hate him so much!"
Naramdaman ko ang kamay ni Nico na naka-hawak sa aking kamay, at pag-lingon ko sa kaniya, hinawakan nya ang pisngi ko na ngayo'y basang basa ng luha
"F*ck! this drama"mariin kong pinunasan yung luha ko
"Alam mo Ms. Andy, kung ako ang nasa kalagayan mo ganyan din ang mararamdaman ko, but then bakit hindi mo tingnan ang side ng daddy mo, baka naman may rason sya kung bakit nya yun nagawa, and I think ang mas importante ngayon pahalagahan mo ang mga kapatid mo"
"They are my step sister, yes I'm the only Fortallejo on her first wife, but then I love my sisters,"
marahang hinawakan ni Niso ang ulo ko at inilapit sa dibdib nya, bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko, ano ba talaga to?
"magpagaling ka na Andy, kase. namimiss na kita."
Biglang lumaki yung mata ko sa sinabi nya at agad namula ang muka ko, nilayo ko ang ulo ko at tiningnan ko sya, pero sa hindi nya ko tinitingnan, namumula din ang muka nya, nahawa na ba sya sa sakit ko? at sinabi ba nyang miss na nya ko?
"Matulog ka na Ms. Andy uuwi na ko"
Nung akmang tatayo na siya, hindi ko alam kung bakit bigla kong hinawakan yung kaniyang kamay
"S-stay here hanggang sa makatulog ako" namumula yung mukha ko habang sinabi ko yan, tapos ni ngitian nya lang ako at umupo sa gilid ng aking kama, umayos na ko ng higa at payapang natulog
*********
Nagising ako saglit at naramdaman kong nakahawak si Nico sa kamay ko, tiningnan ko sya at nakita kong tulog na sya
"I think I like you Nico Demontesillo"
"I like you too Andy Fortallejo"sabay hilik, natawa nalang ako dahil nag-sasalita siya nang tulog at sinagot pa niya yung sinabi ko hehe loko talaga
At bumalik na ako sa tulog
**********
Point of view
-Nico Demontesillo-
ano ba yan, bakit ako nakatulog dun tsk. nakakahiya, tapos napanaginipan ko pang sinabihan ko sya ng I like you? hala eh pano nalang kung narinig nya nga talaga yun, patay lalo na kong aasaran nun hayyy
Napabuntong hininga nalang ako nung nag lalakad na ko sa hallway ng school,
"Nico Demontesillo!"
"wahh!!"gulat na gulat ako nang marinig ko ang boses ni Ms. Andy sa aking likuran, muntik na ngang lumabas sa rib cage yung puso ko
"M-Ms. Andy" dahan-dahan akong humarap sa kaniya
"Andy nalang para hindi mahirap, Dalhin mo ito, ito, ito at ito pa"
Luh parang mount everest ang buhat buhat ko ngayon, tapos nag-simula na siyang mag-lakad, pero bakit ganun pakiramdam ko habang nakatanaw ako sa likod nya wala na yung galit at inis ko sa kanya,
"Nico Bilisan mo nga"
"Opo Andy!"
tapos bahagya akong napangiti, pakiramdam ko mas close kami ngayon kaysa dati hehe
gusto na talaga kita ms. Andy....
sabay takbo pasunod sa amo kong maganda
Point of view-Nico Demontesillo-Bigla kong binitawan ang pag-kakahawak ko kay ms. Andy, pareho kaming nan-lalaki ang mga mata, na para bang nag-sasabing, anong nang-yare?Tumayo ako ng tuwid at lum
Point of view-Nico Demontesillo-Sobrang daming pulbo ang nilalagay nila sa aking mukha ngayon, para bang mukha na akong espasol sa puti ng muka konandito kami ngayon ni Nikka sa dressing room unan
Point of view-Nico Demontesillo-"patingin nga girl nandyan ba ako sa list?""ayan as usuall kasama nanaman ang mag-kakapatid na Fortallejo"
Point of view-Kelly Fortallejo-"bakit? bakit mo to gagawin sakin Kelly?""Isa lang naman ang dahilan, dahil ayoko na sa iyo"sabay flip ng hair ko at tiningnan siya nang masama
Point of View-Nico Demontesillo-Himala yata sa buong araw ng klase hindi ako pina-pansin ni Ms. Andy, anong nakain nun? tapos tinanong ko siya kanina kung may ipapagawa ba siya sakin, inirapan nya lang ako
Point of view-Nico Demontesillo-Matutulog ako buong mag damag ngayon dahil wala kaming pasok at tapos nadin ang retake ng exam ko..kagigising ko lang ng naisipan kong matulog ulit, ngayon lang ako