LOGINPoint of View
-Nico Demontesillo-
"Ano girls naki-kita nyo na ba?"
"oo heto na sya papalapit na sya"
"Kyaaahhh ayan na malapit na si Nico!"
At may biglang tatlong babae ang humarang sa aking dinaraan, yung itsura nila? Hmm mukhang mga Korean kung manamit yung isa meron pang ribbon sa ulo parang asawa ni mikey mouse yung isa may ballpen pang may feathers at ayun nga parang dismayado yung itsura nila ewan ko kung bakit basta ako inaantok pa.
"Excuse me Mr. Nerdy, have you seen Nico? The hot version huh!"
"Huh? Ako?"Tumuro pa talaga ko sa aking sarili para makumpirma kung ako nga
"NO! silly sabe ko the hot one not you ang nerdy mo kaya!"
napaisip tuloy ako hmm may iba pa bang Nico dito? kung sa bagay ang dami namang Nico sa mundo
"Oh my gosh friend look at him I think he really is Nico"bulong nung isang babae, bumulong pa rinig na rinig ko naman
"OW EM GEE!"
"IKAW NGA!!"
"Pero what happen?"
Okay naguguluhan na ko sa mga nang-yayare huh kanina sabi hindi daw ako tapos ngayon kung maka-turo akong ako nga, ano bang nang-yayare?
"Excuse me..."
tumaas ang balahibo ko at kinilabutan sa boses na aking narinig, at kilalang-kilala ko ang boses ng demonyitang babaeng yun
"Anong kaylangan nyo kay Nico Demontesillo?"
"Huh? Ah mis Andy we just want to check on something"
"And what is it?"
Tumingin muna sila sakin habang nakaharang na sa tapat ko yung demonyitang si Ms. Andy
"Sya ba talaga yung kahapon?"
Narinig ko yung bulungan nung tatlong babae, eh teka nga ano bang meron kahapon?
"yes that's him, may angal? Magsi layas na nga kayo sa harapan ko at na aalibadbaran ako sa inyo shu shu"
nag-cross arm lang si Ms. Andy at parang tutang takot na takot yung mga babae habang lumalayo
"I can't believe it ang gwapo nya kaya kahapon"
"Oo nga maybe just our imagination"
Nag bulungan na naman sila habang umaalis at rinig na rinig ko padin
"Hoy stupid dog why did you change your hairstyle? At talagang binalik mo sa dating muka kang itlong na bilog na bilog ang muka huh!"
"Ahh? Yun ba yun Ms. Andy?" Pinuk-pok ko pa yung palad ko nung isa ko pang kamay na nakakuyom,
"What do you mean yun ba yun?"
"Yung pinag uusapan nila yung itsura ko kahapon?"
"oh my gosh what a stupidity tsk. Your worthless"
At sabay bato nung hand bag na bit-bit niya sa akin buti nalang na salo ko yun hay naku back to normal nanaman kami
Habang nag-lalakad ini-isip ko yung mga babae kanina, hindi ko alam na ganun pala kalake yung impact ng itsura ko kahapon, at hot ang tingin nila sakin hmm ano kayang pakiramdam pag campus hearthrob ako haha hindi ko maimagine
"Sit down"
satingin ko hindi naman masama kung mag-bago din ako paminsan-minsan try ko lang hehe
"I SAID SIT DOWN!!"
"Wahh!"
Nagulat nalang ako nang bigla akong bumagsag sa sahig dahil pilit akong pinaupo ni Ms. Andy sa lapag, seriously sa lapag nya ko pina-upo tsk.
Nasan na ba kami? Nilingon ko ang ulo ko at nasa cafe lang pala kami at nung tiningnan ko yung table ni Ms. Andy nandun din yung tatlo pa niyang kapatid at parang nag-eenjoy silang nag-kwekwentuhan, samantalang ako heto nasa sahig naka-upo, Lord ano po bang kasalanan ko nung past life ko at ginaganito ako ngayon
"Mukhang I have no choice, kung ayaw nyo kong samahan then sa aso nalang ako mag papasama"
At kinilabutan nanaman ako sa tingin nya sakin, tsk. Mukang may mangyayare nanamang masama
**********
"Haaay naku!!"
Isang napaka as in sobra-sobrang lalim ng buntong hininga ko ngayon, nakaka-bwisit naman, nandito na ko sa study table ko sa bahay at kauuwi ko lang, bukas kase ang retake ko ng exam nakapag review naman ako ng konti kahapon pero syempre kulang padin yun nuh
At kaya naman ako bumubuntong hininga kanina dahil sinabihan ako ni Ms. Andy na samahan ko siya sa party mamayang gabi at makikipag-kita daw siya sa mga friends niya
Nakakainis diba? Ako nanaman, inilagay ko ang aking kamay sa ilalim ng aking baba at tsaka inisip ang mga sinabi niya kanina.
"Stupid dog!! Samahan mo ko mamayang 7pm sa party sa edmond bar dahil ayaw akong samahan ng mga kapatid ko so they leave me no choice, at wag na wag as in WAG!! Mo akong babalaking indyanin dahil alam mo na ang mangyayare"
tinaas nanaman nya yung picture ng karumal dumal na insidente na yun, yung totoo kaylan ba to matatapos
"And one more thing..."Napatingin naman ako agad sa kanya "Mag ayos ka ayokong ganyan ang itsura mo pag harap mo sa mga friends ko"
And the whole time? Naka nga-nga lang ako, ganun eh kahit mag salita naman ako hindi nya ko pakikinggan
At ayun nga ang nangyare, Nag cross arm naman ako at nag isip, tumingin ako sa orasan at 6pm na, at naka-isip ako ng bright Idea hehe
Bahala sya sasabihin ko nalang nakatulog ako, ang henyo ko talaga...
Change point of view
-Andy Fortallejo-
Ang walang hiyang nerd na yun!! Kanina pa sya wala dito ahh nasan na ba sya?!! I already sent 100 messages and 200 miss calls at wala pading Nico Demontesillo dumadating dito
"Hi Ms. Beautiful want some drinks?"
tiningnan ko yung lalakeng nag-aalok ng drinks sa akin, infairness gwapo sya, well mag-sasaya nalang muna ako dito, lagot ka sakin bukas stupid dog
Point of View
-Nico Demontesillo-
Kahit anong ikot ko sa higaan ko hindi ako makatulog bakit bakit bakit??
Tiningnan ko ang orasan at 10pm na, kaylangan kong makatulog exam ko na bukas hindi pwedeng mapuyat dahil maaga yung exam ko..
11:00pm
What the! Oi utak!! Matulog ka na please!
12:00am
Okay umupo muna ko saglit at nag-iisip kung bakit hindi ako makatulog, ang weird lang dahil parang ayaw matulog ng isip ko
2am
Kung ano ano nang naririnig ko sa paligid ko... Yung tunog ng orasan, yung electric fan what the! Waahhhh somebody!!Help me!
hanggang sa makarinig nanaman ako ng tunog ng cellphone.
Naku si Ms. Andy nanaman yata ito tsk. Tiningnan ko yung nag txt sakin at nakita kong si Ms. Nami pala, yung tipong nakaluwag ako ng pag-hinga dahil simula 10pm tumigil siya sa pag-paparamdam
Binasa ko naman agad yung text
"Nico are you with my sister? Where are you? Bakit hindi pa kayo umu-uwi anong oras na oh, i-uwi mo na si ate Andy Now na!"
Wow! Death threat ba ito mula sa mag-kakapatid na Fortallejo nanaman tsk.
Tiningnan ko ang oras aba 2:30am na, totoo ba yun? Wala pa sya?
Binato ko yung cp ko sa kama ko at humiga,
"Matutulog ako ng mahimbing promise!"
Point of view
-Andy Fortallejo-
Oh great!, umi-ikot na yung paningin ko and I really don't know kung saan na ko naka upo ngayon
"Hey Mis mis?!"
Naramdaman ko nalang yung kamay nung lalakeng yun sa braso ko at dahan dahan yung bumababa
Tinapik ko yung kamay nya
"What are you doing? Get your filty hands off me"
Pero lalo pa niyang hinigpitan yung hawak niya sakin at dahil nga sa hilong-hilo na ako at umi-ikot na yung paningin ko at hindi ko magawang kumilos.
naramdaman ko pang nilapit nya yung labi nya sa aking tainga
"Saglit lang naman to mis beautiful, I will make sure you will enjoy this night"
F*ck! Nakahiga ako ngayon sa may malambot na upuan sa bar at parang walang pake alam yung mga tao sa paligid nila they just dance and drink for happiness,
Damn sh*t parang paralyze yung katawan ko napa-pikit nalang ako ng mariin. Pag may nang-yare talagang masama sakin ikaw ang may kasalanan Nico
napagalaw ako ng konte ng maramdaman ko ang labi nung lalakeng yun sa leeg ko at unti unti yung bumababa, and he open one of the button of my blouse showing my pink bra on it... Fuck sh*t! Para kong walang labang babae
then I sense that the guy just stop, I tried to open my eyes,
Namamalik-mata ba ako sino sya?
"Wow ang gwapo naman niya, ang hot naman nyan"
"Uh oh I smell a fight"
"Boyfriend ata nung babae"
Narinig ko yung bulong-bulungan nila at pinilit kong umayos nang upo kahit wala na akong lakas,
"Bakit ka nangenge alam dito! Sino ka bang lalake ka ha!"
"Ako ang boyfriend nya bakit?"
Napanga nga nalang yung isang lalake, teka sino ba tong siraulong to na nagpapanggap na boyfriend ko?, tinitigan ko syang mabuti and to my shock!!
Holy cow si Nico Demontesillo pala ito!
"Look out!"
Nakita kong susuntukin sya nung isang lalake kaya napa-sigaw ako, and to my surprise, ayun natamaan siya ang tanga eh hindi marunong umilag tsk.
Napaupo siya sa may sahig at tumalsik at yung mukha ko? I was like "what was that?"
Tapos bumalik yung lalakeng yun sa akin at hinalikan ako sa pisngi, and then nagulat ako dahil bigla nalang may humila sa kanya at sinuntok siya sa muka, napa nga-nga nalang ako nung marealized kong si Nico pala yun?, at kaylan pa sya natuto sumuntok
Wala pang isang minuto yung pag-papalitan nila ng suntok nung dumating yung bouncer at pinigilan sila,
Pinalabas na yung isang lalake, at si Nico naman? Ayun nilapitan nya ko at nilagay yung dala nyang jacket sakin para matakpan yung katawan ko
"Hindi kase ko makatulog kaya pumunta ko dito"
Ang walang hiyang to may usapan kami tapos tutulugan lang pala nya ko ang lakas ng loob nya huh!
"Can you walk?"
Tanong nya sakin habang hawak-hawak nya yung braso at binti ko akmang bubuhatin nya ako, napa-iling nalang ako at nakatitig sa kanya, what can I do hindi nadin ako makapag-salita
At tsaka nya ko binuhat, tinitingnan ko lang sya, pero wag nyong isiping namumula yung muka ko huh tulad nung mga nababasa nyo sa ibang story tapos bumibilis ang tibok ng puso no way!! Hindi po ganun ang nararamdaman ko ngayon, wala lang tinitingnan ko lang sya gusto ko eh soo what!
Naramdaman ko pa ngang lahat ng babae sa bar ay nakatingin sakin, samin, well I can't blame them iba naman kase talaga ang itsura ngayon ni Nico, okay okay aaminin ko ang gwapo nya ngayon... Parang nawala nga yung kalasingan ko dahil sa mala knight and shinning armor nyang entrance kanina, ang cool kaya :P
Dumating na kami sa kontse ko at pina-upo niya ko sa driver seat, wait teka
"Hey stupid and you really expect me to drive Sa ganitong sitwasyon ko?"
"Huh? Ah Ms. Andy kaya mo yan mukhang ok ka pa naman eh"
Nag okay sign pa talaga sya, pinag loloko ba nya ko?
"Are you ready to die? I'm so dizzy and you expect me to drive you moron!"
Parang takot na takot naman sya at inilipat nya na ko beside the driver seat at umupo sya sa driver seat, really? Nasan na yung matapang na Nico kanina,
then I stare at him, tapos tiningnan nya ko,
"Hey stupid dog you drive I'll sleep"
"Pero teka Ms. Andy!-"
Hindi ko na sya pinatapos sa pag-sasalita at natulog na ko, bahala ka na jan aso
Point of View
-Nico Demontesillo-
"Ms. Andy!! Ms. Andy!"
Wala na talaga hindi na nya ko naririnig, hala anong gagawin ko?
Nangi-nginig na yung kamay ko sa manubela at sobrang lakas na nang dagundong ng puso ko,
Wahh! Oo tama hindi ako marunong mag drive, bump car nga lang ang nai-drive ko eh at yung sa mga timezone na hindi naman gumagalaw
Luh! Anong gagawin ko! Aaahh bahala na,
Sinubukan kong apakan yung isang apakan tapos walang nangyare hala pano ba to? Tiningin tingin ko yung mata ko sa paligid ng kotse at nakita ko yung susi
Napa facepalm nalang ako
"Tsk. Oo nga naman kaylangan ko muna i start yung kotse potek"
At inistart ko yun at inapakan ulit yung inapakan ko kanina, biglaang dumiretso yung kotse, at tumigil bigla,
Sobrang lalim ng hingal ko, buhay pa ba ko?
Sinubukan ko ulit yung ginawa ko kanina at inikot ikot ko yung manibela tapos...
Bahala na nga!!!
*********
"Sorry Nico pero we need to pull out your scholarship, dahil hindi ka naka abot sa retake ng exam mo, pwede ka pa naman mag aral dito pero you need to pay the full payment,"
Naka tulala Ko ngayon sa prof namin at tulala sa mga sinasabi nya
"And one more thing Nico, you look like a zombie take some rest okay"
oo mag mumuka talaga kong zombie, dahil 9am na nung naiuwi ko si Ms. Andy sa bahay nila dahil sa malapagong kong pag ddrive parang mas okay pa nga kung nag lakad nalang kami baka mas mabilis pa,
At heto ngayon, wala na ang ini ingat ingatan kong scholarship
Para na kong binagsakan ng langit at lupa, pano na ko? Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom namin at
"Ouch! Did you just bump me?"
Alam na alam kong si Ms. Andy yung nabangga ko pero hindi ko sya tiningnan at dirediretso nalang ako sa pag lalakad
"Anong nangyare dun"
Narinig ko pa yung bulong nya mula sa malayo, anong nangyare?! ANONG NANGYARE??!!! Kasalanan mo kaya wala na ang scholarship ko :'( nakakainis talaga ang babaeng yun
Change Point of View
-Andy Fortallejo-
"kawawa naman sya nuh muka syang depress na depress"
"Oo nga balita ko nawala daw ang scholarship nya, kawawa naman si Nico tsk. tsk."
Naririnig ko yung bulong bulungan ng mga studyante sa paligid ko, the hell I care sa lintik nyang scholarship
Paalis na sana ko nung marinig ko ulit mag usap yung dalwang chismosa
"Ang alam ko hindi yata sya naka abot sa exam nya dahil napuyat sya, at tingnan mo yung muka nya puro pasa, ano kayang nangyare sa kanya?"
Parang automatic yung ulo ko na napa lingon dun sa dalwang chismosa na halos kalapit ko lang tapos takot na takot silang lumakad palayo, ano nangungunsensya ganun!!, kaya ko nga ginagawa to para masira yung pag aaral nya diba tsk.
Bwisit!!!
Point of View
-Nico Demontesillo-
"I'm so happy to say na we decided to give you another chance to retake your exam tomorrow pero hanggang bukas nalang huh"
"Opo sir opo!"
Para kong batang tuwang tuwa sa sinabi ng prof ko halos tumalon na ko at halikan sya sa tuwa, pinatawag nya ulit ako dito sa faculty office at binigay nya sakin ang good news
"Salamat po maraming maraming salamat po!"
"No don't thank me, si Ms. Andy Fortallejo ang nakiusap samin na bigyan ka ng another chance"
"Huh?"
Nagulat ako sa sinabi nya at lumabas na sa office, nag cross arm ako at nag isip, hmm posible ba yun? Ano kayang nakain nun? At biglang bumait, napailing iling nalang ako at nag lakad
Kahit ano pa yun pasasalamatan ko nalang sya
Pinuntahan ko sila sa cafe na favorite place nilang mag kakapatid at ayun nakita ko nga sila dun
Nilapitan ko agad si Ms. Andy
"What?"Sarcastic na sabi nya
"Thank you Ms. Andy,"
Nag cross arm lang sya tapos yumuko at ngumiti,
At umalis na ko, ng nakangiti din kulang na nga lang mag kandirit ako palayo eh hehe ewan ko ba parang mas nag-kakaintindihan na kami ngayon sa mga body language lang
"Anong meron dun ate Andy? Bakit sya nag t-thank you?"
"Ewan..."
Narinig ko pa yung bulungan nila habang papalayo ako...
Hindi ko alam na darating din pala ang araw na pasasalamatan kita
Ms. Andy...
Point of view-Nico Demontesillo-Bigla kong binitawan ang pag-kakahawak ko kay ms. Andy, pareho kaming nan-lalaki ang mga mata, na para bang nag-sasabing, anong nang-yare?Tumayo ako ng tuwid at lum
Point of view-Nico Demontesillo-Sobrang daming pulbo ang nilalagay nila sa aking mukha ngayon, para bang mukha na akong espasol sa puti ng muka konandito kami ngayon ni Nikka sa dressing room unan
Point of view-Nico Demontesillo-"patingin nga girl nandyan ba ako sa list?""ayan as usuall kasama nanaman ang mag-kakapatid na Fortallejo"
Point of view-Kelly Fortallejo-"bakit? bakit mo to gagawin sakin Kelly?""Isa lang naman ang dahilan, dahil ayoko na sa iyo"sabay flip ng hair ko at tiningnan siya nang masama
Point of View-Nico Demontesillo-Himala yata sa buong araw ng klase hindi ako pina-pansin ni Ms. Andy, anong nakain nun? tapos tinanong ko siya kanina kung may ipapagawa ba siya sakin, inirapan nya lang ako
Point of view-Nico Demontesillo-Matutulog ako buong mag damag ngayon dahil wala kaming pasok at tapos nadin ang retake ng exam ko..kagigising ko lang ng naisipan kong matulog ulit, ngayon lang ako