LOGINPoint of View
-Nico Demontesillo-
"Now Nico I want you to pretend that your an apple"
Huh? Apple? wala na ba talagang maisip ang babaeng to? kanina lang pinag bihis nya ko ng damit pang babae tapos ngayon gusto nyang mag panggap akong apple? yung totoo? malala na ba ang sakit sa utak ng babaeng to?
Nandito kami ngayon sa bahay ni Ms. Andy sa kwarto nya, OO sa kwarto nya talaga, parang wala naman syang pake alam kahit na may lalake sa kwarto nya, grabe talaga ang babaeng to mayaman pero parang mahirap kung umasta
"Hey Nico! do it now"
"Ms. Andy sorry po pero kaylangan ko nadin kase mag aral para sa exam bukas,'
tiningnan nya ko ng masama at tumingin sa may kuko nya sabay hinipan hipan yung cuetics nya
"Hindi mo nadin naman magagawang mag exam pa kung na kick out ka na sa school diba?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, bigla kong naalala yung picture na pinakita nya sakin dati
napakuyom ako ng kamao at lumuhod tapos tinaas ko yung dalwang kamay ko sa baba ko at sinabing
"I'm an apple, I'm an apple" with matching action pa
"Wahaha! you're really funny, stupid dog"
Tumayo na ko pag tapos nyang pag tawanan, at nag liliyab ang mata ko sa galit, oo tama galit na galit ako pero wala akong magawa kundi sumunod sa gusto nya..
Hanggang sa marinig namin ang kanyang tumunog na telepono.
"Ahh excuse me a moment sasagutin ko lang yung tawag"
Sabi sakin ni Ms. Andy na may maarteng boses
"WHAT?" napatayo pa sya sa sobrang gulat OA
"No! this can't be! saang mall yan?. Sige I'm on my way"
"halika samahan mo ko mabahong aso"
Hindi na ko nakapag salita dahil dali dali nya kong hinila palabas ng kwarto at pag labas namin pina sakay na nya ko sa kotse nya.
Ano nanaman kaya ito?! malakas ang kutob kong may mangyayare masama
kasalukuyan kaming nasa kotse at halatang balisang balisa si Ms. Andy, tiningnan ko sya, parang sobrang nag mamadali sya ano kayang meron?, sino kaya yung tumawag sa kanya?
"Get out of the car now!"
"Huh?" tumingin muna ko sa lugar kung saan kami tumigil, teka isang parlor? kala ko nag mamadali sya bakit mag papa-ayos pa sya
"I said Get out!"
"Ay susme! eto na po get out na po"
at bumaba na ko sa kotse, pag tapos nyang ipark yung kotse nya pinuntahan na nya ko at hinila papasok
"give him a nice haircut"
Hindi naman nya sinabing mag papagu- Ano daw? Him?!
napatingin ako sa kanya na mukang balisa padin, at nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin nung mga bading sa parlor
"Oh my gosh Ms. Andy iba na pala ang type mong boys, medyo wa keri ang style ahh nerdy ang feslak"
"shut up just give him a nice hair cut"
Parang wala nalang syang narinig nag cross arm sya at tiningnan yung cp nya tapos nag text
teka pumayag na ba ko mag pagupit? wahhhh baka kakalbuhin na nila ko wag naman sana!
nag simula na yung mga bading sa ginagawa nila sakin, Dear buhok madami na tayong pinag samahan hinding hindi kita makakalimutan
mariin akong pumikit
"Ayan tapos na perfect! hindi ko akalaing may i gwagwapo ka pala?"
naririnig ko ang usapan ng nga bading sa gilid ko pero ayokong tumingin sa salamin dahil ayokong makita ang kalbo kong muka no way uh uh
"oo nga ang gwapo nya pala kahit hair style palang yan ah"
"Ms. Andy what do you think?"
"That's fine, Hoy Nico suotin mo to"
No! hindi ako didilat
Nico!!
hinding hindi ako papatinag
"Nico! ano ba pag hindi ka dumilat dyan ipapakalbo kita!"
napadilat ako ng di oras, huh? bakit hindi pa ba ako kalbo?
at pagkita ko sa muka ko sa salamin
"Sino to?. ako ba to?"
"Ang gwapong papa diba hihi ikaw yan"
nagulat ako sa baklang lumapit sakin, Luh hindi nga? ako to? medyo magulo yung hairstyle pero bumagay naman, wow gwapo pala ko? hehe
"I said suotin mo to diba!"
at ayun kinaladkad ako ni Ms. Andy sa dressing room
------
"Wow ang gwapo mo naman ang cute mo"
"Oo nga may dating sya huh Ms. Andy ang galing mo talagang pumili"
Naninigas ang buong katawan ko ngayon dahil sa mga babaeng barkada yata ni Ms. Andy, tinitingnan nila ko mula ulo hanggang paa
Nagulat nalang ako ng biglang hinawakan ako ni ms. Andy sa braso ko
"He's my boyfriend"
"ANO!" Nakisabay pa talaga ko sa gulat nung mga barkada ni Ms. Andy, Luh anong sinasabi nya?!!!
"Wow that's a surprise imagine naka move on ka na agad"
Napatingin ako sa lalakeng gwapings na lumapit samin,
"Well madali ka lang naman kaseng kalimutan"
Nakairap nyang sabi, hindi naman ako bobo para hindi malaman na ex nya yung lalakeng yun halata naman diba,
"Oh well if you say soo"
At lumayo na ulit yung lalakeng kumausap samin, tapos inakbayan nya yung isang babae na girlfriend nya ata,
Naramdaman kong humigpit ang hawak sakin ni Ms. Andy, dahilan para mapatingin ako sa kanya, ikinagulat ko din yung expression ng muka nya ngayon, ang lungkot ng muka nya at nakayuko sya, parang ibang Ms. Andy yung nakikita ko
Napatingin ulit ako dun sa lalake kanina na ngayo'y nakikipag bulungan sa bago nyang girlfriend
Dahan dahan kong binaba yung kamay ni Ms. Andy na ikinagulat nya, diba slave naman nya ko? Ayokong tumayo nalang dito ng walang ginagawa
Pag baba ko ng kamay nya hinawakan ko yun, ng palad ko at pinag cross yung mga daliri namin para mag dikit yung palad namin
At tiningnan ko sya, na ngayo'y nakatingin din sakin
"I love you Andy Fortallejo."
Oi seryoso muka ko dyan ahh tapos malumanay yung boses para makatotohanan hehe
Nakita ko yung clueless na expression sa muka nya at namumulang pisngi nya nanlaki pa nga yung mata nya... okay mali ba ko? Nilakasan ko naman yung boses ko para marinig ng barkada nya diba? Napatingin pa nga sila eh at nanlaki ang mata, sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid at
"Kyaahhhh! Andy ang sweet naman ng boyfriend mo!"
"Oo nga Andy san mo ba nakuha yan girl penge naman baka may kapatid pa sya"
Hindi sila pinapansin ni Ms. Andy, Okay ang awkward na kanina nya pa ko tinititigan, binaba ko dahan dahan yung ulo ko para maabot ko yung tenge nya at bumulong
"Ms. Andy baka matunaw ako nyan, wag mong seryosohin ang sinabi ko, sumakay ka nalang"
At mukang dahil sa sinabi ko sumama yung timpla nya napa kunot noo sya at sumungit nanaman ang mata, luh! ano nanamang ginawa ko dito
"I love you too BOYFRIEND!!"
Sarcastic na sabi nya, hehe what do you expect
"KYAAAHHH! nakakakilig kayong dalwa"
At bigla na nila kaming nilapitan at kung ano anong tinanong samin, natanaw ko pa nga yung ex-boyfriend ni Ms. Andy na iretableng umalis
At nakita ko ding napangiti ng konte si Ms. Andy, haha I'm a good dog right? Ay saglit tinawag ko ba ang sarili ko na dog? luh!!! Hindi no no!! Hindi ako aso
-----
"Hoy Nico, don't think na nagustuhan ko yung ginawa mo kanina, that was the yuckiest moment I ever had!"
Nandito na kami ngayon sa kotse nya at pauwi nadin, kanina nya pa ko sinesermonan actually, ano bang mali sa ginawa ko, napa cross arm nalang ako at nag isip hmm
"Pero you look cool back there"
"Ano po?"
"Wala! Stupid!"
Luh!! Ang sakit nun sinabihan nya kong stupid, pero narinig ko naman yung sinabi nya kanina gusto ko lang marinig ulit hehe!, kaso ayoko ng mag tanong baka magalit pa eh
Ohh well!
-----
"Nico Demontesillo!! What happen to you? Bakit bumagsak ang exams mo?"
Maiyak iyak na ko ngayon sa faculty room, dahil sa mga nangyare hindi ako naka pasa sa exam at kaylangan kong umulit, huhu!! Nakakainis
Nakita ko pa kanina yung mala demonyitang ngiti ni Ms. Andy nung bumagsak ako ngiting tagumpay
Ano nang gagawin ko, Lord!! Hindi po talaga ko matalino at alam kong masipag lang ako mag aral pero please I need you right now and everyday!! Palayasin nyo na po ang demonyitang Fortallejo Andy na yun sa buhay ko wahh
Point of view-Nico Demontesillo-Bigla kong binitawan ang pag-kakahawak ko kay ms. Andy, pareho kaming nan-lalaki ang mga mata, na para bang nag-sasabing, anong nang-yare?Tumayo ako ng tuwid at lum
Point of view-Nico Demontesillo-Sobrang daming pulbo ang nilalagay nila sa aking mukha ngayon, para bang mukha na akong espasol sa puti ng muka konandito kami ngayon ni Nikka sa dressing room unan
Point of view-Nico Demontesillo-"patingin nga girl nandyan ba ako sa list?""ayan as usuall kasama nanaman ang mag-kakapatid na Fortallejo"
Point of view-Kelly Fortallejo-"bakit? bakit mo to gagawin sakin Kelly?""Isa lang naman ang dahilan, dahil ayoko na sa iyo"sabay flip ng hair ko at tiningnan siya nang masama
Point of View-Nico Demontesillo-Himala yata sa buong araw ng klase hindi ako pina-pansin ni Ms. Andy, anong nakain nun? tapos tinanong ko siya kanina kung may ipapagawa ba siya sakin, inirapan nya lang ako
Point of view-Nico Demontesillo-Matutulog ako buong mag damag ngayon dahil wala kaming pasok at tapos nadin ang retake ng exam ko..kagigising ko lang ng naisipan kong matulog ulit, ngayon lang ako