Share

Episode 1

Author: Rhan Jang
last update publish date: 2020-07-29 09:32:41

Point of View

-Nico Demontesillo-

Patuloy ang pag daloy ng aking pawis dahil sa mabilis kong pag-takbo papunta ako ngayon sa mansion ng mga Fortallejo, Oo tama, sa mansion nga ni Ms. Andy Fortallejo na nang blackmail sakin kapalit ng mga limpak limpak nyang projects at assignments, at pagiging slave nya

simula nang araw na yun lagi ko na itong ginagawa, ang pumunta sa bahay nila at gisingin sya na parang aso pero tuwing dumadating ako dun gising na sya,

Ahh oo nga pala Ako si Nico Demontesillo isang super senior college student ibig sabihin 5th year na ko under Engineering course sa Carlson University tama graduating na ko ngayong year, tapos ngayon pa nangyare ang kalokohan na ito

Classmate ko si Ms. Andy ang totoo matalino naman sya eh kaso tamad talaga, lahat dinadaan nya sa pera, pag mamayari kase nila ang school na sa kasamaang palad ay pinapasukan ko ngayon, school sya ng mayayaman kaya halos lahat ng studyante sa school na yun ay talagang may kaya,

sabi nila Nerd daw ako, dahil sa salamin ko, pag may salamin Nerd agad? hindi ba pwedeng malabo lang ang mata?.. tss... naka side brush ang buhok ko at masasabi kong flat na flat sya sa ulo ko

Ganyan ang muka ko, muka ba kong Nerd? di ba hindi gwapo ko nga eh pfft

Anyway highway oneway noway nakarating nadin ako sa mansion ng mga Fortallejo, hindi naman kalayuan sa bahay namin pero malayo din, pero hindi ka kaylangan sumakay, ahh basta yun na yun!

"Oh Nico anak nandito ka nanaman?"

"huh? good morning tatay may pinadadala lang po si Ms. Andy para sa project nya hehe see you sa bahay"

At tumakbo na ko pataas, yup tama kayo dito nag ttrabaho ang tatay ko bilang driver ng pamilya Fortallejo, yun din ang dahilan kung bakit ako napasok sa Carlson University at ngayon full academic scholar nila ko,

laging wala ang daddy at mommy nila Ms. Andy kaya nakaka labas pasok ako sa bahay nila

At sa wakas natunton ko na yung kwarto nya... yung totoo gano ba kalayo ang kwarto na to

nung akmang kakatok na ko sa pinto nila, dahan dahan itong bumukas

"huh? bakit naka bukas? Ahm Ms. Andy papasok na po ako"

walang sumasagot kaya pumasok na ko sa loob

Pag kita ko napaka ganda at ayos na ayos ang kwarto nya eeenng!!! mali kayo hindi talaga ganun ang itsura ng kwarto nya, as usual sobrang gulo at kalat, may mga plastik sa sahig parang basurahan yung kwarto nya, isa syang balahurang mayaman, kung gano sya kalinis sa sarili nya ganun sya ka dumi sa kwarto nya nung nilingon lingon ko yung ulo ko nakita ko yung table nya

"ah ayun kala ko kung san napunta yung table nya eh, ilalapag ko nalang dun yung project nya"

Pumasok na ko sa loob at dahan dahang nag lakad at nilapag sa lamesa nya yung project namin para sa drafting... nagulat nalang ako ng bigla akong may naapakan pag step back ko

"Huh?" tiningnan ko at kinuha yung naapakan kong kung ano at pag tingin ko

"U-u-u-u-Underwear?!"

naibato ko agad yun sa may kama, uh oh hindi ko napansin na nandun pala si Ms. Andy at natutulog sya, kadalasan kase pag dating ko dito gising na sya

Hanggang sa narinig ko ang kaniyang pag-hikab

Hala mukang nagising sya sa pag bagsak nung underwear sa muka nya, nung akmang aalis na ko parang nanigas ang buo kong katawan

"Sino yan?"

Patay! hindi na ko makagalaw sa panginginig nung marinig ko ang boses nya, hindi ko sya tinitingnan, pero alam kong unti-unti nyang itinayo ang kanyang katawan...

at ngayon naka indian seat na sya at kumukusot ng Mata

"oh It's you Mr. Genius anong oras na ba?"

"ahh Ms. Andy ano-" napatigil ang pag sasalita ko ng matingnan ko sya

Pakshet na babae to!! wala syang pantaas at naka underwear lang kung matulog!! buti nalang talaga at mahaba ang buhok nya natatakpan yung dibdib nya ng buhok nya, dudugo na yata ang ilong ko, tumalikod ako ulit

"Ah Ms. Andy a-a- ma-lapit na mag a-alas otso!"

"ahh ganun ba? kuha mo ko ng damit sa kabinet now na"

"Huh? pero"

"Now Na!"

Napatakbo nalang ako sa kabinet nya at kinuha ang damit nya kahit ano nalang! makalayas lang ako sa kwartong ito!

Binato ko sa kanya yung mga damit nya kahit ano, sabay takbo palabas ng pinto

Hawak hawak ko yung dib dib ko na sobrang kaba, hingal hingal! walangyang babae yun!!

"Oh goodmorning Mr. Nico"

Nakita ko bigla si Nami, isa sa mag kakapatid na Fortallejo, sobrang ganda din nya At mala Angel ang itsura

pero ang totoo hindi nag kaka layo ang ugali niya sa ate nya, mas demonyita nga lang si Ms. Andy

"Nami?"

"Hmm bakit mukang namumula yang muka mo?"

"ah!? hinde ah" pinilit kong umiba ng tingin

"weh? hehe sabi mo eh bye!"

naramdaman kong biglang bumukas yung pinto sa likod ko

"Hoy! Genius ang pangit ng taste of dress mo huh tingnan mo pina suot mo sakin!"

Hindi ko naman sinabing suotin mo yan eh nakita ko lang- naputol yung sasabihin ko sa isip ko ng makita ko yung itsura nya, yan ba talaga yung binato kong damit sa kanya? bakit ang ganda tingnan?
Ang ganda nya sobrang ganda nya para syang model

"Hoy ano ba? day dream ganern? letche! get out of my way shu!"

Ayan nanaman nag tataray nanaman sya tsk.

Araw araw ko na tong ginagawa kaya medyo nasanay na ko sa kasungitan nilang mag kakapatid

------------

"Ang gaganda talaga nila nuh"

"oo kahit babae nabibighani sa" kanila

"Sobrang ganda nilang apat"

nag lalakad na kami ngayon sa hallway, yup ganito araw-araw ang eksena, halos lumaki ang ulo ng apat na yan sa pamumuri ng mga studyante ng Carlson University tsk. pero kilala din silang Carlson Angel or the four beautiful gangster, or pwede din ang nag gagandahang amo ni Nico haha hmm maganda maganda,

kilala din sila sa pagiging masungit at gangster sa school kahit na kinahuhumalingan sila ng mga studyante, kase hindi naman sila plastik at mapagpanggap, hmm pwede silang maging F4 babaeng version nga lang

"Ay kalabaw!" naputol ang pagpapakilala ko sa kanila ng biglang may nalaglag sa mga dala dala ko, pano ba naman kase ang dami kong bitbit, yung backpack ko sa likod ko, yung hand bag ni Ms. Andy yung laptop niya na nasa isang kamay ko, yung project nya para sa drafting Class namin, at yung nalaglag ko yung makeup kit nya na nasa isa ko pang kamay, ano ba!! pahirap ka eh!!

"Did you just drop my makeup kit?"

Napatulala ako ng makita ko si Ms. Andy na iritable na sa harapan ko

"Ah Ms. Andy kase"

"Eh pano kung nabasag yung foundation ko? mas mahal pa yan sa buhay mo you smelly dog!"

Luh sinisigawan na nya ko ngayon at nagtitinginan nadin yung mga schoolmate namin, tinaas nya yung palad nya at akmang sasampalin na ko pumikit nalang ako at

"Thats enough ate! don't waste your time, and beside it's just a stupid foundation"

Tumigil si Ms. Andy sa muntik na nyang pag sampal sakin nung marinig si Ms. Kelly mag salita, isa din sa mga kapatid nya, maganda din sya pero masungit din

"Yeah right whatever" at umalis na nga si Ms. Andy sa harapan ko

Phew! save by the Kelly bell

****************

Point of View

-Andy Fortallejo-

"Napaka impokrito, that smelly dog he just drop my make up kit grr.. napaka nya!"

Binagsak ko yung glass of water na hawak ko sa may sahig at nagtinginan lahat ng tao sa Cafe nung mabasag yung baso

"Oopps! Just slip" habang nakatakip yung isang kamay ko sa lips ko

"Eh ano ba kasi yang Trip mo sa lalakeng yun ate."

Narinig kong sabi ni Yuna sakin, tiningnan ko sya ng masama

"Believe me I hate it, kung hindi ko lang sya kaylangan, dinispatsa ko na sya"

"eh ano nga ba kase ate?"

"Hay naku! if you were in my class you'll get irritated, lagi nalang Nico there Nico here, Nico everywhere ang galing ni Nico, Ms. Andy bakit hindi ka tumulad kay Nico! and why are they comparing me to that dog anyway! that supid professor!"

"Calm down ate, soo anong plano mo"

"hindi pa ba halata? He's my slave and I will make sure na masisira ko ang concentration nya sa pag aaral, that nerd!"

"woah! sounds like war" narinig ko ang sinabi ni Kelly pero hindi ko nalang pinansin, at nag iisip ako ng planong makakasira sa nerd na yun,

"I will make that Nerd, suffer"

Evil laugh!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status