Share

Chapter 1

Author: Larven Dizon
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-07 12:12:33

Stephanie's POV

Nagmamadali ako tumakbo pababa dahil sa dalawang magkasunod na katok sa pinto after ng doorbell.

Asan na ba kasi sila mama at kuya at hindi man lang binuksan yung pinto. Tsk.

"Sandali lang andyan na!" sigaw ko doon sa nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko nang masilayan ang pinsan ko!

"Mary! Bakit hindi mo sinabi na ngayon flight mo pabalik ng Pinas eh di sana nasundo ka namin nila mama sa airport," masayang saad ko matapos siyang makita sabay yakap.

Si Mary ang pinakaclose ko sa lahat ng pinsan ko, magkasundo kami halos sa lahat ng bagay. Lumaki siya sa Korea pero after grade six sa Canada na siya pinag-aral ng parents niya. Hindi na rin namin inungkat nila kuya ang dahilan bakit sa Canada na sila nagtuloy ng pag-aaral. Sa ngayon ay masaya ako na muli kami magkakasama dalawa.

"Hindi na surprise iyon kapag sinabi ko agad sa inyo and besides ang importante andito na ako and I will be staying here for good! Lagi na tayo magkakasama," Masayang balita niya sa akin. Agad naman ako nagtatalon sa tuwa dahil sa nalaman.

"Buti naman at pumayag sila tito and tita na dumito ka na sa Pilipinas, atleast ngayon may makakasama na ako kapag may mga pupuntahan ako, hindi na ako mag-isa," nakangiting saad ko.

Inanyayahan ko muna na maupo si Mary sa sala bago namin itinuloy ang kuwentuhan. Napalingon kami sa may pinto nang bumukas ito. Agad napatigil sa gulat sila mama at kuya nang makita kung sino ang bisita.

"Hi tita Sandy! Hi kuya Steve! Namiss ko kayo," masayang bati naman niya kila mama at kuya. Hindi agad nakasagot sila kuya at mama. Natatawa naman ako sa naging reaksyon nila.

"Mary why didn't you told us na pupunta ka pala dito? Sana pala pinasundo kila Steph at Steve," saad ni mama nang makabawi na siya sa gulat.

"Okay lang po yun tita balak ko po talaga na surpresahin sila sa pagdating ko. Ayaw ko rin naman po kayo maabala," nahihiyang saad ni Mary.

"Oh siya dyan muna kayo at magluluto muna ako ng makakain natin," tumango lang kami kay mama bago niya kami iwan. Nagkuwentuhan naman agad kami.

"Kuya saan kayo nanggaling ni mama? Hindi niyo man lang ako ginising bago kayo umalis, mabuti na lang at nagising ako sa tunog ng doorbell! Hmp! Kung hindi pa nagdoorbell si Mary ay hindi pa ako magigising. Tanghali na pala," reklamo ko sa kanya.

"Bumili lang kami ni mama ng pagkain natin. Mabuti na lang at naparami ang bili namin dahil andito na pala si Mary," Sagot niya sa akin. Bigla naman niya hinarap si Mary kaya hindi na ako nakapagsalita pa.

"Mary, mabuti naman at naisipan mo na pumunta dito, alam mo ba na ang loner niyang kapatid ko na yan. Ayaw niya makihalubilo sa ibang tao. Mas trip niya pa na mag-isa nung wala ka at halos lahat ng lumalapit sa kanya ay tinatarayan niya lang. Tsk,” napailing pa si kuya matapos sabihin iyon. “Mabuti na lang talaga at andito ka na, atleast ngayon may makakasama na siya at hindi na mukhang loner," humagalpak naman si kuya sa pagtawa. Kahit kelan talaga tuwang tuwa siya na inaasar niya ako!

"Kuya! Bakit ba ang daldal mo ano? Mas madaldal ka pa kaysa sa akin! Hilig mo rin ako ilalag kay Mary ano? Ganyan ka eh kahit dati pa hilig mong nilalaglag sa iba yung mga nangyayari sa akin!" tinawanan lang ako ng magaling kong kuya sa pagtataray ko sa kanya! Kaasar talaga!

"Hanggang ngayon ganyan pa rin samahan ninyo ni kuya Steve? Wala man lang nagbago, para parin kayong aso't pusa,” tumawa naman siya nang malakas. “Mukhang mamimiss ko ang mga kapatid ko sa Canada ah," malungkot na saad niya. Napatigil naman kami ni kuya sa bangayan.

"Bakit naman kasi hindi mo pa sinama sila Mark at Madeline? Para naman hindi ka nag-iisa," pasimpleng tanong din tong si kuya, halata naman na namimiss niya si kuya Mark kasi wala rin siya makasama bukod sa mga tropa niya.

"Ayaw kasi ni mama na isama ko yung dalawa since I'll be staying here for good. And besides baka makagulo lang kami ng mga kapatid ko dito, atleast kung ako lang pwede ako tumulong sa mga gawain niyo dito. And lalong kumulit sina kuya Mark at ate Madeline, baka nga mas malala pa ata silang dalawa kaysa sa samahan ninyong magkapatid eh. Akala mo sila ay mga bata pa rin kung makaasta," natatawang kwento niya.

Nagkuwentuhan pa kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa hapag kainan. Nabanggit na rin ni Mary na rito siya sa amin mananatili at doon na rin siya sa school namin mag-aaral ngayon. Masaya ako sa naging balita niya. Dahil sa tinagal tagal ko sa school na iyon, iilan lang ang naging kaibigan ko lalo na at tahimik lang ako. Kaya ko tumagal ng ilang oras ng hindi umiimik sa ibang tao. Pero kapag kailangan nila ng tulong, hindi naman ako nag-aalinlangan na tumulong dahil iyan ang sinabi sa akin ni papa noong bata pa ako, kaaway mo man sila o hindi, kakilala mo man o hindi, basta kaya mo tumulong ay tulungan mo sila sa abot ng makakaya mo.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa mga kwarto namin para magpahinga. Itinuro ko kay Mary ang kwarto na gagamitin niya na katabi lang naman ng kwarto ko. Hinayaan ko na magpahinga muna si Mary dahil alam ko na napagod siya sa byahe.

Pagkapasok ko sa kwarto humiga agad ako sa kama ko. Wala naman ako ginawa kung hindi makipagdaldalan pero napagod pa rin ako. Naligo muna ako tapos ay nakinig ako ng music habang nakahiga sa kama hanggang sa dalawin na ako ng antok at makatulog ng mahimbing.

---------------

"Good Morning!" masayang bati ko sa kanila nang makarating ako ng kusina at datnan ko sila na kumakain. Walang katulad talaga ang saya ko nang umagang iyon.

"Good morning din anak. Kain ka na ng breakfast. Niluto ko ang favorite mo na omelette tuna," nakangiting saad ni mama.

"Good morning tita, kuya Steve, Steph," nakangiting bati sa amin ni Mary na kakababa rin. Ngumiti rin ako sa kanya bilang pagbati.

"Good morning din Mary, halika ka na at kumain na kayo nang masamahan mo si Stephanie mamili ng gamit para sa pasukan. Ikaw ay mamili ka na rin ng mga gagamitin mo sa pagpasok,"

"Opo tita, thank you po," naupo naman si Mary sa tabi ko.

Mabilis kami natapos kumain at agad na kumilos para maaga makarating sa mall.

"Tara na sa Trinoma, bilisan natin para makapagshopping pa tayo," excited na sabi ko sa kanya. Ngayon na lang ulit kami makapagshopping na magkasama.

"Steph gusto ko pareho tayo ng gagamitin sa school parang nung mga bata pa tayo. Halos lahat ng gamit natin ay pareho," nakangiting sabi niya sa akin.

Ganyan kami ni Mary kaclose. We are like twins, in everything that we do we want our stuffs to be the same, kaya nga napagkakamalan kami na kambal. Agad kami nagtungo sa bookstore para mamili nang mga kailangan namin na gamit. Inilabas naman namin ang sarili naming listahan para madali naming mahanap ang mga kailangan namin.

"Hey kain muna tayo. Nakakagutom mamili ng gamit, naparami pa ata bili natin," natatawang saad niya. Mabuti na lang at nagyaya na siya kumain, gutom na rin ako.

"Tara san mo ba gusto kumain?" tanong ko sa kanya.

"Syempre sa ating favorite na kainan! I miss eating there with you. Sa Canada kasi ay palaging luto ni mommy kinakain namin since hindi naman kami gala doon," kuwento niya pa. Agad kami naglakad papunta sa Jollibee at mabuti na lang at konti lang ang tao.

Pumasok kami sa Jollibee dun kasi kami mahilig kumain since pareho din naming favorite ang burger steak. I wish I had a twin sister like Mary. Napabuntong hininga naman ako sa isipin na iyon. Binilisan namin ang pagkain para makapaggala pa kami bago kami magdesisyon na umuwi.

Lahat ng pinamili namin ay almost the same from bags to shoes to clothes. Color lang ang nagkaiba since pink ang favorite color ko at blue naman ang sa kanya.

"Mama, kuya we're home!" masayang sigaw ko nang makarating na kami sa bahay.

"Kamusta naman ang bonding ninyong dalawa? Mukhang pagod na pagod kayo ah," lumabas si mama galing kusina, mukhang kakatapos lang magluto ng hapunan.

"Nag-enjoy naman kami mama. Namiss kaya namin maggala ng kaming dalawa lang," masayang saad ko.

"Wala ka man lang ba pasalubong sa akin mahal kong kapatid?" biglang sumulpot si kuya at nagpacute habang nag-uusap kami nila mama.

"Bakit kuya? Ikaw ba nagdala ng pasalubong sa akin kapag naggagala ka? Hindi diba? Kaya wala ka rin pasalubong," pang-iinis ko pa sa kanya.

"Oh siya tama na yan at kumain muna kayo ng hapunan at magpahinga na, may pasok na kayo bukas. Masama malate kapag first day. Baka buong school year na kayo maging late niyan," nakangiting sabi ni mama.

Pagkasabi ni mama non ay dumiretso na kami sa kusina at kumain na ng hapunan. Nang matapos na kami kumain ay dumiretso agad kami sa kwarto at nagpahinga agad. Inayos ko pa muna lahat ng kailangan kong dalhin bukas para less hassle sa pagkilos. Matapos ko mag-ayos ay agad na rin akong nahiga sa kama. Habang nakahiga ako ay di ko maiwasang malungkot dahil sa katotohanang magkikita na naman kami dahil pasukan na naman.

Hayst! first day na bukas makikita na naman kita. Sana sa pagkikita natin na yon wala ang lahat lahat. Lahat ng sakit, lahat ng hinagpis, lahat ng paghihirap, at sana wala na rin ang dating nararamdaman pati na rin ang mga nangyari sa atin sa nakalipas na panahon.

Nakinig na lang ako ng music para antukin. Dinalaw agad ako ng antok at hinayaan na ang sarili kong malunod sa tulog dahil sa sobrang pagod.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hidden Identity   Chapter 4

    Stephanie's POVNagulat ako ng makita na yung favorite kong book ang niregalo sa akin! Wala ako sinasabihan ng tungkol sa mga paboritong libro ko kaya ganon na lang gulat ko ng makita ito. I love books because it has been my escape tool to disappear from this painful reality.Paano niya nalaman na favorite book ko to? Sino ba kasi itong secret admirer? Hindi na lang kasi nagpakilala.Napuno ng tanong ang aking isip at alin man sa mga iyon ay hi

  • Hidden Identity   Chapter 3

    Stephanie's POVAkala ko ay magiging masaya ang first day ko, pero hindi, it happened the opposite way. Ang pinagpapasalamat ko na lang ay di ko siya nakita ngayon. Sana lang ay huwag na talaga siya magpakita pa. At doon naman kay Denver, ewan ko ba sa isang iyon at talagang nilapitan pa ako. Kung umasta akala mo ay hindi kami magkakilala. Pep squad member ako at basketball player naman siya, though hindi siya yung kasama sa line up kapag lumalaban sa ibang schools, let’s say team A yung lumalaban sa ibang school at sila naman ay team B, sa kanila kumukuha ng pamalit kapag kulang ng members ang team A. Hindi kami magkaibigan dahil hindi ko gusto kayabangan ng grupo nila."Okay class you may take your lunch," biglang sabi n

  • Hidden Identity   Chapter 2

    Mary's POV"Good Morning sunshine! Hello first day!" masayang bati ko pagkamulat ng aking mata.Masyado akong masaya pagkagising ko marahil ay dahil unang araw na ng klase. Excited ako pumasok lalo na at nakakamiss din yung pumapasok ka sa school. Dito ako nag-aral noon bago pa ako dalhin ng parents ko sa Canada at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko, hanggang sa payagan nila ako ulit mag-aral dito sa Pilipinas. Pagkabangon ko ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung may message ba sa akin.1 message receivedFrom:BabeGood Morning babe enjoy your first day of s

  • Hidden Identity   Chapter 1

    Stephanie's POVNagmamadali ako tumakbo pababa dahil sa dalawang magkasunod na katok sa pinto after ng doorbell.Asan na ba kasi sila mama at kuya at hindi man lang binuksan yung pinto. Tsk."Sandali lang andyan na!" sigaw ko doon sa nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko nang masilayan ang pinsan ko!"Mary! Bakit hindi mo sinabi na ngayon flight mo pabalik ng Pinas eh di sana nasundo ka namin nila mama sa airport," masayang saad ko matapos siyang makita sabay yakap.

  • Hidden Identity   Prologue

    "Babe! Gusto ko kapag nakapagtapos na tayo magtatrabaho tayo tapos mag-iipon at bubuo ng sarili nating pamilya," masayang sabi niya habang nakayakap sa akin.We were busy watching the sunset."Kung saan saan ka talaga nakakarating dahil dyan sa mga imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ko pa sa kanya. Nakitawa naman siya."Babe mahal na mahal kita. Pangako hinding hindi kita iiwan. Promise ipaglalaban kita kahit kapalit pa noon ay sariling buhay ko, ikaw lang ang babaeng nakikita ko na makakasama ko sa future," he smiled sweetly. Hindi ko alam kung a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status