LOGINMary's POV
"Good Morning sunshine! Hello first day!" masayang bati ko pagkamulat ng aking mata.
Masyado akong masaya pagkagising ko marahil ay dahil unang araw na ng klase. Excited ako pumasok lalo na at nakakamiss din yung pumapasok ka sa school. Dito ako nag-aral noon bago pa ako dalhin ng parents ko sa Canada at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko, hanggang sa payagan nila ako ulit mag-aral dito sa Pilipinas. Pagkabangon ko ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung may message ba sa akin.
1 message received
From:Babe
Good Morning babe enjoy your first day of school hope to see you there later. I love you babe take care always :*Compose message
To:Babe
Good Morning too babe see you later take care too I love you too :*Sent!
Kinikilig pa ako habang binabasa ang text niya. Lalo tuloy ako ginanahan pumasok ngayon. Pagkatapos ko icheck ang phone ko pumasok na ako sa cr para maligo dahil ayaw ko malate lalo na at first day of class.
"Good morning Mary halika na at kumain sabay na kayo ni Steph na pumasok tutal ay classmates naman kayo," aniya ni tita. Ako na lang pala ang kulang.
"Sige po tita. Good morning everyone!" masaya kong bati sa kanilang lahat.
Kapansin pansin ang pananahimik ni Steph habang nag-aalmusal kami. Bihira lang maging ganyan si Steph kaya sigurado ako na may problema siya pero di ko na uungkatin pa. Ayaw ni Steph na tinatanong siya tungkol sa isang bagay lalo na kapag may iniisip siya. Kapag ganyan siya madali uminit ang ulo niya. May minsan pa na sinapak yan dahil sa kakulitan ng isang lalaki noon. Sobrang wala siya sa mood tapos ay kinukulit siya dahil gusto siya nung lalaki. Sa sobrang kakulitan, ayun nasapak niya.
Ano kaya nangyari dito kagabi? Nung umuwi naman kami ay ayos pa naman siya at good mood pa. Nasabi ko na lang sa isip ko.
Sa tagal ng inilagi ko sa states, marami na ako hindi alam tungkol kay Steph. We treat each other as a human diary, we share secrets to each other dahil yun ang promise namin sa isa't isa na walang taguan ng sikreto. Kung hindi mo kami kilala iisipin mong kambal kami dahil hindi mo kami basta-basta mapaghihiwalay. Ang huling balita ko kay Steph habang nasa states ako ay hiwalay na sila ng boyfriend niya after non wala na ako alam tungkol sa buhay niya dahil ginawa niyang busy sarili niya para makalimot sa sakit ng nakaraan.
"Hey cous, let's go para malibot na natin yung school natin. Excited na ako makita ulit iyon," pinilit kong ngumiti sa kanya nagbabaka sakaling aayos ang mood niya.
"Sure, we'll tour around the school, kaso kulang ang oras natin ngayong umaga so we will continue the tour after class," Steph said in a serious voice.
"Cous may problema ba? Parang wala ka sa mood kanina pa eh. You can tell me what happened or kung ano bumabagabag sa isip mo," malungkot kong saad sa kanya. I’m worried kung ano gumugulo sa isip niya.
"Di pa ako handa na makita siya. He is still studying here, yun ang alam ko. Akala ko lilipat na siya pero hindi siya lumipat sa hindi malamang dahilan, iyon ang sabi ng former classmate namin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kinakabahan ako. Alam ko nakamove on na ako pero hindi pa ako handa makaharap siya," napabuntong hininga siya pagkatapos sabihin ang gumugulo sa isipan niya. Halatang madami ang gumugulo sa isip niya kaya mas pinili ko na lang manahimik hanggang makarating kami sa school.
Habang naglalakad kami papasok ay tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong tinignan. Akmang magtatanong na ako ng bigla siyang magsalita.
"Cous may pupuntahan lang ako ah una ka na sa room maya na lang natin libutin itong school text mo na lang din ako kapag dumating na ang lecturer natin ah bye!" nagmamadaling usal niya. Hindi na ako hinayaan pang magsalita.
Nakakapagtaka ang pagmamadali ni Steph. Kanina ay mukhang wala siya sa mood at lutang tapos ngayon naman ay nagmamadali umalis? Marami na talaga ako hindi alam tungkol sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at napagdesisyunan ko na lang na pumasok na sa room at doon ko na lamang siya hihintayin.
Stephanie's POV
Nagmamadali ako umalis kanina dahil nagtext sa akin yung kaibigan ko na si Daphne. Nakita raw nila siya sa loob ng campus at mukhang papunta na raw sa room namin kaya napagdesisyunan ko na magtago muna hanggat hindi siya nakakaalis ng room namin.
Huwag naman sana na maging kaklase pa namin siya?! Kapag nangyari iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa talaga ako handa na makaharap ulit siya.
Naghintay ulit ako ng message kay Daphne nang may pumasok sa loob ng cr. Mabuti na lamang at nasa loob na ako ng cubicle.
Alam mo sayang naman at nagbabalak na siya lumipat ng school.
Kaya nga! Mawawalan tuloy ng isang member ang basketball team
Ang galing niya pa naman. Siya yung mvp ng school natin. Sana ay makahanap sila na kasing galing niya.
Oo nga eh. Tara na baka mahuli pa tayo sa klase.
Hindi ko na namalayan na may message na pala sa akin. Masyado ako napaisip kung yung taong naiisip ko ay siyang tao na tinutukoy nila. Hindi man lang kasi nagbanggit ng pangalan, hindi ko tuloy malaman kung siya nga yun.
Nagmamadali ako bumalik ng room dahil paakyat na raw yung adviser namin. Hindi pwede na maunahan niya ako makarating! Malalagot ako nito! Sa kabilang building pa naman ako nagpunta para makasiguro ako na hindi kami magkakatagpo ng landas.
"Oh cous san ka nanggaling bakit pawis na pawis ka naman?" nagtatakang tanong sa akin ni Mary pagkarating ko sa classroom. Mabuti na lang at nauna ako makapasok kesa sa adviser namin.
"Ah dyan lang sa tabi tinawag ako nung kaibigan ko eh," pagtatapos ko ng usapan dahil pumasok na ang adviser namin.
Humihiling ako na sana ay hindi na siya mag-isip pa ng iba ganong sinabi ko sa kanya kanina na ang balita ng iba ay dito pa rin nag-aaral yung ex ko. Ayaw ko na mapag-usapan pa iyon. Though alam ko na karamihan sa school na ito ay alam ang naging relasyon naming dalawa at kung paano kami nagkahiwalay ng landas.
Mary's POV
Katabi ko si Steph at mukhang malalim ang iniisip niya. Nahihiya naman ako magtanong dahil alam ko ang ugali niya, ayaw niya yung pinagkukwento siya sa mga bagay-bagay lalo na kung masyado itong kumplikado para sa kanya. Napabuntong hiniga na lang ako at itinuon ang atensyon sa adviser namin na kakarating lang.
"Good morning class, I'm Miss Laurel and I'll be your adviser for this school year," pagpapakilala ng adviser namin pagkapasok. Tumugon naman kami sa pagbati niya.
"Since this is our first day may I request everyone to go infront and introduce yourself to everybody okay?"
"Yes Miss!" sagot ng lahat.
Sa unahan nag-umpisa si miss nang pagpapakilala, kami ni Steph ay sa likod umupo dahil parehas kaming matangkad, kawawa naman yung iba kung sa harap kami uupo baka hindi nila makita mga sinusulat sa whiteboard. Habang nagpapakilala mga kaklase namin sa harap ay may isang lalaki na pumasok, late na siya dahil nakapag-umpisa na ang mga kaklase namin magpakilala. Maputi siya, matangkad, matangos ang ilong, gwapo ito, sobrang gwapo mukhang mayaman kaso mukhang masungit. Naagaw niya ang atensyon ng lahat.
"Sorry miss I'm late" pagpapaumanhin niya.
"It's okay Denver you may take your sit we just started anyway," nakangiting sabi ni miss kay Denver.
Isa na lang ang bakanteng upuan at iyon ay sa tabi ni Steph. Tinignan ko si Steph at parang wala siya sa sarili niya. Mukhang lutang na lutang na naman ang isang ito kakaisip. Sa sobrang pag-iisip ko kung bakit lutang na lutang si Steph ay di ko namalayan na ako na pala ang magpapakilala kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa harap.
"Hello everyone, My name is Mary Kristine Dela Vega. And I'm 17 years old," ngumiti ako sa kanila after ko magpakilala at dumiretso agad ako sa upuan ko.
"Uy cous ikaw na magpapakilala ano ba nangyayari sa iyo?" tawag ko kay Steph.
"Ha? Ah wala," tumayo na siya at pumunta sa harap. Habang naglalakad si Steph ay maugong masyado ang bulungan. Di ko naman sila masisisi dahil talagang maganda si Steph, matangkad, mabait, caring, lahat-lahat na ng magandang katangian nasa kanya na kaya hindi na ako magtataka kung bakit marami nagkakagusto sa kanya. Syempre dahil pinsan ko yan magaganda ang katangian na nakikita ko. Pero hindi maipagkakaila ang kasungitan at katarayan niya kapag hindi niya gusto ang isang tao.
"Hi I'm Stephanie Jane Dizon, I'm 17 years old," seryosong saad niya at bumalik agad siya sa kanyang upuan.
"Denver, ikaw na, introduce yourself infront of the class" aniya ng adviser namin.
Agad namang tumugon ang isang ito. Mukhang kilala na siya sa buong campus dahil kahit ang adviser namin ay alam na ang pangalan niya. Siguro ay isa to sa mga kilalang basketball player dito. Halata kasi sa hubog ng katawan niya na athletic siya.
"I'm Denver John Lee, 18 years old," ngumiti siya pagkatapos magpakilala. Rinig na rinig ko ang impit na kilig ng mga babae nung ngumiti siya bago tuluyang umupo.
Nagtaka naman ako ng agad niyang nilapitan si Steph. Hindi ko alam kung magkakilala ba sila or what dahil hindi naman nababanggit ni Steph ang isang ito.
"Hey miss? Stephanie right?" tanong niya. Napailing na lang siya nang walang matanggap na sagot.
Tinignan lang siya ni Steph at di pinansin. Nakakapanibago ang mga kilos niya, kadalasan ay kapag may bumabati sa kanya ay binabati niya rin ito pabalik pero ngayon first time na hindi niya pinansin ang isang tao na bumati sa kanya.
Mukhang walang wala talaga sa mood to. Nakita na ba niya ang lalaki na iniiwasan niya?
Stephanie's POVNagulat ako ng makita na yung favorite kong book ang niregalo sa akin! Wala ako sinasabihan ng tungkol sa mga paboritong libro ko kaya ganon na lang gulat ko ng makita ito. I love books because it has been my escape tool to disappear from this painful reality.Paano niya nalaman na favorite book ko to? Sino ba kasi itong secret admirer? Hindi na lang kasi nagpakilala.Napuno ng tanong ang aking isip at alin man sa mga iyon ay hi
Stephanie's POVAkala ko ay magiging masaya ang first day ko, pero hindi, it happened the opposite way. Ang pinagpapasalamat ko na lang ay di ko siya nakita ngayon. Sana lang ay huwag na talaga siya magpakita pa. At doon naman kay Denver, ewan ko ba sa isang iyon at talagang nilapitan pa ako. Kung umasta akala mo ay hindi kami magkakilala. Pep squad member ako at basketball player naman siya, though hindi siya yung kasama sa line up kapag lumalaban sa ibang schools, let’s say team A yung lumalaban sa ibang school at sila naman ay team B, sa kanila kumukuha ng pamalit kapag kulang ng members ang team A. Hindi kami magkaibigan dahil hindi ko gusto kayabangan ng grupo nila."Okay class you may take your lunch," biglang sabi n
Mary's POV"Good Morning sunshine! Hello first day!" masayang bati ko pagkamulat ng aking mata.Masyado akong masaya pagkagising ko marahil ay dahil unang araw na ng klase. Excited ako pumasok lalo na at nakakamiss din yung pumapasok ka sa school. Dito ako nag-aral noon bago pa ako dalhin ng parents ko sa Canada at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko, hanggang sa payagan nila ako ulit mag-aral dito sa Pilipinas. Pagkabangon ko ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung may message ba sa akin.1 message receivedFrom:BabeGood Morning babe enjoy your first day of s
Stephanie's POVNagmamadali ako tumakbo pababa dahil sa dalawang magkasunod na katok sa pinto after ng doorbell.Asan na ba kasi sila mama at kuya at hindi man lang binuksan yung pinto. Tsk."Sandali lang andyan na!" sigaw ko doon sa nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko nang masilayan ang pinsan ko!"Mary! Bakit hindi mo sinabi na ngayon flight mo pabalik ng Pinas eh di sana nasundo ka namin nila mama sa airport," masayang saad ko matapos siyang makita sabay yakap.
"Babe! Gusto ko kapag nakapagtapos na tayo magtatrabaho tayo tapos mag-iipon at bubuo ng sarili nating pamilya," masayang sabi niya habang nakayakap sa akin.We were busy watching the sunset."Kung saan saan ka talaga nakakarating dahil dyan sa mga imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ko pa sa kanya. Nakitawa naman siya."Babe mahal na mahal kita. Pangako hinding hindi kita iiwan. Promise ipaglalaban kita kahit kapalit pa noon ay sariling buhay ko, ikaw lang ang babaeng nakikita ko na makakasama ko sa future," he smiled sweetly. Hindi ko alam kung a