Share

Chapter 4

Author: Larven Dizon
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-08 18:54:49

Stephanie's POV

Nagulat ako ng makita na yung favorite kong book ang niregalo sa akin! Wala ako sinasabihan ng tungkol sa mga paboritong libro ko kaya ganon na lang gulat ko ng makita ito. I love books because it has been my escape tool to disappear from this painful reality.

Paano niya nalaman na favorite book ko to? Sino ba kasi itong secret admirer? Hindi na lang kasi nagpakilala.

Napuno ng tanong ang aking isip at alin man sa mga iyon ay hindi ko mahanapan ng kasagutan. Naguguluhan pa rin ako sa nangyari. Hindi na bago sa akin ang may nagbibigay ng regalo pero nakakagulat talaga na may nalalaman siya tungkol sa mga hilig ko. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari.

"Cous bakit naman parang gulat na gulat ka pa na may nagbibigay ng ganyang regalo sa iyo? Sa ganda mong yan, hindi ka na dapat magtaka na may secret admirer ka," natatawang saad ni Mary. Nasa sala kami ngayon at iniisip ko pa rin sino siya, paano niya nalaman ang hilig na libro ko. Naguguluhan pa rin talaga ako. Nadagdagan lang ang gumugulo sa isip ko! Nakakainis. Pwede naman kasi magpakilala na lang.

"Cous matagal na akong di nakakatanggap ng mga ganito, so how do you expect me to react on this? Besides naguguluhan pa rin ako, paano niya nalaman na ito ang favorite book ko? And sino ba tong nagbigay na to? Pano niya ako nakilala? Mula nung sinabi ko sa iba na hindi ako mahilig tumanggap ng regalo tinigilan na nila kaya nakakapagtaka naman ang isang ito," kunot noong saad ko.

Habang nagkukwentuhan kami biglang nagbeep phone ko.

1 message received

From: 09178569342

Hey there Steph have you received my gift? Hope you like it. May nakapagsabi kasi sa akin na iyan ang favorite book mo kaya ayan ang binili ko. Don't worry you'll know who I am soon. See you around.

Gustuhin ko man magreply ay wala akong gana masyadong occupied ang isip ko sa mga nangyayari. Kaya binalik ko na lang sa bag ko ang phone ko. Inabot na kami ng gabi sa pag-uusap sa sala nang matapos kami kumain.

"Oh anak pumarito na kayo at kumain na niluto ko ang paborito ninyong ulam," bungad ni mama sa amin.

"Sige po mama susunod na po kami dyan magpapalit lang po kami ng damit," sa tinagal tagal namin na nanatili sa sala ay ngayon lang namin naisipan magpalit muna ng damit.

Umakyat na kami sa kwarto namin para magpalit ng damit at bumaba rin agad dahil naaamoy ko na yung favorite ko na sinigang. Kaming tatlo lang nila mama ang kumakain mukhang hindi pa tapos ang klase ni kuya kaya wala pa siya dito sa bahay. Lagi na lang hanggang gabi ang schedule niya kaya bihira na namin siya makasama kumain. Tahimik kaming kumakain at nakakapanibago iyon dahil tuwing kakain kami ay hindi nawawalan ng kwento ang isa sa amin. Iyon na kasi ang bonding namin since lahat kami ay busy sa mga gawain, simula kasi ng namatay si papa, si mama at kuya na ang nagsasalitan sa pagmamanage ng mga business namin dito sa Pilipinas kamag-anak naman namin ang nagmamanage sa business namin sa Korea.

"Cous pwede mo ba ako turuan sa math? Sa lahat kasi ito lang ang hindi ko talaga maintindihan," dumiretso agad kami sa study area sa kwarto ko para gawin ang mga assignments namin.

"Oo naman pwedeng pwede yun lang pala eh," natatawang saad ko. Ganyan kami mag-aral kapag magkasama, nagtuturuan. Kahinaan niya ang math ako naman ay kahinaan ko ang science. Ang kahinaan ko ay dun naman siya magaling at ganon din naman sa akin.

Lumipas ang oras at natapos na rin kami mag-aral. Nagpapahinga na kami ngayon. Maya maya pa ay nagsalita si Mary.

"Cous pwede mo ba ako kwentuhan tungkol sa inyo ng naging boyfriend mo?" interesadong tanong niya.

"Mmm. Oo naman, sige, kukwentuhan kita," pilit ang mga ngiti na sagot ko sa kanya.

"Noon ang saya naming dalawa, mayroon kaming hindi pagkakaintindihan minsan, pero madalas nagkakasundo kami. Maayos naman ang daloy ng relasyon namin noon tumagal nga kami ng 2 years. Makalipas ang ilang buwan matapos ang 2nd anniversary namin bigla na lang siya naging cold, palaging walang oras, palagi maraming ginagawa, hindi ko pinansin lahat ng iyon kasi busy din ako, hanggang sa nagulat na lang ako nakipaghiwalay na siya sa akin ng walang pasabi, bigla na lang nawala. Hindi ko alam kung ano gagawin ko noon kasi sobrang sakit. Ang sakit maiwan ng taong minahal mo ng walang sinasabing dahilan, ang sakit maiwan ng hindi man lang nagpapaalam at nawawala nang parang bula, na parang wala kayong relasyon, na parang wala kayong pinagsamahan na inabot ng mahigit dalawang taon. Ang hirap, sobrang hirap pero kailangan kong kayanin para maipagpatuloy ko ang mga pangarap ko na pareho namin binuo pero mag-isa ko na lang tinutupad. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya pero alam ko na meron. Pwede naman niya sabihin sa akin, bukal sa puso kong tatanggapin yung dahilan niya kasi ganon ko siya kamahal," malungkot na kwento ko. Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.

"Cous sorry pinagkwento pa kita," malungkot na sabi niya ngumiti na lang ako ng pilit para ipakita na ayos lang ako.

"Ganon pala talaga kasakit kapag naiwan ka ng taong mahal mo? Lalo na kung iniwan ka ng walang dahilan," tumango na lang ako sa kanya.

"Ngayon alam mo na ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi basta-basta. Kailangan handa kang masaktan at magparaya kahit ayaw mo, kahit labag sa kalooban mo ang gagawin mo kung para naman sa ikasasaya ng taong mahal mo. Kakayanin mong gagawin ang isang bagay dahil mahirap pilitin ang isang taong manatili sa buhay mo lalo na kung hindi na naman sila masaya sa piling mo," Seryosong saad ko.

Natahimik kami sandali at maya-maya lang ay pumunta na siya sa kwarto niya para matulog. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Dahil siguro naalala ko na naman ang aming nakaraan na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit. Idinaan ko na lang sa pakikinig ng kanta at maya-maya lang ay dinalaw na ako ng antok at nakatulog.

~Kinabukasan~

"Cous"

"Mmm"

"Cous gising na malelate na tayo," nagulat ako na makita siyang nakagayak na pagmulat ng mata ko!

Napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling tinignan ang oras sa cellphone ko!

What? 7am na?! Shit malelate kami!

Hindi ko na pinansin si Mary at nagmamadali ako bumangon at kumilos agad ako. Hindi ako masyado nakatulog kagabi kaya naman pakiramdam ko ay ilang minuto pa lang ako nakakatulog.

"Ma sa school na po ako kakain baka po malate kami. Alis na po kami bye ma!" nagmamadaling sabi ko habang papunta sa kotse ko.

Pumasok agad kami sa kotse at pinaandar agad ang makina nito. Binilisan ko ang pagpapatakbo at ilang sandali lang ay nasa school na kami. Buti na lang wala pa adviser namin.

"Cous sorry muntikan na tayo malate, hindi kasi ako nakatulog ng ayos kagabi sorry talaga," nakatungong sabi ko habang nilalaro mga daliri ko.

"Okay lang yun ano ka ba hindi naman tayo late kaya ayos lang. Okay ka lang ba?" nag-aalangan na tanong niya.

"Okay naman masyado lang ako nadala sa mga kinuwento ko sa iyo kagabi," malungkot na saad ko.

"Sorry talaga. Kung hindi ko pinakwento, hindi ka na sana malungkot ng ganyan ngayon," malungkot na sabi niya.

Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya "No worries. Immune na ako sa sakit kaya wag ka na mag-alala," pilit na tawa ko.

Habang nag-uusap kami ay biglang dumating si Charlene ang leader ng cheering squad.

"Steph! Come here for a while please?" nagpaalam muna ako sandali kay Mary para makausap leader namin.

"Oh? Anong meron at napasugod ka?" takang tanong ko.

"May practice tayo mamaya kasi malapit na magsimula yung interschool at magpeperform tayo dahil dito gagawin ang opening and pep rally nga pala mamaya so kailangan natin magperform ng walang practice,"

"Sige, salamat see you later,"

"Sige bye,"

Napabuntong hininga na lang ako sa biglang pag-aanyaya sa amin na magperform sa pep rally. Hindi man lang kami sinabihan ahead of time para nakapagpractice man lang kami kahit papaano. Saktong pagpasok ko ay dumating na ang lecturer kaya di na kami nakapag-usap. After 20 minutes ng discussion tsaka pa lang pumasok si Denver.

"Why are you late mr. Lee!?" mataray na tanong sa kanya ni ma'am Kate.

"Nalate po kasi ako ng gising ma'am sorry po," kamot ulong paliwanag niya.

"Next time you come late in class hindi na kita papapasukin pa! Understood?!" walang kasing taray talaga ang teacher na ito. Sa lahat ng subjects ko ay sa kanya talaga ako natatakot na malate.

"Yes ma'am" nakatungo na saad niya.

"Go to your seat faster!"

Nagturo ulit si ma'am at nakakapagtaka na ang tahimik naman masyado ng katabi ko. Isang linggo na ang lumipas mula nang magsimula ang klase pero ngayon lang siya tumahimik, noong mga nakakaraang araw kasi ay palagi niya ako kinukulit. Maya maya lang ay may kumatok sa pinto.

"Yes Ms. Cruz?" tanong ni ma'am kay Joane ang president ng student council.

"Ma'am pinapapunta po ang lahat ng students sa quadrangle para po sa pep rally and wala daw po klase ng morning. Thank you ma'am," ngumiti at umalis na si Joane. Nagkagulo ang buong room dahil afternoon class na lang ang meron kami.

"Okay class sabay-sabay tayo pupunta sa quadrangle so please arrange your things and we will go downstairs,"

"OH MY GOSH!!"

"IS THAT HIM ALREADY?"

"MY GOSH LALO SIYANG GUMWAPO"

"ANG GWAPO MO NA ANG BANGO MO PA"

"YYIIEEE DADAAN SIYA RITO GIRLS!"

Nagulat ako nung biglang umingay sa labas ng room namin. Hindi pa naman ako tapos mag-ayos ng gamit kaya deadma muna ako sa kanila. Baka isa lang yan sa mga players ng school na ipapakilala mamaya.

"Cous tara lagot tayo kay ma'am kapag di tayo nakalabas agad," paalala ni Mary.

"Tara na," yaya ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng classroom ay may nakita akong hindi ko inaasahang makikita ng dalawang mata ko...

Is that him already? Or am I just dreaming?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hidden Identity   Chapter 4

    Stephanie's POVNagulat ako ng makita na yung favorite kong book ang niregalo sa akin! Wala ako sinasabihan ng tungkol sa mga paboritong libro ko kaya ganon na lang gulat ko ng makita ito. I love books because it has been my escape tool to disappear from this painful reality.Paano niya nalaman na favorite book ko to? Sino ba kasi itong secret admirer? Hindi na lang kasi nagpakilala.Napuno ng tanong ang aking isip at alin man sa mga iyon ay hi

  • Hidden Identity   Chapter 3

    Stephanie's POVAkala ko ay magiging masaya ang first day ko, pero hindi, it happened the opposite way. Ang pinagpapasalamat ko na lang ay di ko siya nakita ngayon. Sana lang ay huwag na talaga siya magpakita pa. At doon naman kay Denver, ewan ko ba sa isang iyon at talagang nilapitan pa ako. Kung umasta akala mo ay hindi kami magkakilala. Pep squad member ako at basketball player naman siya, though hindi siya yung kasama sa line up kapag lumalaban sa ibang schools, let’s say team A yung lumalaban sa ibang school at sila naman ay team B, sa kanila kumukuha ng pamalit kapag kulang ng members ang team A. Hindi kami magkaibigan dahil hindi ko gusto kayabangan ng grupo nila."Okay class you may take your lunch," biglang sabi n

  • Hidden Identity   Chapter 2

    Mary's POV"Good Morning sunshine! Hello first day!" masayang bati ko pagkamulat ng aking mata.Masyado akong masaya pagkagising ko marahil ay dahil unang araw na ng klase. Excited ako pumasok lalo na at nakakamiss din yung pumapasok ka sa school. Dito ako nag-aral noon bago pa ako dalhin ng parents ko sa Canada at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko, hanggang sa payagan nila ako ulit mag-aral dito sa Pilipinas. Pagkabangon ko ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung may message ba sa akin.1 message receivedFrom:BabeGood Morning babe enjoy your first day of s

  • Hidden Identity   Chapter 1

    Stephanie's POVNagmamadali ako tumakbo pababa dahil sa dalawang magkasunod na katok sa pinto after ng doorbell.Asan na ba kasi sila mama at kuya at hindi man lang binuksan yung pinto. Tsk."Sandali lang andyan na!" sigaw ko doon sa nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko nang masilayan ang pinsan ko!"Mary! Bakit hindi mo sinabi na ngayon flight mo pabalik ng Pinas eh di sana nasundo ka namin nila mama sa airport," masayang saad ko matapos siyang makita sabay yakap.

  • Hidden Identity   Prologue

    "Babe! Gusto ko kapag nakapagtapos na tayo magtatrabaho tayo tapos mag-iipon at bubuo ng sarili nating pamilya," masayang sabi niya habang nakayakap sa akin.We were busy watching the sunset."Kung saan saan ka talaga nakakarating dahil dyan sa mga imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ko pa sa kanya. Nakitawa naman siya."Babe mahal na mahal kita. Pangako hinding hindi kita iiwan. Promise ipaglalaban kita kahit kapalit pa noon ay sariling buhay ko, ikaw lang ang babaeng nakikita ko na makakasama ko sa future," he smiled sweetly. Hindi ko alam kung a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status