MasukStephanie's POV
Akala ko ay magiging masaya ang first day ko, pero hindi, it happened the opposite way. Ang pinagpapasalamat ko na lang ay di ko siya nakita ngayon. Sana lang ay huwag na talaga siya magpakita pa. At doon naman kay Denver, ewan ko ba sa isang iyon at talagang nilapitan pa ako. Kung umasta akala mo ay hindi kami magkakilala. Pep squad member ako at basketball player naman siya, though hindi siya yung kasama sa line up kapag lumalaban sa ibang schools, let’s say team A yung lumalaban sa ibang school at sila naman ay team B, sa kanila kumukuha ng pamalit kapag kulang ng members ang team A. Hindi kami magkaibigan dahil hindi ko gusto kayabangan ng grupo nila.
"Okay class you may take your lunch," biglang sabi ng adviser namin. Sa sobrang pagiging lutang ko hindi ko namalayan na lunch break na pala.
"Cous tara? Baka wala tayo maupuan sa canteen mukhang sabay-sabay ang lunch break ng lahat ng students," tumango na lang ako sa sinabi niya.
Nagmamadali kami pumunta ng canteen. Buti na lang at may mga bakanteng upuan pa. Umorder kami ng chicken spag at masyado ako ginutom kakaisip kanina, si Mary naman ay alam kong favorite niya yan kaya yan na rin ang inorder niya.
"Cous. A-Ahm. K-Kanina ko pa kasi napapansin na wala ka sa m-mood. O-Okay ka lang?" nahihiya na tanong ni Mary sa akin.
"Yeah cous, okay lang ako, hindi ko lang siguro feel na pumasok ulit kaya siguro wala ako sa mood," seryosong sagot ko sa kanya.
Habang nag-uusap kami ay nagbeep yung phone ni Mary. Binasa niya ito ng ngiting ngiti halata mo na kinikilig.
"Cous aalis muna ako ah. May kikitain lang ako sa may quadrangle babalikan kita dyan ah," masayang paalam niya sa akin.
"Ikaw ah sino yan? Naglilihim ka na sa akin ah. Boyfriend mo yan no?" mapanuksong tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako ng mamula ang mukha niya!
"Ha? H-hindi ah bestfriend ko to gusto lang makipagkita. Sige na, baka umalis agad dahil mamaya na kasi ang flight nila pabalik ng Canada. Babalikan kita agad promise. Bye cous," at nagmamadali na siya umalis. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula na kumain.
"Is this seat taken?" nagulat ako nung may biglang nagtanong. Inangat ko agad ng tingin ko at nakita ko si Denver sa harap ko. Lalo ata nasira ang araw na ito.
"Does it look like someone is sitting there?" mataray na sabi ko. Wala pa rin ako sa mood hanggang ngayon kaya natatarayan ko lahat ng kumakausap sa akin pwera lang sa pinsan ko.
"Can't you be more approachable to someone?" nakangiti ngunit sarcastic na tanong niya.
"Can't you just get lost and leave me alone? I don't need someone who will just iritate and ruin my day even more," ngumisi siya sa akin at umalis na siya. Buti naman at ayaw na ayaw ko na nakikita yung mayabang na yon!
Bwisitin mo pa akong panget ka at ilulublob kita sa kanal!
Maya maya ay bumalik na si Mary ng may matamis na ngiti. Ngayon ko lang siya nakita na ngumiti ng matamis, pwede na ngang puntahan ng langgam sa sobrang tamis. Nung mga bata kami never ko pa siya nakikita na ngumiti ng ganyan kaya naman ganon na lang ang pagiging curious ko sa expression niya.
"What's with the smile cous? I think boyfriend mo talaga yung pinuntahan mo at hindi bestfriend mo," seryosong sabi ko sa kanya at nagulat ako ng biglang namula na naman ang pisngi niya.
"Well. Okay. Sige, aamin na ako. Yes, I went somewhere to see my boyfriend. We got into a relationship when I was still in Canada. Actually it has been 2 years since we became lovers," nagulat ako sa pag-amin niya! Akala ko pa naman ay magpapakipot pa siya sa pagsagot.
"So you have been in a relationship for 2 years now?" paglilinaw ko narinig ko sa kanya.
"Yes. Well alam naman nila mommy to dahil kinukwento ko sa kanila lahat. Ikukwento ko na sana sa iyo kaso mukhang ang lalim ng iniisip mo at mukhang marami ring gumugulo sa isip mo kanina kaya hindi ko makwento sa iyo ang tungkol don," nakangusong saad niya.
"Masaya naman ako na nakikita kita na masaya sa kanya," pilit na ngiti ang sumilay sa aking labi. "Sabi ko naman sa iyo supportado kita sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo," sinsero kong saad sa kanya ng nararamdaman ko. Masaya ako na nakikita ko siya na masaya at blooming. "Pero cous kapag sinaktan ka niyan sabihin mo sa akin okay? Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung papaiyakin ka. Gugulpihin ko yun at babaliin ko buto niya kapag pinaiyak at sinaktan ka niya," seryosong sabi ko sa kanya.
First time niya pumasok sa isang relasyon at ayaw ko maranasan niya yung sakit na naranasan ko sa past ko. Nakakabaliw yung sakit na yon, nakakawalang gana gumawa ng mga bagay kahit na hilig ko pa ang mga yon. Parang nawalan ka na ng rason para mabuhay dahil lang sa sakit na dinanas mo.
Habang nagkukwentuhan kami ay umingay ang paligid. Nakakarindi ang mga tilian ng girls at gays sa paligid.
"Ano ba yan ang iingay naman ng mga yan nakakarindi! Ang sakit sa tenga! Bwiset!" iritang sabi ko.
"Nevermind them kumain na lang tayo baka malate pa tayo sa klase natin," inabala na lang namin ang sarili sa pagkain at hinayaan sila na masira ang mga lalamunan kakatili sa kung saan man.
"Girls ayan na yung basketball team!"
"Waaahh ang gagwapo nila yyiieee!"
"Guys si Denver! Oh my gosh ang pogi niya talaga! He is so perfect!"
Nagulat ko na makita si Denver sa basketball team ng school. I didn't expect him to be a varsity anyway. I mean player siya pero hindi siya kasama sa line up na lumalaban sa iba't ibang school. Hindi ko siya nakikita sa team simula nung nakapasok ako sa cheering squad. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa spot nila sa canteen. May sarili silang pwesto doon na sila lang ang pwede gumamit at katabi nun ay ang table na exclusive lang para sa cheering squad where in hindi nila ako kasama sa table na iyon. Mas gusto ko pa makasama pinsan ko kesa sa kanila. Ang iba naman kasi sa kanila ay gumagawa lang ng moves para mapansin ng basketball team. Napairap na lang ako sa kanila.
"Psh kahit anong tawag nila sa mga yan di talaga sila papansin ng mga yan! Ang yayabang nila akala mo kung sino. Tss," inis na sabi ko.
"Paano mo naman nasabi yan cous?" curious na tanong niya.
"I'm a member of the cheering squad since first year highschool at nakakasalimuha ko na sila. Wala masyado may alam na member ako ng cheering team noong una dahil hindi ko naman sila sinasamahan. Nalaman lang nila na yon nung first time ko magperform sa isang game ng basketball team. You know me cous, I'm not into popularity," mataray na sabi ko sa kanya.
"For real cous? Member ka ng cheering squad? Bakit hindi mo kinwento sa akin yan! Nako support kita kapag may mga contest kayo," masayang saad niya.
"Naging busy din kasi ako simula nang makapasok ako kaya ayun hindi na kita nakwentuhan. Tara bilisan na natin ang pagkain para makabalik na tayo sa room," pagtatapos ko ng usapan.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta muna kami sa powder room bago dumiretso sa room. Kaming dalawa pa lang ang tao kaya naglayag na naman ang utak ko. Member siya ng basketball team pero nagtataka ako kung bakit hindi siya kasama nila Denver kanina. More than 2 years na nakalipas mula nung naghiwalay kami and I must admit I still care, kahit konti ay mahal ko pa rin but I should let him go at alam ko may iba na siya. Kakaisip ko di ko namalayan na kumpleto na pala kami sa room at adviser na lang namin ang wala.
"Hey there Steph nakita kita at parang may hinahanap ka sa grupo namin kanina?" nakangising tanong ni Denver sa akin pagkarating niya sa upuan niya na katabi ko naman. May bwisit na naman.
"As if naman may hinahanap ako sa grupo niyo," mataray na sagot ko.
"Bakit wala ka ba talaga hinahanap?" nakangisi pa ring tanong niya.
"Alam mo kung wala ka magawa manahimik ka na lang nakakairita ka kasi eh alam mo yun? Kala mo kung sinong gwapo feelingero naman tss," mataray na sabi ko at nakinig na lang ako ng music.
Alam ko na gusto pa ako kausapin ni Mary pero masyado ako binadtrip nitong hambog na katabi ko kaya mas gugustuhin ko pa makinig na lang ng music kesa kulitin ako ng kulitin nitong katabi ko na wala na naman magawa sa buhay kaya nambulabog. Nakatulog na ako habang nakikinig ng music sa player ko. Nagising ako sa kalabit ni Mary sa akin.
"Cous pwede na raw umuwi may meeting daw mga lecturers kaya pauuwin na raw tayo,"
"Tara uwi na tayo inaantok na rin ako gusto ko na matulog," kinuha ko na agad ang mga gamit ko at nauna nang lumabas ng room.
Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay may mga estudyante na tumatawag sa akin. Hindi na bago sa pandinig ko yan, simula nung naging part ako ng cheering squad ay may mga bumabati na sa akin at yung iba naman ay nagpapapansin pa talaga pero deadma na lang ako sa kanila.
"Cous daan muna tayo fastfood tapos kainin natin sa bahay pagdating meryenda na rin natin ganon," nakangiting suhesyon ni Mary pagkapasok namin sa kotse.
"Tara sige gusto ko yan! Bibilhan ko na rin si kuya at baka magtampo na naman yung panget na yun," natatawang saad ko.
Dumaan muna kami sa isang fastfood chain at nagtake out ng pagkain. Habang nasa daan pauwi ay nagkukwentuhan pa rin kami, madami na kaming hindi alam tungkol sa isa't isa kaya kahit saglit lang ay nagbawi kami ng kwentuhan. Nang makarating na kami sa bahay ay nauna siya bumaba sa akin.
"Cous? May regalo ka oh iniwan lang sa labas ng pinto," napalingon naman ako sa kanya. Kumunot ang noo sa regalo na hawak niya.
Binasa ko ang nakasulat don.
To: Ms. Beautiful
Hope you like my present Steph.
From: D
Who the hell and what the hell is this?
Stephanie's POVNagulat ako ng makita na yung favorite kong book ang niregalo sa akin! Wala ako sinasabihan ng tungkol sa mga paboritong libro ko kaya ganon na lang gulat ko ng makita ito. I love books because it has been my escape tool to disappear from this painful reality.Paano niya nalaman na favorite book ko to? Sino ba kasi itong secret admirer? Hindi na lang kasi nagpakilala.Napuno ng tanong ang aking isip at alin man sa mga iyon ay hi
Stephanie's POVAkala ko ay magiging masaya ang first day ko, pero hindi, it happened the opposite way. Ang pinagpapasalamat ko na lang ay di ko siya nakita ngayon. Sana lang ay huwag na talaga siya magpakita pa. At doon naman kay Denver, ewan ko ba sa isang iyon at talagang nilapitan pa ako. Kung umasta akala mo ay hindi kami magkakilala. Pep squad member ako at basketball player naman siya, though hindi siya yung kasama sa line up kapag lumalaban sa ibang schools, let’s say team A yung lumalaban sa ibang school at sila naman ay team B, sa kanila kumukuha ng pamalit kapag kulang ng members ang team A. Hindi kami magkaibigan dahil hindi ko gusto kayabangan ng grupo nila."Okay class you may take your lunch," biglang sabi n
Mary's POV"Good Morning sunshine! Hello first day!" masayang bati ko pagkamulat ng aking mata.Masyado akong masaya pagkagising ko marahil ay dahil unang araw na ng klase. Excited ako pumasok lalo na at nakakamiss din yung pumapasok ka sa school. Dito ako nag-aral noon bago pa ako dalhin ng parents ko sa Canada at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko, hanggang sa payagan nila ako ulit mag-aral dito sa Pilipinas. Pagkabangon ko ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung may message ba sa akin.1 message receivedFrom:BabeGood Morning babe enjoy your first day of s
Stephanie's POVNagmamadali ako tumakbo pababa dahil sa dalawang magkasunod na katok sa pinto after ng doorbell.Asan na ba kasi sila mama at kuya at hindi man lang binuksan yung pinto. Tsk."Sandali lang andyan na!" sigaw ko doon sa nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko nang masilayan ang pinsan ko!"Mary! Bakit hindi mo sinabi na ngayon flight mo pabalik ng Pinas eh di sana nasundo ka namin nila mama sa airport," masayang saad ko matapos siyang makita sabay yakap.
"Babe! Gusto ko kapag nakapagtapos na tayo magtatrabaho tayo tapos mag-iipon at bubuo ng sarili nating pamilya," masayang sabi niya habang nakayakap sa akin.We were busy watching the sunset."Kung saan saan ka talaga nakakarating dahil dyan sa mga imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ko pa sa kanya. Nakitawa naman siya."Babe mahal na mahal kita. Pangako hinding hindi kita iiwan. Promise ipaglalaban kita kahit kapalit pa noon ay sariling buhay ko, ikaw lang ang babaeng nakikita ko na makakasama ko sa future," he smiled sweetly. Hindi ko alam kung a