Share

Lucky Stars (Ongoing)
Lucky Stars (Ongoing)
Author: Iamnyldechan

One

Author: Iamnyldechan
last update publish date: 2020-10-18 12:20:46

"YOU ARE NOW OFFICIALLY MARRIED." 

The worst thing I heard two days ago.

___

STELLA

Two days earlier. 

"Ito na po yon order niyo Mam." nilapag ng waitress ang isang tray na may laman sundae icecream at dalawang bff fries na kaya namin ubusin ng kaibigan kong si Lyka. 

We just got off work on night shifts. Wala pa sa itsura ng mga mata namin ang antok and we decided na kumain muna sa Mcdo bago umuwi. 

"Grabe si Sir Jonas. G na G kay Danica kasi magleleave for her wedding." wika ng chismosa kong kaibigan. Iyon ba naman chinichismis niya e sa day shift pa na employee at ibang department. Ang lakas talaga ng radar niya. 

"Eh ano naman kung mag leave siya. Hindi na siya payagan ng supervisor nilang bakla." sabay tumawa ako. 

"Gaga, yon groom to be ba naman kasi, eh crush na crush ni Sir Jonas. Mag aalboroto talaga yon." natawa kaming pareho habang nagbubulungan. Baka kasi may kasabayan kaming katrabaho na kumakain din at marinig kami. For sure, gulo ito. 

Lyka sighed. Saka pumalumbaba. Nakatingin siya sa fries na sinasawsaw niya sa ketchup na nilagay lang namin sa tissue. 

"I wanna get married too. Ang tanda ko na Sis." she claimed. Ngumiti lang ako. 

"Jowa muna bago asawa." pabiro kong sinabi. Kumunot noo siya. 

"Hindi nga ako nililigawan ng mga sira ulo natin kasamahan e. They don't see my worth." kasabay non ang paghaba ng nguso niya at paawang mga mata. 

"Ano akala mo, hulog ng langit ang jowa mo?" manatili siya sa paawa epek niyang mukha na di na epektib sa akin . 

Lumipat ang tingin niya sa akin. "Ikaw ba? Hindi ka ba nagwoworry na wala ka pang boyfriend. Madami na nanligaw sayo. Wala ka pa din type?" 

"Hindi pa ako ready. Not by means na hindi pa ready magjowa. Hindi pa din ako ready mag asawa." paliwanag ko. She looked at me not convinced. 

"Malay mo biglang dumating si Mr. Right, hindi ka pa ready?" dahan dahan akong tumango. She sighed again, and now deeply. 

"Baka mamaya isang araw magising kana lang na may asawa. Ikaw din. You'll regret not being ready." natawa ako sa biro niya. Walang ganoon na biglang isang araw may asawa na ako. Sina Mama at Papa nga hindi ako makumbinsi na mag asawa. Saka sinong lalake ang papatol sa ganoon set up. 

After namin kumain ng breakfast sa Mcdo. Naghiwalay na kami ni Lyka ng ruta. Sa Alabang siya uuwi ngayon dahil day off niya bukas. Habang ako, uuwi ako sa bahay dahil birthday ni Justin ngayon. May malaking celebration sa bahay nina Mama at Papa at hindi puwedeng wala ako. Kaisa isa na nga lang na anak nila, wala pa sa bahay. 

Hindi sa pagmamayabang pero mayaman kami. Kahit na hindi na ako magtrabaho ay okay lang pero ayoko din umasa sa yaman nina Mama. Kaya nagdecide akong magtrabaho as department accountant sa isang maliit na firm. And thats where I met my bestfriend Lyka. Matapos ko makagraduated at makapasa sa board exams. Nagtrabaho agad ako, bought my own condo and car. 

Halos mag aapat na taon na ako sa firm na yon. At halos lahat na ata ng nakatrabaho ko ay niligawan ako. Pero hindi ko pa din alam bakit hindi ko magawang sagutin ang kahit isa sa kanila. Hindi naman ako choosy. Hindi naman ako super sexy at parang pang modelo ang itsura para mag inarte. Sadyang ayaw lang talaga ng isipan ko. 

"Ate Stella!" sigaw ng pamangkin ko na si Justin. Hindi ko pa naipapark ng maayos ang kotse ko ay ramdam na niyang nasa bahay na ako. Napilitan tuloy akong iutos sa driver nina Mama na iparada ang kotse ko at baka tumakbo pa ang bata para habulin ako. 

Bitbit ko ang isang malaking kahon na binalot namin ni Lyka ng blue wrapper na may Happy Birthday na designs. Dumaan ako ng Toy Kingdom at bumili ng remote controlled plane na hilig ng bata. Piloto kasi ang tatay niya kaya apektado din ang hilig niya. Madali akong sinalubong ni Justin at yumakap sa beywang ko. 

"Hey, easy there." nakatawa kong sinabi habang tinatanggal ang mga braso niya sa may bandang puwet ko. Doon kasi siya nakayakap at natatawa ako. 

"I thought you were at work." masayang wika ng bata. 

"I am. Nightshift si Tita kaya maaga ako umuwi. And besides its your birthday diba?" he got excited nanaman nang banggitin ko ang birthday niya. Sina Mama at Papa kasi ang nagplano ng bonggang celebration. Napilitan pa si Anika na pinsan ko na sumang ayon dahil gagastos sila ng malaki. Syempre apo, kaya daw dapat malaking handaan. 

Ganoon na kasabik sina Mama at Papa sa pagkakaroon ng apo kaya't pati mga apo nila sa mga pinsan ko pinakekealaman nila. 

Hinila hila ako ni Justin patungo sa kusina. Naroon kasi sina Mama at Anika na nagluluto. Nahihiya akong pumasok dahil for sure itotopic nanaman ako ni Mama sa pinsan ko. 

"Mamaya na kaya Justin. Magbibihis muna si Tita." pagpigil ko sa bata bago ako masabon ni Mama. But the kid was so eagier. Hinila hila niya ako hanggang sa makaladkad ako. 

"Sige na Ate Stella. Mama is excited to see you."pagpilit niya. Hindi na ako makatakas. Kaya gumora na ako. Hindi pa kami umaabot sa dining area ay tanaw ko na si Mama na kausap ang isang maid. Lumingon siya agad sa amin. Then she raised her eyebrows. 

"Akala ko pa naman may dala kanang boyfriend." I knew it she would say that. Natawa si Anika na nasa likuran lang niya then tumakbo sa kaniya si Justin. 

"Mama naman. Birthday ni Justin ang pinunta ko dito." sagot ko and yet she still looks upset for not bringing a guy. 

"Idinahilan mo pa yan pinsan mo. Stella, magdadalawa na anak ni Anika at ikaw wala pa din." nagulat ako sa sinabi niya. Then lumingon ako kay Anika and she's nodding. So I will have a second niece or nephew. Nakaka excited. 

Nilapitan ko si Mama saka niyakap. Oo nagtatampo siya pero alam ko naman ang weakness niya. Konting lambing ko lang at babalik na siya sa dati. 

"Sorry na Ma. Wag kana magsungit diyan. Dumadami yan wrinkles mo. Sayang naman pagpapafacial." I said habang hinihimas ang pisngi at noo ni Mama. Pinipilit niyang huwag tumawa pero she can't get mad at me for a long time. Alam ko paano maging marupok si Mama. I'm her only princess who could make her laugh. 

"Oo na. Sige na. Panalo kana." she finally said. I hugged her tightly na pinipilit niyang tanggalin na ang braso ko sa bewang niya. 

"Tama na yan Stella. Hindi kana baby." pagsusungit niya. Bumitaw ako at nilapitan ko si Anika at niyakap. 

Hinanap ko si Papa after ko manggaling sa kusina. Nasa garden siya kung saan gaganapin ang party. May mga kakwentuhan siyang mga bisita sa side ng asawa ni Anika kaya hindi na ako lumapit para istorbohin siya. 

I will spent the rest of my weekend here. Lalo at birthday ko na din sa darating na Lunes. Gusto ko kasing mag birthday sa bahay kasama sina Mama at habang nandito ang nga pinsan ko. By the end of the month, lilipad na sila pauwi ng New York. At magiging malungkot nanaman ang bahay na ito. 

Its much more lively kapag nandito sila. And Mama will stop bugging me about looking for a boyfriend. Hindi na nga boyfriend e. Instant asawa na. May lalake bang ganoon,  si Mama talaga napaka imposible. 

Hindi ko naman sila masisisi. Senior na si Papa at ganundin si Mama. Kapag may gatherings daw sila ng mga kaibigan nila. Laging tanong sa kanila kung may apo na sila. At naiinggit literal si Mama kapag nagpapayabangan ang mga kaibigan niya sa mga cute nilang apo. Wala siyang maipakita. Kapag naman daw sinasabi niyang ayaw ko pa mag asawa, sagot naman ng mga kaibigan niya. Baka daw tumanda akong dalaga or mahirapan mag anak. Kaya yan, naghihysterical na siya. Baka daw mahirapan ako mabuntis. Napaka OA ni Mama pero hinahayaan ko nalang. 

Si Papa naman walang imik pero alam kong sabik na siya. Hindi lang siya maboka. Unlike Mama na kabisado ko na mga lines niya araw araw. 

"Hay..." Napabuntong hininga nalang ako paglapag ko ng katawan ko sa kama ko. Bagong cover ang kama ko. Talagang pinaghandaan nila ang pag uwi ko. Niyakap ko ang lumang teddy bear na gamit ko pa non bata ako. Naka display pa siya dito sa kwarto ko. Para ngang walang nabago. Kung paano ko siya iniwan five years ago, ganon pa din. They missed me that much. 

Nakatingin ako sa ceiling. Tinatamad pa ako magbihis. I think I'll take a nap bago bumaba. Hapon pa naman ang birthday. At wala pa akong tulog. Hinubad ko ang sneakers na suot ko at medyas. Hinayaan ko lang silang nakakalat sa may sahig. Wala na din akong lakas na ligpitin pa iyon. I'm totally exhausted. 

Hindi na din ako nagpalit. Sa lakas ng inverter, mabilis akong inantok. 

"STELLA! STELLA!"

I heard Mama, Paulit ulit siya sa pagkatok sa pinto ko. Hindi pa ako makabangon. Para kasing nakabaon pa ang katawan ko sa malambot na kutson. 

Then I heard my alarm clock. Its almost morning? 

"Stella! Breakfast is almost ready. Aalis ako, ikaw lang maiiwan dito ha." I heard her again. She'll doing the grocery siguro. Hindi na niya hinintay ang sagot ko and she stopped knocking my door. Nasaan kaya sina Anika? Kasama siguro niya.

Gabi na natapos ang party ni Justin kahapon. Naalala ko na bumangon pa ako after napping. Then nanood ng magic show at kumain ng dinner then bumalik ako sa pag tulog. Hindi na nila ako inabala dahil wala pa akong pahinga. 

"Arrgh!" napilitan na akong bumangon dahil masyado nang maliwanag sa kwarto ko. Si Mama kasi naglagay ba naman ng white curtains eh. Matamlay akong pumasok ng CR para maghilamos at magbihis. Then naghanap ako ng slippers bago bumaba. Nagluto daw sila ng breakfast. I hope its eggs and waffles. Its my favorite combination. At alam na alam ni Mama ang gusto ko. Hindi rin kasi ako marunong magluto kaya nga malas ako talaga pag nag asawa. Puro fast food kami kakain which is gawain ko. Kaya galit na galit si Mama sa akin. Magkakasakit daw ako don. 

Pagbaba ko. Walang tao sa garden at sa may pool. Its Saturday kaya wala din si Papa. Nag golf yon. Sina Anika siguro kasama ni Mama. Nakita ko sa dining table ang pagkain ko. Nagtimpla muna ako ng kape ko. May laman pa ang coffee brewer kaya't binuksan ko muna. 

Kinuha ko ang remote saka nagbukas ng tv. Morning news ang madalas ko panoorin. Naupo ako sa velvet sofa saka itinaas ang dalawa kong paa sa round table na kaharap nito. 

May plato na sa tabi ko, isang pares ng egg rolls at dalawang waffles. I'm just waiting for the coffee. 

"Tristan Wolffe is live us today.!" 

Napalingon ako sa tv nang marinig ang malakas na boses ng reporter. Nasa kusina ako at nagtitimpla ng kape ko. Sinilip ko ang pinapakita sa tv. 

"Who is Tristan Wolffe again?" 

I saw a guy, wearing a tinted sunglasses with a pair of peachy short sleeves and skinny pants. He looks so young yet manly. I've heard his name a million times. A bachelor, young businessman, model at kung ano ano pa. 

I just hissed watching him taking an interview. Ano bang special sa kaniya? Gwapo siya? Mayaman? Mayaman din kami. Bakit ba? And duh, hindi lang siya ang gwapo sa mundo. Mas pogi pa si Tom Cruise my first love. 

Hindi ko na pinakinggan ang interview sa kaniya. Mas inisip ko kung paano ko iinumin ang kape ko na mainit kahit mapaso itong labi ko. 

He is trending again. For sure pagbalik ko sa work. Trending din ang balitang to. Crush ng kompaniya tong Tristan na to e. Kapag bali balita na bibisita siya doon kala mo mga hindi nakakita ng lalake yon mga kasama ko kung makipagrambulan makakuha lang ng selfie sa kaniya e. 

And I'm not one of them. Who cares. 

This Tristan guy maybe like the other guys too. Mga pafall, pagwapings tapos ayon sasaktan lang kaming mga babaeng patay na patay sa kanila. Oh come on. I've been there. 

Kaya siguro hindi na din ako makapag boyfriend. Kasi I lose interest and much worst I lose trust. I hate to say it but bitter ako. When my ex dumped me, I did everything I could to save us. Nagmukha na nga akong tanga. At dahil sa sira ulong yon, nagkaroon ako ng viral video. 

A desperate woman, proposing to a man almost dumped her thrice. 

Big mistake. Yes. I proposed to him thinking its the best way to save us is to get married. And yes. It was a fucking idea. And I was fucked up. Fuck him. And everyone who made that video. 

Nagulat ako ng tumunog ang oven. Pumasok nanaman sa isipan ko ang masamang nakaraan na yon. Napailing iling ako. I should eat and take a shower. 

___

iamnyldechan 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lucky Stars (Ongoing)   Five

    Hindi ko alam kung bakit pero pagod na pagod ang katawan ko. Maybe because of everything happened a few days ago. Nakahilata lang ako sa malambot na couch habang bukas ang tv. Habang si Tristan, nasa kabilang sofa at nakatuon lang sa hawak niyang iPad. Wala ba itong trabaho?“Wala ka bang pasok? I mean work. Presscon? Meeting ?” tumingin lang siya sa akin then he nod. Maygad! Ganun lang kami mag uusap? Tanguan.I hissed. Maboboring ako sa bahay na ito.Sinilip ko ang phone ko. I have a message from Carina, one of my workmates.Busy ka girl? Tara, bar tayo mamaya. Kasama sina Dex at Lyka.Nagreply agad ako ng oo kahit di ko pa naipapaalam kay Tristan.“Um.

  • Lucky Stars (Ongoing)   Four

    Tahimik lang ako habang kumakain. Ni hindi ko siya matignan sa mga mata. Masiyadong masarap ang pagkakaluto niya, did he study culinary arts? Bakit ang galing niya magluto?"Um.. Masarap siya." I break out the silence. Masiyadong tahimik.“That's good. I figured out you don't know how to cook.” biglang tumaas ang isang kilay ko. Is he insulting me in a comfortable way?“So kaya ikaw ang nagluto?” may pagkamataray na ako sa tanong ko. Hindi siya umimik. Nanatili siya sa matikas na posisyon at patuloy sa pagkain. I rolled my eyes and just snob him. Antipatiko din pala ito. Eh ano kung hindi ako marunong magluto.Pagtapos kumain, siya na din ang nagligpit. Hinayaan ko siya tutal mukhang naeenjoy niya ang ginagawa. Naupo ulit ako at isinampa ko ang dalaw

  • Lucky Stars (Ongoing)   Three

    Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Its Tristan Wolffe from the tv! I started to tremble. Parang gusto ko nanaman himatayin. Tapos magising sa nakakabulahaw na panaginip na ito.“Anak, makinig ka. Tristan here is a good man. He'll be a good husband.” Mama said. I don't trust any man after Cairo left. Tapos this guy, mapagkakatiwalaan? No way.“Paano mo nasasabi yan Ma? Hindi nga natin kilala yan e.” sagot ko.“We know him. So you should give him a chance.” sa pananalita ni Mama, I know she's telling the truth. Alam ko naman na wala silang intensyon ni Papa na hindi maganda para sa akin.“Okay, Mrs. Wolffe. Let me explain what is the agreement all about, so you can understand.” nagulat ako when Atty. Galman spoke. I guess I need a lawyer's advice. Baka may maganda siyang sasabihin. Or maybe mu

  • Lucky Stars (Ongoing)   Two

    Naisipan nina Mama at Anika na ipagluto ako ng spaghetti at igawa ako ng crema de fruta para sa birthday ko. Lalo akong nasasabik dahil makakatikim ako ng favorite dessert ko na si Mama lang ang may gawa. Nag imbita ako ng ilan kaibigan like Lyka, Dexter at Joshua. Sila lang naman kasi ang kilala ni Mama na barkada ko. Karamihan sa mga magiging bisita ko ay mga pinsan ko din then mga tiyahin. Kaya maliit lang na celebration ang mangyayari. Hindi halata sa itsura ko pero 26 na ako. Madadagdagan nanaman ng isang numero ang edad ko sa darating na Lunes. Pero hindi ko na yon problema as long as malaya ako and I can do everything I want. Walang magsasabi ng bawal, walang pipigil. "Insan." tinapik ako ni Anika habang nagsasalansan kami ng mga graham biscuits na gagamitin ni Mama. Nasa garden si Justin at naglalaro kasama ni Papa. "Bakit nga ba hindi ka pa mag asawa? Hindi s

  • Lucky Stars (Ongoing)   One

    "YOU ARE NOW OFFICIALLY MARRIED."The worst thing I heard two days ago.___STELLATwo days earlier."Ito na po yon order niyo Mam." nilapag ng waitress ang isang tray na may laman sundae icecream at dalawang bff fries na kaya namin ubusin ng kaibigan kong si Lyka.We just got off work on night shifts. Wala pa sa itsura ng mga mata namin ang antok and we decided na kumain muna sa Mcdo bago umuwi."Grabe si Sir Jonas. G na G kay Danica kasi magleleave for her wedding." wika ng chismosa kong kaibigan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status