Share

01

Author: sheisatree
last update publish date: 2020-08-07 02:00:08

"Ate Mayi!"

Agad akong napaupo sa kama nang makaramdam ng marahas na mga yugyog. Hingal akong napatingin sa babaeng nakatayo sa tabi ng kama ko.

"Tessa? Bakit—" napahilot ako sa mga sentido ko nang maalala ang masamang panaginip ko.

"Narinig ko mula sa baba na umiiyak ka, akala ko kung ano na nangyayari, nananaginip ka pala," saad niya at tumango na lang ako.

Pinapatay ako sa panaginip ko ng isang lalaki gamit ang kutsilyo. Walang awa akong sinasaksak nang paulit-ulit at tanging naririnig ko lang ay ang paghingi ko ng saklolo.

Iniwan na ako ni Tessa para makapag-ayos ako ng sarili. Naligo na ako at nagbihis dahil may trabaho pa ako. Simpleng asul na t-shirt lang at faded jeans ang sinuot ko. At tanging pulbos at lip balm lang ang ginamit ko dahil hindi naman ako mahilig sa kolorete sa mukha. Hindi ko rin gusto ang liptint dahil naiiwan lang ang kulay sa may inner part, kung saan dry. Nilugay ko na lang rin ang buhok ko.

Bago bumaba ay pinuntahan ko muna ang anak kong mahimbing pa rin ang tulog sa kanyang kuna.Katabi lang iyon ng kama ko dahil iisa lang ang k'warto sa apartment na inuupahan ko.

Bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Was it a sign of danger? I think not. There's no such thing as premonitions! Mga paniniwalang balbal lang ang mga ganoon.

Kahit hindi ako naniniwala sa ganoon ay napaisip ako. Kanino naman ako dapat mag-ingat kung sakali? Kaaway wala ako... maniningil mayroon.

I chuckled. Naalala ko bigla ang landlady nitong inuupahan kong apartment.

Aling Ramona was definitely a talkative war freak but there's no way she's planning to kill someone! Gano'n rin si Mr. Gatchalian na nagmamay-ari ng lupaing kinatatayuan ng eatery ko.

I kissed Soul on his forehead and whispered 'i love you' before leaving our room. Bumaba na ako sa kusina at iniwan kay Tessa ang s'weldo niya para sa ngayong araw.

"Alam ko sikreto mo, Ms. Alvior."

I swallowed hard to push the bitter lump of anxiety I suddenly felt. My gaze darted to the face of the man sitting next to the huge glass window with the swirling brown lettering spelling out Soulmate's Eatery.

Pinunas ko ang kamay ko sa apron na tinatakpan ang suot ko. "What secret?"

Alam na kaya dito sa Mt. Carmel na dalawang buwan na akong hindi nakababayad ng upa sa apartment? Pinagsabi kaya ni Aling Ramona?

Inuna ko kasing bayaran ang tubig at kuryente dahil mahirap kung maputulan kami. Kawawa ang anak ko. Maliban doon ay hindi rin ako bayad sa lupa na kinatatayuan ng maliit kong kainan. Isang buwan pa lang naman kaya kahit papaano ay napakiusapan.

"Manggagago na naman 'yang si Art," singhal ni Nico na abala sa pagkain niya ng almusal. "Di ba?"

"Ulol," Art lifted his fork with the last bite of his chocolate cake. Sumilay ang nakakalokong ngiti niya. "Kailan mo 'ko pakakasalan? Paasa ka e."

Pabiro ko siyang inirapan 'tsaka ako nagpatuloy sa pagserve ng mga orders.

"Ayos na po ba?" tanong ko sa customers. Bagong mukha ang mga ito, siguro'y bisita ng kung sino dito sa Mt. Carmel. Tumango ang nanay kaya umalis na ako para magligpit ng pinagkainan ng mga tapos na.

"Ako na dito, Mayi." Inagaw sa'kin ni Chesca ang basahan. "Tawag ka nila Art doon," natatawa niya pang dagdag.

"Mayi, 'li ka dali," tawag ni Art. "Nililigawan kita, 'di ba?"

"Weh?" sagot ko naman.

Nasanay na ako sa magkaibigang ito. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay araw-araw din ang pagreto nila sa kanilang mga sarili sa akin. Maloloko, e.

Kung tutuusin pareho silang g'wapo, marami rin ang nagkakagusto sa kanila pero dedma lang sila. Sa akin tuloy napupunta ang galit ng mga dalaga!

"Ahas," biro ni Nico. He pushed his plate forward, the spoon and fork rattling over the streaks of the barbecue sauce. "Best cook ka talaga, babe."

"Don't call her that, she's my love!"

"Share mo lang?" Nico asked.

"Tama na kayo," awat ko.

Magtatalo na naman niyan sila. Well, pabiro lang naman pero ang lakas kaya! Sanay na ang ibang regulars rito pero nakakahiya sa mga bago.

Niligpit ko ang mga pinagkainan nila at nilagay sa kusina. "Pasuyo na lang, Je," agad lumapit si Jelly at kinuha ang mga hugasin.

Umupo muna ako sa counter 'tsaka kinuwenta ang kita ngayon.

Kulang na kulang! Gusto kong maiyak sa pagod pero wala namang mangyayari. Magsasayang lang akong oras.

Magmula kasi nang magbukas ang isang KTV bar sa harap ng eatery ko ay humina na ang pasok ng pera. Sumakto pa talaga ang opening nila nung nagkasakit si Soul. Kaya halos magkandaugaga ako sa pagod.

Buti na lang ay pinahiram ako nina Saab at Tristan ng pera. Isa pa sa problema ko iyon ngayon. 'Di bale sana kung tumatae ako ng pera kaso hindi. Kailangan ko talagang kumayod. Bukod sa pagluluto ay nagtuturo rin ako. Hindi man ako tapos sa kolehiyo ay qualified pa rin naman para maging tutor kaso nga lang, sa katapusan lagi ang suweldo.

Nakakapagod mag-isip. Pero 'di ako p'wedeng magreklamo dahil ginusto ko 'to. Pinili kong iwan ang magandang buhay na mayroon ako noon... maganda?

Bigla akong natawa nang marealize ang naisip ko. Mayaman nga kami pero pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Lagi akong anino lang. Hinahayaan sa gusto dahil wala na silang paki sa akin.

Pero rito, masasabi kong masaya ako. Mapagmahal ang mga kaibigan ko at mababait rin ang mga nasa paligid ko. Mt. Carmel was just a small village and everyone living in it became my family.

Pera lang talaga ang problema ko ngayon.

"Good morning, ladies and genitals!"

All heads turned. Napatingin kaming lahat sa niluwa ng entrance ng eatery, si Saab. Napatingin ako sa suot niya. Isang black body-hugging dress na hanggang sa itaas ng tuhod at nakasuot rin siya ng napakataas na heels. Lumapit siya sa akin at nakipagbeso.

"Ba't ang ganda mo ngayon?" tanong ko habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Well, lagi naman siyang maganda. Mas blooming nga lang ngayon. Nakakulot pa ang buhok niya at sobrang simple lang ng make-up. Ang hindi simple e yung faux lashes niya na malapit na siyang ilipad. "May boyfriend ka na?"

"Gago, wala!" Hinampas niya ako sa braso. "Namili lang ako ng school supplies para sa street children, 'no! You know how much I love helping people," akala mo talaga, e. Namili lang naman ng makeup. She flipped her hair before leaning herself on the counter. "Labas tayo after ng work mo! My treat."

"Saan?" tanong ni Chesca na biglang sumulpot mula sa kusina. Like I did, she eyed Saab from head to toe. Lumapit siya para makipagbeso. "Ba't ganyan porma mo?"

"Hell, you two, mind your own business! Tabehoudai tayo," pumalakpak pa ang gaga at tuwang-tuwa. "Ano, g ba? Sama natin si Chim."

"Wala akong pera," said Chesca. "Tiisin mo muna ang cravings mo."

"Same," dagdag ko 'tsaka nagpatuloy sa pagkuwenta ng bayarin.

"My treat nga, e! 'Di niyo ba maintindihan 'yon? Napalitan na ba ng bayag mga utak niyo?" naglakad si Saab papunta sa counter 'tsaka ako niyakap mula sa likod. "Sama na ikaw please? Kayo. Sayang japorms ko."

Tabehoudai lang pero sobrang nag-ayos? May kutob na ako dito. Idadamay pa talaga kami, e.

"May itu-tutor 'yan," sabi ni Chesca pagkatapos maglagay ng mga pitsel sa mga lamesa. "Pero free naman ako later."

Tumayo si Saab at inikot paharap sa kanya ang mataas kong upuan. "G si Tris at Ches. Please, Mayi? Iwan mo muna student mo, may magulang 'yon! O kaya mag-google siya kamo."

Actually Tuesday ngayon kaya wala akong tuturuan, MWF kasi ang schedule ko. Pera lang talaga iniisip ko dahil wala akong panggastos. Pero dahil treat naman daw ay pumayag na ako.

Ganoon na nga ang nangyari. Pagpatak ng ala-una ay umuwi na ako para magbihis at ayusin si Soul. Sinuotan ko siya ng isang terno na patterned spongebob ang design. Sinasama ko pa nga si Tessa kaso aasikasuhin pa raw niya si Tatay Simon, ang tatay niya.

Sinundo lang saglit ni Saab si Tristan sa Inter bago ako sinundo. Huli naming sinundo si Chesca, nakatulog pala. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa Tabehoudai.

"Nawala na 'yung pag-asa ko nung may kinuha siyang bouquet sa kotse niya! Kaasar," maingay sa paligid kaya pasigaw na magkwento si Tristan. Mayroon daw siyang nakitang guwapo sa Angeles kaso may sabit na kuno. "Buti kamo di ako home wrecker."

"Well, kahit sabihin nating 'di siya taken, talo ka pa rin kung 'di pumapatol sa bakla!" natatawang sabi ni Saab. Buti na lang ako ang katabi ni Saab kasi kung hindi, magsasabunutan na naman sila. "Babae na lang kasi hanapin mo, Tris! Papatulan kita!"

"Tangang 'to! Naririnig mo ba sinasabi mo?" tinaasan siya ng kilay ni Tristan at dinuro pa gamit ang chopsticks na hawak niya. "I'm allergic to peanuts."

"Gago," hinawakan ni Saab ang chopsticks kaya nag-agawan sila habang nag-aasaran. Halos masagi na nila ang mga pagkaing nakahapag.

"Hoy! 'Yung mga pagkain!" awat ni Chesca.

Nailing na lang ako. Aso't pusa talaga ang dalawang 'to. Sila pa naman ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan. Binaling ko ang tingin ko kay Soul na mukhang nag-eenjoy panoorin ang mga tita-ninang niyang nagpapatayan na.

"Chim, 'eto na yung airplane! Ahh," inilipad ko kunwari ang kutsarang may soup at saka inilanding sa bibig niya. "Boogsh!"

Tawang-tawa naman siyang sinubo 'yun at nilunok. "Sarap ba, baby ko? Haru, sarap, 'no?"

He clapped his hands and did a little up and down dance. Sumagot siya gamit ang kanyang baby talk. "Ma! Um-ma!"

"Isa pang airplane!" sinubuan ko siya ulit.

Kumalma na ang dalawang amazona at kumain. Si Chesca naman ay mukhang inis na inis na. Siya kasi ang taga-awat talaga, referee kumabaga. Ako assistant lang, ganoon.

Tristan clicked his tongue after taking a sip from his coke in can. He smirked at me. "Mayi..."

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin pati si Saab. Alam ko na 'to. "Don't start," babala ko sa dalawa. Lagi man silang nagtatalo, e magkakampi naman pagdating dito.

"Ikaw naman," pagpapatuloy ni Tristan. Uminom siya ulit. "'Tang ina, puro sibuyas na lang ata laman ng sisig dito. Anyways," he cleared his throat as he crossed his arms. "'Yung sayo naman, girl!"

"May dating app ka ba?" tanong ni Saab at umiling ako. Jusme, bakit ako gagamit noon? Wala akong paki sa pag-ibig. "Dry naman ng love life mo. Gayahin mo nga 'ko! Hindi ako tatandang dalaga!"

"O, sabi?" irap ko.

"Bitch, ikaw na lang walang love life, baka naman gusto mong uminom ng landi capsule?" walang kwentang suhestyon naman ni Tristan. Akala mo siya may love life.

"Magpakalalaki ka, tapos ikaw na lang," sagot ko, dahilan para malukot ang mukha niya. Natawa na lang ako.

Ang g'wapo kasi ng baklang 'to! Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang daming babae pa rin ang nagkakandarapa sa kanya. Hindi siya bihis babae kaya napagkakamalang straight.

"Set up ako ng blind dates niyo ni Chesca!" tuwang-tuwang sabi ni Saab.

"Gagi, ba't pati ako? May boyfriend ako," proud na sabi naman ni Chesca. 4 years na sila ng boyfriend niya. Good for her.

"Ay 'wa pin pala! Ikaw na lang, Mayi!" pinanggigilan niya ang mukha ng anak ko 'tsaka kinausap. "'Di ba want mo na ng daddy, 'no, Chim?"

"Ma! Um-ma!"

"OMG! 'Ma, oo nga' daw! Kita mo? Pati anak mo sang-ayon sa'min, pa'no ba 'yan?" tuwang-tuwa ang gaga.

"Bitch, alam mo kasi," hirit na ni Tristan. "P'wede namang ako 'yung daddy niya, e. Kaso, I prefer being his mommy too!"

"Sira!" Chesca playfully hit his arm. "Tigilan niyo na nga si Mayari! Kayo nga walang matinong love life ta's feeling expert kayo diyan!"

Magsasalita pa lang sana ako ay umentra ni Saab. "Honestly, you got the looks! Para ka ngang model, oh! You got the personality! Well, bawasan mo lang kasupladahan mo! You got the supermodel body, too! Mukha ka ngang hindi nanganak diyan sa ganda ng katawan mo e!"

Nasamid ako sa huling sinabi ni Saab. Dali-dali akong uminom ng tubig at marahas naman na dinugdog ni Saab ang likod ko. "Pick a number, dali!"

Magsusuka ako ng dugo sa ginagawa ng babaeng 'to, e!

"Aray ko, gaga ka," nauubong sagot ko. Pinasa ko muna si Soul kay Tristan. Niyugyog naman ako ni Saab habang namimilit na magsabi akong number. "69."

"Tanga! 1 to 26 lang!"

"21! Jusko," naiinis na sabi ko. Malakas niyang dinikta ang alpabeto na parang baliw. "Letter U! U ang first letter ng name ng soulmate mo!"

Nanahimik na lang ako at 'di siya pinansin. Hindi naman ganoon 'yon! Pick a number, tapos ang letrang tugma doon ay ang unang letra ng pangalan ng taong nakaisip sayo. At malamang paniniwalang balbal din 'yon.

Nagpatuloy sila sa pagplano sa kasal ko at honeymoon. Wala pa ngang karelasyon, nasa honeymoon na nga agad. Mas lalo akong nainis nang kumampi si Chesca sa kanila.

"Ina niyo," irap ko 'tsaka tumawa.

I don't believe in romantic love. Mula nang lokohin ako ng lalaking matagal ko nang kinalimutan, e naging ganito na ang paniniwala ko. Ang sabi niya ay iba sya, na 'di niya ko sasaktan, pero anong ginawa niya? Limang taon kaming pinagsabay ng best friend kong ahas pala.

Isa pa, may anak na 'ko. Hindi ko na kailangan ng lalaki buhay ko. Sapat na si Soul para maging masaya.

All boys do is break hearts and I'm not willing to risk mine. Such a waste of time.

Agad kong tinignan ang cellphone ko nung magvibrate sa bulsa ko. Nagtext si Tessa.

From: Tessa

Ate Mayi, nakita ko si Tatay Manuel sa inyo. May dumating ka pong sulat. Bukas ko na lang ibigay?

Sulat?

Bigla akong napasapo sa dibdib ko. Parang biglang may kung anong bumayo.

Hindi kaya dinemanda na ko ng pinagkakautangan ko? 'Tang ina, p'weda ba 'yon? Fuck.

Nanginginig akong nagtipa ng sagot.

To: Tessa

pakiiwan na lang sa counter sa kusina, tess. pasuyo na lang baka kasi importante yan. na sayo naman duplicate key diba?

Agad siyang nagreply.

From: Tessa

Opo, sureness! Ingat kayo diyan :)

"True ka diyan, Tris," nabaling ang pansin ko kay Tristan at Saab na nag-apir. Kinindatan ako ni Saab. "Sa part na 'yon proud ako sayo."

"Ha?" nagtatakang tanong ko. Nawala na ako sa usapan kakaisip sa sulat na dumating para sa'kin.

"Hambulansiya," said Tristan.  "Puro kasi cellphone!"

Kinuwento naman ni Chesca ang pinag-uusapan nila. Proud daw itong si Saab dahil hindi 'yung ex ko ang tatay ni Soul. At masyado daw wild ang espada ng naka-one night stand ko kaya nabuo ang bata.

Inirapan ko na lang sila at hindi kumibo.

"Masyado kang affected pag ganito topic," natatawang singhal ni Tristan. "C'mon, move on na 'te!"

Hindi ko na lang pinansin, sa halip ay si Saab ang napansin ko. Mula kasi kanina ay sulyap siya nang sulyap sa kung saan.

Sinundan ko ang tingin niya at 'yung janitor na nagma-mop lang ang nakita ko. I arched a brow. "Type mo?"

"Ha?! Sino?! Wala akong type!" defensive niyang sagot. Sinagot na ng reaksyon niya ang tanong ko.

Sabi ko na, e.

"Kaya pala inaya mo kami dito ah..." nang-aasar na sabi ko. I wiggled my brows which made her blush. "Ikaw ah! Lapitan mo na!"

"Tangang 'to! Saan?! Bakit ikaw lang may alam na may type ako?! Sus," maang-maangan pa. "Baka ikaw may type!"

"Hoy, sino? Sali!" usisa ni Tristan.

"Type ni Mayi 'yung janitor!" pambabaligtad ni Saab at tinuro pa talaga 'yung lalaki.

"O, ba't ako?" natatawang sabi ko. Sa lahat ng maharot, ito 'yung feeling shy sa una. "Ay oo, type ko," kunwari ko at sumama bigla ang timpla ng mukha niya. "Kunin ko number, wait lang. Easy textmate!"

Akma akong tatayo nang hinila ako ni Saab. "Oo na, akin 'yon! Kainis, Mayi, ha? 'Wag ka na mag-asawa kung aagawan mo lang pala ako!"

Hanggang matapos kaming kumain ay balisa ako. Inayos namin ang mga pinagkainan namin at pinagpatong-patong para hindi na mahirapan ang maglilinis. Pumalya naman ang plano ni Saab na kausapin 'yung g'wapong janitor niya.

We just wished her good luck next time. Isa-isa na kaming hinatid ni Saab. Ako na ang inuna dahil natutulog na si Chim.

Kauwi ay agad ko siyang nilinisan at pinalitan ng suot. Dahan-dahan ko ring pinalitan ang diaper niyang mabigat na. Pagkatapos ay hiniga ko na siya sa kuna.

"Napagod 'yung baby ko," nakangiti kong sabi habang tinititigan siya. Hinagkan ko siya at marahang hinaplos ang ulo. "Sweet dreams, I love you."

De gulong ang kuna kaya hinila ko ito papalapit sa pintuan ng banyo. Gusto ko ay makita ko siya kahit naliligo ako. Naghalf bath lang ako saglit at nagbihis na ng pantulog. Ginabi na rin kami ng mga kaibigan ko. Napasarap ang k'wentuhan at asaran.

Pagkatapos mag-ayos ay tinabi ko na sa kama ko ang kuna at saka ako nakatulog dahil sa pagod. Nagising ako sa iyak ni Chim. Agad akong nagtimpla ng gatas at nang maubos niya 'yun ay bumaba ako papuntang kusina para hugasan iyon.

Napatigil ako sa paglalakad nang mahagip ng mga mata ko ang isang brown envelope na nakapatong sa counter. Kasabay ng paghakbang ko papalapit ay ang pagbayo sa dibdib ko.

Bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina. Napausal na lang ako ng dasal na sana ay hindi ito masamang balita.

"Mayari Alvior..." I read my name nervously. Kinapa ko iyong printed name and address ko at napalunok. Walang sender's address.

I worked my finger under the flap to open it. Nangilo pa ako sa ginawa ko. I took a deep breath before I slid the papers out.

"God," napaatras ako at napatakip ng bibig. Bumilis ang tibok ng puso ko at kulang na lang ay himatayin ako. "T-totoo ba 'to?"

I stared in disbelief at the papers in my hands. It was a letter from Diya, my identical twin sister! And along with it were the already signed parental rights so I could go forward with Soul's legal adoption.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   07

    "THERE YOU GO, little guy," Uno said as he placed Soul in the shopping cart's baby seat, happiness was obviously visible in his tone. "Behave for me, okay?"Hindi pinansin ng bata ang ama, sa halip ay ang relo ni Uno ang pinagdiskitahan. Uno just laughed.Kusang naglandas ang isang ngiti sa aking labi. Ang ganda nilang pagmasdan. I suddenly thought about having a family of my own.Kailan kaya mangyayari 'yon? How am I able to build a family when I can't even open my heart again? Wala rin akong balak buksan pa ito."Akin na 'yung listahan mo," utos ko kay Uno sabay lahad ng aking palad. He just looked at it, confused. "Grocery list. Ako na kukuha, magtulak ka na lang diyan."His questioning eyes traveled to my palm and my face back and forth. Nang makabawi ay saka siya nagkamot ng ulo."Let's buy a notebook first, I guess?""Para saan?""Le

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   06

    SIMPLE NGUNIT ELEGANTE. 'Yan ang unang napansin ko sa bahay ni Uno nang makapasok ako sa loob. Hindi ito kalakihan gaya ng mga mansyong pang mayaman talaga dahil nag-iisa lang naman raw siya.Pero kahit hindi kalakihan ay napakaganda talaga nito. You'll feel the vibes of nature due to the fact that you are surrounded with bamboos, wooden furnitures, and potted plants.Dahil may pagkamadaldal itong tatay ni Chim ay sinabi niyang bumili siya agad ng bahay nang malaman ang balita tungkol sa kaniyang anak na narito sa Pilipinas.Hindi ba siya sira ulo sa lagay na 'yon? Hindi naman kailangang bumili pa ng bahay. How impractial.Pero kung sabagay, barya na lang sa kaniya ang malaking halaga, bakit pa ako magtataka? Kahit siguro hindi kailangan ay paniguradong binibili niya.I looked around Uno's room. The interior design didn't fail to scream authority and power. The color palette was a mixture

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   05

    Taranta akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ang walang tigil na pagkalabog ni Aling Ramona sa pintuan. Kulang na lang ay masira at magiba ito sa sobrang lakas, pero hindi 'yun ang nasa isip ko, kundi ang posibilidad na gamitin ito laban sa akin ni Uno.Gamitin ang katotohanang marami akong bayarin bilang alas para makuha niya sa akin ang anak ko. Hindi puwede.Hindi puwedeng dahil doon ay matalo ako at mawalan ng karapatan sa bata. I can't live without my son.Lalaban ako ng patayan kahit si Satanas pa ang harapin ko.Pinagbuksan ko si Aling Ramona at ang hininga niyang amoy alak ang sumalubong sa akin. Lumabas ako para doon kami mag-usap, at dahil nga lasing siya, hindi kami nagkak

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   04

    Sa pangalawang pagkakataon ay parang isang alaala ng nakaraan na naman ang nakita ko. At ang nakapagtataka ay parehas lamang ang mga tauhan... sina Stella at Clara.Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Hindi kaya tama si Saab?"Gusto mo ba, diretso muna tayo sa psychiatrist bago tayo magthrifting? Baka kasi may mental issues ka na pala?"Mental issues? Hindi puwede. Hindi ako puwedeng mabaliw! Paano 'yung anak ko?"Mayari?"I snapped out of my thoughts when I heard Uno's voice. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin at mukhang nawi-weirduhan. Puwes, hindi siya nag-iisa dahil maski ako ay ganoon ang nararamdaman."You okay?" he asked. Pagkatapos ay inayos niya si Soul sa kaniyang mga braso."I'm okay," wala sa sariling sagot ko. Bahagya akong natawa 'tsaka umiling. "Papalitan ko na 'yung damit ni Chim.""I'l

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   03

    "Let's get out of my room before we wake my baby," I said as I walked towards the guy. Hanggang ngayon ay nakatitig siya sa akin, bakas pa rin ang gulat sa kaniyang mukha. Masyado yatang nagulantang sa nalaman. "Mr. Pesquisa."It took nearly five minutes before he actually moved. His adam's apple went up and down. Tumango siya at lumabas 'tsaka ako hinintay sa harap ng pinto.Just as I was about to close the door shut, he stopped me, by holding my wrist."You're really not Idianale?" he asked."Positive," I shot his hand a look, hoping he'll let go, but he didn't. Instead, his grip tightened. "Let go of my hand.""Before that," he said in a baritone voice, enough for me to feel shivers down my spine. "Let me remind you something," he leaned down close until his face loomed before mine. "That baby, asleep in the crib in there—"I held my breath.

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   02

    Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang matanggap ko ang magandang balita mula sa aking kapatid. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.Nang gabing iyon ay kaagad ko siyang tinawagan para makapagpasalamat. Thank God she didn't change her number. Matagal na kasi siyang hindi nangangamusta, na-iignora lang rin ang mga texts and calls ko, kaya inakala kong ganoon na ang ginawa niya.Napangiti ako nang maalala ang mga sinabi ni Diya sa'kin."I'm so excited for you, 'bal!" she said cheerfully on the other line. "Soon, sa mata ng batas, ikaw na ang mommy niya!"Halos mapunit ang labi ko sa saya. Tinupad niya talaga ang pangako niya sa akin noon. 'Eto na lang daw ang regalo niya sa nalalapit na first birthday ni Chim."Hindi ka ba talaga pupunta dito?" I asked. Kahit anong baligtad ang gawin ko sa mundo ay hindi magbabago ang katotohanan na siya ang nagsilang sa bata. "Kahit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status