LOGINDalawang linggo na ang nakalilipas simula nang matanggap ko ang magandang balita mula sa aking kapatid. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Nang gabing iyon ay kaagad ko siyang tinawagan para makapagpasalamat. Thank God she didn't change her number. Matagal na kasi siyang hindi nangangamusta, na-iignora lang rin ang mga texts and calls ko, kaya inakala kong ganoon na ang ginawa niya.
Napangiti ako nang maalala ang mga sinabi ni Diya sa'kin.
"I'm so excited for you, 'bal!" she said cheerfully on the other line. "Soon, sa mata ng batas, ikaw na ang mommy niya!"
Halos mapunit ang labi ko sa saya. Tinupad niya talaga ang pangako niya sa akin noon. 'Eto na lang daw ang regalo niya sa nalalapit na first birthday ni Chim.
"Hindi ka ba talaga pupunta dito?" I asked. Kahit anong baligtad ang gawin ko sa mundo ay hindi magbabago ang katotohanan na siya ang nagsilang sa bata. "Kahit makita mo lang siya..."
"I'm sorry, sis," paumanhin niya pero sa tono e mukhang nakangiti. "Busy kasi, e. Pupunta kasi akong Ilocos para bisitahin ang hacienda pati na rin sina mom. I'm sure they miss you na!"
May kung anong pumiga sa puso ko nang banggitin niya iyon. I bit my lower lip, baka maiyak na naman ako.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil malayo 'yun sa katotohanan.
Our parents disowned me. Kaya wala sa bokabularyo nila ang ma-miss ako.
"Kamusta si Kuya Eros?" pag-iiba ko ng tanong. Miss na miss ko na si kuya. Kung hindi lang siya tinakot ni dad ay siguradong 'di kami mawawalan ng komunikasyon. "Nasaan siya?"
"Hacienda Cortegana, of course," she chuckled, followed by a satisfied sigh. "Basta give me updates ha? Expect his arrival soon."
"Arrival nino? Pupunta si kuya dito?" I asked in disbelief.
"No, dumbo! Your son's father," she corrected. "I gave him your address! Pirma niya na lang ang kailangan mo e. Last step na 'yun."
"May butter na ba?" Bumalik ako sa ulirat nang kalabitin ako ni Chesca. Pinanliliitan niya ng mata 'yung listahan ng mga dapat bilhin dahil naiwan niya 'yung salamin niya. Nagmamadali kasi si Saab.
My gaze automatically shifted to the cart. Nakita ko kaagad 'yung hinahanap niya. "Yup, mayroon na," pinagpatuloy ko ang pagtutulak at hinawakan naman ni Chesca sa gilid para tulungan akong iliko sa aisle ng mga asukal.
"Bitch!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa'min. Ang talim talaga ng boses ng baklang 'to. "Kanina ko pa kayo hinahanap! Nasa'n si Saab?"
Walang paki niyang binagsak ang sari-sari niyang mga dala sa cart.
"Hoy! Tristan naman, wala akong pambayad dito," naiinis kong sabi habang inaayos ang mga binagsak niya. Natigilan ako nang makitang baby food ang mga 'yon. I shot Tristan a questioning look. "Baby food?"
"Hindi! Adult diaper siguro 'yan," irap niya 'tsaka inagaw sa kamay ko 'yung jar ng baby food. 'Yung mamahalin pa talaga kinuha! "Ako magbabayad ng mga iyan! Pasalubong ko kay Chim."
"Hala, seryoso?" Para na naman akong sirang napangiti nang malawak. Putcha, ang sakit na ng panga ko kakangiti mula kanina. I giggled as I engulfed Tristan into a bone-crushing hug. "Thank you!"
Niyakap niya ako pabalik at natawa na lang. Kahit naman pigilan ko 'to ay hindi siya papayag. Ayaw niya 'yung baby food na nakakarton at tinitimpla pa.
Pinutol ko ang yakap nang makaramdam ako ng kamay na nagslide sa dibdib ko. Ang malala ay nasundan pa ng pagpiga.
"The fuck? Saab Ramirez!" Hinila ko nang mahina ang buhok ng gaga. Kahit kailan talaga! Kung hindi p'wet ang biglaang sasakmalin ay dibdib naman. Minsan nga sa mismong kaharian pa e!
She stuck her tongue out 'tsaka ako niyakap. "Ako dapat hina-hug mo! Tampo ako."
Kumalas ako at pabiro siyang inirapan. "Sa'n ka galing?"
"Bumiling extra school supplies! May mga bata pa pala akong hindi nabigyan," walang k'wenta niyang sagot bago kalkalin ang laman ng cart. Pinalo naman ni Chesca ang kamay niya.
"O, 'di pa ba kayo tapos magdrama diyan?" Chesca crossed her arms and gave us a bored look. "Tara, bayad na! Haba na ng pila."
Gano'n na nga ang nangyari. Pumila na kami para magbayad. Nagpaalam muna ako saglit dahil naiihi ako. Katakot-takot na bilin pa ang natanggap ko mula kay Tristan. Kesyo mag-ingat daw ako baka may kumuha sakin, kesyo ganito ganiyan.
Ang OA! Akala mo naman ay may flight ako papunta sa ibang bansa. Pero 'di bale, cute naman na may nag-aalala sayo.
Nakangiti akong naglakad papunta sa banyo. Hindi kasi maikakaila na patuloy ang biyayang natatanggap ko mula sa Diyos.
Hindi man maganda ang naging nakaraan ko ay ayos lang dahil maganda naman ang naging bunga ng pagtitiis ko.
Paliko na sana ako sa pasilyo nang may biglang nahagip ang mga mata ko. Isang eksenang nagpatigil sa paglalakad ng marami.
May isang lalaki na siguro ay tatay at biglang sinampal ang babaeng mukhang anak niya siguro.
Sa lakas ng sampal, natumba ang babae. Iyak siya nang iyak. Nagsikalat din ang mga pinamili nila sa sahig. Walang pakialam na sumisigaw ang lalaki habang dinuduro siya. Pero wala akong naintindihan sa sinasabi niya maski isa.
His words were unintelligible.
However, there was a part of me that wanted to go straight on their spot and tell him to stop. But my feet were rooted on my place.
"Stella," napahinto ako sa pagguhit nang tawagin ako ni Clara. Agad naman ako nitong nginitian noong dumapo ang tingin ko sa kanya.
Bakit ba kasi ang lagkit kung makatingin ng binibining ito? Hindi naman ako mukhang modelo na sobrang kaakit akit tignan.
"Mahal na mahal kita."
Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko kasabay ng pag-init ng aking mga pisngi matapos kong marinig ang kanyang tinuran. Kay sarap pakinggan, tila ba musika ito sa aking pandinig.
Bahagyang inayos ko ang aking pagkakaupo at saglit na sinulyapan ang larawang hindi ko pa tapos iguhit bago ko ibinalik ang aking tingin kay Clara.
"Mahal na mahal din kita," bulong ko.
Ngumiti siya at inayos ang kanyang upo. "Patingin nga ako," akma niyang sisilipin ang larawan kaya dali-dali ko itong inilayo sa kanya. "Patingin naman oh." Lumalabing pakiusap pa nito na para bang isang batang hindi napagbigyan sa gusto.
"Ang usapan kasi walang titingin hanggat hindi pa tapos 'di ba?" paalala ko na sinuklian niya lamang ng nanunuksong mukha na siya namang ikinatuwa ko.
Matanda sa akin si Clara ng dalawang taon ngunit pagdating sa ugali, aakalaing ako ang nakatatanda rito. Napakapilya kasi ni Clara. Parang lalaki na puro kalokohan ang gustong gawin, taliwas sa akin na napakahinhin kung kumilos. Ngunit gayunpaman, napakabuti ng kalooban ni Clara. Hindi ka magagawang galusan.
"Oo na nga. Basta magmadali ka na, nagugutom na ko, e. Pagluto mo 'kong sopas ha?"
Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagguhit sa kanyang mukha.
She's the epitome of beauty.
Bilugan ang kanyang mga mata habang ang akin naman ay singkit, ngunit gaya ng akin, makapal at mahaba rin ang kanyang mga pilikmata. Makapal rin ang kanyang mga kilay na namana niya sa kanyang ama. Kung titignan, sobrang kapal ng mga ito para maging angkop sa isang babaeng-babae ang mukha. Kaya kung may pagkakataon, pinapabawas niya ito sa akin. May mga nakakalat kasi sa may parteng gitna.
Ang kanyang mga labi naman ay mamula mula na may tamang kapal, bagay na bagay sa kanyang hitsura. Matangos rin ang kanyang ilong na namana niya kay Tiya Luiza.
"Malapit na akong matapos!" masayang sabi ko kay Clara at bumungisngis naman siya kaagad. "Kaunting anino na lang. Ayan, tapos na!"
Ngiting-ngiti kong tinignan si Clara habang yakap ang canvas na pinagguhitan ko ng kanyang larawan. Halata ang pananabik sa kanyang mga mata, tila ba isang batang nag-aabang ng pasalubong. Umayos ito ng upo at humawak sa kanyang mga tuhod.
"Patingin na dali!" Clara exclaimed with so much excitement written on her face.
"Pikit ka muna! Tapos pagbilang kong tatlo, pwede mo nang tingnan," tumango naman ito bilang pagsang-ayon. "Isa... dalawa... tatlo!"
"Stella," napanganga ito at nanlaki ang mga mata habang inaabot ang canvas mula sa akin. Kinapa niya ang bawat guhit ng larawan. "Diyos ko po, ang ganda!"
Tumayo ako at yumuko upang yakapin siya mula sa likuran, habang siya ay patuloy na humihipo sa bawat linya. "Nagustuhan mo ba?"
"Gustong-gusto ko! Bakit ba ang galing mo? Sobrang daming talento habang ako, parang sako ng patatas na walang silbi. Napakaganda, oh?" Medyo tumingala ito upang tignan ako. "Maraming salamat, mahal. Ikakabit ko 'to sa kwarto ko."
Hindi naman ako eksperto sa pagguhit kaya natatawa ako at natutuwa dito kay Clara. Kung bigyan kasi ako ng mga papuri ay aakalain mong nakakita ng napakagandang likha.
"Naku! Pinuno mo pa ako ng mga papuri mo, may gusto ka na naman mula sa akin ano?"
Napangiti naman ito. Muli niyang pinagmasdan ang larawan bago dahan-dahang ipinatong sa lamesa at saka ako muling hinarap. "Tingin mo ba binobola lang kita?"
Ngumisi ito sabay hawak sa mga kamay kong nakapalupot pa rin sa kanya. "I want to kiss you, Stella."
Hindi pa rin nagbabago si Clara, kasi hanggang ngayon, humihingi pa rin ito ng permiso o di kaya'y sasabihin niya muna ang mga katagang binanggit niya ngayon bago ako halikan.
Ayaw niyang wala akong pahintulot sa bawat gagawin niya.
Ngiti lamang ang aking tugon at nasundan ng pagpikit nang maramdaman kong dumampi ang kanyang mga labi sa akin.
It was just a peck on the lips that ruined my relationship with my family. Ang alam ko lang, nababalot na ako ng takot matapos marinig ang tinig ni papa.
"Anong katarantaduhan ito, Stella?!" Malakas na sigaw ng aking ama na siyang mas ikinakaba ko. Taas baba ang mga balikat nito dahil sa sunod sunod niyang paghinga.
Galit na galit si papa.
Napatingin ako kay Clara na siyang nakatayo na rin at namumutla sa tabi ko.
"At ikaw, Clara," baling niya rito. "Tinuring ka naming parang totoong anak, tapos ito ang igaganti mo?!"
Akmang sasampalin ni papa si Clara kaya pinigilan ko agad ito. Buong lakas kong hinawakan ang kanyang kamay kasabay ng pangingilid ng mga luha sa mga mata ko.
"Papa, please let me explain—" isang nakakahilong sampal ang natanggap ko at humagulhol na ako sa sakit.
Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko at nadoble pa nang makita ko si mama sa may pintuan ng aking silid. Gulat na gulat ito sa nasaksihang pagsampal sa akin ni papa.
Nakakagulat naman kasi talaga dahil tumalsik ako sa kama. Malaking tao si papa kaya anong laban ng balingkinitan kong katawan?
Hindi na ako nagawang puntahan ni Clara dahil hinila na agad ito ni papa. Akma pang sasampalin si Clara ngunit awa ng Diyos, pinigilan ito ni mama.
Wala pa kasi siyang kaalam-alam sa nangyari at nakita ni papa, kasi kung alam lang ni mama, baka siya pa mismo ang manakit kay Clara.
"Ano ka ba, Roman?!" Sigaw nito kay papa na puno ng galit. "Nahihibang ka na ba, ha? Bakit mo sinasaktan ang mga bata?! Nakainom ka na naman?!"
Nilapitan ako ni mama at hinawi ang mga buhok na nakakalat sa aking mukha. "Ayos ka lang ba anak?" buong pusong pag-aalala nito.
Nagtama ang mga mata namin ni mama ngunit agad kong pinutol at nilingon si Clara, "Magmadali ka nang umuwi, pakiusap."
Namumula ang kanyang mga mata dala ng pag-iyak. Ngunit sa kinadismaya ko, umiling ito.
"Ano ba, Clara?! Umuwi ka na!"
Natatakot ako sa galit ni mama. Natatakot ako kapag parehas na silang mabangis ni papa. Baka ano pang magawa nila sa kanya. Ayaw ko siyang masaktan.
"D-dito lang ako—"
"Magkarelasyon ang dalawang iyan, Melinda! Nahuli kong naghahalikan!" Malakas na bulyaw ni papa na dumagundong sa aking mga tainga.
Inasahan ko na ito noon pa man.
Alam kong darating sa puntong lalabas lahat ng tinatago ko pero di ko inakalang ganito kaaga. Masyadong napa-aga. Hindi pa ako tapos mag-aral at wala pa akong napapatunayan sa mga magulang ko.
Ang plano ko kasi ay aamin lang ako kapag maayos na ang buhay ko at hindi na nakaasa sa kanila, para kahit papaano ay hindi na sila masyadong magalit. Hindi nila maisusumbat na makasasagabal si Clara sa pag-aaral ko; dahil hindi naman talaga.
Siya ang inspirasyon ko, sila ng pamilya ko.
Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang maramdamang kumalas si mama mula sa pagkakayakap sa akin. Ang sakit-sakit. Parang kinukurot ang dibdib ko.
Pakiramdam ko ay isa akong granada na hindi sinasadyang naibato, at sa kahit anong sandali ay maaari nang sumabog.
Hindi ako makahinga nang maayos.
Namumuo ang malaking takot sa 'kin na baka paglayuin kami ni Clara. Ngunit sa totoo lang, nakikita ko na ang kahihinatnan nito. Sa galit pa lang ni papa, ano pa bang dapat kong asahan?
"Totoo ba, Stella?" Napatayo ito. "Totoo bang may relasyon kayo ng kababata mo?" Mahinahon ngunit halatang nagtitimpi ng galit.
"Mama," hagulhol ko habang napaluhod sa kama. Gusto kong sumigaw. Pare-parehas kong mahal ang mga kaharap ko ngayon at pare-pareho rin kaming nasasaktan. "M-mama, patawarin niyo po ako."
"Totoo ba?!"
Natakot ako sa pagsigaw ni mama kaya napatango ako.
Nawalan na ng lakas ang lahat ng parte ng katawan ko. Nakakapanghina.
Gusto kong sumigaw nang malakas. Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Gusto kong tanggapin nila ako, makita nila na ako pa rin naman si Stella na anak nila.
Ako pa rin 'to, walang nagbago.
Ganito pala kasakit. Akala ko ay makararamdam na ako ng paglaya sa oras na mabulgar na ang lahat, dahil sa wakas ay alam na nila at wala ng dahilan upang magtago pa. Ngunit mali. Mali pala dahil akala ko lang 'yon.
Sana panaginip na lang ang lahat.
"'Tang ina, aray!" Sinalubong ako ng mukha ni Tristan na mukhang naiinis. Napatingin naman ako sa braso kong kinurot niya nang sobrang sakit. Putcha, bumaon ata kuko niya! Nabakbak balat ko. "Problema mo?! Ang sakit!"
"Bitch, problema mo rin?! Para kang tangang nakatayo at nakatulala diyan kanina pa! Ano ba tinitignan mo?! May flying etits ba?! Para kaming gagong kinakausap ka! Hayop na 'to, naiyak ka na sa kakatulala."
Hindi ko pinansin ang mahabang litanya niya. Sa halip ay hinawakan ko ang mga pisngi ko. Basa nga ang mga ito.
Napatingin ako kina Saab at Chesca na mukhang nag-aalala. Hawak nila ang cart na may mga kahon na.
Sandali, hindi pa ako nakapaglabas ng pera pambayad sa mga iyon! Gayunpaman, hindi ko na muna ito inisip dahil masyadong inookupahan ng ibang bagay ang utak ko.
"Tristan, I—" I couldn't find the right words to say. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Was I dreaming?
Was it a daydream?
I squeezed my eyes shut as I massaged my temples. Kulang ako sa tulog. Tama, 'yun siguro.
Binaling ko ang tingin sa p'westo ng mag-amang gumawa ng eksena kanina pero wala na sila.
"Nakita niyo 'yung mag-ama roon kanina?"
Tristan and Saab shrugged their shoulders. Si Chesca ang sumagot. "Oo, nung sinusundo kita naabutan ko silang inaawat ata ng security. Hindi naman kita makausap kasi nga 'di ka namamansin, kaya tinawag ko sila Saab."
Pinainom ako ng tubig ni Saab. Umupo muna kami sa food court para magpahinga sandali. Kinuwento ko ang nangyari at nakita ko. Iba't ibang reaksyon naman ang natanggap ko mula sa kanila.
Si Tristan ay tuwang-tuwa dahil ang lakas daw maka-LGBTQ+ community story. Si Chesca naman ay namamangha dahil baka 'yun raw ako sa parallel universe. At si Saab naman ay nag-aalala, baka raw nababaliw na ako at nagsisimula sa hallucinations.
"Gusto mo ba, diretso muna tayo sa psychiatrist bago tayo magthrifting? Baka kasi may mental issues ka na pala?" She massaged her temples, then she finished her water in one gulp. "Hindi pa ako ready maging substitute mommy! Kawawa naman si Chim if ever kailangan mo nang ipadala sa mental."
Binatukan siya ni Tristan. "Bobo mo! Daydream nga kasi, 'yon! Ginawa pang kokok si Mayi."
"Kokok?" I asked. "Anong kokok?"
"Kokok! Baliw! Sira ulo!" sunod-sunod na sagot ni Tristan. "'Yun 'yung Kapampangan term."
Tumango na lang ako at nakinig sa palitan nila ng opinyon. Gusto ko nang umuwi kaso nga lang nangako akong sasama ako at walang bomba.
"Feel ko talaga Science 'yon," nakangiting ulit ni Chesca. "Baka saglit kang nagshift ng reality para makita mo 'yung life mo sa kabila. Firm believer ako ng multiverse kaya I'm sure na ganoon nga."
Hindi ako naniniwala sa ganoon. Paniniwalang balbal din 'yon. Walang gano'n.
However, pakiramdam ko ay tama si Saab. Baka naman nagkaka-issue na ako sa utak? Diyos ko.
"Lesbian ka sa parallel universe, sis, or maybe bisexual ka? O kaya naman pansexual..." natutuwang pagpapatuloy ni Chesca.
"Ang labo mo," Saab rolled her eyes, then asked if I'm feeling alright. I nodded.
Ayos lang ako, sadyang hindi ko lang alam ang sasabihin ko.
My phone vibrated. Kinuha ko ito para tignan ang text.
From: Tessa
Ate, Soul's father is here. Nasa room mo poNapatayo ako sa gulat at may kung anong sumipa sa dibdib ko. Kinuha ko ang bag kong nakalagay sa cart. Aalis na sana ako nang hawakan ako ni Tristan sa pulsuhan ko.
"Hala! 'Wag ka makinig kay Saab! I'm sure daydream lang 'yon," tumayo siya at tinutulak ako paupo pero hindi ako nagpatinag.
Wala na akong oras magpaliwanag kaya hinatak ko ang kamay ko at tumakbo na para magbiyahe pabalik sa Mt. Carmel.
Sa loob ng kalahating oras na biyahe ay hindi ako mapakali. Kung saan-saan lumilipad ang utak ko. Gusto ko na sanang agawin sa driver ng jeep ang manibela dahil naiinip na 'ko sa kabagalan, kaso traffic talaga kaya wala rin.
Halos mangatumba ako sa pagtakbo papunta sa toda. Mabilis naman akong hinatid sa tapat ng apartment.
Bawat hakbang ko ay pabigat nang pabigat, at hindi na din normal ang paghinga ko. It felt like I was hyperventilating and palpitating at the same time.
Si Tessa ang unang nakita ko. Nakaupo siya sa sofa at mukhang kinakabahan, agad siyang tumayo at lumapit sa'kin.
Hindi ko na siya pinansin. Binalibag ko ang bag ko at dali-daling umakyat papunta sa k'warto namin ng anak ko.
The door was left ajar. Walang ilaw na lumalabas mula sa loob dahil ang bilin ko ay 'wag iwang bukas ang ilaw kapag natutulog ang bata. Tanging ang lampara lang sa bedside table ang dapat nakabukas.
"What do you think you're doing?" I hissed.
Nadatnan ko siyang kinakalkal ang laman ng drawer ng bedside table. Wala pala itong GMRC.
He was startled that he slammed the drawer shut. He looked over his shoulder, slowly facing my figure.
I squeezed my eyes shut twice, trying to adjust my vision through the dark to sharpen his image.
Nasisinagan ng ilaw ng lampara ang kalahati ng mukha at katawan niya. Humakbang siya papalapit at napahakbang naman ako paatras.
"I didn't expect to see you," he chuckled. Lumapit pa siya hanggang sa tuluyan nang mawala ang distansya sa pagitan namin.
Nagulat na lang ako nang bumukas ang ilaw. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pala sa switch.
Ngumisi siya at yumuko hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. "Idianale..."
Tumaas ng balahibo ko nang tawagin niya ako sa pangalang hindi akin. Unti-unti na ring napapalitan ang kaba sa dibdib ko ng galit at inis.
"I'm not the same woman you shared bed with, Mr. Pesquisa," madiin kong sabi ngunit natawa lang siya at hindi ako pinansin.
Inayos niya ang kanyang tayo at inilibot ang tingin sa kuwarto. He chuckled. "Marunong ka pa lang maglinis."
Tumango-tango siya sa kaniyang sarili at nakangising ibinalik ang tingin sa akin. He tilted his head. "I bet you made a trap just to see me," he whispered, then licked his lower lip. "Lucky you. I fell for it."
Wow, the audacity.
"Lumabas ka rito, Mr. Pesquisa, may importante tayong dapat pag-usapan," I said, trying to maintain my regal composure.
He laughed it off as if I said something so funny.
"Mr. Pesquisa? Wow," he said in disbelief. "I missed that day when you used to call me hot stuff. Iba na ba ang nagmamay-ari ng titulong 'yan?"
"Listen, I am not—" he shushed me using his index finger. Agad ko namang tinaboy ang kamay niya.
"The same woman, yeah, yeah," irita niyang sabi. At siya pa talaga ang may ganang mairita ngayon? "You really think I can't see that? Well, it's just that, you don't look as good as the last time."
I balled my hands into fists.
Oo, alam ko naman! Kahit identical twins kami ni Diya ay mas maganda siyang tignan kaysa sa akin dahil maalaga siya sa katawan at imahe niya. Noon pa man ay mukha na siyang prinsesa habang ako naman ay basura. Gets ko na 'yon! Hindi na kailangan ipamukha ng lalaking ito na 'di hamak na angat ang kapatid ko sa akin.
Nag-igting panga ako. Magsasalita pa lang sana ako ay nakapagsalita na siya. "You look better now."
"Better?"
"Yup," he cracked his knuckles at saka ako tinulak. He pinned me against the wall. "You look more beautiful."
Tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. I pressed my lips together, too angry at his supposition and presumptive presence to trust myself to speak. However, I couldn't deny the fact that what he said made my heart smile a little.
I let out an exaggerated sigh.
Out of frustration, I walked towards my bed, then knelt down to reach for the small kraft box contaning every memory I had when I was still with my family.
Tumayo ako at umupo sa dulo ng kama para buksan ang kahon at kunin ang litrato namin ni Diya. Tumayo ako at lumapit doon sa nakakairitang lalaki na nakatayo pa rin sa kanyang puwesto kanina.
Napaawang ang kanyang mga labi nang iharap ko ang picture sa kanya. Bakas ang gulat sa mukha niyang nakakapikon.
"This, mister, is my sister– Idianale," I said as I pointed a finger to Diya. "And this," tinuro ko ang sarili ko sa litrato. "Is me– Mayari."
"THERE YOU GO, little guy," Uno said as he placed Soul in the shopping cart's baby seat, happiness was obviously visible in his tone. "Behave for me, okay?"Hindi pinansin ng bata ang ama, sa halip ay ang relo ni Uno ang pinagdiskitahan. Uno just laughed.Kusang naglandas ang isang ngiti sa aking labi. Ang ganda nilang pagmasdan. I suddenly thought about having a family of my own.Kailan kaya mangyayari 'yon? How am I able to build a family when I can't even open my heart again? Wala rin akong balak buksan pa ito."Akin na 'yung listahan mo," utos ko kay Uno sabay lahad ng aking palad. He just looked at it, confused. "Grocery list. Ako na kukuha, magtulak ka na lang diyan."His questioning eyes traveled to my palm and my face back and forth. Nang makabawi ay saka siya nagkamot ng ulo."Let's buy a notebook first, I guess?""Para saan?""Le
SIMPLE NGUNIT ELEGANTE. 'Yan ang unang napansin ko sa bahay ni Uno nang makapasok ako sa loob. Hindi ito kalakihan gaya ng mga mansyong pang mayaman talaga dahil nag-iisa lang naman raw siya.Pero kahit hindi kalakihan ay napakaganda talaga nito. You'll feel the vibes of nature due to the fact that you are surrounded with bamboos, wooden furnitures, and potted plants.Dahil may pagkamadaldal itong tatay ni Chim ay sinabi niyang bumili siya agad ng bahay nang malaman ang balita tungkol sa kaniyang anak na narito sa Pilipinas.Hindi ba siya sira ulo sa lagay na 'yon? Hindi naman kailangang bumili pa ng bahay. How impractial.Pero kung sabagay, barya na lang sa kaniya ang malaking halaga, bakit pa ako magtataka? Kahit siguro hindi kailangan ay paniguradong binibili niya.I looked around Uno's room. The interior design didn't fail to scream authority and power. The color palette was a mixture
Taranta akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ang walang tigil na pagkalabog ni Aling Ramona sa pintuan. Kulang na lang ay masira at magiba ito sa sobrang lakas, pero hindi 'yun ang nasa isip ko, kundi ang posibilidad na gamitin ito laban sa akin ni Uno.Gamitin ang katotohanang marami akong bayarin bilang alas para makuha niya sa akin ang anak ko. Hindi puwede.Hindi puwedeng dahil doon ay matalo ako at mawalan ng karapatan sa bata. I can't live without my son.Lalaban ako ng patayan kahit si Satanas pa ang harapin ko.Pinagbuksan ko si Aling Ramona at ang hininga niyang amoy alak ang sumalubong sa akin. Lumabas ako para doon kami mag-usap, at dahil nga lasing siya, hindi kami nagkak
Sa pangalawang pagkakataon ay parang isang alaala ng nakaraan na naman ang nakita ko. At ang nakapagtataka ay parehas lamang ang mga tauhan... sina Stella at Clara.Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Hindi kaya tama si Saab?"Gusto mo ba, diretso muna tayo sa psychiatrist bago tayo magthrifting? Baka kasi may mental issues ka na pala?"Mental issues? Hindi puwede. Hindi ako puwedeng mabaliw! Paano 'yung anak ko?"Mayari?"I snapped out of my thoughts when I heard Uno's voice. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin at mukhang nawi-weirduhan. Puwes, hindi siya nag-iisa dahil maski ako ay ganoon ang nararamdaman."You okay?" he asked. Pagkatapos ay inayos niya si Soul sa kaniyang mga braso."I'm okay," wala sa sariling sagot ko. Bahagya akong natawa 'tsaka umiling. "Papalitan ko na 'yung damit ni Chim.""I'l
"Let's get out of my room before we wake my baby," I said as I walked towards the guy. Hanggang ngayon ay nakatitig siya sa akin, bakas pa rin ang gulat sa kaniyang mukha. Masyado yatang nagulantang sa nalaman. "Mr. Pesquisa."It took nearly five minutes before he actually moved. His adam's apple went up and down. Tumango siya at lumabas 'tsaka ako hinintay sa harap ng pinto.Just as I was about to close the door shut, he stopped me, by holding my wrist."You're really not Idianale?" he asked."Positive," I shot his hand a look, hoping he'll let go, but he didn't. Instead, his grip tightened. "Let go of my hand.""Before that," he said in a baritone voice, enough for me to feel shivers down my spine. "Let me remind you something," he leaned down close until his face loomed before mine. "That baby, asleep in the crib in there—"I held my breath.
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang matanggap ko ang magandang balita mula sa aking kapatid. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.Nang gabing iyon ay kaagad ko siyang tinawagan para makapagpasalamat. Thank God she didn't change her number. Matagal na kasi siyang hindi nangangamusta, na-iignora lang rin ang mga texts and calls ko, kaya inakala kong ganoon na ang ginawa niya.Napangiti ako nang maalala ang mga sinabi ni Diya sa'kin."I'm so excited for you, 'bal!" she said cheerfully on the other line. "Soon, sa mata ng batas, ikaw na ang mommy niya!"Halos mapunit ang labi ko sa saya. Tinupad niya talaga ang pangako niya sa akin noon. 'Eto na lang daw ang regalo niya sa nalalapit na first birthday ni Chim."Hindi ka ba talaga pupunta dito?" I asked. Kahit anong baligtad ang gawin ko sa mundo ay hindi magbabago ang katotohanan na siya ang nagsilang sa bata. "Kahit