LOGINSIMPLE NGUNIT ELEGANTE. 'Yan ang unang napansin ko sa bahay ni Uno nang makapasok ako sa loob. Hindi ito kalakihan gaya ng mga mansyong pang mayaman talaga dahil nag-iisa lang naman raw siya.
Pero kahit hindi kalakihan ay napakaganda talaga nito. You'll feel the vibes of nature due to the fact that you are surrounded with bamboos, wooden furnitures, and potted plants.
Dahil may pagkamadaldal itong tatay ni Chim ay sinabi niyang bumili siya agad ng bahay nang malaman ang balita tungkol sa kaniyang anak na narito sa Pilipinas.
Hindi ba siya sira ulo sa lagay na 'yon? Hindi naman kailangang bumili pa ng bahay. How impractial.
Pero kung sabagay, barya na lang sa kaniya ang malaking halaga, bakit pa ako magtataka? Kahit siguro hindi kailangan ay paniguradong binibili niya.
I looked around Uno's room. The interior design didn't fail to scream authority and power. The color palette was a mixture of earth colors: brown, green, blue, and a little bit of off-white.
Malaki rin ang kama ni Uno, sa tantya ko ay magkakasya ang tatlong katao. Sa tabi naman ng paanan ng kaniyang kama ay may isang maliit na couch. There was a snake plant beside his bedside table, too.
Hindi mapagkakailang hanga ako sa ganda ng bahay ni Uno. Well, wala naman masyadong makikitang kagamitan maliban sa mga halamang nakapaso na nasa tabi ng mga bintana.
Ang sabi niya ay hindi niya kailangan ng mga kagamitan dahil sa New York talaga ang bahay niya. He said and I quote and unquote, "If I don't need this anymore, I might as well give it to a friend or someone in need. I don't need another house, anyway."
Lucky you, Uno. You have a permanent shelter waiting for you, unlike me, homeless. Dinaig ko pa ang daga na may sariling uuwian.
I pulled my baby's crib towards the small couch and I laid him there. Chim giggled, clapped his hands, and then, he started sucking his thumb.
"Hala! Gutom na ang baby na 'yan?" I asked using a little voice. Natawa na lang ako nang mag-beautiful eyes ito kasabay ng kaniyang pagsipsip sa kaniyang hinlalaki. "Sige, wait lang si Mommy, ha? Magtitimpla lang ako ng gatas."
Yumuko ako para ibaba ang lock sa bawat gulong ng kuna para hindi ito gumalaw kung sakali mang umupo-upo o gumulong-gulong ang anak ko.
As I was shaking the baby bottle, Uno knocked and asked, "Can I come in?"
Awtomatikong napairap ako. Nakalimutan 'ata niyang sa kaniya pamamahay 'to at puwede niyang pasukin ang bawat kuwarto.
Well, dalawa lang naman ang kuwarto rito sa bahay niya at pinagbawalan niya akong pumasok sa isa. He told me to do anything I want in this house, except entering the room next to the terrace.
As if I love butting in to someone's possessions.
"Come on in," walang ganang tugon ko. "This is your room, anyway."
"All good?" he asked, smiling. Then his eyes shifted from my eyes to the baby bottle. "Oh, time to refuel."
"Time to what? Refuel?" tanong ko naman dahil medyo hindi ko nakuha ang sinabi niya.
Was he cracking a joke? If yes, I didn't get it, then. It's not funny, too.
He tsked as if I asked something so stupid about a topic that even a toddler could understand.
"Time to refuel is the time when a baby needs to drink his milk. Just like a car that needs a refill," he patiently explained with awkward hand gestures. He gave me a do-you-get-it-now-look afterwards.
"Uh, okay? Anyway," was my inelegant response to his weird explanations. Wala talaga akong gana makipag-usap sa taong 'to. I hate looking at his eyes, too.
Holy God, did I sign up for this?
"Sa salas ako matutulog. 'Wag kang mag-alala, rito sa kuwarto mo si Chim. Kapag umiyak, tawagin mo na lang ako."
Kunot-noong isinara ni Uno ang pinto habang ako naman ay papalapit sa anak ko para padede-in siya. My baby was so hungry that he aggressively sucked the silicone nipple.
I let out a sigh after letting him hold his bottle.
"You'll sleep here," saad nito at sinamaan ko agad ng tingin. "I'll take the couch."
I unconciously looked at the small couch and Uno realized what I was thinking in a wink of an eye.
"I mean, the couch in the living room."
I shrugged. "Ako sa couch," ani ko at nagsimulang ayusin ang bag ni Chim na naglalaman ng mga damit niya. Suddenly, my stomach roared like a feisty lion, ready to kill its prey. Napausal na lang ako ng dasal na sana hindi ito narinig ni Uno. Nakakahiya kung sakali. "Tama na 'yung pinatira mo kami rito. Hindi din naman kami magtatagal."
"I'll take the couch, Mayari. No ifs and no buts. Anyway," he cleared his throat, crossed his arms, and tilted his head to the side so he could stare at me — as if he was examining my features. Of course, our eyes met. God, I hate his eyes. "Nagluto na ako ng kakainin natin. Hurry up, the food is waiting."
He didn't look away, so, I did. I didn't like the idea of admitting this to myself, but man, his eyes were beautiful, really. Kung mananatili kang nakatingin ay maliligaw ka. They carry too much stars even the galaxies couldn't carry. His eyes were filling me with nostalgia about something I didn't even know.
Inabala ko na lang ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit ni Chim. "Sige na, susunod ako pagkatapos nito."
Ilang sandali siyang nanatili sa kaniyang puwesto bago tuluyang lumabas. Nakahinga naman ako nang maluwag.
"Diyos ko po," bulong ko sa aking sarili.
Hanggang saan kaya ako makakarating dahil sa mga pangyayaring 'to? Is being happy a curse? Bakit palaging may kapalit na lungkot at paghihirap? Parang 'yung balitang pinirmahan na ng kapatid ko ang parental rights... It brought me so much happiness that I actually imagined myself on cloud nine. Now, this wheel of life was driving me insane.
"How's the food?" Uno asked out of the blue. Naputol tuloy ang pagnguya ko sa mangga na panghimagas ko.
"This mango or your Italian style fried chicken?"
"The Italian fried chicken," he chuckled.
Siya ang naghuhugas ng mga pinagkainan dahil inagaw niya ang mga ito mula sa akin. From where I was sitting to where he was standing, I could see his muscles moving as he rinsed the dishes. Kung si Tristan ang nakakakita n'yan ay paniguradong naglaway na 'yon. "I love receiving feedbacks."
"Good," tipid kong sagot. "It's okay."
"And?"
"What?"
Natawa naman ito. Hindi naman ako nagbibiro. Parang gago, wala namang nakakatawa.
"Nothing."
Hindi na ako kumibo dahil ayaw ko talagang nag-uusap kaming dalawa. It felt wrong... Well, maybe not wrong, but I just hate the nostalgic feelings I get whenever we confabulate.
Itinuon ko ang atensyon ko sa mga halaman sa paligid.
Naalala ko tuloy bigla si Kuya Eros, mahilig rin kasi sa halaman 'yon. He loved plants and flowers so much that our parents even used a lot in Cortegena for him to manage a garden of his own. Pumatok rin ito sa mga dumadayo roon sa hacienda.
He named it Garden of Queens dahil para daw iyon sa akin, kay Diya, at kay Mom. He said, we are his queens and we deserve a garden of fresh flowers.
If only his friends knew about his soft side, for sure hindi na nila ito tatawaging 'initimidating stone.'
I missed them so much. Kamusta na kaya silang lahat? Diya stopped giving me updates since our last talk on the phone.
Busy siguro.
"Mayari?"
I snapped out of my reveries when Uno stole my attention.
"What?" tanong ko sa lalaking pinupunasan ang kaniyang mga kamay sa maliit na bimpo.
"Are you free tomorrow morning?"
"No," mabilis kong sagot. "Why?"
"Afternoon?"
"I'm not," sagot ko uli. Parang gago talaga 'to kausap, e. "Bakit nga?"
"How about six thirty?"
"Problema mong tukmol ka?"
He chuckled. "Grocery sana tayo. My stock is not enough for us."
"Ah," sabi ko. Wala akong pera. Ayoko talaga kapag may perang involved sa usapan. Out of place agad ako. "Short ako ngayon at alam mo 'yan."
"I just want your company," mukhang naiinis niyang sabi. Ano bang ginawa ko? "Time is fixed."
May pinalidad na ang huli niyang sinabi kaya makatatanggi pa ba ako sa lagay na 'yan? Masyadong bossy, akala mo naman kung sino.
KINABUKASAN AY MAAGA akong nagising dahil may trabaho pa ako. Alas cuatro pa lang ay naligo na ako at tanging asul na shirt lang ang sinuot ko na tinernuhan ko ng pantalon.
Pagkalabas ko sa banyo ay wala na si Chim sa kaniyang kuna. Hindi naman ako kinabahan dahil bahay 'to ni Uno. Isa pa, rinig na rinig ang malakas na pinapanood nila sa ibaba. Boses pa lang ng nagsasalita ay alam ko na. Si Spongebob.
Pagkatapos mag-ayos ng gamit ko at ni Chim na kakailanganin ni Uno mamaya ay bumaba na ako. Naabutan ko naman ang mag-ama na parehong tumatawa sa kanilang pinapanood. Tuwang-tuwa ang anak ko na pumapalakpak habang ginagaya ni Uno ang nasa TV.
"Good morning," bati ko sa dalawa. Uno's eyes met mine, his smile still plastered on his face. Naka-fitted shirt ito na puti at basa ang buhok. Naligo na rin pala.
Ang fresh naman niyang tignan. Naligo rin naman ako, pero bakit mukha pa ring nakatakas sa Death March?
"Nag-almusal ka na?" I asked. "I'm not concerned, I'm just asking. Gawain ko ang mag-iwan ng kakainin bago ako magtrabaho."
Natawa naman ito, animo'y nasabi ako ng nakakatawa. Inunahan ko lang naman dahil baka ma-misunderstood niya.
"I cooked breakfast," inayos niya si Chim sa kaniyang mga hita. His muscles tensed as he fixed Soul's position, then he stood up on his feet. "Let's eat, kanina pa kita hinihintay."
Napatanga na lang ako sa sinabi niya.
Medyo natuwa ako na nagluto siya dahil ngayon ko lang ito naranasan. Ngayon lang may nakahandang almusal na naghihintay sa akin. Sa Mt. Camel kasi ako ang nag-iiwan ng almusal para kay Tessa.
Gayunpaman, nakakainis na hindi pa siya nagsimulang mag-almusal. Required ba na hintayin pa ako bago siya kumain? Hindi niya ba kayang kumain mag-isa at dapat subuan ko pa?
Pinatay niya ang TV at nagsimula nang maglakad patungong kusina. Binitawan ko ang bag ko sa couch at sumunod na sa kanila.
"Don't forget our appoinment later," sabi ni Uno pagkatapos naming kumain. Siya na ang nagligpit dahil inagaw niya na naman ang mga ito mula sa akin. He stacked up the dishes before placing them to the sink. "How's the food?"
Tumaas ang tingin ko sa kaniya habang umiinom ako ng tubig saka umirap.
Bakit ang daming tanong ng lalaking 'to? Hindi mapakali kapag hindi nagku-kuwento o nagtatanong. Parang ako pa ang mas lalaki sa aming dalawa.
Nagluluto rin naman ako, pero hindi ko naman tinatanong kung kamusta ang pagkain. Parang ang yabang ng dating.
"Good."
"Good?" he stopped rinsing the dirty dishes to look over his shoulder and said, "I told you, I love receiving feedbacks. Can you at least elaborate that comment?"
Gago? Ano pa ba ang gusto niya? I-rate ko pa 'yung luto niya? Ipaliwanag ko kung ano nararamdaman ko habang nginunguya ang beef steak? Sabihing highly recommended?
Masyadong wala sa katinuan. Nakakainis.
I blew air, trying to maintain my composure. It's too early to even spew vindictive vituperation.
"My answer is good enough as a feedback."
Tumawa na lang siya at tinapos ang hugasin. Ako naman ay umakyat para magsipilyo sandali. Pagkababa ko naman ay nakaayos na si Uno.
Pinalitan niya ang shorts niya ng pantalon at nakasapatos na rin ito.
"Saan ka?" kunot-noong tanong ko habang minamata siya mula ulo hanggang paa. "Kung may lakad ka, isasama ko na lang si Chim sa eatery."
"Wala," agad na sagot niya saka inikot-ikot ang susi sa kaniyang daliri. "All done? Hatid ka namin ng anak mo."
I faked a smile.
Parang gusto kong manakit. 'Yung iritang-irita na ako na magkasama kami ni Uno kaya gustong-gusto ko nang makalayo sa kaniya, tapos ngayon makikisampid pa sa byahe ko? Sige lang, Uno. Sagarin mo pa ang pasensya ko.
"I can manage."
"No, delikado para sa isang babae ang umalis mag-isa," babala niya. "Isipin mo ring may anak kang naghihintay sa 'yo umuwi."
"You're not my dad, Uno. Matanda na ako at kaya kong mag-isa," paalala ko naman. "Tatlong sakay lang rin ako kaya 'wag niyo na kong samahan. Sige na, una na ako."
I took my bag, walked towards Uno to kiss Soul on his forehead, and walked out of the house.
Kaso, nakasunod pa rin si Uno. He locked the front door and headed his way to his car.
Putcha?
I sucked my inner cheeks and smiled to no one, trying to calm my fuming nerves. I cracked my knuckles as hard as I could that I almost break them.
Wala na rin akong nagawa dahil handang-handa na 'yung baliw na magmaneho. Umupo na sa driver's seat.
I sighed in frustration and started taking heavy steps towards his car. At dahil pikon na pikon na ako sa kaniya, sa likod ako sumakay.
Binagsak ko ang bag ko sa kabilang dulo at saka ko sinandal ang ulo ko sa headrest.
I squeezed my eyes shut as I took deep breaths. Napadilat na lang ako nang mapansing hindi pa rin binubuhay ni Uno ang makina.
Our eyes met on the rearview mirror. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at matalim ang tingin sa akin. Napaayos tuloy ako ng upo.
"Problema mo?"
"Sit beside me, I'm not your driver," utos niya. "Come here fast or you'll be late."
Ang arte naman nito taong 'to. Pasalamat siya sumakay pa ako kahit ayoko siyang makasama. Daming pakulo.
THE WHOLE RIDE was not as chaotic as I expected it to be. Ang daming k'wento ni Uno tungkol sa iba't ibang bagay tulad ng halaman, libro, at kalikasan.
He's really into nature.
Pakiramdam ko ay unti-unti ko siyang nakikilala dahil sa dami ng kuwento niya sa akin. He looked happy as he told me about his likes and dislikes. And during the ride, his face was covered in rutilant rays.
"Aight," he said as he pulled over in front of the eatery. "We're here. Enjoy your day."
Hinalikan ko si Soul sa kaniyang noo at saka nagpasalamat kay Uno. "Be careful, you're holding my son."
"Yeah, I got him. I'll pick you up later."
"Hindi na kailangan," I unbuckled my seatbelt and said goodbye before hopping out of his car.
Bukas na ang kainan nang datnan ko ito. Agad naman akong binalot ng kaba nang makitang kasama ni Chesca sa loob sina Tristan at Saab.
I pushed the glass door open and the wind chime rang. All of a sudden, all eyes were darted on me.
"Good morning." I greeted.
Binati ako ni Chesca pabalik. As for Saab, she just rolled her eyes and continued fiddling on her phone. Mas nagwala tuloy ang mga daga sa dibdib ko.
Patay malisya akong naglakad papunta sa counter at nagtanong kung kumain na ba sila.
Si Chesca lang ang sumagot.
I was speechless. I ran out of words to say. Naglihim ako sa kanila at pinatayan ko pa sila ng cellphone kaya paniguradong inis na inis ang mga ito. Ewan ko lang kay Chesca.
"WALA KA BANG tiwala sa amin?" asked Saab as I sauteed the garlic.
Hindi ako lumingon sa kanila dahil alam kong iba ang aura ng itsura ko kapag may tinatago ako.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila. Hindi lang talaga ako handang malaman nila ang buong katotohanan. At siguro... Hindi rin ako handang matatak sa isipan nila na hindi ako ang totoong ina ng anak kong si Chim.
Makasarili siguro ako kung tatawagin, pero hindi ko 'to maalis sa puso ko. I wanna be labeled as Soul's mother. Hindi tita, hindi foster parent.
Sa wakas ay hinarap ko sila. Saab and Tristan were sitting around a round table, and Chesca on the other hand, was dicing some ingredients.
Pinalabas muna ni Tristan sila Kuya Dan dahil may importante kaming pag-uusapan.
"Saab, alam mong may tiwala ako sa inyo," depensa ko. "Kayo lang ang kaibigan ko, sino pa bang pagkakatiwalaan ko maliban sa inyo?"
"Bakit hindi ako naniniwala sayo?" tanong niya pabalik. "Ni hindi mo man pinaalam na nagkikita kayo ng ex mong walang kuwenta! He left you, for fuck's sake, Mayi! Kung ako sa 'yo, hindi ko siya hahayaang makalapit sa anak kong inabandona niya. And there you are, living under the same roof? Why? To make another baby?"
"What the fuck, Saab?" said Chesca. "Watch your words. At least, let Mayi explain. Masyado kang mainit diyan."
"Fine," Saab raised her hands as if she just surrendered in a battle. "Go, explain."
Hininaan ko ang apoy at saka inilagay na ang mga iba pang sahog. Pagkatapos ay dahan-dahan ko itong hinalo. Pinakbet ang ang unang putaheng niluluto ko ngayon. Tinakpan ko muna ito.
Then, I leaned my back against the wall and crossed my arms.
"Una sa lahat, hindi ko ex si Uno—"
"I don't care. You both fucked and the product was Chim. Still the same for me."
"Saab, isa pa," Chesca warned and Saab rolled her eyes in return.
"Hindi ko na sinabi sa inyo dahil alam kong pinoproblema niyo din ang mga problema ko. Ayoko lang makadagdag," suminghap ako at saka pinunasan ko ang aking pawis gamit ang apron na suot ko. "I have too much problems, at dumagdag pa si Uno. 'Yung pagdating niya 'yung mas nagpahirap sa 'kin dahil mas kinailangan kong magpursiging magtrabaho. Kailangan kong kumita at makabayad ng utang bilang patunay na kaya kong palakihin ang anak ko nang mag-isa."
"I can't let him have my child. Nanahimik ako dahil ayoko din namang malaman niyong nandito siya at ginugulo ang buhay ko. I know you are willing to help, pero marunong din akong mahiya," I let out a sigh. "I'm really sorry. I didn't tell you because I am selfish, inaako ko lahat."
"Pagod na pagod ka na, Mayi," biglang sabi ni Tristan gamit ang kaniyang natural na malalim na boses. He looked me in the eyes and I could see concern and sympathy written on his face. "I'm willing to help you carry your cross because I love you. We love you, Mayi. Tigilan mo 'yung kakaisip na makakadagdag pabigat ka sa amin o ano, no."
"Pamilya tayo, 'di ba?" Saab pouted after rolling her eyes. "You should stop hiding things from us! Nakakainis kasi na parang mas may tiwala ka pa kay Tessa kaysa sa 'min na tropa mo talaga. I know she's our friend, okay? Pero alam kong iba ang level ng closeness nating apat kaya sinong hindi magtatampo?"
I bit my lower lip. "I'm sorry."
"I-I'm sorry rin, Mayi," paumanhin ni Saab na ngayon ay tumatayo para salubungin ako ng isang mahigpit na yakap. "I love you!"
We engulfed each other in a bone crashing hug. Pero imbis na gumaan ang pakiramdam ko ay mas bumigat ito.
Maybe because I know the fact that I am still keeping a huge secret from them.
Hindi pa rin ako handang sabihin ang lahat. I just hope that this secret won't unfold to reveal itself to the world.
"Sali!" tili ni Tristan. Nagbalik na nga ang matinis niyang boses. "Mga gagang 'to!"
All four of us shared a warm group hug for a minute or two. Making me feel loved, appreciated, seen, and heard.
Nakalulungkot na na sa akin ang problema. Wala sa pagkakaibigan naming apat. Natatakot akong mawala sa akin ang mga taong ito na tinuring akong pamilya sa oras na malaman nila ang totoo.
Hindi ko kakayanin.
"No more secrets?" Saab raised her pinky finger to the air, in the middle of our circle.
"No more secrets!" Tristan intertwined his pinky on Saab's finger that was soon followed by Chesca.
"Mayi!" Tristan called.
I'm sorry... Ngayon pa lang basag na ang pangakong hindi pa man nabubuo.
Dahan-dahan kong inangat sa ere ang kamay ko para gumaya sa kanila. I wrapped my pinky around their locked fingers and softly said, "No more secrets."
"So," sabi ni Saab nang matapos ang ritwal nila sa isang matamis na pangako. "Sino 'yung naghatid sa 'yo na naka-gray na Lamborghini Urus?"
I licked my lips. I was about to talk when Saab spoke.
"'Tang ina, kay Uno ba 'yon?"
Tumango na lang ako saka binalikan ang niluluto ko. Si Saab naman ay nagsimulang mag-alburoto tungkol sa kotse ni Uno.
"I loathe him to death but his car is fucking bomb! 'Tang ina, Mayi. Dream car ko kaya 'yon!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Dream car mo 'yon? Ang pangit naman."
"Hala, gago ka ba?! Mayi, alam mo ba kung magkano 'yon?! Tapos sasabihin mong pangit?!"
"Magkano ba?" tanong ni Chesca.
"O," inabot ni Saab ang kaniyang phone kay Chesca. "I-search mo. Dalian mo, bago ko sabunutan itong si Mayi."
Natawa na lang ako. I only like my car. Wala akong amor sa ibang klase ng kotse kahit gaano pa 'yan kamahal.
"Shit, I really love his car," lumalabing sabi ni Saab at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.
"Bumili ka," entra naman ni Tris. "O kaya pabili ka sa mga sugar daddy mo."
"Nakakatawa 'yon? Nakakatawa? O saludo," itinaas ni Saab ang kaniyang hintuturo at saka nilapit sa mukha ni Tristan. "Nakakaproud ka, Tris. Wala ka talagang kuwenta kausap."
Gumanti naman si Tristan at nagsimula na ang dating gawi nila. Aso't pusa na naman ang dalawa.
"Gagi," biglang sabi ni Chesca at napatakip pa ng bibig, mukhang gulat na gulat. "The Lamborghini Urus is an SUV. The price starts at $207,326..." she trailed off and continued reading, "P12.7 million siya rito sa Pinas."
"See!" tili ni Saab habang nakasabunot ang kamay sa buhok ni Tristan. "Mamaya ka sa 'kin, Mayi."
I tsked. Wala akong pakialam sa presyo. I hate expensive things. Kapag mahal, automatic na siyang pangit para sa akin.
"Mayi?!" Saab yelled in a sharp voice, napaso tuloy ako sa gulat. Sinamaan ko siya ng tingin pero mas nakalukot pa ang mukha niya kaysa sa akin. "Bakit ka nga pala hinatid ni Uno?!"
"THERE YOU GO, little guy," Uno said as he placed Soul in the shopping cart's baby seat, happiness was obviously visible in his tone. "Behave for me, okay?"Hindi pinansin ng bata ang ama, sa halip ay ang relo ni Uno ang pinagdiskitahan. Uno just laughed.Kusang naglandas ang isang ngiti sa aking labi. Ang ganda nilang pagmasdan. I suddenly thought about having a family of my own.Kailan kaya mangyayari 'yon? How am I able to build a family when I can't even open my heart again? Wala rin akong balak buksan pa ito."Akin na 'yung listahan mo," utos ko kay Uno sabay lahad ng aking palad. He just looked at it, confused. "Grocery list. Ako na kukuha, magtulak ka na lang diyan."His questioning eyes traveled to my palm and my face back and forth. Nang makabawi ay saka siya nagkamot ng ulo."Let's buy a notebook first, I guess?""Para saan?""Le
SIMPLE NGUNIT ELEGANTE. 'Yan ang unang napansin ko sa bahay ni Uno nang makapasok ako sa loob. Hindi ito kalakihan gaya ng mga mansyong pang mayaman talaga dahil nag-iisa lang naman raw siya.Pero kahit hindi kalakihan ay napakaganda talaga nito. You'll feel the vibes of nature due to the fact that you are surrounded with bamboos, wooden furnitures, and potted plants.Dahil may pagkamadaldal itong tatay ni Chim ay sinabi niyang bumili siya agad ng bahay nang malaman ang balita tungkol sa kaniyang anak na narito sa Pilipinas.Hindi ba siya sira ulo sa lagay na 'yon? Hindi naman kailangang bumili pa ng bahay. How impractial.Pero kung sabagay, barya na lang sa kaniya ang malaking halaga, bakit pa ako magtataka? Kahit siguro hindi kailangan ay paniguradong binibili niya.I looked around Uno's room. The interior design didn't fail to scream authority and power. The color palette was a mixture
Taranta akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ang walang tigil na pagkalabog ni Aling Ramona sa pintuan. Kulang na lang ay masira at magiba ito sa sobrang lakas, pero hindi 'yun ang nasa isip ko, kundi ang posibilidad na gamitin ito laban sa akin ni Uno.Gamitin ang katotohanang marami akong bayarin bilang alas para makuha niya sa akin ang anak ko. Hindi puwede.Hindi puwedeng dahil doon ay matalo ako at mawalan ng karapatan sa bata. I can't live without my son.Lalaban ako ng patayan kahit si Satanas pa ang harapin ko.Pinagbuksan ko si Aling Ramona at ang hininga niyang amoy alak ang sumalubong sa akin. Lumabas ako para doon kami mag-usap, at dahil nga lasing siya, hindi kami nagkak
Sa pangalawang pagkakataon ay parang isang alaala ng nakaraan na naman ang nakita ko. At ang nakapagtataka ay parehas lamang ang mga tauhan... sina Stella at Clara.Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Hindi kaya tama si Saab?"Gusto mo ba, diretso muna tayo sa psychiatrist bago tayo magthrifting? Baka kasi may mental issues ka na pala?"Mental issues? Hindi puwede. Hindi ako puwedeng mabaliw! Paano 'yung anak ko?"Mayari?"I snapped out of my thoughts when I heard Uno's voice. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin at mukhang nawi-weirduhan. Puwes, hindi siya nag-iisa dahil maski ako ay ganoon ang nararamdaman."You okay?" he asked. Pagkatapos ay inayos niya si Soul sa kaniyang mga braso."I'm okay," wala sa sariling sagot ko. Bahagya akong natawa 'tsaka umiling. "Papalitan ko na 'yung damit ni Chim.""I'l
"Let's get out of my room before we wake my baby," I said as I walked towards the guy. Hanggang ngayon ay nakatitig siya sa akin, bakas pa rin ang gulat sa kaniyang mukha. Masyado yatang nagulantang sa nalaman. "Mr. Pesquisa."It took nearly five minutes before he actually moved. His adam's apple went up and down. Tumango siya at lumabas 'tsaka ako hinintay sa harap ng pinto.Just as I was about to close the door shut, he stopped me, by holding my wrist."You're really not Idianale?" he asked."Positive," I shot his hand a look, hoping he'll let go, but he didn't. Instead, his grip tightened. "Let go of my hand.""Before that," he said in a baritone voice, enough for me to feel shivers down my spine. "Let me remind you something," he leaned down close until his face loomed before mine. "That baby, asleep in the crib in there—"I held my breath.
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang matanggap ko ang magandang balita mula sa aking kapatid. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.Nang gabing iyon ay kaagad ko siyang tinawagan para makapagpasalamat. Thank God she didn't change her number. Matagal na kasi siyang hindi nangangamusta, na-iignora lang rin ang mga texts and calls ko, kaya inakala kong ganoon na ang ginawa niya.Napangiti ako nang maalala ang mga sinabi ni Diya sa'kin."I'm so excited for you, 'bal!" she said cheerfully on the other line. "Soon, sa mata ng batas, ikaw na ang mommy niya!"Halos mapunit ang labi ko sa saya. Tinupad niya talaga ang pangako niya sa akin noon. 'Eto na lang daw ang regalo niya sa nalalapit na first birthday ni Chim."Hindi ka ba talaga pupunta dito?" I asked. Kahit anong baligtad ang gawin ko sa mundo ay hindi magbabago ang katotohanan na siya ang nagsilang sa bata. "Kahit