Share

07

Author: sheisatree
last update publish date: 2020-08-07 15:51:00

"THERE YOU GO, little guy," Uno said as he placed Soul in the shopping cart's baby seat, happiness was obviously visible in his tone. "Behave for me, okay?"

Hindi pinansin ng bata ang ama, sa halip ay ang relo ni Uno ang pinagdiskitahan. Uno just laughed.

Kusang naglandas ang isang ngiti sa aking labi. Ang ganda nilang pagmasdan. I suddenly thought about having a family of my own.

Kailan kaya mangyayari 'yon? How am I able to build a family when I can't even open my heart again? Wala rin akong balak buksan pa ito.

"Akin na 'yung listahan mo," utos ko kay Uno sabay lahad ng aking palad. He just looked at it, confused. "Grocery list. Ako na kukuha, magtulak ka na lang diyan."

His questioning eyes traveled to my palm and my face back and forth. Nang makabawi ay saka siya nagkamot ng ulo.

"Let's buy a notebook first, I guess?"

"Para saan?"

"Let's make a list so you can cross items out," paliwanag niya at iginaya pa ang cart pabalik sa pinagkuhanan nito. "Sa ground floor 'yung bookstore—"

"Uno," napasapo ako sa noo ko. At inis na nagsalita, "I really hope you're joking. Tara na nga sa loob. Ako nang bahala."

Bwisit.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at naglakad na ako palayo. Nakasunod naman siya agad.

Nagsimula ako sa condiments at seasonings na madalas gamitin sa pagluluto. Sunod naman ang gulay at panghuli ang karne. Good for more than a week na ang mga ito.

Habang kumukuha ako ng mga kakailanganin ay parang gago lang si Uno. Minsan nakatitig sa akin at minsan naman ay lutang na nakadiretso ang tingin.

Parang gusto ko nang maniwala sa sarili ko na siya talaga ang dapat magpa-psychiatrist.

"Ayos na 'to," sabi ko nang makalapit sa kanila Uno. Inilagay ko sa cart ang isang kilo ng asukal. "Kung may kailangan ka pa, ikaw na kumuha."

Tinignan niya lang ako nang diretso at saka tumango. "That's good enough, right? Magbayad na tayo."

"Sige."

Pagkatapos magbayad ay dumiretso kami sa Baggage Counter para iwan ang cart na puno ng mga kahon na naglalaman ng aming pinamili.

"Maghihintay na lang ako sa food court, Uno." I said as I took the number card from the attendant.

"Nope, you'll come with me."

"Ano namang gagawin ko doon?" Iritang tanong ko. "Wala naman akong kailangan bilhin."

Nagpapasama kasi itong si Uno sa Department Store. Magmumukha lang naman akong ewan roon na nakasunod. Eh, wala naman akong bibilhin.

"You're really hard-headed," he rolled his eyes in frustration. Bumaba ang matalim niyang tingin sa aking kamay na siyang kinainis ko. "I'm sorry but..." he trailed off. "Let's go."

Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ako sa aking pulsuhan at sinimulang hilahin papunta sa direksyon ng Department Store.

Sa gulat ay hindi na ako nakapagsalita at napasunod na lang. Habang hawak niya ako ay para akong kinabahan. My heart started beating abnormally fast. Napaisip tuloy ako kung uminom akong kape kanina.

Hindi naman.

Napasapo ako sa aking dibdib gamit ang aking kabilang kamay.

We were running, not too fast and not too slow either. And although running, everything seemed to move in a slow motion, slowly turning into a glitch.

"Clara, h-hinihingal na ako," malakas ngunit paputol-putol na sabi ko kay Clara. "Clara!"

Nilingon niya ako para lamang kindatan at saka nagpatuloy sa pagkaladkad sa akin patungo sa dagat.

Mahigpit ang hawak niya sa aking pulsuhan kaya hindi ako makakalas.

"Clara, ano ba? Humanda ka talaga sa 'kin mamaya."

Huminto kami nang marating na ang dalampasigan. Parehas kaming habol hininga. Napayuko ako at napahawak sa aking mga tuhod para bumawi ng hangin.

"Kamusta ka na diyan?" natatawang tanong niya na halatang nang-aasar.

Inirapan ko siya. "'Wag mo akong kausapin."

"Mahal," malambing na tawag niya. Mayamaya ay may mga kamay nang pumalupot sa 'kin mula sa aking likuran. "'Wag ka na ding magalit diyan. Papangit ka lalo—este—papangit ka niyan. Gusto mo ba 'yon? 'Wag ka na mag-ala tigre diyan."

Inis kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin. Tinapunan ko siya ng isa pang masamang tingin. "Wala nga akong gana sa dagat, 'di ba? Bakit ba ang hirap mong kausap?"

Mahinhin siyang tumawa. "Baka oras na kasi para harapin mo 'yang takot mo. Sa ilog nga tuwang-tuwa kang maligo, e."

"Ilog 'yun."

Naglakad ako palayo para hindi ako mabasa ng tubig na pabalik-balik mula sa katawan ng dagat hanggang sa buhanginan.

Napapikit ako at saka humingang malalim. Mistulang musika ang tunog ng dagat sa aking mga tainga. Naglalaban ang tubig-dagat sa isa't isa na siyang naglilikha ng magagandang tunog.

Nakagiginhawa.

Ngunit, hindi ko talaga kayang maligo sa dagat. Mula noong mamatay ang alaga kong aso na si Gada ay hindi ko na muli ikinatuwa ang pagligo rito.

Labing dalawang taong gulang ako nang mawala sa akin si Gada.

Kaarawan ni Mama noon at masaya ang lahat na pumunta sa dagat. Ang kainan ay gabi magaganap. Buong pamilya ay magkakasama rito at masayang naliligo habang sa bahay naman ay may naiwang mga tao na magluluto ng mga kakainin.

Pati ang paboritong ulam ni Gada ay ipinaluto namin dahil alam naming mas nagiging bibo siya pagkatapos kumain.

Sa kasamaang palad, habang naliligo kami ni Sierra, ang pinsan ko, ay nabitiwan ko ang tali ni Gada. Matagal-tagal rin bago ko napagtantong wala na sa akin si Gada.

Marunong akong lumangoy kaya kahit malalim ay kaya ko. Hindi na rin bago sa alaga ko ang maligo sa dagat, dahil naliligo kami sa mababaw na parte, ngunit sa puntong 'yon ay masyado kaming napalayo ni Sierra.

Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Habang sumisisid para hanapain si Gada ay para akong pinapatay. Ayaw kong umahon kahit hindi na ako makahinga. Gusto ko lang mahanap ang Gada ko.

Ngunit hindi ko rin kinaya ang pagpasok ng tubig sa aking bibig. Para akong nabubulunan. Nang oras na gusto ko nang umahon ay hindi ko na magawa.

Nandilim na ang paningin ko at nawalan na ako ng lakas at malay. Sa kabutihang palad, ako ay nasagip ni Tito Sandro. Nasagip din naman ang katawan ni Gada.

Ngunit hindi ang buhay niya.

"Stella..." mahinang tawag sa akin ni Clara. Nakaramdam ako ng mga haplos sa aking mga pisngi. "Pasensya na, 'wag ka nang umiyak."

Napadilat ako. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Nag-iwas ako ng tingin. "Sabi ko naman sa 'yong ayaw ko rito."

"Mahal mo ang dagat, hindi ba? Pero dahil kinuha niya sa 'yo ang mahal mo, nagalit ka na sa kaniya," hindi ako kumibo. Totoo 'yon. Mula noon bago ang masamang pangyayari ay mahal ko ang dagat. Ito ang takbuhan namin ni Gada sa tuwing may hindi kami pagkakasunduan nila Mama. "Pero puwede mo naman siyang mahaling muli. Dalawa na silang lalapitan mo maliban sa akin. Ang dagat at si Gada. Magkasama silang makikinig sa 'yo."

Napatingin ako kay Clara at nagtama ang aming mga mata. Nagsimulang lumabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadyang lumabas. Gusto ko mang pigilan ay hindi ko na rin nagawa. Tuluyan na silang bumuhos.

"Stella," pinahiran ni Clara ang aking mga luha. "'Wag ka nang malungkot. Nandito si Gada. Magkasama sila ng mahal mong dagat. Pakawalan mo na at ipaubaya rito. Ligtas na siya."

Napatingin ako sa dagat at bumulong, "Gada."

"We're here, hey," napabalikwas ako nang alugin ni Uno ang mga balikat ko. "You okay? A-Are you asthmatic?"

Napako ang mga tingin ko sa tiled floor.

Sila na naman. Nakita ko na naman sila.

Hindi ko maintindihan. Bakit parang may mga bagay na nangyari na noon at nauulit na lang ngayon?

"Stella."

Lumaki ang mga mata ko nang marinig ang pagtawag sa akin ng lalaki sa aking harapan. Iritable na si Chim sa kaniyang mga bisig at gusto nang magpakarga sa akin.

"A-Anong—" I swallowed a lump in my throat. "Anong tawag mo sa 'kin?"

"Mayari, why? What's happening to you?"

"No," I opposed. I clenched my jaw as I  straightened my back. "Ibang pangalan ang tinawag mo sa akin."

Gulong-gulo na ang hitsura ni Uno. Inayos niya ang pagkakabuhat sa anak. "I said Mayari."

Ipinilig ko ang aking ulo at saka nag-iwas ng tingin. Napahalimos ako ng mukha.

Ganito ba talaga ang mga nararanasan ng Maladaptive Daydreamers? It seems like everything is a mixture of reality and illusory reality.

"Nevermind." I took Chim from him and started walking inside the store. Sinalubong ako ng malamig na hangin at nagulo pa ang buhok ko. Ayoko talaga 'yung pa 'welcome' nilang hangin.

Bigla akong natigilan sa paglalakad nang may maalala. Natigilan rin si Uno na nakasunod sa akin.

"What is it?" he asked.

"Don't you even dare touch me again," madiin kong sabi. Napalunok naman siya base sa pag-angat ng kaniyang adam's apple. And I continued, "I hate it."

"KANINA PA TAYO paikot-ikot," reklamo ko kay Uno na mukhang nag-eenjoy sa kaniyang Department Store Tour. "May balak ka ba talagang bilhin o ano? Maglilibot na lang ba tayo?"

"Finally," he smiled in relief. Napatingin naman ako sa kanyang tinitignan. "Follow me."

Naglakad siya patungo sa Kids' Corner. May lumapit sa kaniyang saleslady na sobrang pula ng labi, parang sinapak. Maarte siyang ngumiti at nagpa-cute kay Uno, hindi naman siya tinitignan.

I rolled my eyes. "Papansin."

Lumapit ako kay Uno at tinanong kung anong bibilhin niya. He smiled and said, "Our baby's needs."

My eyebrows furrowed, almost touching each other's ends.

"You look like someone who stepped on a shit," he chuckled. "What's with the look?"

"Wala."

Parang ewan lang kasing pakinggang ng 'our baby.' Hindi ko naman siya asawa.

"Ikaw na mamili," utos ni Uno at tinuro pa ang mga stroller. "Tapos, ikaw na rin pumili ng child seat ni Soul."

Halos matunaw ang puso ko nang mapagtantong mamimili siya para kay Chim. He's really a father figure to his son.

Napangiti tuloy ako. "Okay."

He smiled back, so, I looked away. His eyes were making my thoughts and feelings shambolic. Nakakainis lang.

Dalawa ang pinagpilian kong disenyo ng stroller. Ang isa ay magkahalong light blue at black, at ang isa naman ay navy blue at brown. In the end, nagkasundo kaming ang navy blue na may brown na lang.

Any shades of blue attract my eyes, and as for Uno, he said his favorite colors were earth colors. That's why we chose the second stroller.

Si Uno na ang pinapili ko sa child seat. Pagkatapos ay kumuha rin siya ng mga damit, medyas, at sapatos ni Chim. Siya ang nagkusang pumili dahil ni minsan ay hindi niya raw ito nagawa para sa bata.

"MAGPAHINGA KA MUNA bago ka maligo," saad ni Uno pagkatapos naming ayusin lahat ng pinamili. "What do you want to eat?"

I shrugged. "Let me cook. Hindi ko naman sisirain ang kusina mo."

He chuckled. "Okay."

Pagkatapos kong magpahinga ay naligo na ako. Naabutan ko si Uno sa salas na karga ang anak habang pinapa-dede ito. He already knew how to do it alone. He's swaying a little as he hummed a familiar song.

"Have I told you lately?"

He was startled that he stilled. He turned around to face me, a small smile forming in his lips.

"I think," he said softly that it almost sounded like a whisper. "It's his favorite."

"I bet it is." I replied. Lumapit ako sa kaniya at saka kinuha ang bata dahil hindi pa naman ito natutulog. "Maligo ka na, ako na dito."

He nodded and walked away. Ako naman ay nagsimula nang asikasuhin ang aming kakainin. I placed Chim on his highchair, letting him play his new plushie bear.

Masyadong energetic si Chim para matulog.

Nagdesisyon akong magluto na lang ng paborito kong Sinigang. Hindi ko alam kung magugustuhan ito ni Uno pero bahala siya. I cooked what suits my taste.

Mayamaya lang ay natapos na ang niluluto ko. Saktong naghahain na ako nang bumaba si Uno. Umangat ang tingin ko sa kaniya.

He was topless, only wearing his black board shorts, and droplets of water were cascading down his body. His muscles were appearing and disappearing as he dried his hair with his towel.

Nice.

"Smells good," nakangiting sabi niya. "Sinigang, right? I often confuse myself with nilaga and sinigang."

Tumango na lang ako at hindi na kumibo. Umupo kami at saka nagsimulang kumain.

"Have you ever been to Villa Silverio?" he asked in the middle of our dinner.

Biglaan ko namang nalunok ang hindi ko pa nangunguyang kanin na sinubo ko. I almost choked.

"Yeah." And I don't even want to remember that place. Ever.

"The first time I met Idianale was at a party," he said as he chewed his food. "Villa Silverio and Cortegana partnership party."

Tumango ako. Alam ko 'yon. I didn't attend the party due to the fact that I have fever plus the fact that I've always hated socializing.

Teka, bakit niya ba gustong pag-usapan ang mga 'to? Naubusan na ng kuwento?

"We decided to go out—"

Binaba ko ang mga kubyertos na hawak ko at umirap. "If you're going to start storytelling, well, you better stop because I am not interested." Not even a little. Kinuha ko ang baso ko at saka nagsalin ng tubig. "I hate love stories."

PANGITI-NGITI ANG anak ko habang ito'y natutulog. Tila ba nasa isang napakagandang lugar sa kaniyang panaginip. A perfect view to witness.

I caressed his head and whispered, "I love you."

Alam ko rin sa puso kong mahal ni Uno ang kaniyang anak. He won't let anyone or anything separate him from his son. Not even me.

Pareho ang aming pinaglalaban. Pareho ang aming minamahal. At higit sa lahat, pareho kaming ayaw mawala ang aming anak sa aming piling.

Pero ano ang gagawin ko? Sa mata ng batas, si Uno ang mas may karapatan sa bata. Siya at si Diya; sila na tunay na magulang ng anak ko.

Gumuhit ang sakit sa ang dibdib.

Nagitla ako nang biglang tumunong ang cellphone ko. It was a call from our group chat. Sinagot ko naman ito at saka umayos ng higa.

"Hi!" kumakaway na bungad ni Tristan, close up na close up pa ang pagmumukha. "Kabagot sa bahay!"

Palagi namang bagot itong si Tristan. Anong bago doon? Napatingin ako kay Saab. Sa iba nakatuon ang kanyang atensyon, halatang nanonood ng pelikula.

"Saab!" Tristan called in a high voice.

"Shut up."

"Si Chim?" biglang tanong ni Chesca habang nagpapatuyo ng buhok. Halatang pumagitna sa namumuong gyera sa pagitan nina Saab at Tristan.

"Here." Hinarap ko ang camera kay Chim at saka ko inalapit ang mukha ko para pareho kaming kita.

"Aww, tulog na pala si baby boy."

"Si Uno na saan?" taas kilay naman na tanong ni Tristan. "Katabi mo ba?"

"Gago, hindi," sagot ko. "Nasa salas."

"Buti naman," irap pa ni gaga. "Hoy, Saab! 'Raulo, 'to. Focus ka sa 'min."

"Sandali, tulok! Ba't ba gagad na gagad ka diyan? Memorize ko na mukha— Yes! Bed scene na!" sagot naman ni Saab at saka pumalakpak na parang bata nang abutan na ang eksenang inaabangan. "Ang hot talaga ni Massimo!"

"'Tang ina, 365 Days pala!" tili ni Tristan. "Napanood na natin 'yan, e!"

I chuckled. "Are you lost, baby girl?"

"Jusko, sobrang kalat," reklamo ni Chesca sa kabilang linya na ngayon ay pumapapak na ng gatas. "Anyway, kamusta diyan sa new environment mo, Mayi girl?"

Napabuga ako ng hangin saka umayos ng higa. I hugged Chim from the side. "Well, I saw Stella and Clara... again."

Parang inensayo ng tatlo ang kanilang mga reaksyon, sabay-sabay na lumaki ang mga mata at bumukas ang mga bibig.

"What happened?" asked Chesca, obviously excited. "Dali, ano nangyari?"

Saab paused the movie, pagkatapos ay tinapat ang mukha sa camera. "What the fuck happened?"

I told them everything about what happened. Mula sa paghawak ni Uno sa kamay ko hanggang sa mga pangyayaring nakita ko.

Parang wala akong ibang sinabi dahil sa mga pinuna nila. As expected, nagalit sila sa paghawak ni Uno sa akin. Molestya daw.

Mga sira ulo talaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   07

    "THERE YOU GO, little guy," Uno said as he placed Soul in the shopping cart's baby seat, happiness was obviously visible in his tone. "Behave for me, okay?"Hindi pinansin ng bata ang ama, sa halip ay ang relo ni Uno ang pinagdiskitahan. Uno just laughed.Kusang naglandas ang isang ngiti sa aking labi. Ang ganda nilang pagmasdan. I suddenly thought about having a family of my own.Kailan kaya mangyayari 'yon? How am I able to build a family when I can't even open my heart again? Wala rin akong balak buksan pa ito."Akin na 'yung listahan mo," utos ko kay Uno sabay lahad ng aking palad. He just looked at it, confused. "Grocery list. Ako na kukuha, magtulak ka na lang diyan."His questioning eyes traveled to my palm and my face back and forth. Nang makabawi ay saka siya nagkamot ng ulo."Let's buy a notebook first, I guess?""Para saan?""Le

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   06

    SIMPLE NGUNIT ELEGANTE. 'Yan ang unang napansin ko sa bahay ni Uno nang makapasok ako sa loob. Hindi ito kalakihan gaya ng mga mansyong pang mayaman talaga dahil nag-iisa lang naman raw siya.Pero kahit hindi kalakihan ay napakaganda talaga nito. You'll feel the vibes of nature due to the fact that you are surrounded with bamboos, wooden furnitures, and potted plants.Dahil may pagkamadaldal itong tatay ni Chim ay sinabi niyang bumili siya agad ng bahay nang malaman ang balita tungkol sa kaniyang anak na narito sa Pilipinas.Hindi ba siya sira ulo sa lagay na 'yon? Hindi naman kailangang bumili pa ng bahay. How impractial.Pero kung sabagay, barya na lang sa kaniya ang malaking halaga, bakit pa ako magtataka? Kahit siguro hindi kailangan ay paniguradong binibili niya.I looked around Uno's room. The interior design didn't fail to scream authority and power. The color palette was a mixture

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   05

    Taranta akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ang walang tigil na pagkalabog ni Aling Ramona sa pintuan. Kulang na lang ay masira at magiba ito sa sobrang lakas, pero hindi 'yun ang nasa isip ko, kundi ang posibilidad na gamitin ito laban sa akin ni Uno.Gamitin ang katotohanang marami akong bayarin bilang alas para makuha niya sa akin ang anak ko. Hindi puwede.Hindi puwedeng dahil doon ay matalo ako at mawalan ng karapatan sa bata. I can't live without my son.Lalaban ako ng patayan kahit si Satanas pa ang harapin ko.Pinagbuksan ko si Aling Ramona at ang hininga niyang amoy alak ang sumalubong sa akin. Lumabas ako para doon kami mag-usap, at dahil nga lasing siya, hindi kami nagkak

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   04

    Sa pangalawang pagkakataon ay parang isang alaala ng nakaraan na naman ang nakita ko. At ang nakapagtataka ay parehas lamang ang mga tauhan... sina Stella at Clara.Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Hindi kaya tama si Saab?"Gusto mo ba, diretso muna tayo sa psychiatrist bago tayo magthrifting? Baka kasi may mental issues ka na pala?"Mental issues? Hindi puwede. Hindi ako puwedeng mabaliw! Paano 'yung anak ko?"Mayari?"I snapped out of my thoughts when I heard Uno's voice. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin at mukhang nawi-weirduhan. Puwes, hindi siya nag-iisa dahil maski ako ay ganoon ang nararamdaman."You okay?" he asked. Pagkatapos ay inayos niya si Soul sa kaniyang mga braso."I'm okay," wala sa sariling sagot ko. Bahagya akong natawa 'tsaka umiling. "Papalitan ko na 'yung damit ni Chim.""I'l

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   03

    "Let's get out of my room before we wake my baby," I said as I walked towards the guy. Hanggang ngayon ay nakatitig siya sa akin, bakas pa rin ang gulat sa kaniyang mukha. Masyado yatang nagulantang sa nalaman. "Mr. Pesquisa."It took nearly five minutes before he actually moved. His adam's apple went up and down. Tumango siya at lumabas 'tsaka ako hinintay sa harap ng pinto.Just as I was about to close the door shut, he stopped me, by holding my wrist."You're really not Idianale?" he asked."Positive," I shot his hand a look, hoping he'll let go, but he didn't. Instead, his grip tightened. "Let go of my hand.""Before that," he said in a baritone voice, enough for me to feel shivers down my spine. "Let me remind you something," he leaned down close until his face loomed before mine. "That baby, asleep in the crib in there—"I held my breath.

  • MAYARI ALVIOR: Breaking the Chain of Scars [TAGALOG]   02

    Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang matanggap ko ang magandang balita mula sa aking kapatid. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.Nang gabing iyon ay kaagad ko siyang tinawagan para makapagpasalamat. Thank God she didn't change her number. Matagal na kasi siyang hindi nangangamusta, na-iignora lang rin ang mga texts and calls ko, kaya inakala kong ganoon na ang ginawa niya.Napangiti ako nang maalala ang mga sinabi ni Diya sa'kin."I'm so excited for you, 'bal!" she said cheerfully on the other line. "Soon, sa mata ng batas, ikaw na ang mommy niya!"Halos mapunit ang labi ko sa saya. Tinupad niya talaga ang pangako niya sa akin noon. 'Eto na lang daw ang regalo niya sa nalalapit na first birthday ni Chim."Hindi ka ba talaga pupunta dito?" I asked. Kahit anong baligtad ang gawin ko sa mundo ay hindi magbabago ang katotohanan na siya ang nagsilang sa bata. "Kahit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status