LOGINTaranta akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ang walang tigil na pagkalabog ni Aling Ramona sa pintuan. Kulang na lang ay masira at magiba ito sa sobrang lakas, pero hindi 'yun ang nasa isip ko, kundi ang posibilidad na gamitin ito laban sa akin ni Uno.
Gamitin ang katotohanang marami akong bayarin bilang alas para makuha niya sa akin ang anak ko. Hindi puwede.
Hindi puwedeng dahil doon ay matalo ako at mawalan ng karapatan sa bata. I can't live without my son.
Lalaban ako ng patayan kahit si Satanas pa ang harapin ko.
Pinagbuksan ko si Aling Ramona at ang hininga niyang amoy alak ang sumalubong sa akin. Lumabas ako para doon kami mag-usap, at dahil nga lasing siya, hindi kami nagkakaintindihan.
"Sa susunod na linggo po—"
"'Tang inang palugit! Hindi ka nagpaload na puwede mong i-extend hangga't kailan mo gusto! May mga bayarin rin ako, Mayari!" mahabang litanya niya na nasundan ng pag-ubo. Nang makabawi ay nagsalita ulit siya. "Sa susunod na balik ko at wala pa din akong napala, maghakot ka na! Kung wala ka lang anak, matagal ko nang ginawa 'yon!"
Nanahimik na lamang ako dahil wala naman akong laban doon. Kasalanan ko ito at may pinanggagalingan si Aling Ramona.
I was the one in the wrong.
Pagkatapos akong pagsabihan ay sumakay na siya sa kaniyang tricycle at saka umuwi, leaving me nervous.
Narinig kaya ni Uno ang lahat?
Kabado akong pumasok sa apartment at nang makitang walang bakas ng Uno sa salas ay medyo napresko ako. I took my phone and headed on our room, and there, I saw Uno.
He was sleeping. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal ang likod sa dulo ng kama habang karga ang natutulog na anak. Nakadapa si Chim sa kaniyang dibdib.
Dahan-dahan kong pinihit pasara ang busol at saka lumapit sa mag-amang payapa ang tulog. They were both snoring softly. Parehas ring may awang sa kanilang mga labi. I bent my knees to take a closer look.
Uno's attractive.
May itsura pala itong lalaking 'to at ngayon ko lang napansin. Habang nakatitig sa kanila ay napangiti ako. I couldn't deny the fact that these two have so much similarities. Para silang pinagbiyak na bunga.
I stood up and walked towards the stool. I didn't know what to do next, should I take Soul and place him on his crib only to wake Uno up? Or should I let them on that position for the whole night?
Jusko, ang pangit ng posisyon ng ulo ni Uno. Nakakangawit. Kapag nagising 'to ay malamang may stiffed neck.
Well, wala naman akong pakialam doon.
In the end, because I have conscience, I decided to carefully take Soul away from Uno's arms. Hindi naman ito nagising. Pagkatapos ay naglagay ako ng unan sa tabi ni Uno at dahan-dahan siyang hiniga doon.
Hindi talaga nagising ah? Tulog mantika pala ang isang 'to. Madaling patayin kapag tulog. Pasalamat siya hindi ako gano'n kahit tinuturing ko siyang kalaban.
Kapagkuwan ay kinumutan ko siya 'tsaka ako humiga na para matulog. Kinabukasan ay nagising akong wala na siya. Nakalagay ang unan sa stool at nakapatong doon ang kumot na nakatupi na.
I sighed.
Panibagong araw na naman para magtrabaho. I did my morning routine and left for work. Sa eatery ay nagrant ako kay Chesca tungkol sa mga bayarin ko.
"Pero kahit na," she sighed as she wiped the table. "Hindi puwede 'yung gusto mo na maghahanap ka ng trabaho. Tignan mo ha, dito pa lang pagod ka na. Isama mo pa 'yung sa pagtutor mo, e 'di kamusta ka na lang kaya no'n? Baka maging buto't balat ka na."
I shrugged. "Doesn't matter to me."
Wala naman kasi sa isip ko ang pagod, e. Kahit gaano kahirap, kinakaya ko. Kailan ba ako sumuko? At saka, para 'to sa amin ng anak ko. Mas mahihirapan ako kung sakaling mapalayas kami sa apartment.
Hindi naman porque may mga kaibigan ako ay may sasagip na sa'kin. Well, of course they're willing to help. Hindi lang talaga ako abusado at hangga't maaari, gusto ko magawan ko ng paraan para matapos ang isang problema.
"Hindi ko lang talaga alam kung anong trabaho 'yung kikita akong malaki," pakli ko 'tsaka dumiretso sa counter, sinundan naman ako ni Chesca habang hawak 'yung tray na may mga pinagkainan. "Nakakapagod mag-isip."
"You're not right in the head if you think there's a job na kikita ka agad ng sandamakmak in an instant..." Chesca trailed off.
Napabuntong-hininga na lamang ako saka nag-isip pa ng ibang trabaho na puwede kong pasukan. I was falling deep into my thoughts when Art intercepted.
"Iniisip mo na naman ako?" he chuckled then wiggled his brows playfully. Kaagad ko naman siyang sinamaan ng tingin. "Care to share?"
"Nag-iisip ako kung anong magandang trabaho." I replied.
"O, bakit?" he asked as he leaned himself against the counter, then he placed his chin on his balled fist, staring at me intently.
"Short budget," sagot ko naman. I took my notebook then calculated all the incoming money for today. 'Tang ina, ito lang? I sighed. "May alam ka ba?"
Saglit naman siyang napaisip. Then, he raised his index finger as if a beautiful idea suddenly popped in his head. I seriously imagined a light bulb popping on top of his head, too.
"Be my girlfriend for a month! Name your price," he giggled. "Game?"
"Ina mo? Seryoso ako dito, Arthur." I hissed which made him laugh out loud like a mad man.
"Seryoso rin naman ako babe," his face suddenly looked dead serious. Pinasadahan ko naman siya ng naiinis na tingin. "C'mon!"
"Isang milyon," I smirked. "Game?"
He rolled his eyes then stood up straight. Nang lumabas si Chesca mula sa kusina ay kinawayan siya ni Art at saka ako sinumbong.
"Dagdag sakit sa ulo ka pa kasi," natatawang iling ni Ches na mas lalong nagpasimangot kay Arthur. "Mabuti pa ay umuwi ka na lang. Tapos ka na din namang kumain! Sandali—si Nico?"
Napatingin rin tuloy ako sa lamesa na inupuan ni Arthur kanina. Wala nga si Nico. Pansin ko lang na napapadalas ang pagkawala no'n ha?
Pinaliwanag naman ni Art sa amin ang dahilan. Busy kuno si Nico dahil uuwi na sa Pinas ang kaniyang ate, at siya ang naghahanap ng lupang pagtatayuan ng bahay na ipagagawa nito.
"Good luck, kamo," I said. "Miss na siya ni Chesca!"
"Luh, epal!"
Mabilis natapos ang oras at nagsi-uwian na kami. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagbyahe na ako papunta sa estudyante ko. Kagaya sa eatery ay natapos rin agad kami kaya maaga akong nakauwi.
I was happy because I could spend more time with my little one. Like a gift from heaven, hindi sumipot si Uno. I was expecting him to come over by six but he didn't, reason why I became extra happy.
Sa mga sumunod na araw ay parang naulit lang ang kahapon. Kada ala-sais ay pumupunta si Uno sa apartment para makasama si Soul at uuwi naman ito pagpatak ng alas-otso.
Sa mga oras na nakasama ko si Uno ay masasabi kong mapagmahal siyang ama. Tanging oo at hindi lamang ang mga lagi kong sinasabi kay Uno. Our conversations were just plain questions and answers. It was my choice, though.
Every time he tried to communicate and open a topic, I'd just excuse myself. I didn't like the idea of having a real and nice conversation with him. It felt wrong.
Kasalukuyan akong nagwawalis sa eatery habang ang mga kasamahan ko ay nag-aayos na. Oras na para magsara at umuwi.
"Uh," I cleared my throat. Nag-inat ako sandali at saka binaling na muli ang atensyon ko sa mga kasamahn ko. "Ayos lang ba kung bukas na lang 'yung suweldo? Ang baba kasi ng kita natin ngayong araw, 'tsaka 'yung kinita ko—"
"Walang problema!" Kuya Dan answered.
Kinakabahan akong naghintay sa mga sagot ng iba ngunit nawala ito nang makita silang nakangiti. Sinabi nilang naiintindihan nila 'yon at 'wag ko nang isipin.
I smiled in return.
Masyadong mahaba ang pang-unawa nila at hindi ko alam kung paano ko sila pasasalamatan doon.
I was expecting them to rant or whatever, but they never did.
Miyerkules ngayon kaya atat na akong umuwi. Makakasama ko na naman nang matagal ang anak ko.
I waved goodbye to my friends and headed my way home. But what I saw definitely teared me apart and I immediately inhaled the dark atmosphere.
"Aling Ramona, tama na po!" pagpigil ni Tessa kay Aling Ramona. She was standing next to the front door while carrying my son, looking helpless. Her eyes were gleaming with tears as she watched my stuffs being thrown away.
Nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Tumakbo na ako papalapit sa kanila at doon ko napagtantong lasing na naman si Aling Ramona.
Isa-isa niyang binabato palabas ang mga gamit ko, walang paki kung may mabasag man o wala.
I didn't know what to say and I had no idea how to react. Ang mga gamit ko ang nakahilera sa may pintuan at isa-isang nilalabas ni Aling Ramona.
Napahawak ako sa pinto habang nakatingin sa may-ari ng apartment. She wasn't even aware that I was here already.
She kept cussing at me.
Napatingin ako kay Tessa na siyang umiiyak na sa tabi ko. She told me to stop Aling Ramona... but I couldn't—even I wanted to.
It seemed like my brain suddenly stopped working and my body was not cooperating, as well as my tongue.
Napalingon sa akin si Aling Ramona na siyang may hawak na ngayon ng bag ni Soul na puno ng mga diaper.
"Sabi ko naman kasi sa'yo," she smiled and shrugged her shoulders before throwing the bag on the ground. "Madali akong kausap."
"Ate Mayi, ano ba?! Wala ka bang sasabihin?!" Tessa couldn't believe her eyes, I assumed.
Maski ako, hindi alam ang nagyayari sa'kin. Ang alam ko lang ay sobrang bigat ng nararamdaman ko at 'yun lang ang umiiral ngayon. I was like a balloon almost bursting due to the fact that I carried way too much air.
Huling kinaladkad ni Aling Ramona ang crib ni Chim. Tessa covered her mouth in shock. Then, Aling Ramona closed the door shut. Sinusi niya ito bago ako harapin.
"Magbayad ka pa rin," she hissed. "Magandang buhay!"
With that, she walked away.
Ako naman ay napaupo at napasapo sa dibdib ko. My hand automatically went inside my bag to hold the little envelope containing my payment for the rent. I held it too tight that I amost crumpled all the money in it.
"Sure ka na dito?" Chesca asked. Hindi man niya sabihin ay ramdam ko ang pag-aalala niya sa'kin. Tumango na lamang ako bilang tugon. "Inom kang maraming tubig ha?"
Again, I nodded. "Ayos lang ako! O siya, sige na. Mauna na ko sa loob. Ingat!"
She waved goodbye. "Ingat ka rin!"
Pumasok na ako sa mansyon. Ito ang unang araw ko para magtrabaho dito. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Chesca na naghahanap ang mga ito ng kasambahay pero hindi na importante 'yon.
Si Chesca muna ang mamamahala sa kainan at ang mga kasamahan namin. Mapagkakatiwalaan naman ang mga iyon.
Sanay rin ako sa pagbatak ng katawan kaya pumayag na ako dito. Tatlong libo raw sa isang araw ang kita. Malaki na 'yon! Ang sabi ay kailangan lang nila ng maglilinis ng bahay, 'yon lang. That's why I grabbed the chance.
Ngunit sa buong maghapon ko rito ay nagulat ako. Pinalinis na agad sa akin ang buong bahay. Ako rin ang pinagluto at pinaglaba, and when I tried to tell them it wasn't part of the deal, inaambahan nila ako ng suntok.
Mag-asawa ang nakatira at parehas mukhang sadista. Pinagbabysit rin nila ako sa anak nilang anim na taong gulang na. Not only that, they told me to be her tutor.
Pagkatapos noon ay pinaglinis rin nila ako ng mga banyo nila. Napakalaki ng bahay at ako lang mag-isa ang kumilos.
Pagkatapos maglinis ng banyo ay pinagdamo nila ako. May mini garden sila at mukhang napabayaan na dahil ang tataas na ng mga damo roon.
Nang matapos naman ay inutusan ako ng babae na hilutin ko siya. Full body massage. And of course, kahit ayaw ko ay wala akong nagawa.
When I wanted to drink water, pinagalitan pa ako ng lalaki. He said I should be ironing their clothes instead of relaxing my ass off.
Relaxing, huh? First day and I was already dying! Pumasok ako nang maaga. 6 AM to 5:30 PM. My first day of working felt like a year of torture already.
Sa loob ng isang linggo ay ganoon ang nangyari sa akin. Kahit walang dapat linisin ay dapat maglinis ako. Ngunit kinaya ko 'yon para may ipangbayad ako kay Aling Ramona.
Pagkatapos ng isang linggo ko sa impyerno ay nakabalik na ako sa eatery. But I chose not to tell anyone about how they treated me. Ang mahalaga, tapos na. May pera na ako pambayad.
Hindi na rin ako nagtaka kung bakit wala silang kasambahay. Walang kayang magtiis sa ugali nila.
Lahat ng luhang hindi lumabas noong panahong nagtrabaho ako bilang kasambahay ay bumuhos ngayon. Humagulhol na ako sa sobrang sakit.
What did I ever do to deserve this? Was it because I kept claiming Soul as my child? But he was my child! Wala akong maalalang kagaguhan na nagawa ko noon para maranasan 'to.
Tessa wrapped her arms around me. Nasa gitna namin ang anak ko kaya mas lalo akong naiyak. "Tessa, ang bigat-bigat — napapagod na ako."
Walang sinabi si Tessa, sa halip ay mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin hanggang sa medyo humupa na ang mga luha ko. Pagkatapos ay inalalayan niya na akong tumayo.
Napatingin ako sa paligid. There were passersby who seemed to be curious. I didn't care. I was obviously kicked out of this apartment.
"Paano na niyan, Ate Mayi?" Tessa asked. Inupo niya muna si Soul sa highchair nito 'tsaka ako tinulungan mag-ayos ng mga gamit kong nakakalat sa sahig.
"Hindi ko pa alam," I answered truthfully as I picked up my kraft box. Binalik ko ang mga laman na naalis doon. Malakas siguro itong binato ni Aling Ramona dahil malaki ang yupi sa gilid.
"Tutulungan kitang maghanap ng mauupahan ate," saad ni Tessa na siyang nagtutupi ng mga damit ko at isa-isang kinakabit sa maleta. "Dito na lang rin sa Mt. Carmel para hindi ka malayo sa kainan."
Hindi ako sumagot. May atraso pa ako kay Aling Ramona at obligasyon kong ibigay sa kaniya ang perang pinag-ipunan ko. Kung mangungupahan na ako agad sa iba ay wala pa akong maibabayad doon. Sasabay na naman 'yon sa pinaghihirapan kong bayaran ngayon, 'yung upa sa loteng kinatatayuan ng eatery.
Nabalot kaming dalawa ng katahimikan at tanging ang mga dumadaang sasakyan lamang ang mga naririnig namin.
Nang matapos mag-ayos ay inilagay muna namin sa kuna ang mga gamit. Tessa helped me push the crib when a luxurious car suddenly appeared.
I already knew it was familiar, but before I could figure out who the owner was, Uno came out of it.
"What the fuck just happened here?" bungad niya habang papalapit sa amin. Hinawakan niya ang crib para hindi namin maituloy ang pagtutulak. Then, his eyes met mine. "What happened to you?"
Napasinghap ako saka napahilamos ng mukha. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. 'Yung kinatatakutan kong mangyari ay nandito na. Naganap na.
"What do you think?" I asked. Saglit ay may hinanap ang mga mata niya at nang dumapo ang mga ito sa isang lugar ay saka pa lang napako doon.
Soul, of course.
Iniwan niya kami para buhatin ang bata. Pagkatapos ay bumalik na siya para magtanong ulit. Tessa was just silent.
"Uno, hindi pa ba halata?" naiiritang tanong ko.
As usual, Uno was calm and collected. "What happened? Pinaalis kayo?"
"Halata naman, 'wag mo nang ipaulit sa'kin," I replied sternly. "Tumabi ka na diyan, itutulak namin 'to."
"Saan kayo?" tanong niya, pero bago pa man ako makasagot ay sunod-sunod na malalakas na busina ang narinig ko.
Nang makita ko ang kotse ay nawala na ako sa sarili. It was Tristan's! My friends knew nothing about Uno! Putang ina.
Nagpark siya sa harap at bakas na agad sa mukha niya ang pag-aalala. Huminto siya sa paglalakad nang makitang may iba pa kaming kasama.
I silently cursed.
Maya-maya pa ay tuluyan na siyang lumapit sa amin. And to my surprise, he talked using his deep masculine voice that could easily snatch a girl's heart.
"Ayos ka lang? May ginawa ba sa'yo?" tanong niya sa akin, pagkatapos ay nilingon niya si Uno. "Ikaw, sino ka?"
"Who are you?" Uno asked in return.
"Don't answer my question with a question," malamig na sabi ni Tristan. Nagkatinginan tuloy kami ni Tessa. "Who are you?"
His question was followed by an uncomfortable silence and there was a tension in between their killer glares.
'Tang ina, Tristan. Anong ginagawa mo?!
"I'm Soul's father," Uno replied after a little while. Then he nodded. "Who are you?"
"I am Soul's father."
I swear to the gods and the goddesses, Tristan made me want to kill him this instant!
"Where were you when Mayi needed someone? Where were you when Mayi was struggling?" Tristan asked, he then took a step forward and his face met Uno's. "You were nowhere to be found, Mr. One Night Stand. I was the one who helped her raise Soul."
Bago pa man makapagdagdag ng sasabihin si Tristan ay hinila ko na siya palayo sa puwesto ni Uno. We stopped near the bush.
"Anong nangyayari sa'yo?" pagalit na tanong ko. Putang ina, baka gamitin rin ito ni Uno bilang alas para makuha ang anak ko sa'kin. I squeezed my eyes shut as I massaged my temples, then I sighed. "Tristan, pinalayas na kami ni Aling—"
"Tingin mo ba hindi ko alam?" he whispered. He looked so frustrated and I suddenly wondered why. "O tapos ngayon nandito 'yan? Guwapo siya, oo. Pero, Mayi, ang unfair naman ata sa'yo? Karga niya si Chim, now what? Sa kaniya titira?"
May kung anong sumipa sa dibdib ko nang marinig ang mga tanong ni Tristan. Una pa lang ay galit na ito sa ama ng bata dahil nga isang gabi lang pala ang kaya niya. Kahit ganoon ay dinadaan niya na lang sa biro para hindi ako masyadong maapektuhan.
"Anong gagawin ko?" I asked. All of a sudden, I knew I had no idea about what I should do. "Hindi niya p'wedeng kunin sa akin ang anak ko."
My voice cracked. Naiiyak na naman ako.
"Hindi ko pa man sinasabi, nandidiri na ako. Pero tingin ko, dapat maging girlfriend kita," suhestyon niya na ikinagulat ko. Dahil rin sa gulat ay nahigop pabalik ang mga luha ko. "'Tang ina, hindi tayo talo! Pretend lang, tangang 'to."
"Putang ina, Tristan. Hindi 'to oras ng pagbibiro, paano ako matutulungan niyan?" I hissed.
Napatingin ako sa puwesto nila Uno at nagtugma ang mga mata namin dahil saktong nakatingin siya sa akin. I furrowed my brows but he didn't look away.
"Ayaw ko sanang umiral kaharutan ko ngayon pero ang g'wapo ng tatay ni Soul, ina mo, Mayi," walang k'wentang sabi ni Tristan sa tabi ko. "Anyways, doon ka muna sa amin tumira."
Pinutol ko ang palitan namin ng tingin saka ko nilingon si Tristan. "Sige, salamat."
Nang wala na kaming masabi sa isa't isa ay bumalik na kami sa puwesto nila Uno. Tessa was carrying the high-chair.
"Let's go," said Uno as he carefully put Soul in my arms. "Wait me, I'll just put your stuffs in my car."
"Wait, what?!" Nahihibang na ba itong taong 'to?! Isama niya lelang niya! Nahulog talaga itong taong 'to sa duyan. "Hindi ako sasama sa'yo."
"Well," kibit-balikat niya saka pinaikot ang susi sa kaniyang daliri. "Yes you are."
Napatingin ako kay Tristan. Tessa was whispering something in his ear.
I was about to face Uno when he grabbed me on my arm. Hinila niya ako hanggang sa may kotse niya saka ako kinausap.
"Don't tell me you're coming with that guy?" saad niya habang hindi pa din inaalis ang kamay sa braso ko.
Inayos ko ang pagkakabuhat ko kay Soul. My baby was just mumbling his baby words, unaware of the struggles I was currently facing.
"Let go," utos ko na agad niyang sinunod. "You may be the father of my son, Mr. Pesquisa, but I'm not under your control."
"Ano na lang ang sasabihin ng tao sa'yo? Sa iba ka sumama ngayong nandito naman ako? Ako na ama ng batang hawak mo?"
I laughed sarcastically. "Wala silang alam tungkol sa nakaraan ko."
He opened his mouth but no words came out. After a moment of pin drop silence, he finally said something.
Something that triggered my weakness.
"Come with me or I'll take my son back."
"THERE YOU GO, little guy," Uno said as he placed Soul in the shopping cart's baby seat, happiness was obviously visible in his tone. "Behave for me, okay?"Hindi pinansin ng bata ang ama, sa halip ay ang relo ni Uno ang pinagdiskitahan. Uno just laughed.Kusang naglandas ang isang ngiti sa aking labi. Ang ganda nilang pagmasdan. I suddenly thought about having a family of my own.Kailan kaya mangyayari 'yon? How am I able to build a family when I can't even open my heart again? Wala rin akong balak buksan pa ito."Akin na 'yung listahan mo," utos ko kay Uno sabay lahad ng aking palad. He just looked at it, confused. "Grocery list. Ako na kukuha, magtulak ka na lang diyan."His questioning eyes traveled to my palm and my face back and forth. Nang makabawi ay saka siya nagkamot ng ulo."Let's buy a notebook first, I guess?""Para saan?""Le
SIMPLE NGUNIT ELEGANTE. 'Yan ang unang napansin ko sa bahay ni Uno nang makapasok ako sa loob. Hindi ito kalakihan gaya ng mga mansyong pang mayaman talaga dahil nag-iisa lang naman raw siya.Pero kahit hindi kalakihan ay napakaganda talaga nito. You'll feel the vibes of nature due to the fact that you are surrounded with bamboos, wooden furnitures, and potted plants.Dahil may pagkamadaldal itong tatay ni Chim ay sinabi niyang bumili siya agad ng bahay nang malaman ang balita tungkol sa kaniyang anak na narito sa Pilipinas.Hindi ba siya sira ulo sa lagay na 'yon? Hindi naman kailangang bumili pa ng bahay. How impractial.Pero kung sabagay, barya na lang sa kaniya ang malaking halaga, bakit pa ako magtataka? Kahit siguro hindi kailangan ay paniguradong binibili niya.I looked around Uno's room. The interior design didn't fail to scream authority and power. The color palette was a mixture
Taranta akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ang walang tigil na pagkalabog ni Aling Ramona sa pintuan. Kulang na lang ay masira at magiba ito sa sobrang lakas, pero hindi 'yun ang nasa isip ko, kundi ang posibilidad na gamitin ito laban sa akin ni Uno.Gamitin ang katotohanang marami akong bayarin bilang alas para makuha niya sa akin ang anak ko. Hindi puwede.Hindi puwedeng dahil doon ay matalo ako at mawalan ng karapatan sa bata. I can't live without my son.Lalaban ako ng patayan kahit si Satanas pa ang harapin ko.Pinagbuksan ko si Aling Ramona at ang hininga niyang amoy alak ang sumalubong sa akin. Lumabas ako para doon kami mag-usap, at dahil nga lasing siya, hindi kami nagkak
Sa pangalawang pagkakataon ay parang isang alaala ng nakaraan na naman ang nakita ko. At ang nakapagtataka ay parehas lamang ang mga tauhan... sina Stella at Clara.Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Hindi kaya tama si Saab?"Gusto mo ba, diretso muna tayo sa psychiatrist bago tayo magthrifting? Baka kasi may mental issues ka na pala?"Mental issues? Hindi puwede. Hindi ako puwedeng mabaliw! Paano 'yung anak ko?"Mayari?"I snapped out of my thoughts when I heard Uno's voice. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin at mukhang nawi-weirduhan. Puwes, hindi siya nag-iisa dahil maski ako ay ganoon ang nararamdaman."You okay?" he asked. Pagkatapos ay inayos niya si Soul sa kaniyang mga braso."I'm okay," wala sa sariling sagot ko. Bahagya akong natawa 'tsaka umiling. "Papalitan ko na 'yung damit ni Chim.""I'l
"Let's get out of my room before we wake my baby," I said as I walked towards the guy. Hanggang ngayon ay nakatitig siya sa akin, bakas pa rin ang gulat sa kaniyang mukha. Masyado yatang nagulantang sa nalaman. "Mr. Pesquisa."It took nearly five minutes before he actually moved. His adam's apple went up and down. Tumango siya at lumabas 'tsaka ako hinintay sa harap ng pinto.Just as I was about to close the door shut, he stopped me, by holding my wrist."You're really not Idianale?" he asked."Positive," I shot his hand a look, hoping he'll let go, but he didn't. Instead, his grip tightened. "Let go of my hand.""Before that," he said in a baritone voice, enough for me to feel shivers down my spine. "Let me remind you something," he leaned down close until his face loomed before mine. "That baby, asleep in the crib in there—"I held my breath.
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang matanggap ko ang magandang balita mula sa aking kapatid. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.Nang gabing iyon ay kaagad ko siyang tinawagan para makapagpasalamat. Thank God she didn't change her number. Matagal na kasi siyang hindi nangangamusta, na-iignora lang rin ang mga texts and calls ko, kaya inakala kong ganoon na ang ginawa niya.Napangiti ako nang maalala ang mga sinabi ni Diya sa'kin."I'm so excited for you, 'bal!" she said cheerfully on the other line. "Soon, sa mata ng batas, ikaw na ang mommy niya!"Halos mapunit ang labi ko sa saya. Tinupad niya talaga ang pangako niya sa akin noon. 'Eto na lang daw ang regalo niya sa nalalapit na first birthday ni Chim."Hindi ka ba talaga pupunta dito?" I asked. Kahit anong baligtad ang gawin ko sa mundo ay hindi magbabago ang katotohanan na siya ang nagsilang sa bata. "Kahit