LOGIN********
"Ang bobo naman ng tank urgh! anong ginagawa niyo diyan sa tore!? ayan na ang kalaban oh! buset umalis ka diyan! ang ta*ga naman ng mga kakampi ko! ayan na, ayan na!"
Nakaupo'ng nakasandal si alona sa kaniyang armchair habang nakapatong ang dalawang paa nito sa kaniyang dining table at seryosong naglalaro ng mobile legends sa kaniyang cellphone.ding dong* (door bell ringings)
Samantalang kanina pa kumakatok at dumo-door bell sa kaniyang pintuan sina Enya at rocco habang bitbit-bitbit nito ang mga pinamili nilang grocery sa supermarket.
"Sandali na lang matatapos na rin ako! masakit na masakit na talaga ang tiyan ko! wait lang!"
Pagsisinungaling sigaw ni alona sa tapat ng pintuan kahit ang totoo ay busy parin ito sa paglalaro niya ng mobile legends."Masama ang kutob ko dito. hindi ako naniniwala na nasa cr siya ngayon! sinasabi nang instinct ko na nagsisinungaling lang siya at busy nanamang naglalaro ng mobile legends sa armchair niya habang nakataas ang dalawa'ng paa niya sa dining table. hoy alona marie! buksan mo nga itong pintuan!"
Naiinis na sabi ni Enya habang paulit-ulit parin siyang kumakatok sa harap ng pintuan.Samantalang pabagsak na ang mga balikat ni rocco dahil sa sobrang pangangalay niya sa pagbitbit ng mga grocery bag na kanina pa niya binibitbit.
"Ano ba yan sabing sandali lang!"
Bulong ni alona sa kaniyang sarili nang bigla ulit kumatok ng malakas si Enya at sinabing,.."Kapag hindi mo pa 'to binuksan sa pagbilang ko nang tatlo, sisirain ko na talaga itong pintuan mo! isa! dalawa! tat-
"hays nakakainis talaga siya!"
Bulong ulit ni alona sa kaniyang sarili kahit padabog pa itong tumayo at binuksan ang pintuan."Masakit nga kasi sabe ang tiyan ko! hays!"
Pagkabukas na pagkabukas pa lamang niya ng pintuan ay agad namang pumasok sa loob ng bahay niya si enya at rocco. at sabay na inilapag nila ang mga bitbit nilang grocery plastic bag sa may kusina nito.
"Oh? ano ang mga iyan? pinang-grocery mo ulit ako? wow! sabe na nga ba ikaw ang the best na kaibigan in the whole world! kaya lab na lab kita eh! hehehehe thankyou my very kind friend!"
Tuwang-tuwa na sabi ni alona sa kaniya sabay may pa-thumbs up oa siyang nalalaman at may pakindat-kindat pa sa mata.Samantalang, iniistrech naman ni rocco ang balikat at dalawang braso niya sa sobrang pangangalay.
"Well, actually my friend we have something important that we need to discuss with you. seryoso itong pagmi-meetingan natin at hindi kami naparito para sa isang pajama's party."
Aniya niya sa kaniyang kaibigan nang bigla namang talikuran siya ni alona at parang may balak ulit itong tumakas.Pero bago pa man niya tuluyang gawin ang kaniyang binabalak ay agad na siyang pinigilan ni enya at sinabing,.."Hep. hep. hep! wag mo namang susubukang tumakas ulit kung ayaw mong burahin ko ang Ml account mo sa cellphone mo. charan!"
Sabay ipinakita niya ang selpon ni alona na hawak-hawak niya ngayon.Nanlaki ang mga mata ni alona sa sobrang gulat nang makita niyang hawak-hawak na ito ni enya.Paano'ng nangyaring napunta sa kaniya ang phone ko?
Sabi nito sa kaniyang isipan nang bigla niya ring maisipang kapain ang magkabilaang bulsa niya sa short pero mukhang hindi ito nagkakamali.Pagmamay-ari nga niya ang cellphone na hawak-hawak ni enya.
"Enya?"
Mahinang tawag niya rito habang sinusubukan niyang maging kalmado.Kabisado na kasi niya ang ugali ni enya, kapag sinabi nito ay gagawin talaga niya.
Kaya todo ang kaba'ng nararamdaman niya nang makita ang baby phone niya sa masamang kamay ni enya."Yes? tinawag mo ba ako Ms.Alona marie Harrison? hm?"
Pilyang wika nito sa kaniya sabay pilit na ngumingiti ito sa harapan nila."Kailangan niyo ba ang tulong ko? saan ko ilalagay ang mga ito? dito ba or doon? dito?"
Sabay lapit naman ni alona sa kanila at nagkukunwari pa na gustong tumulong sa kanilang dalawa ni rocco na maglagay ng mga can goods sa cabinet nito.Kahit ang totoo ay gusto lang niyang maka-tyempo ng magandang paraan para mabawi niya ang cellphone niya kay enya.Pero habang nilalagay niya ang ilang mga can goods sa cabinet, ay bigla naman siyang nahuli nang tingin ni enya na pasimple itong sumisilip sa bulsa ng jacket niya kung saan niya inilagay ang cellphone ni alona.
"Oh no! what should i do? kahit ano pa man 'yang mga ibinabalak mong gawin diyan sa utak mo, hinding-hindi ko parin ibabalik itong cellphone mo sayo no! pwera na lang kung matapos mo ang isang chapter ngayong gabi. wuahahahahahahahahahahahahaha~"
Napasimangot tuloy si alona sa mga sinabi niya at agad niyang binitawan ang hawak-hawak nitong de lata.
Sabay padabog siyang naglakad papunta sa kaniyang kwarto at malakas na isinara ang pintuan nito."Anong problema ng isang iyon?"
Nagtatakang wika ni rocco sa kaniya habang nakatingin siya sa kwarto ng dalaga."Well, don't mind her. ganyan lang talaga siya pero hindi siya galit. kaya kung ako sa'yo mas isipin mo kung ano bang potahe ang pwede mong iluto okey?"
Sabay tapik niya sa braso ng binata at agad na dumeretso sa kwarto ni Alona.habang nakanga-ngang naiwang mag-isa si rocco sa kusina sabay sabing,.
"What!? sinasabi ba niya na dapat ko silang ipaglutong dalawa ng tanghalian!? ano bang tingin niya sakin? alipin niya? utusan niya? argh~ ayoko na! ayoko na talaga! magreresign na lang ako keysa sa pagsilbihan ko silang dalawa! pambihirang buhay 'to oh!"
Galit na galit na sabi naman ni rocco sabay malakas niyang tinadyakan ang basurahan sa may bandang gilid niya.Samantalang, tahimik namang lumapit si enya sa kaibigan niyang nakaupo at nakaharap lang sa tapat ng laptop nito.
Agad niyang sinilip kung gumagawa na ba ito ng panibagong chapter pero napansin niyang blanko pa ito at wala pa siyang nasisimulan na kwento."Bakit hindi ka pa nagsisimula mag-type? anong hinihintay mo pasko? o katapusan ng ml mo? Alin don sa dalawa? hmm?"
Bulonf niya sa katabing kaibigan.Nang biglang yumuko si alona at sinabing,.."Hindi ko kaya."
Mahinang tugon ng dalaga."Ha? hakdog. ano nga! anong hindi mo kaya?"
Agad umikot si alona sa harapan ni enya sabay hinawakan niya ito sa magkabilaang braso at sinabi na,.
"Actually ma' friend, ang totoo talaga niyan hindi ko talaga alam ang isusulat ko sa next chapter. sobrang naguguluhan ako at hindi ko alam kung papaano ko ba siya uumpisahan sa una! alam mo ba yung pakiramdam na pinipilit mong mag-isip ng mag-isip pero kahit anong pilit ang gawin mo? wala talagang pumapasok sa utak mo! nagegets mo ba yung sinasabi ko ha?"
Napataas kilay lang si enya at tahimik na nakikinig ito sa kaniya."Makinig ka, hindi dahil sa ayokong magsulat okey? sadyang wala lang talaga akong maisip na pwedeng idagdag don sa kwento! hindi ko rin alam kung bakit walang pumapasok dito sa mighty brain ko! nagegets mo ba ang pinupunto ko ha, enya? gets mo? uy gets mo ba ha? gets mo? gets?"
Paulit-ulit na sabi niya kay enya. Sabay inaalog-alog niya pa ito sa bandang braso niya."Tingin mo ba kailangan ko nang magpa-konsulta sa doktor ha? ha?"
Sabay inalog-alog niya ulit yung kaibigan niya."Stop it! i said, it's stop it!"
Sigaw niya sa dalaga pagkatapos agad siyang binitawan ni alona sa braso."Bangag ka ba? kulang ka nanaman ba sa tulog? puyat ka ba? tell me, anong dahilan mo kung bakit ka nagkakaganito ha?"
Seryosong tanong nito sa kaniya.Hindi agad nakasagot ang dalaga sa kaniya at bigla na lang niyang inumpisahan na ngat-ngatin ang mga kuko niya sa daliri.
Agad namang napansin ni enya ang madalas na gawin ng dalaga sa tuwing naiistress ito at may malalim na iniisip.Kaya agad niyang pinagbawalan ito.
Pinapalo pa niya ng malakas ang kamay ni alona sa tuwing kakagatin muli nito ang kaniyang mga kuko sa daliri."Alam mo feeling ko nga rin tinutubuan na ako ng mga wrinkles sa mukha ko nang dahil sa sobrang stress ko sa istorya'ng iyan! tignan mo oh! look!"
Sabay inilapit niya ng sobrang lapit ang mukha niya kay enya.Nang biglang manliit ang mga titig ni enya sa dalaga sabay pinalo niya ito ng malakas sa bandang noo niya.
Kaya nagulat si alona sabay na-out balance pa siya sa kaniyang kinauupuan kaya kaawa-awa siyang nahulog don sa upuan."Lelang mo'ng panot! akala mo ba mauuto mo ko? hoy! para sabihin ko sayo ms.alona marie harrison, kilalang-kilala na kita no! ultimo paghinga mo at amoy ng utot mo alam na alam ko! kaya wag na wag mong susubukang utakan ako no!"
Sabay lapit nito sa kaibigan niyang hindi gumagalaw sa pwesto niya. pagkatapos agad niyang kinapkap ang magkabilaang bulsa nito at agad rin naman niyang kinumpiska ang cellphone na pasimpleng kinuha ni alona mula sa bulsa ni enya.Pero, ang hindi niya alam kanina pa napapansin ni enya ang malikot nitong kamay na unti-unting dinudukot ang cellphone niya sa bulsa ng jacket niya.
"Enya naman wag please? ibalik mo na iyang cellphone ko please? enya!"
Halos parang batang nagmamakaawa si alona sa harapan ni enya pero hindi siya kinikibuan nito at pa-cross arms pa siyang nakatingin sa kaniya.Bigla naman sumenyas si enya sa kaniya sabay itinuro niya ang laptop ni alona, na parang sinasabi niya na,.
"Tumayo ka diyan! magsulat ka na bilisan mo!"Walang nagawa ang kaawa-awang alona at padabog pa siyang tumayo sabay upo sa harapan ng kaniyang laptop.
Pero halos 15minutes na ang nakakalipas ngunit wala parin siyang naisusulat na kahit anumang letra at tanging nakatitig lamang sya sa harapan ng laptop niya."Kapag naitapos mo ang isang chapter ngayong gabi ay ibibili kita ng kahit anumang skin na gusto mong ipabili sakin."
Bulong ni enya sa tenga ni alona at para bang nilalason nito ang kaniyang isipan kung kaya't bigla siyang ginanahan at naghanda na sa pagsusulat.Hindi maitatanggi ang sobrang excitement sa kaniyang mukha ng marinig niya ang tungkol sa condition nito.
Sandaling inunat-unat muna niya ang kaniyang mga paa,tuhod,balikat at ulo. pagkatapos ay sinimulan na niya ang pagta-type ng sunod sunod na halos walang pause o preno.
Nakuntento naman si enya sa kaniyang nakita at pasimple niyang inilapag sa kama ang cellphone ni alona at dahan-dahan rin siyang lumabas sa kwarto nito sabay isinara ang pinto.
Pagkalabas pa lang niya ay agad niyang napansin sa kusina si rocco na pasimpleng humihigop ng sabaw sa potaheng kaniyang niluluto.
Dahil nakatalikod ang binata sa kaniya, ay hindi niya rin napansin na lumapit sa direksyon niya ang dalaga.
"tsk. tsk. tsk! isa pang problema"
Bulong ni enya sa kaniyang sarili habang pinapanood niya ang ginagawa ni rocco sa kusina.Biglang napansin ni enya ang white long-sleeve shirt na soot ni rocco, bagamat puti ito ay hindi man lang marunong mag-ingat ang binata sa kaniyang damit.
Kaya kusa nang kinuha ni enya ang apron na nakita niya sa kusina sabay lumapit siya sa binata at walang pasabi niyang ikinabit ito sa kaniya.
Laking gulat naman ni rocco nang biglang may maramdaman siyang gumagapang na kamay sa bandang beywang niya. kaya aksidente naman niyang nabitawan ang sandok na hawak-hawak niya kanina at sabay siyang napa-
"Aray ko!"
Nang mapaso niya ang kaniyang paa matapos niyang mabitawan ang mainit na sandok at sabay siyang napa-upo. sumakto namang napayuko si enya upang pulutin sana yung sandok na naihulog ni rocco subalit nagkataon rin namang nagkahuntugan pa sila sa isa't-isa.Sa sobrang lakas ng impak ng pagkakahuntugan ng mga ulo nila sa isa't-isa ay bigla naman na-out of balance si enya pero agad rin naman siyang nahawakan ni rocco sa bandang likuran niya kaya agad siyang naisalo nito.
Slowmotion naman siyang inangat ni Rocco papalapit sa kaniya. habang tulalang-tulala na nakakatitig ang dalaga sa kaniya.
Sandaling nanatili silang dalawa sa ganong posisyon, habang malagkit namang nagtatama ang mga paningin nila sa isa't-isa.
🎵🎶"You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for youI just can't compare you withAnything in this worldYou're all I need to be here with foreve-Sandaling naputol ang moment nila sa isa't-isa nang biglang lumabas mula sa kwarto si alona habang buong puso siyang kumakanta ng FOREVERMORE.
"Teka? anong ginagawa niyong dalawa sa kusina ko aber?"
Pagtatakang tanong ni alona sa dalawa, nang masaksihan niya ang hindi inaasahang eksena sa kusina niya.Kapwa pareho pa silang nagulat ng marinig nila ang boses ni alona. kaya agad ring binitawan ni rocco si eya pero tuluyan namang natumba ang dalaga sa floor sabay sigaw nang,.
"ARAY KO!"
Agad namang napaduwal sa hilo si Keiji nang makababa na sila sa roller coaster na sinakyan nila kanina.Habang wala pa ring tigil sa paghalakhak si Alona nang makita niya ang reaksyon ng binata na halos ilang beses nang napamura sa iba't-ibang lengwahe."Ano buhay ka pa ba ha?hahahahahahaha~" Pang-iinsultong sabi niya kay Keiji na sandaling napasulyap sa kaniya habang nakasandal ito sa pader."What's funny!? don't you know that i almost died because of you!?" galit na sabi ng binata sa kaniya nang bigla naman napahinto sa pagtawa si Alona nang makita niya ang seryosong mukha nito."Aba! baka nakakalimutan mo na kusa kang sumakay doon! tapos ngayon sisigawan mo ako at sisisihin na halos mamatay kana doon? sino bang may sabing sunakay ka doon!" pagkasabi niya ay agad na rin itong umalis h
True Love isn't love at first sight, but love at every sight.***(News Report)"Trending ngayon sa mga social media ang pinost ng sikat na writer na si Alona Marie Harrison sa kaniyang Instagram kung saan inihayag nang dalaga sa kaniyang post na, "Handa na akong tumandang mag-isa." tila palaisipan sa lahat kung ano ba talaga ang nais ipabatid ng sikat na writer sa kaniyang post. Sinasabi naman ng ilan na baka raw may kinalaman ito sa tunay na pagkatao ng writer. Totoo kaya siya ay-Kinuha ni Alona ang remote ng kaniyang TV sabay pinindot ang Off-button. Napabuntong hininga na lamang siya at isinandal ang kaniyang ulo sa sofa."Mga tao t
{Enya's pov}At the church."Lord, malapit na po ako lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana naman po ipakilala ko niya sa akin ang lalaking ni-reserve niyo para sakin. Pakiusap po gustong-gusto ko na po talagang magka-jowa! Kung maari lang po itulak niyo na siya papalapit sa akin at wag na po tayo magpatumpik-tumpik pa dahil nasa tamang edad na rin po ako. At kung maari lang po na sana nandito rin po ang lalaking iyon sa loob ng simbahan. Salamat po,Lord! pa-follow up po please!" Matapos ang taimtim na panalangin ay agad rin akong tumayo at binitbit ang bag ko upang sana lumabas na ng simbahan pero biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na itsura.Si Roc
Kasalukuyang namimili mag-isa si Alona sa isang supermarket mall habang may itinutulak itong big cart basket at namimili ng kung anong brand ng napkin ba ang bibilhin niya."Alin nga kasing brand yung madalas na ibili sakin ni Enya noon?" Napapaisip na sabi nito sa kaniya sarili. Halos nakakailang minuto na siyang nakatayo doon sa harapan ng mga napkins brand subalit wala parin siya mapili kung alin ba don ang bibilhin niya."Ahe excuse me po." Tawag niya sa isang babaeng katabi niya na may hawak ring grocery basket."Yes?" nagtatakang sabi nito sa kaniya."Matanong ko lang po, aling napkin brand po ang madalas niyong gamitin?" Tanong niya sa babaeng kausap nito. Habang napakunoot noo naman ang babae sa itinanong nito sa kaniya na tila'y hindi niya maitindihan ang dalaga kung bakit natanong ito sa kaniya."Ayy naku po! pasensya na po kayo hindi ko lang po kasi mapili kung anong brand
Waiting is easy, but you know what's hard? realizing that the one you are waiting for is not coming anymore.***7am in the morning, maagang bumangon at nagising si rocco sa kaniyang kama kahit hindi naman talaga siya sana'y na bumabangon ng maaga.Balak na sana niyang sabihin kay Enya ang nalalaman niya patungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga at balak na rin sana niyang ipakita sa dalaga ang paboritong libro na siya mismo ang nagsulat.?Put your head on my shoulderHabang masayang-masaya pa itong kumakanta sa pagligo niya sa loob ng banyo at naglalagay ng sabon sa bandang kili-kili.Maging sa pagprito ng itlog at paglagay ng ketchup na pahugis puso ay masasabi mong sumisinta na nga ang pilyong si Rocco.Halos masiglang-masigla ang gising ng binata at todo ayos pa nito sa kaniyang buhok habang nagl
Sana ang Love my stop light din.para malalaman natin kung we should go for it, wait for it, or just stop for it to avoid heart accidents.***Duke Marcello"Babe anong gusto mong kainin? gusto mo bang mag-rice or just sandwich lang? babe?" shaina said.Pero tila hindi ito nakikinig sa sinasabi niya at tanging sa ibang direksyon siya nakatingin at nakafocus.Bigla kasi nahagip ng atensyon niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa bandang dulo habang may ilan pa itong mga kasamang kumakain rin."Si alona ba yon?" biglang tanong sa kaniya ng kasintahan niyang si shaina sabay kumapit ito sa kaniyang braso."Bakit hindi tayo makisalo sa kanila? diba babe? it's been a long time nung huli natin sila nakasama." tanong pa nito sa kasintahan ni